Filipino 8 Quarter 2 Module 7: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Filipino 8 Quarter 2 Module 7 teaches five ways of expressing ideas, such as comparison and cause and effect, for essay writing, with an answer key.

This is the self-learning module for Filipino 8, Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 7: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag (different ways of expressing ideas). It was prepared by DepEd CARAGA Region as an Alternative Delivery Mode material (first edition, 2020) for Grade 8 learners studying at home. By the end of the module, learners should be able to use different methods of expository writing, such as listing and comparison, when they write an essay.

The module says it has three purposes. It builds the skill named in its competency, it deepens what learners discovered in the earlier grade, and it helps them value Filipino culture and their identity as Filipinos.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module has one learning competency:

  • Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay (uses different ways of expressing ideas, such as listing and comparison, in writing an essay). F8WG-IIf-g-27

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag. It explains paglalahad (exposition) and five ways to present ideas, then has learners practice each one in short writing tasks and full essays.

What paglalahad means

The module defines paglalahad (exposition) as writing or speech that explains, informs, gives meaning, and analyzes. Its aim is to help the reader or listener fully understand the idea being presented. It can answer questions such as what a word or thing means, how something is done, or what a goal or principle is about.

The module also says that good expository writing needs wide knowledge of the topic, clear explanation of meaning, clear and orderly expression, and no bias.

The five ways of expressing ideas

The module explains five methods. Each one comes with an example, many of them about COVID-19.

MethodWhat it doesExample from the module
Pag-iisa-isa (listing or enumeration)Presents a situation by arranging events or steps in their actual orderSeven simple steps to protect yourself and others from COVID-19, such as washing your hands often and covering your cough and sneeze
Paghahambing at Pagsasalungat (comparison and contrast)Shows how things are alike and how they differ; the module calls this the most commonly used method“Magkasing-tangkad kami ni Joy” (Joy and I are the same height)
Pagsusuri (analysis)Examines the factors that affect a situation and how they are connectedReported illnesses range from people with mild or no symptoms to those who become seriously ill, need hospital care, or die
Sanhi at Bunga (cause and effect)Explains the cause or reason and the results; this helps events stick in the reader’s mindLack of discipline and not following DOH rules keep COVID-19 cases rising
Pagbibigay ng Halimbawa (giving examples)Supports an explanation with examples so the reader is easily convinced; examples must be specific and trueWearing a face mask is an example of caring for others to stop the virus from spreading

Two kinds of comparison

  • Paghahambing na magkatulad (comparison of equals): used when the two things have the same degree of a quality. Example: “Magkasing-haba ang buhok nina Karylle at Anne” (Karylle and Anne have hair of the same length).
  • Paghahambing na di-magkatulad (comparison of unequals): used when the two things have different degrees of a quality. Example: “Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Michelle” (My hair is longer than Michelle’s).

In the Tuklasin part, learners read a short essay, “Ang Pilay kong Bansa” (My crippled country). The module points out that the writer used comparison: the change in the environment, from a clean shore to a dirty one, mirrors the change in people’s feelings.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): Match five descriptions to the five methods. Then write a short statement for each method on a given topic, such as courtship then and now (comparison) or obedience to parents (cause and effect).
  • Balikan (review): Give your own view in 3 to 5 sentences on excerpts from “Tata Selo” by Rogelio R. Sicat, “Saranggola” by Efren R. Abueg, and the poem “Ang Bilanggo” by Edgar Maranan.
  • Pagyamanin (practice): Write a short statement for each of the five methods on the topic Laro ng Lahi (traditional Filipino games).
  • Isaisip (reflection): Complete sentences about what you learned, where you can use it, and why it matters to you.
  • Isagawa (application): Read about Blended Learning and write a three-paragraph essay with a title that uses different methods of expression.
  • Tayahin (assessment): Choose one method and write a titled essay about love of country.
  • Karagdagang Gawain (extra task): Write a titled essay giving your own view on Filipinos who change their citizenship.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first to see what you already know, then work through the parts in order. Answer on a separate sheet of paper and do not write on the module, so that other learners can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module says it comes with a guide for teachers and facilitators, with reminders and strategies to help you support your child at home. Encourage your child to be honest when checking answers.
  • Teachers: The answer key at the end gives the pretest answers. The essays are scored with a self-assessment rubric of five criteria rated 1 to 5: relevance to the topic, clarity of the viewpoint, words suited to young readers, logical order of ideas, and correct use of the chosen method.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 8 Filipino, Ikalawang Markahan (Quarter 2). It is Module 7 in the series and was prepared by DepEd CARAGA Region.

What are the five ways of expressing ideas in this module?

The module covers pag-iisa-isa (listing), paghahambing at pagsasalungat (comparison and contrast), pagsusuri (analysis), sanhi at bunga (cause and effect), and pagbibigay ng halimbawa (giving examples).

What competency does this module cover?

It covers F8WG-IIf-g-27: using different ways of expressing ideas, such as listing and comparison, in writing an essay.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the pretest answers (1-E, 2-D, 3-C, 4-B, 5-A) and a rubric for checking the essays.

What is paglalahad?

Paglalahad is exposition: writing or speech that explains, informs, gives meaning, and analyzes so that the reader or listener fully understands the idea.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 7: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

[illustration: students and a teacher studying outdoors and in a classroom, with a globe and a lamp]

CO_Q2_Filipino 8_ Module 7

Filipino – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 7: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________________

Department of Education – CARAGA Region

Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS), Teacher Development Center, J. Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600

Telefax: (085)342-8207 /(085)342-5969

E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Welmar Laorden, SST I Editor: Dores P. Claro, Maria Consuelo C. Jamera Tagasuri: Jessie C. Torreon, Fe M. Clerigo, Ma. Belinda Tulang, Jesesnie B. Gabisan Tagalapat: Welmar Laorden, Daryl Henry P. Engracia

Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 7: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

[illustration: DepEd logo]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito tungkol sa Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ay may maramihang gamit. Una, matututunan mo ang mga kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin ng mas higit pa ang iyong pagka-Pilipino.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:

  1. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay. (F8WG-IIf-g-27)

Subukin

A. Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.

A. Pag-iisa-isa B. Paghahambing at Pagsasalungat C. Pagsusuri D. Sanhi at Bunga E. Pagbibigay ng Halimbawa

_____1. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.

_____2. Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.

_____3. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.

_____4. Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang paraang ito ang pinakalimit na gamitin

_____5. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

B. Panuto: Batay sa paksa, sumulat ng isang simpleng pagpapahayag gamit ang iba’t ibang paraang nakatala sa ibaba.

  1. Pag-iisa-isa (Namanang Kultura sa Sinaunang Panahon)



  1. Paghahambing (Panliligaw noon sa ngayon)



  1. Pagsasalungatan (Curfew para sa mga Kabataan)



  1. Sanhi at Bunga (Pagiging Masunurin sa Magulang)



  1. Pagbibigay ng Halimbawa (Respeto sa nakatatanda)



Aralin 1: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Balikan

Panuto: Bigyan ng sariling pananaw, opinyon o saloobin ang mga kinuhang bahagi ng akda. Maaring ilahad ang sagot sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Buoin ito sa 3-5 pangungusap.

  1. Habang nakalapit sa rehas ay nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…

Halaw sa huling bahagi ng Kwentong Tata Selo ni Rogelio R. Sicat





  1. “Magpundar ka ng iyong sariling negosyo. Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”

Halaw sa Kwentong Saranggola ni Efren R. Abueg





  1. Dinig ko sa lungsod ang sumamo ng tao.
    Dama ko sa parang ang paglatag ng abo.
    Ngayong bawat araw ay sariwang panganib,
    Hindi maghihilom ang sugatan kong awit.

Halaw sa Tulang Ang Bilanggo ni Edgar Maranan





Tuklasin

Panuto: Basahin at suriin ang isang sanaysay. Sabihin kung anong paraan ang ginamit upang ilahad ang kanyang damdamin tungkol sa paksa.

Ang Pilay kong Bansa

Sumayaw sabay sa himig ng hangin ang mga ala-ala. Tinangay ng malakas na alon ang mga basurang ikinakalat ng tao sa dalampasigan at hinahanap-hanap ng mga tao kung sino ang may gawa ng mga kalat na palutang-lutang sa karagatan na kasing lumbay ng hangin sa t’wing naaalala nila ang dating sila. Malinis, malayo sa mga taong mapanisi ng iba samantalang sila rin ang may gawa ng mga ito.

Marumi na, ang dating masayang pagkikilitian ng dagat at hangin ay dinumihan na ng mga marurupok at mapag-akalang kalat. Sinira, ang mga natitirang kasiyahan.

Minsan ang mga pag-iibigan ay nasisira sa mga mapanghusga na binahiran ng mga pag-iisip na hindi tama ng nakakahusga.

https://malfredsoria.wordpress.com/

Ano ang pinapaksa ng sanaysay? Paano niya ipinahayag ang kanyang damdamin? Tama. Ginamit niya ang paghahambing upang ipakita pagkakatulad ng pagbabago ng kapaligiran sa pagbabago ng damdamin ng tao. Maari mo rin ba itong ipahayag sa iba pang paraan? Halika’t basahin at alamin ang talakayan sa SURIIN.

Suriin

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag (Paglalahad)

Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan at nagsusuri upang lubos na mapaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumusulat. Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungnan kung ano ang katuturan ng isang salita o bagay, kung paano ang pagsasagawa ng isang bagay, kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.

Narito ang mga paraan na maaring gamitin sa pagpapahayag:

  1. Pag-iisa-isa. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

[transcriber’s note: the eight page images supplied are the pages of this excerpt, numbered 1 to 8 on the sheet; they are transcribed here as pages 9 to 16 of the PDF]

Halimbawa: Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19:

  1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.


  2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.


  3. Takpan ang iyong ubo at bahing.


  4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo.


  5. Manatili sa bahay kung ikaw ay masakit.


  6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, magpakonsulta agad-ngunit tawagan mo muna ang health facility.


  7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.


  8. Paghahambing at Pagsasalungat. Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng magkatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang paraang ito ang pinakalimit na gamitin. Dalawang uri ang paghahambing:


Paghahambing na magkatulad – Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na katangian ng isang bagay o anuman.

Halimbawa:

  1. Magkasing-haba ang buhok nina Karylle at Anne.
  2. Magkasing-tangkad kami ni Joy.

Paghahambing na di-magkatulad – Ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman.

Halimbawa:

  1. Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Michelle.


  2. Mas matangkad ka kaysa kuya ko.


  3. Pagsusuri. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.


Halimbawa: Ang mga naiulat na sakit ay sumasaklaw mula sa mga tao na may banayad (mild) o walang mga sintomas hanggang sa mga taong nagkasakit ng malubha, na nangangailang maospital, at namamatay.

  1. Sanhi at Bunga. Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang bunga o kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.

Halimbawa: Dahil sa patuloy na kawalan ng disiplina, hindi pagtupad sa mga alintuntunin ng DOH at kawalang bahala sa nangyayari sa paligid patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

  1. Pagbibigay ng Halimbawa. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.

Halimbawa: Ang pagsusuot ng face mask ay isang halimbawa ng pagmamalasakit upang mapigilan ang pagkalat ng virus at makaiiwas sa sakit.

Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin, pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw at maayos na pagpapahayag at walang kinikilingan.

Kuha sa Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma, Grade 8,Phoenix Phublishing House

Pagyamanin

Panuto: Batay sa paksa, sumulat ng isang simpleng pagpapahayag gamit ang iba’t ibang paraang nakatala sa ibaba.

Paksa: Laro ng Lahi

  1. Pag-iisa-isa



  1. Paghahambing at Pagsasalungat



  1. Pagsusuri



  1. Sanhi at Bunga



  1. Pagbibigay ng Halimbawa



Isaisip

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mailahad ang iyong mga natutuhan at naramdaman sa araling ito.

Madali kong natutuhan ang tungkol sa




Maaari ko itong gamitin sa




Mahalaga ito sa akin dahil




Isagawa

Panuto: Magbasa ng impormasyon tungkol sa proseso ng Blended Learning. Sumulat ng sanaysay tungkol dito at siguraduhing magagamit ang iba’t ibang paraan sa pagpapahayag sa gagawing tatlong talatang sanaysay. Bigyan ng magandang pamagat.









Tayahin

Pumili ng alinman sa mga paraan ng pagpapahayag. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pagmamahal sa bayan. Mag-isip ng isang magandang pamagat.

Paraan ng Pagpapahayag: _____


Pamagat














Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa senaryong ibinigay. Mag-isip ng pamagat sa nabuong sanaysay.

May mga Pilipinong nagpapalit ng kanilang pagkamamamayan o citizenship. Ano ang iyong sariling pananaw tungkol dito.

[illustration: blank scroll-shaped space for writing the essay]

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. E
  2. D
  3. C
  4. B
  5. A

Gamitin ang rubric na ito sa sariling pagtataya ng Gawain.

Lagyan ng tsek ( √ ) ang angkop na kolum.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay12345
1. Kaugnayan sa paksa
2. Kalinawan ng pananaw at opinyong nais iphiwatig
3. Kaaangkupan ng mga salita sa mga kabataang babasa
4. Lohikal na paghahanay ng mga kaisipan
5. Kawastuan sa paraang ginamit
Kabuoang Puntos

[transcriber’s note: this page is printed upside down, except for its heading; the table and the answers are transcribed upright, and the table columns follow their order in the rotated image]

Interpretasyon :

  • 17-25 Napakahusay
  • 16-23 Mahusay
  • 8-15 Mauhsay-husay [?]
  • 1-7 Paghusayin Pa

Sanggunian

Enrijo, Willita A., Bola, Asuncion B., 2013. Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang. Book Media Press, Inc. and Printwell, Inc. Unang Edisyon.

Samenian, Ria Mae A. 2018. Yugto. Pinagsanib na Wika at Panitikan. Gabay sa Pagtuturo. The Library Publishing House, Inc.

Lilibeth Dayrit Monton, Ma. Celeste del Rosario Aguila at Aida Marquez Guimarie. 1997. Daloy ng Diwa. Wika at Panitikan. Unang Edisyon. Trinitas Publishing Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district