This is Module 13 of the second quarter (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School self-learning module titled “Pagsusuri sa Pananaliksik” (analyzing research). It is for learners studying at home, and for the teachers and parents who guide them. After working through it, learners should be able to look at a research study about Filipino language and culture and judge its purpose, use, method, and ethics.
The module was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021), with Ruben S. Montoya as writer.
What learners will learn
The learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (analyzes some research studies about Filipino language and culture), F11PB-IIg-97.
By the end of the module, learners should be able to:
- Analyze a research study on Filipino language and culture based on its purpose (layunin), use (gamit), method (metodo), and ethics (etika).
- Express their feelings or opinions about analyzing research.
- Write an analysis of some parts of a research study using guide questions.
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 13: Pagsusuri ng Saliksik (analyzing a research study). It explains what to look for when reviewing research on Filipino language and culture, then has learners practice on real student research.
Six points to check when analyzing research
The Tuklasin part gives six guides for reviewing a study:
- Paksa (topic): The main topic should be visible in the title. The topic should be specific, not too broad.
- Nilalaman (content): For a study on Filipino language and culture, this focus should already show in the title. Check whether it connects to every part of the study, and comment on each part based on what it should contain.
- Layon (purpose): Judge whether the author reached the study’s purpose. The purpose should be based on the problems stated in the Paglalahad ng Suliranin (statement of the problem).
- Gamit/Kahalagahan (use or importance): Who will benefit from the results, and for what? Will any system or usual practice change because of the study?
- Metodo (method): Were the data-gathering tools suitable? Does the way participants were chosen fit the purpose? Was the data analysis method appropriate, and were the data presented well?
- Etika sa Pananaliksik (research ethics): Being ethical means being upright, fair, honest, and respectful of other people’s work. Copying other people’s ideas and work is not done.
The sample studies in the module
Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?
This abstract, from the research of Almoete, Banggad, and Garferio, asks whether a Taglish (mixed Tagalog-English) translation of the Pinoy New Testament is “swak” (accepted) or “ligwak” (not accepted) by Grade 11 students of Don Luis Ababa Senior High School. Learners use it to practice spotting each part of a study:
- Purpose: to find out whether the Taglish translation is effective, interesting to young readers, and helpful in developing Filipino culture, especially faith.
- Method: quantitative; a survey measured the participants’ views, and the data were analyzed with the weighted mean. The 95 Grade 11 participants from the STEM, ABM, HUMSS, GAS, and TVL strands were chosen by simple random sampling.
- Results: the translation was found very effective (3.39 weighted mean), very interesting to young readers (3.52), and very helpful to Filipino faith culture (3.39).
- Recommendation: use the Taglish Pinoy NT to strengthen the faith of young Filipinos.
The Pagyamanin part adds the study’s literature review, which cites Hymes (1972) on language being alive and changing, and Resolusyon 96-1 of the Komisyon sa Wikang Filipino, which describes Filipino as a living language that develops through borrowing.
Kalipunan ng mga Salita na Ginagamit sa Social Media
In the tests, learners also review parts of a study that collects words used on social media. It is an action research; its output is a collection of these words with their meanings, meant to help teachers keep up with changes in language use. Learners check whether its purpose matches its stated importance and whether its design fits.
How to word an analysis
The Isaisip part reminds learners that analysis is a comprehensive task. It needs correct, careful use of critical words, it involves judgment and giving opinions, and it may express strong agreement or disagreement. Negative points should be given as suggestions so they do not hurt anyone’s feelings.
How to use this module
The module follows the usual self-learning order:
- Alamin: read the competency and objectives.
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest to see what you already know.
- Balikan: fill in a concept map on the meaning, purpose, importance, and content of research.
- Tuklasin: study the six guides above.
- Suriin: read the Taglish Pinoy NT abstract and answer five questions (five points each), such as what the topic is and whether the method is suitable.
- Pagyamanin: write an analysis of the study’s literature review, scored with a 4-point rubric on quality, organization, and coherence.
- Isaisip: fill in the blanks about how to word an analysis.
- Isagawa: mark five statements about research analysis as Tama (true) or Mali (false).
- Tayahin: a 15-item multiple-choice post-test.
- Karagdagang Gawain: start preparing the different parts of a research paper, chapter by chapter.
For learners: Write all answers on separate paper, not on the module, so others can use it. Contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the Subukin, Isaisip, and Tayahin. Encourage your child to answer honestly before checking.
For teachers: A note in the Balikan asks learners to write their answers in a journal and reflect on them. The Suriin and Pagyamanin answers are open-ended, so they need your checking.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 13 of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Its competency code, F11PB-IIg-97, points to Grade 11.
What competency does the module cover?
It covers analyzing research studies about Filipino language and culture (F11PB-IIg-97), based on their purpose, use, method, and ethics.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, the Isaisip fill-in-the-blanks, and the Tayahin post-test. The Suriin and Pagyamanin tasks are open-ended and are checked by the teacher.
What should I look for when analyzing a research study?
The module lists six points: the topic (paksa), content (nilalaman), purpose (layon), use or importance (gamit/kahalagahan), method (metodo), and research ethics (etika sa pananaliksik).
What sample research does the module use?
Mainly the study Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?, by Almoete, Banggad, and Garferio, plus parts of an action research on words used on social media.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan– Modyul 13: Pagsusuri sa Pananaliksik
Senior High School
[illustration: students reading outdoors, a teacher helping students at a desk, and a boy studying by lamplight beside a globe]
CO_Q2_KPWKP SHS Module 13
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 13: Pagsusuri at Pananaliksik Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ruben S. Montoya
Editor: Jonathan F. Bernabe
Tagasuri: Elisa N. Lajera, Perlita E. Dela Cruz, Sharita B. Cruz, Noel S. Ortega, Jhon Jien Mar Traviezo
Tagaguhit: Romdel F. Partoza
Tagalapat: Leonila L. Custodio, Niño Paulo V. Crispe
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rommel C. Bautista
Galileo L. Go, Randy D. Punzalan
Elpidia B. Bergado
Noel S. Ortega
Maribeth C. Rieta
Leonila L. Custodio
Julie Anne V. Vertudes
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan– Modyul 13: Pagsusuri sa Pananaliksik
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: a hand touching a circular icon, beside the part title]
Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay ang mga sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB-IIg-97)
Layunin:
- Nasusuri ang isang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika.
- Nakapagpapahayag ng damdamin o saloobin ukol sa pagsusuri ng pananaliksik.
- Nakasusulat ng mga pagsusuri sa ilang bahagi ng pananaliksik gamit ang mga gabay na tanong.
Subukin
[illustration: a hand holding a pencil, beside the part title]
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Bigyang pagsusuri ang pahayag mula sa literatura ng isang pananaliksik. Ano ang layunin ng may akda kung kaya’t isinagawa niya ang pananaliksik na ito?
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga katanungang: (1) Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito?
a. Malaman kung epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT.
b. Malaman kung nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito.
c. Malaman kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito.
d. Malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament.
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang di-wasto tungkol sa pagsusuri ng isang pananaliksik?
a. Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahagi ng Paglalahad ng Suliranin.
b. Suriin at husgahan kung nakamit ba ng may akda ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik
c. Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa gawa ng ibang tao.
d. Samakatuwid ginagawa ang pangongopya ng ideya at gawa ng iba.
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa rekomendasyon ng may akda batay sa kinalabasan ng pananaliksik?
a. Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito.
b. Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitala.
c. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
d. Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean.
4. Alin ang di-wastong pahayag ukol sa paggamit ng salita sa pagsasagawa ng kritikal na pagsusuri ng pananaliksik?
a. Gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng opinyon.
b. Kailangan ang wasto at maayos na gamit ng kritikal na mga salita.
c. Ipinapahayag ang matinding damdamin ng pagsang-ayon at di pagsang-ayon.
d. Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin ito nang walang pagaalinlangan sapagkat makabubuti ito sa isinasagawang pagsusuri.
5. Alin sa mga sumusunod na pananaliksik ang pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino?
a. Negosyo: Lulubog, Lilitaw
b. Karakol: Susulong o Uurong
c. Sipnayan: Hamon sa Malinaw na Kinabukasan
d. COVID-19: Tulay sa Pagkakabuklod-buklod ng Pamilyang Pilipino
6. Mula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?, masasalamin ba ang kulturang Pilipino?
a. Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang Taglish ay hindi bahagi ng ating kultura.
b. Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng pananampalataya.
c. Hindi, sapagkat ang wikang Taglish at Pinoy New Testament ay walang kaugnayan sa isa’t –isa.
d. Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay hindi tanggap.
7. Bilang bahagi ng pagsusuri sa mga saliksik na may kaugnayan sa wika at kulturang Pilipino, dapat bang alamin ng tagapagsuri kung nakapaloob sa paksa o sa bahaging Paglalahad ng Suliranin ang gawi, paniniwala, hilig, kasuotan, wika, maging ang mga pagdiriwang ng mga tao sa isang lugar?
a. oo
b. hindi
c. maaaring oo, maaaring hindi
d. walang maaaring kasagutan
8. Hindi na maaaring suriin pa ang metodolohiya o paraan ng pangangalap at pagsusuri ng datos.
a. tama
b. mali
c. maaaring oo, maaaring hindi
d. walang maaaring kasagutan
9. Hindi na rin titingnan pa ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng pananaliksik sapagkat nagsusuri ka lamang. Tama ba o mali ang pahayag?
a. tama, sapagkat nagsusuri ka lamang
b. walang tamang sagot na nailahad
c. mali, hindi kailangan ang pagkakaugnay-ugnay
d. mali, dapat tinitiyak ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi
10. Dapat may sapat na kaalaman sa etika ang magsasagawa ng pagsusuri upang makita kung nakasunod sa alituntunin o pamantayan ang mga mananaliksik sa pagsulat ng riserts. Ano ang iyong saloobin hinggil sa naunang pahayag?
a. kahit walang kaalaman sa etika
b. dapat may sapat na kaalaman sa etika
c. hindi na kailangan ang kaalaman sa etika
d. lahat ng nabanggit ay tamang kasagutan
11. Alin sa mga sumusunod na lagom ng pananaliksik nina Baldon ang tumutugon sa paksang “Filipino, Wika ng Makabagong Panahon”?
a. Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino
b. Mas uunlad ang ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika.
c. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pangunahing salik sa pagbabago ng wika, sa pag-usad ng panahon kasabay din ang pag-unlad ng wika.
d. Ang wikang Filipino ang pangunahing wika na ginagamit sa simbahan, palengke at pampublikong lugar
12. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng mga Salita na Ginagamit sa social media?
a. paggamit ng salita sa isang lugar
b. paggamit ng kalipunan ng mga salita
c. paggamit ng salita mula sa social media
d. pag-iipon ng mga salita mula sa social media
13.Alin ang maling pagsusuri mula sa Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
a. I at IV b. II at III c. I at III d. II at IV
14.Alin ang wastong pahayag tungkol sa bahaging Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
Layunin at Kahalagahan ng Pag -aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makamit ang mga sumusunod na layunin:
- upang matukoy ang mga salitang ginagamit sa social media;
- upang mabatid ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa social media; at
- upang makabuo ng kalipunan ng mga salitang ginagamit sa social media.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makabuo ng isang “Kalipunan ng mga Salitang Ginagamit sa Social Media“, upang magamit ng guro para makaagapay sa pagbabago sa paggamit ng wika.
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
a. I at IV b. II at III C. I at III D. II at IV
15.Aling pahayag ang tugma sa iyong pagsusuri sa bahaging ito ng pananaliksik?
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang aksiyon riserts. Matapos malikom ang mga salitang umuusbong sa social media ay bibigyang pakahulugan. Ang mabubuong kalipunan ay magsisilbing awtput ng pag-aaral
I. Tugma ang aksyon riserts sa disenyo nito. II. Hindi tugma ang aksyon riserts bilang disenyo ng pananaliksik. III. Ang mabubuong kalipunan ng mga salita ay bahagi ng aksyon riserts. IV. Walang itinakda at inaasahang awtput sa pananaliksik na aksyon riserts.
A. I at III B. II at IV C. I, III at III D. I, III, at IV
Aralin 13 Pagsusuri ng Saliksik
Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagsusuri ng saliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino. Sa pagkakataong ito ay mababatid mo ang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pananaliksik.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Naaalala mo pa ba ang kahulugan ng pananaliksik? Alam mo ba ang kahalagahan o implikasyon nito sa iyo bilang mag-aaral at bilang Pilipino? Lalong magiging kapanapanabik kung ang babalikan mo sa iyong isipan ay ang mga pananaliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino. Subuking sagutin ang sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng pagpuno sa kahon.
[chart: concept map; Pananaliksik]
- Kahulugan:
- Layunin:
- Kahalagahan:
- Nilalaman:
Mga Tala para sa Guro
[illustration: document with pen]
Isulat ang iyong kasagutan sa iyong dyornal. Magkaroon ng repleksyon sa iyong sagot.
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant]
Sa pagsusuri ng isang saliksik may mga dapat na isinasalang-alang upang magkaroon ng direksyon ang pagtalakay. Narito ang ilang mungkahi sa pagsusuri ng isang saliksik:
1. Paksa
Agad na siyasatin kung ang pangunahing paksa o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ng saliksik. Suriin din kung ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak.
2. Nilalaman
Kung ang sinusuri natin ay isang saliksik tungkol sa wika at kulturang Pilipino, nararapat lamang na ito ay nakapaloob sa pamagat pa lamang. Banggitin din sa pagsusuri kung nakaugnay ba ito sa bawat bahagi ng saliksik. Tiyakin na nabibigyang puna ang saliksik batay sa dapat na tinataglay nito sa bawat bahagi.
3. Layon
Suriin at husgahan kung nakamit ba ng may akda ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahagi ng Paglalahad ng Suliranin.
4. Gamit/Kahalagahan
Batay sa maaaring kinalabasan ng pag-aaral, sino ang makikinabang ng saliksik na ito? Para saan at kanino? May mababago bang sistema o nakagawiang gawain matapos ang saliksik na ito?
5. Metodo
Sa bahaging ito ay sinasagot ang sumusunod na katanungan. Angkop ba ang kagamitang ginamit sa pangangalap ng datos? Ang istratehiya ba sa pagpili ng kalahok ay tugma sa layunin ng saliksik? Nakatugon ba ang pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng datos. Maayos ba ang presentasyon ng datos? Anong pamamaraan ang ginamit sa pagsusuri ng datos?
6. Etika sa Pananaliksik
Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa gawa ng ibang tao. Samakatuwid hindi ginagawa ang pangongopya ng ideya at gawa ng iba.
Suriin
Basahin at unawain ang abstrak ng saliksik. Suriin ang nilalaman nito. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Limang puntos ang katumbas sa bawat tamang sagot.
Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?
Mula sa saliksik nina Almoete, Banggad at Garferio
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung swak (tanggap) o ligwak(di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga katanungang: (1) Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito?
Ang pananaliksik na ito ay kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean. Ito ay nilahukan ng 95 na mag-aaral ng nasabing paaralan na nasa ika-11 na baitang; 10 na lalaki at 10 babae mula sa strand na STEM;13 babae at 10 lalaki mula sa ABM; 15 na babae at 10 lalaki mula sa HUMSS;15 na babae at 12 lalaki mula sa GAS at TVL strand. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng simple random sampling.
Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito. Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitala. Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na nakatutulong” ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa larangan ng pananampalataya. Sinusuportahan ito ng 3.39 weighted mean na naitala.
Dahil dito, iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
[illustration: two students with speech bubbles reading “Swak ba?” and “Ligwak?”]
- Ano ang paksa ng binasa mong pananaliksik?
- Ano-ano ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik?
- Angkop ba ang metodo na ginamit ng mananaliksik? Pangatwiranan ang iyong sagot.
- Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na nabasa mo?
- Ano ang kahalagahan o implikasyon sa pag-aaral, kabuhayan at buhay ang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino?
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Basahin at unawain ang literatura ng isang pananaliksik tungkol sa paggamit ng Taglish sa Pinoy New Testament na Bibliya. Isagawa ang pagsusuri at gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
Ayon kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Kung kaya’t ito ang magiging batayan ng pag-aaral na ito kung swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) sa mga mag-aaral ang paggamit ng “Taglish” maging sa banal na aklat. Mapapatunayan natin o mapapasubalian ang pananaw na ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago.
Ang Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang deskripsyon para sa pag-aaral na ito: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumadaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Dahil ang wikang Filipino ay buhay nagkakaroon ito ng ebolusyon, ang ibig sabihin ay may pagbabago.
Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “Taglish”. Ito’y gamit na gamit lalo na sa mga kabataan. Kaya ang sitwasyong ito na paggamit sa “Taglish” maging sa banal na kasulatan ay aalamin natin kung swak pa rin ba o katanggap-tanggap pa rin ba sa mga kabataan.
Ang Bibliya ay isang banal na aklat na karaniwang ginagamit sa simbahan, sa tahanan o kahit saang dako pa man. Karaniwan, ang Bibliya ay isinasalin sa iba’t ibang lengguwahe kagaya na lamang ng wikang Filipino, Bisaya, llonggo at iba pa. Ito rin ay ipinapamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay mayroong 66 na aklat (39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan). Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagiging maka-Diyos kung kaya’t ang pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika ay lubos na mahalaga para sa mga katutubo at iba pang mga Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Napakahusay ng pagsusuri, organisado ang mga ideya, magkakaugnay ang bawat bahagi ng ginawang pagsusuri | 4 |
| Mahusay ang pagsusuri, organisado ang mga ideya, magkakaugnay ang bawat bahagi ng ginawang pagsusuri | 3 |
| Hindi mahusay ang pagsusuri, di-organisado ang mga ideya, di-magkakaugnay ang bawat bahagi ng ginawang pagsusuri | 2 |
| Kailangan pang linangin ang kasanayan sa pagsusuri, pagoorganisa ng mga ideya, at pagkakaugnay ng bawat bahagi ng ginawang pagsusuri | 1 |
Isaisip
[illustration: light bulb above a hand]
Punan ng angkop na salita ang patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isang (1)_____ gawain ang pagsusuri. Para ito ay maging komprehensibo, kailangan ang wasto at maayos na gamit ng (2) _____ na mga salita.
Sa pagsusuri, gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng (3) _____. Sa pagbibigay ng opinyon, iba’t ibang apirmatibo at negatibong pahayag ang nailalahad kaugnay ng iba’t ibang impormasyon sa sinusuring akda tulad ng dula, pelikula at lalo na sa pananaliksik.
Sa pagsusuri pa rin, ipinapahayag ang matinding (4) _____ ng pagsang-ayon at di-pagsang-ayon. Anumang pahayag na gamit sa pagsusuri, kailangang maging kritikal sa paraang wasto at maayos. Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin itong pamungkahi upang hindi (5) _____ ng kalooban.
[transcriber’s note: the printed page numbers on these pages run from 13 to 20; the markers below use the page numbers 17 to 24 as instructed]
Isagawa
Lagyan ng tsek (√) ang kahon na nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin tungkol sa pahayag.
| Pahayag | Tama | Mali |
|---|---|---|
| 1. Napadadali ang pagsusuri sa tulong ng mga nakahandang tanong. | ||
| 2. Napalalawak ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri ng isang saliksik. | ||
| 3. Ang etika ay nagsisilbing balakid sa mabilis na pagsasakatuparan ng pananaliksik. | ||
| 4. Dapat ang layunin ng pananaliksik ay batay sa suliraning inilahad sa bahaging Paglalahad ng Suliranin. | ||
| 5. Mahalaga ang pagsusuri ng saliksik bago ang aktuwal na pagsasagawa nito. |
Tayahin
Suriin ang ilang bahagi ng pananaliksik. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng mga Salita na Ginagamit sa Social Media?
a. paggamit ng salita sa isang lugar
b. paggamit ng kalipunan ng mga salita
c. paggamit ng salita mula sa social media
d. pag-iipon ng mga salita mula sa social media[transcriber’s note: the title in question 1 is underlined in the original]
Ano-anong wastong pagsusuri ang maaaring lumabas sa bahaging ito?
Paglalahad ng Suliranin
Ang mga suliranin na nais bigyang kasagutan ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
- Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa social media?
- Ano-ano ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa social media?
- Batay sa naging resulta ng pag-aaral, anong interbensiyon ang maaaring mabuo at magamit?
I. Magkakaugnay-ugnay ang mga tanong sa Paglalahad ng Suliranin.
II. Tiyak at wasto ang pagkakalahad ng suliranin.
III. Walang batayan ang paglalahad ng suliranin at mahirap sukatin.
IV. Mahirap tukuyin ang metodong gagamitin sa pananaliksik.a. I
b. II
c. I at II
d. III at IVAling pahayag ang tugma sa iyong pagsusuri sa bahaging ito ng pananaliksik?
Disenyo at Pamamaraan sa Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang aksiyon riserts. Matapos malikom ang mga salitang umuusbong sa social media ay bibigyang pakahulugan. Ang mabubuong kalipunan ay magsisilbing awtput ng pag-aaral.
I. Tugma ang aksyon riserts sa disenyo nito.
II. Hindi tugma ang aksyon riserts bilang disenyo ng pananaliksik.
III. Ang mabubuong kalipunan ng mga salita ay bahagi ng aksyon riserts.
IV. Walang itinakda at inaasahang awtput sa pananaliksik na aksyon riserts.
a. I at III b. II at IV c. I, III at III d. I, III, at IV
Alin ang wastong pahayag tungkol sa bahaging Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makamit ang mga sumusunod na layunin:
- upang matukoy ang mga salitang ginagamit sa social media;
- upang mabatid ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa social media; at
- upang makabuo ng kalipunan ng mga salitang ginagamit sa social media.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makabuo ng isang “Kalipunan ng mga Salitang Ginagamit sa Social Media“, upang magamit ng guro para makaagapay sa pagbabago sa paggamit ng wika.
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aarala. I at IV
b. II at III
c. I at III
d. II at IVAlin ang maling pagsusuri mula sa Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aarala. I at IV
b. II at III
c. I at III
d. II at IVAlin sa mga sumusunod na pananaliksik ang hindi pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino?
a. Sipnayan: Ligaya o Parusa
b. Karakol: Susulong o Uurong
c. Pananampalataya: Tugon sa Malinaw na Kinabukasan
d. Tiktok: Tulay sa Pagkakabuklod-buklod ng Pamilyang PilipinoAlin sa sumusunod na pananaliksik ang tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino?
a. Saloobin ng mg Mag-aaral Hinggil sa New Normal
b. COVID-19: Sanhi ng Kamatayan sa Buong Sanlibutan
c. Teleseryeng “Ang Probinsyano” Salamin ng Kulturang Pilipino: Noon at Ngayon
d. Pinakanangungunang Pamantasan sa Mundo: Pinagmumulan ng Matatagumpay na TaoAlin sa mga sumusunod ang hindi dapat isinasagawa sa pagsusuri ng isang pananaliksik?
a. Gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng opinyon
b. Kailangan ang wasto at maayos na gamit ng kritikal na mga salita
c. Ipinapahayag ang matinding damdamin ng pagsang-ayon at di-pagsang-ayon
d. Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin ito nang walang pag aalinlangan sapagkat makabubuti ito sa isinasagawang pagsusuri.Batay sa iyong pagsusuri sa nilalaman ng pananaliksik, alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa metodo o pamamaraan ng pananaliksik?
a. Ang pananaliksik na ito ay kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean.
b. Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “Taglish”.
c. Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na nakatutulong” ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa larangan ng pananampalataya.
d. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.Sa pagsusuri ng paksa, ano ang katangian na dapat taglayin nito?
a. Lagom ng kabuuang nilalaman ng saliksik.
b. Ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak.
c. Ang pangunahing paksa o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ng saliksik.
d. Ang A, B at C ay katangian ng isang paksa.Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nabibilang sa Paglalahad ng Suliranin?
a. Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT?
b. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito?
c. Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya nito?
d. Swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament?Iminumungkahing magkaroon ng katulad na pag-aaral subalit gawing tuon ang mga alagad ng simbahan tulad ng pari, pastor, o ministro upang malaman ang pananaw nila ukol dito. Batay sa rekomendasyon na ito, alin sa sumusunod na pananaliksik ang hindi kaugnay sa wika at kulturang Pilipino?
a. OPM Kanta ng Kaluluwa
b. Wikang Filipino, Wika ng Kaluluwa
c. Alagad ng Simbahan, Alagad ng Kaluluwa
d. Kantang-panalangin: Ipinaghihili ang KaluluwaMula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament, masasalamin ba ang kulturang Pilipino?
a. Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang Taglish ay hindi bahagi ng ating kultura.
b. Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay hindi tanggap.
c. Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng pananampalataya.
d. Hindi, sapagkat ang wikang Taglish at Pinoy New Testament ay walang kaugnayan sa isa’t isa.Kapag ang pinag-uusapan ay pananaliksik tungkol sa wika at kulturang Pilipino, ang lahat ay maaring maging paksa maliban sa_____.
a. Kaugalian, tradisyon, kasuotan at pagkain
b. Pakikipagsapalaran, kamangha-manghang bagay
c. Pag-ibig, teleserye, pelikula at OPM na kanta
d. Mga salitang ginagamit sa social media, salitang beki, salitang kalye, at iba paAlin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa paraan ng mangangalap at pagsusuri ng datos?
a. Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito.
b. Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitala.
c. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino.
d. Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean
Karagdagang Gawain
Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil dito, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang iba’t-ibang bahagi ng pananaliksik sa bawat kabanata nito.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed rotated 180 degrees in three columns; the columns are transcribed below in reading order]
Subukin
- D
- D
- C
- D
- B
- B
- A
- B
- D
- B
- D
- C
- B
- A
- A
Isaisip
- komprehensibo
- kritikal
- opinyon
- damdamin
- makasakit
Tayahin
- C
- C
- A
- A
- B
- A
- C
- D
- A
- D
- D
- C
- C
- B
- D
Sanggunian
Banggad, CJ., Garferio, S. (2019). Swak ba o Ligwak ang Paggamit ng Taglishsa Pinoy New Testament
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply