This is Module 12 of the first quarter (Unang Markahan) for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School subject. Its single lesson is “Sanaysay” (the essay). It teaches the two types of essay, the three parts of an essay, and its main elements. It ends with learners writing their own essay about a period in the history of the national language. The module is a self-learning module (SLM) for Alternative Delivery Mode, first edition 2021, prepared by DepEd Region 4A CALABARZON.
What learners will learn
The module states this learning competency, marked as a MELC (Most Essential Learning Competency):
- Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa (writes an essay that traces a particular period in the history of the national language)
Its objectives (layunin) are that learners:
- understand the meaning of the two types of essay;
- take pride in the achievements in the history of the national language; and
- write an essay about one period in the history of the national language.
The module covers three topics: Uri ng Sanaysay (types of essay), Bahagi ng Sanaysay (parts of an essay), and Elemento ng Sanaysay (elements of an essay).
Types of essay: pormal and impormal
The module defines a sanaysay as a literary work in which the author expresses an opinion (kuro-kuro) about something. It describes two types.
| Type | What it is like |
|---|---|
| Pormal (formal) | Gives important knowledge or information, scientific ideas, and a logical order of ideas. The topic is not ordinary and needs careful study and research. Words are chosen carefully and the writing is polished. It can be deep and figurative. The tone is serious. |
| Impormal (informal) | Entertains by discussing common, everyday topics. It uses words from daily conversation and sounds like someone talking to you. The tone is friendly (palakaibigan), because it follows the author’s own feelings and beliefs. |
Parts of an essay
- Simula (beginning): The writer places a hook to catch the reader’s attention and feelings. Here the reader decides whether to keep reading, so the module treats it as the most important part.
- Katawan o Gitna (body or middle): Holds most of the essay’s content and the author’s important ideas and information about the topic.
- Wakas (ending): The closing part. The writer can give a conclusion, a summary, or a parting message. It can also leave a statement that challenges the reader’s thinking.
Elements of an essay
- Tema/Paksa (theme or topic): Where the author states the purpose of the essay. It answers the question “What is the work about?”
- Anyo at Istruktura (form and structure): The orderly sequence of ideas or events, which helps the reader understand the essay.
- Wika at Istilo (language and style): Simple, natural, and honest statements work best and enrich the reader’s thinking.
- Kaisipan (ideas): The ideas that make the theme clear.
- Damdamin (feeling): A skilled author expresses feelings fittingly and correctly.
The module also mentions larawan ng buhay (a picture of life): life shown through a true-to-life account, told artfully in the author’s own voice.
The sample essay and activities
The Pagyamanin part gives a sample informal essay, “Sino Ako?” (Who am I?) by Jim Lyoyd. In it, the writer reflects on knowing his family and friends, his dreams, his habit of always finishing what he starts, and his wish to be accepted for who he truly is. Learners then:
- tell what type of essay it is and explain why;
- identify its simula, gitna, and wakas in a table; and
- write their own ending for the essay and name its important ideas.
In Isagawa, learners write their own essay using two guide questions: Do you support your own language? Do we need to know the story behind our national language? Written work is scored with a 15-point rubric:
| Criterion | Points |
|---|---|
| Nilalaman (content) | 5 |
| Kahusayan sa paglalahad ng ideya (skill in presenting ideas) | 5 |
| Wastong gamit ng bantas (correct punctuation) | 5 |
| Total | 15 |
How to use this module
Work through the parts in order:
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
- Balikan: two review questions on the history of the national language.
- Tuklasin: unscramble letters to form key words.
- Suriin: the discussion of types, parts, and elements of an essay.
- Pagyamanin: the sample essay and three activities.
- Isaisip: complete sentences about what you learned.
- Isagawa: write your own essay.
- Tayahin: a 15-item post-test.
- Karagdagang Gawain: list three possible essay topics that reflect social conditions.
For learners: Write all answers on a separate answer sheet, not in the module. Answer honestly before checking the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
For parents and guardians: The module is made for study at home. You can help by reading the instructions with your child and making sure answers are checked only after they are written.
For teachers: The answer key covers Subukin, Tuklasin, and Tayahin. The essay tasks in Pagyamanin and Isagawa are scored with the rubric above. The teacher’s note asks you to give clear instructions and remind learners to answer honestly.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, first quarter (Unang Markahan), Module 12.
What are the two types of sanaysay?
Pormal (formal) essays are serious, carefully worded, and need research. Impormal (informal) essays discuss everyday topics in a friendly, conversational tone.
What are the parts of a sanaysay?
An essay has a simula (beginning) that catches attention, a katawan or gitna (body) that holds the main ideas, and a wakas (ending) with a conclusion, summary, or message to the reader.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest (Subukin), the word activity (Tuklasin), and the post-test (Tayahin). The essay tasks are scored with a 15-point rubric.
What do learners write at the end of the module?
Learners write their own essay guided by questions about supporting their own language and knowing the story behind the national language. This connects to the competency of writing about a period in the history of the national language.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 12: Sanaysay
Senior High School
CO_Q1_ KPWKP SHS Module 12
[illustration: group of students and a teacher studying outdoors and at a desk beside a globe and a lamp]
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 12: Sanaysay Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rachelle C. Acobera Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Neneth P. Erni, Ma. Theresa Austria, Leonila L. Custodio Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Julie Anne V. Vertudes Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan –Modyul 12: Sanaysay
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle]
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa Sanaysay. Ang sakop ng modyul ay magagamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pag-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Naglalaman ang modyul na ito ng paksang tumatalakay sa;
- Uri ng Sanaysay
- Bahagi ng Sanaysay
- Elemento ng Sanaysay
Kasanayang Pampagkatuto:
- Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa (MELC)
Layunin:
- Nauunawaan ang kahulugan ang dalawang uri ng sanaysay
- Naipagmamalaki ang pagtatagumpay na naganap sa kasaysayan ng wikang pambansa
- Nakabubuo ng isang sanaysay tungkol sa isang yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa
1 CO_Q1_KPWKP SHS Module 12
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle]
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang bagay.
a. maikling kuwento
b. sanaysay
c. nobela
d. tulaAng paksa ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral at pananaliksik.
a. nilalaman
b. impormal
c. banghay
d. pormalIto’y karaniwang himig nakikipag-usap lamang at hindi nangangailangan nang masusing pag-aaral upang makasulat nito.
a. impormal
b. nilalaman
c. banghay
d. pormalAlin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng isang pormal na sanaysay.
a. gumagamit ng payak na salita lamang
b. maayos at mabisang pagkakalahad
c. mahusay at malinaw na pagbuo
d. lubos na kaalaman sa paksaAlin sa mga sumusunod ang katangian ng impormal na sanaysay.
a. palakaibigan
b. maanyo
c. maligoy
d. seryosoBahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang ideya o punto ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
a. simula
b. wakas
c. gitna
d. temaTinuturing na pinakamahalagang bahagi ng sanaysay, sapagkat ito ang unang titingnan ng mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
a. simula
b. gitna
c. tema
d. wakas
2 CO_Q1_KPWKP SHS Module 12
Bahagi ng sanaysay na maaaring magsulat ng konklusyon, buod o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa.
a. gitna
b. tema
c. wakas
d. simulaElemento ng sanaysay na karaniwang sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang akda?”
a. wika at istilo
b. tema/paksa
c. kaisipan
d. larawan ng buhayNakapaloob sa bahaging ito ang nais iparating ng manunulat sa mambabasa.
a. damdamin
b. wika at istilo
c. kaisipan
d. tema/paksaElemento ng sanaysay na naglalahad na mas mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na pahayag.
a. wika at istilo
b. kaisipan
c. damdamin
d. anyo at istrukturaAng maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa ng isang sanaysay. Anong elemento ito ng sanaysay?
a. paksa/tema
b. kaisipan
c. anyo at istruktura
d. damdaminNailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda. Anong elemento ito ng sanaysay?
a. larawan ng buhay
b. kaisipan
c. damdamin
d. paksa/temaAng mga sumusunod ay katangian ng isang mahusay na mananaysay maliban sa __________
a. mabilis mag-isip
b. sensitibo sa kapaligiran
c. may pinapanigan
d. malikhainAlin ang hindi kapangkat ng mga salita na nasa pagpipilian sa ibaba?
a. kaisipan
b. impormal
c. paksat/tema
d. damdamin
3 CO_Q1_KPWKP SHS Module 12
Aralin 1 Sanaysay
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang tungkol sa uri ng sanaysay, sangkap at elemento nito. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece inside a circle]
Bago natin simulang talakayin ang bagong aralin, muli mong balikan ang nakaraang paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong upang mataya ang iyong natutuhan.
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
- Ano ang kahalagahan ng kasaysayan ng wikang pambansa sa ating lipunan?
- Paano ito nakatutulong sa kamalayan ng isang mamamayang Pilipino?
[illustration: hand holding papers inside a circle]
Mga Tala para sa Guro
Tiyaking malinaw ang pagbibigay ng panuto at nasusunod ito nang maayos. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa pagsagot.
4 CO_Q1_KPWKP SHS Module 12
Tuklasin
Isaayos ang mga letra upang mabuo ang salitang inilalarawan.
- Ito’y karaniwang himig nakikipag-usap lamang at hindi nangangailangan ng masusing pag-aaral upang makasulat nito.
O-R-M-P-A-L-I-M
- Isang akdang nagpapahayag ng kuro-kuro ng may-akda hinggil sa isang bagay.
Y-N-S-A-Y-S-A-A
- Ang paksa ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral at pananaliksik.
M-A-L-O-P-R
- Tinagurian siyang “Ama ng Wikang Pambansa”.
U-E-O-N-Q-Z
- Ito ang nilalaman ng isang sanaysay at nagpapahayag ng layunin ng may-akda.
P-K-S-A-A
Suriin
Katulad ng ibang anyo ng panitikan, ang sanaysay ay may uri rin. Ito ay ang pormal at impormal. Ito ay nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang bagay. Naghahatid din ito ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham, at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari itong maging makahulugan, matalinhaga at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay seryoso at dinagbibiro.
Samantalang sa impormal na sanaysay, nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw-araw na paksa. Gumagamit din ng mga salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-usap sa kapwa. Palakaibigan ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may akda ang pananaw dito.
Bahagi ng Sanaysay
Simula – Karaniwang naglalagay ng pang-akit, atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa at sa bahaging ito makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa.
Katawan o Gitna – Dito naman nakalagay ang malaking bahagi ng nilalaman ng sanaysay. Nakasaad din ang mga mahahalagang impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa.
Wakas – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaaring magsulat ng konklusyon, buod ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maaari ring maglagay ng pahayag na hahamon sa pag-iisip ng babasa ng akda.
Elemento ng Sanaysay
Tema/Paksa – Sa bahaging ito ipinapahayag ng may-akda ang layunin ng kanyang pagsulat ng sanaysay.
Anyo at Istruktura– Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mambabasa, ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.
Wika at Istilo– Elemento ng sanaysay na higit na nagpapayaman sa kaisipan ng mga mambabasa kung kaya’t higit na mas mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
Kaisipan – Mga ideyang nagpapalinaw sa tema. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay. May masining na paglalahad na ginagamitan ng sariling himig ng may-akda.
Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng di-pormal na sanaysay tungkol sa sarili. Pagkatapos ay gawin ang mga pagsasanay. Gamitin ang pamantayan sa pagsagot.
Sino Ako?
Ni: Jim Lyoyd
Katulad ng ibang tao, ako ay may sarili rin pamilya. Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama sa loob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya. Ganoon din naman ang aking mga kaibigan. Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kainin. Ganon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?
[illustration: a figure seen from behind with a large question mark on the head, inside a ring of beads]
Ako, isang simpleng tao. Minsan nakadarama rin ako ng kalungkutan. Gaya ng iba, mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan. Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin. Sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ako ay isang tao na hinding- hindi titigil sa isang bagay na aking nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding-hindi ako mag-iiwan
ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos. Ako’ yong uri ng tao na hindi nauubusan ng tiwala sa sarili at pag-asa sa buhay. Tinitiyak ko rin na may magandang kalalabasan ang isang bagay na pinaglalaanan ko nang mahabang oras sa paggawa.
Pagdating naman sa aming tahanan, sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang tunay na ako. Maaasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangang utusan upang kumilos. Kumilkilos ako ng mag-isa at natatapos kong lahat ang mga gawain.
Ang laging sumasagi sa isip ko, pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Kaya kong baguhin ang ilan sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na maraming makikisama sa akin ngunit balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais ko’y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama, natitiyak ko naman na tunay ang mga ito. Nariyan din ang aking pamilya na alam kong hinding-hindi tatalikod sa akin dahil isa sila sa pinagkukunan ko ng lakas ng loob.
Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin nang lubusan kundi ang ating sarili lamang. Ako kilala ko kung sino si “Ako?” at kung ano ang tunay na “Ako”. Ikaw kilala mo ba kung sino si “Ikaw” at kung ano ang tunay na “Ikaw”.
| Pamantayan sa pagsulat | Puntos |
|---|---|
| Nilalaman | 5 |
| Kahusayan sa paglalahad ng ideya | 5 |
| Wastong gamit ng bantas | 5 |
| Kabuuan | 15 |
Gawain bilang 1: Mula sa binasang akda, anong uri ito ng sanaysay? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
Gawain bilang 2: Tukuyin ang mga bahagi ng sanaysay mula sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa talahanayan na nasa ibaba.
| Simula | Gitna | Wakas |
|---|---|---|
Gawain bilang 3: Bumuo ng sariling pagwawakas na mula akdang binasa at tukuyin ang mahahalagang kaisipan na nakapaloob dito.
Isaisip
Dugtungan ang pahayag mula sa iyong natutuhan sa aralin
Mula sa modyul 12, natutuhan kong ang pinagdaanan ng Wikang Pambansa na
Mula sa modyul 12, nais ko pang matutuhan ang mga pagbabago naganap sa Wikang Pambansa
Isagawa
Bumuo ng sanaysay tungkol sa paksang nakasaad. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
Paksa: _____
Mga Gabay na Tanong:
- Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika?
- Kailangan ba nating malaman ang kuwento sa likod ng ating Wikang Pambansa?
Rubriks sa pagwawasto ng sanaysay
| Pamantayan sa pagsulat | Puntos |
|---|---|
| Nilalaman | 5 |
| Kahusayan sa paglalahad ng ideya | 5 |
| Wastong gamit ng bantas | 5 |
| Kabuuan | 15 |
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan
Ito’y karaniwang himig nakikipag-usap lamang at hindi nangangailangan ng masusing pag-aaral upang makasulat nito.
a. impormal
b. nilalaman
c. banghay
d. pormalAlin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng isang pormal na sanaysay.
a. gumagamit ng payak na salita lamang
b. maayos at mabisang pagkakalahad
c. mahusay at malinaw na pagbuo
d. lubos na kaalaman sa paksaAlin sa mga sumusunod ang katangian ng impormal na sanaysay.
a. palakaibigan
b. maanyo
c. maligoy
d. seryosoAng maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa ng isang sanaysay. Anong elemento ito ng sanaysay?
a. paksa/Tema
b. kaisipan
c. anyo at istruktura
d. damdaminIsang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang bagay.
a. kuwento
b. sanaysay
c. nobela
d. tulaAng paksa ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral at pananaliksik.
a. nilalaman
b. impormal
c. banghay
d. pormalNailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining ang paglalahad na ginagamitan ng sariling himig ng may-akda. Anong elemento ito ng sanaysay?
a. larawan ng buhay
b. kaisipan
c. damdamin
d. paksa/TemaAng mga sumusunod ay katangian ng isang mahusay mananaysay maliban sa:
a. mabilis mag-isip
b. sensitibo sa kapaligiran
c. may pinapanigan
d. malikhainNakapaloob sa bahaging ito ang nais iparating ng manunulat sa mambabasa.
a. damdamin
b. wika at istilo
c. kaisipan
d. tema/paksaElemento ng sanaysay na naglalahad na mas mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na pahayag.
a. wika at istilo
b. kaisipan
c. damdamin
d. anyo at istrukturaAlin ang hindi kapangkat ng mga salita na nasa pagpipilian sa ibaba?
a. impormal
b. paksa/tema
c. damdamin
d. damdaminBahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang ideya o punto ukol sa tema at nilalaman nito.
a. simula
b. wakas
c. gitna
d. temaTinuturing na pinakamahalagang bahagi ng sanaysay, sapagkat ito ang unang titingnan ng mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
a. simula
b. gitna
c. tema
d. wakasBahagi ng sanaysay na maaaring magsulat ng konklusyon, buod o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa.
a. gitna
b. tema
c. wakas
d. simulaElemento ng sanaysay na karaniwang sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang akda?”
a. wika at istilo
b. tema/paksa
c. kaisipan
d. larawan ng buhay
Karagdagang Gawain
Sa iyong sagutang papel, magtala ng maaaring maging paksa sa sanaysay na sumalasamin sa kalagayang panlipunan.
[transcriber’s note: this page is printed upside down, with the answer key in three boxed columns]
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
- A
- A
- A
- C
- B
- B
- A
- C
- C
- A
- B
- C
- A
- C
- B
Tuklasin
- IMPORMAL
- SANAYSAY
- PORMAL
- QUEZON
- PAKSA
Subukin
- B
- D
- A
- A
- A
- C
- A
- C
- B
- C
- A
- C
- A
- C
- B
Sanggunian
Abadilla, Alejandro G. 1952. Mga Piling Sanaysay, Maynila: Inang Wika Publishing Co
Alcaraz, C., Austria, R. et.al 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School Cubao, Quezon City: Educational Resources Corporation
Alejandro, Rufino.1948 Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan. Maynila: Phil. Book Co.,
Catacataca, P. Espiritu, C. 2005. Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad.Manila: Rex Book Store.
Jocson. Magdalene O. et.al 2005. Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co. Inc
Mallinlin, Gabriel F. et. Al 2002 Kawil I- Aklat sa Paglinang ng Kasaysayan sa Wika at Literatura. Manila Rex Book Store.
Santiago, Erlinda M. et.al 1989.Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad PangKolehiyo. Manila: National Book Store
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply