This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 30: “Mapanagutan Ka Ba?” (Are you responsible?). It was prepared by DepEd Caraga Region for home learning. It helps Grade 8 learners look closely at the people they admire and follow, online and in real life, and judge whether they show the traits of a responsible leader and follower.
The module starts with a question most teens can answer: do you have a social media account, and whom do you follow? By the end, learners should have a clearer basis for choosing the people they look up to.
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o napanood (analyzes the traits of a responsible leader and follower whom the learner has been with, observed, or watched). (ESP8P-IIg-8.2)
Lessons in this module
The module has one lesson:
- Aralin 1: Katangian ng Lider at Tagasunod (traits of a leader and a follower). It explains what makes a good leader, describes three styles of leadership, and lists the skills a good follower should build.
Traits of a responsible leader
The lesson opens with a comic strip about a group activity in an EsP 8 class. The group leader trusts the members’ abilities and lets them choose tasks that fit their strengths. Because of this, the members feel more confident, and the group finishes faster and does better work. The module links this to the family and to the nation: when leaders and followers do not work together, there is no unity.
Based on Lewis (1998) and the Royal Australian Navy’s Leadership Ethics (2010), a leader should:
- be an inspiration and a model to the people they lead
- have a positive outlook on life
- have integrity and act as the voice of the organization
- be open to opinions and listen to the ideas of the majority
- have a clear plan and be accountable for decisions about themselves and their members
- above all, be a good follower
The module also quotes John C. Maxwell: leadership is influence. A leader carries critical decisions, responsibility, and the duty to lead action.
Three styles of leadership
Following Dr. Eduardo Morado (2007), the module describes three styles:
| Style | What it means | Example in the module |
|---|---|---|
| Pamumunong Inspirasyonal (inspirational leadership) | Inspires others through outstanding actions and decisions; gives direction and guidance. Also called a servant leader. | Martin Luther King |
| Pamumunong Transpormasyonal (transformational leadership) | Acts as a mentor who helps, teaches, and guides members; focuses on change, spots opportunities, and thinks critically to solve problems. | Priyanka Chopra-Jonas, UNICEF Ambassador |
| Pamumunong Adaptibo (adaptive leadership) | Has strong self-knowledge and self-worth, adjusts to situations and people; in short, a high Emotional Quotient, so followers respect them easily. | Barack Obama |
Skills of a good follower
Followers also have duties. The module lists three skills a model follower should build (Kelly, 1992):
- Kakayahan sa trabaho (job skills): focus on work, responsibility, improving one’s own skills, and helping fellow members raise the quality of their work.
- Kakayahang mag-organisa (organizational skills): getting along well with fellow members and the leader, and building connections that help the group grow.
- Mga pagpapahalaga (values component): living out one’s principles and good habits while doing one’s tasks, which strengthens the group’s image.
The lesson ends by stressing that a group grows only on a strong foundation: the leader shows care and steadiness, while followers give strong support by staying honest, good, and productive.
How to use this module
The module asks learners to answer on a separate sheet of paper and not to write on the module itself, so that others can use it. Work through the parts in order:
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions to check what you already know.
- Balikan: Gawain 1, “Sampung mga Daliri!” Trace both hands and write why leaders and followers matter to a community.
- Tuklasin: “Suri-Komiks!” Read the comic, answer the guide questions in your notebook, and share your own group-work experience.
- Suriin: Read the lesson on leader and follower traits.
- Pagyamanin: Gawain 3, a word search for seven words describing leaders and followers; Gawain 4, matching pictures to leader traits and labeling follower situations as KT, KM, or KP; Gawain 5, identifying the leadership style in three situations.
- Isaisip: Gawain 6, an essay explaining “With Great Powers, Comes Great Responsibility,” scored out of 30 points.
- Isagawa: Gawain 7, “Saksi Ako!” Observe a family member, barangay officials, a social media idol, and fans, and describe the responsible traits they show.
- Tayahin (post-test): 15 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain: Research Mother Theresa, Steve Jobs, Mahatma Ghandi, or Bill Gates using the 10 guide questions and write an essay, scored out of 30 points.
For learners: Answer honestly before checking the Susi sa Pagwawasto (answer key), and contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents: Ask your child about the people they follow online and talk about whether those people show the traits in this module. This fits the Isagawa activity.
For teachers: The rubrics for the essays and written activities are printed in the module. Please check the answer key against the questions before using it for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is the EsP module Mapanagutan Ka Ba? for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 30.
What competency does this module cover?
It covers ESP8P-IIg-8.2: analyzing the traits of a responsible leader and follower whom the learner has been with, observed, or watched.
What are the three leadership styles discussed in the module?
Inspirational leadership (servant leader, example Martin Luther King), transformational leadership (leader as mentor focused on change, example Priyanka Chopra-Jonas), and adaptive leadership (high emotional quotient, example Barack Obama).
What skills should a good follower have according to the module?
Citing Kelly (1992), the module lists job skills, organizational skills, and the values component.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, post-test, and some activities, plus possible answers for the Balikan activity. Essay activities are scored with the rubrics provided.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 30: Mapanagutan Ka Ba?
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 30: Mapanagutan Ka Ba?
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher helping students at a desk, and a boy studying by lamplight beside a globe]
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 30: Mapanagutan Ka Ba? Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Rashiel Joy F. Lepaopao, Judith E. Ecoben |
| Editor: | Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib |
| Tagasuri: | Ponciano Alngog, Jezzine F. Salar, John Rey C. Clarion, Megie M. Lillo |
| Tagaguhit: | Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat |
| Tagalapat: | Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Pepe M. Tabanao Jr. |
| Tagapamahala: | Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 30: Mapanagutan Ka Ba?
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ikaw ba ay may social media account? Sa isang millennial na batang kagaya mo, tiyak ang sagot mo ay Opo. Batid ko rin na mayroon kang gustong i-follow sa iyong mga accounts. Maaaring karakter, artista o kaya’y mga taong may naging malaking ambag sa ating lipunang ginagalawan. Maari din naman na ikaw ang sinusubaybayan ng mga followers mo sa iba’t ibang social media site o kaya’y maging sa inyong komunidad dahil sa iyong mga natatanging nagampanang tungkulin o gawain.
Maraming dahilan kung bakit tayo humahanga o kaya’y nagiging tagasubaybay ng isang partikular na tao at ito ang pag-aaralan natin ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito ay magkakaroon tayo ng mas malinaw na gabay o batayan sa pagpili ng ating mga taong hahangaan o susubaybayan upang magkaroon ng mas magandang direksyon ang ating mga buhay.
Handa ka na bang pag-aralan ang modyul na ito? Isang maligayang pag-aaral sa inyo!
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o napanood. (ESP8P-IIg-8.2)
Subukin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o situwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider?
A. may malawak na karanasan
B. may sapat na tiwala sa sarili
C. may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan
D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin
Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal?
A. Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan.
B. Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili.
C. Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang situwasyon.
D. Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap para sa samahan.
Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay Lewis?
A. isang mabuting halimbawa
B. may sapat na kaalaman at kasanayan
C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin
D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa
Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider?
A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat.
B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan.
C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat.
D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong kakayahan ang taglay ng isang tagasunod, ayon sa pahayag?
A. Pakikipagkapwa
B. Mga pagpapahalaga
C. Kakayahan sa trabaho
D. Kakayahang mag-organisa
Kailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay umaayon o nakikiisa sa mga gawain?
A. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
B. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
C. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
D. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
Nagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na ito?
A. diktador
B. adaptibo
C. inspirasyonl
D. transpormasyonal
Anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago?
A. adaptibo
B. diktador
C. inspirasyonal
D. transpormasyonal
Si Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok ay binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita?
A. isang huwarang lider
B. lider na may sapat na kaalaman
C. pagkilala ng lubos sa mga kasapi
D. pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawa
Si Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang ipinapakita sa situwasyon?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa kanyang mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang mapanagutang lider?
A. pagtanggap sa mga tungkulin
B. pagiging huwaran sa ibang tao
C. malinaw sa pagpapahayag ng plano
D. pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi
Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi sa organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng loob. Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSG President dahil sa kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang ipinapakita ng lider?
A. adaptibo
B. kognitibo
C. inspirasyunal
D. transpormasyunal
Anong situwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa pamumunong transpormasyunal?
A. Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon siya ng mga kabataang babae.
B. Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang kanyang pamilya sa kanya.
C. Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan. Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi.
D. Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad sa mga kababaihan.
Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey bilang influencer?
A. hindi huminto sa pag-aaral B. mapanagutan sa mga desisyon C. may positibong pananaw sa buhay D. pagpaunlad ng kaalaman
Aralin 1: Katangian ng Lider at Tagasunod
Balikan
Gawain 1. Sampung mga Daliri!
Panuto: Iguhit ang sariling kamay (kanan at kaliwa). Isulat sa hand graphic organizer ang kahalagahan ng isang lider at tagasunod sa pag-unlad ng isang komunidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: two outlined hands, one overlapping the other, used as a hand graphic organizer]
Kahalagahan ng isang lider sa pag-unlad ng isang komunidad.
Kahalagahan ng isang tagasunod sa Pag-unlad ng isang Komunidad.
Tuklasin
Gawain 1. Suri-Komiks!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na senaryo sa komiks at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Scenario: Pagsasagawa ng pangkatang-gawain sa klase ni Gng. Ramos sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao baitang 8.
[illustration: comic panel of a classroom where students work in groups while the teacher stands at the board; one student raises a hand]
Speech bubble (teacher): Ngayong nasa kanya-kanyang pangkat na kayo, inaasahan ko ang kooperasyon ng bawat isa upang mapadali ang gawain. Malinaw ba mga bata?
Speech bubble (student): Opo, Sir!
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
(habang nagsasagawa ng pangkatang-gawain ang ikalawang pangkat)
[illustration: comic panels of students in group work, in a classroom]
Speech bubble: Si Jeanie na ‘yong tagasulat kasi maganda ang penmanship niya.
Speech bubble: Si Marc nalang sa yell. Magaling siyang kumanta, hindi ba?
Speech bubble: Okay, ako na sa yell. Kayo na ang bahala sa mga sasagutan!
Speech bubble: As usual, ito na talaga ang role ko sa grupo natin.
[illustration: students seated around a table sharing a discussion]
Speech bubble: Okay na ‘yan. Para madali tayong matapos at makapag-practice pa ng yell.
Speech bubble: So, anim tayong natira. May tatlong tanong. Pares-pares tayo sa bawat tanong, okay kayo?
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
[illustration: comic panels of students at a table, discussing and writing answers]
Speech bubble: Sa amin naman itong no. 1
Speech bubble: Sige, pumili na kayo ng tanong na gusto ninyong masagutan. Sa amin ni Joy ang matitirang tanong.
Speech bubble: Oh, kami na ang sasagot sa no. 2.
Speech bubble: Sige-sige kami naman ni Joy ang sa no.3. Pagkatapos ninyong masagutan, ibigay ninyo kay Jeanie para maisulat sa manila paper nang matapos na agad.
Speech bubble: Okay! Fighting!
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
Gabay na Tanong:
Panuto: Isulat ang mga sagot sa kwaderno.
- Batay sa usapan, anong katangian ang taglay ng lider sa kanilang pangkat?
- Paano ilalarawan ang katangian ng mga kasapi ng pangkat?
Naranasan mo na rin bang maging isang lider o kasapi ng pangkatang-gawain? Isalaysay ang iyong naging karanasan sa pakikitungo sa iyong lider o sa kapwa mo kasapi.
[illustration: magnifying glass held in a hand]
Suriin
Sa Gawain 1 ay nasubukan mo ang sarili sa pagtukoy at paglalarawan sa katangian ng isang lider at tagasunod. Nababalikan mo rin ang iyong karanasan bilang lider o kasapi sa pangkat. Kung aalamin natin lahat ay may kanya-kanyang kuwento tungkol sa mga pangkatang-gawain. Wika nga ninyong mga millenials #relatemuch! Maaaring masaya o malungkot ang karanasan. Tama ba?
Masaya ang karanasan sa mga pangkatang gawain kung napabilang sa pangkat na responsable ang lider, matutulungin at nakikinig naman ang mga kasapi ng pangkat. Malungkot naman kung napabilang ka sa mga grupong nangangailangan pa ng gabay sa pamumuno ng pangkat o kaya naman ay hindi nakikinig na mga kasapi.
Kung pagbabatayan ang komiks na nabasa sa bahaging Tuklasin, masasabi na may angking kakayahan sa pamumuno ng kanilang pangkat ang lider batay sa ipinakitang kilos. Taglay nito ang katangiang may pagtitiwala sa kakayahan ng kanyang mga kasapi at pagbibigay ng laya sa mga ito na pumili ng gawain batay sa kanilang kakayahan. Dahil sa mga katangiang ito, mas nagkaroon ng kompyansa ang mga kasapi na mas nagpaganda at nagpabilis na matapos ang pangkatang-gawain.
Ipinakita lamang na mahalaga talaga ang papel na ginagampanan ng isang lider at tagasunod hindi lamang sa isang simpleng pangkatang-gawain sa loob ng klasrum. Masasalamin din ito sa pamilya kung saan ang ama ang tumatayong haligi ng tahanan habang ang ina naman ang nagsisilbing ilaw na gagabay sa mga anak. Isipin mo na lang, anong mangyayari sa isang bansang hindi magkaisa ang gobyerno at mamamayan? Tiyak, malaking gulo at walang pagkakaisa.
Ano nga ba ang katangiang dapat taglayin ng isang lider at tagasunod upang mapanatili ang isang matiwasay na ugnayan at koneksyon sa bawat isa?
Mga katangiang dapat taglayin ang isang lider (Lewis,1998) at prinsipyong pinanghahawakan (The Royal Australian Navy; Leadership Ethics,2010):
- nagsisilbing inspirasyon at modelo sa mga nasasakupan
- may positibong pananaw sa buhay
- may integridad, tumatayong boses ng organisasyon,
- bukas sa opinyon at nakikinig sa ideya nang nakararami,
- may malinaw na plano at mapanagutan sa mga desisyon sa kanyang sarili at sinasakupan,
- higit sa lahat isang mabuting tagasunod.
Ayon Kay John C. Maxwell, ang pamumuno o pagiging lider ay ang pagkakaroon ng impluwensiya. Kung iisipin, mabigat at malaki ang gampanin ng isang lider dahil sa kanya nakaatang ang mga kritikal na desisyon, pananagutan at pangunguna sa tiyak na aksyon sa isang situwasyon. Ngunit ang pagganap sa mga situwasyon ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang aksyon batay sa lider at istilo ng pamumuno na tinataglay (Dr. Eduardo Morado, 2007). Ang mga sumusunod:
Pamumunong Inspirasyonal. Nagiging inspirasyon sa iba ang lider na ito batay sa kanilang katangi-taging kilos at desisyon sa isang pangkat. Tinatawag din silang servant leader. Sila ang uri ng lider na nagbibigay direksyon at gabay sa mga nasasakupan. Halimbawa nito ay si Martin Luther King na kilala sa kanyang pagpupursigi na wakasan ang pagkahiwa-hiwalay at diskriminasyon sa iba’t ibang lahi.
Pamumunong Transpormasyonal. Sa pamumunong ito, ang lider ay nagsisilbing mentor kung saan tinutulungan, tinuturuan at ginagabayan ang mga kasapi o sinasakupan. Nakatuon sa pagkakaroon ng pagbabago, madaling pagtuklas ng pagkakataon at nagtataglay ng kaisipang kritikal na kinakailangan sa paglutas ng isang suliranin o sitwasyon. Halimbawa ng pamumunong ito ay si Priyanka Chopra-Jonas, UNICEF Ambassador at isang philanthropist na kilala sa pagsulong ng pagbabago sa papel at mukha ng mga kababaihan lalo na sa mga bayan na sakop ng India at iba pang bansa sa mundo. Siya ang naging boses ng mga kababaihan sa pagpuksa ng karahasan at pagpapataas sa kalidad ng kababaihan at pasulong ng libreng edukasyon sa mga bata.
Pamumunong Adaptibo. Nagtataglay ang lider sa uring ito ng katangiang mataas na antas ng pagkilala at pagpapahalaga sa sarili, pakikibagay sa sitwasyon, personalidad at pakikipagkapuwa. Sa madaling sabi, mataas ang Emotional Quotient kung kaya madaling nakuha ang paggalang at pag-ingganyo ng tagasunod. Halimbawa nito ay ang pangulo ng United State of America na si Barack Obama.
Kung ang mga pagpapakahulugan at tuntunin sa pagiging lider ay nasunod ng isang namumuno, tiyak na magiging mataas ang pagtingin, hahangaan at magiging inspirasyon ito ng kanyang mga tagasunod o kasapi.
Maliban sa lider ay mayroong gampanin at pananagutan din ang isang tagasunod upang masiguro ang maluwalhating ugnayan ng bawat isa. Iminungkahi ang mga kasanayang dapat linangin ng isang ulirang tagasunod (Kelly, 1992):
a. Kakayahan sa trabaho (job skills) Hindi lamang pagiging pokus sa trabaho, may pananagutan, pagpapaunlad sa sariling kakayahan sa paggawa ang binibigyang pansin sa kakayahang ito. Hinihimok din ang pagtulong sa kapuwa tagasunod upang mas mapaangat ang kalidad ng trabaho ng kapwa ang dapat linangin ng isang tagasunod upang masabi na ito ay may kakayahan sa trabaho.
b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills) Kakikitaan ng kahusayan sa pakikipagsalamuha at pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa kasapi at lider. Mahusay bumuo ng koneksyon at relasyon sa ibang tao upang mapalago ang kinabibilangang organisasyon.
c. Mga pagpapahalaga (Values component) Masasalamin sa kilos ng isang tagasunod ang kanyang prinsipyo at paninindigan bilang isang tao. Yayakapin nito ang mga pamantayan at mabuting gawi sa pagtupad ng mga gampanin bilang tagasunod na mas makapagpapatatag sa imahe ng organisasyong kinabibilangan. Sa madaling sabi, lilinangin ng isang tagasunod ang kabuuan ng kanyang pagkatao.
Kung iisipin, mahalagang magkaisa at taglayin ang kani-kanilang katangian upang maihanay at maging mapanagutan ang bawat lider at tagasunod. Sapagkat kahit taglay na ang mga katangiang ito, wala pa ring mangyayari at hindi uunlad ang isang grupo kung hindi matibay ang pundasyon ng isang samahan. Kinakailangan ipakita ng isang lider ang malasakit at matatag na sarili sa kanyang tagasunod habang ipapakita naman ng tagasunod ang matibay na suporta sa kanyang pinuno sa pamamagitan ng pananatiling matapat, mabuti at produktibong aksyon sa mga gawain upang umunlad ang isang samahan.
Pagyamanin
Gawain 3: Suri-Salita!
Panuto: Hanapin at suriin sa pinaghalong letra ang mga pitong (7) salitang/pariralang naglalarawan sa katangian ng isang lider at tagasunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| M | A | P | A | N | A | G | U | T | A | N | S | E | Q | M | A | N | S |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| I | B | O | S | S | T | A | O | B | S | A | V | M | C | K | L | A | M |
| T | O | S | A | R | A | H | I | W | N | G | A | A | R | A | G | N | E |
| A | G | I | R | E | M | A | Y | I | N | T | E | G | R | I | D | A | D |
| M | F | T | H | O | A | L | S | O | G | I | D | A | Y | O | E | K | O |
| D | H | I | L | A | B | A | E | K | A | T | E | L | I | D | B | I | S |
| M | A | B | U | T | I | W | A | L | L | I | T | I | K | A | J | K | Z |
| O | J | O | V | E | L | O | V | E | A | W | I | N | G | C | A | I | N |
| U | M | S | E | L | L | I | N | G | A | A | D | G | E | N | E | N | E |
| S | L | I | P | E | O | N | G | S | A | L | I | N | G | O | I | I | N |
| R | P | E | O | R | G | A | N | I | S | A | D | O | N | G | A | G | A |
Gawain 4. Suri-Katangian!
A. Panuto: Mula sa mga larawan na nasa Hanay A, hanapin ang tamang sagot sa Hanay B. Suriin kung anong katangian ng isang lider ang ipinapahiwatig sa mga larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| A | B |
|---|---|
| [illustration: people seated around a table, a man at the front pointing toward a graph on the wall] 1 | A. naglilingkod na lider |
| [illustration: a man at a desk handing papers to another person] 2 | B. lider na may positibong pananaw |
| [illustration: a group of people on a stage beneath a banner reading “CONGRATULATIONS!”] 3 | C. lider na may integridad |
| [illustration: a boy in a thought bubble, with two crowds of people shown in the bubbles] 4 | D. lider na may tiwala sa kakayahan ng iba |
| [illustration: a crowd of people gathered around a table at an event] 5 | E. lider na magaling magplano at magpasya |
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat at Alim V. Eviota
B. Panuto: Suriin kung anong katangian o kakayahan ng isang tagasunod ang ipinapahiwatig sa mga sitwasyon. Isulat ang (KT) kung kakayahan sa trabaho, (KM) kung Kakayahang mag-organisa at (KP) kung kakayahan sa pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Si Jose Delo ay magalang at may maayos na pakikisama sa kanyang kapwa at pinuno
Sinisikap ni Ben na makalikha ng bagong disenyo ng mga bulaklak gamit ang youtube
Isinasapuso ni Jebie ang prinsipyo ng asosasyon na maging tapat at mahusay
Bumuo si Kris ng project proposal na naglalaman ng kanyang ideya kung paano malulutas ang problemang kinakaharap ng pangkat bago ito inilahad sa mga kasamahan.
Tuwing nagpapabili ng pagkain ang isang pamilya ay ibinabalik ni Tony ang sukli sa kanyang amo o kakilala.
Gawain 5. Suri-Pamumuno!
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga sitwasyon. Ipaliwanag kung anong pamumuno ang (Pamumunong Inspirasyonal, Pamumunong Transpormasyonal o Adaptibo) ipinapahiwatig ng sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bilang Pangulo ng Supreme Student Government (SSG) ng kanilang paaralan, sinisiguro ni Joy na nagagampanan niya ng balanse ang kanyang tungkulin bilang boses ng mag-aaral at ang kanyang pagiging isang working student.
Sinisikap niyang matugunan ang hinaing ng mga mag-aaral tulad ng pananatili ng mga tutorial sa iba’t ibang asignatura sa tulong ng iba pang opisyales, pagsasagawa ng adbokasiya sa tamang pagtapon ng basura, pagwaksi sa bullying at maging isang huwarang mag-aaral sa pamamagitan ng pagiging honor students at palakaibigan sa kapwa mag-aaral. Dahil sa kanyang ipinakitang pag-uugali at kabutihan ay maraming mag-aaral ang tumutulong at nagboboluntaryong maging kasapi ng kanilang tutorial class at nagsasagawa ng mga hakbang sa loob ng klasrum na mapairal ang katiwasayan at pagkakaibigan.
- Anong katangian ng lider ang ipinakita sa sitwasyon? Patunayan.
Nahalal na Alkalde sa bayan ng Sta. Isla si Hon. Juan De la Cruz. Kilala siya sa mga proyektong nagawa tulad ng pabahay sa mga mahihirap, iba’t ibang programang pangkabuhayan, pagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo at pagpapatupad nang maayos sa mga batas sa kanilang lugar. Tinatawag din siyang “Ama ng Sta. Isla” dahil sa kanyang mga natatanging nagawa na nagpabago at nagpaunlad sa kanilang bayan.
- Anong katangian ng lider ang ipinakita sa sitwasyon? Ipaliwanag.
Hinahangaan at sinusubaybayan si Chiska sa kanyang mga social media account lalong-lao na sa Tiktok at Twitter dahil sa mga nakahahangang post hinggil sa kanyang positibong pananaw sa buhay, magagandang komentaryo at payo sa kanyang mga follower sa comment section. Maliban dito, gumagawa siya ng mga vlog tungkol sa mga kaparaanan kung paano malalabanan ang depresyon, bullying, pag-iwas sa maling tao at pakikipagkaibigan. Kung kaya hindi kataka-takang malimit sa kanyang mga tagasunod ay mga kabataang maaring nakaranas o nakadama ng mga ganitong problema sa buhay. Madali niyang nakukuha ang loob ng isang netizen dahil sa kanyang mga post na kapupulutan ng aral.
- Anong katangian ang ipinakita ng lider sa sitwasyon? Ipaliwanag.
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
| Pamantayan | Napakahusay (20 puntos) | Mahusay (15 puntos) | Katamtaman (10 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. | Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. | Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. | Hindi malinanw na nailalahad ang pangangatwiran at hindi nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. |
Isaisip
Gawain 6. Magpaliwanag Ka!
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapaliwanag sa sumunod na pahayag.
“With Great Powers, Comes Great Responsibility.”
Uncle Ben, Spiderman Movie 2002
RUBRIKS SA PAGPAPALIWANAG
| Kriterya | Higit na Inaasahan (15) | Nakamit ang Inaasahan (12) | Bahagyang Nakamit ang Inaasahan (9) | Hindi Nakamit ang Inaasahan (6) |
|---|---|---|---|---|
| Pagpapaliwanag sa Konsepto | Makabuluhan at mahusay ang pagpapaliwanag at pagtatalakay sa pahayag. | May sapat na detalye at pagpapaliwanag . | May kakulangan ang pagpapaliwanag. | Hindi naipapaliwanag ang pahayag. |
| Organisasyon ng mga ideya | Lohikal at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. | Naipakita ang ideya ng pahayag bagaman hindi makinis ang pagkakalahad. | Hindi gaanong maayos ang pagkakalahad ng ideya. | Hindi organisado ang pagpapaliwanag. |
| Kabuuan: 30 puntos |
Isagawa
Gawain 7. Saksi Ako!
Panuto: Gamit ang iyong natutunang kaalaman sa modyul na ito, obserbahan ang mga tao sa inyong lipunan at suriin kung ang kanilang kilos ay naglalarawan sa katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod. Nasa pinakaunang bilang ng kahon ang halimbawa.
Mapanagutang Lider at Tagasunod sa aming Lugar
| Taong naobserbahan | Ipinamalas na Katangian ng isang mapanagutang Lider at tagasunod | Pagsalaysay sa sitwasyong nagpapakita ng katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod |
|---|---|---|
| 1. Kasapi sa Pamilya na sumusunod sa batas sa loob ng bahay | Masunurin, isang maagandang ehemplo ng bawat kasapi ng pamilya. | Ang aking nakakatandang kapatid ay naghugas ng pinggan dahil sya ay naka-iskedyul na maghugas ng pinggan ngayon. Siya mismo ang gumawa ng iskedyul kaya nagaganahan kami na sumunod na rin sa kanya. |
| 2. Mga Opisyales/ Nagtatrabaho sa inyong Barangay | ||
| 3. Iniidolo sa Social Media, Drama, atbp. | ||
| 4. Sumusubaybay o Fans ng isang sikat na artista, drama, vlogger atbp. |
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (12 puntos) | Katamtaman (9 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. | Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. |
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa kanyang mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang mapanagutang lider?
- A. pagtanggap sa mga tungkulin
- B. pagiging huwaran sa ibang tao
- C. malinaw sa pagpapahayag ng plano
- D. pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi
Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi sa organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng loob. Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod?
- A. kakayahan sa sarili
- B. kakayahan sa trabaho
- C. kakayahan na mag-organisa
- D. kakayahan sa pagpapahalaga
Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSG President dahil sa kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang ipinapakita ng lider?
- A. Adaptibo
- B. kognitibo
- C. inspirasyunal
- D. transpormasyonal
Anong sitwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa pamumunong transpormasyunal?
- A. Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon siya ng mga kabataang babae.
- B. Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang kanyang pamilya sa kanya.
- C. Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan. Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi.
- D. Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad sa mga kababaihan.
Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey bilang influencer?
- A. hindi huminto sa pag-aaral
- B. mapanagutan sa mga desisyon
- C. may positibong pananaw sa buhay
- D. pagpaunlad ng kaalaman
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider?
- A. may malawak na karanasan
- B. may sapat na tiwala sa sarili
- C. may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan
- D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin
Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal?
- A. Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan.
- B. Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili.
- C. Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang sitwasyon.
- D. Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap para sa samahan.
Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay Lewis?
- A. isang mabuting halimbawa
- B. may sapat na kaalaman at kasanayan
- C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin
- D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa
Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider?
- A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat.
- B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan.
- C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat.
- D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong kakayahan ang taglay ng isang tagasunod?
A. Pakikipagkapwa
B. Mga pagpapapahalaga
C. Kakayahan sa trabaho
D. Kakayahang mag-organisaKailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay umaayon o nakikiisa sa mga gawain?
A. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
B. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
C. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
D. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagiNagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na ito?
A. diktador
B. adaptibo
C. inspirasyonl
D. transpormasyonalAnong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago?
A. adaptibo
B. diktador
C. inspirasyonal
D. transpormasyonalSi Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok ay binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita?
A. isang huwarang lider
B. lider na may sapat na kaalaman
C. pagkilala ng lubos sa mga kasapi
D. pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawaSi Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
Karagdagang Gawain
Gawain: Sila ang Salamin Ko!
Panuto: Pumili ng isang kilalang tao sa pagpipilian. Sagutin ang gabay sa pagsasaliksik at bumuo ng isang sanaysay batay sa nasaliksik na impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Mother Theresa B. Steve Jobs C. Mahatma Ghandi D. Bill Gates
Gabay sa pagsasaliksik.
- Kailan at saan siya ipinanganak?
- Saan nakapag-aral at sa anong larangan nakilala?
- Ano ang kanyang mga prinsipyo sa buhay?
- Sino ang mga tao na nagbigay ng impluwensiya sa kanyang buhay?
- Mga kasabihan at pangaral
- Resulta ng mga pagpapasya bilang lider o tagasunod
- Pinakagustong kasabihan sa buhay
- Mga katangian bilang lider o kasapi ng samahan
- Mga organisasyong nabuo o sinalihan
- Mga Karangalang natanggap
Rubriks sa Pagwawasto ng Tekstong Naglalahad
| Pamantayan | Higit na Inaasahan (15) | Nakamit ang Inaasahan (12) | Bahagyang Nakamit ang Inaasahan (9) | Hindi Nakamit ang Inaasahan (6) |
|---|---|---|---|---|
| Kahalagahan at kasapatan ng impormasyon | Mahalaga at sapat ang impormasyong inilalahad. | May sapat na detalye at may iilang mahalagang impormasyon na naipakita. | May kakulangan sa mahalagang impormasyon. | Hindi naipakita ang mahalagang impormasyon. |
| Organisasyon ng impormasyon | Lohikal at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. | Naipakita ang ideya ng pahayag bagaman hindi makinis ang pagkakalahad. | Hindi gaanong maayos ang pagkakalahad ng ideya. | Hindi organisado ang pagpapaliwanag. |
| Kabuuan: 30 puntos |
Susi sa Pagwawasto
![illustration: key icon beside the title]
Subukin
- D 1.
- D 2.
- D 3.
- C 4.
- B 5.
- B 6.
- C 7.
- B 8.
- C 9.
- B 10.
- D 11.
- C 12.
- C 13.
- D 14.
- C 15.
Tayahin
- A 1.
- D 2.
- C 3.
- A 4.
- B 5.
- C 6.
- D 7.
- A 8.
- A 9.
- C 10.
- B 11.
- A 12.
- C 13.
- C 14.
- B 15.
Pagyamanin
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the Pagyamanin answers are read in the order they appear on the rotated page]
Gawain 3(A)
[illustration: word search puzzle grid with highlighted letters]
Gawain 4(A)
- E
- C
- D
- B
- A
Gawain 4(A)
- KP
- KT
- KP
- KM
- KT
Balikan
Gawain 1
Posibleng Sagot.
Lider
- Pagkakaroon ng awtoridad sa mga tagasunod
- Pagbibigay ng direksyon
- Paggawa ng maayos na plano
- Pagtanaw sa kapakanan ng nasasakupan
- Tagapangasiwa, tagapamahala at tagapagtaguyod sa layunin ng pangkat
Tagasunod
- Tagasulong o tagapalaganap ng layunin ng pangkat
- Tagagawa ng aksyong tugma sa ipinapatupad ng lider
- Katuwang ng lider sa mga pagpapasiya
- Tagapagbahagi ng ideya
- Katuwang sa mga gawain ng pangkat
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply