This is the Quarter 1 (Unang Markahan) Module 11 self-learning module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School subject. Its title, “Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa,” means views of different authors on the national language. Prepared by DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021), it helps learners understand the history of the national language through the opinions of writers and language experts.
What learners will learn
The module’s learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is:
- Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (analyzes the views of different authors on the written history of the language).
Its objectives (Layunin) are that learners can:
- Identify the views of different authors in essays about the history of the language.
- Give their own understanding of a text from the author’s point of view.
- Analyze statements about the national language.
Experts on Filipino, culture, and social media
The Tuklasin (explore) part presents three university professors:
- April Perez (University of the Philippines Diliman): social media is a main way we send messages and cannot be separated from the culture of our society. Her research found that students pay more attention to the content of Facebook statuses but still notice the language used.
- Ma. Althea Enriquez (UP Diliman): in language teaching, teachers should focus on the form of words more than their function in the sentence, and on how words relate to one another.
- Imelda De Castro (University of Santo Tomas): correct structure and grammar are needed to standardize Filipino and make it more modern. Language must transform to adapt to changing times. All languages of the Philippines, not only Filipino, connect citizens. The government should lead in using and spreading the national language, and officials should be competent in both English and Filipino.
The many faces of language
The Suriin (analyze) part is based on the essay “Wikang Pambansa: Ang magpapalaya sa bansa sa trahedya ng pagkawala” (the national language: what will free the nation from the tragedy of loss). Its main idea is that language is connected to every part of society: political, social, cultural, and economic. Education, political decisions, communication, cultural trends, and the economy all have roots in questions of language.
The module then summarizes four authors:
- Conrado de Quiros (1996) saw language as an instrument of power. The spread of English divides people into the “superior” elite and the “inferior” lower classes. The Spanish kept their language from Filipinos to exclude them from high society and prevent revolt. The Americans did the opposite and shared English, and Filipinos became obedient instead of rebelling.
- Jonathan Vergara Geronimo (2012) argued that if government officials show no love of country, the seed of nationalism will not grow in Filipinos’ hearts.
- Arao (2007) noted that making English the medium of instruction was expected to raise students’ English proficiency, and that English opens the way to a successful export economy.
- Constantino (1996) said that schools promoting Western ideas lost focus on national history and on the ideas of Filipino thinkers, so Filipinos lost their intellectual tradition and became “mis-educated.”
| Face of language | Author |
|---|---|
| Instrument of power | De Quiros, 1996 |
| Key to uniting the people | Arao, 2010 |
| Instrument for enriching education and knowledge | Constantino, 1996 |
| Instrument of expression (pamamahayag) | Arao, 2007 |
| Force for progress and liberation | Geronimo, 2012 |
The module ends this part with an irony: language, our main tool for communication, is also what divides Filipinos and causes misunderstanding among them.
How to use this module
The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:
- Subukin (pretest): 15 true-or-false items. Write A if true and B if false.
- Balikan (review): reflect on how you can show that you value the Filipino language.
- Tuklasin and Suriin: read the expert views and the essay summarized above.
- Pagyamanin (practice): three exercises. Explain how cultural trends affect the growth of language, agree or disagree with three statements and explain why, and explain the authors’ views in your own words.
- Isaisip (reflect): answer three questions, including what you can do to develop Filipino and whether being fluent in English helps you as a student.
- Isagawa (apply): write a reflection on the statement that language is connected to all aspects of society. It is graded out of 15 points: content (5), clarity of ideas (5), and correct punctuation (5).
- Tayahin (posttest): another 15 true-or-false items.
- Karagdagang Gawain (extra task): explain the statement “Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa” (language is a mirror of a nation’s culture).
Learners: answer on separate paper and do not write on the module. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.
Parents and guardians: the module is meant for home study. Encourage your child to finish the pretest before reading and to keep the module clean so others can use it.
Teachers: the pretest shows which learners need extra help, and the essay rubric in Isagawa can guide grading of the written tasks.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 11.
Which authors does the module discuss?
It discusses Conrado de Quiros, Constantino, Arao, and Jonathan Vergara Geronimo, along with professors April Perez, Ma. Althea Enriquez, and Imelda De Castro.
What does De Quiros mean by language as an instrument of power?
He argued that the spread of English divides Filipinos into a superior elite and an inferior lower class. The module also notes that the Spanish kept their language from Filipinos to prevent revolt.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the posttest, and one practice exercise. The essay tasks are open-ended, and the reflection essay uses a 15-point rubric.
How do learners answer the true-or-false tests?
They write A if the statement is true and B if it is false, on a separate answer sheet.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 11: Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa
Senior High School
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher at a desk with a globe, a child reading by a lantern]
CO_Q1_ KPWKP SHS Module 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 11: Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jessica P. Estares Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Neneth P. Erni, Ma. Theresa Austria, Leonila L. Custodio Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Julie Anne V. Vertudes Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 11: Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pointing at a circle icon]
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga pananaw ng mga indibidwal ukol sa pinagdaanang pangyayari ng wikang pambansa. Makatutulong ang modyul na ito sa iyo upang higit mong maunawaan ang naging kasaysayan ng Wikang Pambansa.
Naglalaman ang modyul na ito ng paksang:
- Pananaw ng Iba’t ibang Awtor ukol sa Wikang Pambansa
Kasanayang Pampagkatuto:
- Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
Layunin:
- Natutukoy ang pananaw ng iba’t ibang awtor mula sa sanaysay tungkol sa kasaysayan ng wika
- Nakapagbibigay ng sariling pag-unawa sa tekstong binasa mula sa pananaw ng awtor.
- Nasusuri ng mga pahayag tungkol sa wikang pambansa
CO_Q1_KPWKP SHS Module 11
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Unawain mong mabuti ang katanungan. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Kung tama, isulat sa sagutang papel ang A at kung mali naman ay B.
- Ang wika ay walang kaugnayan sa lahat ng aspeto sa lipunan.
- Hinahati ng wika ang mga mamamayan sa dalawang kategorya.
- Edukasyon ang ibinahagi ng mga Amerikano sa mga Pilipino upang tayo ay mag-aklas laban sa kanila.
- Kung walang makitang pagkamakabayan sa mga opisyal ng pamahalaan, hindi dapat asahan na sibol sa mga Pilipino ang damdaming nasyonalismo.
- Ang wika bilang isang tagapag-unlad at tagapagpalaya ng isang bansa.
- Ang social media ay mayroong kaugnayan sa pagbabago ng kultura.
- Hindi na kailangan na maging wasto ang estruktura ng wika para sa isasagawang estandardisasyon.
- Sa pamamagitan ng wika, ipinakilala ang kultura ng isang bansa.
- Nawawala ang atensyon o pokus sa pag-aaral ng ating pambansang kasaysayan dahil sa mga kaisipang kanluranin na patuloy nating tinatangkilik.
- Sa isang export economy ay wikang Ingles ang siyang naging daan upang maisakatuparan ito.
- Ang wika ay mayroong iba’t ibang konsepto.
- Maituturing na ang wikang Ingles ay makapangyarihan kumpara sa wikang Filipino.
- Ang binhi ng nasyonalismo ang siyang nagbubuklod sa mga Pilipino.
- Ang wika ay simbolo ng kaunlaran.
- Wikang Pambansa ang siyang maging daan sa pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino upang higit na paunlarin ang wikang sariling atin.
CO_Q1_KPWKP SHS Module 11
Aralin 10
Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Nakapokus ito sa mga pananaw na inilahad ng mga partikular na mga awtor. Inilahad dito ang siyang pinagdaanan ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng kani-kanilang opinyon na siyang nagbibigay-linaw sa aralin.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang iyong natutunan sa unang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa partikular na tanong:
- Batay sa mga naging pahayag ng mga partikular na indibidwal, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa wikang Filipino?
[illustration: hands holding papers]
Halika, ipagpatuloy mo na iyong pag-aaral. Tuklasin mo na ang pananaw ng mga awtor tungkol sa wikang pambansa. Basahin mo muna ang pagtalakay sa mga pananaw mula sa iba’t ibang indibidwal na siyang gagabay sa iyong pag-aaral sa modyul na ito.
CO_Q1_KPWKP SHS Module 11
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant]
Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng kultura
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga makabagong uri ng komunikasyon tulad ng social media, maaaring matagpuan ang mga pagbabago sa kultura at lingguwistika ng ating lipunan, ayon sa mga dalubhasa.
“Ang social media ay pangunahing ginagamit natin sa paghahatid ng mensahe. Isa ito sa mga pangunahing proseso ng komunikasyon at hindi kailan man maihihiwalay sa kultura ng lipunang ginagalawan natin,” wika ni April Perez, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, sa ikalawang araw ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino. Lumabas sa pananaliksik ni Perez na higit na binibigyang-pansin ng mga mag-aaral ang nilalaman ng mga Facebook status ngunit tinitingnan pa rin nila ang wikang ginamit sa pagpapahayag dito.
Ayon naman kay Ma. Althea Enriquez, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, “sa pagtuturo ng wika, kailangang ituon ang atensiyon ng mga guro sa anyo ng mga salitang ginagamit kaysa sa tungkulin nito sa pangungusap”. Iminungkahi rin niyang pagtuunan ng pansin ang ugnayan ng mga salita sa isa’t isa.
Nabanggit naman ni Imelda De Castro, propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang kahalagahan ng tamang estruktura at gramatika sa Filipino upang makamit ang estandardisasiyon ng wika tungo sa mas progresibo at modernisadong Filipino. “Ang wika ay kailangang sumulong sa tinatawag na transpormasyon para maka-adapt ito sa pagbabago ng panahon,” ani De Castro. Paliwanag niya, hindi lamang wikang Filipino ang ginagamit upang mapaigting ang ugnayan sa mga mamamayan kundi lahat ng wika sa Pilipinas upang magkaroon ng koneksyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dagdag pa niya, “mayroong tungkulin ang pamahalaan na manguna sa paggamit at pagpapalaganap ng wikang pambansa. Dapat gawing competent sa Ingles at Filipino ang mga opisyal upang mahikayat ang iba na sumulat at gumawa ng pananaliksik ng sa gayon ay maitanghal ang wikang Filipino bilang intelektuwalisado at modernisado”, aniya.
CO_Q1_KPWKP SHS Module 11
Suriin
Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”
Wikang Pambansa: Ang magpapalaya sa bansa sa trahedya ng pagkawala
Ang wika ay may kaugnayan sa lahat ng aspekto sa lipunan – pulitikal, sosyal, kultural, at ekonomikal. Hindi maaaring umusbong ang isang penomenon sa bansa na hindi dulot o iniimpluwensiyahan ng wika. Sa ganitong pananaw, mahihinuha natin na lahat ng kaganapan sa bansa – mabuti man o hindi – ay nag-uugat sa wika.
Ang sistema ng edukasyon, ang mga pulitikal na pagpapasya, ang namamayaning kaisipan at paradigm sa lipunan, komunikasyon sa loob at labas ng bansa, nauusong mga gawaing kultural o “cultural trends” at ang estado ng ekonomiya sa bansa – ito ay ilan lamang sa mga penomenong bumabalot sa bansa na hindi maipagkakailang tumubo mula sa ugat ng diskusyong may kaugnayan sa wika. Ang mga sumusunod na pahayag ay naaayon sa kritikal na obserbasyon at pananaw nina De Quiros (1996), Constantino (1996), Arao (2007; 2010) at Geronimo (2012).
Inilarawan ni Conrado de Quiros (1996) ang wika bilang isang instrumento para makapaghari. Ang paglaganap ng wikang Ingles ay lumilikha ng dibisyon sa pagitan ng mga naghaharing uri at pinaghaharian, at ng mga binabansagang “elite” sa lipunan at mga tinaguriang kabilang sa mababang estado sa lipunan. Hinahati nito ang mga mamamayan sa dalawang kategorya na pinangalanang “superior” at “inferior”. Ang konsepto ng wika bilang isang simbolo ng kapangyarihan ay matagal nang naka-ukit sa kasaysayan ng Pilipinas. Isang katibayan ang pagkakait ng mga Kastila ng wikang Espanyol sa mga Pilipino upang maipuwera sa alta sosyedad at mapigilan ang anumang pag-aaklas na maaaring umusbong kapag naunawaan ng mga mamamayan ang kanilang wika. Gayundin magiging hadlang ang pagkatutuo ng mga Pilipino ng wikang Espanyol sa kanilang plano na maghari, yumaman at maayos na pamumuhay sa bansang Pilipinas. Sa kabaliktaran, ibinahagi ng mga Amerikano ang kanilang wika upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa pagitan nila at ng mga mamamayan. Sa ganitong pagpapasya, hindi nag-aklas ang mga Pilipino laban sa Amerika kundi sila pa ay naging masunurin.
Isa pang suliranin ang pagsasabatas ng mga anti-Filipino o anti-mamamayang polisiya. Ayon nga kay Jonathan Vergara Geronimo (2012), kung walang makitang pagkamakabayan sa mga opisyal ng pamahalaan, hindi dapat asahang agad sisibol ang binhing nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino na siyang magbubuklod sa kanila. Ayon kay Arao (2007), dahil idineklara ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa eskwelahan, nariyan ang inaasahang pagtaas ng English
proficiency ng mga mag-aaral. Sa pangangampanya ng mga eskwelahan ng mga kaisipang kanluranin, nawala ang pokus sa pag-aaral sa pambansang kasaysayan at mga ambag sa daigdig ng kaisipan ng mga pantas ng sariling bansa (Constantino, 1996). Sa madaling salita, nawala ang intellectual tradition ng mamamayang Pilipino. Naghari ang kolonyal – partikular na ang Kanluranin – na pag-iisip na lumilikha ng mga “mental educators” o mga misedukado. Ipinaliwanag din ni Arao (2007), sa isang panig naman, ang Ingles ay magbibigay daan sa isang matagumpay na “export economy”.
Sa kabuuan, may iba’t ibang mukha ang wika na ipinakita ang mga awtor: Ang wika bilang instrumento sa kapangyarihan (De Quiros, 1996), Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010), ang wika bilang instrumento sa pagpayayaman ng edukasyon at kaalaman (Constantino, 1996), ang wika bilang instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007), at sa kabuuan, ang wika bilang isang tagapag-unlad at tagapalaya (Geronimo, 2012). Nakakatawang isipin na ang wika – na pangunahing instrumento sa komunikasyon, ang siya pang nagiging dahilan upang mahati, mawalan ng pag-uunawaan, at mawalan ng komunikasyon ang mga mamamayang Pilipino.
Pagyamanin
PAGSASANAY 1
Unawaing mabuti ang tanong at ilahad ang iyong mga patunay rito.
Paano nakakaapekto ang cultural trends sa naging pag-unlad ng wika?
PAGSASANAY 2
Suriing mabuti ang mga pangungusap tungkol sa Wikang Pambansa at ilahad kung sang-ayon o di-sang-ayon sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling opinyon.
- Ang paglaganap ng wikang Ingles ay lumilikha ng dibisyon sa pagitan ng mga pangkat sa lipunan.
- Ang wika ang dahilan sa kawalan ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan sa isang partikular na pamayanan.
- Ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo ang dahilan ng pagtaas ng English proficiency.
PAGSASANAY 3
Batay sa nilalaman ng talata na nasa kahon, ipaliwanag sa sariling opinyon ang mga pahayag ng mga awtor tungkol sa wika.
May iba’t ibang mukha ang wika na ipinakita ang mga awtor: Ang wika bilang instrumento sa kapangyarihan (De Quiros 1996), Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010), ang wika bilang instrumento sa pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman (Constantino 1996), ang wika bilang instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007), at sa kabuuan, ang wika bilang isang tagapag-unlad at tagapagpalaya (Geronimo, 2012). Nakakatawang isipin na ang wika – na pangunahing instrumento sa komunikasyon, ang siya pang nagiging dahilan upang mahati, mawalan ng pag-uunawaan, at mawalan ng komunikasyon ang mga mamamayang Pilipino.
Isaisip
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
- Ano ang iyong magagawa upang mapaunlad ang wikang Filipino?
[transcriber’s note: six blank writing lines follow for this answer]
- Sa kasalukuyang nangyayari sa wikang Filipino, anong paraan ang iyong magagawa upang higit itong makilala?
[transcriber’s note: six blank writing lines follow for this answer]
- Bilang isang mag-aaral, makatutulong ba sa iyo ang pagiging bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles?
[transcriber’s note: six blank writing lines follow for this answer]
Isagawa
Suriing mabuti ang pahayag patungkol sa Wikang pambansa at maglahad ng inyong repleksyon ukol dito.
“Ang wika ay may kaugnayan sa lahat ng aspeto sa lipunan – politikal, sosyal, kultural, at ekonomikal.”
RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY
- Nilalaman……………………………..……………….5
- Kahusayan sa paglalahad ng ideya………………5
- Wastong gamit ng mga bantas…………………….5
KABUUAN 15 puntos
[transcriber’s note: sixteen blank writing lines follow for the essay]
Tayahin
Unawain mong mabuti ang katanungan. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Kung tama, isulat sa sagutang papel ang A at kung mali naman ay B.
- Sa patuloy na pagtangkilik sa kanlurang kaisipan ay nawawala ang atensiyon sa pag-aaral ng ating pambansang kasaysayan.
- Walang kaugnayan ang wika sa lahat ng aspeto sa lipunan.
- Sa pagbabagong nagaganap sa kultura, mayroong kaugnayan dito ang paglaganap ng social media.
- Nagtataglay ng iba’t ibang konsepto ang wika.
- Ibinahagi ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang edukasyon upang tayo ay gumawa ng hakbang laban sa kanila.
- Ang wikang Ingles ang siyang naging daan upang maisakatuparan ang isang export economy.
- Ang mga mamamayan ay nahahati sa dalawang kategorya dahil sa wika.
- Ang wikang Ingles ay mas makapangyarihan kumpara sa wikang Filipino.
- Hindi dapat asahan sisibol sa mga Pilipino ang damdaming nasyonalismo kung walang makitang pagkamakabayan sa mga opisyal ng pamahalaan.
- Maipapakita ang kultura na mayroon ang isang bansa sa pamamagitan ng wika.
- Higit na uunlad ang sariling atin kung ang wikang Pambansa ang siyang magbubuklod-buklod sa mga Pilipino.
- Nagsisilbing tagapagpalaya at tagapag pag-unlad ang wika.
- Sa isasagawang estandardisasyon, hindi na kailangan na maging wasto ang estruktura ng wika.
- Sumisimbolo sa kaunlaran ang wika.
- Binhing nasyonalismo ang siyang magbibigkis sa mga Pilipino.
Karagdagang Gawain
Ipaliwanag ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon tungkol dito.
“Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa”
[transcriber’s note: sixteen blank writing lines follow for the answer]
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down; it is transcribed upright below]
| Tayahin | Pagyamanin | Subukin |
|---|---|---|
| 1. A 2. B 3. A 4. A 5. B 6. B 7. A 8. B 9. A 10. A 11. A 12. A 13. B 14. A 15. A | Pagsasanay 1 1. Sang-ayon 2. Di-sang-ayon 3. Sang-ayon | 1. B 2. A 3. B 4. A 5. A 6. A 7. B 8. A 9. A 10. B 11. A 12. B 13. A 14. A 15. A |
Sanggunian
Filipino Editor (2017, Agosto 31) Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng kultura. The Varsitarian. Nakuha mula sa https://www.google.com/amp/s/varsitarian.net/filipino/20170831/wikang-filipino-sangkap-sa-pagpapakilala-ng-kultura/amp
Hernandez, J. (2014, Enero 28). Wikang Pambansa: Ang Magpapalaya sa bansa sa trahedya ng pagkawala. Word Press.com. Nakuha mula sa https://justinehernandez.wordpress.com/2014/01/28/wikang-pambansa-ang-magpapalaya-sa-bansa-sa-trahedya-ng-pagkawala/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply