This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for the second quarter, Module 29: “Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga” (You, Me, We Are Important). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Caraga Region (first edition, 2020) for learners studying at home. It helps learners explain why it matters to be a responsible leader and a responsible follower.
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod (identifies the importance of being a responsible leader and follower). (EsP8P-IIg-8.1)
The module opens with four guiding questions. How do you become a responsible leader? How do you become a responsible follower? Is it important to be both? If so, why?
Key ideas: leaders and followers
What leadership means
The module defines pamumuno (leadership) as the process of guiding people toward a planned direction by motivating them. It cites John C. Maxwell, who says that leadership means having authority and influence. The more a person widens his or her influence, the more effective a leader he or she becomes.
Why followers matter just as much
A central point of the module is that a good leader is also a good follower. A leader’s plans and goals succeed only if the people being led are able to follow. Knowing how to follow is as important as knowing how to lead. No group can succeed without the support of its members and followers.
What responsible leaders and followers do
Based on the module’s examples and its answer key:
- A responsible leader gives direction to the group so it can reach its goal, and listens to the opinions of the people he or she leads. Another example is a purok president who calls a meeting ahead of the coming fiesta.
- A responsible follower carries out instructions and joins in working toward the group’s goals. Followers help carry out and achieve the group’s purpose. One example is Aling Nene, who has a disability but stays active in purok activities.
- Both need to develop the different aspects of their personality so the group can have peace and unity.
The module also uses school examples. Student Supreme Government (SSG) officers, as leaders, help address problems in the school. Students, as followers, take steps so that their leaders can lead smoothly.
Activities in the module
| Part | Activity | What learners do |
|---|---|---|
| Subukin | Paunang Pagtataya (pretest) | Answer 15 multiple-choice questions |
| Pagyamanin | Gawain 3: Tungkulin Ko, Gagampanan Ko! | Fill in a graphic organizer with the roles of a responsible leader and follower |
| Pagyamanin | Gawain 4: Tala-Kahalagahan! | List five reasons why responsible SSG officers and responsible students matter |
| Pagyamanin | Gawain 5: Kung Ako! | Explain which matters more to them, being a leader or a follower, and why |
| Isaisip | Gawain 6: Masubok Nga! | Answer five questions on the meaning of a leader and the importance of responsible leaders and followers |
| Isagawa | Gawain 7: Magsuri’t Mangatwiran Ka! | Read about Dexter and answer four questions. Dexter is a group leader who sabotages classmates’ science project on volcanic eruptions. |
| Tayahin | Pangwakas na Pagtataya (post-test) | Answer 15 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain | Pagkilala sa Sarili! | List five traits each as a responsible leader and follower, then reflect on why both matter |
The written activities come with rubrics. Each rubric awards 15 or 20 points at the highest level.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. Contact your teacher right away if you have trouble understanding a lesson.
- Parents and guardians: The module is designed for home study with a facilitator. Encourage your child to answer honestly before checking the key. Help them think of real examples of leaders and followers at home or in your purok.
- Teachers: Use the pretest results to see who needs extra help. Use the rubrics to score the open-ended activities. The pretest and post-test use the same 15 questions in a different order, so you can compare scores to measure learning.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 29.
What competency does Module 29 cover?
It covers EsP8P-IIg-8.1. This competency asks learners to identify the importance of being a responsible leader and a responsible follower.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the pretest (Subukin) and the post-test (Tayahin), plus a Balikan answer list. The open-ended activities are scored with rubrics.
How does the module define leadership?
It defines leadership as guiding people toward a planned direction by motivating them. It also cites John C. Maxwell, who says leadership means having authority and influence.
Why does the module say followers are important?
Followers help carry out and achieve the group’s goals. A leader’s plans succeed only if the members support them, and a good leader is also a good follower.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
[illustration: students reading and studying under a tree, a woman teaching at a desk, a child reading by a lamp, and two students with a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ethil P. Yutina, Judith E. Ecoben Editor: Emelinda L. Raza, PhD, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Mina M. Montilla, Marieta Bautista, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Ferdinand D. Astelero Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa:
Department of Education – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button]
Ang pamumuno ay tumutukoy sa proseso ng pamamahala ng mga tao sa isang nakaplanong direksiyon sa pamamagitan nang pagganyak. Ayon kay John C. Maxwell, ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng awtoridad at impluwensya. Kung mapalalawak ng isang tao ang kaniyang impluwensiya, mas magiging epektibo siyang lider. Ang pamamaraan at hangarin ng isang lider ay magtatagumpay lamang kung may kakayahan ang kanyang nasasakupan na sumunod ngunit ang pagiging isang mabuting lider ay pagiging mabuting tagasunod. Ang kaalaman at kakayahang mamuno ay kasing halaga rin ng kaalaman at kakayahang maging tagasunod. Hindi magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga kasapi at tagasunod nito.
Paano ba ang maging mapanagutang lider? Paano rin ang maging mapanagutang tagasunod? Mahalaga ba ang maging mapanagutang lider at tagasunod? Kung mahalaga, ano-ano ang kahalagahan nito?
Halika! Palawakin natin ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagtukoy sa kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
Sa modyul na ito ay malilinang mo ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. (EsP8P-IIg-8.1)
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Paunang Pagtataya
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
- A. mapanagutang lider
- B. mapanagutang magulang
- C. mapanagutang tagasunod
- D. mapanagutang pamumuno
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
- A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
- B. Nagkaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
- C. Nakatatanggap ng parangal o papuri ang pangkat mula sa mga kilalang tao.
- D. Nakatatanggap ng maraming utos ang mga tagasunod mula sa kanilang lider.
3. Bakit nais ng tao na maging lider?
- A. dahil siya ay may awtoridad
- B. dahil siya ay makapag-iimpluwensiya sa tao
- C. dahil siya ay makapag-uutos sa mga taong nasasakupan
- D. dahil siya ay makapagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa kanyang nasasakupan
4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutang pamumuno?
- A. pagpapakita ng awtoridad gamit ang impluwensiya
- B. pagpapakita ng awtoridad gamit ang pansariling interes
- C. pagpapakita ng awtoridad gamit ang kapangyarihang mamuno
- D. pagpapakita ng awtoridad sa pagbubuo ng desisyon para sa nasasakupan
5. Bakit kailangang malinang ng lider at tagasunod ang iba’t ibang aspekto ng pagkatao?
- A. upang madaling makaimpluwensiya ng maraming tao
- B. upang matagumpay na makamit ang mga pansariling layunin
- C. upang magkaroon ng isang ugnayang payapa at may pagkakaisa
- D. upang makahanap ng taong mapag-uutusan at mapagkatitiwalaan
6. Bakit kailangang malinang ang kakayahang gampanan ang tungkulin?
- A. upang makakamit ang hangarin
- B. upang makikilala ang lipunang ginagalawan
- C. upang maibalik ang mga biyayang natanggap
- D. upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider?
- A. Sinasarili ang lahat na mga gawain.
- B. Napapairal ang anumang binabalak.
- C. Pinakikinggan ang mga opinyon ng kanyang nasasakupan.
- D. Pinauubaya sa kanyang nasasakupan ang lahat na gawain.
8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang tagasunod?
- A. May kapansanan si Aling Nene bagaman aktibo sa mga gawaingpampurok.
- B. Madalas magreklamo sa mga patakaran ng kanilang purok si Maria.
- C. Maykaya ang pamilyang Santos kaya lang walang pakialam sa mga aktibidad sa kanilang purok.
- D. Abalang-abala sa negosyo si Mang Pedro kaya hindi makadalo sa pagpupulong sa kanilang purok.
9. Paano maipapakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa?
- A. sa pagiging masaya sa panunungkulan
- B. sa paglinang sa kakayahang gampanan ang tungkulin
- C. sa pagsasagawa ng mga kasiyahan sa panunungkulanq
- D. sa pagganap ng tungkulin para sa pansariling hangarin
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider?
- A. Nagkibit-balikat lang ang isang Presidente kaugnay sa papalapit na aktibidad.
- B. Nagpatawag ng pulong ang Presidente ng Purok 2 kaugnay sa papalapit na kapistahan.
- C. Hinihintay muna ng Presidente ng Purok 3 kung ano ang gagawin ng ibang purok bago siya magpatawag ng pulong.
- D. Malapit na ang kapistahan ng kanilang patron kaya abalang-abala na ang Presidente ng Purok 1 sa pangdekorasyon nito.
11. Ano ang kahalagahan ng paglinang sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng isang lider o tagasunod?
- A. upang magkaroon ng pagkakaisa sa pakikipagsabwatan
- B. upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat
- C. upang makamit ang kapayapaan at responsibilidad ng lider ay matapos
- D. upang magkaroon ng pagkilala at pagsunod sa lider nang walang di pagsang-ayon
12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng tagasunod?
- A. Tagasunod ang nagbibigay ng kapangyarihan sa lider.
- B. Tagasunod ang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa.
- C. Tagasunod ang kanang kamay ng lider sa pagsasagawa ng mga gawain.
- D. Tagasunod ang tumutulong sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa layunin ng samahan.
13. Alin sa sumusunod ang angkop na naglalarawan sa isang tagasunod?
- A. magaling magplano at magpasya
- B. inaalagaan at iniingatan ang sarili
- C. nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba
- D. nakikiisa at nagsasakilos sa mga layunin ng pangkat
14. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang tagasunod?
- A. tagabigay ng direksiyon
- B. tagatanaw ng tagasunod
- C. taga-organisa ng pangkat
- D. tagatupad ng instruksiyon
15. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider?
- A. tagapatupad ng plano
- B. tagabigay ng direksiyon
- C. tagagawa ng mga layunin
- D. tagakilala ng awtoridad ng pinuno
Pagyamanin
Gawain 3: Tungkulin Ko, Gagampanan Ko!
Panuto: Tukuyin ang gampanin ng isang mapanagutang lider at tagasunod. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
Lider – namumuno sa pagpapatupad ng isang mithiin
Tagasunod – nakakatulong sa pagtupad ng mithiin
[chart: graphic organizer; Gawain 3 (blank diagram, no values)] Center labels: Lider | Tagasunod Surrounding boxes are empty.
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (12 puntos) | Katamtaman (9 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. | Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. |
Gawain 4: Tala-Kahalagahan!
Panuto: Isulat sa talahanayan ang kahalagahan sa pagkakaroon ng isang mapanagutang lider at tagasunod sa isang pangkat ng mga mag-aaral. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
| LIDER: Student Supreme Government (SSG) Officers | TAGASUNOD: Mga mag-aaral ng isang Paaralan | |
|---|---|---|
| Nakakaagapay sa mga suliranin hinggil sa paaralan | Gumagawa ng mga hakbang upang maging matiwasay ang pamumuno ng lider | |
| 1. | ||
| 2. | ||
| 3. | ||
| 4. | ||
| 5. |
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (12 puntos) | Katamtaman (9 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kompleto na may 10 angkop ang mga impormasyong isinulat. | Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. | Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. |
Gawain 5: Kung Ako!
Panuto: Sagutin at pangatwiranan ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the question is printed inside a scroll-shaped answer box, which is blank space for the learner’s answer]
Kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas matimbang sa iyo, ang pagiging lider o tagasunod? Bakit?
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
| Pamantayan | Napakahusay (20 puntos) | Mahusay (15 puntos) | Katamtaman (10 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. | Malinaw na nailalahad ang pangangatwi-ran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. | Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwi-ran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. | Hindi malinanw na nailalahad ang pangangatwi-ran at hindi nakapagbibig ay ng mga suportang detalye at halimbawa. |
Isaisip
Gawain 6: Masubok Nga!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano ang ibig sabihin ng lider?
- Kailan masasabing ang pamumuno ay mabuti o mapanagutan?
- Paano nagkakaiba ang isang mapanagutang lider at tagasunod?
- Ano- ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mapanagutang lider?
- Ano-ano naman ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang tagasunod?
RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (10 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng mga sagot | Nasagutan nang tama ang lahat ng tanong at kinapapalooban ng makabuluhang impormasyon. | Nasagutan nang tama ang iilang tanong at kinapapalooban ng iilang makabuluhang impormasyon. | May sagot sa tanong bagaman malayo sa konseptong hinihingi. |
Isagawa
Gawain 7: Magsuri’t Mangatwiran Ka!
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Proyekto sa Agham at Teknolohiya
Ang iyong guro ay nagbigay ng mga proyekto sa Agham at Teknolohiya tungkol sa Volcanic Eruptions para sa limang grupo. Si Dexter na lider sa inyong grupo ay nagbabalak na sirain ang proyekto nina Jay at Alice para mabigyan ng mataas na puntos ang inyong pangkat.
Dumating ang araw na ipapasa na ang proyekto. Naisakatuparan nga ang plano ni Dexter na masira ang proyekto nina Jay at Alice. Subalit napag-alaman ng inyong guro ang katotohanan sa likod ng pangyayari kung kaya napagsabihan si Dexter ng guro sa kasalanang nagawa.
Humingi ng kapatawaran si Dexter sa lahat ng kanyang kaklase at siya naman ay pinatawad.
Mga Tanong:
- Sa sitwasyong iyong binasa, isa bang mapanagutang lider si Dexter? Pangatwiranan.
- Gaano kahalaga ang pagiging lider upang makamit ang ninais na layunin?
- Gaano ba kahalaga ang pagiging tagasunod upang makamit ang ninais na layunin?
- Ikaw bilang tagasunod, ano ang maaari mong gawin upang mapigilan si Dexter sa kanyang masamang plano? Kung ikaw ang lider, gagawin mo rin ba ang ginawa niya upang makamit ang layuning tumaas ang inyong puntos? Bakit?
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
| Pamantayan | Napakahusay (20 puntos) | Mahusay (15 puntos) | Katamtaman (10 puntos) | Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. | Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. | Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. | Hindi malinanw na nailalahad ang pangangatwi-ran at hindi nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. |
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Ano ang kahalagahan ng paglinang sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng isang lider o tagasunod?
A. upang magkaroon ng pagkakaisa sa pakikipagsabwatan
B. upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat
C. upang makamit ang kapayapaan at responsibilidad ng lider ay matapos
D. upang magkaroon ng pagkilala at pagsunod sa lider nang walang di pagsang-ayonAlin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng tagasunod?
A. Tagasunod ang nagbibigay ng kapangyarihan sa lider.
B. Tagasunod ang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa.
C. Tagasunod ang kanang kamay ng lider sa pagsasagawa ng mga gawain.
D. Tagasunod ang tumutulong sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa layunin ng samahan.Alin sa sumusunod ang angkop na naglalarawan sa isang tagasunod?
A. magaling magplano at magpasya
B. inaalagaan at iniingatan ang sarili
C. nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba
D. nakikiisa at nagsasakilos sa mga layunin ng pangkatAlin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang tagasunod?
A. tagabigay ng direksiyon
B. tagatanaw ng tagasunod
C. taga-organisa ng pangkat
D. tagatupad ng instruksiyonAlin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider?
A. tagapatupad ng plano
B. tagabigay ng direksiyon
C. tagagawa ng mga layunin
D. tagakilala ng awtoridad ng pinunoAlin sa sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
A. mapanagutang lider
B. mapanagutang magulang
C. mapanagutang tagasunod
D. mapanagutang pamumunoAlin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
B. Nagkaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
C. Nakatatanggap ng parangal o papuri ang pangkat mula sa mga kilalang tao.
D. Nakatatanggap ng maraming utos ang mga tagasunod mula sa kanilang lider.Bakit nais ng tao na maging lider?
A. dahil siya ay may awtoridad
B. dahil siya ay makapag-iimpluwensiya sa tao
C. dahil siya ay makapag-uutos sa mga taong nasasakupan
D. dahil siya ay makapagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa kanyang nasasakupanAlin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutang pamumuno?
A. pagpapakita ng awtoridad gamit ang impluwensiya
B. pagpapakita ng awtoridad gamit ang pansariling interes
C. pagpapakita ng awtoridad gamit ang kapangyarihang mamuno
D. pagpapakita ng awtoridad sa pagbubuo ng desisyon para sa nasasakupanBakit kailangang malinang ng lider at tagasunod ang iba’t ibang aspekto ng pagkatao?
A. upang madaling makaimpluwensiya ng maraming tao
B. upang matagumpay na makamit ang mga pansariling layunin
C. upang magkaroon ng isang ugnayang payapa at may pagkakaisa
D. upang makahanap ng taong mapag-uutusan at mapagkatitiwalaanBakit kailangang malinang ang kakayahang gampanan ang tungkulin?
A. upang makakamit ang hangarin
B. upang makikilala ang lipunang ginagalawan
C. upang maibalik ang mga biyayang natanggap
D. upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwaAlin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider?
A. Sinasarili ang lahat na mga gawain.
B. Napapairal ang anumang binabalak.
C. Pinakinggan ang mga opinyon ng kanyang nasasakupan.
D. Pinauubaya sa kanyang nasasakupan ang lahat na gawain.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang tagasunod?
A. May kapansanan si Aling Nene bagaman aktibo sa mga gawaing pampurok.
B. Madalas magreklamo sa mga patakaran ng kanilang purok si Maria.
C. Maykaya ang pamilyang Santos kaya lang walang pakialam sa mga aktibidad sa kanilang purok.
D. Abalang-abala sa negosyo si Mang Pedro kaya hindi makadalo sa pagpupulong sa kanilang purok.Paano maipapakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa?
A. sa pagiging masaya sa panunungkulan
B. sa paglinang sa kakayahang gampanan ang tungkulin
C. sa pagsasagawa ng mga kasiyahan sa panunungkulan
D. sa pagganap ng tungkulin para sa pansariling hangarinAlin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider?
A. Nagkibit-balikat lang ang isang Presidente kaugnay sa papalapit na aktibidad.
B. Nagpatawag ng pulong ang Presidente ng Purok 2 kaugnay sa papalapit na kapistahan.
C. Hinihintay muna ng Presidente ng Purok 3 kung ano ang gagawin ng ibang purok bago siya magpatawag ng pulong.
D. Malapit na ang kapistahan ng kanilang patron kaya abalang-abala na ang Presidente ng Purok 1 sa pag-adorno nito.
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Pagkilala sa Sarili!
Panuto: Magbigay ng repleksyon sa sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ipagpalagay na nakatitig ka sa sariling imahe sa salamin. Ano-ano ang mga katangiang nakikita mo sa iyong sarili bilang isang mapanagutang lider at tagasunod. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Katangian bilang mapanagutang lider | Katangian bilang mapanagutang tagasunod |
|---|---|
| 1. | 1. |
| 2. | 2. |
| 3. | 3. |
| 4. | 4. |
| 5. | 5. |
Bakit mahalaga ang maging isang mapanagutang lider at tagasunod? Pangatwiranan.
RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG
| Pamantayan | Napakahusay (15 puntos) | Mahusay (10 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Lalim at nilalaman ng repleksyon | Napakalalim na naipakita ang pag-uugnay ng sarili sa karanasan sa bagong kaalaman. Malinaw na nailalahad ang repleksyon at pangangatwiran. | Malalim na naipakita ang pag-uugnay ng sarili sa karanasan sa bagong kaalaman. Hindi gaanong malinaw na nailalahad ang repleksyon at pangangatwiran. | Mababaw na hindi naipakita ang pag-uugnay ng sarili sa karanasan sa bagong kaalaman. Hindi malinaw na nailalahad ang repleksyon at pangangatwiran. |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three answer columns are transcribed in their reading order below]
Subukin
- D (Kaalaman)
- B (Kaalaman)
- D (Pag-unawa)
- D (Pagsusuri)
- C (Pag-unawa)
- D (Pag-unawa)
- C (Kaalaman)
- A (Pagtataya)
- B (Paglalapat)
- B (Pagtataya)
- B (Kaalaman)
- D (Kaalaman)
- D (Pagsusuri)
- D (Paglalapat)
- B (Paglalapat)
Balikan
- √
- √
- X
- √
- √
- √
- √
- X
- √
- √
Tayahin
- B (Kaalaman)
- D (Kaalaman)
- D (Pagsusuri)
- D (Paglalapat)
- B (Paglalapat)
- D (Kaalaman)
- B (Kaalaman)
- D (Pag-unawa)
- D (Pagsusuri)
- C (Pag-unawa)
- D (Pag-unawa)
- C (Kaalaman)
- A (Pagtataya)
- B (Paglalapat)
- B (Pagtataya)
Sanggunian:
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Suda, Lawrence. PMI. PA: Project Management Instituite. October 29, 2013. https://www.pmi.org/learning/library/importance-of-effective-followers- (accessed June 2, 2020).
Wigston, Sue. eaglesflight.com. Eagles Flight. July 16, 2019. https://www.eaglesflight.com/blog/the-critical-role-of-followership-in-leadership (accessed June 2, 2020).
Allen, Terina. fastcompany.com. Fast Company & Inc. November 28, 2018. https://www.fastcompany.com/90273002/want-to-be-a-good-leader-learn-to-follow (accessed June 2, 2020).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply