This is the Filipino Grade 8 (Ikawalong Baitang) self-learning module for Quarter 2, Module 6, titled “Sanaysay” (the essay). It was prepared by DepEd Region CARAGA for learners studying at home through Alternative Delivery Mode. After the module, learners should be able to clearly explain their own ideas, views, opinions, and feelings about a literary work they have read.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module says it builds on what learners studied in the previous grade and helps them value Filipino culture and their identity as Filipinos. Its one learning competency is:
- Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay (clearly explains one’s own thoughts, views, opinions, and feelings about the work discussed). F8PS-IIg-h-28
What the module teaches about the sanaysay
The module has one lesson, Aralin 1: Sanaysay. It defines the sanaysay as a type of literature that discusses an event or topic and gives an explanation to make the subject clearer. It can be short or long, and it presents the writer’s opinions, feelings, understanding, and point of view.
Two types of sanaysay
| Type | What it is | Module’s example |
|---|---|---|
| Pormal na sanaysay (formal essay) | Built on the writer’s research, which gives the topic more weight and depth | A passage on Philippine literature from a 1997 thesis, describing literature as a light that guides civilization |
| Di-pormal na sanaysay (informal essay) | No research needed; casual, as if talking with someone, with simple words and sometimes slang or humor, but still carrying a clear message | “Tagumpay” (Success), an essay saying success comes from patience, hard work, determination, and self-belief |
Expressing your own ideas
The module shows a model based on a short passage about losing loved ones during the COVID-19 pandemic. It then writes a sample response for each of the four ways of responding:
- Pansariling kaisipan (own thought): losing someone is the most painful effect of the pandemic, and cleanliness and self-discipline are the solution.
- Pananaw (point of view): anyone of any age can get sick, so extra care and a stronger body are needed.
- Opinyon (opinion): viruses do not choose, so avoid assumptions about who is sick and be responsible and prepared.
- Saloobin (feeling): it is sad that cases keep rising, but staying alert helps us worry less.
The lesson notes that this kind of personal expression uses the informal style of the sanaysay, with simple words.
Activities in the module
- Subukin (pretest): Read a passage about no longer being the oppressed “Juan dela Cruz” but a proud, hardworking Filipino, then give your view in 3 to 5 sentences.
- Balikan (review): Read “Hiwaga ng Pag-ibig” by Welmar Laorden, whose theme is faithful love, and connect it to a TV program you have watched using a graphic organizer.
- Tuklasin (discover): Sing or recite song lines by Heber Bartolome and Florante about being Pinoy, then write two sentences on your view of their topic.
- Pagyamanin (practice): Read a summary of “Si Ama” by Edgardo M. Reyes, about a responsible, hardworking father with firm principles, and explain your thoughts in 3 to 5 sentences.
- Isaisip (reflect): Write a journal entry on what you learned, what was hard, and what you want to learn more about.
- Isagawa (apply): Read works about the Filipino family and explain your feelings in relation to your own family, in 3 to 5 clear, well-ordered sentences.
- Tayahin (assessment): Give your view, opinion, or feeling on excerpts from “Tata Selo” by Rogelio R. Sicat, “Saranggola” by Efren R. Abueg, and the poem “Ang Bilanggo” by Edgar Maranan.
- Karagdagang Gawain (extra activity): Write 3 to 5 explanations on love of country, effective self-discipline, and different faiths.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest; the module says it shows whether you still need the module or can move on. Then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and facilitators: The module notes there is a separate teacher and facilitator guide with tips for guiding learners at home. Encourage honest use of the answer key.
- Teachers: The answer key gives sample answers only, since most items are open-ended. Two rubrics are included: one for explanations (quality of explanation and speaking or delivery, up to 20 points) and one for expression (clarity of the topic, style of delivery, and fitness of ideas, scored 1 to 5 each).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Sanaysay module for?
It is for Grade 8 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 6.
What competency does the module cover?
It covers F8PS-IIg-h-28: clearly explaining one’s own thoughts, views, opinions, and feelings about the literary work discussed.
What are the two types of sanaysay?
The pormal na sanaysay (formal essay) is based on the writer’s research, while the di-pormal na sanaysay (informal essay) is casual, uses simple words, and relies on the writer’s own ideas without research.
Does the module have an answer key?
Yes. It has a Susi sa Pagwawasto with sample answers for the open-ended activities, plus two rubrics for scoring explanations and expression.
Which literary works are used in the module?
It uses excerpts and summaries of Si Ama by Edgardo M. Reyes, Tata Selo by Rogelio R. Sicat, Saranggola by Efren R. Abueg, Ang Bilanggo by Edgar Maranan, and Hiwaga ng Pag-ibig by Welmar Laorden, among others.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 6: Sanaysay
CO_Q2_Filipino 8_ Module 6
[illustration: students reading, writing, and studying under a tree and in a classroom, with a teacher and a globe]
[illustration: stamp-like corner mark reading “PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI”]
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Sanaysay Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Welmar Laorden, SST I
Editor: Dores P. Claro, Maria Consuelo C. Jamera
Tagasuri: Jessie C. Torreon, Jocelyn P. Abellano, Donna May D. Pinguit, Teresita Merlin, Japhet K. Salar, Christy Joyce E. Anino
Tagalapat: Welmar Laorden, Jocelyn P. Abellano, Donna May D. Pinguit, Teresita A. Merlin, Daryl Henry P. Engracia
Department of Education – Region CARAGA
Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS) Teacher Development Center J.Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600 Telefax: (085)342-8207 /(085)342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Sanaysay
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a finger on a circular button]
Ang modyul na ito tungkol sa Sanaysay ay may maramihang gamit. Una, matututunan mo ang mga kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin ng mas higit pa ang iyong pagka-Pilipino.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
- Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay. (F8PS-IIg-h-28)
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Layunin nito na alamin kung kailangan mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa susunod.
Panuto: Basahin ang bahagi ng akda. Ipaliwanag sa 3-5 pangungusap ang iyong sariling pananaw o opinyon sa akdang binasa.
Tahanan ng aking lahi. Pilipinas …..bayang pinagpala, biniyayaan ng masaganang likas na yaman at ng mabubuting mamamayan
Hindi na ikaw si Juan dela Cruz. Tapos na ang mga araw nang pang-aalipin, ng pangungutya, ng pangmamaliit sa iyo. Hindi na ikaw si Juan na laging pinagpapasan ng krus. Ikaw na si Juan Masipag, si Juan Magaling, o si Juan Makabayan o kahit na sinong Juan na may pagmamalaki sa sarili at sa sariling bayan. Nagsisikap ka, gumagawa at nagtatagumpay. Bumabangon ka kung nadadapa nang may tiwala sa sarili at pananalig sa kakayahan. Nag-iisip ka nang masuri at hindi basta-basta sumasang-ayon dahil sa salapi at mga pangako. Hindi mo tinitingnan nang mas mababa ang sarili kaysa sa iba, lalo na sa mga dayuhan. May sarili kang identidad na nangingibabaw sa lahat saanman mapunta, sinuman ang kaharap.
Sagot:
CO_Q2_Filipino 8_ Module 6
Aralin 1: Sanaysay
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Panuto: Basahin ang seleksyon. Batay sa tema nito, iugnay sa programang pantelebisyong iyong napanood. Patunayan ang iyong sagot.
Hiwaga ng Pag-ibig Welmar Laorden
Bawat tao’y naghahanap ng makakasama sa buhay. Isang tao na kayang bumago sa tibok ng ating puso. Ang taong magpaparamdam sa atin ng halaga at kayang baguhin ang ating mapait na nakaraan. Magpapainit sa malamig nating pag-asa at kayang lumaban sa ngalan ng pag-ibig. Hindi man lahat ng tao na kayang magbigay ng lubusang kaligayahan datapwat pag-ibig lamang ang kayang maglarawan ng tunay na kalinga na makikita sa iisang tangi.
Nagsimula ang lahat sa simpleng asaran, text at di naglao’y naging tayo. Sabay nating hinarap ang lahat ng problema at humantong sa pag-iisang dibdib
[chart: flowchart; Balikan graphic organizer]
- Box 1: Pamagat: Hiwaga ng Pag-ibig / Tema: Tapat na Pagmamahalan
- Box 2: Programang Napanood ____________________________ / Tema: ____________________________
- Box 3: Pagpapatunay sa kaugnayan ng dalawang akda: ____________________________________________ ____________________________________________
CO_Q2_Filipino 8_ Module 6
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant]
Pamilyar ba sa iyo ang sumusunod na mga linya? Kung oo, subukang awitin, kung hindi, bigkasin ito nang may angkop na damdamin.
(Bahagi ng awit ni Heber Bartolome)
Tayo’y mga Pinoy, Tayo’y hindi Kano, Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango!
Wikang pambansa ang gamit kong salita, Bayan kong sinilangan, Hangad kong lagi ang kalayaan.
Dito sa Silangan ako isinilang Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Ako ay may sariling kulay na kayumanggi Ngunit hindi ko maipakita ang tunay na sarili.
(Bahagi ng awit ni Florante)
Akoy isang Pinoy sa pusot diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa, Akoy hindi sanay sa wikang mga banyaga, Akoy Pinoy na mayroong sariling wika.
Tungkol saan ang mga siniping linya ng awit? Sumulat ng dalawang pangungusap na nagpapaliwanag ng iyong sariling pananaw sa pinapaksa nito.
a. ____________________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________________
Suriin
[illustration: hand holding a magnifying glass]
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari upang maibigay o mailahad ang kaukulang paliwanag sa ikalilinaw ng paksang pinag-uusapan. Ang akdang ito ay maaring maikli o mahaba. Iniayos na lamang ang inihayag na kuru-kuro o opinyon, damdamin at saloobin, pag-unawa sa kaisipan at sa pananaw ng manunulat.
May dalawang uri ang pagsulat ng Sanaysay
- Pormal na sanaysay – ito ang sanaysay na nabubuo sa tulong ng isinasagawang pananaliksik ng manunulat. Ginagawa ang pananaliksik
CO_Q2_Filipino 8_ Module 6
CO_Q2_Filipino 8_ Module 6
upang lalong mabigyan ng bigat o lalim ang kanyang tinatalakay para sa lubusang ikagaganda ng sanaysay.
Halimbawa:
Sa patuloy na paglipas ng panahon, may mga pagbabagong nagaganap lalong-lalo na sa larangan ng sining at literatura. Ang panitikang kinagisnan natin sa ating mga ninuno ay sagana sa iba’t ibang kulturang Pilipino at kaisipang pang-atin bagamat nakalulungkot isipin na sa panahong ito ay unti-unti nang kinalilimutan. Ayon sa mga eksperto ang panitikan ay ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng bayan. Ang panitikan ay nagbubunsod sa mga tao, nakapagpapadilat sa mata ng mga tao sa tamang katwiran at katarungan.
(Mula sa tesis: Sotero, Frondozo Jr. (1997). Ang Masining na Pagpapahayag ni Merlinda Cueto-Cantre at Reynaldo J. Cruz)
- Di-pormal na Sanaysay – ito ay paglalahad na di nangangahulugan ng gawaing pananaliksik bago mailahad ang kaisipan. Kaswal ika nga ang paglalahad na animo’y nakikipag-usap lamang, simple ang pananalitang gamit na maaari pang singitan ng mga balbal na pananalita. Mapagpatawa minsan ang paglalahad ngunit tulad ng pormal na sanaysay may diwang ipinahahayag. Sa uring ito, sariling talino ng manunulat ang umiiral sa buong sanaysay.
Halimbawa:
TAGUMPAY
Minsan ang tagumpay ay nakalulunod, minsan ay nakapagpapabago ng pananaw sa buhay, ng pag-uugali. Marahil ang sanhi ay dahil di basta-basta nakakamtan ang tagumpay.
Kung talagang gugustuhin ng tao, madaling maabot ang tagumpay kailangan lamang ang tiyaga, pagsisikap, determinasyon sa buhay at paniniwala sa sariling kakayahan. Sa taong may positibong pananaw sa buhay at paniniwala sa sariling kakayahan. Sa taong may positibong pananaw sa buhay, ang tagumpay ay di malayong makamtan lalo na kung sasabayan pa ng sipag. Maraming kilalang tao ang sa kasalukuyan ay matagumpay sa kani-kanilang larangan.
Kung hahalungkatin ang puno’t dulo ng kanilang buhay, madidiskubre nating nagdaan din sila sa ibayong pakikipagsapalaran na siguradong sipag at tiyaga ang puhunan.
Ito ang bunga ng tagumpay tamis at ligaya.
(Ang Masining na Pagpapahayag ni Merlinda Cueto-Cantre at Reynaldo J. Cruz)
CO_Q2_Filipino 8_ Module 6
Modelo sa kasanayang ipinaangkin ng kompetensi sa MELCs;
Habang ang pandemyang corona virus (COVID-19) ay patuloy na nakaapekto sa ating lahat, marami sa atin ang nagdurusa sa pagkawala ng isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan. Ang pagkamatay ng isang minamahal ay mahirap, ngunit malamang na gawing lalong mahirap ng pandemya ang pagkaya sa pagkawala. Parehong ang likas na katangian ng sakit na COVID-19 at ang mga hakbang na kailangan upang mapigil ito ay nagbabadya ng kakaibang mga paghamon sa ating lahat.
Pansariling kaisipan:
Ang mawalan sa buhay ang pinakamasakit na dulot ng pandemyang ito. Ang pandemyang mabilis kumalat kung saan higit na kalinisan at disiplina sa sarili ang sulosyon.
Pananaw :
Sinuman sa anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit. Ngayon higit na kailangan ang ibayong pag-iingat at pagpapalakas ng katawan
Opinyon:
Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin natin ang may sakit. Tayo ay dapat na maging responsable sa lahat ng nangyayari sa ating kapaligiran. Isiping maging handa sa lahat ng bagay upang hindi magsisi sa huli.
Saloobin:
Nakalulungkot isipin na lalong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating mundo. Lahat ng tao ay biktima nito, nag-aalala paminsan-minsan, at kung mag-iisip nang maaga, makatutulong ito sa pagbabago ng lunas upang hindi tayo gaanong mangamba. Ugaliin lamang nating maging alerto sa lahat ng bagay.
Sa araling ito, ginagamit natin sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin ang di-pormal na pagkakasulat ng sanaysay. Gagamit ng simpleng mga pananalita lamang sa pagpapahayag nito. Nailalahad ang sarili nilang talino batay sa iba’t ibang paksang tinatalakay.
Pagyamanin
Basahin ang buod ng Si Ama ni Edgardo M. Reyes at ipaliwanag sa 3-5 pangungusap ang iyong sariling kaisipan tungkol dito.
Ang “Si Ama” ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa isang tatay na kakaiba. Kakaiba dahil malayong-malayo ang ugali niya sa mga karaniwang tatay. Siya ay isang Ama na may sariling paninindigan sa buhay gaya ng hindi pangungutang sa ibang tao, hindi paghingi ng pera o tulong sa kanyang pamilya at hindi siya nakikialam sa buhay ng kanyang mga anak lalo na ang buhay pag-ibig nila. Ikinuwento rin dito ang naging ligawan ni Ama at ni Ina, kung paanong hindi nagkunwari si Ama upang makuha ang loob ng tatay ni Ina ngunit, ipinakita niya ang kanyang totoong pagkatao. Ito rin ay tungkol sa isang Ama na may magandang kaugalian gaya ng pagiging responsable at pagiging masipag.
Isaisip
Isulat sa dyornal ang iyong mga natutuhan at naramdaman
Madali kong natutuhan ang aralin
Hindi ko gaanong nauunawaan ang paksa tungkol sa
Naging madali sa akin ang gawaing _____
Ibig ko pang magkaroon ng kaalaman tungkol sa
Isagawa
Panuto: Magbasa ng mga akda na tumatalakay sa Pamilyang Pilipino. Ipaliwanag nang maayos ang iyong saloobin tungkol dito kaugnay sa karanasan ng sariling pamilya.
Pamantayan: 3-5 pangungusap, may malinaw na pagpapahayag at maayos na pagkakasunod-sunod ng kaisipan.
Tayahin
Panuto: Bigyan ng sariling pananaw, opinyon o saloobin ang mga kinuhang bahagi ng akda. Buuin ang paliwanag sa 3-5 pangungusap.
- Habang nakalapit sa rehas ay nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…
Halaw sa huling bahagi ng Kwentong Tata Selo ni Rogelio R. Sicat
- “Magpundar ka ng iyong sariling negosyo. Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”
Halaw sa Kwentong Saranggola ni Efren R. Abueg
- Dinig ko sa lungsod ang sumamo ng tao.
Dama ko sa parang ang paglatag ng abo.
Ngayong bawat araw ay sariwang panganib,
Hindi maghihilom ang sugatan kong awit.
Halaw sa Tulang Ang Bilanggo ni Edgar Maranan
Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng 3-5 pagpapaliwanag tungkol sa paksang ibibigay.
- Pagmamahal sa bayan
- Mabisang Disiplina sa Sarili
- Iba-ibang pananalampalataya
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down, and the answer-key text is read after rotation. Lines marked [?] or [illegible] are uncertain.]
Subukin
Tayong lahat ay nilikha ng Diyos upang magbigay galak sa lahat ng bagay sa daigdig. Mga nilalang na ang kagandahang loob ang dapat na ipareal. Sa lahat ng bagay tayo’y kalimutan ang lahat ng gawa ng Diyos ay dapat pagyamanin at huwag itong gawing maging hadlang sa pagpapakita ng kabutihan. [?]
Tuklasin
a. Ang dalawang awit ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa bayan, sariling wika at kultura.
b. Sumisimbolo sa [illegible] ang mga awit na [illegible].
Pagyamanin
a. Ang pagiging responsableng tao ay napakahalaga sa lahat. Sapagkat [illegible] ang buhay. Tayo’y may kani-kaniyang [illegible] na ikinababahagi ng ating pagpapahalaga sa ibang bagay. [?]
Tayahin
Ang hindi umasa sa iba at tumayo sa sariling mga paa ay [illegible] sa sarili at [illegible] kanilang buhay. [?]
Halaw sa Kwentong Saranggola ni Efren R. Abueg
RUBRIKS SA PAGPAPALIWANAG
| Pagpapahayag | Napakahusay 10 | Mahusay 9 | Di-gaanong mahusay 8 | May malaking kakulangan 7 | Mag-ensayo pa 6 |
|---|---|---|---|---|---|
| Kalidad ng pagpapaliwanag sapat at makabuluhan | Buo at maliwanag | Katamta mang pagpapa liwanag | May kaunting kamalian ang pagpapaliwanag. | Nagpapakita ng kaunting kaalaman. | Ang sinasabi ay malayo sa paksa o tanong. |
| Pagsasalita at pagbigkas | Lubhang naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe | Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe | Di-gaanong malinaw ang paghahatid ng mensahe | Hindi naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe. | Paulit-ulit ang pagbigkas o pagsasalita ng sinasabi |
| KABUUAN | 20 | 18 | 16 | 14 | 12 |
RUBRIK SA PAGPAPAHAYAG
| Pamantayan | Napaka husay 5 | Mahusay 4 | Di-gaanong mahusay 3 | May malaking kakulangan 2 | Mag-ensayo pa 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| Pagpapa hayag sa paksa | Lohikal, malinaw at organisado. Ang mga nakikinig ay nakasusunod sa paksa. . | Maayos at organisado. Ang ibang punto ay nakalilito | Hindi organisado. Hindi naipaliwanag ng maayos. | Paulit- ulit ang punto ng nagsasalita. Walang pagkakaisa ang mga punto na ginamit. | Ang sinasabi ay malayo sa paksa.Ang mga nakikinig ay hindi nagpapakita ng interes habang tinatalakay ang paksa |
| Estilo ng pagpapa hayag | Kitang kita ang kumpyansa sa sarili sa paraan ng pagsasalita. | Kinakaitaan ng maayos na tindig kahit medyo kinakabahan. | Ang boses ay hindi sapat upang marinig at maayos na maiparating ang nais puntuhin. Kitang kita ito sa kumpyansa nya sa sarili. | Paulit-ulit ang pagpapahayag. Kapunapuna na labis ng kabado. | Hindi naipaliwanag ng maayos. Matipid na salita lamang ang ginamit. Kulang sa paliwanag. |
(table continued from the previous page)
| Pamantayan | Napaka husay 5 | Mahusay 4 | Di-gaanong mahusay 3 | May malaking kakulangan 2 | Mag-ensayo pa 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| Kaang- kupan ng Ideyang ginamit. | Sapat, wasto, konkreto at makabuluhan ang impormasyon. Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang maipaliwanag ng maayos. | Sapat at wasto ang ginamit na impormasyon maliban sa kaunting kalituhan upang maipaliwanag ng maayos. | Angkop ang salitang ginamit ngunit hindi sapat ang impormasyong itinuro. | Ang inihandang mga impormasyon ay hindi sapat kulang para sa pagkaunawa ng mga nakikinig. | Hindi alam ang paksa at hindi makapag-isip ng tamang salita sa pagpapahayag. |
Sanggunian
Enrijo, Willita A., Bola, Asuncion B., 2013. Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang. Book Media Press, Inc. and Printwell, Inc. Unang Edisyon.
Samenian, Ria Mae A. 2018. Yugto. Pinagsanib na Wika at Panitikan. Gabay sa Pagtuturo. The Library Publishing House, Inc.
Lilibeth Dayrit Monton, Ma. Celeste del Rosario Aguila at Aida Marquez Guimarie. 1997. Daloy ng Diwa. Wika at Panitikan. Unang Edisyon. Trinitas Publishing Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply