EsP 8 Quarter 2 Module 21: Ang Aking Mga Kaibigan (My Friends)

This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8, Quarter 2, Module 21: “Ang Aking Mga Kaibigan” (My Friends). It is a one-lesson module for Grade 8 learners studying at home. After it, learners should be able to name the people they consider friends and explain what they have learned from them. The module was prepared by DepEd Caraga Region (First Edition, 2020) and written by Marlon A. Oposa.

What learners will learn

The module develops one learning competency:

  • Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito (identifies the people they consider friends and what they have learned from them). (EsP8-IIc-6.1)

The module opens with friendly nicknames such as “Besh, Sissy, Bro, Brad” and asks learners how they can tell that someone sees them as a true friend. It reminds them that apart from family, people need someone to run to, lean on, and share their troubles with. These people are our “kaibigan” (friends).

How to recognize a true friend

The module starts with an acrostic of the word KAIBIGAN. It describes a friend as someone who stands with you in any challenge, guides you on the right path, supports you at all times, and helps you reach your goals.

It also points out that you may have more than 1,000 friends on social media, yet you still return to one or two special people you are close to. With them, you can freely share your feelings, thoughts, and dreams.

According to the module, you can consider someone a friend when you share and feel these with them:

  • agreeing on many things or situations
  • caring for and worrying about each other
  • understanding each other’s feelings
  • being honest with each other
  • listening and giving comfort when needed

These traits make a friendship deeper and stronger. The module’s example: you know your friend is weak in Math, so you study together to help raise their grades.

When friendship is tested, and what friends teach us

Friendships can be tested by things like jealousy and not telling the truth. In the module’s example, you secretly envy a friend’s success and start avoiding them. If ignored, this feeling can break the friendship. But because your friend values you, they choose to talk to you and fix things.

The module says small misunderstandings between friends are normal. They should make the friendship stronger, not end it. Lessons we can learn from friends include:

  • becoming helpful because your friend is generous
  • valuing respect because your friend shows it to you
  • understanding other people better because your friends show you understanding
  • working toward your goals the right way because of a friend’s influence

The module ends this discussion by saying that lessons from friendship should be lived out and treasured, because finding a close friend is like a treasure no one can take away.

Activities in the module

PartActivityWhat learners do
SubukinPretestAnswer 15 multiple-choice questions
BalikanGawain 1: Natutuhan Mo, Ilapag Mo!List activities that meet students’ intellectual, social, economic, and political needs
TuklasinGawain 2: Akrostik Ko, Damhin Mo!Read the KAIBIGAN acrostic and answer guide questions
PagyamaninGawain 3: Kuwentong Magkaibigan!Read the story of childhood friends Philip and Ken and answer questions
PagyamaninGawain 4: Masubok Nga!Name the friendship trait shown in five situations (matapat, maalaga, maaalahanin, matulungin, maunawain, matatag)
PagyamaninGawain 5: Sitwasiyon Mo, Aral Ko!Choose the lesson learned from friends in short scenarios
IsaisipGawain 6: Buuin Mo!Write a 3 to 4 sentence paragraph about friendship using words from a word cloud
IsagawaGawain 7: Kaibigan Ko, Matutukoy Ko!Fill in a table of your friends, check the traits each has, and write what you learned from each
TayahinFinal testAnswer 15 multiple-choice questions
Karagdagang GawainGawain 8: Idaan sa Tula!Write your own poem about your friends and the lessons you learned

The paragraph in Gawain 6 and the poem in Gawain 8 are scored with rubrics (10, 8, or 5 points per criterion). For the poem, the top score needs four stanzas of four lines each and five lessons about friendship.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first to see what you already know. Then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module comes with a guide for teachers and facilitators with reminders and strategies for helping learners at home. Encourage your child to use the answer key honestly, only after finishing each activity.
  • Teachers: The teacher’s note after Balikan says to let the learner continue if they did Gawain 1 well, and to send them back to the previous module if not. Gawain 7 directly targets the competency, so it works well as an output to check.

The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers Subukin, Gawain 3 to 5, and Tayahin. Some printed answers, especially for Tayahin, do not seem to match the order of the questions, so teachers may want to check the key before using it for grading.

Frequently asked questions

Which grade and quarter is the module Ang Aking Mga Kaibigan for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 2, Module 21. It was published by DepEd Caraga Region as a First Edition, 2020.

What competency does this EsP 8 module cover?

It covers competency EsP8-IIc-6.1: identifying the people a learner considers friends and what they have learned from them.

According to the module, how can you tell that someone is a friend?

The module lists getting along on many things, caring for each other, understanding each other’s feelings, honesty, and listening and comforting each other when needed.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for the pretest, Gawain 3 to 5, and the final test. Some answers for the final test appear not to match the question order, so it is best to check them with a teacher.

What are the written outputs in this module?

Learners write a short paragraph about friendship using words from a word cloud, fill in a table about their friends and what they learned from each, and write an original poem about friendship. The paragraph and poem are scored with rubrics.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan -Modyul 21: Ang Aking Mga Kaibigan

[illustration: students reading and studying outdoors under a tree and indoors at a table, with a globe and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 21 – Ang Aking Mga Kaibigan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marlon A. Oposa Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Rashiel Joy F. Lepaopao, Jezzine F. Salar, Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo, Jhon Rey C. Clarion, Linda T. Geraldino, Jezzine F. Salar, Concorde Albert J. Deniega, Judith E. Ecoben Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Jerson Rod A. Acosta Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan–Modyul 21: Ang Aking Mga Kaibigan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Besh, Sissy, Bro, Brad! Ito rin ba ang tawagan mo at ng iyong katoto? Paano mo malalaman na ang isang tao ay tinuturing kang tunay na kaibigan? Ikaw ba ay may makabuluhang natutuhan mula sa iyong pakikipagkaibigan?

Tulad mo, ang lahat ng tao ay hindi nabubuhay para mag-isa, maliban sa pamilyang kasa-kasama nangangailangan ang tao ng matatakbuhan, masasandalan, at mababahagian ng kaniyang mga hinanakit sa buhay. Sila ang tinatawag nating “kaibigan”.

Sa modyul na ito matutuhan mo at lilinangin ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito. (EsP8-IIc-6.1)

Subukin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Paano naipapakita ang pagiging tunay na kaibigan?
    A. Kapag kinikilingan niya ang iyong kamalian.
    B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa gawain sa paaralan.
    C. Sa pamamagitan ng pakikiramay sa oras ng kagipitan.
    D. Kapag siniwalat niya lahat ng iyong nakatagong sekreto.


  2. Ano ang dapat na maging batayan sa pagkakaroon ng tunay kaibigan?
    A. kasikatan
    B. kapangyarihan
    C. pera at kayamanan
    D. mabuting pag-uugali


  3. Nangunguna sa klase si Glen, kung kaya’t lahat ng mga gawain sa paaralan ay siya parati ang nakakukuha ng pinakamataas na marka. Likas na rin sa kaniya ang pagtulong sa mga nahihirapang kaibigan at kaklase, dahil dito siya ay hinahangaan ng lahat. Batay sa sitwasiyon, anong indikasyon ito ng isang kaibigan?
    A. pagiging maarte
    B. sariling kasiyahan
    C. pagiging matulungin
    D. pagpapakita ng kabutihan


  4. Alin sa sumusunod ang dapat ituring mong kaibigan?
    A. maalaga
    B. pasaway
    C. may mabuting kalooban
    D. nariyan lang kapag may kailangan


  5. Nakakaangat sa buhay ang kalagayan ni Nina. Kung kaya’t naging takbuhan siya ng kaniyang kaibigan na si Beth sa tuwing ito’y nagigipit. Palaging inuunawa ni Nina ang paglapit ng kaniyang kaibigan. Anong indikasiyon ng isang tunay na kaibigan ang pinapakita ni Nina?
    A. pagiging sosyal
    B. pagiging mayabang
    C. pagiging makasarili
    D. pagiging maunawain


  6. Matalik na magkaibigan sina Vengie at May, lahat ng lihim ng bawat isa ay alam nila. Kailanman ay hindi nila pinagkakaisahan ang sino man sa kanila. Anong indikasiyon ng isang tunay na kaibigan ang kanilang pinapakita sa isa’t isa?
    A. pagiging sakim
    B. pagiging masipag
    C. pagiging matapat
    D. pagiging matiyaga


  7. Ano ang maidudulot ng isang tunay na kaibigan sa buhay ng kaniyang kaibigan?
    A. pagkabigo sa buhay
    B. pansariling kasiyahan
    C. pangmatagalang pagkakaibigan
    D. walang hanggang epekto sa buhay


  8. Bakit mahalagang isaalang-alang ang kabutihan ng isang tao sa pagiging kaibigan?
    A. upang maging malalim ang samahan
    B. dahil ito ang naayon sa pakikipagkaibigan
    C. dahil ito ay kwalipikasiyon sa isang kaibigan
    D. upang maging makabuluhan ang pagkakaibigan


  9. Parating kinukumusta at binibisita ni Janet ang kaniyang matalik na kaibigan sa tuwing ito’y may masamang karamdaman. Anong indikasiyon sa isang tunay na kaibigan ang pinapakita ni Janet?
    A. pagiging masinop
    B. pagiging magalang
    C. pagiging maalaga
    D. pagiging mapagmataas


  10. Anong katangian ng isang tunay na kaibigan ang nararapat na pamarisan?
    A. pagpapakita ng pagkainggit sa iba
    B. pagpapakita ng pagiging matapang sa kapwa
    C. pagpapakita ng pagkamagagalitin sa kapwa
    D. pagpapakita ng mabuting kalooban sa lahat ng pagkakataon


  11. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang maihahalintulad sa isang kaibigan?
    A. isang sakit
    B. isang yaman
    C. isang kapangyarihan
    D. isang kamangmangan


  12. Alin sa sumusunod na sitwasiyon ang nagpapakita ng pagiging tunay na kaibigan?
    A. Nagagalit si Arnie tuwing naaaliw si Rea kasama ang iba niyang kaibigan
    B. Palaging sinasamahan ni Bea si Alaiza dahil alam niyang matutulungan siya nito sa kaniyang mga proyekto.
    C. Hinikayat ni Louie ang kaibigang si Lou na magsinungaling sa kaniyang magulang para makasama ito sa kanilang lakad.
    D. Tuwing hapon ay tinutulungan ni Lea si Aiza sa pagtitinda ng balot upang maibili ng gamot ang nanay nitong may sakit.


  13. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong sa pagpapatatag ng pagkakaibigan?
    A. pera’t kayamanan
    B. pagmamahal at respeto
    C. kagandahan at kasikatan
    D. kasiyahan at pangangailangan


  14. Pinapahalagahan ni Rina at Kim ang kanilang pagkakaibigan kung kaya iniiwasan nila ang makapagbitaw ng masasakit na salita kahit na minsan ay may hindi sila pagkakaintindihan sapagkat iginagalang nila ang bawat isa. Anong katangian ng magkakaibigan ang pinapakita ng dalawa?
    A. paggalang sa isa’t isa
    B. pagsabi ng totoo sa isa’t isa
    C. pagsawalang bahala sa nararamdaman
    D. pagpapatibay at pagpapahalaga sa samahan nila


  15. Ano ang dapat gawin sa mga natutuhan mula sa iyong pakikipagkaibigan?
    A. ipagsawalang bahala
    B. ipagmalaki sa kapwa
    C. isabuhay at pakaingatan
    D. isabuhay at pagyamanin


Aralin 1 Ang Aking Mga Kaibigan

“Sa pagiging totoo at matulungin nasusukat ang tunay na pagkakaibigan”

-Anonymous

Balikan
Gawain 1: Natutuhan Mo, Ilapag Mo!

Panuto: Bilang kabataan, magtala ng mga gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa paaralan at pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

IntelektwalPanlipunanPangkabuhayanPulitikal
Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin
Gawain 2: Akrostik Ko, Damhin Mo!

Panuto: Basahin ang akrostik at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

K-apanalig sa anumang hamon na dumating sa buhay.

A-akay sa iyo sa mabuting landas.

I-sang indibidwal na naging sandalan mo sa lahat ng oras.

B-ibigyan ka ng karanasang hindi mo malilimutan.

I-nspirasyon kung ituring ninuman.

G-inugulan ng halos buong kuwento ng iyong buhay.

A-alalay sa iyong pagkamit ng mithiin at tagumpay.

N-aging katuwang mo sa anumang uri ng karanasang napagdaanan.

Gabay na tanong:

  1. Ano ang mensahe ng akrostik na iyong binasa?
  2. Mayroon ka bang kaibigan?
  3. Bakit itinuring mo siyang kaibigan?
Suriin

Napaisip ka rin ba kung bakit mo itinuturing na kaibigan ang iyong katoto o hindi kaya, kung bakit ka nila itinuturing na kaibigan?

Kung babalikan natin ang akrostik sa bahaging Tuklasin, inilarawan nito ang isang kaibigan. Sila ang mga taong naging kapanalig, totoo at maaaring isa sa mga inspirasiyon natin sa buhay. Halimbawa, popular na sa mga kabataang kagaya mo ang paramihan ng kaibigan sa iba’t ibang social media site ngunit napansin mo ba na sa higit 1,000 na kaibigan mo sa virtual world ay bumabalik pa rin tayo sa isa o dalawang taong espesyal at kapalagayang loob na natin. Malaya tayong nakapagpapahayag ng ating damdamin, saloobin at mga pangarap kasama ang mga taong ito.

Maituturing din natin na ang isang tao ay kaibigan kung taglay at naramdaman natin sa kanila ang mga sumusunod;

a. pagkakasundo sa mga maraming bagay o pagkakataon;

b. pag-aalaga at pag-aalala sa isa’t isa;

c. pag-unawa sa saloobin o damdamin ng bawat isa;

d. pagkakaroon ng katapatan; at

e. pakikinig at pagdamay kung kinakailangan.

Sa pangkalahatan, mahalagang taglayin ng dalawang tao ang mga nabanggit na katangian upang mas mapalalim at maging makabuluhan ang pagkakaibigan dahil ito ang nagiging gabay para sa mas matibay at matatag na samahan. Halimbawa, alam mong kahinaan ng iyong kaibigan ang asignaturang Matematika kung kaya magkasabay kayong nag-aaral upang matulungang tumaas ang marka ng iyong kaibigan.

Kung minsan humaharap sa iba’t ibang sitwasiyon ang tao na sumusubok sa tatag ng pagkakaibigan. Maraming salik ang maaaring makaapekto upang masubok ang relasyon ng dalawang tao gaya ng selos, hindi pagsasabi ng katotohanan atbp. Halimbawa, hindi mo na malayang naiinggit ka na pala sa tagumpay ng iyong kaibigan at ramdam mong walang pagbabago sa iyong buhay dahil nahihiya ka sa iyong nararamdaman ay mas pinili mong iwasan na lamang siya. Ang nabuong emosyon na ito ay magdudulot ng pagkasira ng pagkakaibigan kung hindi mabibigyang pansin ngunit dahil mahal at pinahahalagahan ka ng iyong kaibigan ay mas pinili nitong kausapin ka upang maayos muli ang inyong relasiyon bilang magkaibigan.

Sa realidad, normal lamang ang tampuhan sa magkaibigan at hindi ito dapat ang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon. Bagkus, ito pa nga ang dapat na nagpapatatag sa samahan batay na rin sa napupulot na mga aral sa buhay tulad ng:

a. nagiging matulungin ka sapagkat likas ang pagiging mapagkawanggawa ng iyong katoto.

b. pinapahalagahan mo ang paggalang dahil iyon ay ipinapakita sa iyo ng iyong kaibigan.

c. lumalawak ang iyong pag-unawa sa kapwa tao sapagkat ito’y palaging ipinapadama sa iyo ng mga itinuturing mong kaibigan

d. pinagsisikapan mo ang isang bagay na makamit nang naayon sa wastong pamamamaraan dahil sa impluwensya ng kaibigan.

Ang mga karanasang ito ang nagbibigay sa iyo ng aral na nagsilbing gabay mo sa kasalukuyan. Kung kaya’t ang mga natutuhan mula sa iyong pakikipagkaibigan ay nararapat isabuhay at pagkaingatan sapagkat ang makahanap ng matalik na kaibigan ay tulad ng yaman na hindi mababawi ninuman.

Pagyamanin
Gawain 3: Kuwentong Magkaibigan!

Panuto: Basahin at unawain ang maikling teksto. Sagutin ang sumunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Sabay na lumaki sina Philip at Ken kaya’t itinuring nila ang isa’t isa bilang kaibigan. Sa bawat gawain sa bahay man o sa paaralan, sila ay nagtutulungan. Nangako sila sa bawat isa na pagbutihin nila ang kanilang mga gawain upang parehong maging matagumpay sa buhay. Naunang nakapagtapos at nagtagumpay si Ken kung kaya’t mas naging maayos ang kaniyang kalagayan. Naging manager siya sa isang sikat na hotel sa Maynila. Nalaman ito ni Philip at masaya siya sa tagumpay ng kaniyang kaibigang si Ken. Hindi nagtagal ay kinailangan ni Philip na maghanap ng mas maayos na trabaho kaya’t naisip niyang sumangguni sa kaniyang kaibigang si Ken. Tuwang- tuwa ang dalawa nang muli silang magkita. Naikuwento ni Philip ang kaniyang naging buhay at hindi nagdalawang isip si Ken na tulungan ang kaniyang kaibigan. Nabigyan niya ito nang maayos na trabaho. Napatunayan ni Philip na ang kaibigan ay palaging nariyan sa anumang hamon ng buhay.

Tanong:

  1. Anong katangian ng isang kaibigan ang ipinakita ni Ken?
  2. Bakit itinuturing na kaibigan ni Philip at Ken ang isa’t isa?
  3. Sa kuwento ni Philip at Ken, ano ang aral na nakuha mo tungkol sa pakikipagkaibigan?
Gawain 4: Masubok Nga!

Panuto: Tukuyin kung taglay ba ng tauhan sa sitwasiyon ang mga katangian ng maituturing na isang kaibigan. Isulat sa papel ang mga kasagutan.

Matapat Maalaga Maaalahanin Matulungin Maunawain Matatag

  1. Binibisita at kinakamusta ni Kate si Linda kapag ito’y may sakit.
  2. Madalas na takbuhan ni Abby si Kath kapag ito ay may problema sa gawain tungkol sa pag-aaral.
  3. Hindi inililihim ni Ben kay Alex ang kanyang nararamdaman sa tuwing ito’y may kinaiinisan.
  4. Ikinasasaya ni Kim ang pakikinig sa mga kuwento ng buhay ni Mike kahit ito’y paulit-ulit.
  5. May pagkakataong inuuna ni Lian ang proyekto ni Lance kaysa sa kanya.
Gawain 5. Sitwasiyon Mo, Aral Ko!

Panuto: Batay sa sitwasiyon, tukuyin kung anong aral ang matututuhan sa mga tauhan sa pakikipagkaibigan. Isulat sa papel ang mga kasagutan.

[transcriber’s note: the table has no printed column headers; the header row is left blank]

Matagal nang magkaibigan sina Ace at Marco. Isang araw nang papasok sa loob ng klasrum si Marco, ay siya ring pagkarinig mula sa kaklase na hindi umano ay ninakaw ni Ace ang pera ng kaklase. Agad pinuntahan ni Marco si Ace upang alamin ang katotohanan mula sa kaniyang kaibigan.Anong klaseng kaibigan ang ipinapakita ni Marco sa sitwasiyon?
A. pagiging tsimoso
B. pagiging malihim
C. pagiging matapat
D. pagiging madaldal
Nagngingitngit sa galit si Anna nang mabasa niya ang isang post ni Elgen na paninira patungkol sa kanya. Nang akmang lapitan at komprontahin ang naninira sa kanya ay bigla siyang pinigilan ni Kristine at pinayuhan na huwag makipag-away, maging mahinahon at makipag-usap nang masinsinan sa kaklase para maliwanagan.Ano ang posibleng matutuhan ni Anna sa ginawa ng kaibigang si Kristine?
A. makipag-away
B. maging matapang
C. maging mahinahon
D. magkibit balikat nalang
Matalik na magkaibigan sina Andre at James na magkasundo sa halos lahat ng bagay. Isang araw, habang naghahandaAno ang matututuhan ni Andre sa ginawa ng kaibigang si James?
Matapat Maalaga Maaalahanin Matulungin Maunawain Matatag

[transcriber’s note: table continued from the previous page; the header row is repeated blank, and the first row continues the row split at the bottom of the previous page]

sa papalapit na Ikalawang Markahang Pagsusulit sa asignaturang ESP-8 ay gumawa ng kodigo si Andre. Sa araw ng mismong pagsusulit ay aksidenteng nahulog ni Andre ang kodigo at nakita ng kaibigang si James kaya dali-daling kinuha ang kodigo at itinapon sa basurahan. Pinayuhan niya ang kaibigan na huwag ituloy ang binabalak na pandaraya at sa halip mag-aral na lang nang mabuti.A. pagiging mandaraya
B. pagiging madiskarte
C. palaasa sa kaibigan
D. pagiging matapat
Halos magkapatid na ang turingan nina Albert, Mike at Mark kaya’t iisa ang kanilang kinahihiligang laro na basketbol. Habang papunta sila sa paaralan, napahinto sila sa tapat ng basketball court, biglang nagyaya si Mark sa dalawang kaibigan na liliban sa klase sa araw na iyon at maglaro na lang. Subalit, tumutol ang dalawa sa nais ni Mark at sinabing sa susunod na lamang sila maglalaro kapag walang pasok.Ano ang matututuhan ni Mark sa sinabi ng kaniyang mga kaibigan?
A. pagiging pasaway
B. pagiging bulakbol sa klase
C. pagpapahalaga sa pag-aaral
D. pagiging mahusay na manlalaro
Napag-isip-isip ni Angel na sasagutin na si Jake dahil matagal na itong nanliligaw sa kanya ngunit mahigpit na ipinagbilin ng kaniyang mga magulang na huwag munang makipagrelasyon. Nang ipinagtapat niya sa kaibigang si Jane ang kaniyang balak ay pinayuhan siya na unahin ang pag-aaral at huwag suwayin ang bilin ng mga magulang. Kaya napagtanto niya na tama ang kaibigan.Ano ang maaaring mangyari sa buhay ni Angel kung susundin niya ang payo ng kaibigang si Jane?
A. mapariwara
B. makapagtrabaho
C. magtatagumpay sa pag-aaral
D. walang mararating sa buhay
Isaisip
Gawain 6. Buuin Mo!

Panuto: Gamit ang mga salita sa wordle, bumuo ng isang talata tungkol sa pakikipagkaibigan at mga aral na napulot mula rito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: heart-shaped word cloud of words about friendship, the wordle]

[transcriber’s note: the wordle words are small and overlapping, so only the largest words are listed here, not all of them: BATAY, INTERES, SUMIBOL, pakikipagkaibigan, PAGMAMAHAL, KALIGAYAHAN, LIPUNAN, KAIBIGAN, positibong, UGNAYAN, PANGANGAILANGAN, pansariling, BRO, SISSY, walang, isa]

Rubrik sa pagbuo ng talata

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Nabuong talataNakabuo ng talata na may 3-4 pangungusap gamit ang 5 salitaNakabuo ng talata na may 3-4 pangungusap gamit ang 4-3 salitaNakabuo ng talata na may 3-4 pangungusap gamit ang 2-1 salita
DiwaAng diwang nabuo ay naglalarawan sa mga kaibigan at aral na napulot rito na binubuo gamit ang 5 o higit pa na mga salitaAng diwang nabuo ay hindi masyadong naglalarawan sa mga kaibigan at aral na napulot rito na binubuo gamit ang 4-3 na mga salitaAng diwang nabuo ay hindi naglalarawan sa mga kaibigan at aral na napulot rito na binubuo ng 2-1 na nga salita
Kabuuan

Isagawa

Gawain 7: Kaibigan ko, Matutukoy Ko!

Panuto: Sundin ang magkasunod na pamamaraan upang matukoy ang iyong mga kaibigan. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

  1. Suriin ang mga itinuturing mong kaibigan.
  2. Isulat ang kanilang pangalan sa unang hanay.
  3. Lagyan ng tsek ang ikalawa hanggang ikalimang hanay kung alin sa katangian ng isang kaibigan ang tinataglay nito.
  4. Sa huling hanay, ilahad ang natutuhan mo mula sa bawat kaibigan.
Pangalan ng KaibiganMagkasamang paggawa ng isang bagay o gawain/Pagiging MatulunginPagiging MatapatPag-aalaga sa isa’t isa/Pagiging maalalahaninPag-unawa sa saloobin o damdamin ng bawat isa/maunawainAng iyong natutunan mula sa kanila

Tayahin

Maraming Pagpipilian.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang maihahalintulad sa isang kaibigan?

    • A. isang sakit
    • B. isang yaman
    • C. isang kapangyarihan
    • D. isang kamangmangan
  2. Paano Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging tunay na kaibigan?

    • A. Nagagalit si Arnie tuwing naaaliw si Rea kasama ang iba niyang kaibigan
    • B. Palaging sinasamahan ni Bea si Alaiza dahil alam niyang matutulungan siya nito sa kanyang mga proyekto.
    • C. Hinikayat ni Louie ang kaibigang si Lou na magsinungaling sa kanyang magulang para makasama ito sa kanilang lakad.
    • D. Tuwing hapon ay tinutulungan ni Lea si Aiza sa pagtitinda ng balot upang maibili ng gamot ang nanay nitong may sakit.
  3. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong sa pagpapatatag ng pagkakaibigan?

    • A. pera’t kayamanan
    • B. pagmamahal at respeto
    • C. kagandahan at kasikatan
    • D. kasiyahan at pangangailangan
  4. Pinapahalagahan ni Rina at Kim ang kanilang pagkakaibigan kung kaya iniiwasan nila ang makapagbitaw ng masasakit na salita kahit na minsan ay may hindi sila pagkakaintindihan sapagkat iginagalang nila ang bawat isa. Anong katangian ng magkakaibigan ang pinapakita ng dalawa?

    • A. paggalang sa isa’t isa
    • B. pagsabi ng totoo sa isa’t isa
    • C. pagsawalang bahala sa nararamdaman
    • D. pagpapatibay at pagpapahalaga sa samahan nila
  5. Ano ang dapat gawin sa mga natutunan mula sa iyong pakikipagkaibigan?

    • A. Ipagsawalang bahala
    • B. Ipagmalaki sa kapwa
    • C. isabuhay at pakaingatan
    • D. isabuhay at pagyamanin
  6. Matalik na magkaibigan sina Vengie at May, lahat ng lihim ng bawat isa ay alam nila. Kailanman ay hindi nila pinagkakaisahan ang sino man sa kanila. Anong indikasiyon ng isang tunay na kaibigan ang kanilang pinapakita sa isa’t isa?

    • A. pagiging sakim
    • B. pagiging masipag
    • C. pagiging matapat
    • D. pagiging matiyaga
  7. Ano ang maidudulot ng isang tunay na kaibigan sa buhay ng kanyang kaibigan?

    • A. pagkabigo sa buhay
    • B. pansariling kasiyahan
    • C. pangmatagalang pagkakaibigan
    • D. walang hanggang epekto sa buhay
  8. Bakit mahalagang isaalang-alang ang kabutihan ng isang tao sa pagiging kaibigan?

    • A. upang maging malalim ang samahan
    • B. dahil ito ang naayon sa pakikipagkaibigan
    • C. dahil ito ay kwalipikasyon sa isang kaibigan
    • D. upang maging makabuluhan ang pagkakaibigan
  9. Parating kinumumusta at binibisita ni Janet ang kanyang matalik na kaibigan sa tuwing ito’y may masamang karamdaman. Anong indikasiyon sa isang tunay na kaibigan ang pinapakita ni Janet?

    • A. pagiging masinop
    • B. pagiging magalang
    • C. pagiging maalaga
    • D. pagiging mapagmataas
  10. Anong katangian ng isang tunay na kaibigan ang nararapat na pamarisan?

    • A. pagpapakita ng pagkainggit sa iba
    • B. pagpapakita ng pagiging matapang sa kapwa
    • C. pagpapakita ng pagkamagagalitin sa kapwa
    • D. pagpapakita ng mabuting kalooban sa lahat ng pagkakataon
  11. Paano naipapakita ang pagiging tunay na kaibigan?

    • A. Kapag kinikilingan niya ang iyong kamalian.
    • B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa gawain sa paaralan.
    • C. Sa pamamagitan ng pakikiramay sa oras ng kagipitan.
    • D. Kapag siniwalat niya lahat ng iyong nakatagong sekreto.
  12. Ano ang dapat na maging batayan sa pagkakaroon ng tunay kaibigan?

    • A. kasikatan
    • B. kapangyarihan
    • C. pera at kayamanan
    • D. mabuting pag-uugali
  13. Nangunguna sa klase si Glen, kung kaya’t lahat ng mga gawain sa paaralan ay siya parati ang nakakukuha ng pinakamataas na marka. Likas na rin sa kanya ang pagtulong sa mga nahihirapang kaibigan at kaklase, dahil dito siya ay hinahangaan ng lahat. Batay sa sitwasyon, anong indikasyon ito ng isang kaibigan?

    • A. pagiging maarte
    • B. sariling kasiyahan
    • C. pagiging matulungin
    • D. pagpapakita ng kabutihan
  14. Alin sa sumusunod ang dapat ituring mong kaibigan?

    • A. maalaga
    • B. pasaway
    • C. may mabuting kalooban
    • D. nandyan lang kapag may kailangan
  15. Nakakaangat sa buhay ang kalagayan ni Nina. Kung kaya’t naging takbuhan siya ng kanyang kaibigan na si Beth sa tuwing ito’y nagigipit. Palaging inuunawa ni Nina ang paglapit ng kanyang kaibigan. Anong indikasyon ng isang tunay na kaibigan ang pinapakita ni Nina?

    • A. pagiging sosyal
    • B. pagiging mayabang
    • C. pagiging makasarili
    • D. pagiging maunawain

Karagdagang Gawain

Gawain 8: Idaan sa Tula!

Panuto: Sumulat ng sariling tula tungkol sa iyong mga kaibigan at aral na napulot mula sa pagkakaibigan.

Rubrik sa pagsulat ng tula
PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
NilalamanNaglalaman ng paglalarawan sa katangian ng kaibigan at nakalahad ng 5 aral sa pagkakaibiganNaglalaman ng paglalarawan sa katangian ng kaibigan at nakalahad ng 3 aral sa pagkakaibiganNaglalaman ng paglalarawan sa katangian ng kaibigan at nakalahad ng 2 aral sa pagkakaibigan
Kaanyuan ng tulaNasa Malaya o tradisyunal na anyo ang tula at binubuo ng 4 na saknong na may 4 na taludtodNasa Malaya o tradisyunal na anyo ngunit ang tula at binubuo lamang ng 3 saknong na may 4 na taludtodNasa Malaya o tradisyunal na anyo ngunit ang tula at binubuo lamang ng 2 saknong na may 4 na taludtod
Kabuuan

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three columns are Subukin, Pagyamanin, and Tayahin, read here in their upright order]

Subukin
  1. B
  2. D
  3. D
  4. D
  5. D
  6. C
  7. D
  8. D
  9. C
  10. A
  11. C
  12. D
  13. B
  14. C
  15. D
Pagyamanin
Gawain 3
  1. matulungin na kaibigan
  2. magkababata sila at nagtutulungan sa isa’t isa
  3. huwag mahiyang lumapit sa kibigan kung may problema
  4. Huwag mag-atubiling tumulong kung may kakayahang tumulong
Gawain 4
  1. MAALAGA
  2. MATULUNGIN
  3. MATAPAT
  4. MAUNAWAIN
  5. MATULUNGIN
Gawain 5
  1. C
  2. C
  3. D
  4. C
  5. C
Tayahin
  1. D
  2. D
  3. B
  4. A
  5. D
  6. D
  7. C
  8. D
  9. C
  10. A
  11. A
  12. A
  13. A
  14. C
  15. B

Sanggunian

Aklat

Bognot, Regina et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral. 5th Floor Mabini Building, Meralco Avenue, Pasig City, 2014.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *