Grade 8 Araling Panlipunan Modyul: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga ambag ng kabihasnang Romano at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay tungkol sa Kontribusyon ng Kabihasnang Romano na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1- Ang Simula ng Roma
  • Paksa 2- Ang Republika ng Roma
  • Paksa 3- Digmaang Punic
  • Paksa 4- Sino si Julius Caesar
  • Paksa 5- Ang mga Dakilang Triumvirate ng Roma
  • Paksa 6- Ang Pax Romana
  • Paksa 7- Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano

Pamantayang Pangnilalaman

  • Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.

Pamantayan sa Pagganap

  • Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

  • Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • nasusuri ang mga pangyayari ng kabihasnang Klasikal ng Roma;
  • naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang Klasikal ng Roma;
  • nakagagawa ng tsart at hashtag na naglalarawan batay sa mga naging kontribusyon at pamana ng Roma.

Grade 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano

AralingPanlipunan8_Module2_Quarter2_Kontribusyon-ng-Kabihasnang-Romano_V2-1

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

2 thoughts on “Grade 8 Araling Panlipunan Modyul: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano”

Leave a Comment