Filipino 8 Quarter 3 Module 1: Popular na Babasahin (Popular Reading Materials)

Grade 8 Filipino Quarter 3 Module 1 on popular reading materials: newspapers, tabloids, komiks, magazines, dagli, and media terms, with an answer key.

This is the Grade 8 Filipino self-learning module for the third quarter (Ikatlong Markahan), Module 1: “Popular na Babasahin” (popular reading materials). It was prepared by DepEd Caraga Region as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for learners studying at home. It covers newspapers, tabloids, comics, magazines, and the dagli (a very short story). By the end, learners can compare texts by topic, purpose, tone, and point of view, and can explain common media terms.

On this page 8 sections

What learners will learn

After this module, learners are expected to:

  • Compare the text they read with other texts based on:
    • paksa (topic)
    • layon (purpose)
    • tono (tone)
    • pananaw (point of view)
    • paraan ng pagkakasulat (way of writing)
    • pagbuo ng salita, talata, at pangungusap (how words, paragraphs, and sentences are built)
  • Give the meaning of the lingo or terms used in the world of multimedia.

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Popular na Babasahin. It notes that even with social media, popular reading materials such as komiks, tabloids, magazines, and dagli remain part of Filipino life. Learners get to know what these materials contain and the role they play in society.

1. Pahayagan (newspaper): broadsheet and tabloid

A newspaper, also called diyaryo or peryodiko, is a printed publication with news, information, and advertisements, usually released daily or weekly. The module describes two kinds:

BroadsheetTabloid
SizeThe most common format, largerAbout 11 to 17 inches, smaller
ColumnsSixUsually not more than five
StyleIn-depth coverage, serious tone, aimed at educated readersMostly in Tagalog or Filipino, for the masses; stresses sex and violence, so it is called sensationalized journalism

People read newspapers for news, literature, features, puzzles like sudoku and crossword, or jobs in the classified ads.

2. Komiks (comics)

Comics are a graphic medium that uses words and pictures to tell a story. Famous Filipino comic characters include Darna, Captain Barbel, Panday, Lastikman, Dyesebel, Zuma, and Valentina. Genres include romance, superhero, comedy, sci-fi, horror, and drama. Many comics today are digital. The module labels the parts of a comic page with a sample comic, “Ang Batang Surfer”: the title, the drawings of the characters, the lobo ng usapan (speech bubble), the kahon ng salaysay (narration box), and the kuwadro (panel or frame).

3. Magasin (magazine)

Magazines mostly carry feature articles in an entertaining tone, on topics like fashion, gadgets, health, lifestyle, and relationships. Like newspapers, they earn from advertisements. The module highlights Liwayway, which carries short stories and serialized novels. Parts of a magazine cover:

  • Nameplate: the title or logo of the magazine
  • Main image: the picture in the center of the cover
  • Main coverline: the text that goes with the main image
  • Coverline: other lines that point to stories inside
  • Barcode: shows the price and general quality of the magazine

4. Kontemporaneong dagli (contemporary dagli)

A dagli is a literary form like a short story, but it must be shorter than a short story. It is said to have spread during the first decade of American rule. Known writers include Inigo Ed. Regalado, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario, Patricio Mariano, Francisco Laksamana, and Lope K. Santos. The module includes the dagli “Ang Mag-ina” and “Ang Paghihintay” by Hernan B. Estaloza as examples.

Key newspaper terms

  • Ad: short for advertisement
  • Assignment: a story given to a reporter to gather facts
  • Column: a regular article written by a columnist
  • Copy editor: a person who corrects a reporter’s copy and often writes headlines
  • Editor: a person who manages editorial policies
  • Nameplate or flag: the printed name and logo at the top of the front page
  • Headline: the title of a news article
  • Press: the machine that prints newspapers
  • Masthead: details of the publisher, place of publication, and editorial staff
  • Issue: all copies a newspaper publishes in one day
  • Layout: the design of each page to arrange pictures and text

How to compare texts

The module explains four things readers look for, found through the words a writer uses:

  1. Damdamin (feeling): the emotion the text creates in the reader, such as joy, sadness, fear, or hope.
  2. Tono (tone): the writer’s attitude toward the topic, such as playful, serious, or blaming. For example, “Kung hindi mo siya pinabayaan, hindi sana siya naging malungkuting bata” (If you had not neglected him, he would not have become a sad child) has a blaming tone.
  3. Layunin (purpose): what the writer wants to happen to the reader, such as to inspire, teach, entertain, or inform.
  4. Pananaw (point of view): how the writer looks at the work, seen in pronouns like ako, tayo, ikaw, and siya.

How to use this module

The module follows the usual parts: Alamin (objectives), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (discussion), Pagyamanin (practice), Isaisip (summary), Isagawa (application), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity).

  • Learners: Start with the pretest; do not worry if you miss some answers. Write all answers on separate paper and do not write on the module. Activities include comparing magazine and newspaper covers, matching media terms, a crossword, naming comic characters with a Venn diagram, comparing a news story and a feature article, and writing speech balloons for a comic strip. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto), and contact your teacher if you have trouble.
  • Parents and guardians: Guide your child through the parts in order and make sure answers are written on paper.
  • Teachers: The notes for teachers remind you to use the graphic organizers, check learners’ answers, and keep guiding them.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 8 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 1.

What popular reading materials does the module discuss?

It discusses newspapers (broadsheets and tabloids), komiks, magazines, and the contemporary dagli.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest matching activity, vocabulary, crossword, summary, comic characters, and the picture identification test.

What is the difference between a broadsheet and a tabloid?

A broadsheet is larger, has six columns, and uses a serious tone for educated readers. A tabloid is smaller, usually in Filipino, aimed at the masses, and often sensational.

What is a dagli?

A dagli is a literary form like a short story but shorter than one. It is said to have spread in the first decade of American rule in the Philippines.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin

8

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin

[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a teacher, a globe, and a lantern]

Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hernan B. Estaloza Editor: Randy A. Rudila, Maria Consuelo C. Jamera Tagasuri: Fernando A. Dones, Noviemar T. Maur, Alice B. Maglinte, Donna May D. Pinguit Tagaguhit: Rhynan C. Consigna, Reggy C. Asupre Tagalapat: Lauris Marx N. Congreso, Reggy C. Asupre, Liezl O. Arosio

Mga Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol, Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñres Nelia S. Lomocso Gemna G. Pobe Evelyn C. Coro

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS), Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207 / (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the cover title “Filipino – Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin” with the DepEd logo and the number 8; it is not transcribed again]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga popular na babasahin na lilinang sa inyong pag-unawa lalong-lalo na sa iba’t ibang tekstong makikita sa mga popular na babasahin tulad ng komiks, pahayagan, magasin, tabloids, atbp.

Sa modyul na ito, may mababasa kang teksto gaya ng lathalain. Sa inyong pagbabasa, magiging madali rin sa iyo ang maghambing ng iba’t ibang uri ng teksto ayon sa paksa, layunin, tono, pananaw, paraan ng pagkasulat, at pagkakabuo nito na magiging gabay mo para makabuo ng sariling teksto.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:

    • paksa
    • layon
    • tono
    • pananaw
    • paraan ng pagkakasulat
    • pagbuo ng salita
    • pagbuo ng talata
    • pagbuo ng pangungusap
  2. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia.


Subukin

Sa bahaging ito, gagawin mo ang unang pagsubok tungkol sa paksa. Huwag kang mag-alala kung hindi mo masagot ang ilan sa mga tanong sa pagsusulit na nabanggit. Tatayahin lamang kung saan ang lawak ng inyong kakayahan sa paksang pag-aaralan.

Simulan mo na!

A.

Panuto: Suriin ang mga pabalat (cover page) ng popular na babasahin at punan ang talahanayan sa ibaba upang maihambing ang mga ito ayon sa paksa, layon, at iba pa. Gawin ito sa papel.

[photo: cover of a newspaper] Pabalat 1 — [photo: cover of a tabloid] Pabalat 2 — [photo: cover of a comic book] Pabalat 3 — [photo: cover of a magazine with a woman on the cover] Pabalat 4

Mga PabalatTonoLayonPaksaPananawParaan ng Pagkakasulat (Pagkakabuo ng salita/talata/pangungusap)
Pabalat 1
Pabalat 2
Pabalat 3
Pabalat 4
B.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na kahulugan ng mga lingo o termino sa mundo ng multimedia. Isulat sa papel ang titik na may tamang sagot.

Hanay AHanay B
1. copy editorA. imahen na nasa gitna ng cover page ng isang magasin
2. headlineB. pamagat ng isang artikulo o balita sa isang pahayagan
3. pressC. mga detalye ng publisher, lugar ng publikasyon, kawani ng editoryal
4. mastheadD. isang taong nagwawasto o nagedit ng kopya na isinulat ng isang reporter
5. issueE. isang istorya na ibinigay sa reporter para kunan ng facts o impormasyon
6. columnF. isang artikulo na lumalabas araw-araw sa pahayagan
7. featureG. isang artikulo sa isang pahayagan na layong mang-aliw ng mambabasa.
8. inverted pyramidH. ang pamantayang estruktura sa pagsulat ng balita mula sa pinakamahalagang detalye pababa sa hindi gaanong mahalagang detalye
9. columnistI. ang lahat ng mga kopya na inilathala ng isang pahayagan sa isang araw.
10. barcodeJ. manunulat ng isang artikulo sa isang pahayan o magasin.
11. main imageK. teksto ng pangunahing imahen sa pabalat ng isang magasin.
12. coverlineL. matatagpuan sa bawat pabalat ng magasin at sinasabi nito ang presyo at pangkalahatang kalidad ng magasin
13. flagM. nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng isang pahayagan sa tuktok ng harap na pahina o front page
14. assignmentN. tao na nagpapasya kung anong balita ang pupunta sa papel at kung saan ito lilitaw
15. editorO. makina na naglilimbag ng mga pahayagan

Aralin 1: Popular na Babasahin

Bagamat nagbago na ang takbo ng panahon at nagsusulputan na ang iba’t ibang modernong daluyan ng panitikan tulad ng social media, hindi maikakailang naging parte na ng buhay ng bawat Pilipino ang mga popular na babasahin tulad ng komiks, tabloid, magasin, at dagli.

Sa puntong ito, ating kilalanin ang mga popular na babasahing ito. Maging pamilyar sa mga nilalaman at papel na ginagampanan sa lipunan.

Halika, simulan na natin.

Mga Tala para sa Guro
  • May mga graphic organizer/panuto na nakalaan upang magabayan ang mga mag-aaral.
  • Huwag kalimutang ipawasto ang mga kasagutan ng mga mag-aaral.
  • Palaging gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay sa pag-aaral.

Balikan

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong kaugnay dito. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Umiibig ako, at ang iniibig
Ay hindi ang dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais,
Hindi ba’t nariyan ang nanungong langit?

Lumiliyag ako, at ang nililiyag
Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad…
Di ba’t masisisid sa pusod ng dagat?

mula sa: “Pag-ibig” ni Teodoro Gener

  1. Ano ang paksa ng tula?
  2. Batay sa tono ng tula, anong uri ng damdamin ang nais iparating ng may-akda?
  3. Sang-ayon ka ba sa pananaw ng may-akda? Ipaliwanag ang sagot.
  4. Anong taludtod sa tula ang nagustuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa sarili mong karanasan?
  5. Sa kabuoan, ano ang sarili mong interpretasyon sa tula?

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang dagli. Pagkatapos ay gawin ang mga nakaambang gawain ukol dito.

ANG MAG-INA

ni Hernan B. Estaloza

Biyernes ng hapon. Malakas ang buhos ng ulan kaya medyo malamlam ang paligid. Hindi ko alam kung saan ako sisilong. Puro puno ang nadadaanan ko.

Kahit isang bahay man lang sana para masilungan. Habang tinatahak ng aking motorsiklo ang kahabaan ng malubak na daang iyon ay sa wakas nakakita ako ng isang kubo.

“Tao po…” Nilakasan ko ang aking boses.

Isang ale ang nagbukas ng pinto. Sa tantiya ko’y nasa kuwarenta ang edad nito. Payat at mukhang sakitin. “Makisisilong lang po.”

“Pasok ka.”

“Salamat po.” Tumuloy ako sa loob. Nilibot ko ang aking paningin. Matiwasay ang buong kabahayan. Wala ni isa mang upuan. Kahit TV ay wala. Bakas sa loob ng pamamahay na iyon ang lubos na karukhaan. Taliwas sa marangyang buhay nila.

Walang ano-ano’y lumabas ang isang batang lalaking gusgusin. “Inay, kakain na po ba tayo?”

Waring nagulat ang ale sa sinabi ng anak. “N-naku anak…hindi pa dumating ang ama mo, eh.. konting tiis muna ha”.

Bigla akong nahabag sa bata. Hindi ko napigilang hugutin ang pitaka sa aking bag. Naglabas ako ng isang libo.

“Tulong ko na po ‘to sa inyo. Narito po at tanggapin ninyo.” Sabay abot ko sa pera.

“P-pero…” Tila nag-atubili ang ale.

Ngumiti ako. “Sige na po, kailangan n’yo po iyan.”

“Nay sige na po, kunin n’yo na.” Sambit ng bata. Batid kong nahihiya ang ina ng bata pero sa huli ay tinanggap na rin nito ang aking pera.

“Salamat.” Maiyak-iyak pang sambit ng ale.

Napansin kong tumila na ang ulan kaya agad na akong nagpaalam at nagpasalamat.

Hindi ko makakalimutan ang karanasang iyon. Simula noon, itinatak ko sa aking isipan na tutulong ako sa mga taong walang-wala sa buhay.

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang tamang kasingkahulugan ng salitang nakahilig sa pangungusap. Isulat sa papel ang tamang sagot.

  1. Malakas ang buhos ng ulan kaya medyo malamlam ang paligid. (maliwanag, makulimlim)
  2. Habang tinatahak ng aking motorsiklo ang kahabaan ng malubak na daang iyon ay sa wakas nakakita ako ng isang kubo. (nilalakbay, nilisan)
  3. Matiwasay ang buong kabahayan. (Tahimik, Malinis)
  4. Bakas sa loob ng pamamahay na iyon ang lubos na karukhaan. (mayaman, kahirapan)
  5. Taliwas sa marangyang buhay nila ang nasaksihang karukhaan. (Katulad, Kabaliktaran)
  6. Lumabas ang isang batang lalaki na gusgusin. (sakitin, marumi)
  7. Bigla akong nahabag sa bata. (naawa, natuwa)
  8. Tila nag-atubili ang ale na kunin ang pera. (nagdadalawang-isip, nagmamadali)
  9. Napansin kong tumila na ang ulan kaya agad na akong nagpaalam at nagpasalamat. (nagpatuloy, tumigil)
  10. Simula noon, itinatak ko sa aking isipan na tutulong ako sa mga taong walang-wala sa buhay. (iminarka, kinalimutan)
B. Pagpapayaman

Panuto: Talakayin at sagutin ang sumusunod hinggil sa akdang binasa. Gawin ito sa papel.

  1. Batay sa pananaw ng pangunahing tauhan, anong uri ng pamumuhay ang kaniyang nasaksihan sa bahay ng mag-ina? Ipaliwanag mo.
  2. Anong katangiang taglay mayroon ang pangunahing tauhan? Patunayan mo.
  3. Bakit nag-atubili ang ale na abutin ang pera ng pangunahing tauhan? Ano ang nag-udyok sa kanya upang tanggapin ang pera?
  4. Sa tingin mo, may mga tao pa kayang katulad ng pangunahing tauhan? Paano mo nasabi?
  5. Ang binasa mo ay isang dagli. Subukang ihambing ito sa isang maikling kuwento. Bigyan ng katangian ang bawat isa at sa gitna, isulat ang pagkakatulad nito.

[chart: Venn diagram; no number or title printed]

  • Left circle: Dagli
  • Right circle: Maikling kuwento
  • Overlap: Pagkakatulad

Suriin

MGA POPULAR NA BABASAHIN

[photo: two images side by side, a stack of Philippine newspapers and the cover of the komiks magazine “DARNA” (KOMIKS MAGASIN), with the caption “DARNA AT ANG BABAING LINTA”]

1. PAHAYAGAN (broadsheet at tabloid)

Tunay na malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Upang tayo ay maging bukas at mulat sa mga napapanahong pangyayari ay sinisikap ng bawat isa na matutukan ang mga pangyayari sa ating paligid o lipunan. Ngunit saan ba natin kalimitan nasasagap ang mga mahahalagang balitang ito?

Isa sa mga pinagkukunan ng balita ng mga Pilipino ay ang pahayagan. Bagamat ang ilang mahahalagang balita ay mapapanood na sa telebisyon at maririnig sa radyo ay malakas pa rin ang hatak ng print media sa mga tao dahil sa katotohanang hindi naman naiuulat ang lahat ng mga balita sa TV at radyo. Ang pahayagan bilang isang uri ng print media ay kailanma’y hindi mamatay-matay dahil bahagi na ito ng kulturang Pilipino. Isa sa mga katibayan nito ay ang mga nagkalat na tabloid at broadsheet sa bangketa. Ngunit ano nga ba ang pahayagan?

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang pahayagan o newspaper na kilala rin sa tawag na diyaryo o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

May dalawang klase ng pahayagan, ang broadsheet at tabloid. Sa pangteknikal na kahulugan, ang tabloid ay tumutukoy sa isang pahayagan na karaniwang may sukat na 11 hanggang 17 pulgada – mas maliit kaysa sa isang broadsheet – at kadalasan ay hindi hihigit sa limang column sa kabuuan. Samantalang ang broadsheet ay tumutukoy sa pinaka-karaniwang format ng pahayagan, na karaniwang nasa 15 pulgada ang lapad hanggang 20 o higit pang pulgada ang haba sa U.S., kahit na ang laki ay magkakaiba sa buong mundo.Ang broadsheet ay naglalaman ng anim na column at gumagamit ng mga tradisyunal na pamamaraan ng pangangalap ng balita na binibigyang diin ang malalalim na saklaw na may matinong tono ng pagsusulat sa mga artikulo at editoryal na ang pinupuntiryang mambabasa ay mga taong may pinag-aralan. (Rogers, Tony, 2017)

Ang tabloid ay sinasabing pangmasa dahil sa Tagalog o Filipino ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum. ‘Di hamak na mas maliit ito kung ikukumpara sa broadsheet. Ang kadalasang mambabasa naman nito ay ang mga taong may sapat lamang na perang pambili. Ang kaibahan nga lang ay masyadong binibigyang-diin ng tabloid ang tungkol sa sex at karahasan kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism.

Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng pahayagan. Mayroong hanap talaga ay balita na matatagpuan sa news section, literatura o panitikan, lathalain o feature o di kaya’y magsagot ng palaisipan gaya ng sudoku at crossword puzzle. Ngunit, may iba ring naghahanap ng trabaho na matatagpuan sa classified ads.

Sa pangkalahatan, ang pahayagan ay isang mainam na pampalipas oras dahil hindi lamang ito nagbibigay ng impormasyon, ito rin ay nagbibigay ng aliw sa madla.

O, di ba, malaking tulong ang impormasyong ito? Ano raw ang mainam na pampalipas oras ng mga taong walang ginagawa? Tama! Ang Pahayagan. Magaling ka!

Narito ang ilang piling lingo o salita sa mundo ng pahayagan.

  1. Ad – pinaikling bersiyon ng advertisement o mga patalastas kung saan nagbabayad ang isang kompanya sa isang mass media para sa pagpapatalastas ng kanilang produkto o serbisyo.
  2. Assignment – isang istorya na ibinigay sa reporter para kunan ng facts o impormasyon.
  3. Column – isang artikulo na lumalabas araw-araw sa pahayagan na isinulat ng isang manunulat o columnist.
  4. Copy Editor – isang taong nagwawasto o nag-edit ng kopya na isinulat ng isang reporter . Kadalasan, sila rin ay may kakayahang magsulat ng headline o ulo ng balita .
  5. Editor – isang tao na namamahala sa mga patakaran sa editoryal; o isang tao na nagpapasya kung anong tinig at tindig ang dapat palitawin ng editoryal o tudling ng pahayagan.
  6. Nameplate o Flag – nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng isang pahayagan sa tuktok ng harap na pahina o front page.
  7. Headline – pamagat ng isang artikulo o balita sa pahayagan.
  8. Press – makina na naglilimbag ng mga pahayagan.
  9. Masthead – mga detalye ng publisher, lugar ng publikasyon, kawani ng editoryal at impormasyon tungkol sa pahayagan na karaniwang inilalagay sa pahina ng editoryal.
  10. Issue – ang lahat ng mga kopya na inilathala ng isang pahayagan sa isang araw.
  11. Layout –gawain ng isang layout artist ang pagguhit o pagdisenyo ng bawat pahina para sa pag-aayos ng mga larawan at teksto.
2. KOMIKS

Kilala mo ba si Darna? Captain Barbel? O di kaya’y si Panday?

Ilan lamang ito sa mga kilalang comic characters tauhan o karakter ng Pinoy komiks. Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ng diyalogo o usapan upang epektibong ipahayag ang nais na mensaheng iparating ng may-akda.

Ang komiks ay isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista o cartoonist na napakalawak ng imahinasyon.

Tulad ng iba pang mga akda, ang komiks din ay nagtataglay ng mga kuwentong romansa, kuwento ng mga superhero o mga taong may taglay na di pangkaraniwang lakas at kapangyarihan, katatawanan, sci-fi o istoryang may koneksiyon sa agham, kakatakutan, at drama. Samakatuwid, iba-iba rin ang genre na matatagpuan sa komiks.

May makikita ka pa bang mga komiks na mabibili natin? Wala na masyado sapagkat unti-unti itong napalitan ng iba pang libangan. Ang mga sikat na tauhan ay si Darna ang Pinoy bersiyon ng Wonder Woman, Lastik Man, Dyesebel, Zuma Captain Barbel, Valentina, at marami pang iba.

Gayunpaman, may ibang mga komiks sa kasalukuyan na naging digital na. Ibig sabihin, kailangan mo ng i-download mula sa internet.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at mga termino nito.

[illustration: comic page titled “ANG BATANG SURFER” by Rhynan C. Consigna, showing a boy holding a surfboard on a beach, with three panels of text at the bottom; labels on the page: “Pamagat ng kuwento” (title of the story), “Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento” (drawn image of the characters), “Lobo ng usapan” (speech bubble), “Kahon ng salaysay – Pinagsusulatan ng maikling salaysay” (narration box), “Kuwadro ≡ – naglalaman ng isang tagpo sa kwento (frame)” (panel)]

Text printed in the comic panels (partially legible):

Panel 1 (narration box): “Sa isla ng Siargao ay kinagigiliwan ng kabataang isport na surfing. Bata man o matatanda ay nahuhumaling sa larong ito. Isa na rito si Karlo, ang batang mahilig mag-surfing. Araw-araw papuntang dagat upang [illegible] ang kanyang surfing board. [?]”

Panel 2 (speech bubbles): “Karlo saan ang punta mo?” / “Magsu-surfing po sana ako.” [?]

Panel 3 (narration box): “Pumunta na si Karlo sa baybayin para magsurfing.” [?]

[transcriber’s note: the comic panel text is small and partly unreadable in the page image; the readings above are best estimates and the narration in panel 1 is not fully legible]

3. MAGASIN

Isa sa mga tanyag na babasahin sa kasalukuyan ay ang magasin. Ang mga ito ay maaaring mababasa na sa internet at tinatawag ng digital magazine. Ano nga ba ang babasahing ito?

Gaya ng ibang print media, ang magasin ay may target ding mambabasa o konsyumer. Kadalasan, ang magasin ay purong lathalain lamang ang nilalathala. Nasa tono ito na nang-aaliw ng mambabasa. Ang mga nilalaman nito ay mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa gaya ng fashion, gadgets, kalusugan at lifestyle, kagandahan, sasakyan, buhay pag-ibig, pangangalaga ng isang relasyon o pamilya, tips o sekreto para sa isang matagumpay na pagsasama ng dalawang tao, at marami pang iba. Pero tulad ng pahayagan, bukod sa tumatangkilik na publiko ay advertisement o patalastas din ng iba’t ibang kompanya ang bumubuhay sa magasin. Parehong kumikita sa advertisement ang dalawang mass media.

Pero alam mo bang hindi nawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas? Naglalaman ito ng ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino. Unti-unti mang nagbabago ang nilalaman ng magasin ay hindi maikakailang isa ito sa mga popular na babasahin sa bansa hanggang sa kasulukuyan.

Narito ang ilang termino ng magasin.

[photo: cover of the magazine “LIWAYWAY” featuring a woman in the center, with the printed cover lines and the name “Ria Atayde” in script across the lower part, a barcode and the price “P25” at the lower left, and callout boxes pointing to the parts of the cover]

  • Nameplate – ito ang pamagat o logo ng magasin. Palagi itong nasa pabalat, karaniwang palaging nasa parehong lugar, at kinikilala nito ang tatak o brand ng isang magasin.
  • Main Image – Imahen na nasa gitna ng cover page ng isang magasin. Karaniwan ay isang tao na may ekslusibong panayam at may maraming larawan sa loob ng magasin para bumenta ito. Samakatuwid, siya ang produkto.
  • Main Coverline – ito ang tekstong kasama ng main image. Kailangan ito ay nagpapaliwanag nang higit pa sa istorya para hatakin ang potensyal na mambabasa.
  • Coverline – bukod sa main coverline, may iba pang magpa-flag ng iba’t ibang kuwento sa loob ng magasin.
  • Barcode– ito’y nasa bawat pabalat ng magasin. Sinasabi nito ang presyo at pangkalahatang kalidad ng magasin.
4. KONTEMPORANEONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento.

Kilalang manunulat ng dagli:

  • Inigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng
  • Jose Corazon De Jesus
  • Rosauro Almario (Ric A. Clarin)
  • Patricio Mariano
  • Francisco Laksamana
  • Lope K. Santos

Sa kasalukuyan, sinasabing nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap ng pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tambok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng bagong kahulugan ang dagli. Hindi na katawagan – anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at iba pa.

Narito ang isang halimbawa ng dagli. Basahin at alamin.

Anong uri ng damdamin kaya ang ipapahiwatig ng pangunahing tauhan ayon sa kanyang pananaw? Ano ang mensahe o layunin na gustong iparating ng may-akda? Ano ang kaibahan nito sa iba pang anyo ng teksto gaya ng tabloid, magasin, at komiks? Ano ang estilo ng pagkakasulat nito?

ANG PAGHIHINTAY

ni Hernan B. Estaloza

Labing tatlong taon pa lamang ako nang umusbong sa mura kong puso ang pagmamahal sa kanya.

“Hintayin mo ang pagbabalik ko, Bela.” Natatandaan ko pa ang wika ni Kenneth nang lisanin ng pamilya nila ang lugar namin labinglimang taon na ang nakalilipas. Papunta sila ng Amerika noon. Matapos makapag-asawa ng Amerikano si Auntie Mona, ang Mama ni Kenneth, ay niyaya na raw sila ng bagong asawa nito na doon manirahan.

Walang tigil sa pag-agos ng luha ko habang yakap-yakap niya ako. “O-oo…”Iyon lang ang nasambit ko dahil sa lubos na kalungkutang nadarama. Ewan ko kung bakit ganoon na lamang ang sakit na nadarama ko sa paglisan niya. Kung tutuusin, magkaibigan lang naman kami. Pero sa mga murang puso namin, alam ko… pareho lang ang isinisigaw…

“Masaya ako para sa iyo anak”… Para akong nagising mula sa isang panaginip. Si Papa, habang magkahawak kami ng aming mga kamay habang naglalakad patungong altar.

‘Asan ako? Bulong ko sa aking isipan. Nilibot ng aking mga mata ang paligid. Nasa simbahan kami. Puno ng tao. Puno ng mga bulaklak.

Bigla akong napangiti. Oo nga pala, kasal ko pala ngayon. Sa altar ay naghihintay ang lalaking aking mapapangasawa, walang iba kundi si Kenneth na abot hanggang langit ang ngiti. Iba pala ang pag-ibig, marunong maghintay.

Karamihan sa atin ay nakahiligan na ang pagtangkilik ng iba’t ibang babasahin tulad ng pahayagan, komiks, magasin, tabloid, at iba pang popular na babasahin social media. Mahalagang masuri ang nilalaman ng mga babasahin dahil kadikit ito ng ating buhay at lipunan.

Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin, at Pananaw ng Teksto

Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin, at pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit sa teksto.

  1. Damdamin (emosyon) – tumutukoy sa saloobing nalikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanasa, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.


  2. Tono – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. Ang tono ay maaaring mapagbiro, o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso, at iba pa.


    1. Kung hindi mo siya pinabayaan, hindi sana siya naging malungkuting bata.


    Masasabi mo bang may tono ito na naninisi? Tama ka.


    2. Kapag kasama ko siya, parang nawawala lahat ng alalahanin ko sa buhay. Sumisigla ang araw ko.


    Ano ang tono ng tekstong binasa? Tama, may tono itong umiibig. Puwede ring kasiyahan.


    Sa kabuoan, ang teksto ay maaaring naglalaman ng iba’t ibang saloobin ng may-akda gaya ng naghihinala, nagbibiro, nagmamaktol, nagpoprotesta, may pagwawalang-bahala, nagbababala, natatakot, nagagalit, kinakabahan, nagtatampo, at iba pa.


  3. Layunin – tumutukoy sa layon o kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon, mangaral, mang-aliw, magbigay ng impormasyon, at magbahagi ng isang prinsipyo.


  4. Pananaw- ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Makikita ang pananaw ng awtor sa pamamagitan ng mga panghalip na ginamit sa teksto gaya ng ako, ko, akin, atin, tayo, kami, ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, siya, niya, at iba pa.


Ngayong natutuhan mo na ang tungkol sa babasahing popular, subukang sagutan ang mga gawain.

Pagyamanin

[illustration: hand stacking blocks]

Gawain 1

Panuto: Basahin ang dalawang dagli. Paghambingin ayon sa paksa, layon, tono o damdamin, pananaw ng may-akda, at paraan ng pagkakasulat. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa papel.

BOKSING Ni Jade Christian J. Rudila

Suntok dito… suntok doon… Buong tatag niyang pinakawalan ang mga ito sa bawat bahagi ng katawan ng kaniyang kalaban. Ang palagiang pag-eensayo niya ang isa sa mga dahilan kung bakit walang mintis na tumama ang bawat suntok niyang inihagis nito. Ginawa niyang lahat para sa kaniyang dalawang anak.

Ang mga mata ng mga taong punong-puno ng paghanga sa kaniya, ang kanilang mga sigawan at mga palakpak… sanay na siya sa tanawing ito. Sa paningin ng kaniyang mga tagahanga, siya ay isang napakatatag na tao. Isang taong puno ng tapang at lakas. Matipunong katawan at may mga brasong gustong maangkin din ng lahat ng mga kalalakihan na andoon nanonood ng boksing. Itinaas ng referee ang kanyang kanang kamay tanda ng kanyang pagkapanalo. Pilit siyang ngumiti kahit na tumatagaktak ang magkahalong dugo at pawis sa kanyang pisngi dala ng katatapos na “Paboksing ni Meyor” sa pista ng kabilang bayan. May pangkain na kami at may pambayad na sa renta ng bahay at iba pang mga gastusin, aniya habang inaayos niya ang kanyang sarili.

Pinunasan niya ng basang bimpo ang mga sugat sa kanyang pisngi dahil sa isang suntok na tumama mula sa kanyang tinalong kalaban. Ang pagsalang niya sa mundo ng boksing ang naging paraan niya para buhayin ang dalawang anak na lingid sa kaalaman ng ilan lalo na sa kaniyang mga tagahanga. Wala na siyang asawa dahil sumakabilang buhay na ito dalawang taon na ang nakakaraan. Laking pasasalamat niya sa kanyang Tiyo Berto,

ANG MATULUNGIN ni Hernan B. Estaloza

Kilala sa bayan ng San Jose si Lando na matulungin sa kaniyang mga kababayan. Bukas ang pintuan niya sa anomang uri ng tulong gaya ng pagpapautang. Hindi siya naglalagay ng patong o interes sa mga pinapahiram niya. Dahil ayon sa kaniya, ang pagtulong ay walang hinihinging kapalit.

“Pare Lando, pautangin mo naman ako. Hindi pa kasi nagpapadala si Misis galing Saudi. Wala na kaming makakain sa susunod na araw.” Si Cardo, kaibigang matalik ni Lando.

Gaya ng inaasahan, nagpautang si Lando dahil likas siyang maawain. Isa sa mga katangian niya ang hindi namimili ng tinutulungan maging malapit man ito o hindi sa kaniya.

“Sige pare.”

Kinaumagahan ay nagpunta sa palengke si Lando para bisitahin ang kaniyang puwesto. Habang binabaybay niya ang isang kalye lulan ang isang Mitsubishi patungong palengke ay napansin niya ang kumpulan ng mga tao sa gilid. Dahil likas na mausisa, bumaba siya ng sasakyan.

“Uy, Cardo. Big winner ka ngayon ah. Akalain mo, sunod-sunod ang panalo mo sa tong-its.”

“Ako pa, swertehin ‘ata to.” Pagmamayabang pa ni Cardo habang abala ang mga daliri sa baraha.

isang boksingero, kapatid ng Tatay niya na tinuruan siya ng mga teknik sa pagboboksing. Pagbaba niya sa tricycle, natatanaw na niya ang kanilang tahanan, isang lumang bahay na binayaran niya buwan-buwan. At ngayon, makababayad na siya sa may-ari nito na dalawang buwan na niya itong pinagtataguan.

Natanaw na niya ang kanyang bunsong si Noknok, apat na taong gulang na lumabas sa may pintuan kasama ang kanyang alagang aso. Sinalubong siya ng bata at ng asong winawagayway ang buntot nito habang pilit inabot ang isang supot na dala niya. Nagtama ang mata niya at kay Noknok at biglang nagliwanag ang mukha nito at ngumiti.

Naawa siya kay Noknok, nakikita niya ang batang paslit na naghihintay sa kanyang pagdating. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak na mag-isa niyang itinaguyod, limang taon na ang nakararaan. Ipinangako niya bago pa man siya masuntok ng napakabigat na kamao at malagutan ng hininga…igagapang niya ito kahit anu paman ang magyayari. “Manang Isah, andito na si Nanay! Ang Nanay kong sakalam! Sigaw ng bata.

Hindi na natagalan ni Lando ang manatili sa kumpulan. Sapat na sa kaniya ang malaman na nilinlang siya ni Cardo.

Matulungin akong tao. Pero ayokong sinasamantala ang aking kabaitan. Bulong niya sa sarili.

Matapos ang insidenteng iyon ay natuto na si Lando na kilalanin ang mga taong karapat-dapat na tulungan.

MGA PAMANTAYANTEKSTO 1 BoksingTEKSTO 2 Ang Matulungin
Paksa (Tema)
Layunin

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

MGA PAMANTAYANTEKSTO 1 BoksingTEKSTO 2 Ang Matulungin
Tono
Pananaw
Paraan ng Pagkakasulat (salita/talata/pangungusap)
Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang mga lingo o terminong madalas binabanggit sa mga popular na babasahin gaya ng pahayagan, komiks, at magasin. Kumpletuhin ang crossword puzzle sa tulong ng mga gabay o clue sa ibaba. Gawin ito sa papel.

[chart: crossword puzzle; Gawain 2; the grid cannot be reproduced in Markdown. Clue numbers printed in the grid: 1 to 15. Letters printed in the grid, read left to right and top to bottom: c, r, h, d, d, i, l, s, b, e, f, i, s, f, a, r, s, t, l, g, e, d, n, d, s, u. Transcriber’s note: the position of each letter within the grid is not reproduced.]

Gabay:

Pahalang

  1. Mga bagong estilo ng pananamit.
  2. Makabagong teknolohiya gaya ng cellphone o computer.
  3. Pamamaraan ng pagkuha ng mga bagay sa internet.
  4. Pinaikling bersiyon ng advertisement o patalastas.
  5. Lathalain
  6. Nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng isang pahayagan.
  7. Pabalat ng magasin o pahayagan.

Pababa 2. Pamagat ng isang balita na makikilala sa pamamagitan ng higit na malaking titik sa nilalaman. 4. Isang network ng mga computer at iba pang mga gadgets. 6. Seksiyon sa pahayagan para sa mga naghahanap ng trabaho. 7. Seksiyon sa pahayagan para sa malusog na pamumuhay. 8. Isang uri ng larong puzzle na karaniwang makikita sa pahayagan. 9. Isang uri ng kuwento o genre na batay sa agham. 12. Makina na naglilimbag ng pahayagan. 14. Sinasabi nito ang presyo at pangkalahatang kalidad ng magasin.

Isaisip

[illustration: hand holding a light bulb]

Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang makabuo ng paglalagom tungkol sa iyong natutuhan sa modyul na ito. Gawin ito sa papel.

Sa modyul na ito, natutuhan ko ang tungkol sa_____ (1). Isa ang _____ (2) bilang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay dahil bahagi na ng kulturang Pilipino. May dalawang anyo ito. Una, ang _____ (3) at pangalawa, ang _____ (4). Tinuturing na pang-masa ang _____ (5) dahil bukod sa nakasulat ito sa Tagalog o Filipino ay abot-kaya pa ang presyo. Iba’t iba ang dahilan kung bakit nagbabasa ng pahayagan ang mga tao gaya ng paghahanap ng balita o hindi kaya’y magsagot ng palaisipan bilang bahagi ng paglilibang.

Ang _____ (6) ay isang makulay at popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa mambabasa, nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman, at nagsusulong ng kulturang Pilipino. Sina Darna, Valentina, Captain Barbel, Lastikman at Zuma ay ilan sa mga sikat na karakter sa _____ (7).

_____ (8) ang kauna-unahang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Ang _____ (9) ay hindi aabot ang haba sa isang maikling kuwento. Sa pamamagitan ng pagbabasa,

natutuklasan ang _____ (10), _____ (11), _____ (12), at _____ (13) ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kaniyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit sa teksto.

Samakatuwid, mahalaga ang aking natutuhan dahil _____ (14-15)



Isagawa

[illustration: hand with three small hexagon shapes]

Panuto: Tukuyin mo kung sino ang mga sikat na mga tauhang ito sa komiks. Isulat sa papel ang iyong sagot. Pagkatapos ay pumili ng dalawa sa mga ito at gamit ang Venn Diagram, ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tauhan sa komiks. Gawin sa papel.

  1. [illustration: standing woman in a star-marked top and cape]
    Sagot: _____
  2. [illustration: muscular man with three animal heads]
    Sagot: _____
  3. [illustration: woman with snake-like hair in a wrap]
    Sagot: _____
  4. [illustration: muscular caped man lifting a barbell overhead]
    Sagot: _____
  5. [illustration: man in checkered suit mid-leap]
    Sagot: _____

[chart: Venn diagram; labels: “Tauhan 1” (left circle), “Tauhan 2” (right circle), “Pagkakaiba” (left area only), “Pagkakaiba” (right area only), “Pagkakatulad” (overlap)]

Tayahin

[illustration: hand holding a pencil]

A. Basahin ang isang balita mula sa isang pahayagan at lathalain o feature mula sa isang magasin. Gamit ang comparison chart, ihambing ang dalawa ayon sa paksa, layunin, tono, pananaw, at paraan ng pagkakasulat nito gaya ng mga salita, talata, at pangungusap. Gawin ito sa papel.

BalitaLathalain
BSP President: Ang isang scout ay kailangan na responsableng mamayan at magaling na lider Oktubre 2019 |Rommel Gavino| Tilamsik (Opisyal na pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dapa) Isang makasaysayan ang pagdalo ng pangulo ng Boy Scout of the Philippines na si Honorable Roberto “Obet” Pagdanganan sa naganap na ikalimang Scout Jamboree ng Siargao Division noong Setyembre 27-29, 2019 na ginanap sa Dapa Central Elementary SchoolEkspresyong Melinyal Oktubre 2019 |Reymund Joe M. Noguerra| Tilamsik (Opisyal na pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Dapa) “Sana all” Parang broken ang peg no? Yung tipong may nakita kang magjowa na sobrang sweet sa isa’t isa o di kaya’y mga taong pasosyal kung rumampa ay mapapa “sana all” ka na lang talaga sa inggit o di-kaya sa tuwa. Isa lamang ito sa mga ekspresyong kasalukuyang nauuso sa loob ng paaralan at patuloy na ginagamit sa bawat araw ng pakikipagtalastasan.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

BalitaLathalain
kung saan kabilang ang mga scouts ng Dapa National High School sa nakiisa sa mahigit sa tatlong libong kalahok kabilang na ang mga estudyante, adult leader, mga bisita at iba pa. Isa si Pangulong Pagdanganan sa mga mahalagang panauhin kung saan gumanap rin siyang guest speaker; sa kalagitnaan ng kanyang mensahe binigyang pansin niya ang kahalagahan ng boy scouts bilang isang ehemplo sa mamamayan. “You need to become a responsible citizen and skillful leader” ito ang mariing pahayag ni pangulong Bobet at sinang-ayunan naman lalo na ng iba pang opisyales na naroon. Higit pa rito, pinapaalalahanan rin niya ang mga scouts at scouters na kailangang mahasa ng bawat isa ang tamang pag-uugali pakikitungo sa kapwa dahil naniniwala siyang magkakaroon ng susunod na pangulo ng Pilipinas mula sa isla ng Siargao. Sa katapusan ng kaniyang mensahe ay matinding hamon ang kaniyang ibinigay sa lahat ng mga kalahok kung saan sinabi niyang dapat na mahigitan ang kaniyang galing upang maging isang mabuting scout.Sa pagkamulat ng bawat isa sa makabagong teknolohiya ay patuloy na ang bilang ng mga taong naiimpluwensiyahan nito, maaaring ito ay may positibo o di-kaya’y negatibong epekto. Isa ang social media sa mga kasalukuyang pinagbabatayan ngayon ng pang-araw-araw nating galaw. Nakadepende tayo sa kung ano ang bago at nauuso na tanyag sa mata ng mga tao. Hindi maikakaila na isa ang paaralan sa mga lugar kung saan lumaganap ang mga sari-saring ekspresyong nagagaya sa social media. Sa seryoso mong pagsasalita ay sasagutin ka lang ng “pano mo nasabi?” o di-kaya yung may inuulat ka sa grupo ay tatanungin ka lang ng “ano daw?” Di ba nakakairita? Minsan pa nga yung may mga kaaway ay napapasigaw na lang ng “you do note” o di-kaya “tumahimik ka Cassie.” Nakaw-pansin rin ang mga beking naglalaro ng volleyball sa quadrangle. May sumisigaw ng “laban lang alaxan” na nakuha pa sa patalastas sa telebisyon. May mga nanginginig pa sa takot at tindi ng laro pero may lalapit at sasabihan ng “keribels lang yan bakla, laban lang”. Ang patuloy na pagbabago sa teknolohiya ay may kaakibat na mga epekto. Ang pagiging masaya sa kung ano ang tanyag sa social media ay hindi masama huwag nga lang masyadong mahalina. Ang paggamit ng sari-saring ekspresyon ay nakakatuwa at nakakapagbigay saya lalo na’t ikaw ay nasa pampublikong pakikipagtalsatasan. Pero sana ay dapat may limitasyon kung hanggang saan lang ginagamit ang mga ekspresyon na kung anu-ano dahil hindi sa lahat ng panahon at makausap mo ay may magandang dulot nito. Maging sa loob ng paaralan ugaliin ang pagiging masinop sa paggamit nito lalo na sa kalagitnaan ng talakayan na mas higit na pinagtutuun ang pormal na paraan na pakikipag-ugnayan. Sana all pormal.
B. Kilalanin ang sumusunod na larawan at bigyang ng kahulugan. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Batayan sa PaghahambingBalitaLathalain
Paksa (Tema)
Layunin
Tono
Pananaw
Paraan ng Pagkakasulat (salita/talata/pangungusap)
  1. [illustration: two blank speech bubbles, one cloud-shaped and one oval] (Larawan mula sa Google)
    Sagot: __ o o __ g u __ p __ n
    Kahulugan:_____________________________





  2. [photo: front page of the Tonite tabloid with the headline “PAALAM FPJ” and a photo of a man in sunglasses] (Larawan mula sa Google)
    Sagot: h__ d_ i n ___
    Kahulugan:_____________________________





  3. [illustration: caricature drawing] (Iginuhit ni Hariel Villaflor)
    Sagot: __ d __ t __ __ y a __
    Kahulugan:_____________________________





  4. [illustration: cartoon of two men, one of them with a speech bubble] (Iginuhit ni Rhynan Consigna)
    Sagot: __ u ___ a___ r ___
    Kahulugan:____________________________





  5. [photo: cover of Liwayway Magazine] (Mula sa Liwayway Magazine)
    Sagot: n __ m __ __ l__ __ e
    Kahulugan:_____________________________





Karagdagang Gawain

Gawain 1

Subukin natin ang iyong imahinasiyon. Gayahin ang comic strips sa ibaba. Isulat ang teksto sa loob ng speech balloon na angkop sa reaksiyon at damdamin ng ina. Gawin ito sa papel.

[transcriber’s note: the first speech balloon in the first panel is blank in the original]

[illustration: comic panel of a boy holding a baby bottle beside a woman holding an infant]

Panel text: “Ipagtimpla mo muna ng gatas ang kapatid mo anak.”

[transcriber’s note: the speech balloon in the second panel is blank in the original]

[illustration: comic panel of a boy holding a gift box facing a woman]

Panel text: “Maligayang kaarawan Inay!”

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is transcribed in its upright reading order]

Tuklasin A
  1. Makulimlim
  2. Nilalakbay
  3. Tahimik
  4. Kahirapan
  5. Kabaliktaran
  6. Marumi
  7. Naawa
  8. Nagdadalawang-isip
  9. Tumigil
  10. iminarka
Isaisip
  1. Popular na babasahin
  2. Pahayagan
  3. Tabloid
  4. Broadsheet
  5. Tabloid
  6. Komiks
  7. Pinoy Komiks
  8. Liwayway
  9. Dagli
  10. – 13 : damdamin, tono, layunin, pananaw
Subukin B
  1. D
  2. B
  3. O
  4. C
  5. I
  6. F
  7. G
  8. H
  9. J
  10. L
  11. A
  12. K
  13. M
  14. E
  15. N
Pagyamanin Gawain 2

Pahalang

  1. Fashion
  2. Digital
  3. Download
  4. Ad
  5. Feature
  6. Flag
  7. Cover

Pababa

  1. Headlines
  2. Internet
  3. Classiffied ads
  4. Lifestyle
  5. Sudoku
  6. Sci-fi
  7. Press
  8. Barcode
Tayahin B
  1. Lobo ng Usapan
  2. Headline
  3. Editoryal
  4. Kuwadro
  5. Nameplate
Isagawa
  1. Darna
  2. Zuma
  3. Valentina
  4. Captain Barbel
  5. Lastikman

Sanggunian

Admin. (2017, Hunyo 22). Retrieved from The Silent Reader: https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagtiyak-sadamdamin-tono.html

Enrijo, Willita A. et al . (2013). Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang. Book Media Press, Inc. and Printwell, Inc. Unang Edisyon.

Fleming, G. (2021, February 16). Newspaper Sections and Terms. Retrieved from thoughtco.com: https://www.thoughtco.com/newspaper-sections-andterms-1857334

Gavino, R. (2019). BSP President: Ang isang scout ay kailangan na responsableng mamayan at magaling na lider. Tilamsik.

McDuffy. (2012, January 25). Retrieved from chcsmediamduffy.blogspot.com: https://chcsmediamduffy.blogspot.com/2012/01/magazineterminology.html

Noguerra, R. J. (2019). Ekspresyong Melinyal. Tilamsik.

Rogers, Tony. (2017, August 27). Differences Between Broadsheet and Tabloid Newspapers. Retrieved from www.thoughtco.com: https://www.thoughtco.com/broadsheet-and-tabloid-newspapers-2074248

Rudela, J. C. (2020). Boksing. Ang Tanging Hiyas.

Vee Banionis. (2020). Glossary of Magazine Layout Terminology & Definitions. Retrieved from Flip180 Media: https://www.flip180media.com/glossary-ofmagazine-layout-design-terminology-definitions-jargon/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

2 responses to “Filipino 8 Quarter 3 Module 1: Popular na Babasahin (Popular Reading Materials)”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district