This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 self-learning module for Quarter 4, Module 46: “Pagharap sa mga Isyung Pansekswalidad” (facing issues about sexuality). It is an Alternative Delivery Mode module, first edition 2020, published by DepEd Caraga Region for Grade 8 learners studying at home. After working through it, learners should be able to examine current sexuality issues from a correct and responsible point of view.
What learners will learn
The module states one learning competency:
- Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad (analyzes some current issues according to the right view of sexuality). (EsP8-III-13.2)
The module explains that sexuality is a key part of becoming a whole person. Growing as a person is not only physical and biological, because parents have a big role in shaping it. Young people need guidance so they form the right views on the sexuality issues around them.
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1: “Tamang Pananaw sa Napapanahong Isyu sa Sekswalidad” (the right view of current issues on sexuality). It opens with a review of the previous module and a reading of the MTRCB “Rated SPG” reminder heard before TV shows. Learners then study the main sexuality issues in society and how to respond to them.
Key sexuality issues discussed in the module
The module notes that the media, TV, and the internet spread these issues quickly. Parents’ guidance strongly shapes how young people think, feel, and act about sexuality.
- Pornograpiya (pornography): Obscene reading materials and shows spread fast online. Too much viewing harms mental health, especially for young people. It can lead to abnormal sexual behavior, such as rape, and to teenage pregnancy.
- Pre-marital sex: Sexual activity between two people who are not married and not ready for the results. It can affect mental and physical health, for example through STDs and teenage pregnancy.
- Teenage pregnancy: Early pregnancy of a young girl because of a wrong decision. Mother and child may face health complications. The mother may feel deep shame and fear of responsibility, which can push her toward harmful choices such as abortion.
- Aborsyon (abortion): Removing the fetus from the uterus, which ends the pregnancy. The module states it is a crime in the Philippines because it violates the baby’s right to life. It can also cause health complications for the woman.
- Sexually Transmitted Diseases (STDs): Diseases caused by bacteria, viruses, or parasites passed through sexual contact, blood, semen, or other body fluids. Some cases come from sexual abuse.
- Oryentasyong sekswal (sexual orientation): A person’s deep emotional, affectional, and sexual attraction. The module divides it into heterosexual and homosexual. It also defines the terms in LGBTQIA: lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual.
- Gender identity: A person’s deep inner sense and personal experience of gender, which may or may not match the sex assigned at birth. The module links this to gender equality, or equal rights and treatment. For example, the old belief that schooling is only for boys is giving way to equal chances for girls and boys.
- Body shaming: Mocking or shaming people for their body shape, common on social media. The module connects it to bullying and cyberbullying, loss of self-confidence, depression, and even suicide. It reminds learners that a person’s beauty lies in kindness, not body shape.
The module also presents the SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill, or Anti-Discrimination Bill). It lays out the arguments of those who support it and those who oppose it. It concludes that, whether the bill passes or not, people should show respect for one another despite differences. It ends by stressing gender sensitivity: open-mindedness and understanding of differences, together with parents’ guidance.
Activities in the module
| Part | Activity | What learners do |
|---|---|---|
| Subukin | Pretest | 15 multiple-choice items |
| Balikan | Gawain 1: Tala-Kahulugan! | Define “sekswalidad” using a graphic organizer |
| Tuklasin | Gawain: Kritiko ka Ngayon! | Reflect on the MTRCB SPG reminder |
| Pagyamanin | Gawain 2: Hulaan Mo! | Fill in missing letters to complete key terms and explain them |
| Pagyamanin | Gawain 3: Suri-Sanhi! | Research causes of each issue and give a personal view |
| Pagyamanin | Gawain 4: Tula ko, Suriin mo! | Read two poems and answer seven questions |
| Isaisip | Gawain 5: Suri-Teksto! | Read the story of Carlo and Nene and answer five questions |
| Isagawa | Gawain 6: Isyung Pansekswalidad Iiwasan Ko! | List ways to avoid each sexuality issue |
| Tayahin | Post-test | 15 multiple-choice items |
| Karagdagang Gawain | Gawain 7: Paggawa ng Islogan | Make an advocacy slogan (40 points) |
The written activities come with scoring rubrics.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first to see what you already know. Then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto), and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module expects you to guide your child through the topic. Talk calmly and openly, as the module’s own examples recommend.
- Teachers: The module includes a note for teachers. If a learner does well in Balikan, let the learner continue. If not, have the learner go back to the previous module. Use the rubrics to score the open-ended activities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 46.
What sexuality issues does the module cover?
It covers pornography, pre-marital sex, teenage pregnancy, abortion, STDs, sexual orientation, gender identity and gender equality, and body shaming. It also discusses the SOGIE Bill.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the post-test (Tayahin), and Gawain 2. The open-ended activities are scored with rubrics.
What does gender identity mean in this module?
It is a person’s deep feeling and personal experience of gender, which may or may not match the sex at birth. It includes how a person dresses, speaks, and acts.
Can learners write on the module?
No. Learners should keep the module clean for others to use and write all answers on a separate sheet of paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Ikaapat na Markahan – Modyul 46: Pagharap sa mga Isyung Pansekswalidad
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
[illustration: students reading, studying, and working together beside a large globe, a lamp, and a tree]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 46: Pagharap sa mga Isyung Pansekswalidad Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Jezzine F. Salar, John Rey C. Clarion |
| Editor: | Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib |
| Tagasuri: | Megie M. Lillo, Judith E. Ecoben, Rashiel Joy A. Lepaopao |
| Tagaguhit: | Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat |
| Tagalapat: | Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Eljun A. Calimpusan |
| Tagapamahala: | Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol Jr. Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares Lope C. Papeleras, Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina |
Inilimbag sa:
Department of Education – Caraga Region
| Office Address: | Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 |
|---|---|
| Telefax No.: | (085) 342-5969 |
| Email Address: | caraga@deped.gov.ph |
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 46: Pangharap sa mga Isyung Pansekswalidad
[transcriber’s note: this page is a second title page; the word “Pangharap” is printed as shown here, and the title on page 1 reads “Pagharap”]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: a hand with a pointing finger inside a circle]
Ang sekswalidad ang isa sa pangunahing lunsaran sa pagtamo ng pagiging ganap na tao – lalaki o babae. Hindi lamang nasusukat sa pisikal at bayolohikal na aspeto ang pagkabuo ng pagkatao sapagkat may malaking tungkulin na ginagampanan ang mga magulang sa paghubog nito.
Bunsod nito, umuusbong ang iba’t ibang isyung pansekswalidad na pumupukaw sa pansariling seksuwal na interes na nangangailangan ng masusing pag-aaral at mabigyan ng tamang pananaw.
Mahaba man ang magiging proseso, patuloy lamang sa pagpapatupad ng paglinang sa mga wastong pananaw hinggil sa mga isyung ito upang hindi malihis sa maling landas ang kabataan.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad. (EsP8-III-13.2)
Subukin
[illustration: a hand holding a pencil inside a circle]
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Ano ang nararapat gawin ni Aling Selya kung naabutan niyang nanonood ng malaswang bidyo sa internet ang menor de edad?
- A. Hahayaan siyang manood ng palabas na iyon.
- B. Sisigawan ang anak at papatayin ang kompyuter.
- C. Pagagalitan ang anak at sasabihang hindi na siya pagagamitin ng internet.
- D. Papatayin ang pinapanood na palabas at kakausapin ito ng masinsinan.
Alin sa sumusunod ang maaaring bunga ng labis na panonood ng mga palabas na may maseselang tema?
- A. Naitataguyod nito ang pagmamahalan sa bawat isa.
- B. Napagaganda ang takbo ng buhay at relasyon ng buong miyembro ng pamilya.
- C. Nauuwi sa abnormal na aktibidad panseksuwal na maaaring humahantong sa panghahalay.
- D. Humahantong sa pagkalulong ng mga anak sa alak at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Anong isyung pansekswalidad ang maaaring kahantungan ng isang batang ina na nakararanas ng labis na kahihiyan at takot sa magiging responsibilidad sa ipinagbubuntis?
- A. aborsyon
- B. body shaming
- C. gender stereotyping
- D. role confusion
Si Aya ay may kakaibang pangangatawan kaya nilalait at pinagtatawanan ng mga kalalakihan sa kanilang lugar. Anong uri ng isyung pansekswalidad ang inilalarawan sa sitwasyon?
- A. Body Shaming
- B. Gender Stereotyping
- C. Oryentasyong Seksuwal
- D. Teenage Pregnancy
Magtatapos na sana ng High School si Nimfa. Ngunit nalaman ng kanyang mga magulang na siya ay buntis. Sa iyong palagay, ano ang mas mainam na gawin ng kanyang mga magulang?
- A. Pag-usapan nang mahinahon ang problema.
- B. Ilihim ang nangyari upang maka-iwas sa kahihiyahan.
- C. Itakwil ang anak dahil nadungisan nito ang kanilang pangalan.
- D. Pagalitan ang anak dahil sinira nito ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng magandang buhay.
Ano ang dahilan ng paglaganap at pagdami ng mga napapanahong isyu ng sekswalidad sa lipunan?
- A. impluwensya ng medya, telebisyon at internet
- B. pagpili ng mga taong makipagsabayan sa uso
- C. paglaganap ng mga babasahing naglalaman ng karahasan
- D. nakakalimutan ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak
Ano ang maaring gawin upang maiwasan ang panonood ng mga bata ng malalaswang palabas?
- A. Ugaliing samahan ang mga anak sa lahat ng oras ng panonod ng palabas.
- B. Hikayatin ang mga anak na maging aktibo sa ibang bagay o gawain na makabuluhan.
- C. Pag-iwas sa paglilihim sa mga magulang ng kanilang mga anak.
- D. Hayaang pakialaman ng mga magulang ang personal gadgets ng kanilang mga anak upang mas mabantayan ang kanilang tinitingnan sa internet.
Nakita ni Teacher Monica ang mga nagkukumpulang mga bata sa ilalim ng malaking puno. Hindi napansin ng mga bata ang papalapit na guro, kung kaya ay laking gulat ng guro nang makina na ang pinapanood ng mga bata ay malalaswang palabas. Ano ang nararapat gawin ni Teacher Monica?
- A. Pagagalitan ang mga bata
- B. Ipapatawag ang mga magulang dahil sa kanilang maling pagpapalaki sa mga anak
- C. Dadalhin ang mga mag-aaral sa Guidance Office pagsasabihan at bibigyan ng tamang paggabay
- D. Paparusahan ang mga bata sa kanilang ginawang walang kabuluhan
Madalas na naiuugnay ang pahayag na ito sa pagdedesisyon ukol sa premarital sex: “Kung tunay ang nararamdaman mo, ibibigay mo ang iyong sarili sa akin kahit hindi pa tayo pinag-iisang dibdib.” Bilang kabataan na may tamang pananaw tungkol sa sekswalidad, ano ang nararapat mong gawin kung makaririnig ka ng ganitong pahayag mula sa iyong kasintahan?
- A. Pumayag sa gusto nito upang mapatunayan ang iyong damdamin.
- B. Pagtataasan ito ng boses at isusumbong sa kanyang mga magulang.
- C. Magtatanong sa kakilala tungkol sa bagay na ito dahil naguguluhan ka.
- D. Masinsinang kausapin ang karelasyon at sabihing hindi ka pa handa sa ganitong uri ng gawain.
May isang ina sa Barangay Mapalad na hinuli ng mga pulis dahil sa pagbubugaw ng kanyang menor de edad na anak na babae sa mga foreigner sa internet. Ayon sa kanya, nagawa lang daw niya ito dala ng kahirapan. Ano ang magiging bunga nito sa buhay ng bata?
- A. maaring yumaman sila sa pambubugaw
- B. hindi pa siya makapagdesisyon para sa sarili niya
- C. magtatanim siya ng sama ng loob sa kaniyang ina
- D. magdudulot ng matinding trauma sa bata ang nangyari
Tama ba na sa murang edad ay maimulat na ang kabataan kung ano ang mga isyu tungkol sa sekswalidad?
- A. Hindi, dahil makasasama ito sa kanilang inosenteng pag-iisip
- B. Oo, dahil malaki ang tulong nito para may alam na sila
- C. Oo, upang magabayan ang mga kabataan hinggil sa tamang gawain
- D. Hindi, dahil magkakaroon sila ng ideya sa mga gawaing tungkol sa sekswalidad
Niyaya ka ng iyong mga kaklaseng manood ng sine na may malalaswang tema. Kailangan daw ito para hindi maging mangmang sa ganitong uri ng gawain. Anong isyung pansekswalidad ang malinaw na ipinakita sa sitwasyon?
- A. Gender Identity
- B. Pornography
- C. Sexual Orientation
- D. Teenage Pregnancy
Hindi pinayagan ni Aling Seya ang anak niya na babaeng makapag-aral dahil siya ay naniniwala na ang mga babae raw ay dapat nasa bahay lamang at inaasikaso ang kanilang pamilya. Anong isyung pansekswalidad ang nangingibabaw sa sitwasyon?
- A. Gender Confusion
- B. Gender Equality
- C. Gender Identity
- D. Gender Role
Lumaki si Albert na nalilito sa kanyang pagkatao. Iniisip nito na siya ay babae kahit ipinanganak siyang lalaki. Anong ideya ang malinaw na ipinapakita sa sitwasyon?
- A. Gender Confusion
- B. Gender Equality
- C. Gender Identity
- D. Gender Role
Maagang nakipagrelasyon si Julia at dahil dito ay nabuntis siya ng kanyang kinakasama. Alam niya sa sarili na hindi pa siya handa sa ganitong kabigat na responsibilidad sa kanyang edad. Anong uri ng isyung pansekswalidad ang naranasan ni Julia?
- A. Aborsyon
- B. Oryentasyong sekswal
- C. Pornagrapiya
- D. Teenage Pregnancy
Aralin 1 Tamang Pananaw sa Napapanahong Isyu sa Sekswalidad
“Walang sekswalidad ang nakalalamang, sa lipunan ay pantay-pantay ang karapatan”
- Anonymous
Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.
Balikan
Gawain 1: Tala-Kahulugan!
Panuto: Bigyang kahulugan ang salitang Sekswalidad. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: graphic organizer; untitled, blank web diagram with the word SEKSWALIDAD in the center circle and five empty ovals around it]
Rubriks sa Pagwawasto ng Sagot
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Katamtaman (6 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (4 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. | Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang ng isa at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. |
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain: Kritiko ka Ngayon!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumunod paalala at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Bago magsimula ang palabas sa telebisyon palaging maririnig ang paalalang ito mula sa Movie and Television Review and Classification Board:
“Ang susunod na programa ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa mga bata.”
-MTRCB
Gabay na tanong:
- Para kanino ang paalala na iyong nabasa?
- Ano-anong mga uri ng palabas hindi maaring panoorin kung may rated SPG?
- Bakit mahalaga ang mga paalalang ito, lalo na sa mga palabas na may hindi kaaya-ayang tema tulad ng sekswal?
- Bilang kabataan, paano makakatulong sa iyo ang mga paalalang katulad nito na may kinalaman sa mga napapanahong isyu sa lipunan?
Suriin
Ang sekswalidad ay may malawak na saklaw. Kaugnay nito ang pagkakaroon ng pag-unawa sa damdamin at atraksiyon ng tao sa kapwa. Ang pag-unawa sa sekswalidad ay nakatutulong sa paghahanap ng kasagutan tungo sa pagtamo ng ganap na pagkatao.
Kung babalikan ang isang paalala sa bahaging Tuklasin ay nabanggit dito na kinakailangang ang patnubay at gabay ng mga magulang sa panunuod ng anak sa mga palabas sa telebisyon. Malinaw na ang mga palabas na may paalalang ito ay lubos na nangangailangan sa pagpapahalaga ng magulang sa pagbibigay ng gabay sa mga anak tungo sa pagtamo ng tamang pananaw tungkol sa mga napapanood, tulad ng mga usaping may kinalaman sa sekswalidad. Ang pananaw ng kabataan sa sekswalidad ay lubos na nakakaimpluwensiya sa kanyang pag-uugali, kilos, at sa kanyang buong pagkatao.
Habang lumilipas ang panahon ay nagbabago ang pananaw ng tao sa usaping sekswalidad. Kasabay nito ang pag-usbong ng mga napapanahong isyu na kailangan bigyan ng tamang pagtugon na makakaapekto sa pagbuo ng perspektibo ng mga kabataan sa usaping pansekswalidad.
Ilan sa mga isyung pansekswalidad ay ang sumusunod:
Pornograpiya o malalaswang babasahin at palabas
Ito ang isyung dapat pakatutukan ng karamihan dahil nagdadala ito ng problema sa lipunan na nagdudulot ng pang-aabuso sa nakararami. Bunsod ito ng mas madaling pagkalat ng mga babasahin at palabas na may maseselang paksa dahil sa mabilisang pag-access sa internet at iba pang uri ng komunikasyon. Ang labis na panonood ng mga palabas na ito ay nakasasama sa kalusugan ng isipan, lalo na ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga palabas na ito ay nakakukuha ng ideya ang mga kabataan patungkol sa ganitong usapin at maaaring mauwi sa abnormal na aktibidad pansekswal tulad ng panghahalay.
Ayon naman sa mga pag-aaral, ang mga taong matagal nang tumatangkilik sa pornograpiya ay nakararamdam ng labis na kasiyahan o pansekswal na nararamdaman (sex drive) na nauuwi sa pang-aabuso sa sarili (self-masturbation), hindi normal na pakikipagtalik, at teenage pregnancy na laganap sa mga kabataang hindi pa handa ang pag-iisip at katawan sa mga pansekswal na gawain.
Pre-marital sex
Ito ay tumutukoy sa pakikipagtalik o pagpasok sa isang gawaing sekswal ng dalawang indibidwal na hindi pa ikinakasal at hindi pa handa sa maaaring kahihinatnan ng mga gawaing pansekswal. Maaaring humantong ang desisyon na ito sa mga epekto na makakaapekto sa kanilang kalusugan sa pag-iisip, at mga hindi kaaya-ayang epekto sa kalusugan ng mga indibidwal na sangkot sa premarital sex.
Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik (sexually transmitted diseases (STD)), at teenage pregnancy.
Teenage Pregnancy
Ito ay tumutukoy sa maagang pagbubuntis ng isang babaeng nasa murang edad dahil sa maling pagpapasiya. Ang mga batang ina ay maaaring makaranas ng mga negatibong epekto sa kanilang paglaki, tulad ng mga komplikasyon sa kalusugan ng batang ina at ng kanyang anak, at pangsikolohiyang epekto tulad ng pagkakaroon ng labis na kahihiyan at takot sa pagharap sa responsibilidad na dulot ng teenage pregnancy. Ito rin ay maaaring makaapekto sa kanilang kaisipan na magdudulot ng mga desisyon na maglalagay sa kanila sa kapahamakan, tulad ng aborsyon.
Aborsyon
Ang aborsyon ay ang pagpapapalaglag o pagtatanggal ng fetus mula sa uterus ng isang babae, at naghuhudyat ito ng pagtatapos ng kanyang pagbubuntis. Sa Pilipinas, ito ay itinuturing na isang uri ng krimen dahil lumalabag ito sa karapatang pantao ng sanggol upang mabuhay. Bukod rito, maaaring makapagdulot rin ito ng mga komplikasyon sa kalusugan ng isang babae ang pagpapalaglag sa sanggol.
Sexually Transmitted Diseases (STDs)
Ito ay ang mga sakit na dulot ng bacteria, virus o parasite na nakukuha mula sa mga pakikipagtalik at naipapasa sa pamamagitan ng dugo, semen o anumang likido na inilalabas ng indibidwal. Mayroong mga naitalang kaso ng pagkakaroon ng STD mula sa mga pang-aabuso sa aspek ng sekswalidad ng isang indibidwal, tulad ng panghahalay. Ang mga pangyayaring ganito ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon sa kalusugan ng isang indibidwal kung hindi maaagapan, at makakaapekto sa kanilang pagtingin sa sarili dulot ng kasalukuyang kaisipan ng lipunan sa isyu.
Oryentasyong Sekswal
Tumutukoy ito sa nararamdaman ng isang tao na makaranas ng malalim na pagtinging apeksyonal, emosyonal at sekswal at ang malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal at homosekswal.
- Heterosexual – mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian. Halimbawa nito ay ang mga ipinanganak na lalaki na ang gustong makatalik ay ipinanganak na babae at mga ipinanganak na babaeng gusto naman ay ipinanganak na lalaki.
- Homosexual – mga nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian. Sa ganitong oryentasyon, ang mga ipinanganak na lalaki ay gustong makipagtalik sa mga ipinanganak din na lalaki at mga ipinanganak na babae ay mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
Bukod sa lalaki at babae na nakikilala dahil sa pagkakaroon ng mga bahagi ng katawan na kanilang natamo sa kanilang pagsilang (sex), may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBTQIA na nakikilala sa:
- Lesbian (tomboy) – sila ang mga ipinanganak na babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
- Gay (bakla) – mga ipinanganak na lalaki na nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae.
- Bisexual – mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian, babae o lalaki.
- Transgender -ito ay tumutukoy sa isang tao na naniniwala na ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
- Queer – ay tumutukoy sa taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado sa kanyang sekswal na pagkakakilanlan.
- Intersex – ay ang estado ng ipinanganak na may reproductive o sekswal na anatomy na hindi akma sa katangiang pambabae o panlalaki. Halimbawa, lumilitaw sa kanyang tindig ang katangiang pambabae bagama’t ipinanganak siyang lalaki.
- Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
Gender Identity
Ang gender ay tumutukoy sa mga gawi, kilos at pag-uugali ng isang tao na maglalarawan kung ano siya, babae man o lalaki., Dahil dito, ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng tinatawag na role confusion o kalituhan sa kanyang tunay na pagkakilanlan.
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) naman ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex nang siya ay ipanganak. Kalakip dito ang personal na pagtuturing sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Kaakibat ng pagkakaroon ng gender identity ay dapat mapalawak ang pag-unawa sa gender equality o pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan o pagturing ng lipunan.
Halimbawa, sa tradisyunal na paniniwala, ang pag-aaral ay para lamang sa mga kalalakihan, samantalang ang kababaihan ay para lang sa mga gawain sa tahanan. Sa kasalukuyang panahon ay pinapalaganap ang pagkakaroon ng gender equality na kung saan ay parehong binibigyan ng pagkakataon ang babae at lalaki.
Body Shaming
Ang isyung ito ay talamak sa social media kung saan ay nilalait, pinagtatawanan at pinapahiya ang isang tao dahil sa hubog ng kanyang pangangatawan. Kung ang mga may matatabang pangangatawan ay ang madalas na pinagtatawanan, ang mga may payat na pangangatawan naman ay kinukutya rin. Hindi nasusukat sa hubog ng pangangatawan ang kagandahan ng tao kung hindi sa kabutihang-loob nito. Hindi mo dapat ikahiya ang mayroon ka, mahalin muna ang sarili bago magmahal ng iba.
Ang mga isyung pornograpiya, body shaming, pambubulas o bullying at cyberbullying ay masyadong talamak na sa social media. Ang isyung ito ay dapat pagtuonan ng pansin sapagkat wala itong magandang naidudulot sa mga tao lalo-lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, maraming mga kabataan ang naging biktima ng cybersex, cyberpornography o childpornography. Marami ding mga kabataan ang maagang nailantad o pumasok sa mga bagay na tulad ng pakikipagtalik dahil sa mga malalaswang video content na madaling makikita sa mga social media sites. Malinaw din sa lahat na ang mga bata sa kasalukuyan ay may access sa mga site ng social media at ang malalaswang nilalaman na ito ay accessible sa lahat kahit na ang ating mga bata.
Ang pagiging lantad sa ibat’ ibang nilalaman sa social media ay humahantong sa higit na kamalayan sa pangangatawan at sa gayon mas malaki ang tsansa na naihahambingang ang sarili sa iba at tuluyang makaramdam ng kawalan ng kompiyansa. Matindi talaga ang pambubulas o cyberbullying dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga kabataan na nawawalan ng kompiyansa sa sarili hanggang mauwi sa pagkakaroon ng mental health issue o mas kilala sa tawag na depresyon na kung hindi maagapan ay hahantong pa sa pagkitil ng sariling buhay. Ang mga isyung ito ay hindi lamang limitado sa mga kababaihan sapagkat mapababae, lalaki o miyembro ng LGBTQ ay nakararanas ng pambubulas o karahasan mula sa kanilang kapwa.
Naging usapan din sa kasalukuyan ang tungkol sa SOGIE BILL o Ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination Bill. Ito ay isang panukalang batas na iminungkahi ng Kongreso ng Pilipinas na kumikilala sa pagkakaiba-iba ng seksuwalidad ng tao at naglalayong protektahan ang tao mula sa diskriminasyon dahil sa kanilang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian o ekspresyon. Isinusulong ng batas na ito ang pagkakapantay-pantay ng karapatan hindi lamang sa mga miyembro ng LGBTQ kung hindi para sa lahat ng mamamayan. Sa pamamagitan nito ay malayang makapag-access ang isang miyembro ng nasabing komunidad sa iba’t ibang pribado at pampublikong serbisyo, mga pasilidad, edukasyon, trabaho at marami pang iba nang walang takot sa diskriminasyon. Ito ang dahilan kung bakit marami ang sumasang-ayon sa pagpapatupad ng nasabing batas. Bagama’t marami din ang hindi sumasang-ayon dahil para sa kanila ay nagbibigay lamang ito ng espesyal na pagtrato o karapatan sa mga miyembro ng LGBTQ na maaaring maabuso. Ang batas ay maaaring gamitin ng mga miyembro ng LGBTQ upang
magbanta sa ibang tao na maaaring hindi sumang-ayon sa kanilang mga tuntunin, maaari ding gamitin upang pasiglahin o labagin ang kalayaan ng mga tao sa relihiyon at kalayaang ipamuhay ang kanilang pananampalataya. Ang batas na ito ay taliwas sa batas ng ilang simbahan, gawaing pangrelihiyon, kalayaan at paniniwala. Maaaring usigin din ng batas na ito ang karapatan ng mga magulang sa pagpapalaki at pagdesiplina ayon sa kung ano ang katanggap-tanggap at moral. Naging kahinaan din ng batas na ito ang hindi pagbanggit ng anumang proteksyon ng mga tao o batang inabuso at seksuwal na biktima ng mga kabilang sa nasabing komunidad.
Ma-aprubahan man o hindi ang nasabing batas mas mainam pa rin na maipapairal at maipalaganap ng lahat ang paggalang sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaiba.
Ang wastong pag-unawa at pagpapahalaga ng mga kabataan sa sariling sekswalidad, at tamang paggabay ng mga magulang ay makatutulong sa pagkakaroon nang maayos na pagpapasiya at gender sensitivity o bukas na pag-iisip at pag-unawa sa pagkakaiba upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng mga isyung pansekswalidad.
Pagyamanin
Gawain 2: Hulaan Mo!
Panuto: Suriin ang mga pangungusap upang mabuo ang nawawalang letra. Punan ang mga patlang ng tamang letra at ipaliwanag ang kahulugan nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: each puzzle is a row of boxes; one letter per box, empty boxes shown as _____]
- Maagang pagbubuntis ng isang batang babae.
T | _____ | E | N | _____ | _____ | E | [transcriber’s note: shaded cell] | _____ | R | E | _____ | _____ | A | _____ | _____ | Y
- Pagkitil sa buhay ng sanggol sa sinapupunan dahil sa labis na kahihiyan at takot sa nakaatang na responsibilidad.
A | _____ | _____ | R | _____ | I | _____ | O | N
- Ang pakikipagtalik ng mga indibidwal na hindi pa ikinakasal.
P | _____ | _____ | _____ | M | _____ | R | _____ | T | _____ | L | [transcriber’s note: shaded cell] | S | _____ | X
- Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng role confusion.
_____ | E | N | D | _____ | _____ | [transcriber’s note: gray shaded cell] | _____ | _____ | E | N | T | _____ | _____ | Y
- Ang malalaswang babasahin, lathalain at mga hindi kaaya-ayang palabas sa telebisyon na nangangailangan ng patnubay ng magulang.
_____ | O | _____ | N | O | _____ | _____ | A | _____ | I | _____ | A
Gawain 3: Suri-Sanhi !
Panuto: Magsaliksik ukol sa maaring dahilan o sanhi ng mga nabanggit na isyu. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Napapanahong isyu tungkol sa sekswalidad | Sanhi | Reaksyon o sariling pananaw sa isyu |
|---|---|---|
| • Pornograpiya | ||
| • Pre-marital Sex | ||
| • Teenage Pregnancy | ||
| • Sexually Transmitted Diseases (STDs) | ||
| • Oryentasyong Sekswal | ||
| • Gender Identity | ||
| • Body Shaming |
Rubriks sa Pagwawasto ng Sagot
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (12 puntos) | Katamtaman (9 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. | Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. |
Gawain 4: Tula ko, Suriin mo!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng dalawang tula. Sagutin ang sumusunod na katanungan sa inyong sagutang papel.
Nagkulang ba?
ni: Ruth C. Cempron
Bakit naisipan?
Bakit sinubukan?
Sino ang may kasalanan?
Pag-ibig ba o kapusukan lamang?
Ano ang napala?
Sa gawing nagawa
Murang isip ay ‘di alintana
Makamundong kilos ay natamasa.
Magulang ‘di nagkulang sa salita
Wastong edukasyon ipinunla
Nagbunga ng bata
Kapabayaan ba o biyaya?
Ituwid ang landas
Ipagpatuloy pangarap na naiwaldas
Bukas paroon ay maaliwalas
Tamang pasya tangkilikin ipamalas.
Paghubog sa isipan!
ni: John Rey C. Clarion
Ang sakit sa mata
Mga nakikita’y ‘di kaaya-aya
Murang isipa’y sa mali nahulma
Tamang turo ay kinalimutan na!
Ano ang solusyon
Sa ganitong uri ng sitwasyon?
Magbulag-bulagan sa nakikitang suhestiyon
O magkibit-balikat sa nawawasak na pundasyon?
Isa lang ang maitutulong
Gabayan, patnubayan sa bawat panahon
Itama ang mali gamitin matalinong desisyon
Turuan pagyabungin ang edukasyon.
Pornograpiya ay iwaksi
Pagmamahal sa pamilya ipanatili
Huwag ipintakasi
Sa buhay bata mawiwili.
Mga Tanong:
- Ano ang pangunahing paksa ng dalawang tula?
- Ano ang aral o mensaheng nais ipaabot ng may-akda sa mambabasa?
- Anong isyung pansekswalidad ang inilalarawan sa dalawang tula?
- Bakit mahalagang mahubog sa tama ang isipan ng tao?
- Bakit mahalagang magkaroon ng matalino at mapanagutang desisyon ang tao?
- Paano nabigyan ng solusyon ang problemang kinahaharap ng tauhan sa tula?
- Paano maiiwasan ang paglaganap ng mga nabanggit na isyung panseksuwalidad sa tula?
Rubrik sa Pagsagot ng mga Tanong
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (10 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng mga sagot | Nasagutan nang tama ang lahat ng tanong at kinapapalooban ng makabuluhang impormasyon. | Nasagutan nang tama ang iilang tanong at kinapapalooban ng iilang makabuluhang impormasyon. | May sagot sa tanong bagaman malayo sa konseptong hinihingi. |
Isaisip
Gawain 5: Suri-Teksto!
Panuto: Basahin at unawain ang teksto, at sagutin ang sumunod ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
Bata pa lamang si Carlo nang ito ay maimpluwensiyahan ng kanyang mga nakatatandang kapatid sa pagtangkilik ng mga palabas na may malalaswang tema. Dahil dito, siya ay labis na nahuhumaling sa panonood nito. Habang tumatagal ay hindi na siya nasisiyahan sa panonood lamang at naisip niyang subukan na gayahin ang mga nakikita.
Nagmadali siyang pumasok sa isang relasyon nang masubukan ang mga eksenang napanood sa palabas. Nakilala niya si Nene at nagkamabutihan silang dalawa. Lumipas ang ilang buwan ay naghiwalay rin ang magkasintahan. Naging dahilan ang pamimilit ni Carlo na ayaw gawin ni Nene. Bago pa maghiwalay, palaging sinasabi ni Carlo ang katagang: “Nene, kung totoong mahal mo ako ay ibibigay mo
ang iyong sarili sa akin”. Ngunit hindi pumayag si Nene dahil para sa kanya ay hindi dapat ginagawa ng mga kabataan katulad nila ang ganitong gawain. Naisip din niya ang posibleng maging epekto nito sa kaniyang buhay. Natatakot siyang baka ito ang magiging dahilan na hindi siya makapagtapos ng pag-aaral at tuluyang masayang ang pagsisikap ng kaniyang mga magulang. Naaalala din niya sa kanilang leksyon na ang maagang pagbubuntis ay nagdadala ng panganib sa kalusugan at buhay ng parehong ina at ang ipinagbubuntis. Nabanggit din na ang pagiging magulang sa murang edad ay maaaring magdudulot ng emosyonal krisis at mental breakdown dahil hindi pa sila handa sa kabilaang obligasyon o responsibilidad, pagpapahiya, negatibong puna mula sa lipunan, pinansyal na kahirapan at kakulangan ng suporta mula sa pamilya. Kung ang problemang ito ay hindi maagapan baka mauwi pa sa pagpapalaglag o pagpapatiwakal. Napagtanto din niyang ang pagbuo ng pamilya ay nangangailangan nang tamang pagpaplano at paghahanda upang maibagay sa mga anak ang lahat ng kanilang karapatan at maiparanas ang isang masaya, masagana at buong pamilya.
Mga Tanong:
- Anong isyung pansekswalidad ang nabanggit sa teksto?
- Tama ba ang ginawa ni Nene? Pangatwiranan.
- Ano ang magiging resulta kung sakaling pumayag si Nene sa kagustuhan ni Carlo?
- Bakit kinakailangan na may nalalaman ang mga kabataan sa mga isyung sekswalidad katulad ng nabanggit sa teksto?
- Ano ang mahihinuhang konklusyon sa binasa?
Rubriks sa Pagsagot ng mga Tanong
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (10 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng mga sagot | Nasagutan nang tama ang lahat ng tanong at kinapapalooban ng makabuluhang impormasyon. | Nasagutan nang tama ang iilang tanong at kinapapalooban ng iilang makabuluhang impormasyon. | May sagot sa tanong bagaman malayo sa konseptong hinihingi. |
Isagawa
Gawain 6: Isyung Pansekswalidad Iiwasan Ko!
Panuto: Magbigay ng mga maaaring paraan kung paano mo maiiwasan ang sumusunod na isyung pansekswalidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Pornograpiya
- Pre-Marital Sex
- Teenage Pregnacy
- Sexually Transmitted Diseases (STDs)
- Oryentasyong Sekswal
- Gender Equality
- Body Shaming
Rubriks sa Paglalahad ng Opinyon
| Pamantayan | Napakahusay (20 puntos) | Mahusay (15 puntos) | Katamtaman (10 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Malinaw na nailalahad ang paraan. Angkop at mahalaga ang mga impormasyong ibinigay. | Malinaw na nailalahad ang paraan at nakapagbibigay ng iilang mahalagang impormasyon. | Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang paraan at nakapagbibigay ng kaunting impormasyon. | Hindi malinanaw na nailalahad ang paraan at hindi angkop at mahalaga ang impormasyong ibinigay. |
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Tama ba na sa murang edad ay maimulat na ang kabataan kung ano ang mga isyu tungkol sa sekswalidad?
A. Hindi, dahil makasasama ito sa kanilang inosenteng pag-iisip
B. Oo, dahil malaki ang tulong nito para may alam na sila
C. Oo, upang magabayan ang mga kabataan hinggil sa tamang gawain
D. Hindi, dahil magkakaroon sila ng ideya sa mga gawaing tungkol sa sekswalidadNiyaya ka ng iyong mga kaklaseng manood ng sine na may malalaswang tema. Kailangan daw ito para hindi maging mangmang sa ganitong uri ng gawain. Anong isyung pansekswalidad ang malinaw na ipinakita sa sitwasyon?
A. Gender Identity
B. Pornography
C. Sexual Orientation
D. Teenage PregnancyHindi pinayagan ni Aling Seya ang anak niya na babaeng makapag-aral dahil siya ay naniniwala na ang mga babae raw ay dapat nasa bahay lamang at inaasikaso ang kanilang pamilya. Anong isyung pansekswalidad ang nangingibabaw sa sitwasyon?
A. Gender Confusion
B. Gender Equality
C. Gender Identity
D. Gender RoleLumaki si Albert na nalilito sa kanyang pagkatao. Iniisip nito na siya ay babae kahit ipinanganak siyang lalaki. Anong ideya ang malinaw na ipinapakita sa sitwasyon?
A. Gender Confusion
B. Gender Equality
C. Gender Identity
D. Gender RoleMaagang nakipagrelasyon si Julia at dahil dito ay nabuntis siya ng kanyang kinakasama. Alam niya sa sarili na hindi pa siya handa sa ganitong kabigat na responsibilidad sa kanyang edad. Anong uri ng isyung pansekswalidad ang naranasan ni Julia?
A. Aborsyon
B. Oryentasyong sekswal
C. Pornagrapiya
D. Teenage PregnancyAno ang nararapat gawin ni Aling Selya kung naabutan niyang nanonood ng malaswang bidyo sa internet ang menor de edad?
A. Hahayaan siyang manood ng palabas na iyon.
B. Sisigawan ang anak at papatayin ang kompyuter.
C. Pagagalitan ang anak at sasabihang hindi na siya pagagamitin ng internet.
D. Papatayin ang pinapanood na palabas at kakausapin ito ng masinsinan.Alin sa sumusunod ang maaaring bunga ng labis na panonood ng mga palabas na may maseselang tema?
A. Naitataguyod nito ang pagmamahalan sa bawat isa.
B. Napagaganda ang takbo ng buhay at relasyon ng buong miyembro ng pamilya.
C. Nauuwi sa abnormal na aktibidad panseksuwal na maaaring humahantong sa panghahalay.
D. Humahantong sa pagkalulong ng mga anak sa alak at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.Anong isyung pansekswalidad ang maaaring kahantungan ng isang batang ina na nakararanas ng labis na kahihiyan at takot sa magiging responsibilidad sa ipinagbubuntis?
A. aborsyon
B. body shaming
C. gender stereotyping
D. role confusionSi Aya ay may kakaibang pangangatawan kaya nilalait at pinagtatawanan ng mga kalalakihan sa kanilang lugar. Anong uri ng isyung pansekswalidad ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Body Shaming
B. Gender Stereotyping
C. Oryentasyong Seksuwal
D. Teenage PregnancyMagtatapos na sana ng High School si Nimfa ngunit nalaman ng kanyang mga magulang na siya ay buntis. Sa iyong palagay, ano ang mas mainam na gawin ng kanyang mga magulang?
- A. Pag-usapan nang mahinahon ang problema.
- B. Ilihim ang nangyari upang maka-iwas sa kahihiyahan.
- C. Itakwil ang anak dahil nadungisan nito ang kanilang pangalan.
- D. Pagalitan ang anak dahil sinira nito ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng magandang buhay.
- Ano ang dahilan ng paglaganap at pagdami ng mga napapanahong isyu ng sekswalidad sa lipunan?
- A. Impluwensya ng medya, telebisyon at internet
- B. Pagpili ng mga taong makipagsabayan sa uso
- C. Paglaganap ng mga babasahing naglalaman ng karahasan
- D. Nakakalimutan ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak
- Ano ang maaring gawin upang maiwasan ang panonood ng mga bata ng malalaswang palabas?
- A. Ugaliing samahan ang mga anak sa lahat ng oras ng panonod ng palabas.
- B. Hikayatin ang mga anak na maging aktibo sa ibang bagay o gawain na makabuluhan.
- C. Pag-iwas sa paglilihim sa mga magulang ng kanilang mga anak.
- D. Hayaang pakialaman ng mga magulang ang personal gadgets ng kanilang mga anak upang mas mabantayan ang kanilang tinitingnan sa internet.
- Nakita ni Teacher Monica ang mga nagkukumpulang mga bata sa ilalim ng malaking puno. Hindi napansin ng mga bata ang papalapit na guro, kung kaya ay laking gulat ng guro nang makita na ang pinapanood ng mga bata ay malalaswang palabas. Ano ang nararapat gawin ni Teacher Monica?
- A. Pagagalitan ang mga bata
- B. Ipapatawag ang mga magulang dahil sa kanilang maling pagpapalaki sa mga anak
- C. Dadalhin ang mga mag-aaral sa Guidance Office pagsasabihan at bibigyan ng tamang paggabay
- D. Paparusahan ang mga bata sa kanilang ginawang walang kabuluhan
- Madalas na naiuugnay ang pahayag na ito sa pagdedesisyon ukol sa premarital sex: “Kung tunay ang nararamdaman mo, ibibigay mo ang iyong sarili sa akin kahit hindi pa tayo pinag-iisang dibdib.” Bilang kabataan na may tamang pananaw tungkol sa sekswalidad, ano ang nararapat mong gawin kung makaririnig ka ng ganitong pahayag mula sa iyong kasintahan?
- A. Pumayag sa gusto nito upang mapatunayan ang iyong damdamin.
- B. Pagtataasan ito ng boses at isusumbong sa kanyang mga magulang.
- C. Magtatanong sa kakilala tungkol sa bagay na ito dahil naguguluhan ka.
- D. Masinsinang kausapin ang karelasyon at sabihing hindi ka pa handa sa ganitong uri ng gawain.
- May isang ina sa Barangay Mapalad na hinuli ng mga pulis dahil sa pagbubugaw ng kanyang menor de edad na anak na babae sa mga foreigner sa internet. Ayon sa kanya, nagawa lang daw niya ito dala ng kahirapan. Ano ang magiging bunga nito sa buhay ng bata?
- A. maaring yumaman sila sa pambubugaw
- B. hindi pa siya makapagdesisyon para sa sarili niya
- C. magtatanim siya ng sama ng loob sa kaniyang ina
- D. magdudulot ng matinding trauma sa bata ang nangyari
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Paggawa ng Islogan.
Panuto: Gumawa ng isang advocacy campaign sa pamamagitan ng paggawa ng isang islogan tungkol sa pag-iwas sa mga napapanahong isyung pansekswalidad. Isulat ang Islogan sa sagutang papel.
Rubriks para sa Paggawa ng Islogan
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 Puntos) | Katamtaman (6 Puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (4 Puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman/Content | Ang mensahe ay mabisang naipapakita | Di gaanong naipapakita ang mensahe | Medyo magulo ang mensahe | Walang mensaheng naipakita |
| Pagkamalikhain/Creativity | Napakaganda at napakalinaw ng pagsulat ng mga titik | Maganda at malinaw ang pagsulat ng mga titik | Maganda ngunit di gaano malinaw ang pagkakasulat ng mga titik | Di amaganda at Malabo ang pagkakasulat ng mga titik |
| Kaugnayan sa Paksa/Relevance | May malaking kaugnayan sa paksa ang islogan | Di gaanong may kaugnayan sa paksa ang islogan | Kaunti lang ang kaugnayan ng islogan sa paksa | Walang kaugnayan sa paksa ang islogan |
| Kalinisan | Malinis na malinis ang pagkakabuo | Malinis ang pagkakabuo | Di gaanong malinis ang pagkakabuo | Marumi ang pagkakabuo |
| Kabuoang Puntos = 40 puntos |
Susi sa Pagwawasto
| Tayahin | Pagyamanin | Subukan |
|---|---|---|
| 1. C | Gawain 2 | 1. D |
| 2. B | 1. Teenage Pregnancy | 2. C |
| 3. D | 2. Aborsyon | 3. A |
| 4. C | 3. Pre-marital Sex | 4. A |
| 5. D | 4. Gender Identity | 5. A |
| 6. D | 5. Pornograpiya | 6. A |
| 7. C | 7. B | |
| 8. A | 8. C | |
| 9. A | 9. D | |
| 10. A | 10. D | |
| 11. A | 11. C | |
| 12. B | 12. B | |
| 13. C | 13. D | |
| 14. D | 14. C | |
| 15. D | 15. d |
Sanggunian
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Hanguang Elektroniko
Anzilotti, Amy. STDs (Sexually Transmitted Diseases). n.a. https://kidshealth.org/en/teens/std.html (accessed March 15, 2021).
Abrams, Mere. healthline.com. December 10, 2019. https://www.healthline.com/health/different-types-of-sexuality (accessed May 22, 2020).
Center for Reproductive Rights. Facts on Abortion in the Philippines: Criminalization and a General Ban on Abortion. n.a. https://www.reproductiverights.org/sites/crr.civicactions.net/files/documents/pub_fac_philippines_1%2010.pdf (accessed March 14, 2021).
Forastero, Ma. Hazel. slideshare.com. January 29, 2016. https://www.slideshare.net/MaHazelForastero/isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad (accessed May 21, 2020).
Mayo Clinic. Sexually transmitted diseases (STDs). n.a. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sexually-transmitted-diseases-stds/symptoms-causes/syc-20351240 (accessed March 15, 2021).
Molina, Ludwin. California State University, Northridge. 1999. http://www.csun.edu/~vcpsy00h/students/sexual.htm (accessed May 22, 2020).
Robles, Patricia Diane. innerself.com. January 1, 1997. http://tl.innerself.com/content/personal/relationships/couples/sexuality/5132-make-peace-with-your-sexuality.html (accessed May 22, 2020).
Shrestha, Ram. Premarital Sexual Behaviour and its Impact on Health among Adolescents. n.a. https://www.nepjol.info/index.php/jhp/article/view/25496#:~:text=Unwanted%20pregnancy%2C%20teenage%20pregnancy%2C%20abortion,premarital%20sexual%20behaviour%20among%20adolescents. (accessed March 14, 2021).
The Editors of Encyclopaedia Britannica. Abortion. n.a. https://www.britannica.com/science/abortion-pregnancy (accessed March 14, 2021).
World Health Organization. Adolescent pregnancy. n.a. https://www.who.int/newsroom/fact-sheets/detail/adolescent-pregnancy (accessed March 14, 2021).
World Health Organization. Gender and Health. n.a. https://www.who.int/healthtopics/gender#tab=tab_1 (accessed March 14, 2021).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply