This is Module 8 of the first quarter (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, a Senior High School subject. The module, “Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan” (ways of using language in society), is a self-learning module for learners studying at home. After working through it, learners can name the functions of language described by M.A.K. Halliday, tell them apart in real situations, and research examples from their own community.
The module is in Filipino. It was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021) and written by Charles D. Lota.
What learners will learn
The module’s learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is:
- Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (researches example situations that show how language is used in society). F11EP – Ie – 31
Its objectives (Layunin) are for learners to:
- Analyze the use of language, following M.A.K. Halliday, in the examples they read
- Carry out a small research project that shows examples of social situations where language is used
- Explain the effective use of language in society in different situations
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan. It helps learners see how language changes from one situation to another, and it reviews cohesive devices from the previous lesson before moving on.
Key ideas: written and spoken uses of language
The module explains that we learn kinds of language suited to particular situations. Sometimes one function of language guides a situation, and sometimes two or more functions are used at once.
Drawing on Halliday’s 1973 book Explorations in the Functions of Language, the module groups uses of language into two forms:
- Pasulat (written). Example: sending a letter to your teacher to explain that you missed class because you were sick. The module notes that informing the teacher by letter is part of Filipino culture, and the letter helps the learner catch up on missed work.
- Pasalita (spoken). Example: a teacher and learner talking when module answers are handed in. The words used are usually respectful.
Halliday’s functions of language, with examples
The module gives seven functions, each with spoken and written examples:
| Function | What it does | Spoken example | Written example |
|---|---|---|---|
| Instrumental | Meets a need | Giving orders, dealing with others | Business letter |
| Regulatori (regulatory) | Controls or guides how others act | Reminders about health protocols | Test instructions, recipes |
| Interaksyunal (interactional) | Builds and keeps social relationships | Inviting someone to eat, welcoming guests, joking | Writing an invitation or program |
| Personal | Expresses one’s own feelings or opinions | Formal or informal discussion, debate | Editorial, book review (suring-basa) |
| Heuristiko (heuristic) | Looks for or asks for information | Survey about the pandemic | Term paper, thesis |
| Representatibo/Impormatibo (representational or informative) | Answers questions, shares conclusions or hints | Giving information, reporting | Newspapers, announcements, advertisements |
| Imahinasyon (imaginative) | Expresses imagination creatively | Reciting a poem, acting in theater | Writing your own poem |
The module ends the discussion by linking language to culture. Migration is part of our culture, and people bring their languages with them. New words formed from these languages become part of a community’s vocabulary.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module order:
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice items asking which function of language fits each situation.
- Balikan (review): name at least three cohesive devices and use them in sentences.
- Tuklasin (explore): decide what you would say to a visiting coworker of your parent, and to an older person caught in the rain at the market.
- Suriin (discussion): the explanation and table of Halliday’s functions.
- Pagyamanin (practice): Gawain 1.1 asks you to identify the function in five situations; Gawain 1.2 is true or false (T or M); Gawain 1.3 asks whether each situation is better written or spoken.
- Isaisip: interview 10 people on whether five situations are better done in writing or by speaking, then present the results. It is scored on rich content, logical order, and word choice and correctness (5 points each).
- Isagawa: make a survey of the top five language situations and statements in a market, a park, a mall, and a playground.
- Tayahin (post-test): 10 multiple-choice items.
- Karagdagang Gawain (extra activity): list three written and two spoken uses of language at home.
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end.
For learners: Read the instructions for each part carefully and answer honestly. Write on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble.
For parents and guardians: The interview and survey tasks need you to help your child talk to people or visit places like the market. Encourage your child to try the questions before checking the answer key.
For teachers: The Isaisip interview comes with a ready rubric, and the Isagawa survey can serve as the research output the competency asks for.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, first quarter (Unang Markahan), Module 8. Its competency code, F11EP – Ie – 31, is a Grade 11 Filipino code.
What are Halliday’s functions of language in this module?
The module lists seven: instrumental, regulatori (regulatory), interaksyunal (interactional), personal, heuristiko (heuristic), representatibo or impormatibo (informative), and imahinasyon (imaginative). Each comes with spoken and written examples.
What does heuristiko mean?
Heuristiko is the use of language to look for or ask for information. The module’s examples are a survey about the pandemic and writing a term paper or thesis.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the Pagyamanin activities, and the post-test.
What research activity does the module ask for?
Learners interview 10 people about whether certain situations are better written or spoken, and survey the top five language situations in a market, park, mall, and playground.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
[photo: Illustration of students studying outdoors under a tree, a teacher with a student at a desk, a child writing by lamplight, and a globe, with the ADM logo]
Senior High School
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan
CO_Q1_KPWKF SHS Module 8
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Charles D. Lota Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Melanie H. Grita, Kristine Rae C. de Ramos, Julie Anne V. Vertudes Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio, Eris R. dela Cruz Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Job S. Zape, Jr., Eugenio S. Adrao, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 8: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang iba’t ibang sitwasyon ng gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pananaliksik. Ang sakop ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Kasanayang Pampagkatuto:
- Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan F11EP – Ie – 31
Layunin:
- Nasusuri ang gamit ng wika (ayon kay M.A.K. Halliday) sa nabasang mga halimbawa
- Nakagagawa ng isang pananaliksik na nagpapakita ng ilang halimbawa ng sitwasyon sa lipunan gamit ang wika
- Nailalahad ang epektibong gamit ng wika sa lipunan sa iba’t ibang sitwasyon
1 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8
Subukin
Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng gamit ng wika sa lipunan ang ginamit. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Pagtuturo ng magulang sa kanyang anak ng mga hakbang sa pagluluto ng ulam na adobo.
a. interaksyonal
b. instrumental
c. regulatoryo
d. personalPagsusuri sa isang pelikulang napanood. Pagbibigay ng kritisismo.
a. representatibo
b. regulatoryo
c. heuristiko
d. personalPagpapadala ng imbitasyon bilang paanyaya sa kasal ng kaibigan.
a. representatibo
b. interaksyonal
c. heuristiko
d. personalPaggawa ng patalastas ng mga kandidato para sa gaganaping eleksyon.
a. representatibo
b. instrumental
c. regulatoryo
d. heuristikoPangangalap ng impormasyon gamit ang sarbey.
a. interaksyonal
b. regulatoryo
c. heuristiko
d. personalPagbibigay ng opinyon sa napanood na balita.
a. interaksyonal
b. heuristiko
c. personal
d. regulatoryoPagkuha ng bilang ng populasyon sa isang barangay.
a. regulatoryo
b. personal
c. heuristiko
d. representatiboSumusunod sa patakaran ng paaralan.
a. Personal
b. heuristiko
c. interaksyonal
d. regulatoryoPagsulat ng talambuhay.
a. instrumental
b. representatibo
c. interaksyonal
d. heuristikoPagtatanong sa guro kung ano ang gagawing proyekto.
a. personal
b. heuristiko
c. regulatoryo
d. instrumental
2 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8
Nagbigay ng liham ang lolo mo para sa gaganaping “Grand Reunion” ng pamilya niyo
a. representatibo
b. interaksyonal
c. heuristiko
d. personalPagtatanong sa isang direksyon patungo sa destinasyong pupuntahan.
a. interaksyonal
b. regulatoryo
c. heuristiko
d. personalPagpapatayo ng lathalaan para sa pag-endorso ng isang gamit sa bahay.
a. representatibo
b. instrumental
c. regulatoryo
d. heuristikoPagsunod sa hakbang ng manwal sa paggamit ng biniling kasangkapan sa bahay.
a. interaksyonal
b. instrumental
c. regulatoryo
d. personalPagsusuri ng isang palabas sa telebisyon.
a. representatibo
b. regulatoryo
c. heuristiko
d. personal
3 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8
Aralin 1: Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang madaling matukoy kung paano nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga sitwasyon sa kapaligiran. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.
Balikan
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
Ano-ano ang cohesive devices? Magbigay kahit tatlo.
A. __________
B. __________
C. __________Mula sa mga ibinigay na halimbawa, gamitin ito sa pangungusap.
a. _____________________________________________________
b. _____________________________________________________
c. _____________________________________________________
Mga Tala para sa Guro
Basahing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng modyul. Tiyaking nakasusunod sa bawat gawain upang matamo ang layunin nito. Maging matapat sa pagsagot.
4 CO_Q1_KPWKF SHS Module 8
Tuklasin
Basahin at unawain ang sitwasyong nasa ibaba. Tugunan ito ng hinihinging impormasyon batay sa sitwasyon.
- May dumating na bisita sa inyong bahay. Kilala mo ito dahil alam mong katrabaho ito ng iyong magulang. Ano ang sasabihin mo sa kanya? Paano mo ito kakausapin? Isulat ito sa paraan ng paggamit ng wika sa lipunan.
[illustration: a young person with a blank speech bubble]
- Nasa palengke ka nang biglang bumuhos ang ulan kaya binuksan mo ang iyong payong. Sa di-kalayuan ay nakita mong may isang matandang naglalakad at basa na dahil sa ulan. Ano ang iyong gagawin? Ano ang sasabihin mo sa kanya?
[illustration: a young person with a blank speech bubble]
Tanong:
Mula sa sitwasyong nasa itaas, masasabi mo bang maaaring gamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon upang makipagkomunikasyon? Paano?
Mas epektibo ba ang paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita? Ipaliwanag.
Suriin
Iba’t Ibang Sitwasyon ng Gamit ng Wika sa Lipunan
Kasabay ng paglipas ng panahon, natututo rin tayo sa iba’t ibang uri ng wika na angkop lamang gamitin sa natatanging sitwasyon. Ang mga wikang ito ay may sapat na kakayahan, tungkulin at kasanayan na kailangang pagtuonan ng pansin upang masanay ang sarili sa tamang paggamit nito upang magkaroon ng isang epektibong komunikasyon. May mga pagkakataong kinakailangan ang gabay na tungkulin sa wika sa isang sitwasyon, at may pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa iisang sitwasyon.
Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations in the Functions of Language”, mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at pasalitang paggamit ng wika.
Halimbawa:
Pasulat: Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa klase sapagkat mayroong sakit.
Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagpapabatid sa guro ng kanyang kalagayan sa pamamagitan ng liham. Ang liham na ito ang makatutulong sa mag-aaral upang makahabol sa mga gawaing hindi nagawa habang siya ay nakaliban sa klase.
Pasalita: Pag-uusap ng guro at mag-aral sa panahong nagpapasa ng mga sagot sa modyul. Karaniwang ang mga salitang ginagamit ay may paggalang habang nakikipag-usap.
Makikita sa ibaba ang ilan pa sa mga halimbawa ng sitwasyon o gawaing pasalita at pasulat kaugnay ng gamit ng wika ni Halliday:
| Gamit ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday | Pasalita | Pasulat |
|---|---|---|
| 1. Instrumental (tumutugon sa pangangailangan) | Pag-uutos, pakikitungo | Liham-pangangalakal |
| 2. Regulatori (kumokontrol o gumagabay sa kilos o asal ng | Pagsasabi ng mga paalala tungkol sa mga health protocol | Pagbibigay ng panuto sa pagsusulit, resipi |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Gamit ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday | Pasalita | Pasulat |
|---|---|---|
| ibang tao) | ||
| 3. Interaksyunal (nagpapatatag at nagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao). | Pag-aayayang kumain,pagpatuloy sa bahay, pagpapalitan ng biro | Pagbuo ng imbitasyon o programa |
| 4. Personal (pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon) | Pormal/di-pormal na talakayan, debate | Pagbuo ng editoryal at pagsulat ng Suring- Basa |
| 5. Heuristiko (paghanap o paghingi ng impormasyon) | Pagsasagawa ng sarbey tungkol sa pandemya | Pagsulat ng pamanahong papel, tesis |
| 6. Representatibo/ Impormatibo (pagsagot sa mga tanong,pagpapahayag ng mga hinuha o pahiwatig) | Pagbibigay ng impormasyon, pag-uulat | pahayagan, mga anunsyo at patalastas |
| 7. Imahinasyon (pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan) | Pagbigkas ng tula, pagganap sa teatro | Pagsulat ng sariling tula |
Ilan lamang ito sa iba’t ibang sitwasyong pangwika sa lipunan na maituturing nating bahagi ng kultura.
Malaki ang impluwensya ng kultura sa pag-unlad ng wika. Bahagi ng ating kultura ang pandarayuhan dala-dala ang kanilang sariling wika. Mula sa mga wikang ito na pinag-aralang bigkasin at gamitin, nakalilikha ng bagong salita na nagiging bahagi ng bokabularyo ng isang pamayanan o lipunan.
Pagyamanin
Gawain 1.1: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at suriin ang gamit ng wika. Isulat sa sagutang papel.
- Pagpapasalamat sa taong gumawa ng mabuti sa iyo.
- Pagpapadala ng liham sa guro upang lumiban sa klase.
- Pagdalo sa piging ng nakapagtapos at pagbati dito.
- Pag-uulat tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa
- Pagsasagawa ng sarbey para sa nalalapit na eleksyon.
Gawain 1.2: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali. Isulat sa sagutang papel.
- Ang sitwasyon ng gamit ng wika sa Pilipinas ay hindi na umiiral ngayon.
- Ang heuristiko ay paraan ng pangangalap ng datos.
- Ang sitwasyon ng wika sa lipunan ay maaaring pasulat at pasalita.
- Kapag sinasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin, ito ay kabilang sa regulatori.
- Kapag nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan, ito ay instrumental na gamit ng wika.
Gawain 1.3: Tukuyin kung ang sumusunod na sitwasyon sa lipunan ay mas mainam na pasulat o pasalita. Isulat sa sagutang papel.
- Pagtatanong
- Pagpapaliwanag sa kausap
- Paghingi ng paumanhin sa text message
- Pagbuo ng resipi ng isang ulam
- Pamimili sa palengke
Isaisip
Magsagawa ng panayam sa 10 tao kung alin sa mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ang mas mainam gawing pasulat o pasalita. Maari silang magbigay ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan. Ilahad ang kinalabasan ng panayam.
| Sitwasyon | Pasulat | Pasalita |
|---|---|---|
| 1. Pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang magkaibang panig. | ||
| 2. Paghingi ng direksyon ng isang lugar na hindi pamilyar sa iyo. | ||
| 3. Pagtuturo sa bata ng iba’t ibang lenggwahe mula sa ibang lugar. | ||
| 4. Pagbibigay ng anunsyo tungkol sa mga nais gawin sa mga darating na araw. | ||
| 5. Pagbibigay ng mensahe para sa kaibigang nasa malayong lugar. |
Pamantayan:
Siksik at mayaman sa impormasyon mula sa mga ininterbyu——–5 pts.
Naihanay nang maayos at lohikal ang impormasyon——————-5 pts.
Mahusay ang pagpili ng salita at walang pagkakamaling tipograpikal at gramatikal—————————————– 5 pts.
Isagawa
Gumawa ng isang sarbey tungkol sa mga sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa sumusunod na lugar. Magtala ng limang pinaka nangungunang sitwasyon at pahayag.
[illustration: a market scene with vendors and buyers]
PALENGKE
[illustration: a park scene with a fountain, benches, and people]
PASYALAN
[illustration: a mall building with shops and shoppers]
MALL
[illustration: a playground with slides, swings, and people]
PALARUAN
Tayahin
Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng may angkop na gamit ng wika sa lipunan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Pagtatanong sa guro ng gawaing ibinigay sa klase.
- A. representatibo
- B. interaksyonal
- C. heuristiko
- D. personal
Paglalagay ng liham sa lamesa bilang paalala.
- A. Interaksyonal
- B. Regulatoryo
- C. heuristiko
- D. personal
Pangangalap ng sarbey tungkol sa mga tatakbong pulitiko sa darating na eleksyon.
- A. representatibo
- B. instrumental
- C. regulatoryo
- D. heuristiko
Pagbibigay ng opinyon tungkol sa isyung panlipunan.
- A. interaksyonal
- B. instrumental
- C. regulatoryo
- D. heuristiko
Pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.
- A. representatibo
- B. regulatoryo
- C. heuristiko
- D. personal
Pagtuturo ng tatay sa kanyang anak kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
- A. interaksyonal
- B. instrumental
- C. regulatoryo
- D. personal
Pagpapaliwanag sa magulang dahil hindi naging malinaw ang mensaheng natanggap mula sa kaibigan.
- A. representatibo
- B. regulatoryo
- C. heuristiko
- D. personal
Pagpapadala ng sertipikong medikal dahil hindi nakapasok sa trabaho dulot ng pagkakasakit.
- A. representatibo
- B. interaksyonal
- C. heuristiko
- D. personal
Paggawa ng patalastas tungkol sa hakbang para makaiwas sa COVID-19.
- A. representatibo
- B. instrumental
- C. regulatoryo
- D. heuristiko
10.Pangangalap ng impormasyon mula sa pakikipanayam.
- A. interaksyonal
- B. regulatoryo
- C. heuristiko
- D. personal
Karagdagang Gawain
Magtala ng tatlong pasulat at dalawang pasalitang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa inyong tahanan.
Pasulat:
Pasalita:
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- C 1.
- D 2.
- B 3.
- A 4.
- C 5.
- C 6.
- C 7.
- D 8.
- A 9.
- B 10.
- B 11.
- C 12.
- A 13.
- C 14.
- D 15.
Pagyamanin
Gawain 1.1
- personal 1.
- Instrumental 2.
- Interaksyonal 3.
- Referential/ 4.
- Impormatibo
- Heuritiko 5.
Gawain 1.2
- M 1.
- T 2.
- T 3.
- T 4.
- M 5.
Gawain 1.3
- Pasalita 1.
- Pasalita 2.
- Pasulat 3.
- Pasulat 4.
- Pasalita 5.
Tayahin
- C 1.
- A 2.
- D 3.
- D 4.
- D 5.
- C 6.
- A 7.
- B 8.
- A 9.
- C 10.
- C 11.
- C 12.
- D 13.
- B 14.
- B 15.
Sanggunian
Alcaraz, C., Austria, R. et al 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Quezon City: Educational Resources Corporation .
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc.
Halliday, M.A.K 1973. Explorations in the Functions of Language. England: Elsevier North-Holland
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply