Mayaman ang ating bansa sa mga sinaunang mga bagay tulad ng kagamitan, kasuotan, pagkain at mga gusali tulad ng sinaunang bahay, simbahan, paaralan at iba pa na matatagpuan sa isang pamayanan.
Ang mga sinaunang bagay at gusali ay bahagi ng kultura ng ating bayan kaya dapat itong pahalagahan at ipagmalaki. Makatutulong ito sa pag linang ngpambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Ang munting eksibit ay ginagawa upang upang maipapakita ang mga likhangsining. Layunin nitong maitanghal at maipagmalaki ang mga sinaunang bagay at gusali bilang bahagi ng ating kultura.
Sa modyul na ito matutuhan mo ang tungkol sa payak na eksibit ng mga larawang iginuhit tungkol sa Philippine Artifacts at lumang tahanan gamit ang sumusunod na mga layunin bilang gabay sa pagkatuto ng aralin.
1. Naikukuwento sa pamamagitan ng maikling sanaysay ang mga artifacts, lumang tahanan, gusali at simbahan bilang patunay ng pagkamasining ng mga sinaunang Pilipino.
2. Nakikibahagi sa payak na eksibit ng mga larawang iginuhit tungkol sa Philippine Artifacts at lumang tahanan.
3. Napahahalagahan ang mga sinaunang gusali at kasangkapan sa sariling lugar sa pamamagitan ng eksibit.
Arts5_Q1_Mod7_PayakNaExhibit_v2