Araling Panlipunan 8 Quarter 2 Module 4: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

This is the Araling Panlipunan 8 (Grade 8 Social Studies) self-learning module for Quarter 2, Module 4: “Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan” (contributions of classical civilizations to the development of global awareness). It covers the lasting achievements of Greece, Rome, the kingdoms of Africa, the civilizations of Mesoamerica and South America, and the Pacific Islands. After the module, learners should be able to explain why these contributions still matter today. DepEd Caraga Region prepared it as part of its Alternative Delivery Mode (ADM) modules.

What learners will learn

The module’s most essential learning competency is to express appreciation for the contributions of classical civilizations to the development of global awareness (AP8DKT-IIf-8).

By the end of the module, learners are expected to:

  • analyze the contributions of classical civilizations to global awareness;
  • identify their important contributions in different fields;
  • list the key contributions of classical civilizations;
  • explain why these contributions matter to global awareness; and
  • write a slogan and an essay showing appreciation for these contributions.

Topics in this module

The module has five topics (Paksa):

  1. Ang Kontribusyon ng Greece (contributions of Greece)
  2. Ang Kontribusyon ng Roma (contributions of Rome)
  3. Ang Kontribusyon ng mga kabihasnan sa Africa (contributions of African civilizations)
  4. Ang Kontribusyon ng kabihasnang Mesoamerica at South America (contributions of Mesoamerica and South America)
  5. Ang Kontribusyon ng mga Pulo sa Pacific (contributions of the Pacific Islands)

Key ideas: Greece and Rome

The module sorts each civilization’s contributions by field (larangan).

FieldGreeceRome
Law and governmentDemocracy flourished under Pericles.The Twelve Tables (Lex XII Tabularum), Rome’s first written law (451-450 BC), gave equal rights to plebeians (common people) and patricians (the wealthy).
LiteratureHomer wrote the Iliad and the Odyssey.Livius Andronicus translated Homer as the Odyssia; Plautus and Terence wrote comedies; Cicero was a statesman, lawyer, and writer.
Architecture and engineeringTemples in Ionian, Doric, and Corinthian styles, such as the marble Parthenon on the Acropolis in Athens.The Appian Way (312 BCE, 370 km), aqueducts, the domed Pantheon, and the Colosseum.

Other Greek contributions in the module:

  • Philosophy: Socrates (“Know Thyself”), Plato (“The Republic”), and Aristotle (“Politics”). Thales of Miletus introduced the first philosophy, teaching that the world came from water.
  • Sculpture: Phidias made the statues of Athena in the Parthenon and Zeus at Olympia.
  • History: Herodotus, the “Father of History”, wrote about the Greco-Persian War. Thucydides, called the greatest Greek historian, wrote about the Peloponnesian War between Athens and Sparta. Xenophon wrote the Anabasis.
  • Medicine: Hippocrates, the “Father of Medicine”, treated medicine as a science, not magic.
  • Mathematics: Pythagoras and his students introduced the Pythagorean Theorem.

The Romans also wore the tunic, toga, and stola.

Key ideas: Africa, the Americas, and the Pacific

Africa

  • Mali (1235-1468): Founded by Sundiata, who took control of the gold and salt mines. Its kings were called Mansa, as in Mansa Musa. Timbuktu was its cultural center, and Mali supplied gold to Europe.
  • Songhai (1468-1590): Replaced Mali. Askia Mohammad set up an orderly system of taxes and communication; the module calls Songhai the most organized kingdom of West Africa.
  • Axum (Ethiopia, 500 BCE to 600 CE): Had its own gold coins and written language.

Mesoamerica and South America

  • Maya: Pyramid-shaped temples, knowledge of astronomy, a 365-day calendar, the symbol for zero, a counting system based on twenty, picture writing, and the ball game pok-ta-pok.
  • Aztec: Built Tenochtitlan on Lake Texcoco in 1325, the Stone Calendar, and skill in gold and silver work, pottery, and weaving. Their chief god, Huitzilopochtli, demanded human sacrifice.
  • Inca: Machu Picchu in the Andes, sundials, terraced farms and irrigation, state-run socialism, and the quipu, a counting system of knotted colored cords.

Pacific Islands

  • Polynesia (“many islands”): Lived by farming and fishing, believed in mana (sacred power), and followed tapu rules to protect it.
  • Micronesia (“small islands”): Fished, farmed, and traded using stone money and shells; practiced animism.
  • Melanesia: Lived mainly by farming, raised pigs, was led by warriors, and believed in mana.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts, in this order:

  1. Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
  2. Balikan and Tuklasin: review and warm-up activities (Gawain 1 to 3), such as sorting countries by continent and naming great thinkers.
  3. Suriin: the main reading on each civilization.
  4. Pagyamanin: practice activities (Gawain 4 to 6) on contributions in agriculture, politics, and other fields.
  5. Isaisip and Isagawa: completing sentences, then making a slogan on a 1/4 illustration board, graded with a rubric.
  6. Tayahin: a 15-item post-test.
  7. Karagdagang Gawain: an essay comparing agriculture then with the situation of Filipino farmers today, graded with a rubric.
  • Learners: Answer every activity on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part in order, and contact the teacher if your child has trouble understanding the lessons.
  • Teachers: Use the pretest to see who needs extra help. The slogan and essay have no fixed answers, so grade them with the rubrics provided. Review the answer key before using it, since a few entries do not match the module’s own reading.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 8 Araling Panlipunan, Quarter 2, Module 4. Its competency code is AP8DKT-IIf-8.

Which civilizations does the module cover?

It covers Greece, Rome, the African kingdoms of Mali, Songhai, and Axum, the Maya, Aztec, and Inca of the Americas, and the Pacific Island regions of Polynesia, Micronesia, and Melanesia.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the post-test. The slogan and essay are graded with rubrics instead.

What is mana in the Pacific Islands lesson?

Mana is the sacred power or strength that Polynesians and Melanesians believed could be found in buildings, stones, boats, and other objects. Polynesians followed rules called tapu to keep it from being lost.

What projects do learners need to make?

Learners make a creative slogan on a 1/4 illustration board about the legacy of classical civilizations. They also write an essay comparing agriculture then with the situation of farmers in the Philippines today.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

8

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

[illustration: students studying outdoors under a tree and indoors at a desk, with a globe and a lamp]

Diagonal printed text: PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q2_AP-8_Module 4

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat:Elgemary S. Abata, Jerisse J. Parajes
Mga Editor:Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Dan Ralph M. Subla, Jirc Nadia S. Bargado Renato L. Latorre, Larry G. Morandante, Carlos C. Catalan, Jr., Fernando A. Dones, Jr.
Mga Tagasuri:Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Honorato D. Mendoza, Edwin G. Capon, Edwin C. Salazar, Fatima D. Notarte, Marina B. Sanguenza
Tagaguhit:
Tagalapat:Paul Andrew A. Tremedal, Aldrin V. Ubas
Mga Nangasiwa:Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969

E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the cover title and shows the DepEd logo; it is not transcribed again]

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang datos tungkol sa kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. Ang kaalaman mo sa mga sinaunang kabihasnan ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang ito.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Pag-usbong at Pagunlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1- Ang Kontribusyon ng Greece
  • Paksa 2- Ang Kontribusyon ng Roma
  • Paksa 3- Ang Kontribusyon ng mga kabihasnan sa bansang Africa
  • Paksa 4- Ang Kontribusyon ng kabihasnang Mesoamerica at South America
  • Paksa 5- Ang Kontribusyon ng mga Pulo sa Pacific

Alamin

[illustration: a hand touching a circle, icon beside the heading]

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang datos tungkol sa kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. Ang kaalaman mo sa mga sinaunang kabihasnan ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang ito.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1- Ang Kontribusyon ng Greece
  • Paksa 2- Ang Kontribusyon ng Roma
  • Paksa 3- Ang Kontribusyon ng mga kabihasnan sa bansang Africa
  • Paksa 4- Ang Kontribusyon ng kabihasnang Mesoamerica at South America
  • Paksa 5- Ang Kontribusyon ng mga Pulo sa Pacific
Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa klasiko at transisyunal na panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga sa mga natatanging kontribusyon ng klasiko at transisyunal na panahon na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
  • Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. (AP8DKT-IIf-8)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
  • nasusuri ang kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan;
  • natutukoy ang mahahalagang ambag ng mga kabihasnang klasiko sa iba’t ibang larangan;
  • naiisa-isa ang mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang klasiko;
  • naipahahayag ang kahalagahan ng kontribusyon sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan; at
  • nakagagawa ng slogan at sanaysay sa pagpapahalaga ng kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko.

Subukin

[illustration: a hand holding a pencil, icon beside the heading]

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Sino ang binansagang dakilang historyador ng sinaunang Greece?

    • A. Aristotle
    • B. Herodotus
    • C. Thucydides
    • D. Xenophon
  2. Alin sa sumusunod ang ambag ng Greece sa larangan ng arkitektura?

    • A. Appian Way
    • B. Aqueduct
    • C. Colosseum
    • D. Parthenon
  3. Sinong mananalaysay ang may-akda ng tanyag na epikong “Iliad at Odyssey”?

    • A. Aristotle
    • B. Homer
    • C. Plato
    • D. Thales
  4. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng kahariang Mali at Songhai sa pag-unlad nito?

    • A. Ang anyong-tubig na nakapalibot ay nakatulong sa pagsasaka.
    • B. Ito ay tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto.
    • C. Naging proteksiyon ang malawak na disyerto ng Sahara sa imperyo.
    • D. Ang lokasyon ay nakatulong para labanan ang banta ng mananakop.
  5. Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na “dark continent”?

    • A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
    • B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
    • C. Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo at kababalaghan.
    • D. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng disyerto na may buhanging kulay itim.
  6. Alin sa sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang tao sa Pasipiko?

    • A. Pagmimina at pagtotroso
    • B. Pagsasaka at pangingisda
    • C. Pagtitinda at pangangalakal
    • D. Paghahabi at paggawa ng palamuti
  7. Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arketiktura?

    • A. Dahil mataas ang pamumuhay ng mga taga-Greece.
    • B. Dahil makikita hanggang sa kasalukuyan ang kanilang kabihasnan.
    • C. Dahil nakapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon sa kapaligiran.
    • D. Dahil nakagawa ito ng kamangha-manghang istruktura tulad ng Parthenon.
  8. Anong kabihasnan ang naging makapangyarihan dahil sa kalakalan ng diyamante at ginto?

    • A. Kabihasnang Africa
    • B. Kabihasnang Mesoamerica
    • C. Kabihasnang South America
    • D. Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko
  9. Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming pulo?

    • A. Austronesia
    • B. Melanesia
    • C. Micronesia
    • D. Polynesia
  10. Aling pangkat ang nagtaguyod ng kabihasnan sa Mesoamerica ang nasakop ng Espanyol?

    • A. Aztec
    • B. Inca
    • C. Maya
    • D. Olmec
  11. Sinong pilosopo ang may akda ng “The Republic” na nagsilbing batayan ng pamahalaang Romano?

    • A. Aristotle
    • B. Plato
    • C. Socrates
    • D. Thucydides
  12. Alin sa sumusunod ang tinaguriang isa sa mga tanyag na arkitektura ng bansang Roma?

    • A. Acropolis
    • B. Colosseum
    • C. Erectheion
    • D. Parthenon
  13. Anong produkto sa Africa ang kasing halaga ng ginto na ginagamit sa pagpreserba ng pagkain?

    • A. Asin
    • B. Asukal
    • C. Ivory
    • D. Suka
  14. Ano ang tawag sa “Diyos ng Araw” ng mga Aztec?

    • A. Apollo
    • B. Huitzilopoc
    • C. Kulkulan
    • D. Tuwa-tuwa
  15. Bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?

    • A. Naging sikat ang Mesoamerica sa iisang larangan.
    • B. Maraming tumatak na pamanang Maya, Inca at Aztec.
    • C. Hindi naging madali noon ang buhay ng sinaunang tao.
    • D. Bukod-tangi ang mga kontribusyon ng taga South America.

Balikan

[illustration: a hand holding a puzzle piece, icon beside the heading]

Gawain 1: Ang Aking Masasabi

Panuto: Batay sa nakaraang modyul, magbigay ng katangiang taglay ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific. Punan ang nakahandang kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

AspetoAfricaAmericaMga Pulo sa Pacific
Pamumuhay
Paniniwala
Heograpiya

Ano ang iyong mabubuong konklusiyon tungkol sa inyong mga sagot sa itaas?

Tuklasin

[illustration: a hand holding a plant with leaves, icon beside the heading]

Gawain 2: Pasyal-Pasyal Muna

Panuto: Tukuyin kung saang kontinente kabilang ang sumusunod na bansa. Ilagay ang iyong sagot sa nakalaang kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Oceania Africa South America North America

FijiGuatemalaSolomon Islands
MexicoColombiaKenya
GhanaKiribatiArgentina
MoroccoChileVenezuela
SudanCook IslandsMali
OceaniaAfricaSouth AmericaNorth America

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapaglakbay sa isa sa mga bansang nabanggit, saang bansa mo nais magpunta at bakit? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawain 3: Hula-Bira

Panuto: Kilalanin ang mga taong may mahalagang kontribusyon sa iba’t ibang larangan na makikita sa kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: concept web; Gawain 3: Hula-Bira]

Center box: Hippocrates Herodotus Cicero Aristotle Plato Socrates

  1. Sino ang kinikilalang bilang Ama ng Kasaysayan?
  2. Sino ang sumulat ng aklat na Politics?
  3. Sino ang may-akdang Know Thyself?
  4. Sino ang sumulat ng The Republic?
  5. Sino ang bilang magaling na manunulat at orador?
  6. Sino ang kinikilalang bilang Ama ng Medisina?
Suriin

Halina’t ating suriin ang mga kontribusyon ng klasikal na kabihasnan sa Europa, America, at mga Pulo sa Pacific.

Kontribusyon ng Greece
LaranganAmbag
BatasSa panahon ni Pericles umiral ang demokrasya.
PanitikanAng Iliad at Odyssey ay obra ni Homer.
Pilosopiya• Tatlong Pilosopong Greek: Socrates, Plato at Aristotle ilan sa obra-maestra ay ang “The Republic” ni Plato, “Politics” ni Aristotle, at “Know Thyself” ni Socrates
• Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Miletus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan.
ArkitekturaNakilala ang mga Greek sa kahanga-hangang mga templo na may tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian. Halimbawa: Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens.
Iskultura• Pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias ilan sa kanyang mga obra ay ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia.
• Colossus of Rhodes na gawa ni Chares, at Scopas na gawa ni Praxiteles ay parehong itinanghal na kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World”.
Kasaysayan• Si Herodotus ay “Ama ng Kasaysayan” na sumulat tungkol sa Kasaysayan ng Digmaang Greco-Persian.
• Si Thucydides, ang itinuturing na pinakadakila sa lahat ng mga Greek na historyador at siyang sumulat ng Kasaysayan ng Digmaang Peloponnesian. Ito ay patungkol sa tunggalian sa pagitan ng Athens at Sparta noong ika- limang siglo BCE. Ang kanyang gawa ay sinasabing kauna- unahang tala sa kasaysayan na mayroong pagsusuring pulitikal at moral sa mga patakarang ipinatutupad ng mga lungsod-estado.
LaranganAmbag
Kasaysayan[transcriber’s note: table continued from the previous page]
• Nariyan din ang gawa ni Xenophon na Anabasis o Anabasis Kyrou (Ang Paglalakbay ni Cyrus) na patungkol sa mga bayarang sundalong Greek na nakipaglaban sa ngalan ng mga Persian na si Cyrus the Younger nang tangkain niyang kuhanin ang trono sa kanyang kapatid na si Artaxerxes II.
• Naglalaman ito ng mga kuwento tungkol sa pagmamartsa ng 10,000 sundalo mula Babylon patungong Euxine o Black Sea matapos magapi si Cyrus sa Labanan sa Cunaxa noong 401 BC.
Medisina• Si Hippocrates ang “Ama ng Medisina” na kilala sa pagtataguyod ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika.
Matematika• Si Pythagoras ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero. Kasama ang kanyang mga mag-aaral, ipinakilala nila ang Pythagorean Theorem na may malaking kontribusyon sa pag-aaral ng Geometry at Matematika.
Kontribusyon ng Roma
LaranganAmbag
BatasAng Batas ng Twelve Tables o sa wikang Latin na Lex XII Tabularum, ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Roma noong 451-450 BC. Ito ang nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Plebeian (karaniwang tao) at Patrician (mayayaman).
PanitikanLucius Livius Andronicus, ang nagtatag ng epikong patula at drama sa Roma. Ang kanyang pangunahing gawa ay ang Odyssia, ito ang pagsasalin ng gawa ni Homer sa wikang ng mga Romano at ginamit bilang isang aklat sa paaralan.
Plautus, ang dakilang Romano pagdating sa pagsulat ng dula at komedya. Ang kanyang mga gawa ay halaw mula sa mga dulang Greek.
Terence o si Publius Terentius Afer, ang sumunod sa yapak ni Plautus at ang may akda ng anim na komedya at kinilala bilang modelo ng dulang nasusulat sa wikang Latin.
Marcus Tullius Cicero, o kilala din sa pangalang Tully ay isang Romanong estadista, abogado, iskolar, at manunulat na nagnanais pagtibayin ang mga prinsipyong republikano sa panahong laganap ang kaguluhan sa Roma.
LaranganAmbag
Batas[transcriber’s note: table continued from the previous page; the continuation below repeats the header row]

[transcriber’s note: the table continued from the previous page holds rows Inhenyeriya at Arkitektura and Pananamit, with header row repeated as follows]

LaranganAmbag
Inhenyeriya at ArkitekturaAng mga Romano ay naging tanyag sa paggawa ng mga lansangan tulad ng Appian Way na ipinagawa ni Appius Claudies Caecus noong 312 BCE. Mayroon itong kabuuang haba na 370 kilometro. Gayundin ang mga aqueduct o daluyan ng tubig papunta sa mga pampublikong paliguan o baths at iba pang gusali.
Nakilala din sila sa mga natatanging disenyo ng mga gusali tulad ng Pantheon na ginamitan ng mga bubong na pabilog o dome at Colisseum kung saan idinaraos ang labanan ng mga gladiator.
PananamitAng mga Romano ay may mga kasuotang tinatawag na tunic, toga at stola.
Kontribusyon ng mga Kabihasnan sa Kontinente ng Africa

Sinaunang Ghana (400 CE – 1235)

  • 1076 subalit hindi na nanumbalik ang sigla at kapangyarihan ng kaharian.

Mali (1235-1468)

  • Ang Mali ay isang lalawigan ng sinaunang kaharian ng Ghana. Pinamunuan ito ni Sundiata at nag-aklas sa hari noong 1235 matapos paslangin ang 11 niyang kapatid.
  • Napasakamay niya ang mga minahan ng ginto at asin.
  • Mansa ang tawag sa kanilang hari at ginamit ito ng kanyang pamangkin na si Mansa Musa noong 1307. Islam ang pangunahing relihiyon ng imperyo.
  • Ang gintong Guinea ay ginagamit bilang mga barya sa Italya. Ang ibig sabihin ng Guinea ay “Kanlurang Africa”. Nangyari ito dahil ang Imperyo ng Mali ang nagsusuplay ng ginto sa Europa.
  • Ang lungsod ng Timbuktu ang sentrong kultural ng imperyo. Nagtutungo dito ang mga iskolar na Muslim upang mag-aral sa nakapalaking silid- aklatan.
  • Arabic ang kanilang ginagamit sa pagsasalita at pagsulat.
  • Ang tanyag na manlalakbay na si Ibn Batuta ay nagtungo dito noong 1352 at napansin niya na ang kaayusan sa imperyo. Kahit mga Muslim, hindi itinatago ang mga babae sa publiko at hindi kinakailangang sundin ang kanilang mga asawa. Nakatagpo din siya ng mga babaeng nakapag-aral.

Songhai (1468-1590)

  • Ang Imperyo ng Songhai ang pumalit sa Mali nang mamatay si Mansa Musa. Noong 1468, si Sonni Ali, ang hari ng Songhai sinalakay at sinakop ang Timbuktu.
  • Ang mapaniil na pamumuno Sonni Ali ay pinalitan ni Askia Mohammad. Ipinatupad niya ang maayos na sistema ng pagbubuwis at komunikasyon sa mga lalawigan.
  • Maituturing na pinaka organisado at pinakamahusay ang Songhai sa mga kahariang umusbong sa Kanlurang Africa.

May isang napaka makapangyarihang kaharian ang umusbong sa Ethiopia (Silangang Africa) mula 500 BCE hanggang 600 CE. Nakilala ito sa pangalang Axum. Marami itong nasakop na mga kaharian kasama na ang Kush. Mayroon itong sariling gintong barya at nasusulat na wika. Pinaniniwalaan na ang kahariang ito ang pinagmulan ng Reyna ng Sheba na bumisita kay Haring Solomon noong 900 BCE.

Kontribusyon ng Kabihasnang Mesoamerica at South America
Mga Kabihasnan sa America

Ang kabihasnang America ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Mesoamerica at South America. Tatlong kabihasnan ang umusbong dito ang Kabihasnang Maya, Inca, at Aztec. Alamin natin ang mga pamana ng mga kabihasnang ito at kung bakit nakilala sila sa daigdig.

[transcriber’s note: this table has no printed header row]

Maya• Nagpatayo sila ng mga templo na kahugis ng mga pyramid sa Egypt. Subalit ang kanilang disenyo ay kaiba sapagkat mayroon itong mahabang hagdan at templong silid na hugis parisukat sa tuktok nito. Halimbawa nito ang Temple of Inscriptions, Temple of the Warriors at Temple of Darkness.
• Marami din silang kaalaman pagdating sa Astronomiya at Matematika. May kaalaman na sila tungkol sa mga planeta, paggalaw ng buwan at kaya nilang mahulaan ang lunar at solar eclipse. Mayroon silang kalendaryo na may 365 na araw sa isang taon, nahahati sa 18 na yugto na may 20 araw bawat isa at may pasobrang 5 araw sa huling bahagi ng taon. Ang Mayan Calendar (580 BCE) ang isang patunay na mayroon silang kaalaman sa pagbilang ng araw sa loob ng 2,000 taon. Sinasabing naimbento rin nila ang simbolo ng zero “0” at ginamit ang sistemang vigesimal o pagbilang ng tig-dalawampu.

[transcriber’s note: table continued from the previous page; the header row is repeated and the Maya row continues]

Maya• Mayroon din silang sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng larawan o pictograph. Nagsusulat sila sa mga bato at papel mula sa halamang maguey. Nag-aaral ang mga kabataan sa mga templo at ang mga pari ang nagsisilbing guro.
• Polytheistic o marami ang kanilang sinasambang diyos na tinatayang aabot sa libo. Si Chac, ang diyos ng ulan ang kanilang paborito. Hindi katulad ng mga Aztec, ang mga Maya ay hindi nagaalay ng tao para sa kanilang mga diyos.
• Maize (mais) ang kanilang pangunahing pagkain at nagtatanim din sila ng sili, beans, patatas, cacao, at kalabasa.
• Naglalaro sila ng pok-ta-pok o kahawig ng kasalukuyang basketball.
Aztec• Mayroon din silang mga templo na hugis pyramid. Halimbawa nito ang Pyramid of the Sun na tinatayang ipinatayo noong 31 BCE.
• Nang itinatag nila ang Tenochtitlan sa Lawa ng Texcoco noong 1325, inalis nila ang tubig mula sa ilang bahagi ng lawa at nagtayo sila ng tatlong daluyang bato o nahahawig sa kanal upang mag- ugnay ito sa iba pang bahagi ng lungsod.
• Maituturing na mataas din ang kabihasnan ng mga Aztec dahil sa kanilang kagalingan sa arkitektura, pagmimina, paggawa ng mga bagay mula sa ginto at pilak, paggawa ng palayok, at paghahabi.
• Kilala rin sila sa paggamit ng mga balahibo ng ibon.
• Mayroon silang mga palamuti sa katawan na yari sa ginto, pilak at jade na itinuring nilang pinakamahalaga kaysa sa naunang dalawa.
• Mayroon silang organisadong pamhalaan at nagpapatupad ng mahigpit na batas.
• Marunong din sila sa Astronomiya at Matematika. Patunay ditto ang Stone Calendar na sinasabing ginagamit noong 1479 hanggang 1521.
• Si Huitzilopochtli ang kanilang pangunahing diyos na palaging humihingi ng alay na tao. Ang iba pa nilang mga diyos ay sina Centeotl (diyosa ng pagsasaka), Tlaloc (diyos ng ulan), at si Xochiquetzal (diyosa ng mga bulaklak).
• Paborito nilang inumun ang pulgue, isang alak mula sa halamang maguey. Nagtatanim din sila ng tabako at cacao na ginagawang chocolate o tsokolate.
Inca• May malawak din silang kaalaman pagdating sa paggawa ng mga templo, pyramid, at moog. Isang halimbawa ng kanilang pamayanan at ang Machu Picchu na matatagpuan sa mataas na bahagi ng bulubundukin ng Andes.
• Sinasamba nila ang araw kung kaya’t tinatawag nila ang kanilang mga sarili bilang “Mga Anak ng Araw” at kinikilala nila ang kanilang emperador bilang pinuno at diyos.
• Mayroon silang kaalaman sa paggamit ng sun dial o orasan na ginagamitan ng sikat ng araw.
• Pagsasaka ang kanilang pangunahing kabuhayan. Marunong silang gumamit ng mga pataba sa pananim, sistema ng irigasyon tulad ng dike at aqueduct, at hagdan-handang taniman sa gilid ng bundok. Nag-aalaga din sila ng mga hayop tulad ng alpaca at llama.
• Pinapairal nila ang sosyalismo sa buong kaharian. Pinapangasiwaan ng pamahalaan ang buhay ng mga tao at lahat ng industriya. Namamahagi ng lupain ang pamahalaan sa mga tao, nagbibigay ng mga binhi, pataba, at bulak sa manghahabi. Ang lahat ng magagawang produkto ay hahatiin sa mga tao at pamahalaan.
• Mayroon silang sistema ng pagbilang na tinatawag na quipus o mga makukulay na tali na ibinubuhol nila kada araw na lilipas.
Kontribusyon ng mga Pulo sa Pacific
PolynesiaAng Polynesia na nangangahulugang “maraming mga pulo” ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean. Ito ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay binubuo ng labim-pitong pulo gaya ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.
Ekonomiya:
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Nagtatanim sila ng taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog. Nakakahuli rin sila ng tuna, hipon, octopus, at pating.
Relihiyon:
Pinapaniwalaan ng mga Polynesian ang banal na kapangyarihan o “mana” na nangangahulugang “bisa o lakas”. Ang “mana” ay itinuturing na sagrado at maaaring matatagpuan sa gusali, bato, bangka at iba pang bagay.

[transcriber’s note: table continued from the previous page; the header row is repeated and the Polynesia row continues]

PolynesiaPamamahala:
Upang di mawala o mabawasan ang mana, may mga batas na sinusunod na tinatawag na tapu gaya ng sumusunod:
• bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao;
• hindi maaaring sumakay sa bangka ang kababaihan sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana;
• ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod; at
• bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat kainin.
MicronesiaAng Micronesia na kilala sa tawag na “maliliit na pulo” ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya. Ito ay binubuo ng mga pulo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.
Pamayanan:
Ang pamayanan ng mga Micronesian ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan na hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na hangin upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan.
Ekonomiya:
Ang pangingisda at pagtatanim ng taro, breadfruit, niyog, at pandan ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.
Gumagawa naman ng simpleng palayok ang pamayanan sa mga pulo ng Marianas, Palau, at Yap.
Ang mga karatig-pulo ay nakikipagkalakalan sa isa’t isa. Karaniwang gumagamit ang mga pulo ng Palau at Yap ng perang bato (stone money) at shell sa pagpapalitan ng produkto. Ipinagpapalit ng mga matataas na pulo (high-lying islands) ang turmeric o luyang-dilaw na ginagamit bilang gamot at pampaganda. Ang mga low-lying islands naman ay nakikipagpalitan ng shell/bead, banig na yari sa dahon ng pandan at magagaspang na tela na gawa sa saging, at gumamela. Ang telang ito ay ginagawang palda ng mga kababaihan at bahag ng mga kalalakihan.
Relihiyon:
Ang mga sinaunang Micronesian ay naniniwala sa animismo. Sumasamba sila sa mga bagay sa kanilang kapaligiran at ang unang ani ay iniaalay sa diyos.
MelanesiaAng Melanesia ay tinaguriang “Lupain ng mga Maiitim” dahil ang mga mamamayan dito ay pawang maiitim. Ito ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybaying-dagat ng Australia. Sa kasalukuyan, ang Melanesia ay binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.
Pamayanan: Ang pamayanang Melanesian ay matatagpuan sa mga baybaying- dagat. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma na pinili batay sa katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.
Ekonomiya: Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Melanesian. Nagtatanim sila ng taro at yam, pandan, at sago. Nagaalaga rin sila ng baboy at nangangaso ng mga marsupial at ibon. Nakikipagkalakalan sila sa mga karatig-pulo ng mga produktong palayok, kahoy, yam, asin, apog, at bangka.
Relihiyon: Ang sinaunang Melanesian ay mga animismo. Naniniwala sila sa “mana” na laganap sa Solomon Islands at Vanuatu. Ang tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan o pag-unlad ng kabuhayan ay ipinababatid ng diyos ng kalikasan.

[transcriber’s note: table continued from the previous page; its header row is not on this page]

Pagyamanin

Gawain 4: Kaban-Yaman

Panuto: Bawat kabihasnan ay may naitagong kaban ng yaman na naging pamana sa kasalukuyan. Ibigay ang mga naiambag ng sumusunod na kabihasnan. Isulat ito sa sagutang papel.

Kabihasnang KlasikoLarangan: AgrikulturaLarangan: Pulitika
Greece
Rome
Africa
America
Mga Pulo sa Pasipiko
Gawain 5: Isip-Sulat

Panuto: Isipin at isulat ang mga pangunahing ambag ng mga kabihasnan sa Mesoamerica at South America. Isulat ito sa sagutang papel.

Maya
Inca
Aztec
Gawain 6: Pulo-Pulutung

Panuto: Bawat pulo sa Pacific ay may natatanging yaman. Magbigay ng mga kontribusyon mula sa Polynesia, Micronesia, at Melanesia batay sa inyong gustong larangan. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: flowchart; Gawain 6: Pulo-Pulutung]

  • Larangan ng _____ → Melanesia: 1. 2. 3.
  • Larangan ng _____ → Micronesia: 1. 2. 3.
  • Larangan ng _____ → Polynesia: 1. 2. 3.

Isaisip

Gawain 7: Dugtungan Ito!

Panuto: Dugtungan ang mga parirala upang makabuo ng isang pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Natutunan ko sa araling ito na mahalaga ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko dahil _____


  2. Mailalarawan ko ang kabihasnang klasiko bilang _____


  3. Ang mga pamana at kontribusyon ng bawat klasikong kabihasnan ay patunay na _____


Isagawa

Gawain 8: Pamana-Pahalagahan

Panuto: Gumawa ng isang Slogan tungkol sa pamana at kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pandaigdigang kamalayan. Gawing malikhain ang pagkagawa ng inyong slogan. Isulat sa 1/4 illustration board.

Rubrik sa Pagmamarka ng Slogan

PamantayanMahusay 5Katamtaman 4Nangangailangan ng Pagsasanay 3Nakuhang Puntos
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakita.Hindi gaanong naipakita ang mensahe.Walang koneksiyon sa paksa ang mesaheng naipakita.
PagkamalikhainNapakaganda at napakalinaw ang pagkakasulatMaganda at malinaw ang pagkakasulatDi maganda at malabo ang pagkakasulat
KaugnayanMay malaking kaugnayan sa paksa.Hindi gaanong naiugnay sa paksa.Walang kaugnayan sa paksa.
KalinisanMalinis na malinis ang pagkabuo.Malinis ang pagkabuo.Hindi malinis ang pagkabuo.
Kabuuang PuntosKabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Sinong pilosopo ang may akda ng “The Republic” na nagsilbing batayan ng pamahalaang Romano?

    • A. Aristotle
    • B. Plato
    • C. Socrates
    • D. Thucydides
  2. Alin sa sumusunod ang tinaguriang isa sa mga tanyag na arkitektura ng bansang Roma?

    • A. Colosseum
    • B. Corinthian
    • C. Doric
    • D. Parthenon
  3. Anong produkto sa Africa ang kasing halaga ng ginto na ginagamit sa pagpreserba ng pagkain?

    • A. Asin
    • B. Asukal
    • C. Ivory
    • D. Suka
  4. Ano ang tawag sa “Diyos ng Araw” ng mga Aztec?

    • A. Apollo
    • B. Huitzilopoc
    • C. Kulkulan
    • D. Tuwa-tuwa
  5. Bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?

    • A. Naging sikat ang Mesoamerica sa iisang larangan
    • B. Maraming tumatak na pamanang Maya, Inca at Aztec
    • C. Hindi naging madali noon ang buhay ng sinaunang tao
    • D. Bukod tangi ang mga kontribusyon ng taga South America.
  6. Sino sa sumusunod ang binansagang dakilang historyador ng sinaunang Greece?

    • A. Aristotle
    • B. Herodotus
    • C. Thucydides
    • D. Xenophon
  7. Alin sa sumusunod ang ambag ng Greece sa larangan ng arkitektura?

    • A. Appian Way
    • B. Aqueduct
    • C. Colosseum
    • D. Parthenon
  8. Sinong mananalaysay ang may-akda ng tanyag na epikong “Iliad at Odyssey”?

    • A. Aristotle
    • B. Homer
    • C. Plato
    • D. Thales
  9. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng kahariang Mali at Songhai sa pag-unlad nito?

    • A. Anyong-tubig na nakapalibot ay nakatulong sa pagsasaka.
    • B. Tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto.
    • C. Naging proteksiyon ang malawak na disyerto ng Sahara sa imperyo.
    • D. Ang lokasyon ay nakatulong para labanan ang banta ng mananakop.
  10. Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na “dark continent”?


  • A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
  • B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito.
  • C. Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo at kababalaghan.
  • D. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng disyerto na may buhanging kulay itim.
  1. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang tao sa Pasipiko?
  • A. Pagmimina at pagtotroso
  • B. Pagsasaka at pangingisda
  • C. Pagtitinda at pangangalakal
  • D. Paghahabi at paggawa ng palamuti
  1. Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arkitektura?
  • A. Dahil mataas ang pamumuhay ng mga taga-Greece.
  • B. Dahil makikita hanggang sa kasalukuyan ang kanilang kabihasnan
  • C. Dahil nakapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon sa kapaligiran.
  • D. Dahil nakagawa ito ng kamangha-manghang estraktura tulad ng Parthenon.
  1. Anong kabihasnan ang naging makapangyarihan dahil sa kalakalan ng diyamante at ginto?
  • A. Kabihasnang Africa
  • B. Kabihasnang Mesoamerica
  • C. Kabihasnang South America
  • D. Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko
  1. Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming pulo?
  • A. Austronesia
  • B. Melanesia
  • C. Micronesia
  • D. Polynesia
  1. Aling pangkat ang nagtaguyod ng kabihasnan sa Mesoamerica ang nasakop ng mga Espanyol?
  • A. Aztec
  • B. Inca
  • C. Maya
  • D. Olmec

Karagdagang Gawain

Gawain 9: Makabuluhang Sanaysay

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sitwasyon ng agrikultura at ihalintulad ito sa kalagayan ng mga magsasaka sa ating bansa. Isulat sa sagutang papel.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay

KategoryaKahanga-hanga (5)Mahusay (4)Katamtaman (3)Pagsasanay ay kailangan (2)Walang Napatunayan (1)Iskor
IntroduksyonAng introduksiyon ay mapanghikayat at malinaw ang pagkalahad ng pagnunahing paksa.Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksaHindi sapat ang pagpapaliwanag ng pangunahing paksa sa introduksiyon.Hindi nailahad sa introduksiyon at ang pangunahing paksaWalang naisulat na sanaysay
Organisasyon ng mga IdeyaMahusay, maayos, at lohikal ang pagkasunod-sunod ng mga ideya.Makikita ang mahusay na pagkasunod-sunod ng ideya ngunit hindi maayos ang pagkalahad nito.May mga ideya na hindi ganap ang pagkasunod-sunod.Malayo sa paksa ang ideyang ipinahayag.Walang naisulat na sanaysay
KonklusiyonNagsasaad ng mapanghamong konklusiyon at nagpapakita ng pangkalahatang paksa batay sa katwiran katibayang inilahad sa gitna ng diskusiyon.Naipakikita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitnaMay kakulangan at walang pokus ang konklusyonWalang naisulat na sanaysay
MekaniksMalinis at walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.Maraming pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.Magulo at maraming pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.Walang naisulat na sanaysay
Kabuuang Puntos

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B 2. D 3. B 4. D 5. B
  2. B 7. D 8. A [?] 9. D 10. B
  3. B 12. B 13. A 14. B 15. B

Balikan

Gawain 1: Ang Aking Masasabi
AspetoAfricaAmericaMga Pulo sa Pacific
PamumuhayPagsasakaPagsasakaPagtatanim
PaniniwalaAnimismoAnimismoAnimismo
HeograpiyaNapaliligiran ng tubigMabato at may malalaking lambak ng ilogNapaliligiran ng tubig dagat

Tuklasin

Gawain 2: Pasyal Muna – Pasyal
OceaniaAfricaSouth AmericaNorth America
FijiGhanaGuatemalaMexico
Solomon IslandsMoroccoArgentinaColombia
Crock IslandsSudanVenezuela
KiribatiKenyaChile
Mali

Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na makapaglakbay sa isa sa mga bansang nabanggit sa itaas, anong bansa ang nais mong puntahan at bakit?

Halimbawa: MEXICO dahil gusto kong bisitahin ang Mexico City Metropolitan Cathedral

Tuklasin

Gawain 3: Hula-bira
  1. Hippocrates
  2. Herodotus
  3. Cicero
  4. Aristotle
  5. Plato
  6. Socrates
Gawain 4: Kaban-Yaman

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the table was transcribed after turning it. Cells marked [?] are partly unclear. The garbled, mirrored lines printed along the left side are not transcribed.]

Kabihasnang KlasikoLarangan: AgrikulturaLarangan: Pulitika
GreeceMga templo na gawa mula sa marmol karuniwang kulay puti.Sa panahon ni Pericles umunlad demokrasya.
RomeKaramihan sa mga Romano ay magsasaka. Ang kanilang itinatanim ay trigo, barley at gulay at prutas.Ang Twelve Tables ang kauna-unahang batas sa Rome na nagbigay ng karapatan sa mga Plebeian (mahihirap).
AfricaAng Axum ang sentro ng kalakalan sa Hilagang Africa. Ang mga pinakamaraming produktong kinakalakal ay ginto, asin, ivory (ngipin ng elepante), pampalasa at mga rekado. [?][illegible]
AmericaGumawa sila ng chinampas, isang nakalutang na hardin mula sa tinambak na lupa sa gitna ng ilog. Nagtanim sila sa mga malalambot na lupa gamit ang mga matutulis na kahoy bilang pambungkal. Ilan sa kanilang mga pananim ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili at kamatis. Nag-aalaga sila ng mga hayop tulad ng aso, gansa, at pabo.1438, itinatag ni Cusi Inca Yupanqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa pamumuno ni Topa Yupanqui (1471-1493) napalawig ang imperyong Inca hanggang hilagang Argentina na bahagi ngayon ng Bolivia at Chile. Nasakop niya ang Chimor or Chimu sa baybayin ng Peru.
Mga Pulo sa PasipikoPagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Melanesian. Nagtatanim sila ng taro at yam, pandan at sago na pinagkukunan ng sago. Nag-aalaga rin sila ng baboy at nangangaso ng mga marsupial at ibon. Nakikipagkalakalan sila sa mga karatig-pulo ng mga produktong palayok, kahoy, yam, asin, apog at bangka.Pinamumunuan ito ng mga mandirigma na pinili batay sa katapangan, karahasan, paghihiganti at karangalan.
Gawain 5: Isip-Sulat
Maya1. Heiroglyphics
2. Matematika
3. Pagsasaka
Inca1. Templo
2. Pamahalaan
Aztec1. Mahahabang daan na gawa sa bato
2. Machu Pichu
3. Freeze-drying
Gawain 6: Pulo-Pulutungi!

MGA PULO SA PACIFIC

LaranganPOLYNESIAMICRONESIAMELANESIA
EkonomiyaAng pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Nagtatanim sila ng taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo at niyog. Nakakahuli rin sila ng isda, hipon, pugita at pating.Ang pangingisda at pagtatanim ng gabi, breadfruit, niyog at pandan ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Gumagawa naman ng simpleng palayok ang pamayanan sa mga pulo ng Marianas, Palau at Yap.Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Melanesian. Nagtatanim sila ng gabi, ube, pandan at sago na pinagkukunan ng sago. Nag-aalaga rin sila ng baboy at nangangaso ng mga marsupial at ibon. Nakikipagkalakalan sila sa mga karatigpulo ng mga produktong palayok, kahoy, ube, asin, apog, at bangka.

Isaisip

Gawain 7: Dugtungan Ito!
  1. Natutunan ko sa aralin ito na mahalaga ang mga kontribusyon dahil sa pamamagitan _____ ito may namana ang ating mga ninuno. [?]
  2. Mailalarawan ko ang kahalagahan ng kabihasnang klasiko bilang pamana ng sinaunang tao sa kasalukuyang pamayanan. [?]
  3. Ang mga pamana at kontribusyon ng dakilang kabihasnang klasiko ay bunga ng pagsisikap ng mga sinaunang tao sa [illegible] anong mayroon tayo ngayon ay bunga ng pagsisikap ng mga sinaunang tao [illegible] sibilisasyon. Maraming mga [illegible] kanilang lugar na napakinabang at pinaunlad ng mga tao ngayon. [?]

transcriber’s note: the blanks and the wording of items 1 to 3 are hard to read in the rotated page image; the marked words are best readings.

Tayahin

1. B6. B11. B
2. A7. D12. D
3. A8. B13. A
4. B9. D14. D
5. B10. B15. B

Karagdagang Gawain

Gawain 8 – Makabuluhang Sanaysay

*Maaring magkakaiba-iba ang bawat sanaysay na nagawa ng mag-aaral. Gawing gabay ang ibinigay na rubrik para sa pagbibigay marka.

Isagawa

Gawain 8: Pamana Pahalagahan

*Maaring magkakaiba-iba ang bawat slogan na nagawa ng mag-aaral. Gawing gabay ang ibinigay na rubrik para sa pagbibigay marka.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

DepEd. Modyul ng Mag-aaral – Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Grade 8. Pahina 130-223.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *