Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Q2 Module 12: Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

This is Module 12 for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School subject. Its title is “Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay” (writing a critical essay). It is a self-learning module for home study, prepared by DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021). It teaches learners to write a critical essay about the different ways that social and cultural groups in the Philippines use language.

What learners will learn

The module’s learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is to write a critical essay on the different ways that social and cultural groups in the Philippines use language (F11EP-IIf-34).

By the end of the module, learners should be able to:

  • Identify the different ways that social and cultural groups in the Philippines use language
  • Understand why writing a critical essay matters, both for the writer and for the reader
  • Write a critical essay using the language of different social groups

Key ideas: language registers of social groups

The lesson (Aralin 12) starts from the idea that every language in the Philippines reflects the country’s rich culture and literature. Each social group has its own register (rehistro), meaning words tied to its work or setting.

The module gives these examples:

WordGroup that uses it
insulinDoctors, for people with diabetes
impeachmentLawyers, in court, for people accused of breaking the law
dyornalismo (journalism)Anchors, to deliver messages and information
komersiyo (commerce)Business people, for trade and exchange of products
google, internet, facebookMillennials, on social media, to get information

The module also covers pahiwatig (implied meaning). For example, “Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain” (“No thanks, I just ate”) can hint that the speaker is shy to eat. It also shows regional and group words such as “bana” and “Ginahigugma ko ikaw.”

When you write about the language of a group, you need to know how its words are used. The module lists five bases for how a group uses language:

  • place (lugar)
  • time (panahon)
  • purpose (layunin)
  • topic of the conversation (pinag-uusapan)
  • the group the speakers belong to (grupong kinabibilangan)

Key ideas: what a critical essay is

According to the module, a sanaysay (essay) is a kind of literature where the author freely shares feelings, views, opinions, reactions, and reflections on a topic. Its purpose can be to inform, to entertain, or to make readers laugh.

A critical essay has a light tone. The author discusses any topic freely and personally, as if talking face to face with the readers.

Citing Jocson (2016), the module lists seven things to consider when writing a critical essay:

  1. kaisahan ng tono (unity of tone)
  2. maayos na pagkakabuo (good organization)
  3. matalinong pagpapakahulugan (thoughtful interpretation)
  4. tema at nilalaman (theme and content)
  5. anyo at estruktura (form and structure)
  6. wika at estilo (language and style)
  7. using the language of each social and cultural group

The sample essay “Guro ng Bagong Siglo” (teacher of the new century) shows these ideas at work. It is about the hard life of a teacher. It mixes words from several registers, such as lesson, pneumonia, bisnes, hukuman, facebook, and hustisya.

Activities in this module

  • Subukin: a 15-item multiple-choice pretest
  • Balikan: give words used by a teacher, a Mobile Legends (ML) player, an Ilokano, and a household helper (kasambahay)
  • Tuklasin: find the register words in five sentences
  • Suriin: name the social group behind each underlined word in the sample essay
  • Pagyamanin: match group words to their meanings, then write a critical essay on the New Normal. The essay is about education during the pandemic, from the view of students, parents, and teachers, using words like modalities, distance learning, and modyul.
  • Isaisip: a summary of the key ideas
  • Isagawa: present the key points of a critical essay as a poem, song, hashtag, or hugot lines (10 points)
  • Tayahin: write a critical essay about a social or cultural group of your choice
  • Karagdagang Gawain: get ready to analyze research on Filipino language and culture

The essays are scored with a rubric of four criteria, each rated from 5 (Napakahusay) to 1 (Nangangailangan ng Gabay):

  • presentation of critical ideas
  • content
  • appropriate word use, including how many language registers are used
  • how meaningful the essay is as a whole

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write your answers on separate paper, and do not write on the module. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module comes with a Gabay sa Guro/Tagapagdaloy (guide for teachers and facilitators) with tips for helping your child at home. Encourage honest use of the answer key.
  • Teachers: The answer key covers the pretest. The Tayahin essay is checked against the rubric, based on each learner’s output. After Balikan, the module asks you to prepare learners for the next part.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 12. The competency code it prints is F11EP-IIf-34.

What is a critical essay according to the module?

It is an essay with a light tone, in which the author discusses a topic freely and personally, as if talking directly to the readers. Like any sanaysay, it can inform, entertain, or make readers laugh.

What should I consider when writing a critical essay?

The module, citing Jocson (2016), lists unity of tone, good organization, thoughtful interpretation, theme and content, form and structure, language and style, and using the language of each social and cultural group.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the 15-item pretest. The final essay in Tayahin is graded with a rubric based on the learner’s own output.

What is a language register?

A register is a set of words tied to a particular group or field. For example, doctors use insulin, lawyers use impeachment, and business people use komersiyo.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 12: Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 12: Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

[illustration: learners reading and writing outdoors and at a desk, a teacher, and a globe; the ADM logo appears below]

CO_Q2_KPWKP SHS Module 12

Pambungad sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 12: Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruben S. Montoya Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Elisa N. Lajera, Perlita E. Dela Cruz, Maribeth C. Rieta, Nerlito M. Del Mundo, Julie Anne V. Vertudes Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan-Modyul 12: Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

Senior High School

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas F11EP-IIf-34

Layunin:
  • Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
  • Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsulat ng kritikal na sanaysay para sa sarili at sa mambabasa
  • Nakasusulat ng isang kritikal na sanaysay gamit ang wika sa iba’t ibang grupong sosyal

Subukin

Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa iyong paunang pag-unawa sa paksa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ang mga sumusunod ay dapat na isinasaalang-alang sa pagsulat ng kritikal na sanaysay maliban sa ___________________.
    a. kaisahan ng tono, maayos na pagkakabuo
    b. matalinong pagpapakahulugan, tema at nilalaman
    c. may sukat, tugma, aliw-iw o indayog ng mga salita
    d. anyo at estruktura, wika at estilo, gumagamit ng wika sa bawat sosyal at kultural na pangkat


  2. Ito ay isang uri ng panitikan na naglalayong magbigay ng opinyon, kuro-kuro, pananaw, impormasyon o repleksiyon tungkol sa isang paksa.
    a. Nobela
    b. Sanaysay
    c. Pananaliksik
    d. Maikling Kwento


  3. Tukuyin ang katangian ng isang kritikal na sanaysay.
    I. Bunga ito ng isang malalimang pag-aaral na dumaan sa proseso at nangangailangan ng istatistikal na pag-aanalisa ng mga datos.
    II. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan malayang maipahayag ng may-akda ang kanyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon at repleksyon tungkol sa isang paksa
    III. May layunin itong magbigay kabatiran, impormasyon, mang-aliw o magpatawa.
    IV. Kasama sa katangian ng isang kritikal na sanaysay: magaan ang tono, malaya at personal na pagtalakay ng awtor ng anumang paksang nais niyang talakayin na parang, ang kanyang kausap o kaharap ay ang mga mambabasa.
    a. I, II, III
    b. II, III, IV
    c. III, IV, I
    d. IV, I, II


  4. Ang naging batayan sa paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural ay ang sumusunod, maliban sa________________.
    a. idyolek
    b. layunin
    c. lugar at panahon
    d. pinag-uusapan at grupong kinabibilangan ng mga nag-uusap


  5. “Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo masarap ang kape d’yan sa labasan.” Tukuyin ang layunin ng nagsasalita bilang batayan sa paggamit ng wika ng grupong sosyal (magkaibigan).
    a. Masarap ang kape sa labasan
    b. Nais na magpalibre ng kape sa labasan
    c. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan
    d. Pinamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry


  6. “Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa mga kantang maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood sa sinehan, ayaw ko ring sumakay sa motor, pero bakit ngayon ginagawa ko na ang lahat nang ito kapag kasama ko siya? Ano kaya ang ipinahihiwatig (batay sa layunin) ng nagsasalita?
    a. Dahil masaya siyang kasama
    b. Maaaring mahal n’ya na ito
    c. Gusto n’ya lang na may kasama
    d. Ayaw n’ya na mapahiwalay dito


  7. Mukhang nangangailangan ng malaking pondo ang pagpapatayo ng gusali na magiging bahay-tuluyan ng mga tao sa tuwing may kalamidad. Anong grupong sosyal ang gumagamit ng salitang may salungguhit?
    a. doktor
    b. guro
    c. manlalaro
    d. inhenyero


  8. “Iwasan mo na ang pagpa-foul, mapapaaga ang pag-graduate mo n’yan”. Anong grupong sosyal ang gumagamit ng salita na may salungguhit?
    a. doktor
    b. edukador
    c. coach
    d. sports commentator


  9. Huwag mong kalimutan na dalhin ang reseta ng doktor sa tuwing bibili ka ng gamot sa botika, mahigpit na sila ngayon lalo na kung antibiotic ang bibilhin mo. Saan nakarehistro ang wika na may salungguhit?
    a. Medisina
    b. Edukasyon
    c. Palakasan
    d. Midya


  10. Tukuyin ang grupong sosyal na gumagamit ng wika na may salungguhit. Si Noli De Castro ay nagsimula bilang isang mamamahayag sa radyo at telebisyon bago pa siya naging pangalawang pangulo ng republika, patunay lamang ito na malayo ang mararating mo kung matiyaga ka sa ginagawa mo.
    a. Medisina
    b. Edukasyon
    c. Palakasan
    d. Midya


  11. Buo ang loob ng testigo sa pagharap sa imbestigasyon kanina, hindi man lamang siya natinag sa mga katanungan ng abogado.
    a. Pangingisda
    b. Kalakalan
    c. Hustisya
    d. Kalusugan


Para sa bilang 12 hanggang 15, tukuyin ang kahulugan ng salita/pahayag na nagsasaad ng pahiwatig bilang paraan ng paggamit ng wika ng ilang grupong sosyal at kultural.

  1. “Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain.”
    a. Busog pa siya.
    b. Nahihiya siyang kumain.
    c. Galit s’ya sa nagyayang kumain.
    d. Mas maiging magtiis sa gutom, kaysa masabihan ng patay-gutom.


  2. Bawal ang utang, bukas na lang.
    a. Hindi nagpapautang
    b. Bawal ang utang ngayon, bukas pwede
    c. Ipinagbabawal ang hindi pagbayad sa utang
    d. Kapag nagbayad ka ngayon, bukas pwede ka na namang mangutang


  3. “Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang balik. Ang pag-ibig sa kapwa ang pagpapakita ng totoong pagmamahal ng tao sa Diyos.” Ang maaring nagsasalita ay isang___________________
    a. Magulang
    b. Guro
    c. Pari
    d. Kaibigan


  4. “Kapag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw”.
    a. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
    b. Ang taong masalita ay maraming nalalaman.
    c. Ang taong hindi masalita ang totoong may malawak na kaalaman.
    d. Huwag kang maliligo kapag ang ilog ay malabo ang tubig ay mababaw.


Aralin 12 Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa Pagbuo ng Kritikal na Sanaysay Ukol sa Iba’t Ibang Paraan ng Paggamit ng Wika ng Iba’t Ibang Grupong Sosyal at Kultural sa Pilipinas. Anomang wika sa Pilipinas ay wikang sumasalamin sa mayaman nating kultura at panitikan. Ngayon ilahad mo ang iyong kaalaman at pananaw ukol sa mga wikang mayroon tayo sa pamamagitan ng pagsulat ng mapanuring sanaysay.

Balikan

Magbigay ng salita na ginagamit ng mga grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

[transcriber’s note: the four words are printed in boxes arranged in a two-by-two grid]

  • Guro | Manlalaro ng ML
  • Ilokano | Kasambahay
Mga Tala para sa Guro

Matapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul.

Tuklasin

Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap.

  1. Isa ang insulin, sa kinikilalang pinakadakilang imbensiyon ng tao.
  2. May 188 kinatawan ang lumagda sa reklamong impeachment ni Renato Corona.
  3. Magandang kuhanin ng mga kabataang nangangarap na maging tagapagbalita ang kursong dyornalismo.
  4. Mga 80 porsiyento ng komersiyo ng gulay sa ngayon ay mababa ang presyo.
  5. Marami sa ating mga kabataan ang mas pamilyar sa google kaysa sa ebanghelyo, mas sanay sa internet kaysa sa inspirasyon, at mas subsob sa facebook kaysa sa pag-aaral.

Ano ang napansin mo sa mga salitang may salungguhit? Sa tulong ng kolum sa ibaba ay mauunawan mo ang mga register ng wika na ginagamit ng ilang grupong sosyal na ginamit naman sa pagbuo ng mga pangungusap sa isang sanaysay at iba pang uri ng panitikan.

BilangRegisterGumagamit na Grupong Sosyal
1insulinGinagamit ng mga doctor sa mga taong may diabetes
2impeachmentGinagamit ng mga abogado sa korte sa mga taong inaakusahan ng mga paglabag sa batas
3dyornalismoGinagamit ng angkor para magbigay mensahe at maghatid ng impormasyon
4komersiyoGinagamit ng mga negosyante kaugnay ng kalakalan/negosyo o palitan ng produkto
5google, internet at facebookGinagamit ng mga millennial sa social media upang kumuha ng impormasyon
Suriin

Basahin ang sanaysay na gumagamit ng ilang piling salita na nakarehistro sa ilang grupong sosyal at kultural sa bansa. Tukuyin at punan ang kahon sa ibaba.

Guro ng Bagong Siglo

[illustration: teacher pointing at a board labeled “Filipino”]

Ang pagiging guro ay mahirap na propesyon. Laging dala ay lesson, sa klasrum siya’y maghapon. Sa bigat ng tungkulin, sarili’y di na pinapansin kaya minsan kung mamalasin, pneumonia at high blood laging kapiling. Ang kanyang suweldo’y pilit na pagkakasyahin at minsan ang bangko’y kanya ring dadalawin. Iba-ibang bisnes lahat ay gagawin, magkaroon lamang ng kaunting kikitain. Masaklap pa nito ang batang sisitahin, pati hukuman kanya ring mararating. Nakakalungkot pa, laman ka ng facebook nila, pati sa messenger ikaw pa rin ang bida. Dakila ka talaga, guro ka ng milenya dahil gaanoman kalayo ng inyong distansya sa kanila, nagbibigay ka ng hustisya magkaroon lang sila ng kita sa leksiyong iyong itinitinda. Malayo na nga talaga sila, dahil ang mga kabataan, wala ng pagkilala, kaya dapat na maging sintensiya, ay turuan sila ng mataas na disiplina, sa mga gurong pag-asa ng eskwela, at kahit ano pa ang sabihin nila, hindi mabubura ang katotohan ang anumang paghihirap ng guro, laging may panahon sa ikatututo ng eskwela at ang dedikasyon at pasyon ay laging buhay saan mang panahon at henerasyon. Mabuhay ang mga guro sa bagong bersyon.

[illustration: teacher pointing at a board labeled “Ingles”]

salitang may salungguhit(Grupong Sosyal/kultural)
lesson
pneumonia at highblood
bisnes
hukuman
facebook at messenger
distansya
hustisya
kita
Pagyamanin

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit na ginagamit ng ilang grupong sosyal at pangkat kultural sa bansa.

  1. Malungkot na naman si Mudra kasi wala pa siyang datong na magmumula sa kanyang anakis.
  2. Hindi ako maaaring magpasya hanggat wala pa ang aking bana.
  3. Ginahigugma ko ikaw, mula noon at magpakailan man.
  4. Tayo na at tapusin na natin ang pagsasagot sa ating modyul.
  5. Mas mainam kung lahat tayo ay may bugong at pagsaluhan natin.
  • a. baon
  • b. minamahal
  • c. kagamitang pampagkatuto
  • d. nanay
  • e. pera
  • f. anak
  • g. asawa
  • h. dala

Bumuo ng isang kritikal na sanaysay sa tulong ng sumusunod na sitwasyon, wika ng isang sosyal/kultural na pangkat. Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka.

Paksa: New Normal

Sitwasyon: Kalagayan ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya

Pangkat ng tao: Mag-aaral, magulang at guro

Mga salita: new normal, COVID 19, modalities, face-to-face, internet, WiFi, online, distance learning, blended learning, modyul, transit pass, social distancing, sabon, kinabukasan, pangarap, kumpol-kumpol, alcohol, P.E, shuttle, laptap, cellphone, ZOOM, Google class, TV, radyo, at iba pa.

[transcriber’s note: some header words are split across lines in the print; they are joined here]

KraytiryaNapakahusay 5Mahusay 4Katamtaman 3Paunlarin 2Nangangailangan ng Gabay 1Kabuuang Marka
Paglalahad ng kritikal na kaisipan/pahayagNapakahusay at malikhaing nailahad ang mga pahayagMahusay at malikhaing nailahad ang mga pahayagNaisulat ang sanaysay sa katamtamang pamamaraan at may pagtatangka sa pagiging malikhain nitoMay papaunlad na kasanayan sa pagsulat ng kritikal na sanaysayNangangailangang paunlarin ang kasanayan sa pagsulat
NilalamanNakabuo ng mga pahayag na sumusuporta sa mga ideya sa kabuuan ng sanaysayNakapaglahad ng dalawang ideya ukol sa paksaNakapaglahad ng isang ideya ukol sa paksaNakapaglahad ng mga magkakaibang pahayagHindi nakapaglahad ng paksa sa nilalaman
Kaangkupan ng gamit ng salitaNakagamit ng mahigit sa limang rehistro ng wika kaugnay sa paksaNakagamit ng mahigit sa apat na rehistro ng wika kaugnay sa paksaNakagamit ng dalawang rehistro ng wika kaugnay sa paksaHindi nakagamit ng anumang rehistro ng wika kaugnay sa paksaNangangailangan ng gabay sa paggamit ng rehistro ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
Pagiging makabuluhan ng pagbubuoNakapagbigay ng kabuuang kaisipan/mensahe sa sanaysayNakapagbigay ng katamtamang kaisipan/pahayag sa sanaysayNalimitahan ang pagbibigay ng kaisipan/mensahe sa pagbuo ng sanaysayPapaunlad ang pagbibigay ng kaisipan/mensaheWalang naibigay na kaisipan/konklusyon ukol sa paksa
Isaisip

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan malayang naipahahayag ng may-akda ang kanyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon at repleksyon tungkol sa isang paksa. May layunin itong magbigay-kabatiran, impormasyon, mang-aliw o magpatawa.

Kasama sa katangian ng isang kritikal na sanaysay: magaan ang tono, malaya at personal na pagtalakay ng awtor ng anumang paksang nais niyang talakayin na parang ang kanyang kausap o kaharap ay ang mga mambabasa.

Ayon kay Jocson (2016) ang dapat isalang-alang sa pagsulat ng kritikal na sanaysay ay ang mga sumusunod:

  1. kaisahan ng tono;
  2. maayos na pagkakabuo;
  3. matalinong pagpapakahulugan;
  4. tema at nilalaman;
  5. anyo at estruktura;
  6. wika at estilo; at
  7. gumagamit ng wika sa bawat sosyal at kultural na pangkat.

Mahalaga sa lahat, kung ang isusulat na sanaysay ay tungkol sa iba’t ibang wika ng mga grupong sosyal at kultural sa Pilipinas, kinakailangang may sapat na kaalaman at kasanayan sa salita/pahayag na ginagamit na batayan ay ang lugar, panahon, layunin, pinag-uusapan, at grupong kinabibilangan ng mga nag-uusap.

Isagawa

Isa-isahin ang mga mahahalagang kaisipan na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Kritikal na Sanaysay. Isagawa ito sa pamamagitan ng isang tula, awit, hashtag, hugot lines at iba pa.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Naipaliliwanag ang Kritikal na Sanaysay…………………………… 4 puntos

Sumasaklaw ang mga salitang ginamit sa kabuoan ng paksa… 4 puntos

Orihinal at hindi kinopya sa iba……………………………………… 2 puntos

Kabuoang iskor…………………………………………………………… 10 puntos

Tayahin

Sumulat ng isang kritikal na sanaysay ukol sa isang grupong sosyal /kultural na gumagamit ng wika sa iba’t ibang paraan. Malaya kang pumili ng iyong paksa na sa tingin mo ay may malawak kang kaalaman, may mayamang wikang nakarehistro sa paksang napili, at may sapat na kahandaan.

Narito ang gagamiting pamantayan sa pagmamarka:

[transcriber’s note: some header words are split across lines in the print; they are joined here]

KraytiryaNapakahusay 5Mahusay 4Katamtaman 3Paunlarin 2Nangangailangan ng Gabay 1Kabuuang Marka
Paglalahad ng kritikal nakaisipan / pahayagNapakahusay at malikhaing nailahad ang mga pahayagMahusay at malikhaing nailahad ang mga pahayagNaisulat ang sanaysay sa katamtamang pamamaraan at may pagtatangka sa pagiging malikhain nitoMay papaunlad na kasanayan sa pagsulat ng kritikal na sanaysayNangangailangan paunlarin ang kasanayan sa pagsulat

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

KraytiryaNapakahusay 5Mahusay 4Katamtaman 3Paunlarin 2Nangangailangan ng Gabay 1Kabuuang Marka
NilalamanNakabuo ng mga pahayag na sumusuporta sa mga ideya sa kabuuan ng sanaysayNakapaglahad ng dalawang ideya ukol sa paksaNakapaglahad ng isang ideya ukol sa paksaNakapaglahad ng mga magkakaibang pahayagHindi nakapaglahad ng paksa sa nilalaman
Kaangkupan ng gamit ng salitaNakagamit ng mahigit sa limang rehistro ng wika kaugnay sa paksaNakagamit ng mahigit sa apat na rehistro ng wika kaugnay sa paksaNakagamit ng dalawang rehistro ng wika kaugnay sa paksaHindi nakagamit ng anumang rehistro ng wika kaugnay sa paksaNangangailangan ng gabay sa paggamit ng rehistro ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
Pagiging makabuluhan ng pagbubuoNakapagbigay ng kabuuang kaisipan/mensahe sa sanaysayNakapagbigay ng katamtamang kaisipan/pahayag sa sanaysayNalimitahan ang pagbibigay ng kaisipan/mensahe sa pagbuo ng sanaysayPapaunlad ang pagbibigay ng kaisipan/mensaheWalang naibigay na kaisipan/konklusyon ukol sa paksa
Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na gawain na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na ang pagsusuri sa pananaliksik na tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the three answer-key columns are printed upside down on the page]

Subukin

C B B A B B D C A D C B A C C

Isagawa

Tama Tama Mali Tama Mali

Tayahin

Batay sa awtput ng mag-aaral

Sanggunian

De Laza, Crizel. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store

Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *

[transcriber’s note: the text layer also includes a second address, blr.lrpd@deped.gov.ph, after the asterisk, but it does not appear in the page image, so it is omitted here]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *