MAPEH(Arts) 5 Unang Markahan – Modyul 4: Sinaunang Bagay, Ating Italakay

Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Ang mga sinaunang anyo ng sining na ito ay binubuo ng mga banga, tapayan at mga sinaunang anyo ng tirahan ng mga Pilipino. Ang mga bagay na ito ay mahalagang yaman ng kultura na naglalarawan sa anyo ng pamumuhay natin noon (1). Noong unang panahon sa Pilipinas, nakalalayag ang mga tao sa mahigit 7,000 nitong isla gamit ang mga bangka na tinatawag na balangay o Balanghay. Ang makalumang sasakyang pantubig na ito ay nagpapakita ng kagalingan ng sining ng tao (2). Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at may malalim na kaalaman sa sining. Makikita ang mga katangiang ito sa mga arkeolohikal na artifact ng bansa (3).

Sa araling sining na ito ay tatalakayin ang kahalagahan ng mga yaman ng lahing Pilipino at mga likhang-sining na naimpluwensiyahan ng mga
mananakop sa Pilipinas (A5EL-Ic) at inaaasahang makamit ang mga sumusunod:

a. Natatalakay ang kahalagahan ng mga yaman ng lahing Pilipino at likhang-sining gaya ng Manunggul Jar at Balanghay.

b. Nakaguguhit ng isang yaman ng lahing Pilipino gamit ang crosshatching at contour shading.

c. Napahahalagahan ang mga yaman ng lahing Pilipino at likhang-sining ng Pilipinas.

Arts5_Q1_Mod4_SinaunangBagayAtingItalakayManungguljar_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment