This is Module 9 of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (communication and research in Filipino language and culture) for Senior High School, Unang Markahan (Quarter 1). Its single lesson, “Kasaysayan ng Wikang Pambansa” (history of the national language), follows how the national language grew from Tagalog to Pilipino to Filipino, from the Spanish period to the present. After it, learners should be able to name the key events, laws, and proclamations behind the national language and explain why its history matters.
The module is a self-learning module (SLM) from DepEd Region 4A CALABARZON, made for learning at home through Alternative Delivery Mode.
What learners will learn
The module’s learning competency is printed as:
- Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa (identifies the events that led to the forming and growth of the national language). (F11PS – Ig – 88)
Its objectives are for learners to:
- Identify important language events from the Spanish period to the present, including the orders and proclamations used to develop the national language: Tagalog, Pilipino, Filipino.
- Recognize the period of each event in the forming and growth of the national language.
- Show they value the study of the national language’s history by writing a paragraph.
The national language through the periods
The Suriin (discussion) part covers five periods.
| Period | What happened to language |
|---|---|
| Panahon ng Espanyol (Spanish period) | Spanish friars learned native languages to spread Christianity and wrote dictionaries, grammar books, and catechisms. The Roman alphabet of 29 letters replaced the alibata. Propagandists such as Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Antonio Luna, and Graciano Lopez Jaena wrote in Tagalog in newspapers. |
| Panahon ng Amerikano (American period) | English replaced Spanish as the official language. On the recommendation of the Schurman Commission (March 4, 1899), English became the language of instruction, with regional languages as support. The Tydings-McDuffie Act (March 24, 1934) promised independence after 10 years of Commonwealth rule. |
| Panahon ng Komonwelt (Commonwealth) | The 1935 Constitution (Article XIV, Sec. 3) called for a national language based on an existing native language. Commonwealth Act No. 184 created the Surian ng Wikang Pambansa (Institute of National Language), which recommended Tagalog as the basis. |
| Panahon ng Hapon (Japanese period) | From 1942, “purists” wanted Tagalog itself, not just as a basis, to be the national language. Niponggo and Tagalog became the official languages, and Tagalog literature flourished. |
| 1987 to the present | The 1987 Constitution renamed the national language from Pilipino to Filipino. Later steps include Executive Order No. 112 (1987), Republic Act No. 7104 (1991), which created the Komisyon sa Wikang Filipino, the 2001 revision of the alphabet and spelling guide, the 2009 order on mother tongue and multilingual education, and DepEd Order No. 34, s. 2013 on the Ortograpiyang Pambansa. |
Key laws, orders, and proclamations
The module lists these measures. Many of them appear in the tests.
- Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) Blg. 134 (1937): Tagalog is the basis of the national language.
- Executive Order Blg. 263 (April 1, 1940): printing of “A Tagalog-English Vocabulary” and “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”; teaching of the national language in public and private schools from June 19, 1940.
- Commonwealth Act Blg. 570: the national language (Tagalog) is an official language from July 4, 1946.
- Proklamasyon Blg. 12 (1954): President Ramon Magsaysay sets Linggo ng Wika (Language Week) on March 29 to April 4, the birthday of Francisco Balagtas.
- Proklamasyon Blg. 186 (1955): moves Linggo ng Wika to August 13 to 19, the birthday of Manuel L. Quezon.
- Kautusang Pangkagawaran (Department Order) Blg. 7 (1959): Secretary Jose E. Romero orders that the national language be called Pilipino.
- Executive Order Blg. 60 (1960): President Diosdado Macapagal orders the national anthem sung in its Pilipino lyrics.
- Department Order Blg. 24 (1962): Secretary Alejandro Roces orders certificates and diplomas printed in Pilipino starting school year 1963-1964.
- Executive Order Blg. 96 (1967): President Marcos orders government buildings and offices named in Pilipino.
- Executive Order Blg. 187 (1969): government offices to use the national language in official communication.
- Department Order Blg. 25 (1974): new orthography rules and bilingual education in schools.
- Department Order Blg. 203 (1978): use of the term Filipino for the national language, signed by Secretary Lourdes Quisumbing.
- 1987 Constitution, Article XIV, Section 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” (the national language of the Philippines is Filipino).
- Department Order Blg. 52 (1987): rules for the 1987 bilingual education policy.
- Proklamasyon Blg. 1041 (1997): President Fidel V. Ramos declares August as Buwan ng Wikang Pambansa (National Language Month).
How to use this module
The module follows the usual SLM order:
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
- Balikan: a short review question on using language in different situations.
- Tuklasin: match Tagalog, Pilipino, and Filipino with the years 1937, 1959, and 1987, then guess what happened in each year.
- Suriin: the discussion summarized above.
- Pagyamanin: three exercises: a timeline by period, matching laws and proclamations to their descriptions, and a short paragraph using given key words (scored with a 10-point rubric).
- Isaisip and Isagawa: reflection questions and an opinion on the obstacles faced by the national language in the Spanish, American, and Japanese periods.
- Tayahin: a 15-item post-test.
- Karagdagang Gawain: a reaction paper of three to five paragraphs, scored with a 10-point rubric.
Learners: write your answers on separate paper, not on the module, and contact your teacher if a lesson is hard to understand. Take the pretest before reading, and check your answers honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end.
Parents and guardians: the module notes that a teacher’s or facilitator’s guide comes with it. Help your child follow the order of the parts and read each set of directions.
Teachers: the answer key covers Subukin, Tayahin, and Pagsasanay 1 and 2. The written tasks use the printed rubrics. Check Tayahin items 3 and 7 before you use the key: the discussion places both events in the Spanish period (choice B), but the key lists D.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Unang Markahan (Quarter 1). Its competency code, F11PS – Ig – 88, marks it for Grade 11 Filipino.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest (Subukin), the post-test (Tayahin), and Pagsasanay 1 and 2. The paragraph and reaction paper are scored with rubrics.
When did the national language become Filipino?
The module explains that the 1987 Constitution changed the name from Pilipino to Filipino. Article XIV, Section 6 states that the national language of the Philippines is Filipino.
Why is Buwan ng Wika celebrated in August?
Proclamation No. 186 (1955) moved Linggo ng Wika to August 13 to 19, the birthday of Manuel L. Quezon. Proclamation No. 1041 (1997), signed by President Fidel V. Ramos, made all of August the Buwan ng Wikang Pambansa.
Which order made Tagalog the basis of the national language?
Executive Order No. 134 of 1937 declared Tagalog the basis of the national language of the Philippines.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Senior High School
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
[illustration: students reading and studying under a tree, and a teacher helping learners at a desk, with a globe, a lamp, and a boy writing on paper]
CO_Q1_KPWKP SHS Module 9
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang ilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Charles D. Lota Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Melanie H. Grita, Kristine Rae C. de Ramos, Julie Anne V. Vertudes Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio, Eris R. dela Cruz Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Job S. Zape, Jr., Eugenio S. Adrao, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle]
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Ang sakop ng modyul ay magagamit ng mag-aaral sa ano mang kalagayan. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pag-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Kasanayang Pampagkatuto:
- Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa (F11PS – Ig – 88)
Layunin:
- Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa wika mula sa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan, ang mga Kautusan, Proklamasyong pinaiiral sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino.
- Nakikilala ang panahong kaganapan sa pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa.
- Mapahalagahan pag-aaral ng kasaysayan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.
1 CO_Q1_KPWKP SHS Module 9
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle]
Panuto: Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari na may kaugnayan sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Dito nagsimulang manamlay ang wikang Tagalog.
a. panahon ng Hapon
b. panahon ng Kastila
c. panahon ng Amerikano
d. panahon ng RebolusyonIto ang panahong ginamit ang wikang rehiyunal bilang wikang pantulong.
a. panahon ng Hapon
b. panahon ng Kastila
c. panahon ng Amerikano
d. panahon ng RebolusyonGinamit ang alpabetong Romano bilang unang hakbang tungo sa pormalisasyon ng mga wika sa Pilipinas.
a. panahon ng Pangkasalukuyan
b. panahon ng Amerikano
c. panahon ng Hapon
d. panahon ng KastilaNagkaisa ang mga paring dayuhan na mag-aral ng mga katutubong wika.
a. panahon ng Hapon
b. panahon ng Kastila
c. panahon ng Amerikano
d. panahon ng RebolusyonNagsimula ang paggamit ng wikang Tagalog ng mga Propagandista sa pagsulat ng pahayagan.
a. panahon ng Republika
b. panahon ng Komonwelt
c. panahon ng Amerikano
d. panahon ng EspanyolIsang proklamasyon kung saan inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 bilang kapanganakan ni Manuel Luis Quezon.
a. Proklamasyon Blg. 12
b. Proklamasyon Blg. 186
c. Proklamasyon Blg. 1041
d. Proklamasyon Blg. 570
3 CO_Q1_KPWKP SHS Module 9
Sa Proklamasyon Blg. na ito ipinag-utos ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4.
a. Proklamasyon Blg. 1041
b. Proklamasyon Blg. 186
c. Proklamasyon Blg 570
d. Proklamasyon Blg. 12Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos ang Proklamasyon Blg. na ito na ang buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika.
a. Proklamasyon Blg. 1041
b. Proklamasyon Blg. 570
c. Proklamasyon Blg. 186
d. Proklamasyon Blg. 12Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing ang Filipino ang Wikang Pambansa ng Pilipinas?
a. Seksyon 2
b. Seksyon 6
c. Seksyon 11
d. Seksyon 12Sa kautusang ito, inihayag ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga pampaaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60Ipinahayag sa kautusang ito na Tagalog ang siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. na ito, binigyang-pahintulot sa paglimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa at itinagubilin din ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan pambayan man o pribado.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
4 CO_Q1_KPWKP SHS Module 9
Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusan Blg. na ito na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. Na ito nilagdaaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-pampaaralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Filipino.
a. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
b. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
c. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
d. Kautusang Pangkagawaran Blg. 54Ang paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas ay nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Kautusang Pangkagawaran blg. na ito
a. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
b. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
c. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
d. Kautusang Pangkagawaran Blg. 203
Aralin 1 Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang matukoy ang kasaysayan ng wikang pambansa. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.
Balikan
Ipaliwanag:
Bakit mahalagang maunawaan ang gamit ng wika batay sa iba’t ibang sitwasyon? Pangatwiranan ang iyong sagot. Isulat sa iyong papel.
Mga Tala para sa Guro
Basahing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng modyul. Tiyaking nakasusunod sa bawat gawain upang matamo ang layunin nito.
Tuklasin
Pagtapatin ang wika at taon kaugnay ng kasaysayan ng wikang pambansa. Pagkatapos ay ibigay ang iyong hinuha kung ano ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kasaysayan ng wika sa iba’t ibang taon.
| 1. Tagalog | A. 1959 |
| 2. Pilipino | B. 1987 |
| 3. Filipino | C. 1937 |
1937
1959
1987
Suriin
Kasaysayan ng Wika sa Iba’t ibang Panahon
Panahon ng Espanyol
Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Espanyol sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang kauna-unahang Espanyol na gobernador-heneral sa Pilipinas. Kalaunan napasailalim naman ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa Haring Felipe II na naunang namuno noong panahong iyon. Naging Filipinas ang Felipinas dahil sa maling pagbigkas ng mga tao rito.
Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di-sibilisado o pagano ang mga katutubo noon. Itinuro nila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Hinati-hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol ang pamayanan kaya’t ito’y nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo.
Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang madaling matutunan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Mas magiging kapani-paniwala kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. Sa panahong ding ito napalitan ang “alibata” ng alpabetong Romano na binubuo ng 29 na titik.
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y,Z
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sumibol ang mga Propagandista. Ito ang panahon kung saan namulat ang makabayang damdamin ng mga Pilipino. Sa pamumuno nina Jose P. Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, at Graciano Lopez Jaena, ginamit ang wikang Tagalog sa pagsulat sa mga pahayagan ng mga akdang pampanitikan.
Panahon ng Amerikano
Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa ang wikang ginagamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyong Ingles at Espanyol. Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899 habang pantulong naman ang wikang rehiyonal.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt.
Panahon ng Komonwelt/Malasariling Pamahalaan
Sa panahong ito masasabing may puwang na sa pamahalaan ang pagtukoy ng wikang pambansa. Isinasaad sa Saligang Batas 1935 (Artikulo XIV, Sek.3) na:
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t itinatadhana ng batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na magiging wikang opisyal.
Sa panahon ding ito nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 184. At bilang tugon, humirang si Pang. Quezon ng mga kagawad na bubuo sa SWP. Batay sa isinagawang pag-aaral inirekomenda ng lupon ng SWP na ibatay sa Tagalog ang wikang pambansa at inaprubahan ito.
Gayundin, sa panahong ito, ipinasok na rin sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa.
Panahon ng Hapon
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang ginawang pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang-Amerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento, nobela at iba pa.
Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan
Sa panahong ito, pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Mula sa dating katawagang Pilipino ay naging Filipino ang Wikang Pambansa. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Sek. 7:
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat ay itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Noong Enero 30, 1987, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 112 si Pangulong Corazon Aquino, Ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports. Binago rin ang pangalan ng ahensiya bilang Linangan ng mga Wika ng Pilipinas o Institute of Languages.
Samantala, noong Marso 19, 1990, bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng DECS na na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas at sa bayan.
Agosto 14, 1991 naman, ang Republic Act Blg. 7104 ay nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino bilang pagsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon. Nakasaad din na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino at ipaiilalim sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.
Nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng resolusyon noong 1992. Ang Resolusyon Blg. 1-92(Mayo 13) na sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto 1996) hinggil sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing buwan na ito. Malaking kasangkapan ng pag-unlad ng Filipino ang mga wikang katutubo, kung saan maraming hiram na salita sa mga ito.
Noong 2001, tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 na Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran blg. 45). Walang naganap na pagbabago sa mga alpabeto ngunit may mga tuntuning binago hinggil sa paggamit ng walong (8) dagdag na letra.
Nagkarooon ng ilang usapin at kalituhan sa tamang paggamit ng Wikang Filipino dahil sa dami ng elementong taglay nito, bagay na ginawa ng solusyon ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagtataguyod nito ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon noong 2009 ng Ordinansa Blg. 74 na isinasainstitusyon ang gamit ng Inang Wika Elementarya at Multilingual Language Education (MLE). (Nauna rito, may inilahad ng bersyon ang Ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang Kapulungan na House Bill No. 3719, “An Act Establishing a Multilingual Education and Literacy Program and for Other Purposes” sa pamamagitan ni Honorable Magtanggol T. Gunigundo ng Valenzuela City.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 ng dagliang Ortograpiyang Pambansa na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)– ipinahayag na ang Tagalog ang siyang maging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)– isinaad ang pagpapalimbag ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
Batas ng Komonwelt Blg. 570– Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.
Proklamasyon Blg. 12– Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.)
Proklamasyon Blg. 186 (1955)– Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).
Kautusang Pangkagawaran Blg.7– Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo`y Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nagatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa Ortograpiyang Pilipino ang pagpapairal ng Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula sa taong panuruan 1974-9175.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – Paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6– Itinalaga na Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)– Panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.
Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtakda na ang buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wikang Pambansa.
Pagyamanin
Pagsasanay 1: Bumuo ng Timeline ng maikling kasaysayan ng wikang pambansa. Gamit ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba, iugnay ang mga ito ayon sa panahong nakalaan sa bawat larawan.
[chart: timeline; Pagsasanay 1 timeline with three flag-and-map panels (Spanish, Japanese, American flags), each with blank lines beneath for answers]
transcriber’s note: the word box referred to in the instructions does not appear on this page.
| Panahon ng Pananakop ng mga Kastila | Panahon ng Amerikano | Panahon ng Hapon |
|---|---|---|
| 1. | 3. | 5. |
| 2. | 4. | 6. |
A. Miguel Lopez De Legaspi B. Biak- na -Bato C. Prof. Leopoldo Yabes D. Batas Tydings McDuffie E. Haring Felipe II F. Tagalog
Pagsasanay 2
Hanapin sa Hanay B ang mga kautusan, proklamasyon at batas na tinutukoy sa Hanay A. Letra lamang ang isulat sa sagutang-papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas. | A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 |
| 2. Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino. | B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 |
| 3. Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag na sa Wikang Filipino. | C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 |
| 4. Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4,1946. | D. Proklamasyon Blg. 186 |
| 5. Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 sa kapanganakan ni Manuel L Quezon. | E. Batas ng Komonwelt Blg. 570 |
| F. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 |
Pagsasanay 3
Bumuo ng isang maikling talata tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa gamit ang mga susing salita na nasa ibaba.
| Di-sibilisado | Saligang Batas 1987 | Panitikang Tagalog |
|---|---|---|
| Kristyanismo | Komisyong Schurman | Proklamasyon Blg. 186 |
| Diksyunaryo | Panahon ng Amerikano | Niponggo at Tagalog |
Rubriks sa Pagwawasto
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Ang paksa ay tumatalakay sa kasaysayan ng wikang Pambansa. | 4 |
| Malinaw ang paglalahad at pagpapahalaga sa kasaysayan ng wikang Pambansa. | 3 |
| Gumamit ng mga susing salitang may kaugnayan sa kasaysayan ng wika | 3 |
| Kabuoan | 10 |
Isaisip
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
- Sa iyong palagay, ano ang nangyari sa usaping pangwika sa pagpasok ng mga mananakop na Kastila, Amerikano at Hapon? Ipaliwanag.
- Bilang mag-aaral, nakatulong ba ang nangyaring pananakop ng isang bansa sa ating bansa upang magkaroon ng sariling wika? Pangatwiranan.
- Ano ang maaari mong maiambag sa ating bansa upang higit na mapaunlad ang wikang Pambansa?
Isagawa
Bumuo ng sariling opinyon tungkol sa mga balakid na kinaharap sa pagsusulong ng wikang pambansa sa bawat panahon.
Panahon ng Kastila
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Hapon
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari na may kaugnayan sa kasaysayan ng wikang pambansa. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Nagkaisa ang mga paring dayuhan na mag-aral ng mga katutubong wika.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng RebolusyonSa Proklamasyon Blg.na ito, inalabas ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4.
A. Proklamasyon Blg. 1041
B. Proklamasyon Blg. 186
C. Proklamasyon Blg 570
D. Proklamasyon Blg. 12Nagsimula ang paggamit ng wikang Tagalog ng mga Propagandista sa pagsulat ng pahayagan.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Espanyol
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng RebolusyonDito nagsimulang manamlay ang wikang Tagalog.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng RebolusyonNilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos ang Proklamasyon Blg. na ito na ang buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika.
A. Proklamasyon Blg. 1041
B. Proklamasyon Blg. 570
C. Proklamasyon Blg. 186
D. Proklamasyon Blg. 12Ito ang panahong ginamit ang wikang rehiyunal bilang wikang pantulong.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng RebolusyonGinamit ang alpabetong Romano bilang unang hakbang tungo sa pormalisasyon ng mga wika sa Pilipinas.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng PangkasalukuyanIsang proklamasyon kung saan inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 bilang kapanganakan ni Manuel Luis Quezon.
A. Proklamasyon Blg. 12
B. Proklamasyon Blg. 186
C. Proklamasyon Blg. 1041
D. Proklamasyon Blg. 570Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing ang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Sekyon 2
B. Seksyon 6
C. Seksyon 11
D. Seksyon 12Sa Kautusang ito, inihayag ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga pampaaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusan Blg. na ito na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. na ito, nilagdaaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-pampaaralan 1963-64 ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Filipino.
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 54Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. na ito, binigyang-pahintulot sa paglimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa at itinagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pambayan man o pribado.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263Ang paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang Pambansa ng Pilipinas ay nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Kautusang Pangkagawaran blg. na ito
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 203Ipinahayag sa Kautusang ito na Tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87
Karagdagang Gawain
Sumulat reaksyon na binubuo ng tatlo hangang limang talata hinggil sa kahalagahan ng kasaysayan ng wikang pambansa.
Rubriks sa Pagwawasto
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Mabisa at malinaw ang paglalahad ng opinyon sa kasaysayan ng wikang pambansa. | 4 |
| Maingat sa pagpili ng salita at wasto ang gramatika | 3 |
| Gumamit ng tamang bantas at laki ng titik | 3 |
| Kabuoan | 10 |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down, and the answer key is laid out in three boxed columns]
Subukin
- C
- C
- D
- B
- D
- B
- D
- A
- B
- A
- B
- D
- A
- B
- D
Tayahin
- B
- D
- D
- C
- A
- C
- D
- B
- B
- A
- A
- B
- D
- D
- B
Pagyamanin
Pagsasanay 1
- A
- E
- B
- D
- C
- F
Pagsasanay 2
- C
- A
- F
- E
- D
Pagsulat ng talata
Pagsasanay
Sanggunian
Alcaraz, C., Austria, R. et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Cubao, Quezon City: Educational Resources Corporation.
Cantillo, M.L. et.al. 2016. Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang. Quezon City. St. Bernadette Publishing House Corporation.
Catacataca P., Espiritu, C. 2005. Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad. Manila: Rex Book Store.
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc.
Santiago, Erlinda M. et.al. 1989. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad Pangkolehiyo. Manila: National Book Store.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply