This is the Self-Learning Module (SLM) for Filipino 8, Quarter 2, Module 8: “Maikling Kuwento” (the short story). Prepared by DepEd CARAGA Region for home learning, it helps Grade 8 learners read short stories closely, connect their ideas to real life, explain the symbols and hidden meanings in them, and write their own endings.
The module has one lesson, Aralin 1: Maikling Kuwento. It builds on what learners studied in earlier grades and, as the module says, aims to help them value Filipino culture and their identity as Filipinos.
On this page 7 sections
What learners will learn
After this module, learners are expected to:
- Connect ideas in a literary work to events in their own life, in society, and in the world (Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig). F8PB-IIg-h-27
- Explain the meaning of the symbols and hints used in a work (Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda). F8PT-IIg-h-27
- Write an ending for a short story (Nakasusulat ng wakas ng maikling kuwento). F8PU-IIg-h-28
What a maikling kuwento is
The module defines the maikling kuwento as a narrative genre of literature that revolves around telling one event. A short story is judged by looking at its elements.
Elements of a short story (Elemento ng Maikling Kuwento)
| Element | Meaning |
|---|---|
| Pananaw (point of view) | Who tells the story or whose viewpoint it follows: first, second, or third person. |
| Tauhan (characters) | The made-up people in the story’s world. A tauhang bilog (round character) changes by the end; a tauhang lapad (flat character) does not. |
| Tagpuan (setting) | The time and place where the story happens. |
| Tunggalian (conflict) | The struggle between the main character and whatever opposes them: person vs. nature, person vs. self, person vs. person, or person vs. society. |
| Banghay (plot) | The outline or sequence of events. |
| Tema (theme) | The main idea the author wants to bring out. |
The module also introduces Efren Abueg, a respected Filipino novelist, short story writer, essayist, and critic. His first story collection was Bugso, and his many awards include several Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Stories in this module
All the stories deal with parents, children, and misunderstandings at home, which makes them easy for learners to relate to.
- “Nasa Huli ang Pagsisisi” (regret comes in the end): Cora’s parents are always busy at work and ignore her achievements. Hurt, she starts drinking with friends and skipping class. In a tense confrontation, her parents admit they neglected her while trying to give her a comfortable life, and Cora also asks for forgiveness. This story comes with worked examples showing how to link events to self, society, and world, what message a line conveys, and a sample new ending.
- “Saranggola” (the kite) by Efren R. Abueg: A father refuses to buy his son a big guryon (large kite) and teaches him that a kite stays up through skill, care, and patience, not size. The son grows up resenting his strict, thrifty father, leaves home, and builds his own business. He returns too late, after his father has died, and only then understands the kite lesson.
- “Isang Aral para kay Armando” (a lesson for Armando): Armando disobeys his mother and swims in a fast river, nearly drowns, and is saved by Mang Tacio. He learns to listen to his parents and to call on God in times of danger.
Parts and activities
- Subukin (pretest): Pick a favorite teleserye scene, connect it to self, society, and world, give its pahiwatig (hidden message), and write your own ending.
- Balikan (review): Write short statements about the Filipino family using comparison and contrast, analysis, and giving examples.
- Tuklasin and Suriin: A short reading about Christy, then the discussion of the short story and its elements, followed by “Nasa Huli ang Pagsisisi” with sample answers.
- Pagyamanin: Read “Saranggola” and answer Gawain 1 to 4: link events to self, society, and world; explain what the father meant by the kite saying; and write a different ending.
- Isaisip: Complete sentences such as “Natutuhan ko na…” (I learned that…).
- Isagawa: Read a story of your choice, give two ideas linked to self, society, and world, explain symbols or hints in a table, and write a realistic ending.
- Tayahin (assessment): Read “Isang Aral para kay Armando” and answer the same four kinds of tasks.
- Karagdagang Gawain (Gawain 5): Compare characters in the stories with characters you have seen on TV, heard on radio, read about, or met in real life.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Study the worked answers for “Nasa Huli ang Pagsisisi” before doing the “Saranggola” and Armando tasks on your own. Do not write on the module; use separate sheets of paper, and contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: The module is meant for home study with your guidance. Talk with your child about the stories, since the tasks ask how events relate to their own life and family.
- Teachers: The three competencies are covered in each set of tasks, so the four Gawain can be checked against the codes above. The answer key gives a sample answer for the pretest; most other tasks are open-ended.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Maikling Kuwento module for?
It is for Grade 8 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 8.
What are the elements of a short story in this module?
The module lists six: pananaw (point of view), tauhan (characters), tagpuan (setting), tunggalian (conflict), banghay (plot), and tema (theme).
Which stories are included?
The module uses “Nasa Huli ang Pagsisisi,” “Saranggola” by Efren R. Abueg, and “Isang Aral para kay Armando,” plus a short reading about a girl named Christy.
Does the module have an answer key?
Yes, the Susi sa Pagwawasto gives a sample answer for the pretest about a teleserye scene. The first story also comes with worked sample answers, while most other tasks are open-ended.
What competencies does the module cover?
Connecting ideas in a work to self, society, and world (F8PB-IIg-h-27), explaining symbols and hints (F8PT-IIg-h-27), and writing a short story ending (F8PU-IIg-h-28).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 8: Maikling Kuwento
[illustration: mga mag-aaral na nagbabasa at nag-aaral sa labas at sa loob ng bahay, may guro, globo, at lampara]
CO_Q2_Filipino 8_ Module 8
Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 8: Maikling Kuwento Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – CARAGA Region Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS), Teacher Development Center, J. Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600 Telefax: (085)342-8207 / (085)342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Hazel C. Talines, SST I Editor : Dores P. Claro, Maria Consuelo C. Jamera Tagasuri : Jessie C. Torreon, Donna May D. Pinguit, Noviemar T. Maur, Teresita Merlin, Fe M. Clerigo, Jessinie B. Gabisan, Ma. Belinda Tulang, Japhet K. Salar, Christy Joyce E. Anino Tagalapat : Hazel C. Talines, Daryl Henry P. Engracia
8
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Maikling Kuwento
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito tungkol sa Maikling Kuwento ay may maramihang gamit. Una, matututunan mo ang mga kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin ng mas higit pa ang iyong pagka-Pilipino.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
- Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig. (F8PB-IIg-h-27)
- Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda. (F8PT-IIg-h-27)
- Nakasusulat ng wakas ng maikling kuwento. (F8PU-IIg-h-28)
Subukin
Panuto: Pumili ng isang teleserye na kinagigiliwan mong panoorin itala ang paborito mong eksena at iugnay sa sarili, lipunan, at daigdig. Ibigay rin ang pahiwatig na hatid nito sa mambabasa. Subukang gawan ng sariling wakas ang eksena.
| Pamagat ng Teleserye: | |
|---|---|
| Eksenang napili: | |
| Pag-uugnay sa: | |
| A. Sarili | |
| B. Lipunan | |
| C. Daigdig | |
| Pahiwatig ng eksena: | |
| Sariling wakas ng eksena: |
Aralin 1 Maikling Kuwento
Balikan
Panuto: Batay sa paksa, sumulat ng isang simpleng pagpapahayag na may kugnayan sa kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig gamit ang paraang nakatala sa ibaba.
Paksa: Pamilyang Pilipino
- Paghahambing at Pagsasalungat
- Pagsusuri
- Pagbibigay ng Halimbawa
Tuklasin
Panuto: Basahin ang isang akda.
Si Christy ay panganay na anak sa apat na magkakapatid. Siya ay lumaking masaya at punong – puno ng pagmamahal ng kaniyang pamilya.
Isang araw umuwi si Christy na masaya galing eskwela. Dala – dala ang resulta ng mahabang pagsusulit nila at ipinakita kaagad sa ina na mayroong matataas na marka. Naku! Ang laki ng itinaas ng marka mo ibang – iba sa nakaraang markahan ang narinig kong malaking boses ni ina. Maaari bang panatilihin mo ang ganitong resulta para makatapos ka ng iyong pag- aaral? Mabuti nalang at nagbuhos ako ng oras sa pag – aaral araw – araw.
Christy! maglalaro na tayo tawag ng aking matalik na kaibigan. Ate! samahan mo naman ako sambit ng aking kapatid ngunit hindi ko sila pinansin. Dahil dito pinagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral.
Laban lang anak ang ngiting sabi ng aking ina. Salamat dahil ipinadama mo sa akin ang kahalagahan ng iyong pag – aaral.
Matutukoy mo ba kung saang akdang pampanitikan nabibilang ang binasa mo? Tama! Ito ay isang kuwento. Naiuugnay mo ba ang sarili mo sa naganap sa tauhan? Maiisa-isa mo ba ito? Maipahahayag mo ba ang pahiwatig sa mga mambabasa? Halika’t basahin ang talakayan tungkol sa anyo ng panitikan sa araling ito.
Suriin
MAIKLING KUWENTO
Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at kritiko ng kanyang panahon. Kabilang sa kanyang mga aklat ang Bugso, ang kanyang kauna-unahang koleksyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); at MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970).
Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959,1960,1963,1964,1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, Unang gantimpala (1957); Pag-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timapalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).
Siya rin ay sumulat at ng edit ng maraming sangguniang aklat at ginagamit magpahanggang ngayon sa kapwa pribado at publikong paaralan. Bukod nito, malimit ilahok ang kanyang mga kuwento sa mga teksbuk na isinulat ng ibang awtor.
Maikling kuwento – isang genre ng pasalaysay na akdang pampanitikan na umiinog sa paglalahad ng isang pangyayari. Tinataya ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga elemento nito: pananaw, tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, at tema.
Elemento ng Maikling Kuwento
Pananaw – pagtingin sa kung sino ang nagsasalita sa kuwento, o kung kaninong punto de vista nagaganap ang kuwento. Ang pananaw ay maaaring nasa unang panauhan, ikalawang panauhan, o ikatatlong panauhan.
Tauhan – ang bumubuo sa daigdig ng kuwento. Sila ay mga kathang tao na dumaraan sa karanasan ng pagbabago habang tumatakbo ang salaysay. Madalas mailarawan sila bilang tauhang bilog, o yaong nagbabago sa katapusan ng kuwento, tauhang lapad o walang ipinakikitang pagbabago sa katapusan ng kuwento.
Tagpuan – ang tawag sa panahon at pook na pinangyayarihan ng kuwento.
Tunggalian – tumutukoy sa labanan ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat o bumabangga sa kaniya. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao, o tao laban sa lipunan.
Banghay – tawag sa balangkas ng pangyayari sa kuwento.
Tema – Ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento.
Tara na! Basahin ang maikling kuwento at unawain ito.
Nasa Huli ang Pagsisisi
Bata pa si Cora ay nakamulatan na niya ang buhay na laging wala sa tabi niya ang kaniyang mga magulang dahil palagi itong abala sa kanilang trabaho. Tanging ang kanyang lolo lang ang madalas niyang nakakasama. Bukod sa lolo niya ay tinuturing din niyang pamilya ang mga kaibigan dahil ito ang madalas niyang nakakasama at napamahal na ang mga ito sa kanya. Pinagbubutihan niya ang kaniyang pag-aaral dahil nais niyang ipagmalaki naman siya ng kanyang mga magulang at ang mapansin siya ng mga ito.
Isang araw habang masaya niyang ibinabalita sa kanyang ina na nag-top siya sa klase ay agad naman itong binaliwala ng kaniyang inang abala sa pagkukwenta ng mga bayarin, “saka nalang yan nak, marami pa akong ginagawa” mga katagang lumabas sa bibig ng kaniyang ina, nung una’y akala niya talagang busy lang kanyang mga magulang hanggang sa paulit-ulit nalang siyang binaliwala ng mga ito dahil nagpakagumon ito sa kanilang mga trabaho.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng mga magulang niya sa kanya. Naging malamig narin ang pakikitungo niya sa mga ito. Pagkalipas pa ng maraming buwan ay napapansin niyang halos hindi na umuuwi ang kanyang mga magulang dahil sa kadahilanang wala siyang alam. Tinanong niya ang kanyang lolo “lo, bakit hindi na madalas umuuwi sina mama at papa?”. “Marami lang talagang trabahong dapat asikasuhin ang mga magulang mo apo.” Walang magawa si Cora. Sumama ang loob niya dahil hindi man lang naisip ng mga magulang niya ang mga responsibilidad ng mga ito sa kanya.
Minsan habang kumakain si Cora mag-isa ay dumating ang kanyang mga magulang na nag-aaway. Napapadalas na rin ang pag aaway ng mga ito at sa tuwing magsisimula na naman itong mag-away ay umaalis nalang siya ng bahay at nakikipagkita sa mga kaibigan. Hindi naunawaan ni Cora ang mga pangyayari kaya nagkaroon siya ng hinanakit sa mga magulang niya.
Napapadalas na ang labas niya kasama ang mga barkada at doon ay natuto siyang uminom. Tumindi pa ang galit niya sa mga magulang at dahil doon ay hindi na niya
pinagbutihan ang pag-aaral. Dumadalas na rin ang pagliban niya sa klase at umuuwi na siya ng madaling araw.
Isang gabi habang naglalakad siya papasok ng kanilang bahay na naka unipormi pa ay agad na bumungad sa pinto ang kanyang inang nanlilisik ang mga mata sa galit. “oh ma, bakit nandito ka sa bahay? Akala ko ba busy kayo ni papa”. “bakit ngayon ka lang at saan ka galing?” ang katagang narinig niya sa ina. “Wow ma kailan ka pa naging concern sa’ kin? “At kailan ka pa natutong sumagot sakin?” hinila siya ng kanyang ina papasok ng bahay. “umiinom kana pala ngayon ang bata-bata mo pa, yan ba ang natutunan mo sa paaralan? Simula ngayon hindi kana lalabas kasama ng mga kaibigan mo!” marahang sigaw ng kanyang ina sa kanya. “Hindi ba wala naman kayong pakialam sa akin? Puro na lang kayo trabaho. Nakalimutan niyo nang may anak pa kayo!”. “At kasalanan pa namin kung bakit ka nagbobolakbol sa pag aaral mo?” saglit na natigilan si Cora sa binitawang salita ng kanyang ina. “Bakit, hindi ba ma? Wala na kayong ibang inatupag kundi ang trabaho niyo, hindi niyo ginagampanan ang pagiging magulang niyo at higit sa lahat hindi ko naramdamang may mga magulang ako. Lagi niyong binabaliwala ang ang mga ginagawa ko!” “Hindi ka namin binabaliwala anak, nagsisikap kami ng mama mo maibigay lang ang marangyang buhay sayo” napaiyak na si Cora sa mga narinig mula sa ama. “Hindi ko kailangan ng marangyang buhay, kayo ang kailangan ko. Iparamdam niyo naman sakin minsan na may mga magulang ako!” Hindi nakapagsalita ang ama at ina ni Cora.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa bahay na iyon. Nang biglang lumabas ng kwarto ang lolo ni Cora at nagsalita. “Halika apo.” lumapit naman kaagad si Cora sa matanda at niyakap siya ng mahigpit ng kanyang lolo. “Tahan na apo.” “Kailangan kayo ng apo ko. Lumaki siyang halos hindi kayo nakakasama.” sambit ng matanda. “Patawarin mo kami ng papa mo anak kung napabayaan ka namin. Ang nais lang naman namin ay magkaroon ka ng maginhawang buhay pero nagkamali kami dahil sa nais naming mabigyan ka ng magandang buhay ay napabayaan ka namin ng husto at nagpaka gumon kami ng husto sa trabaho.” lalong napaiyak si Cora sa narinig at naisip rin niyang may kasalanan din siya sa mga magulang niya.
Dahil hindi agad niya naintindihan ang ginawang pagsisikap ng mga ito para sa kanya. Labis na pinagsisihan ni Cora ang mga ginawa. “Patawarin din po ninyo ako sa mga ginawa ko. Mahal na mahal ko po kayo.”
Gawain 1: Iugnay sa sarili, lipunan at daigdig ang mga nabanggit na mahalagang pangyayari sa kuwento.
Pangyayari: Habang masayang ibinabalita ni Cora sa kanyang ina na nag-top siya sa klase ay agad naman itong binaliwala ng kanyang inang abala sa pagkukwenta ng mga bayarin, “ noong una’y akala niya talagang lang kanyang mga magulang hanggang sa paulit ulit nalang siyang binaliwala ng mga ito dahil nagpakagumon ito sa kanilang mga trabaho.
Kaugnayan sa Sarili: Maganda ang mag-aral ng mabuti lalong lalo na kapag may gabay ng mga magulang. Nakakataba ng puso kapag may nakuha kang tagumpay sa iyong pag-aaral na ikasasaya naman ng iyong pamilya at mga magulang. Ngunit sadyang may mga pagkakataon na hindi maiiwasang napabayaan ng magulang ang anak sa pag-aaral dahil sa trabaho dulot ng matinding kahirapan sa buhay.
Kaugnayan sa Lipunan: Sa lipunang ating ginagalawan ngayon may mga mag-aaral na nakaranas ng pagsisikap sa pag-aral dahil sa kahirapang kinamulatan sa buhay, kaya minsan ito ay nagdudulot ng kasiyahan ng mga magulang kahit sa hirap na nararamdaman sa buhay ngunit mayroon namang mga magulang na sa sobrang pagsisikap maiahon ang pamilya sa kahirapan ay napabayaan ang mga anak sa kanilang pag-aaral.
Kaugnayan sa Daigdig: Masakit isipin na halos sa iba’t ibang bahagi ng daigdig makikita natin na may mga pangyayaring hindi magandang malaman, mga anak at mag-aaral na napariwara, naglayas, nalulong sa masamang bisyo dahil napabayaan ng mga magulang ang kanilang pag-aaral na minsan naman hindi sinasadya ng magulang sa pag-aakalang sapat na ang kanilang suporta sa pinansyal ng pamilya at nakalimutan ang emosyunal na pangangailangan ng mga anak.
Gawain 2: Maliban sa pangyayaring nabanggit sa Gawain 1, alin pang pangyayari ang may kaugnayan sa sarili, lipunan at daigdig. Isulat sa nakalaang bahagi.
Kaugnayan sa sarili: Habang mag-isang kumakain si Cora ay dumating ang kanyang mga magulang na nag-aaway. Napapadalas ang pag-aaway ng mga magulang at sa tuwing magsisimula na naman itong mag-away ay umaalis nalang siya ng bahay at nakikipagkita sa mga kaibigan.
Kaugnayan sa Lipunan: Hindi naunawaan ni Cora ang mga pangyayari bilang isang anak kaya nagkaroon siya ng hinanakit sa mga magulang. Napapadalas na ang labas niya kasama ang mga barkada at natuto siyang uminom. Hindi na niya pinagbutihan ang kaniyang pag-aaral at madalas ang pagliban niya sa klase.
Kaugnayan sa Daigdig: Ang pagkagalit ni Cora bilang anak dahil wala ng inatupag ang kaniyang magulang kundi ang trabaho at hindi na ginagampanan ang pagiging magulang nila at higit sa lahat hindi niya na naramdamang may mga magulang siya. Lagi nilang binabaliwala ang mga ginagawa niya!”
Gawain 3: Sa iyong palagay, ano ang nais ipaunawa ng pahayag na ito:
Dahil sa matinding pagmamahal ng magulang sa anak ay nagsikap ito nang mabuti na nagdulot naman ng pagkakamali dahil sa napabayaan ang pangangailangan ng mga anak sa kanilag pag-aaral.
Gawain 4: Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas. Ano ito?
Nagpatuloy si Cora sa kaniyang pag-aaral at pinagbutihan pa niya ito, hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos at isa siya sa mga ginawaran ng medalya na lubos
“Ang nais lang naman namin ay magkaroon ka ng maginhawang buhay pero nagkamali kami dahil sa nais naming mabigyan ka ng magandang buhay ay napabayaan ka namin ng husto at nagpakagumon kami ng husto sa trabaho.”
na ikinasasaya ng magulang niya. Umuwing may pagmamalaking dala sa sarili ang kaniyang mga magulang.
[illustration: hand placing blocks, beside the Pagyamanin heading]
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang kuwento ni Efren R. Abueg at sagutan ang mga Gawain sa ibaba.
SARANGGOLA
Efren R. Abueg
“Rading ,Paquito, Nelson…pakinggan ninyo ang kuwentong ito.
“May isang walong taong gulang na batang lalaki. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.” Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama. “Hindi ako marunong, Tatay, anang batang lalaki.
“Madali yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak. Bumili nga ito ng papel at tinuruan siyang gumawa ng saranggola.” Tatay…ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.
“Anak pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon! Nainis ang bata sa kanyang ama. “ Kinakantiyawan ako sa bukid Tatay ,anang bata.” Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang estasyon ng gasolina sa bayan…bakit daw kayliit ng saranggola ko! Tumawa ang ama at tinapik ang balikat ng anak. Tinuruan nga ng ama ang kanyang anak kung paano paliliparin ng mataas ang saranggola at kung paano ito patatagalin sa himpapawid. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay naputol ang mga tali. Bumagsak ito sa lupa na wasak na wasak at bali-bali ang mga kawayan nito.
“Tingnan mo…hindi nasira,”nagmamalaking wika ng ama,’ Kung guryon yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap at patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.’
Nakalimutan nang batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos na siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, at pagsama-sama sa mga kaibigan.“
Anak …dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira ay, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa pera at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,” paalala ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,”katwiran ng bata.” Anak ako ng tanging may-ari ng estasyon ng gasolina at machine shop sa bayan natin, pero ang hitsura ko…parang anak ng pobre.
“Disente ka naman a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskuwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga barkada at madalas, pinatatao sa estasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw ng walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak ngunit ang turing niya sa akin ay parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo anak, “malumanay na sansala ng kanyang ina sa anak.” Alam mo, mataas ang pangarap niya para sa iyo.” “Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin”?
“Ibig niyang maging mahusay kang inhenyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.
Nang labingwalo na siya, napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng Commerce. “Mabuti yon. Magsama-sama na tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan. Pumayag sila. Ngunit nang kausapin ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, Anak. Hindi mo hilig ang Commerce. Palagay ko mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.”Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina.
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, Anak. Pero sa tingin ko…engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napagisa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay, “sabi niya sa kanyang ina ng dalawin siya nito sa dormitoryo. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan? Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban…
“Magtiwala ka sa amin, Anak . Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap.“ Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtatagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin ni Itay ang ating kabuhayan?
“Totoo iyan , Anak…pero paano mo mapapaunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa siya. Isusubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhenyero ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa pagsusulit sa gobyerno , nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.
“Ngayon Anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer.
Namangha siya.
“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral, “ nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, Anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.”
“Mabuti na yong makatayo ka sa sarili mong paa.”
Tinanggap niya ang halagang pinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga magulang.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensya pa tayo rito.
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang makinang kanyang ginagamit.
Napilitan siyang lumapit sa ama upang mangutang ng labinlimang libong piso para mabawi ang kanyang makina.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang. Dumabog siya sa harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa mundo. Anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito.
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng isang maliit na machine shop. Kumontrata siya sa paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya ng malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng parte ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad na ina.
Isang araw, dumating sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw rito dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na, Inay, na nagkaroon ako ng ama!
Umiyak ang kanyang ina.
“Kung gayon…baka hindi na kayo magkita, anak! Nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi na rin niya binigyang – halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina. Nagpakasubsob siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at ang tatlong anak sa bahay.
“Nasaan sila? Usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsiya. Patawarin daw po ang iyong ama!
Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?
Tumango ang tinanong na katulong.
“May dalawang taon na pong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matandang ama.
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Naninigas siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawarin ang kanyang ama, nabaling sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay at tiyaga at ingat iyan!
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan.
“Patay na siya! Bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagyakap dito, umiyak siya ng marahan, kasamang nagdalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak…namatay siyang walang hinanakit sa iyo, anas ng kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?
“Oo, anak…dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo…nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad ng saranggola
Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo…tuturuan kita! Paliwanag ng ama.
“Rading, Paquito, Nelson… Tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento namin ‘yan ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.”
Gawain 1: Iugnay sa sarili, lipunan at daigdig ang mga nabanggit na mahalagang pangyayari sa kuwento.
Pangyayari: Hindi binigay ng ama ang kahilingan ng anak. Nagrebelde ang anak dahil hindi niya naintindihan ang hangarin ng kanyang ama.
Kaugnayan sa Sarili: _____
Kaugnayan sa Lipunan: _____
Kaugnayan sa Daigdig: _____
Gawain 2: Maliban sa pangyayaring nabanggit sa Gawain 1, alin pang pangyayari ang may kaugnayan sa sarili, lipunan at daigdig. Isulat sa nakalaang bahagi.
Kaugnayan sa sarili: _____
Kaugnayan sa Lipunan: _____
Kaugnayan sa Daigdig: _____
Gawain 3: Sa iyong palagay, ano ang nais ipaunawa ng ama sa kanyang anak nang sabihin niyang “ ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat , at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumataas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon, at kung bumagsak laging nawawasak.”
_____
_____
_____
Gawain 4: Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas. Ano ito?
_____
_____
_____
_____
[illustration: hand holding gear-like bolts, beside the Isagawa heading]
Isaisip
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ang inaasam na karunungan.
Natutuhan ko na….
Mahalaga ang aking natutuhan dahil…
Gagamitin ko ang aking natutuhan para sa…
Pauunlarin ko ang aking natutunan sa pamamagitan ng…
Isagawa
Panuto: Magbasa ng isang kuwento at pagkatapos gawin ang mga nakahanay na gawain.
A. Magbigay ng dalawang kaisipan sa akda na maiuugnay sa kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig.
| Kaisipan mula sa akda | Kaugnayan sa sarili | Kaugnayan sa lipunan | Kaugnayan sa daigdig |
|---|---|---|---|
| Simbolo/ Pahiwatig | Kahulugan |
|---|---|
C. Bumuo ng sariling wakas ng kuwento ayon sa tunay na sitwasyon o totoong buhay.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwentong “ Isang Aral para Kay Armando”. Pagkatapos, sagutan ang mga katanungan.
Isang Aral para kay Armando
Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito, huwag mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang ianod nito,” laging paalala ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy dahil tinuruan ng Tito Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” sabi niya sa sarili. “Ang sarap siguro talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay lamig ng tubig.”
Isang araw, kasama ng apat na kalarong bata ay nagpunta sila sa ilog. Masaya silang naghubad ng kanilang kamiseta at tumalon sa tubig. “Ang sarap maglaro sa tubig” Ang sambit ni Armando. Wiling-wili ang mga bata. Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa banda-bandang unahan. Unti-unti siyang umusad.
Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay papalayo patungo sa malalim na bahagi ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya ang malakas na agos ng tubig.
“Ben!” sigaw niya. “Saklolo!”
Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na lang sila sa di-masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang tumalong lalaki mula sa mga kahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na may paiinuming baka.
Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang sandali bago siya nahulasan. “Salamat po, Mang Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay dumating. Dapat nga pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.”
Tama si Armando. Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya dapat silang sundin. Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa panganib, tumawag agad sa Diyos at ang tulong ay darating.
Gawain 1
Gawain 1: Iugnay sa sarili, lipunan, at daigdig ang mga nabanggit na mahalagang pangyayari sa kuwento.
Pangyayari: Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
Kaugnayan sa Sarili: _____________________________________________________________
Kaugnayan sa Lipunan: __________________________________________________________
Kaugnayan sa Daigdig:___________________________________________________________
Gawain 2
Gawain 2: Maliban sa pangyayaring nabanggit sa Gawain 1, alin pang pangyayari ang may kaugnayan sa sarili, lipunan, at daigdig. Isulat sa nakalaang bahagi.
Kaugnayan sa sarili: ______________________________________________________________
Kaugnayan sa Lipunan: ___________________________________________________________
Kaugnayan sa Daigdig: ____________________________________________________________
Gawain 3
Gawain 3: Sa iyong palagay, ano ang nais ipaunawa ng pahayag na ito “Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya dapat silang sundin. Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa panganib, tumawag agad sa Diyos at ang tulong ay darating.”
Gawain 4
Gawain 4: Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas. Ano ito?
Karagdagang Gawain
GAWAIN 5: PAGHAMBINGIN MO.
Paghambingin ang mga tauhan sa kuwentong nabasa na maaaring magkapareho sa pangyayari sa tauhan na iyong napanood sa telebisyon, narinig sa radyo, nabasa o kaya sa sariling karanasan.
| Tauhan sa Kuwento | Ibang Tauhan | Pangyayari |
|---|---|---|
[transcriber’s note: this page is printed upside down (rotated 180 degrees); the text below is transcribed in reading order after rotation]
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
Pamagat ng Teleserye: Kadenang Ginto
Eksenang Napili: Ang pag-uusap nina Marga at Cassie sa isang gusali na muntik ng humantong sa aksidenteng pagkahulog ni Marga sa gusali. Dumating ang kanyang mga magulang upang kausapin si Marga.
Pag-uugnay sa:
Sarili: May mga pagkakataon na dahil sa pagiging bata at murang isipan hindi masyadong malawak ang pag-unawa sa mga bagay bagay na di kadalasan hahantong sa pagkakaunawaan ng bawat isa.
Lipunan: Sa ngayon di maiiwasan na may mga kabataang napahamak dahil sa iba ang takbo ng kanilang pag-iisip dahil na rin sa impluwensya ng mga pangyayari sa paligid, kapuwa kabataan at magiging sa sariling angan nila ang tahanan kaya kailangan ng tamang gabay.
Daigdig: May mga pangyayari sa iba’t ibang bansa na nagrerebelde ang mga kabataan dahil sa hindi na bigyan ng sapat na gabay ng mga magulang bunga nito ang pagtakbo sa mga kaibigan na minsan nagdudulot ito ng mas lalong kapahamakan dahil sa hindi pagkakaintindihan.
Pahiwatig ng eksena: Ito ay pagpapakita ng pagbibigay ng sapat na pag-unawa at panahon ang bawat isa bilang isang anak, kaibigan at magulang.
Sariling Wakas ng eksena: Mag-usap ng masinsinan ang magulang magkaibigan kasama ang mga magulang nina Marga at Cassie. Magkabati at magbigay ng kapatawaran ang bawat isa.
Sanggunian
Julian, Ailene B. et. al. (2014), Pinagyamang Pluma 8, 927 Quezon Ave., Quezon City, Phoenix Publishing House , Inc.
Hanguang Elektroniko
Retrieved from : https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-pamilya/#Isang-Aral-para-kay-Armando
Retrieved from : https://www.slideshare.net/jefreybatuigas/nasa-huli-ang-pagsisisi
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply