Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang datos tungkol sa pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific na nahahati sa
sumusunod na paksa:
- Paksa 1- Mga Kaharian at Imperyo sa Africa
- Paksa 2- Mga Kabihasnan sa Mesoamerica at South America
- Paksa 3- Ang mga Pulo sa Pacific
Pamantayang Pangnilalaman
- Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
- Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa
- Africa – Songhai, Mali, atbp.
- America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.
- Mga Pulo sa Pacific – Nazca
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- nasusuri ang pag-usbong ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific;
- natutukoy ang kalagayang heograpikal ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific;
- nakakatala ng mahahalagang pangyayari sa klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific; at
- nakakapaghambing ng kultura ng mga Pulo sa Pacific.
Can i join po?
kailangan lang