EsP 8 Quarter 2 Module 22: Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 22: “Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan” (three types of friendship). DepEd Caraga Region prepared it for Alternative Delivery Mode, so Grade 8 learners can study at home with help from a parent or guardian. After the module, learners should be able to tell which kind of friendship they give and receive, using Aristotle’s three types of friendship.

What learners will learn

The module develops one learning competency:

  • Nasusuri ang kanyang pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle (analyzes one’s own friendships based on Aristotle’s three types of friendship). (EsP8PB-IIc-6.2)

The module opens with a saying it attributes to Confucius: “Turan mo kung sino ang iyong mga kaibigan, sasabihin ko kung sino ka” (tell me who your friends are, and I will tell you who you are). It then asks learners to think about what they look for when they choose friends.

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan. It uses a short comic strip and everyday examples to show the three types of friendship. Learners then sort real and imagined friendships into these types.

Aristotle’s three types of friendship

The module explains that, for Aristotle, true friendship grows from love between people who know each other deeply. It is a special feeling for a special person, worth more than an ordinary acquaintance. It is not for the good of one person only but for both. Aristotle names three types:

Type (in the module)English meaningWhat it looks likeHow long it lasts
Batay sa pangangailanganBased on need or usefulnessYou are befriended because the other person needs something from youShort; it ends once the need is met
Batay sa pansariling kasiyahanBased on personal enjoymentFriends share the same likes and interests and have fun togetherLonger than the first, but it fades when the shared enjoyment is gone
Batay sa kabutihanBased on goodness or virtueFriends accept each other’s whole person, including weaknesses, and help each other growLong-lasting, because neither side sets conditions

Examples from the module

  • Need: In the comic strip, a boy asks a friend to draw for him and pays with a burger. Another example is Anah, who befriends the smartest classmate to raise her own grades. The module calls this negative: she leans on her friend instead of standing on her own, and the friendship ends once she gets what she wants.
  • Enjoyment: Two friends stroll and play at the plaza because they enjoy the same things. Josh and Angel became best friends through chess, but they stopped talking when Angel moved to another school.
  • Goodness: A friend checks on a sick friend. Here, weaknesses do not break the friendship; they make it deeper, because the friend accepts the whole person.

The module says friendship based on goodness is the highest type. Friendship is a virtue (birtud) because it values justice and the giving of oneself to others. It also reminds learners that not everyone finds such a friend, so they should still value the friendships they have.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): 15 multiple-choice and analogy items.
  • Gawain 1: Para sa Akin! A word web where learners write what “kaibigan” (friend) means to them.
  • Gawain 2: Istorya Ko! Reading the comic strip and answering guide questions.
  • Gawain 3: Masusuri Mo Ba? A story about best friends Alice and Pia. Their friendship breaks when Alice refuses to let Pia copy during a test.
  • Gawain 4: Masubok Nga! Labeling five statements BP (need), BS (enjoyment), or BK (goodness).
  • Gawain 5: Tula Ko, Interpretasyon Mo! Interpreting stanzas of the poem “Pakikipagkaibigan” by Megie M. Lillo, with a rubric.
  • Gawain 6: Dugtungan Mo! Completing sentences about the three types.
  • Gawain 7: Ang Aking Mga Kaibigan A table where learners list five friends, check the type of friendship, and explain why, with a rubric.
  • Tayahin (posttest): 15 items.
  • Karagdagang Gawain: An essay on the saying “The best mirror in the world is an old friend” by Joy Carol, scored with a rubric.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. Ask your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part. You can help by talking about real friends while your child does Gawain 7.
  • Teachers: A note in the module says that if a learner does well in Balikan, they may move on. If not, have them go back to the previous module (Module 21). Use the rubrics for the poem, friend table, and essay activities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 22.

What are Aristotle’s three types of friendship in this module?

Friendship based on need (pangangailangan), friendship based on personal enjoyment (pansariling kasiyahan), and friendship based on goodness (kabutihan).

Which type of friendship is the highest?

The module says friendship based on goodness is the highest type. It lasts the longest because friends accept each other’s whole person without conditions.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, posttest, and several activities. The open-ended tasks are scored with rubrics.

What competency does this module cover?

It covers EsP8PB-IIc-6.2: analyzing one’s own friendships based on Aristotle’s three types of friendship.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan–Modyul 22: Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan

8

[illustration: students reading, studying, and working together under a tree and at a table, with a globe and a lamp]

CO_Q2_EsP 8_ Modyul 22

Pag-aari ng Pamahalaan Hindi Ipinagbibili

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 22: Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Ricardo M. Apat, Rebecca T. Montante, Rashiel Joy F. Lepaopao, Jezzine F. Salar, Jhon Rey C. Clarion, Linda T. Geraldino, Concorde Albert J. Deniega, Jezzine F. Salar Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Jannibal A. Lojero Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

Inilimbag ng Pilipinas sa: _______________________________

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan–Modyul 22: Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

“Turan mo kung sino ang iyong mga kaibigan, sasabihin ko kung sino ka”, ito ang isa sa mga sikat na pahayag ni Confucius hinggil sa pagkilala sa iyong sarili at kaibigan. Nagpapahiwatig itong makikilala ang isang tao batay sa kung sino ang kasa-kasama o itinuturing na kaibigan.

Ikaw ba ay may kaibigan? Mayroon ka bang sinusunod na batayan sa pakikipagkaibigan?

Lahat ng tao ay mayroong kaibigan at hindi maiiwasang iba-iba ang prinsipyo at uri. Maaaring naging kaibigan mo ang tao dahil sa nararamdaman mo ang inyong koneksyon sa mga bagay-bagay o hindi naman kaya ay maligaya ka kung ang pangkat na ito ang iyong kasama. Sa madaling sabi, may kuwento ang bawat ugnayan o relasyong nabuo sa isang pakikipagkaibigan.

Bilang tao, marami tayong batayan sa pagpili ng ating mga kaibigan o kinabibilangang pangkat. Maaaring dahil sa personal na interes o kaya naman ay sa ipinakitang kabutihan.

Sa modyul na ito matututunan mo kung anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinapakita sa isang tao. Lilinangin din ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Nasusuri ang kanyang pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle. (EsP8PB-IIc-6.2)

Subukin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasiyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

  1. Paano masasabing nakabatay sa kabutihan ang pagkakaibigan?

    • A. Ito ay nananatili hanggang may mabuting relasyon ang magkaibigan.
    • B. Ito ay panandalian dahil sa oras na matapos ang pangangailangan, natapos na rin ang pagkakaibigan.
    • C. Karaniwan ito sa kabataan dahil ang damdamin at kapusukan ang namamayani sa buhay nila.
    • D. Karaniwan ang ganitong pagkakaibigan ay dala lamang ng pangangailangan upang magkakaroon ng kasama o kaagapay sa buhay.
  2. Ano ang dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pakikipagkaibigan?

    • A. pagpapayaman ng pagkatao
    • B. pagpapaunlad ng kakayahan
    • C. pagpapabuti ng personalidad
    • D. simpleng ugnayang interpersonal
  3. Matataas ang mga marka ni Fe sa halos lahat ng asignatura dahil magagaling sa klase ang kaniyang mga kaibigan. Inililibre niya ang mga ito sa anumang materyales na kakailanganin sa lahat ng proyekto basta’t igagawa rin siya nito ng proyekto. Anong pagkakaibigan ang mahihinuha natin sa kanila? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. panlibangan
    • C. pangangailangan
    • D. pansariling kasiyahan
  4. Maliliit pa lang sina Nena at Fe ay pareho na silang mahilig kumanta at sumayaw. Ito na ang kanilang naging libangan. Sa tuwing may patimpalak sa kanilang lugar sa pagkanta at pagsayaw ay magkasama silang sumali. Dahil dito, mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ng dalawa? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. panlibangan
    • C. pangangailangan
    • D. pansariling kasiyahan
  5. Tanggap ni Ben ang buong pagkatao ni Alice. Kahit madalas silang hindi magkasundo sa mga bagay-bagay, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan mas lalo pa nga silang naging malapit sa isa’t isa. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ni Ben kay Alice? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. panlibangan
    • C. pangangailangan
    • D. pansariling kasiyahan
  6. Alin sa sumusunod ang pakikipagkaibigang inilalaan sa isang tao sapagkat kailangan niya ito? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. pangangailangan
    • C. pansariling kasiyahan
    • D. kakayahang interpersonal
  7. Alin sa sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang karaniwan sa kabataan? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. pangangailangan
    • C. pansariling kasiyahan
    • D. kakayahang interpersonal
  8. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?

    • A. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
    • B. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
    • C. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito
    • D. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
  9. Saan nakabatay ang pakikipagkaibigang nabuo dahil sa magkapareho kayo ng mga pagpapahalaga? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. pangangailangan
    • C. pansariling kasiyahan
    • D. kakayahang interpersonal
  10. Ano ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan?


  • A. paghahangad ng mabuti para sa sarili
  • B. paghahangad ng mabuti para sa lipunan
  • C. paghahangad ng mabuti para sa buong pamilya
  • D. paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan
  1. “Nariyan kapag kailangan, hindi mahagilap kapag nasa oras ng karangyaan” Anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinahihiwatig sa pahayag?
  • A. batay sa kabutihan
  • B. batay sa panlibangan
  • C. batay sa pangangailangan
  • D. batay sa pansariling kasiyahan
  1. Alin sa sitwasiyon ang nagpapakita ng pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan?
  • A. Kapwa masaya ang magkakaibigan dahil pareho silang mahilig maglaro ng badminton.
  • B. Kinakaibigan ni Tricia si Celyn dahil alam niyang makatutulong ito sa kanyang mga proyekto.
  • C. Hindi nagsasawang alalayan ni Susan si Ana sa pagsasanay nito sa pagsayaw kahit siya’y nahihirapan.
  • D. Matagal nang magkaibigan sina Mario at Ben subalit biglang nagbago si Ben at lumiliban na sa klase dahil nahumaling na pala sa paglalaro ng kompyuter. Kaya, pinagsabihan siya ni Mario.
  1. Aling sitwasiyon ang nagpapakita ng pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan?
  • A. Kapwa masaya ang magkaibigan dahil pareho silang mahilig magbiseklita.
  • B. Tuwang-tuwa si Lina sa bagong kaibigan dahil nasusunod ang lahat ng kanyang kagustuhan.
  • C. Tumagal ang pagkakaibigan nina May at Lyn dahil tanggap nila ang pagkatao ng bawat isa.
  • D. Pinakokopya ni Grace si Dawn sa tuwing sila’y may pagsusulit dahil lagi siyang inililibre ng snack.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa analohiya sa pamamagitan ng paglapat sa malapit na halimbawang bubuo sa diwa.

  1. Pakikipagkaibigang batay sa kabutihan: tanggap ang buong pagkatao; Pakikipagkaibigang batay sa pangangailangan: _____________________
  • A. pagrespeto sa kaibahan ng kaibigan
  • B. kinakaibigan para may kakwentuhan
  • C. kinakaibigan dahil matalino siya sa klase
  • D. pakikipagkaibigan para makasama sa gala
  1. Pakikipagkaibigan batay sa kasiyahan: sumasama lamang si Mac kay Dave tuwing nababagot siya

Pakikipagkaibigan batay sa kabutihan: _____________________________

a. Kinaibigan ni Jude si Jasmine dahil may sasakyan ito. b. Magkikita lamang sina Jake at Adrian tuwing maglalaro ng badminton. c. Nagbabahagian ng kani-kanilang sekreto ang magkaibigang Belle at Juana. d. Nais matutong gumuhit ni Risa kaya nakikisama siya kay Alim na isang magaling na ilustrador.

Aralin 1: Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan

“Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.”

-Anonymous

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang ay binabati na kita.

Balikan
Gawain 1: Para sa Akin!

Panuto: Ilahad ang sariling pagpapakahulugan sa salitang kaibigan gamit ang word network graphic organizer. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[chart: word network graphic organizer; Gawain 1: Para sa Akin!] Center: Kaibigan Four surrounding boxes: blank [transcriber’s note: the four outer boxes are empty in the source and are to be filled in by the learner]

Tuklasin
Gawain 2: Istorya Ko!

Panuto: Basahin ang usapan sa comic strip at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

[illustration: comic strip, panel 1 of 3]

  • Panel 1 (speech bubble): Rez, Pwede bang magpaguhit?
  • Panel 1 (number): 1.
  • Panel 2 (speech bubble): Heto na ang burger mo!
  • Panel 2 (speech bubble): Salamat, Joe sa uulitin!

[illustration: comic strip, panels 2 and 3 of the strip]

  • Panel 2 (number): 2.
  • Panel 2 (speech bubble): Wow! Ang ganda pala dito, Cassy.
  • Panel 2 (speech bubble): Oo nga eh! Gala na naman tayo dito bukas Beth ha?
  • Panel 3 (number): 3.
  • Panel 3 (speech bubble): Drew, kumusta ka na? Magpagaling ka!
  • Panel 3 (speech bubble): Salamat sa pag-aalala, Ben. Malapit na akong gumaling!

Iginuhit ni: Alim V. Eviota

Gabay na tanong:

  1. Ano-anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinakita sa comic strip?
  2. May karanasan ka bang katulad ng sitwasyon sa comic strip? Ibahagi ang karanasan.
Suriin

Napag-aralan at natukoy natin sa Modyul 21 ang mga taong itinuring na kaibigan at ang mga aral na napulot mula sa kanila. Samakatuwid, ang pakikipagkaibigan ang isang napakagandang regalong maibibigay sa kapwa at ito rin ang regalong nais matanggap ng bawat isa.

Binigyang kahulugan ni Aristotle na ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at sa iba. Ito ay isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan.

Ayon sa kanya, may tatlong uri ito na makatutulong sa isang tao na masuri kung anong uri ng pakikipagkaibigan ang inaalay sa isang tao. Ang mga ito ay:

  1. Pakikipagkaibigan batay sa pangangailangan;
  2. Pakikipagkaibigan batay sa pansariling kasiyahan at
  3. Pakikipagkaibigan batay sa kabutihan

Kung babalikan natin ang usapan sa comic strip sa bahaging Tuklasin, inilalarawan nito ang tatlong uri ng pakikipagkaibigan.

Ang unang larawan ay nagpapakita ng pagkakaibigang may pangangailangan kung saan ang isang batang lalaki ay nagpapaguhit at nagbibigay ng burger bilang kabayaran. Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay nakabatay sa pangangailangan dahil mauunawaang kinakaibigan lamang siya sapagkat may kailangan ito sa kanya. Halimbawa, kinakaibigan ni Anah ang pinakamatalino sa kanilang klase dahil alam niyang makatutulong ito na tumaas ang kanyang marka sa iba’t ibang asignatura. Negatibo ang epekto nito dahil umaasa lamang sa kanyang kaibigan at hindi nakatatayo sa sariling paa. Mawawalang halaga ang pagsisikap ng kaibigan dahil pagkatapos makamit ang kanyang pagnanais ay kasabay rin ang paglaho ng kanilang pagkakaibigan.

Sa ikalawang comic strip, makikitang magkasama ang magkaibigang namamasyal at naglalaro sa plaza. Pareho silang masaya dahil may pagkakatulad ang kanilang hilig at interes na nagbibigay kasiyahan sa kanila. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan na batay sa pansariling kasiyahan ay mas tumatagal kaysa naunang uri ngunit hindi rin pangmatagalan dahil sa pagkakataong mawawala na ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa dalawa ay maglalaho rin ang pagiging magkaibigan. Halimbawa, naging matalik na magkaibigan sina Josh at Angel dahil pareho sila ng interes – ang paglalaro ng chess. Magkasama sila sa iba’t ibang palaro at magkasalo sa lahat nang natamasang tagumpay at kabiguan. Nang lumipat sa

ibang paaralan si Angel ay hindi na sila nagkikita-kita kaya hindi na rin sila nagkakausap.

Samantala, sa ikatlong comic strip masusuri na kahit may kakulangan at kahinaan ang kaibigan hindi ito naging hadlang sa pagkakaibigan. Bagkus, naging dahilan ito na mas lumalim pa ang samahan dahil tanggap ng kaibigan ang buong pagkatao nito. May pagnanais ito na matulungan ang kaibigan na mapunan ang kakulangan at malinang ang kakayahan nito. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan na batay sa kabutihan ay pangmatagalan dahil walang kondisyon ang bawat panig sa kanilang samahan.

Para sa iyo, alin sa tatlong uri ng pagkakaibigan ang nanaisin mo?

Kung ang sagot mo ay pagkakaibigang batay sa kabutihan, Tama! Ito ang pinakamataas na uri ng pagkakaibigan. Itinuturing birtud ang pakikipagkaibigan dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapuwa. Marahil lahat tayo ay pinapangarap na magkaroon ng tapat at tunay na kaibigan bagaman, hindi lahat tayo ay ganoon kapalad na magkakaroon ng ganoong uri ng kaibigan. Marapat na pahalagahan pa rin natin ang anumang pagkakaibigang mayroon tayo nang mapaunlad natin ang ating pakikipagkapwa.

Pagyamanin
Gawain 3: Masusuri Mo Ba?

Panuto: Basahin ang sitwasiyon at sagutan ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Naging matalik na magkaibigan sina Alice at Pia simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Nagustuhan ni Alice si Pia sa pagiging mapagbigay, mabait at palabiro nito. Halos magkasundo rin sila sa lahat ng bagay.

Isang araw, oras na ng pasulit sa pangalawang markahan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao, kinalabit ni Pia ang likuran ni Alice para mangopya ng kanyang sagot ngunit hindi umimik si Alice at hindi siya lumingon dahil natatakot siyang mahuli ng kanyang guro. Alam niyang mali ang magpakopya. Simula noon hindi na siya kinausap ni Pia. Nilapitan ni Alice ang kaibigan para makipag-ayos ngunit umalis ito na para bang walang nakita. Ganoon na lamang ang pagkalungkot ni Alice sa nangyari sa kanilang pagkakaibigan.

Tanong:

  1. Anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinapakita ni Pia sa kaibigang si Alice?
  2. Ano ang maaaring gawin ni Pia para maiwasan ang pangongopya sa kaibigan? Pangatwiranan ang sagot.
  3. Ano ang maaaring solusyon para magkabati sina Alice at Pia?
Gawain 4: Masubok Nga!

Panuto: Suriin ang mga pahayag batay sa kung anong uri ng pakikipagkaibigan. Isulat ang BP kung batay sa pangangailangan, BS kung batay sa sariling kasiyahan at BK kung batay sa kabutihan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Naging kaibigan ni Max si Jay dahil lagi silang magkasama sa paglalaro ng chess.
  2. Si MJ Bert ang tagagawa ng takdang-aralin at proyekto ni Mark.
  3. Magkapatid na ang turingan nina Marga at Cassy sa isa’t isa.
  4. Ikinatuwa ni Ariel ang presensiya ni Jojie dahil palagi siyang pinapatawa nito.
  5. Tanggap nina Andrew at Godwin ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa.
Gawain 5: Tula Ko, Interpretasyon Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang tula pagkatapos ilahad ang sariling interpretasyon sa piling saknong na nakapaloob sa talahayanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pakikipagkaibigan Ni: Megie M. Lillo

Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Saan mang sulok ng mundo
Tiyak makakahanap din ng katoto

May taong akala mong kaibigang tunay
‘Yun pala masama ang pakay
Kaibigan ka kung ika’y maaasahan
Iiwan ka kung hindi na pakikinabangan

Humanap ng kaibigang may mabuting kalooban
Magiging sandalan sa anumang pagdadaanan
Handang tumulong at ika’y aalalayan
Hanggang problema’y masolusyunan

May hindi man pagkakaintindihan
Pagrespeto ay kailangan
Sakaling may pagkakamali sa isa’t isa
Pagsisisi’t pagpapatawad ay ipakita

Ang ugali man ay magkaiba
Komportable at tanggap ang isa’t isa
Parang kapatid na ang turingan
Tunay na kaibigan magpakailan pa man.

Sipi mula sa tulaSariling Interpretasyon
1. May taong akala mong kaibigang tunay ‘Yun pala masama ang pakay Kaibigan ka kung ika’y maasahan Iiwan ka kung hindi na pakikinabangan
2. Ang ugali man ay magkaiba Komportable at tanggap ang isa’t isa Parang kapatid na ang turingan Nag-iisang kaibigan magpakailan pa man.
3. Humanap ng kaibigang may mabuting kalooban Magiging sandalan sa anumang pagdadaanan Handang tutulong at ika’y aalalayan Hanggang problema’y masolusyunan

Rubrik sa Gawaing Tula Ko, Interpretasyon Mo!

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Paghuhusayan Pa (5 puntos)
NilalamanNakapagbigay ng sariling interpretasyon sa 3 sipi na may kaangkupanNakapagbigay ng sariling interpretasyon sa 2 sipi na may kaangkupanNakapagbigay ng sariling interpretasyon sa 1 sipi namay kaangkupan

Isaisip

Gawain 6: Dugtungan Mo!

Panuto: Dugtungan ang mga parirala upang mabuo ang diwa batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle. Piliin sa kahon ang sagot at titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Masasabing ang ipinapakitang pakikipagkaibigan ay batay sa pangangailan kung kinakailangan lamang ang isang tao sa tuwing may _____ ito sa kanya.


  2. Nabubuo ang pakikipagkaibigang nakabatay sa kasiyahan kung ang dalawang tao ay may parehong _____ at _____.


  3. Pakikipagkaibigang batay sa kabutihan naman ang ipinapamalas ng isang tao kung tanggap ang _____ at _____ ng bawat isa.


A. hilig B. kailangan C. buong pagkatao D. kahinaan E. interes

Isagawa

Gawain 7: Ang Aking Mga Kaibigan

Panuto: Pagnilayan ang sariling pamamaraan ng pakikipagkaibigan. Sundin ang mga sumusunod na kaparaanan upang masagutan ang talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Sa unang hanay, magbigay ng 5 kaibigan (kapatid, kapit-bahay, kaklase, kamag-anak, kakilala)
  2. Lagyan ng tsek ang hanay sa uri ng pakikipagkaibigan na iyong naranasan sa kanya.
  3. Magbigay ng paliwanag bilang patunay sa uri ng pakikipagkaibigan na naranasan.
KaibiganNakabatay sa Pangangaila-nganNakabatay sa Pansariling KasiyahanNakabatay sa KabutihanPaliwanag
Halimbawa: Kapit-bahay√Lagi kaming magkakasama sa paglalaro sa internet café dahil pareho kami ng interes.
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 7: Ang Aking Mga Kaibigan (rubrik)

Rubrik sa Gawaing Ang Aking Mga Kaibigan

PamantayanHigit na inaasahan (5 puntos)Nakamit ang inaasahan (4 puntos)Bahagyang nakamit ang inaasahan (3 puntos)Hindi nakamit ang inaasahan (2 puntos)
NilalamanNakalahad ng 5 kaibigan at angkop na angkop ang lahat ng paliwanag na nakabatay sa kahulugan ng tatlong uri ng pakikipagkaibiganNakalahad ng 5 kaibigan ngunit may 1-2 paliwanag na mali at hindi ito nakabatay sa kahulugan ng tatlong uri ng pakikipagkaibiganNakalahad ng 5 kaibigan ngunit may 3-4 paliwanag na mali at hindi ito nakabatay sa kahulugan ng tatlong uri ng pakikipagkaibiganNakalahad ng 5 kaibigan ngunit ang lahat ng paliwanag ay mali at hindi ito nakabatay sa kahulugan ng tatlong uri ng pakikipagkaibigan

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. “Nariyan kapag kailangan, hindi mahagilap kapag nasa oras ng karangyaan” Anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinahihiwatig sa pahayag?

    • A. Batay sa kabutihan
    • B. Batay sa panlibangan
    • C. Batay sa pangangailangan
    • D. Batay sa pansariling kasiyahan
  2. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan?

    • A. Kapwa masaya ang magkakaibigan dahil pareho silang mahilig maglaro ng badminton.
    • B. Kinakaibigan ni Tricia si Celyn dahil alam niyang makatutulong ito sa kanyang mga proyekto.
    • C. Hindi nagsasawang alalayan ni Susan si Ana sa pagsasanay nito sa pagsayaw kahit siya’y nahihirapan.
    • D. Matagal nang magkaibigan sina Mario at Ben.subalit biglang nagbago si Ben at lumiliban na sa klase dahil nahumaling na pala sa paglalaro ng kompyuter. Kaya, pinagsabihan siya ni Mario.
  3. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan?

    • A. Kapwa masaya ang magkaibigan dahil pareho silang mahilig magbiseklita.
    • B. Tuwang-tuwa si Lina sa bagong kaibigan dahil nasusunod ang lahat ng kanyang kagustuhan.
    • C. Tumagal ang pagkakaibigan nina May at Lyn dahil tanggap nila ang pagkatao ng bawat isa.
    • D. Pinakokopya ni Grace si Dawn sa tuwing sila’y may pagsusulit dahil lagi siyang inililibre ng snack.
  4. Alin sa sumusunod ang pakikipagkaibigang inilalaan sa isang tao sapagkat kailangan niya ito? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. pangangailangan
    • C. pansariling kasiyahan
    • D. kakayahang interpersonal
  5. Alin sa sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang karaniwan sa kabataan? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. pangangailangan
    • C. pansariling kasiyahan
    • D. kakayahang interpersonal
  6. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?

    • A. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
    • B. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
    • C. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito
    • D. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
  7. Saan nakabatay ang pakikipagkaibigang nabuo dahil sa magkapareho kayo ng mga pagpapahalaga? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. pangangailangan
    • C. pansariling kasiyahan
    • D. kakayahang interpersonal
  8. Ano ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan?

    • A. paghahangad ng mabuti para sa sarili
    • B. paghahangad ng mabuti para sa lipunan
    • C. paghahangad ng mabuti para sa buong pamilya
    • D. paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan
  9. Paano masasabing nakabatay sa kabutihan ang pagkakaibigan?

    • A. Ito ay nananatili hanggang may mabuting relasyon ang magkaibigan.
    • B. Ito ay panandalian dahil sa oras na matapos ang pangangailangan, natapos na rin ang pagkakaibigan.
    • C. Karaniwan ito sa kabataan dahil ang damdamin at kapusukan ang namamayani sa buhay ng mga ito.
    • D. Karaniwan ang ganitong pagkakaibigan ay dala lamang ng pangangailangan upang magkaroon ng kasama o kaagapay sa buhay.
  10. Ano ang dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pakikipagkaibigan?

    • A. pagpapayaman ng pagkatao
    • B. pagpapaunlad ng kakayahan
    • C. pagpapabuti ng personalidad
    • D. simpleng ugnayang interpersonal
  11. Matataas ang mga marka ni Fe sa halos lahat ng asignatura dahil magagaling sa klase ang kaniyang mga kaibigan. Inililibre niya ang mga ito sa anumang materyales na kakailanganin sa lahat ng proyekto basta’t igagawa rin siya nito ng proyekto. Anong pagkakaibigan ang mahihinuha natin sa kanila? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. panlibangan
    • C. pangangailangan
    • D. pansariling kasiyahan
  12. Maliliit pa lang sina Nena at Fe ay pareho na silang mahilig kumanta at sumayaw. Ito na ang kanilang naging libangan. Sa tuwing may patimpalak sa kanilang lugar sa pagkanta at pagsayaw ay magkasama silang sumali. Dahil dito, mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ng dalawa? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. panlibangan
    • C. pangangailangan
    • D. pansariling kasiyahan
  13. Tanggap ni Ben ang buong pagkatao ni Alice. Kahit madalas silang hindi magkasundo sa mga bagay-bagay, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan mas lalo pa nga silang naging malapit sa isa’t isa. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ni Ben kay Alice? Batay sa:

    • A. kabutihan
    • B. panlibangan
    • C. pangangailangan
    • D. pansariling kasiyahan

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa analohiya sa pamamagitan ng paglapat sa malapit na halimbawang bubuo sa diwa.

  1. Pakikipagkaibigang batay sa kasiyahan: sumasama lamang si Mac kay si Dave tuwing nababagot siya
    Pakikipagkaibigang batay sa kabutihan: _____

    • A. Kinaibigan ni Jude si Jasmine dahil may sasakyan ito.
    • B. Magkikita lamang sina Jake at Adrian tuwing maglalaro ng badminton.
    • C. Nagbabahagian ng kani-kanilang sekreto ang magkaibigang Belle at Juana.
    • D. Nais matutong gumuhit ni Risa kaya nakikisama siya kay Alim na isang magaling na ilustrador.
  2. Pakikipagkaibigang batay sa kabutihan: tanggap ang buong pagkatao;
    Pakikipagkaibigang batay sa pangangailangan: _____

    • A. pagrespeto sa kaibahan ng kaibigan
    • B. kinakaibigan para may kakwentuhan
    • C. kinakaibigan dahil matalino siya sa klase
    • D. pakikipagkaibigan para makasama sa gala

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Kaibigan, Repleksyon Ko!

Panuto: Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag sa mensahe ng kasabihan. gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“The best mirror in the world is an old friend.”

– Joy Carol

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
NilalamanNakalahad ng 5 pagpapaliwanag sa mensahe ng kasabihan.Nakalahad ng 4-3 pagpapaliwanag sa mensahe ng kasabihan.Nakalahad ng 2-1 na pagpapaliwanag sa mensahe ng kasabihan.
Kayarian ng SanaysayOrganisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa bawat talata.Hindi masyadong maayos at malinaw ang paglalahad ng kaisipan sa bawat talata.Walang kaayusan ang paglalahad ng kaisipan sa bawat talata.
Kabuoang Puntos

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this answer key is printed upside down in three columns; it is transcribed here in upright reading order]

Isaisip
Gawain 6
  1. B
  2. A at E
  3. D at C
Tayahin
  1. C
  2. B
  3. A
  4. B
  5. C
  6. D
  7. A
  8. D
  9. A
  10. C
  11. C
  12. D
  13. A
  14. C
  15. C
Balikan
Gawain 1
  1. karamay
  2. kapalagayang loob
  3. kapatid
  4. kasangga
Pagyamanin
Gawain 3
  1. Kaibigang nakabatay sa pangangailangan
  2. Mag-aral sa aralin
  3. Humingi ng tawad sa isa’t isa
Gawain 4
  1. BS
  2. BP
  3. BK
  4. BP
  5. BK
Subukin
  1. A
  2. C
  3. C
  4. D
  5. A
  6. B
  7. C
  8. D
  9. A
  10. D
  11. C
  12. B
  13. A
  14. C
  15. C

Sanggunian

Aklat

Bognot, Regina et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral. 5th Floor Mabini Building, Meralco Avenue, Pasig City, 2014.

Hanguang Elektroniko

Poire, Beth A. Le. Family CommunicationNurturing and Control In a Changing World. n.d. http://www.ffri.hr/-ibrdar/komunikacija/seminari (accessed may 05, 2020).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *