This is Module 10 for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School self-learning module. Its lesson, “Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino” (communicative competence of Filipinos), teaches learners to choose the right words for each situation. It shows how the meaning and style of words change with the listener, the topic, the place, the time, the purpose, and the speaker’s group. The module was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021) for learning at home.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module is built on this learning competency (kasanayang pampagkatuto):
- Choose fitting words and ways of using them in conversations or discussions based on the listener, the topic, the place, the time, the purpose, and the group one belongs to (F11PS-IIe-90).
By the end of the module, learners should be able to:
- Choose fitting words and how to use them in conversations based on the listener, topic, place, time, purpose, and group.
- Value the use of rehistro ng wika (language register) in society.
- Write sentences using fitting words based on the listener, topic, place, time, purpose, and group.
Key ideas: six things that shape our choice of words
The Isaisip (remember) part of the module explains how word choice depends on six factors. Here they are with the module’s own examples.
1. Kausap (the listener)
The words and speaking style we use change with the person we talk to. A teacher speaks one way to the principal, another way to fellow teachers, and yet another way to students. In one module example, Gng. Delos Reyes speaks gently to the principal about her well-behaved class, then scolds the same class bluntly when the principal is gone.
2. Pinag-uusapan (the topic)
A word’s meaning can change with the topic. “Travel” means a trip when people talk about vacations. In basketball, it means a violation. Likewise, “kanser” means a disease, but gamers use it for a weak teammate in Mobile Legends.
3. Lugar (the place)
The same word can mean different things in different places. In Quezon, “banas” means annoyance. In nearby areas, it means hot weather. In the Visayas, “diin” means “where,” while in Tagalog it means pressing down.
4. Panahon (the time)
Some words become popular in their time and fade later. Children in the 1980s and 1990s talked about luksong-tinik, tumbang-preso, and syatong. Today they talk about ML and online games. Words like “ketong” (leprosy) are heard less now, while “COVID-19” is used everywhere.
5. Layunin (the purpose)
The purpose behind words can change what they mean. When a teacher counts “isa, dalawa, tatlo” in class, she is not really counting. She is telling students to hurry and pass their papers. “Umuwi ka na” (go home now) can be a way to send someone away or a gentle request to come home.
6. Grupong kinabibilangan (the group one belongs to)
Every group has its own way of using language. The module gives these examples:
- Doctors: “Bibigyan kita ng reseta para sa sakit mo” (I will give you a prescription for your illness).
- Fishers: “Lagyan mo ng pain ang kawil para meron kang mahuli” (put bait on the hook so you can catch something).
- Gay lingo: “Ha-Gardo Versoza na ang hombre sa maghapong pamamasada” (the man is exhausted after driving all day).
What is register?
The module calls this style or way of using words register (rehistro ng wika). Words also belong to fields. “Reseta,” “doktor,” and “botika” belong to medicine. “Testigo” and “abogado” belong to justice. “Bangka” and “laot” belong to fishing. The Suriin part uses a PAGASA news report on the rainy season to show words registered under the weather.
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 15 multiple-choice items on word use and register |
| Balikan (review) | Sort words such as “face mask,” “pataba,” and “basher” under Health, Education, Agriculture, and Social Media |
| Tuklasin (explore) | Complete sentences that use one word in two different situations |
| Suriin (analyze) | Read a PAGASA weather report and answer five questions about register |
| Pagyamanin (practice) | Fill in a six-panel comic about April and May discussing a PAGASA report |
| Isaisip (remember) | Read the explanation of the six factors and register |
| Isagawa (apply) | Answer yes or no to five statements about communication |
| Tayahin (assessment) | 15-item multiple-choice test |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Notice words often heard in different places and situations |
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet; do not write on the module so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child keep to the order of the parts. The module says a Teacher or Facilitator Guide comes with it, with tips for anyone guiding learning at home.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The Mga Tala para sa Guro note asks you to prepare learners for the next part after the Balikan. The answer key covers the Subukin, Isagawa, and Tayahin.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. It is Module 10. Its printed competency code is F11PS-IIe-90.
What does the lesson Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino teach?
It teaches learners to choose fitting words based on the listener, the topic, the place, the time, the purpose, and the group they belong to. It also introduces language register.
What is rehistro ng wika or register?
The module defines register as the style or way of using words. Different groups and fields, such as doctors, fishers, or the media, have their own words and ways of speaking.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, the Isagawa activity, and the Tayahin assessment.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it. Answers go on a separate sheet of paper so other learners can use the module.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 10: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
Senior High School
[illustration: a teacher and students reading, writing, and studying outdoors and indoors, with a globe and a lamp]
CO_Q2_KPWKP SHS Module 10
Pambungad sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 10: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ruben S. Montoya Editor: Jonathan F. Bernabe Tagasuri: Elisa N. Lajera, Perlita E. Dela Cruz, Maribeth C. Rieta, Nerlito M. Del Mundo, Julie Anne V. Vertudez Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan- Modyul 10: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto:
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan F11PS-IIe-90
Layunin:
- Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan
- Napapahalagahan ang paggamit ng rehistro ng wika sa lipunan
- Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga angkop na salita batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan
Subukin
Tukuyin ang gamit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan nito.
Ang mga magsasaka ay maagang lumulusong sa bukid upang hindi gaanong mainit ang kanilang pagtatrabaho, samantalang ang mga manggagawa sa Maynila ay lumulusong rin sa baha bago makarating sa opisina.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa panahon
- d. batay sa pinag-uusapan
Gabi na kami nakauwi kahapon dahil nagkaroon pa ng flag retreat, kaya hindi ko na naabutan ang gabi sa sinigang ni nanay.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa panahon
- d. batay sa pinag-uusapan
“Nagtataka ang Mudra ko kagabi kung bakit hindi na naman ako kumakain sa bahay, paano kasi hindi kaagad pumayag ang nanay mo na umalis kami nang hindi kumakain. Ang sarap n’ya palang magluto, isa sya talagang huwarang ina ng tahanan“.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa panahon
- d. grupong kinabibilangan
Simple lang ang aming balay, hindi tulad ng bahay n’yo na mala-mansyon.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa panahon
- d. grupong kinabibilangan
Hayan malamig na naman ang kape mo, kasing lamig ng pag-ibig mo sa kanya.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa layunin
- d. batay sa kausap
Ang init sa magdamag ay kusang lumalaho kapag ang init ng ulo ang pumalit bunga ng pagpapaala-ala mo sa inyong nakaraan ng iyong ex.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa layunin
- d. batay sa pinag-uusapan
Bitiwan mo na siya kung hindi ka na masaya at bitiwan mo na rin ang patalim baka tuluyang maisaksak mo yan sa sarili mo.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa layunin
- d. batay sa pinag-uusapan
“Mam, sir heto po ang upuan umupo po kayo at medyo malayo pa po ang ating lalakbayin”, ito ang madalas na maririnig mo kay Kuya Nato tuwing umaga dahil halos mga empleyado ang kanyang pasahero. Subalit pagsapit ng hapon at mga estudyante ang kanyang sakay ay ito ang maririnig mo sa kanya, “kaunting isud-isod, maluwag pa sa gitna” na meron pang kaunting pasigaw.
- a. batay sa lugar
- b. batay sa kausap
- c. batay sa layunin
- d. batay sa pinag-uusapan
Tukuyin kung saan nakarehistro/register ang mga salitang may salungguhit. Mukhang nangangailangan ng malaking pondo ang pagpapatayo ng gusali na magiging bahay-tuluyan ng mga tao sa tuwing may kalamidad.
- a. Midya
- b. Medisina
- c. Edukasyon
- d. Inhenyera
Iwasan mo na ang pagpa-foul, mapapaaga ang pag-graduate mo n’yan.
- a. Medisina
- b. Edukasyon
- c. Palakasan
- d. Inhenyera
- “O, ayan… sa susunod na sem hindi na ako ang guro n’yo…eh di tuwang-tuwa na kayo. Sana man lang may maala-ala kayo sa mga pinagsasabi ko na wala sa libro.”
- a. Medisina
- b. Edukasyon
- c. Palakasan
- d. Inhenyera
- Huwag mong kalilimutan na dalhin ang reseta ng doktor sa tuwing bibili ka ng gamot sa botika, mahigpit na sila ngayon lalo na kung antibiotic ang bibilhin mo.
- a. Midya
- b. Medisina
- c. Palakasan
- d. Edukasyon
- Si Noli De Castro ay nagsimula bilang isang mamamahayag sa radyo at telebisyon bago pa siya naging pangalawang pangulo ng republika, patunay lamang ito na malayo ang mararating mo kung matiyaga ka sa ginagawa mo.
- a. Midya
- b. Palakasan
- c. Kalusugan
- d. Inhenyera
- Buo ang loob ng testigo sa pagharap sa imbestigasyon kanina, hindi man lamang siya natinag sa mga katanungan ng abogado.
- a. Hustisya
- b. Kalakalan
- c. Social Media
- d. Lagay ng Panahon
- Nakadudurog-puso ang sinapit ng mga taong ito nang mawasak ang bangka nila matapos banggain at iwanan sa gitna ng laot.
- a. Hustisya
- b. Kalakalan
- c. Pangingisda
- d. Lagay ng Panahon
Aralin 10: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagpili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan.
Balikan
Tukuyin ang mga salita batay sa gamit at grupong kinabibilangan nito. Ihanay ang mga salita batay sa rehistro nito.
facebook pataba pasukan pagsusulit bigas tik-tok COVID-19 isda basher mobile legends alcohol bigas social distancing guro brigada eskuwela face mask distance-learning
[chart: graphic organizer; Register]
- Center: Register
- Top left: Kalusugan
- Top right: Edukasyon
- Bottom left: Agrikultura
- Bottom right: Social Media
Mga Tala para sa Guro
Matapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul.
Tuklasin
Bumuo o dugtungan ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan.
1. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Kausap
Sitwasyon 1: Pakikipag-usap ni Gng. Reyes sa kapwa niya guro
Pangungusap 1: “Hoy mare, mahirap pala ang sitwasyon natin ngayong new normal, aba eh hindi ka na makasaglit sa mall para mag-milk tea“
Sitwasyon 2: Pakikipag-usap ni Gng. Reyes sa kanyang punongguro.
Pangungusap 2: _____
2. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Pinag-uusapan
[transcriber’s note: underlined words in the original are not marked in this transcription]
Sitwasyon 1: Paggamit sa salitang kanser bilang mahina o pabuhat sa larong ML
Pangungusap 1: Nakakaiyamot ka naman pare, isa kang kanser, talo tuloy tayo sa laro.
Sitwasyon 2: Paggamit sa pangungusap ng salitang kanser na tumutukoy sa isang karamdaman.
Pangungusap 2: _____
3. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Lugar
Sitwasyon 1: Ang salitang diin sa Visayas ay may kahulugang “saan”.
Pangungusap 1: Diin ka man makagtu?
Sitwasyon 2: Gamitin ang diin sa sitwasyong nagbibigay ng karagdagang lakas upang lumapat ang dalawang bagay
Pangungusap 2: _____ _____
4. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Panahon
Sitwasyon: Paggamit sa salitang ketong noon at unti-unting hindi na ginagamit sapagkat nawala na ang ganitong sakit.
Pangungusap 1: Ang sakit na ketong ay isa sa kinakatakutang sakit na nagumpisa pa noong 1873 at lumaganap sa bansa hanggang 1980’s.
Sitwasyon: Gamitin sa pangungusap ang salitang COVID-19 dahil gamit na gamit ang salitang ito ngayon.
Pangungusap 2: _____ _____
5. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Layunin
Sitwasyon: Gagamitin sa pangungusap ang salitang “umuwi ka na” bilang pagtaboy.
Pangungusap 1: Umuwi ka na, kanina ka pa inom nang inom, daig mo pa ang mauubusan ng alak.
Sitwasyon: Gagamitin ang salitang “umuwi ka na” na mayroong layuning humikayat na umuwi.
Pangungusap 2 : _____
6. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Grupong Kinabibilangan
Sitwasyon: Gagamitin ang salitang embotido ng mga beki
Pangungusap: Agang-aga embotido na naman sya.
Sitwasyon: Gamitin ang embotido sa pangungusap bilang masarap na pagkain
Pangungusap 2: _____
Suriin
Ang tekstong ito ay nagpapakita ng angkop na salita at paraan ng paggamit ng salita batay sa pinag- uusapan. Unawain ang nilalaman ng teksto upang masagutan ang mga katanungan sa ibaba.
Nagsimula na ang tag-ulan, pagdeklara ng State Weather Bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes.
Sa isang statement, sinabi ng PAGASA na ang naitalang buhos ng ulan nitong nakaraang limang araw ang indikasyon na nag-umpisa na ang panahon ng tag-ulan.
Makararans ang Metro Manila at ang kanlurang bahagi ng bansa ng panaka-naka hanggang tuloy-tuloy na buhos ng ulan kaugnay ng southwest monsoon.
Maaari namang makaranas ng higit sa normal na pag-ulan sa susunod na dalawang buwan ng Hunyo at Hulyo.
Inaasahang magiging mas maulan ang rainy season ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang taon, kung kailan nakaranas ang bansa ng El Niňo.
Maaaring 19 hanggang 20 bagyo ang pumasok ngayong taon sa Philippine area of responsibility.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat ngayong tag-ulan.
Mula sa: May 20, 2017 10:15am, Kim Atienza, ABS-CBN News
- Itala ang mga salitang may salungguhit. Ibigay ang kahulugan nito.
- Ano ang paksa ng tekstong binasa? Tungkol saan ang nilalaman nito?
- Sino ang nagsasalita sa teksto? Para kanino ang nilalaman ng teksto?
- Saan nakarehistro ang mga salitang may salungguhit sa teksto?
- Batay sa iyong kasagutan sa mga naunang katanungan, Ano ang tinatawag na rehistro ng wika?
Pagyamanin
Nagagamit sa komiks iskrip ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan. Isulat sa sagutang papel ang angkop na salita upang makabuo ng maayos na usapan.
Sitwasyon: Nagkita sina April at May. Pinag-uusapan nila ang pinakahuling ulat ng PAGASA tungkol sa lagay ng panahon.
[illustration: comic strip of six panels, each showing a man and a woman in conversation with speech bubbles and a caption box above them]
[transcriber’s note: all speech bubbles and caption boxes in the six panels are empty in the original]
Isaisip
Narito ang paliwanang ukol sa pagpili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:
1. kausap
Paliwanag: Nag-iiba ang gamit at paraan o estilo ng paggamit ng wika depende sa kausap.
Halimbawa: Iba ang estilo o pananalita maging salitang ginagamit ng isang guro kapag ang kausap ay punongguro. Iba rin estilo sa pagsasalita at gamit na salita kapag kapwa n’ya guro ang kausap. Lalong iba ang estilo at gamit na salita kapag estudyante ang kausap.
2. batay sa pinag-uusapan
Sitwasyon: Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.
Halimbawa: Ang kahulugan ng “travel” ay lakbay o paglalakbay kung ang pinag-uusapan nyo ay paglalakbay o bakasyon, subalit kapag ang pinag-uusapan ninyo ay basketbol, ang “travel” ay tumutukoy sa isang paglabag o violation.
3. lugar
Sitwasyon: Ang salitang banas sa Quezon ay nangangahulugan ng inis o iyamot, subalit sa mga karatig lugar nito ang banas ay nagpapahayag ng mainit na panahon.
4. panahon
Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukang-bibig noong panahon na ginagamit ito.
Sitwasyon: Noong 80’s hanggang 90’s laging ginagamit ang luksong-tinik, tumbang-preso at syatong ng mga batang naglalaro, samantalang ngayon bukang-bibig ang ML at on-line games.
5. layunin
Bawat grupong kinabibilangan ay may sariling paraan o estilo sa paggamit ng wika.
Sitwasyon: Ang pagbibilang ng isang guro sa loob ng klase ang may layuning pabilisin ang ginagawa o pagpasa ng papel. Ang layunin nya sa isa, dalawa, tatlo ay hindi para magbilang o wala naman talaga siyang binibilang, kundi ito ay panuto.
Sitwasyon: Ang mga doktor ay may sariling estilo o paraan sa pagsasalita at paggamit ng salita. Ang mga mangingisda ay mga salitang sila lang marahil ang nakauunawa. Maging ang mga tinatawag nating nasa ikatlong kasarian ay iba ang paraan sa paggamit ng wika o kaya naman ay may sarili silang wika.
Halimbawa:
Bibigyan kita ng reseta para sa sakit mo.
Mahihinuhang salita ito ng doktor para sa kanyang pasyenteLagyan mo ng pain ang kawil para meron kang mahuli.
Mahihinuhang salita ito ng isang mangingisda para sa kanyang bagong kasama.Ang sipag niya kasi. Ha-Gardo Versoza na ang hombre sa maghapong pamamasada.
Mahihinuhang sinasabi ng isang lalaki na may pusong babae na tinatawag na gay lingo sa kanyang kausap na poging lalaki.
Ang estilo o pamamaraan sa paggamit ng salita ay tinatawag na register.
Isagawa
Lagyan ng tsek (√) ang kahon na nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin tungkol sa pahayag.
| Pahayag | oo | hindi |
|---|---|---|
| 1. Natutukoy mo ba kung ano ang nais sabihin sa iyo ng iyong kausap batay lamang sa tono nito? | ||
| 2. Mas mainam bang pasalita ang gagawing komunikasyon upang mas mapadali ang pagbibigay ng impormasyon sa mga tagapakinig? | ||
| 3. Mahalaga ba na alam mo ang layunin ng isang nagsasalita para maintindihan mo ang kanilang ipinapaliwanag? | ||
| 4. Nagagamit mo ba ang mga rehistro ng wika sa tuwing ikaw ay makikipag- usap? | ||
| 5. Dapat isaalang-alang ang kinabibilangan ng taong iyong kausap. |
Tayahin
Tukuyin ang gamit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan nito.
- Si Rosa ang aming nag-iisang rosas sa pamilya na humaling na humaling sa mga rosas ni Aling Rosana.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa suot nilang vakul, samantalang tayo ay suot ang sombrero kahit nasa loob ng mall.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- “Bili, bili na po kayo d’yan, sariwa, malalaki, mataba at bagong hango ang aming tilapya”, subalit habang naririnig ang mga katagang iyan na isinisigaw ng aking ina ay sariwa pa rin ang sugat sa aking damdamin at hindi ko pa rin matanggap ang nagyari sa kanya.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- ” Ang haba naman ng bitin na iyan,” ang wika ni Roger na isang Bikolano na ang tinutukoy ay ang ahas. “Sa palagay ko’y bitin ang taling ito para mahuli natin ang ahas na iyan”, ang sambit naman ni Alfred.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- “Bawal ang lumiban sa kabilang ibayo,” ang wika ni Batang na isang Batangueno. Subalit sumagot si Anna sa kabilang linya at sinabing “hindi siya lumiban sa klase”.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Gayak na ang lugar na pagdarausan ng salo-salo. Gayak na ang mga abay para sa kasal.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Maliligo sana ako noon subalit walang tubig sa batalan, kaya pumunta pa ako sa balon bitbit ang balde at tabo. Ito ang mga alaalang natatawa na lang ako sa tuwing bumabalik sa aking alaala kapag ako’y nakapikit habang bumubos ang tubig galing sa shower.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Ang bangkito ay isang maliit na salungpuwit na inuupuan noon.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Bantayan mong maigi ang ading mo, naku kapag may mangyari diyan sa kapatid mo, lagot ka talaga.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- “Naku mam mababait po ang mga batang ito. Masunurin po sila at lagi po nilang pinananatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng silid-aralan,” ang mahinahon at malambing na wika ni Gng. Delos Reyes sa aming punongguro. Subalit kapag kami na lamang ay ito ang maririnig mo sa kanya, “maglinis nga kayo ng silid at para na itong kulungan ng baboy”.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Sa panahon ng new normal ang ating pag-aaral ay online para sa may internet connection, modular para sa walang gadget sapagkat bawal na ang face to face dahil sa COVID-19.
- a. batay sa lugar
- c. batay sa panahon
- b. batay sa kausap
- d. batay sa pinag-uusapan
- Hindi na n’ya nakikita ang kanyang jowa kaya halos maging krung-krung na siya.
- a. panahon
- c. kausap
- b. lugar
- d. grupong kinabibilangan
- Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukang-bibig noong panahon na ginagamit ito.
- a. lugar
- c. panahon
- b. kausap
- d. grupong kinabibilangan
- Ito ay tumutukoy sa gamit at paraan o estilo sa paggamit ng wika.
- a. Panghalip
- c. Register o rehistro ng wika
- b. Balbal na wika
- d. Mga pang-ugnay o cohesive device
Karagdagang Gawain
Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas na maririnig na salita sa iba’t ibang lugar batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Susi sa Pagwawasto
| Subukin | Isagawa | Tayahin |
|---|---|---|
| 1. A 2. D 3. D 4. D 5. C 6. D 7. D 8. B 9. D 10. C 11. B 12. B 13. A 14. A 15. C | 1. Oo 2. Hindi 3. Oo 4. Oo 5. Oo | 1. D 2. A 3. D 4. A 5. A 6. A 7. C 8. C 9. A 10. B 11. D 12. C 13. D 14. C 15. C |
Sanggunian
De Laza, Crizel. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *
[transcriber’s note: the printed box shows only the first email address; a second address, blr.lrpd@deped.gov.ph, appears after the asterisk in the page’s text layer but is not visible in the page image, so it is omitted here]
Leave a Reply