This is a Self-Learning Module (SLM) for the Senior High School subject Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. It is Unang Markahan (First Quarter), Modyul 13: “Sanhi at Bunga” (cause and effect). It helps learners find the causes and effects of events in the development of the Philippine national language and write their own short cause-and-effect paragraphs.
The module was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON as part of its Alternative Delivery Mode materials. The writer is Darlene Joy A. Huelar. It is written in Filipino and has one lesson, an answer key, and a short rubric for the writing task.
What learners will learn
The module lists this most essential learning competency (MELC):
- Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa (identifies the causes and effects of events related to the development of the national language).
By the end of the module, learners should be able to:
- identify the cause and effect in events related to the development of the national language;
- write a short paragraph that uses cause and effect;
- use and appreciate the history of the national language’s development through cause and effect.
Key ideas: what sanhi and bunga mean
The module explains that a sanhi (cause) is an event that can lead to a bunga (effect). Its everyday example: you hear the siren of a fire truck (the cause), and as a result you are startled and worried (the effect).
Signal words for cause and effect
Cause-and-effect sentences usually contain connecting words, which the module calls pang-ugnay (connectors):
- kaya, kaya naman (so, that is why)
- dahil sa, dahil dito (because of, because of this)
- buhat nang (ever since)
- bunga nito (as a result of this)
- tuloy (as a result)
- sapagkat, pagkat (because)
An example from the history of the national language
The module uses this example about President Manuel L. Quezon:
- Sanhi (cause): President Quezon experienced that, in his own country, he and the citizens could not understand each other.
- Bunga (effect): He took action and created an agency to study what the national language should be based on: the Surian ng Wikang Pambansa (Institute of National Language).
The exercises apply the same idea to other events in language history, such as:
- Tagalog being chosen as the basis of the national language because it was spoken by the majority;
- the Propaganda Movement using Tagalog, which promoted its use in newspapers;
- the push to keep English as a language of instruction, which led to Edukasyong Bilingguwal (bilingual education), where English and Filipino are both used for teaching;
- Department Order No. 7 (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7) calling the national language Pilipino because “Wikang Pambansang Pilipino” was too long a name.
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Alamin | Read the competency and objectives. |
| Subukin | Pretest: 15 items; choose whether each statement shows a sanhi (a) or a bunga (b). |
| Balikan | Review the previous lesson by answering two questions about the sanaysay (essay). |
| Tuklasin | Read the explanation of cause and effect, the signal words, and the Quezon example. |
| Suriin | Mark 5 statements with a check if it shows a cause and an X if it shows an effect. |
| Pagyamanin | Practice 1.1: find cause-and-effect sentences in a passage about Filipino as an intellectualized language. Practice 1.2: complete a cause-and-effect chart. Practice 1.3: write a short paragraph using kaya, sapagkat, dahil dito, buhat nang, and bunga nito. |
| Isaisip | Use the Three Minute Review technique to sort what you fully understood, partly understood, and still need to study. |
| Isagawa | Write a 4 to 7 sentence paragraph, with your own title, on why it matters that young people use the national language to help it grow, using cause and effect. |
| Tayahin | Post-test: 15 sanhi-or-bunga items. |
| Karagdagang Gawain | Explain, with cause and effect, how translating COVID-19 guidelines from English into the national language helps people and develops the language. |
The Isagawa paragraph is scored out of 20 points: content (10), skill in word use (5), and punctuation (5).
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then work through each part in order. Write all answers on a separate answer sheet; the module asks you not to write on or mark any page so others can use it. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you use it. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is designed for home study. Help your child follow the directions in each part and use the answer key only after an activity is finished.
- Teachers: The teacher’s note asks that learners read each direction carefully and complete every activity to reach the objectives. Use the pretest to see who needs extra help, and the rubric to score the Isagawa paragraph.
Frequently asked questions
What grade level and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, First Quarter (Unang Markahan), Module 13.
What does sanhi at bunga mean?
Sanhi means cause and bunga means effect. A sanhi is an event that can lead to a bunga, like hearing a fire truck siren and feeling startled and worried as a result.
What words signal cause and effect in Filipino?
The module lists kaya, kaya naman, dahil sa, dahil dito, buhat nang, bunga nito, tuloy, sapagkat, and pagkat. It calls these connecting words pang-ugnay.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, Suriin, Pagsasanay 1.1 and 1.2, and the Tayahin post-test.
How is the writing task graded?
The Isagawa paragraph of 4 to 7 sentences is scored out of 20 points: 10 for content, 5 for word use, and 5 for punctuation.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_KPWKP SHS Module 13
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 13: Sanhi at Bunga
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, and a student holding a globe, with a lantern and a child writing numbers]
Senior High School
CO_Q1_KPWKP SHS Module 13
Copyright and Credits
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 13: Sanhi at Bunga Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Darlene Joy A. Huelar
Editor: Jonathan F. Bernabe
Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Elisa N. Lajera, Jammie A. Esguerra, Christine M. Cordero, Shaine Rita I. Krebs
Tagaguhit: Romdel F. Partoza
Tagalapat: Leonila L. Custodio, Jhunarlyn Apple O. Busia
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 13: Sanhi at Bunga
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q1_KPWKP SHS Module 13
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle]
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang ugnayang sanhi at bunga. Ang sakop ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pag-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Kasanayang Pampagkatuto:
- Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa (MELCs)
Layunin:
- Matukoy ng mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa.
- Makabubuo ng isang maikling talata gamit ang sanhi at bunga.
- Magamit at mapahalagahan ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa gamit ang sanhi at bunga.
2 CO_Q1_KPWKP SHS Module 13
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle]
Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot na nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat sa sagutang papel.
Napili ang Tagalog sapagkat ito ang intelektwalisadong wika na matatagpuan sa Pilipinas.
a. sanhi
b. bungaDahil sa pagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa kaya marami na ang gumagamit nito.
a. sanhi
b. bungaAng wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.
a. sanhi
b. bungaKulang na kulang ang mga aklat na nalimbag hinggil sa wikang katutubo kaya naman hindi ito napapag-aralan ng mga mag-aaral.
a. sanhi
b. bungaSalamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang sariling wika dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.
a. sanhi
b. bungaBuhat sa mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Pambansang Asemblea ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
a. sanhi
b. bungaAyon sa Komisyon ng Wikang Pambansa ay habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at payamanin nang nakasalig sa katutubong salita upang mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang wika sa Pilipinas.
a. sanhi
b. bunga
3 CO_Q1_KPWKP SHS Module 13
Sensitibong bagay ang pagbabago ng polisiya kaugnay sa wika kaya naman ay dapat na maging maingat ang pangulo sa pagpili ng karapat-dapat italaga.
a. sanhi
b. bungaNapatunayan na ang wikang Filipino ay kayang tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon sapagkat ang komposisyon nito ay hindi nalalayo sa naturang wika.
a. sanhi
b. bungaBunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang umiiral sa bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.
a. sanhi
b. bungaDapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina upang mas mapalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino.
a. sanhi
b. bungaAyon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino dahil sa masyadong mahabang katawagan ang “Wikang Pambansang Pilipino”.
a. sanhi
b. bungaMay sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila kaya’t masasabing mayaman ang ating kultura.
a. sanhi
b. bungaNagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang mas mapalawak at mapaunlad pa nito ang wika.
a. sanhi
b. bungaKailangang ganyakin at itaguyod ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo nang makabuo ng orihinal na obra at mga materyales na reperensiya sa iba’t ibang disiplina.
a. sanhi
b. bunga
4 CO_Q1_KPWKP SHS Module 13
Aralin 1
Sanhi at Bunga
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang matukoy ang ugnayang sanhi at bunga. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece inside a circle]
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
- Ano ang kahulugan ng sanaysay?
- Bakit mahalagang malaman ang uri at elemento ng sanaysay sa pag-aaral ng wika?
[illustration: hand holding a stack of papers inside a rounded box]
Mga Tala para sa Guro
Basahing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng modyul. Tiyaking nakasusunod sa bawat gawain upang matamo ang layunin nito.
Tuklasin
Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay isang pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, narinig mo ang sirena ng trak ng bombero. Ano ang maaaring bunga ng sirenang ito?
Isang maaring mangyari ang ikagulat at ikabahala ang sirenang narinig. Kaya ang naging bunga ng sirena sa iyo ay nagulat at nabahala ka.
May palatandaang salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakaroon ng sanhi at bunga: kaya, kaya naman, dahil sa, dahil dito, buhat nang, bunga nito, tuloy, sapagkat, pagkat. Ang mga salita o pahayag na ito ay tinatawag ding mga pang-ugnay.
Halimbawa: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan, gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa, at ito ay ang Surian ng Wikang Pambansa.
Sanhi: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan
Bunga: gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging batayan ng wikang Pambansa
Paano mo masasabing ang mga pahayag ay sanhi o bunga? Ipaliwanag.
[illustration: two students, a girl and a boy, with empty speech bubbles for the answer]
Suriin
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang tsek (√) kung ang pahayag ay sanhi at ekis (x) kung ito ay bunga.
_____1. Sa resulta ng pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa, naging malinaw ang katayuan na magkaroon ng isang wikang gagamitin sa buong bansa.
_____2. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aral ng mga katutubong wika.
_____3. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
_____4. Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga Kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa sapagkat kailangang may mangasiwa sa pagpili ng wikang Pambansa.
_____5. Ang kilusang Propaganda ay nagsimulang gumamit ng wikang Tagalog kaya naisulong ang paggamit ng wikang Tagalog sa mga pahayagan.
Pagyamanin
Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi ng Gawain. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Pagsasanay 1.1 Hanapin sa loob ng talata ang mga pangungusap na nagsasaad ng ugnayang sanhi at bunga.
[illustration: woman pointing at a board labeled “Filipino”]
Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay maituturing nang isang intelektwalisadong wika sapagkat ito ang pangunahing gamiting wika sa pagtuturo. Ito ay mula sa mababang antas hanggang gradwado. Kabalikat ng wikang Ingles ang wikang Filipino dahil sa malayang nagkakapalitan ang dalawang wika. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay nakabatay pa rin sa Ingles. Ang mga paksang panturo ay isinasalin mula sa Ingles patungo sa wikang Filipino. May mga panghihiram ding nagaganap dahil magkatuwang ang dalawang wika upang ito ay mahusay na magamit. Nagagamit na rin ito sa mga gawain ng pamahalaan. Ang mga batas ay may katumbas na salin sa Ingles at Filipino upang matugunan ang pangangailangan ng mas nakararami sa pag-unawa nito.
Sa pagsulong ng nakakarami na panatilihin ang Ingles bilang wikang panturo at maging ng sangay ng pamahalaan ay nagresulta sa pagsilang ng Edukasyong Bilingguwal. Ito ay ang pagkakaroon ng dalawang opisyal na wikang gagamitin. Ang Ingles at Filipino na malayang gagamitin sa pagtuturo sa mga paaralan.
[illustration: man pointing at a board labeled “Ingles”]
Pagsasanay 1.2 Mula sa teksto sa unang pagsasanay. Punan ang tsart ng sanhi at bunga ayon sa mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Sanhi | Bunga |
|---|---|
| Maituturing na intelektwalisadong wika ang Filipino. | |
| Malayang nagkakapalitan ang dalawang wika. | |
| Ang mga batas ay may katumbas salin sa Ingles at Filipino. | |
| Pagsilang ng Edukasyong Bilingguwal. | |
| Magkatuwang na ginagamit ang wikang Filipino at Ingles. |
Pagsasanay 1.3 Bumuo ng maikling talata na nagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga. Gamitin ang ang mga sumusunod na pang-ugnay.
a. kaya, b. sapagkat, c. dahil dito, d. buhat nang, e. bunga nito,
Isaisip
Gamit ang teknik na Three Minute Review. Isulat ang naging pag-unawa sa paksang tinalakay sa aralin nang may pag-aantas.
| Ganap na Naunawaan | Bahagyang Naunawaan | Kailangan Pang Pag-aralan |
|---|---|---|
Isagawa
Bumuo ng isang maikling talata na binubuo ng 4-7 pangungusap. Tiyaking ito ay naglalahad ng kahalagahan ng paggamit ng mga kabataan ng wikang pambansa sa pagpapaunlad ng wika. Kinakailangang nagpapakita ito ng konsepto ng sanhi at bunga. Lumikha ng sariling pamagat.
Pamatayan sa pagsulat
Nilalaman ————————————————10
Kahusayan sa paggamit ng salita ——————– 5
Pagbabantas ——————————————– 5
Kabuuan ———————————————— 20
Tayahin
Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot na nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat sa sagutang papel.
Dahil sa pagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa kaya marami na ang gumagamit nito.
a. sanhi
b. bungaKulang na kulang ang mga aklat na nalimbag hinggil sa wikang katutubo kaya naman hindi ito napapag-aralan ng mga mag-aaral.
a. sanhi
b. bungaSalamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang sariling wika dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.
a. sanhi
b. bungaBuhat sa mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Pambansang Asamblea ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
a. sanhi
b. bungaBunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang umiiral sa bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.
a. sanhi
b. bungaNapili ang Tagalog sapagkat ito ang intelektwalisadong wika na matatagpuan sa Pilipinas.
a. sanhi
b. bungaAng wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.
a. sanhi
b. bungaAyon sa Komisyon ng Wikang Pambansa ay habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at payamanin nang nakasalig sa katutubong salita upang mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang wika sa Pilipinas.
a. sanhi
b. bungaNapatunayan ng wikang Filipino na kaya itong tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon sapagkat ang komposisyon nito ay hindi nalalayo sa naturang wika.
a. sanhi
b. bungaSensitibong bagay ang pagbabago ng polisiya kaugnay sa wika kaya naman ay dapat na maging maingat ang pangulo sa pagpili ng karapat-dapat italaga.
a. sanhi
b. bungaNagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang mas mapalawak at mapaunlad pa nito ang wika.
a. sanhi
b. bungaKailangang ganyakin at itaguyod ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo nang makabuo ng orihinal na obra at mga materyales na reperensiya sa iba’t ibang disiplina.
a. sanhi
b. bungaMay sariling palatitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila kaya’t masasabing mayaman ang ating kultura.
a. sanhi
b. bungaAyon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino dahil sa masyadong mahabang katawagan ang “Wikang Pambansang Pilipino”.
a. sanhi
b. bungaDapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina upang mas mapalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino.
a. sanhi
b. bunga
Karagdagang Gawain
Sa kasalukuyan, ang pagsasalin ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa Covid 19. Mahalagang isalin ang mga panuntunan at gabay mula sa Ingles patungo sa ating wikang Pambansa sapagkat ito ang nauunawaan ng lahat. Maglahad ng mga posibleng kagandahang-dulot ng pagsasalin at paano nito napapaunlad ang ating wikang Pambansa. Ilahad ang kasagutan gamit ang ugnayang sanhi at bunga.
Sanhi:
Bunga:
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the page image is printed upside down; the sections are transcribed in their printed order]
Subukin
- A
- A
- B
- B
- A
- A
- B
- A
- A
- B
- A
- A
- A
- B
- A
Suriin
- X
- √
- X
- √
- X
Pagyamanin
Pagsasanay 1.1
- Ang wikang Filipino ay maituturing nang isang intelektwalisadong wika. sapagkat ito ang pangunahing gamiting wika sa pagtuturo
- Kabalikat ng wikang Ingles ang wikang Filipino dahil sa malayang nagkakapalitan ang dalawang wika.
- May mga panghihiram ding nagaganap dahil magkatuwang ang dalawang wika upang ito ay mahusay na magamit.
- Ang mga batas ay may katumbas na salin sa Ingles at Filipino upang matugunan ang pangangailangan ng mas nakararami sa unawa nito.
- Sa pagsulong ng nakakarami na panatilihin ang Ingles bilang wikang panturo at maging ng sangay ng pamahalaan ay nagresulta sa pagsilang ng Edukasyong Bilinggwal.
Pagsasanay 1.2
- sapagkat ito ang pangunahing gamiting wika sa pagtuturo
- Kabalikat ng wikang Ingles ang wikang Filipino
- matugunan ang pangangailangan ng mas nakararami sa unawa nito
- Sa pagsulong ng nakakarami na panatilihin ang Ingles bilang wikang panturo at maging ng sangay ng pamahalaan
- upang ito ay mahusay na magamit
Tayahin
- A
- B
- A
- A
- B
- A
- B
- B
- A
- A
- B
- A
- A
- A
- A
Sanggunian
Alcaraz, C., Austria, R. et.al 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Cubao, Quezon City: Educational Resources Corporation.
Catacataca, P., Espiritu, C. 2005. Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad. Manila: Rex Book Store.
Jocson, Magdalene O. et.al 2005. Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co. Inc.
Mallinlin, Gabriel F. et.al 2002. Kawil I – Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Manila: Rex Book Store.
Santiago, Erlinda M. et.al 1989. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad Pangkolehiyo. Manila: National Book Store.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply