This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, Values Education) self-learning module for Grade 8, Quarter 4, Module 48: “Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga” (right actions of adolescent boys and girls). It was prepared by DepEd Caraga Region (First Edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to show the right actions that prepare them for the next stage of life and for their vocation to love.
The module opens with a proverb: “Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay” (the path of the upright leads away from evil; whoever walks carefully guards his life). It reminds learners that adolescence brings many physical and emotional changes. Old interests fade, and friends their own age matter more. The module helps them understand how sexuality, love, and service to others are connected.
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal (performs the right actions to prepare for the next stage of life as an adolescent and to fulfill the vocation to love). (EsP8IP-IVb-13.4)
What is inside the module
The module has one lesson, Aralin 1, “Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga.” It follows the usual self-learning module parts:
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 15 multiple-choice questions |
| Balikan (review) | Gawain 1: Ayusin Mo! Unscramble terms about true love from the previous module |
| Tuklasin (explore) | Gawain 2: Ang Bagong Yugto! Give advice in three adolescent situations |
| Suriin (discussion) | Read about the right actions of adolescents |
| Pagyamanin (practice) | Gawain 3: Pangatwiranan Mo! Explain two statements (10 points) |
| Isaisip (reflect) | Gawain 4: Dugtungan Mo! Complete four sentences (30 points) |
| Isagawa (apply) | Gawain 5: Make a scrapbook on right actions (15 points) |
| Tayahin (post-test) | 15 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Gawain 6: Iguhit Mo! Make a poster and slogan (15 points) |
Key ideas of the lesson
The module calls adolescence a stage of confusion. It is also the time when learners get to know themselves and grow more responsible in their relationships, their decisions, and their plans for the future.
Developmental tasks from Grade 7
The module reviews these expected actions, or developmental tasks:
- Being responsible in one’s studies as preparation for the next stage of life.
- Discovering and developing one’s abilities and talents, such as singing, dancing, cooking, or designing.
- Building mature relationships with peers, for example by joining school or community programs with other young people.
- Being responsible in following the rules of parents, school, and government.
Right actions in dealing with others (pakikipagkapwa)
Citing Lawlor and Setaysha (2021), the module lists these:
- Speaking respectfully and showing good manners.
- Being open-minded while respecting other people’s views.
- Being sensitive to people’s sexuality, based on their sexual identity or orientation.
- Being ready to help others and joining community activities.
- Relating well with peers.
Right actions in careful decision-making (maingat na pagpapasiya)
- Having self-confidence.
- Being a good and responsible person.
- Being ready to earn a living for the family or to serve others.
- Showing meaningful actions and habits.
Guides for living these actions
- Use appropriate words when talking with others.
- Make time to talk openly about sexuality and biological changes from a young person’s point of view.
- If in a relationship, talk about what should and should not be done. Remember to “wait for the right person” and “practice good sexual health.”
- Be simple but truthful.
- Use social media for good.
- Remember the big role love plays in shaping the vocation to love.
The vocation to love
The module teaches that every person is called to love, and this is our unique vocation. Marriage and having children are not the only ways to live it out. Serving others is also a sign of love, and anyone can do it, even without a spouse or partner.
How to use this module
- Learners: Take the Subukin pretest first to see what you already know. Then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your answers honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key). Ask your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module comes with a guide for whoever supports the learner at home. Help your child stay on track, and use the Tuklasin situations to talk together about crushes, friendship, and body changes.
- Teachers: If a learner does well on the Balikan activity, let them move on. If not, have them go back to the previous module. Use the rubrics printed with Gawain 3 to 6 to grade the written work, scrapbook, and poster.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 4, Module 48. It was prepared by DepEd Caraga Region in 2020.
What does Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga mean?
It means right actions of adolescent boys and girls. The module covers the proper behavior young people need as they prepare for the next stage of life and for the vocation to love.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the Subukin pretest, the Balikan word activity, and the Tayahin post-test.
What is the vocation to love in this module?
The module says every person is called to love. This can be lived out through marriage, and also through serving others, which anyone can do even without a spouse or partner.
What outputs do learners need to make?
Learners write explanations and sentence completions, make a scrapbook on the right actions of adolescents, and make a poster and slogan on the importance of the vocation to love. Each output is graded with a rubric.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 48
Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga
8
[illustration: students of different ages studying at home, some outdoors under a tree and some indoors with a globe, a lamp, and a teacher or parent]
Pag-aari ng Pamahalaan Hindi Ipinagbibili
CO_Q4_EsP8_Module48
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 48: Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: John Rey C. Clarion, Jessine F. Salar Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Judith E. Ecoben, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Ivan Paul V. Damalerio Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa: _____________________________
Department of Education – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the cover title block (Edukasyon sa Pagpapakatao; Ikaapat na Markahan – Modyul 48; Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga; grade 8 number and DepEd logo) and is not transcribed again]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand with a finger pressing a button, inside a circle]
“Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay”. Ang kawikaang ito ay nagpapahayag na kaakibat sa pagtahak sa tamang landas ng buhay ay ang ibayong pag-iingat sa bawat pagkilos at pagganap.
Sa yugtong ito ng iyong buhay ay maraming pisikal at emosyonal na pagbabago kang nararanasan sa iyong sarili. Maaaring ang mga dating gawain na kinatutuwaan ay nalaos na sa iyong panlasa. Ang mga gawaing dating nais gawin ay nabawas na ang interes. Ang pansin ay napunta na sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa sa iba na halos karamihan ay nasa parehong edad. Unti-unti mo nang nililisan ang iyong munting kabataan at dahan-dahang niyayakap ang panibagong yugto ng iyong buhay, ang pagiging binata at dalaga.
Handa ka ba na gampanan at maisagawa nang maayos ang mga angkop at inaasahang kilos ng mga nagbibinata at nagdadalaga?
Sa modyul na ito ay mapapalalim pa ang iyong kaalaman ukol sa kaugnayan ng seksuwalidad, pagmamahal at pagsisilbi sa kapuwa.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal. (EsP8IP-IVb-13.4)
Subukin
[illustration: hand holding a pencil, inside a circle]
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Iisang titik lamang ang isulat sa sagutang papel bilang sagot sa mga katanungan.
Bakit kailangang mapaghandaan ang pagtupad sa bokasyon na magmahal?
- A. dahil mas mauunawaan nila ito habang sila ay bata pa
- B. upang maiwasan ng mga kabataan ang kalituhan sa pagtupad ng bokasyon na magmahal.
- C. sapagkat ang pagdadalaga at pagbibinata ay ang tamang panahon sa paghahanda para sa bokasyon na magmahal
- D. upang malinang ang kakayahan at maisasakatuparan nang maayos ng mga nagdadalaga at nagbibinata ang bokasyon sa pagmamahal
Paano mapaghahandaan ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang bokasyon na magmahal?
- A. sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya at pakikipagkaibigan sa kapwa
- B. sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin na magmahal ng kapwa
- C. sa pamamagitan ng pagkilos nang tama at pagsunod sa mabuting itinuro ng magulang o nakatatanda
- D. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malayang kaisipan at pananaw na may kaugnayan sa pagmamahal at pakikipagrelasyon
Bakit kailangang paghandaan ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang paghahanap-buhay at sa kanilang bokasyon na magmahal?
- A. upang mapaghandaan ang buhay pag-aasawa
- B. upang makamit ang masayang kinabukasan na walang problema
- C. upang magampanan nang maayos ang tungkulin sa pamilya at kapwa
- D. upang maging marangya at masagana ang buhay kasama ang pamilya at mga kaibigan
Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman at pang-unawa sa pananaw ng iyong kapwa tungkol sa paghahanda sa pagbibinata at pagdadalaga?
- A. para mas umunlad ang mga pananaw sa mga bagay-bagay
- B. para mas maintindihan ang kanilang pananaw at saloobin sa buhay
- C. upang ito ay kapupulutan ng mga aral na magagamit sa sariling buhay
- D. upang maigalang ang kanilang pananaw at maiwasan ang hindi pagkakaintindihan
Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng paggawa ng maingat na pagpapasya?
- A. pag-aaral nang mabuti
- B. pagkakaroon ng tiwala sa sarili
- C. pagtuklas ng mga kakayahan at talento sa sarili
- D. pagiging magalang sa kapwa lalong-lalo na sa nakakatanda at awtoridad
Alin sa sumusunod ang bahagi ng pamantayan sa pakikipag-kapwa?
- A. hindi handa sa pagtulong sa kapwa
- B. pagkakaroon ng hindi mabuting asal
- C. pagiging sensitibo sa sekswalidad ng tao
- D. pagtamo ng ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Si Diana ay palakaibigan, wala siyang pinipili kahit anong kasarian lalo na sa mga LGBTQ na kasamahan. Anong kilos ng pagdadalaga ang naisagawa ni Diana?
- A. pagsisilbi sa kapwa
- B. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- C. pagtamo ng ganap o mature na pakikipag-ugnayan
- D. nagagampanan ang papel sa lipunan bilang ganap na dalaga
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Bakit kaya ng ang tao ay pinili upang magmahal?
- A. dahil ito ay may sariling pag-iisip
- B. dahil likas itong masunurin sa Panginoon at sa kapwa
- C. dahil nilikha niya itong kawangis ng kanyang mukha at pagkatao
- D. dahil ang tao ay rasyonal na nilalang na may kakayahang magmahal
Bakit kailangan ang tamang kilos ng nagbibinata at nagdadalaga sa pagtuklas sa kanilang mga kakayahan at talento?
- A. upang mapaunlad ang isip at pangangatawan
- B. upang maging aktibo sa pamayanan at pakikipagkapwa
- C. para magkaroon ng pagkakataon na makihalubilo sa kapwa
- D. upang mapaunlad ang mga kakayahan sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
Si Ela ay aktibo sa pakikiisa sa mga gawain ng kanilang pamayanan. Anong kilos ng pagdadalaga ang isinasagawa ni Ela?
- A. pamantayan sa pakikipagkapwa
- B. pagsisilbi sa mga mahal sa buhay at kakilala
- C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- D. pagganap sa kanyang tungkulin sa pamayanan bilang babae
Bakit mahalagang matutunan ng nagbibinata at nagdadalaga ang mga pamantayang asal sa pakikipagkapwa?
- A. para maging katangi-tanging nilalang
- B. para maisakatuparan ang pagiging mabuting nilalang
- C. upang mas mapalawak ang kakayahan sa pakikipagkapwa
- D. upang magkaroon ng kakayahang magdesisyon para sa sarili
Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng tamang edukasyon sa paghahanda sa pagbibinata at pagdadalaga?
- A. upang makilala sa buong paaralan at maging sa lipunang ginagalawan
- B. para makakuha ng matataas na marka na magpapasaya sa magulang
- C. upang mapalawak ang karunungan magagamit sa pansariling layunin
- D. para malinang ang kasanayang kinakailangan at matuklasan ang sariling kakayahan
May talento sa pag-awit si Dina kaya panay ang kanyang pag-eensayo para sa darating na patimpalak na sasalihan. Anong kilos ng pagdadalaga ang naisagawa ni Dina?
- A. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
- B. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- C. paglinang at pagpapahalaga sa sariling kakayahan
- D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
Kasalukuyang nagpupulong ang mga mag-aaral sa pangkat Apple sa pamamagitan ng online webinar upang mapag-usapan at gagawing patimpalak sa darating na Buwan ng Wika sa pamamagitan ng social media dahil sa pandemya ngunit hindi sila magkasundo sa kani-kanilang mga mungkahi kaya idinaan sa botohan na pinangunahan ng pangulo sa klase. Anong kilos ng pangulo ang naisagawa?
- A. papel sa paaralan
- B. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
- C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
Nagtatrabaho habang nag-aaral si Lando. Sa kabila ng mga tungkulin sa trabaho at pag-aaral ay madiskarte at determinado siyang maisakatuparan ang kanyang pangarap. Anong tamang kilos bilang nagbibinata ang kanyang ipinakita?
- A. pagiging responsible sa pag-aaral
- B. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
- C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
Aralin 1 Tamang Kilos ng Nagbibinata at Nagdadalaga
“Ang pagmamahal ay karapatan, gampanin at kalayaan ng bawat isa.”
John Rey C. Clarion
Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito! Ngayon pa lang binabati na kita.
Balikan
Gawain 1: Ayusin Mo!
Panuto: Tukuyin ang elemento ng tunay na pag-ibig. Ayusin lamang ang pinaghalong salita at gawing gabay o palatandaan ang kahulugan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Isang natural na karanasan, subalit kailangan itong mapamahalaan ng maayos upang ito ay makatulong sa ating paghahanda bilang babae o lalaki. Ito rin ay bunga ng pagpili, may tuon at nag-uugat sa pagmamahal. _____________________
N A G A P A N G S A N L A S K W E S
- Ito ay kadalasang napagkakamalang tunay na pagmamahal, ito ay bunga ng senswalidad na pinupukaw ng pandama at damdamin. _____________________
P Y P U P V E L O
- Ito ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa sarili o true self. _____________________
K U W S A L D I D A S E
- Paraan sa pagtupad ng bokasyon kung saan walang asawa subalit patuloy na nagsisilbi at nagpapamalas ng malasakit at pagmamahal sa kapwa. _____________________
C L E B I C A Y
- Ito ang nagbubuklod sa bawat isa. Karapatan at kalaayan na maipahayag ang nararamdaman sa taong iyong mahal. _____________________
M A M A H A L G A P
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain 2: Ang Bagong Yugto!
Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, marami kang maaaring maranasang suliranin katulad ng mga sitwasyon sa ibaba. Basahin ang mga sitwasyon at tanong na nasa Kolum A at ilagay ang iyong sagot sa Kolum B. Sagutin din ang mga gabay na tanong. Ilagay ito sa iyong sagutang papel.
| Sitwasyon | Sagot |
|---|---|
| 1. Si Arlene ay nasa ikawalong baitang na at lubos siyang naguguluhan dahil nagkakaroon na siya ng paghanga sa kanyang kaklase na si Kevin. Nakararamdam siya ng kakaibang tuwa kapag kasama at kausap niya ito. Kung ikaw ay kaibigan ni Arlene, ano ang nais mong ipaalala sa kaniya lalo na sa pangangasiwa ng sarili sa ganitong mga pagkakataon? | |
| 2. Ang klase nina Joselito ay nagkaroon ng diskusyon patungkol sa seksuwalidad at pagbabagong biyolohikal ng mga nagdadalaga at nagbibinata. Hindi maitago ni Joselito ang pagtawa at pagkahiya habang tinatalakay nila ang ilang bahaging seksuwal sa katawan ng parehong kasarian. May ilan namang mag-aaral ay nahihiya rin at tila ayaw mapag-usapan ang diskusyon na iyon. Kung ikaw ay kapwa-mag-aaral nina Joselito, ano ang nararapat mong ipaalala sa iyong kamag-aral ukol sa mga ganitong usapin? | |
| 3. Si Roy ay kaibigan mong mayroong ugali na kinakausap lamang ang kanyang mga kaibigan kapag siya ay may kailangan dito halimbawa ay manghihiram ng pera o gamit o kaya ay tuwing magpapatulong lang sa mga takdang-aralin kung kaya siya ay walang maituturing na matalik na kaibigan. Bilang isang kaibigan, ano ang maipapayo mo tungkol sa ugali ni Roy? |
Gabay na Tanong:
- Ano ang pagkakahalintulad ng mga sitwasyon na iyong nasuri?
- Kung ikaw ay malalagay sa mga sitwasyong nabanggit, ano ang iyong mararamdaman? Bakit?
- Sa iyong palagay, ano ang dapat taglayin ng mga nagbibinata at nagdadalaga upang mapangasiwaan ang sarili sa pagharap ng iba’t ibang suliranin?
Suriin
Sinasabing ang yugto ng pagdadalaga at pagbibinata ay yugto ng kalituhan. Ito ang panahon na mas kinikilala mo ang iyong sarili at nililinang ang iyong kakayahang maging mapanagutan sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa sarili at kapwa, pagpapasiya para sa sariling pag-unlad, at paghahanda para sa buhay na nais sa hinaharap. Marami ring suliraning ang yugto na ito na dapat mong malaman at maunawaan. Ang ilan sa mga ito ay kaugnay ng mga nabanggit na sitwasyon sa Tuklasin.
Bilang isang binata o dalaga, may mga bagay pa rin na dapat paghandaan upang higit na mapaglingkuran ang pamilya at kapwa at may mga angkop at tamang kilos ang mga kabataan na tulad mo na kailangang matutuhan at malinang upang maging handa sa susunod na yugto ng buhay at sa pagtupad ng bokasyon na magmahal. Ilan din sa mga inaasahang kilos o developmental tasks sa iyo ay natalakay noong ikaw ay nasa Baitang 7. Ito ay ang mga sumusunod:
- Pagiging responsable sa pag-aaral bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
- Pagtuklas at paglinang ng mga kakayahan at talento sa sarili (gaya ng pagawit, pag-sayaw, pagluluto, pagdidisenyo at iba pa).
- Pagtamo ng ganap o mature na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad (pakikiisa sa mga programa ng paaralan o pamayanan kasama ang ibang mga kabataan).
- Pagiging responsable sa pagsunod sa alituntunin ng mga magulang, paaralan at pamahalaan.
Ayon kay Lawlor at Setaysha (2021), ang mga sumusunod ay mga tamang kilos na dapat maisagawa ng mga nagdadalaga at nagbibinata sa aspekto ng pakikipagkapwa at magbuo ng maingat na pagpapasiya.
Pakikipagkapwa
- Pagiging magalang sa pakikipag-usap at pagkakaroon ng kabutihang asal.
- Pagiging malaya at malawak ng pag-iisip na may paggalang sa pananaw ng iba.
- Pagiging sensitibo sa sekswalidad ng tao batay sa pagkakakilanlang sekswal o sekswal na oryentasyon nito.
- Handang tumulong sa kapwa at pakikiisa sa mga gawaing panlipunan.
- Pakikipag-ugnayan sa kasing edad.
Maingat na pagpapasiya
- Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
- Pagiging mabuti at mapanagutan o responsableng indibidwal.
- Pagiging handa sa paghahanap-buhay para sa pamilya o paglilingkod sa kapwa.
- Pagpapakita ng makabuluhang mga kilos at gawi.
Upang magkaroon ng epektibong pangangasiwa at pagsasabuhay ng mga tamang kilos at gawin sa yugto ng pagbibinata at pagdadalaga, narito ang ilang mga gabay.
- Gumamit ng mga angkop na salita sa pakikipag-usap.
- Maglaan ng oras at panahon upang mapag-usapan ng masinsinan kung ano ang seksuwalidad at mga pagbabago sa bayolohikal sa perspektiba at pananaw ng isang kabataang nagdadalaga at nagbibinata.
- Kapag ang kabataan ay nagdadalaga o nagbibinata mas mainam na mapag-usapan ang isyung seksuwalidad at kung paano malilinang ang tamang gawi upang maisakatuparan ang bokasyon pagdating sa pagmamahal.
- Kung nasa isang ugnayan, pag-usapan ang mga dapat at di-dapat gawin. Ipaalalang “Maghintay para sa tamang tao” at “Magsanay ng mabuting kalusugang sekswal.”
- Maging simple ngunit maging totoo.
- Gamitin ang social media sa mabuting gawain bilang pagtugon upang maihanda ang kabataan sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata.
- Ipaalala ang napakalaking gampanin ng pag-ibig sa paghubog ng bokasyong magmahal sa mga nagdadalaga at nagbibinata.
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao. Hindi lamang sa pag-aasawa at pagpaparami ng sangkatauhan ang paraan upang maisakatuparan ang bokasyong ito. Ang pagsisilbi sa kapwa ay isa ring tanda ng pagmamahal na maaring magpasakatuparan ng bokasyong magmahal na kayang gawin ninoman kahit walang asawa o kapareha.
Gaano man kalaki ang hamon ng pagdadalaga at pagbibinata, kailangan harapin at gampanan nang maayos ang mga ito. Dapat maging handa at taglayin ang mga kaalaman na makatutulong upang maging matatag sa pagharap ng hamon.
Sa mga nakaraang baitang ay binigyang-diin ang kahalagan na maunawaan na ang bawat nilalang ay may inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan. Kailangan ito upang malinang ang mga kakayahan para sa susunod na yugto ng buhay, sa pagtupad ng bokasyon na magmahal at sa pagpapairal ng kaayusan sa lipunan.
Pagyamanin
Gawain 3: Pangatwiranan Mo!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang pagpapaliwanag sa sagutang papel.
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Nakikita ito sa pagsisilbi ng isa sa kaniyang kapwa bilang tanda sa pagsasakatuparan ng bokasyong magmahal ano man ang relasyon at kasarian.
Gaano man kalaki ang hamon ng pagdadalaga at pagbibinata, kailangan harapin at gampanan ng wastong kilos ito ayon sa papel ng nagdadalaga at nagbibinata sa lipunan, pakikipagkapwa, at maingat na pagpapasiya.
Rubriks sa Pagmamarka ng Pagpapaliwanag
| Pamantayan | Higit sa Inaasahan (5 puntos) | Nakamit ang Inaasahan (3 puntos) | Hindi Nakamit ang Inaasahan (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| Pagpapaliwanag sa Konsepto | Napakahusay at makabuluhan ang pagpapaliwanag sa ideya ng bawat pahayag. May sapat na detalye ang pagpaliwanag. | Makabuluhan ang pagpapaliwanag sa ideya ng bawat pahayag. May sapat na detalye ang pagpapaliwanag. | Hindi naipaliwanag ang bawat pahayag. Hindi sapat ang detalye ng pagpapaliwanag. |
| Organisasyon ng mga ideya | Lohikal at napakahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. | Lohikal subalit hindi mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. | Magulo at hindi nagkakasunod-sunod ang mga ideya. |
| Kabuoan = 10 puntos |
Isaisip
Gawain 4: Dugtungan Mo!
Panuto: Dugtungan ang pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang talata na may kaugnayan sa paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ako ay magiging responsable sa pagsunod sa mga alituntunin ng aking magulang sa pamamagitan ng _____________________________________________ _____________________________________________________________________.
- Ang pagdadalaga at pagbibinata ng isang indibidwal ay mapaghandaan kung maisagawa ang tamang kilos gaya ng _____________________________________ _____________________________________________________________________.
- Bilang nagdadalaga at nagbibinata mapaghandaan ko ang pagtupad sa bokasyon na magmahal sa pamamagitan ng _____________________________ _____________________________________________________________________.
- Bilang dalaga o binata sa kasalukuyang panahon kung saan hinaharap ng bawat tao ang pandemya, maipalalaganap ko ang pagmamahal sa lipunan sa pamamagitan ng: _____________________________________________________ _____________________________________________________________________.
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Katamtamang Husay (5 puntos) | Kailangan pang Paghusayan (3 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. | Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. |
| Paglalahad sa Bagong Kaalaman/ Interes | Napakaayos at angkop ang pagkalahad ng kaalaman at interes sa paksa. | Maayos at angkop ang pagkalahad ng kaalaman at interes sa paksa. | Di-gaanong maayos at angkop ang pagkalahad ng kaalaman at interes sa paksa. | May nailahad na kaalaman at interes bagaman malayo sa paksang tinalakay. |
| Kaangkupan sa Paksa | Angkop na angkop sa paksa. | Angkop sa paksa. | Di-gaanong angkop sa paksa. | Hindi angkop sa paksa. |
| Kabuoan = 30 puntos |
Isagawa
Gawain 5: Scrapbook
Panuto: Gumawa ng isang scrapbook na naglalaman ng larawan at pagpapaliwanag hinggil sa tamang kilos bilang paghahanda sa buhay ng nagdadalaga at nagbibinata upang maihanda sa pagtupad ng bokasyon na magmahal. Magbigay ng pagpapaliwanag sa nilalaman ng scrapbook. Ipakita ang pagiging malikhain sa paggawa.
Rubrik sa Pagmamarka
| Kraytirya | Higit na inaasahan (5 puntos) | Nakamit na inaasahan (3 puntos) | Bahagyang nakamit na inaasahan (2 puntos) | Hindi nakamit na inaasahan (1 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman ng Scrapbook ukol sa tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | Komprehensibo at malinaw ang pagkakalahad sa mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | Kompleto at maayos ang pagkakalahad sa mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | May ilang kakulangan at di-gaanong maayos ang pagkakalahad sa mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | Maraming kakulangan at walang kaayusan ang pagkakalahad sa mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata |
| Mga halimbawang larawan na nagpapahayag ng mga tamang kilos | Mas malawak at malinaw ang mga halimbawang lawaran na nagpapahayag ng mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | Kompleto at malinaw ang mga halimbawang lawaran na nagpapahayag ng mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | May ilang kakulangan at di-gaanong malinaw ang mga halimbawang lawaran na nagpapahayag ng mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata | Maraming kakulangan at hindi malinaw ang mga halimbawang lawaran na nagpapahayag ng mga tamang kilos ng nagdadalaga at nagbibinata |
| Pagkamalikhain | Kakaiba at maganda ng likhang sining | Maganda ng likhang sining. | May kagandahan ngunit di-gaanong maayos ang likhang sining | Hindi maayos ang likhang sining |
| Kabuoan = 15 puntos |
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Bakit mahalagang matutunan ng nagbibinata at nagdadalaga ang mga pamantayang asal sa pakikipagkapwa?
- A. para maging katangi-tanging nilalang
- B. para maisakatuparan ang pagiging mabuting nilalang
- C. upang mas mapalawak ang kakayahan sa pakikipagkapwa
- D. upang magkaroon ng kakayahang magdesisyon para sa sarili
Bakit kailangang mapaghandaan ang pagtupad sa bokasyon na magmahal?
- A. dahil mas mauunawaan nila ito habang sila ay bata pa
- B. upang maiwasan ng mga kabataan ang kalituhan sa pagtupad ng bokasyon na magmahal.
- C. sapagkat ang pagdadalaga at pagbibinata ay ang tamang panahon sa paghahanda para sa bokasyon na magmahal
- D. upang malinang ang kakayahan at maisasakatuparan nang maayos ng mga nagdadalaga at nagbibinata ang bokasyon sa pagmamahal
Paano mapaghahandaan ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang bokasyon na magmahal?
- A. sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya at pakikipagkaibigan sa kapwa
- B. sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin na magmahal ng kapwa
- C. sa pamamagitan ng pagkilos nang tama at pagsunod sa mabuting itinuro ng magulang o nakatatanda
- D. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malayang kaisipan at pananaw na may kaugnayan sa pagmamahal at pakikipagrelasyon
Bakit kailangang paghandaan ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang paghahanap-buhay at sa kanilang bokasyon na magmahal?
- A. upang mapaghandaan ang buhay pag-aasawa
- B. upang makamit ang masayang kinabukasan na walang problema
- C. upang magampanan nang maayos ang tungkulin sa pamilya at kapwa
- D. upang maging marangya at masagana ang buhay kasama ang pamilya at mga kaibigan
Bakit kailangang magkaroon ng malawak na pang-unawa sa pananaw ng iyong kapwa tungkol sa paghahanda sa pagbibinata at pagdadalaga?
- A. para mas umunlad ang mga pananaw sa mga bagay-bagay
- B. para mas maintindihan ang kanilang pananaw at saloobin sa buhay
- C. upang ito ay kapupulutan ng mga aral na magagamit sa sariling buhay
- D. upang maigalang ang kanilang pananaw at maiwasan ang hindi pagkakaintindihan
Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng paggawa ng maingat na pagpapasya?
- A. pag-aaral nang mabuti
- B. pagkakaroon ng tiwala sa sarili
- C. pagtuklas ng mga kakayahan at talento sa sarili
- D. pagiging magalang sa kapwa lalong-lalo na sa nakakatanda at awtoridad
Alin sa sumusunod ang bahagi ng pamantayan sa pakikipag-kapwa?
- A. hindi handa sa pagtulong sa kapwa
- B. pagkakaroon ng hindi mabuting asal
- C. pagiging sensitibo sa sekswalidad ng tao
- D. pagtamo ng ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Si Diana ay palakaibigan, wala siyang pinipili kahit anong kasarian lalo na sa mga LGBTQ na kasamahan. Anong kilos ng pagdadalaga ang naisagawa ni Diana?
- A. pagsisilbi sa kapwa
- B. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- C. pagtamo ng ganap o mature na pakikipag-ugnayan
- D. nagagampanan ang papel sa lipunan bilang ganap na dalaga
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Bakit kaya tao ang pinili ng Diyos upang magmahal?
- A. dahil ito ay may sariling pag-iisip
- B. dahil likas itong masunurin sa Panginoon at sa kapwa
- C. dahil nilikha niya itong kawangis ng kanyang mukha at pagkatao
- D. dahil ang tao ay rasyonal na nilalang na may kakayahang magmahal
Bakit kailangan ang tamang kilos ng nagbibinata at nagdadalaga sa pagtuklas sa kanilang mga kakayahan at talento?
- A. upang mapaunlad ang isip at pangangatawan
- B. upang maging aktibo sa pamayanan at pakikipagkapwa
- C. para magkaroon ng pagkakataon na makihalubilo sa kapwa
- D. upang mapaunlad ang mga kakayahan sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
Si Ela ay aktibo sa pakikiisa sa mga gawain ng kanilang pamayanan. Anong kilos ng pagdadalaga ang isinasagawa ni Ela?
- A. pamantayan sa pakikipagkapwa
- B. pagsisilbi sa mga mahal sa buhay at kakilala
- C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- D. pagganap sa kanyang tungkulin sa pamayanan bilang babae
Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng tamang edukasyon sa paghahanda sa pagbibinata at pagdadalaga?
- A. upang makilala sa buong paaralan at maging sa lipunang ginagalawan
- B. para makakuha ng matataas na marka na magpapasaya sa magulang
- C. upang mapalawak ang karunungan magagamit sa pansariling layunin
- D. para malinang ang kasanayang kinakailangan at matuklasan ang sariling kakayahan
May talento sa pag-awit si Dina kaya panay ang kanyang pag-eensayo para sa darating na patimpalak na sasalihan. Anong kilos ng pagdadalaga ang naisagawa ni Dina?
- A. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
- B. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- C. paglinang at pagpapahalaga sa sariling kakayahan
- D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
Kasalukuyang nagpupulong ang mga mag-aaral sa pangkat Apple sa pamamagitan ng online webinar upang mapag-usapan ang gagawing patimpalak sa darating na Buwan ng Wika sa pamamagitan ng social media dahil sa pandemya ngunit hindi sila magkasundo sa kani-kanilang mga mungkahi kaya idinaan sa botohan na pinangunahan ng pangulo sa klase. Anong kilos ng pangulo ang naisagawa?
- A. papel sa paaralan
- B. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
- C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
Nagtatrabaho habang nag-aaral si Lando. Sa kabila ng mga tungkulin sa trabaho at pag-aaral ay madiskarte at determinado siyang maisakatuparan ang kanyang pangarap. Anong tamang kilos bilang nagbibinata ang kanyang ipinakita?
- A. pagiging responsible sa pag-aaral
- B. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
- C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
- D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
Karagdagang Gawain
Gawain 6: Iguhit Mo!
Panuto: Gumawa ng poster at islogan na nagpapakita sa kahalagahan ng bokasyon na magmahal bilang isang dalaga o binata.
Mga kagamitan:
- long size bond paper
- lapis
- Pentel pen
- krayola / pastel
- ruler
Rubrik sa Paggawa ng Poster at Islogan
| Pamantayan | Napakahusay (5 puntos) | Mahusay (3 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (1 puntos) |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng nilalaman sa Tema | Napakahusay at Angkop sa tema ang desinyo at islogan | Mahusay ngunit hindi masyadong angkop sa tema ang desinyo at islogan | Hindi angkop sa tema ang desinyo at islogan |
| Pagkamalikhain at orihinalidad sa pagguhit at islogan | Napakamalikhain at 100 % orihinal ang iginuhit at islogan | Malikhain at 75% na orihinal ang iginuhit at islogan | Hindi malikhain at 50% na orihinal ang iginuhit at islogan |
| Malinaw na naipahayag ang mensahe sa iginuhit | Napakalinaw ang pagkalahad sa mensahing “kahalagahan ng bokasyon na magmahal” sa iginuhit | Malinaw ang pagkalahad sa mensahing “kahalagahan ng bokasyon na magmahal sa iginuhit | Hindi malinaw ang pagkalahad sa mensahing “kahalagahan ng bokasyon na magmahal” sa iginuhit |
| Kabuoan = 15 puntos |
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- D 1.
- C 2.
- C 3.
- D 4.
- B 5.
- C 6.
- C 7.
- D 8.
- D 9.
- D 10.
- C 11.
- D 12.
- C 13.
- C 14.
- A 15.
Balikan
- Pagnanasang Sekswal 1.
- Puppy Love 2.
- Seksuwalidad 3.
- Celibacy 4.
- Pagmamahal 5.
Tayahin
- C 1.
- D 2.
- C 3.
- C 4.
- D 5.
- B 6.
- C 7.
- C 8.
- D 9.
- D 10.
- D 11.
- D 12.
- C 13.
- C 14.
- A 15.
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Hanguang Elektroniko
Abello, J.(n.d.). Ways To Respect Your Parents. https://inspiringtips.com/ways-to-respect-your-parents/ (accessed June 6, 2020).
Gupta, Parama. (2020, May 27). Ways To Teach Children To Respect Law and Authority. https://www.parentcircle.com/article/5-ways-to-teach-children-to-respect-law-and-authority/ (accessed June 6, 2020).
Mahoney, K. (2019, March 18). Tips For Obeying Your Parents. https://www.learnreligions.com/tips-for-obeying-your-parents-712224 (accessed June 6, 2020).
Parker, Wayne. (2018, February 15). Teaching Children to Respect Law. https://www.liveabout.com/teaching-children-to-respect-law-1271031 (accessed June 6, 2020).
Jenna Lawlor. (2021). Preparing for Puberty. https://www.chelomleavitt.com/preparing-for-puberty/)
Oceana Setaysha. (n.d.). The Simple Guide for Sex and Puberty to your Kids. https://www.stayathomemum.com.au/my-kids/the-simple-guide-sex-and-puberty -to-your-kids/)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply