This is Module 10 for Quarter 1 (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School subject. Its title is “Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa” (discussions of different individuals about the national language). It is a self-learning module from DepEd Region 4A CALABARZON. It helps learners understand the history of the national language through the views of specific people, and form and write their own opinion about it.
What learners will learn
The module’s learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is:
- Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa (gives an opinion or view about discussions of the national language that they have listened to).
Its objectives (Layunin) are for learners to:
- Identify their own opinion or view on given statements.
- Analyze statements about the national language (Wikang Pambansa).
- Write an essay (sanaysay) that shows their opinion about a talk they listened to.
Lesson in this module
The module has one topic, labeled Aralin 12 inside the module: “Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa.” It focuses on the views of particular individuals on the history of the national language. It starts with writer Efren R. Abueg.
Key ideas: from Tagalog to Pilipino to Filipino
The main reading is part of a discussion by Efren R. Abueg, “Ang Depinisyon ng Wikang Filipino: Ang Katawan at Kaluluwa” (the definition of the Filipino language: the body and soul). Abueg notes that people call the national language Tagalog, Pilipino, or Filipino. Even when people answer “Filipino,” it is often not given a clear definition.
To clarify this, he cites three people from the Constitutional Commission (Concom). Their words come from the minutes of the Concom subcommittee on language dated September 10, 1987:
| Person | Main point |
|---|---|
| Commissioner Wilfrido Villacorta | Filipino is an existing national language with Pilipino as its core. It has been expanded and developed, and it must be carried out in the education system. Not yet being formalized does not mean it does not exist. It is a lingua franca. |
| Ponciano Bennagen | We need one medium of communication that binds us, and that is Filipino. Language experts and language organizations defined it as an expanding version of Pilipino. |
| Commissioner Francisco Rodrigo | Filipino is not a newly invented language. It is based on Pilipino, whose scope will be widened. “Ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino” (Pilipino is based on Tagalog, and Filipino is based on Pilipino). |
Abueg concludes that the national language evolved in three stages:
- Tagalog, in the time of President Quezon.
- Pilipino, in the time of Education Secretary Romero.
- Filipino, in the time of President Aquino.
Filipino as an official language
A second reading in Pagsasanay 1 adds a more recent view. It says that almost three decades ago, former President Corazon Aquino ordered government departments and agencies to use Filipino in all kinds of communication. Executive Order No. 217 (Atas Tagapagpaganap Blg. 217) also ordered that office names and officials’ oaths of office be translated into Filipino.
The reading also quotes Celso Santiago Jr., assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office. He admitted that Filipino is still not an official language, even though most people accept it as the national language. He explained that a language is official when it is used in official government communication. He also said that ordinary people need to understand the language of law and governance so they can take an active part in running the country.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 15 true-or-false (TAMA o MALI) statements about the views discussed.
- Balikan (review): a question on whether you use language in different ways in daily life, with reasons.
- Tuklasin (explore): the Abueg reading.
- Suriin (analyze): five statements to label as opinion (opinyon) or fact (katotohanan), then explain each answer.
- Pagyamanin (enrichment): three exercises.
- Pagsasanay 1: a household member reads the passage aloud to you.
- Pagsasanay 2: list five important points from what you heard.
- Pagsasanay 3: write your conclusion.
- Isaisip (reflect): give your view on two passages. One is about English and Western culture shaping the “modern, educated Filipino.” The other says a language grows only when it is read, written, and used for new ideas.
- Isagawa (apply): a household member reads a passage about language as a gift and a tool for communication. You then write a short essay with your opinion. The essay is scored on content, clarity of ideas, and correct punctuation, 5 points each, for 15 points.
- Tayahin (assessment): 15 true-or-false statements.
- Karagdagang Gawain (additional activity): explain two statements in your own words.
- “Lahat ng wika ay may pinagdaanang kasaysayan bago ito mabuo” (every language has gone through a history before it was formed).
- “May kapangyarihan ang wika at may wika ang kapangyarihan” (language has power, and power has a language).
How to use this module
- Learners: Take the Subukin first, then work through the parts in order. Do not write on the module; use separate answer sheets. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly to check the Subukin and Tayahin.
- Parents and household members: Several activities ask someone at home to read a passage aloud to the learner, because the competency is about listening. Please help with these readings.
- Teachers: The module comes with a teacher’s or facilitator’s guide. Its essay rubric can be used for the Isagawa task. Review the printed answer key before using it for grading, since some answers do not match the lesson text.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 10.
What is the learning competency of this module?
Learners give their opinion or view about discussions of the national language that they have listened to (Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa).
Who are the individuals discussed in the module?
The reading is by Efren R. Abueg. He cites Commissioner Wilfrido Villacorta, Ponciano Bennagen, and Commissioner Francisco Rodrigo of the Constitutional Commission. A second reading quotes Celso Santiago Jr. of the Presidential Communications Operations Office.
How did the national language evolve according to the module?
It went from Tagalog in the time of President Quezon, to Pilipino in the time of Education Secretary Romero, to Filipino in the time of President Aquino. As Rodrigo put it, Pilipino is based on Tagalog, and Filipino is based on Pilipino.
Does the module have an answer key?
Yes, it includes a Susi sa Pagwawasto for the Subukin and Tayahin true-or-false tests. Some of its answers do not match the lesson text, so it is best to check them against the reading.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 10: Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa
Senior High School
[illustration: students and a teacher reading and studying outdoors and indoors, with a globe, a lamp, and a student writing numbers]
CO_Q1_ KPWKP SHS Module 10
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 10: Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jessica P. Estares Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Neneth P. Erni, Ma. Theresa Austria, Leonila L. Custodio Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Julie Anne V. Vertudes Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 10: Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle]
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga pananaw ng mga indibidwal ukol sa pinagdaanang pangyayari ng Wikang Pambansa. Makatutulong ang modyul na ito sa iyo upang higit mong maunawaan ang naging kasaysayan ng Wikang Pambansa.
Naglalaman ang modyul na ito ng paksang:
- Pagtalakay ng iba’t ibang indibidwal ukol sa Wikang Pambansa
Kasanayang Pampagkatuto:
- Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa
Layunin:
- Natutukoy ng mga mag-aaral ang sariling opinyon o pananaw sa mga pahayag na ibinigay.
- Nasusuri ang mga pahayag tungkol sa Wikang Pambansa.
- Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng opinyon tungkol sa napakinggang panayam.
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle]
Suriing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ang inilalahad na impormasyon ng pahayag ay TAMA o MALI.
- Ayon kay Kom. Francisco Rodrigo,” Ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang Filipino ay batay sa Pilipino”.
- Kinakailangan maging pormalisado ang paggamit sa wikang Filipino sa larangan ng pakikipagtalastasan.
- Tinalakay ni Kom. Wilfrido Villacorta na ang Filipino ay lumalaganap at umiiral na wika kung kaya’t kinakailangang paunlarin ito ng sistema ng edukasyon.
- Kahit sinuman ay maaaring kumatha ng isang wika nang walang pinagbabatayan na nagpapatibay rito.
- Isinasaad at patutunayan na ang Wikang Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe.
- May kinalaman ang impluwensiya ng mga banyagang mananakop sa pagiging pormalisado sa paggamit ng wikang Filipino.
- Walang historikal na perspektibo ang Wikang Filipino.
- Isang lumalawak na bersyon ang Wikang Filipino ng Pilipino.
- Sa isang bansa, kahit na isang wika lamang ang umiiral ay sapat na upang magkaunawaan ang mga mamamayan.
- Kapag ang isang wika ay hindi pa pormalisado ay masasabing hindi ito umiiral na wika sa isang partikular na bansa.
- Ibinatay ang Wikang Filipino sa Pilipino upang maging mas makilala ito at mas gamitin ng mga mamamayan.
- Dayalektong Tagalog ang maituturing na lingua franca ng Pilipinas.
- Umiral ang dayalektong Tagalog sa administrasyon ni Pangulong Manuel Luis Quezon.
- Mas naunang gamitin ang katawagang Filipino sa wikang pambansa kumpara sa dayalektong Tagalog.
- Kailangan ng pagbabata yang batas kung nais baguhin ang katawagan ng partikular na wika.
Aralin 12
Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Nakapokus ito sa mga pananaw na inilahad ng mga partikular na indibidwal. Isa na rito si Ginoong Efren R. Abueg na nagbigay linaw sa kanyang naging saloobin sa pinagdaanan ng wikang pambansa.
May ilan pang kilalang tao na nagbigay ng kanilang mga opinyon tungkol dito. Mga opinyon na magbibigay linaw sa ating aralin.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece inside a circle]
Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang iyong natutunan sa unang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa partikular na tanong:
- Sa pang-araw-araw na iyong pakikisalamuha, nagagamit mo ba ang wika sa iba’t ibang pamamaraan? Pangatwiranan mo ang iyong sagot.
[illustration: hand holding papers inside a rounded box]
Halika, ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral. Tuklasin mo na ang pananaw ng mga awtor tungkol sa wikang pambansa. Basahin mo muna ang pagtalakay sa mga pananaw mula sa iba’t ibang indibidwal na siyang gagabay sa iyong pag-aaral sa modyul na ito.
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant inside a circle]
ANG DEPINISYON NG WIKANG FILIPINO: Ang Katawan at Kaluluwa….
(Bahagi ng pagtalakay ni Efren R. Abueg)
Ang ating wikang pambansa ay napag-uusapan. Sasabihing ito’y Tagalog, Pilipino o Filipino. Makikilala sa mga sagot na ito ang oryentasyon sa wika ng mga mamamayang Pilipino. At kung masagot namang Filipino ang wikang pambansa natin, hindi naman ito mabigyan ng angkop na depinisyon.
Tatlong komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal (Concom) ang nagbibigay-linaw sa katangian ng Filipino bilang wikang pambansa. Sa katitikan ng pulong ng subkomite sa wika ng Concom noong Setyembre 10, 1987, ganito ang salin ng kanilang palitan ng mga pangungusap:
Ayon kay Komisyoner Wilfrido Villacorta: Ito ang isang umiiral na wikang pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino… sapagkat ito ay isa nang malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P. Sinabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak at pinaunlad na tinatawag na Filipino at ang impormasyon nito ay kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at iba pa, subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay isang lingua franca.”
Tinalakay ni Ponciano Bennagen: Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng komunikasyon nagbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyang-kahulugan ng isang pangkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilang isang lumalawak na bersyon ng Pilipino.”
Nilinaw ni Komisyoner Francisco Rodrigo: Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga’t ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.”
Binigyan din nila ng historikal na perspektibo ang Filipino. Binanggit ni Rodrigo na “ang Pilipino ay batay sa Tagalog”, samantalang sinabi naman ni Bennagen na ” ang Pilipino….bilang isang lumalawak na bersyon ng Filipino.” Mula kay Rodrigo na sinabing “Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe” hanggang sa winika ni Villacorta na “subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi ito umiiral.” At ipinanghuli niya: “Ito ay isang lingua franca.” Kaya mula sa Tagalog (sa panahon ng Pangulong Quezon) hanggang sa Pilipino (sa panahon ni Kalihim Romero ng Edukasyon) hanggang sa Filipino (sa panahon ni Presidente Aquino), makumpleto ang ebolusyon ng wikang pambansa.
Suriin
Tukuyin kung ang mga pahayag ay Opinyon o Katotohanan.
- Dapat isabatas ang pagpapalit ng Pilipino mula sa Filipino kung ang tinutukoy ay wika.
- Ang Wikang Filipino ay isang pagpapalawak na bersyon ng Pilipino.”
- Mapapaunlad ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng palagiang paggamit nito sa ating pamayanan.
- Isang katotohanan na ang wika ay tinaguriang katawan at kaluluwa ng isang bansang malaya.
- Sa isang komunikasyon, kailangan nating magkaroon ng midyum na gagamitin na siya ang nagbibigkis sa atin
Batay sa mga pahayag mula sa iyong naging kasagutan, ipaliwanag mo kung bakit OPINYON o HINDI ang iyong napiling sagot sa bawat pahayag. Isulat ang iyong paliwanag sa sariling sagutang papel.
Pagyamanin
PAGSASANAY 1
Unawain ang naging pagtalakay sa Wikang Pambansa. Hayaan na mayroong isang kasama sa bahay ang magbabasa nito para sa iyo.
Halos 3 dekada na ang nakalipas nang iniutos ng dating pangulong Corazon Aquino na gamitin ng mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan ang wikang Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon. Iniutos din ng Atas Tagapagpaganap Blg 217 na isalin sa Filipino ang mga pangalan ng mga opisina, maging ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal sa gobyerno.
Nguni’t sa kasalukuyan, inamin ni Celso Santiago Jr, assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office, na hindi pa rin wikang opisyal ang Filipino, bagama’t tanggap na ito ng nakararami bilang pambansang wika.
“Hangga’t hindi nauunawaan ng karaniwang masa ang wika ng batas polisiya, pangangasiwa, at pamamahala, hindi natin naibibigay sa kanila ang kapangyarihang maging mga aktibong mamamayang may pakikisangkot sa pamamahala at pagpapatakbo ng bansa,” sabi ni Santiago sa mga kalahok sa Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika.
Masasabing opisyal ang wika kung ito ang gamit sa mga opisyal na talastasan sa pamahalaan, paliwanag ni Santiago. Aniya, sinimulan na rin kahit papaano ng kasalukuyang pamahalaan na dalasan ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal:
“Sinikap naming gamitin ang wikang Filipino upang maabot ang mga programa ng pamahalaan sa mas nakararami,” wika ni Santiago.
PAGSASANAY 2
Batay sa iyong naging pag-unawa sa napakinggang pagtalakay sa Wikang Pambansa, itala ang mga mahahalagang punto mula rito.
PAGSASANAY 3
Mula sa naitalang mahahalagang punto sa napakinggang pagtalakay sa Wikang Pambansa, ilahad mo ang iyong konklusyon dito.
Isaisip
Suriing mabuti ang mga pahayag. Ilahad ang iyong pananaw ukol dito.
A. Ang modelo ng makabago at edukadong Filipino ay nilikha mula sa laganap na mga elemento ng Kanlurang sibilisasyon. Ang wikang Ingles ang nagsisilbing pinakamabisang behikulo ng kulturang ito. Sa aking paningin, dito nagsimula ang unti-unting paglubog ng kaluluwang Filipino.
B. Walang wikang umuunlad kung hindi ito nababasa’t naisusulat. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga kaisipang bago sa ibang mga kultura. Kailangang makipag-usap ang ating katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isantabi ito sa muling pag-aakalang hindi na ito angkop sa nagbabagong panahon.
Isagawa
Unawaing mabuti ang talata sa pamamagitan ng pagpapabasa nito sa kasama sa bahay. Sumulat ka ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng iyong opinyon tungkol sa napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa:
RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Nilalaman……………………………..……………………. 5
Kahusayan sa paglalahad ng ideya…………………… 5
Wastong gamit ng mga bantas………………………….. 5
KABUUAN 15 puntos
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Kung wala ang wika, paano kaya nagkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraan maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan.
Kahit na anumang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naloko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pang-simbahan o pang-kabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang-disiplina
Tayahin
Suriing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ang inilalahad na impormasyon ng pahayag ay TAMA o MALI.
Sa pagbabago ng katawagan ng isang wika ay hindi na nangangailangan ng batas na siyang pagbabatayan.
Ang itinuturing na lingua franca ng Pilipinas ay ang dayalektong Tagalog.
Sa larangan ng pakikipagtalastasan ay kinakailangan maging pormalisado ang paggamit sa wikang Filipino.
Sa pagiging pormalisado ng paggamit ng wikang Filipino ay nagkaroon ng impluwensya ng mga banyaga ng mananakop.
Ang Tagalog ay ang katawagan sa wikang Pambansa na isinulat sa lamang sa Filipino.
Binanggit ni Kom. Francisco Rodrigo na ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang Filipino ay batay sa Pilipino.
Ang Wikang Filipino ay pinatutunayang hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe.
Mas gagamitin at makilala ang Wikang Filipino kung ito ay ibabatay sa Pilipino.
Hindi maituturing na isang umiiral na wika ang Wikang Filipino ng isang bansa kung ito ay hindi pa pormalisado.
Ang Wikang Filipino ay pinalawak na bersyon ng Pilipino.
Ang Filipino ay lumalaganap at umiiral na wika kung kaya’t kinakailangang paunlarin ito ng sistema ng edukasyon ayon sa pagsalakay ni Kom. Wilfrido Villacorta.
Magkakaroon na ng sapat na pagkakaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa kahit na isang wika lamang ang umiiral.
Sa pamumuno ni Pangulong Manuel Luis Quezon namayagpag ang paggamit ng dayalektong Tagalog.
Maaaring lumikha ng panibagong wika ng sinuman nang walang pinagbabatayan na kahit na anong batas.
Hindi nagtataglay ng historikal na perspektibo ang Wikang Filipino.
Karagdagang Gawain
Ipaliwanag ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon ukol dito.
“Lahat ng wika ay may pinagdaanang kasaysayan bago ito mabuo”.
_____.
“May kapangyarihan ang wika at may wika ang kapangyarihan”
_____.
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
- TAMA
- MALI
- MALI
- TAMA
- MALI
- TAMA
- MALI
- MALI
- MALI
- TAMA
- MALI
- MALI
- TAMA
- MALI
- MALI
Subukin
- TAMA
- MALI
- TAMA
- MALI
- MALI
- TAMA
- MALI
- TAMA
- MALI
- MALI
- MALI
- MALI
- TAMA
- MALI
- TAMA
Sanggunian
Abueg, Efren R. (2013, Abril 11) Ang Depinisyon ng Wikang Filipino: Ang Katawan at Kaluluwa. Opisyal na Blogspot ni Efren R. Abueg, PhD. Nakuha mula sa http://efrenabueg.blogspot.com
Ampong, R. (2017) Nakuha mula sa https://prezi.com/0iw79iocnosl/metalinggwistik-na-pagtalakay-sa-wikangfilipino/
Genovia, R.M. et al. Nakuha mula sa https://pinoycollection.com/sanaysaytungkol-sa-wika/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply