Filipino 6 Quarter 2 Module 7: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa

Grade 6 Filipino Q2 Module 7 self-learning module on describing the characters (tauhan) and setting (tagpuan) of a story, with activities and answer key.

This is the Filipino 6 self-learning module for Quarter 2, Module 7: “Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa” (describing the characters and setting of a story you have read). It is written for Grade 6 learners studying at home through the Alternative Delivery Mode, with the guidance of a parent, facilitator, or teacher. After the module, learners should be able to answer questions about a story and describe its characters, based on their feelings, and its setting.

The module was published by DepEd Region VI (First Edition, 2020) and was written by Ma. Teresa G. Mateo. A friendly guide named Kokoy walks learners through each part.

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • answer questions about a story (nakasasagot sa mga tanong tungkol sa kuwento)
  • describe a character based on the character’s feelings, and describe the setting of the story they read (F6RC-1Ia-4)

Key ideas: tagpuan and tauhan

The module has one lesson, Aralin 1, which teaches two elements of the short story (maikling kuwento).

Tagpuan (setting)

The tagpuan is the place where the important events of the story happen. Knowing the setting helps the reader understand the whole story. In the main story “Pagtulong at Pagsisikap” (helping and hard work), the setting is Marawi after a fierce armed clash. The story describes it through details such as:

  • many buildings, streets, and bridges were destroyed
  • the events in the place were pitiful and frightening
  • many people lost their homes and were scattered on the streets, begging

The module gives these steps for describing a setting:

  1. Read the story carefully.
  2. List the important details about the setting.
  3. Look for clues and signs that point to where the story happens.
  4. From these details, write a description. You may quote the story directly or write your own description based on your analysis.

Tauhan (characters)

The tauhan are the people who act in the important events of the story. Knowing them helps the reader understand the story and its message. Characters are described through their pananalita (words), kilos o galaw (actions), and damdamin (feelings).

The module’s examples come from “Pagtulong at Pagsisikap”:

  • When Alvin says, “Kuya, palimos po ng pambili ng pagkain” (Brother, please spare some money for food), his words and actions show he is poor, and his feeling is a wish to be pitied.
  • When Brent tells Alvin that now that he has a livelihood he no longer needs to beg and should keep working hard to help his parents, Brent shows a good heart, and his feeling is a wish to give hope.

Before the questions, the module also explains some words from the story: sagupaan (a fight between two groups), kalunos-lunos (pitiful), gusgusin (dirty or unkempt), turista (people visiting a place not their own), and tip (a reward, or pabuya).

Stories and activities in the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Read “Ang Ulirang Anak” (the model child) about Rowena and answer six questions
Balikan (review)Choose the right pang-uri (adjective) to complete ten sentences
Tuklasin (explore)Read “Pagtulong at Pagsisikap” and answer nine questions
Suriin (discuss)Study what tagpuan and tauhan mean and how to describe them
Pagyamanin (practice)Read “Ang Piknik ng Mag-anak” (the family picnic), describe the beach setting, and describe the feelings of Tatay, Nanay, Nico, and Mica
Isaisip (remember)Complete sentences that define tagpuan and tauhan
Isagawa (apply)Read “Pagbabago” (change) and describe the Valdez home and the character Ronelyn
Tayahin (assessment)Read “Ang Magkakaibigan” (the friends) and describe the road home and the character Loyd
Karagdagang Gawain (extra activity)Read “Ang Sorpresa” (the surprise) and answer five questions

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and facilitators: The pretest shows whether your child needs extra help. Encourage your child to point to the exact words and actions in the story when describing a character’s feelings.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives answers for Subukin, Balikan, Tuklasin, Isaisip, and Karagdagang Gawain. Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and Tayahin call for the learner’s own answers, and the module expects the teacher to prepare a rubric for grading them.

The next module in the series is Modyul 8: “Pagsasabi ng Paksa/Mahalagang Pangyayari sa Binasa/Napakinggang Sanaysay at Teksto” (stating the topic or important events of an essay or text read or heard).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 7.

What is tagpuan in a story?

Tagpuan is the setting, the place where the important events of the story happen. You describe it by reading carefully, listing details about the place, and looking for clues that point to where the story takes place.

How do you describe a tauhan or character?

The module teaches learners to describe characters through their words (pananalita), actions (kilos o galaw), and feelings (damdamin).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, Tuklasin, Isaisip, and extra activity, while open-ended tasks are graded by the teacher using a rubric.

What competency does this module cover?

It covers describing a character based on feelings and describing the setting of a story read, printed in the module with the code F6RC-1Ia-4.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa

6

CO_Q2_Filipino 6_ Module 7

[illustration: students reading and writing outdoors and at a table, a student under a lamp, a student with a globe; diagonal label “PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI”]

Filipino– Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 7: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Ma. Teresa G. Mateo
Editor:Francisca L. Pinos
Tagasuri:Marijo N. Panuncio
Celestino S. Dalumpines IV
Junry M. Esparar
Tagaguhit:Jonard A. Villarde
Tagalapat:Esmeralda A. Dagmil
Paul Andrew A. Tremedal
Tagapamahala:Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI

Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the cover title block]

6

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta ka na kaibigan? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makasasama mong muli sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang ikaanim na modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa ikapitong modyul.

Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay? Sigurado ako na magiging masaya ka dahil magkakaroon ka ng bagong kaalaman.

Ang modyul na ito ay isinulat at isinaalang-alang ang iyong kakayahan. Tiyak kong lalawak ang iyong kaalaman at mapupukaw ang iyong damdamin at kaisipan sa paglalarawan ng tauhan at tagpuan sa binasang kuwento.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

  • nakasasagot sa mga tanong tungkol sa kuwento
  • nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang kuwento (F6RC-1Ia-4)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo. Handa ka na ba? Tayo na!

Subukin

Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Ang Ulirang Anak

Sariling katha ni: Marijo N. Panuncio

[illustration: a mother in bed talking with a child beside her, a woman kneeling at an altar in the next room, a table with food]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde

Maaga pa lamang ay may ngiti na sa labi ni Rowena nang magising ito. Naghanda siya ng almusal para sa mga magulang. “Kailangang makakain si Itay Ambo para ganado siya sa trabaho,” may pag-aalalang nawika ni Rowena sa sarili. “Nanay ako na po ang maglalaba mamaya ha, pahinga na lang po kayo,” sabi niya sa ina.

Dumiretso ang ina at lumuhod sa altar na nasa sala at taimtim na nag-usal ng dasal. Pinuntahan ni Rowena ang ama, niyakap niya at hinagkan ito sa noo. “Gising na po pala si tatay,” paglalambing niya sa ama. Umunat ang ama, niyakap ang anak at nagpasalamat. Masayang pinagsaluhan ng mag-anak ang almusal na inihanda ng anak. Tuwang-tuwa ang ama dahil nagkaroon sila ng anak na tulad ni Rowena.

Mga Tanong:

  1. Ano ang paksa sa kuwento?
  2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang damdamin ng bawat isa.
  3. Sino ang tinutukoy na “ulirang anak”? Bakit siya itinuri na ulirang anak?
  4. Saan nagana pang kuwento? Ilawaran ito.
  5. Sa palagat mo, anong katangian ni Rowen ang dapat na tularan ng mga batang tulad mo?
  6. Bakit mahalagang maging mabuting anak sa magulang?

Aralin 1 Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa

Kumusta ka kaibigan? Nasasabik ka na ba sa bagong araling ating tatalakayin? Sana ay maging handa ka sa mga pagsubok na darating sa modyul na ito. Galingan mo ha!

Balikan

[illustration: Kokoy, the mascot, holding a tablet]

Kaibigan! Bago tayo tuluyang maglayag, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo pa ba ang paggamit ng pang-uri sa paglalarawan?

Magaling! Halina’t muli nating balikan. Ngayon, batid kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain.

Gawin mo na!

Panuto: Piliin ang angkop na pang-uri upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

  1. _____ na bata si Jean kaya siya’y kinalulugdan ng lahat.

    • A. Mabait
    • B. Masigla
    • C. Malakas
    • D. Matapang
  2. Si Michael ay _____ na bata dahil hindi siya mahilig sa masusustansiyang pagkain.

    • A. maselan
    • B. sakitin
    • C. masigla
    • D. malungkot
  3. Tunay na dalagang Pilipina si Sheila kaya kulay _____ ang kaniyang balat.

    • A. puti
    • B. maitim
    • C. kayumanggi
    • D. mamula-mula
  4. _____ ni Isabel ang kaniyang mga magulang kaya ayaw niyang mawalay sa kanila.

    • A. Aliw na aliw
    • B. Ayaw na ayaw
    • C. Sunod na sunod
    • D. Mahal na mahal
  5. _____ ang matangos na ilong ng kanilang panauhin.

    • A. Agaw-pansin
    • B. Kambal tuko
    • C. Balat sibuyas
    • D. Suntok sa buwan
  6. Palaging nasa harap ng salamin si Nene at pinagmamasdan ang sarili. Masaya siya sa kaniyang _____ na kutis.

    • A. malambot
    • B. makinis
    • C. nakamamangha
    • D. maaliwalas
  7. Hindi naging _____ ang buhay dahil sa pandemya. Subalit nananatili pa rin ang pag-asa na malalampasan natin ito.

    • A. mahirap
    • B. madali
    • C. madilim
    • D. malungkot
  8. _____ man sa pera ang mag-anak ni Mang Salving, mayaman naman sila sa mga tunay na kaibigang nagmamalasakit sa kanila.

    • A. Salat
    • B. Wala
    • C. Marami
    • D. Namumulubi
  9. May sapat na tulog si Joan kaya gumising siyang _____.

    • A. mapayapa
    • B. mahina
    • C. masigla
    • D. malusog
  10. Si Elena ay nagnanais na maging _____ na pintor sa sa kanilang lalawigan.

    • A. mabuti
    • B. tanyag
    • C. mayaman
    • D. kinasisiyahan

Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tatalakayin, maghanda ka at tuklasin ang tungkol sa: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa.

Sige, simulan mo na!

Tuklasin

Panto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pagtulong at Pagsisikap

Sariling katha ni: Ma. Teresa G. Mateo

[illustration: a boy shining a shoe at a table where people are eating; a woman carrying a plate of food; a boy sitting on the ground]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde

Si Brent ay isang manunulat. Nagtungo siya sa Marawi, upang isulat ang mga nangyari rito pagkatapos ng matinding sagupaan. Maraming gusali, kalye at tulay ang nasira.

“Kalunos-lunos at nakatatakot ang pangyayari sa lugar na ito,” pahayag ni Brent. Maraming tao ang nawalan ng bahay kaya nagkalat sila sa daan at namamalimos.

“Kuya,” tawag ng isang binatilyong gusgusin na nagmamakaawa, “Palimos po ng pambili ng pagkain.” Pinagmasdan niya ito, mataba at mas malakas pa ito sa kaniya. “Bakit hindi ka naghahanapbuhay? Halika’t kumain muna tayo.” Habang kumakain pinanonood nila ang tindera na isang matandang babae ngunit maliksi pa ang kilos at masayahin ito.

“Tingnan mo ang tinderang iyan hindi siya namamalimos nagtatrabaho siya. Natutulungan pa niya ang mga gutom na tulad natin. Ikaw anong alam mong gawin?” sabi ni Brent.

“Marunong po akong maglinis ng sapatos,” nahihiyang sagot ni Alvin. “Halika’t mamimili tayo ng mga panlinis ng sapatos. Pahihiramin kita ng perang idadagdag natin sa pera mo,” ani Brent.

Isang turista ang inalok ni Brent na magpalinis ng sapatos. Pumayag naman ito, palibhasa’y mahusay ang pagkakalinis ni Alvin sa mga sapatos ay binigyan siya ng malaking tip. Pagkatapos nito, sunod-sunod na ang nagpapalinis ng sapatos kay Alvin.

“Heto na po ang perang pinambili ninyo ng mga gamit ko sa paglilinis ng sapatos. Maraming salamat po.” Nasisiyahang sabi ni Alvin. “Ngayong ikaw ay may hanapbuhay na, hindi ka na mamalimos. Magpatuloy ka sa pagsisikap para makatulong sa mga magulang mo at makaahon kayo sa hirap,” masayang wika ni Brent.

“Naku! maraming salamat po,” natutuwang sabi ni Alvin.

Bago mo sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento, alamin mo muna ang kasingkahulugan ng ilang salitang ginamit sa akda. Pansinin ang sumusunod na salita na ginamit sa mga pangungusap at ang kahulugan ng mga ito.

  1. Nagkaroon ng matinding sagupaan sa Marawi.

    • Ang ibig sabihin ng sagupaan ay pag-aaway ng dalawang grupo na may alitan.
  2. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga pamilyang nadamay sa sagupaan.

    • Ang kasingkahulugan ng kalunos-lunos ay kaawa-awa.
  3. Maraming batang gusgusin ang makikita sa lansangan ng Marawi pagkatapos ng sagupaan.

    • Ang kasingkahulugan ng gusgusin ay madumi o madungis.
  4. Maraming turista ang bumisita sa Marawi upang makita ang pinsala na dulot ng sagupaan.

    • Ang kahulugan ng turista ay mga taong dumarayo sa hindi nila lugar.
  5. Malaking tip ang ibinigay ng nagpalinis ng sapatos kay Alvin dahil mahusay ang pagkalinis nito.

    • Ang kasingkahulugan ng tip ay pabuya.

Mga tanong:

  1. Ano ang paksa ng iyong binasang kuwento?
  2. Saan nangyari ang kuwento? Ilarawan ito?
  3. Bakit sinabi sa kuwento na kalunos-lunos at nakatatakot ang nangyari sa lugar na ito?
  4. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
  5. Paano tinulungan ni Brent si Alvin?
  6. Batay sa kilos at pananalita ni Brent, ilarawan ang kaniyang damdamin tungkol sa kalagayan ni Alvin.
  7. Batay sa kilos at pananalita ni Alvin, ilarawan din ang kaniyang damdamin tungkol sa ginawang pagtulong sa kaniya ni Brent.
  8. Sa iyong pananaw, bakit pinamagatang “Pagtulong at Pagsisikap” ang kuwento?
  9. Anong bahagi ng kuwento ang nagustuhan mo? Bakit?
Suriin
Paglalarawan sa Tagpuan at Tauhan sa Binasang Kuwento

Talakay na tayo! Balikan natin ang mga sagot mo sa tanong sa itaas. Suriin natin ang iyong binasa at iugnay sa paksang tatalakayin.

Saan nangyari ang kuwento?

Tama! Nangyari ang kuwento sa Marawi.

Alam mo ba na ang tawag sa pinangyarihan ng kuwento ay tagpuan. Ang tagpuan ay isang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mahahalagang pangyayari sa kuwento. Mahalagang malaman ang tagpuan upang higit na maunawaan ang nilalaman ng buong kuwento.

Paano mo inilarawan ang pinangyarihan o tagpuan ng kuwento?

Mahusay! Nailarawan mo ang tagpuan sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa bawat pangyayari at detalye sa kuwento. Tinukoy mo ang mga bahaging nagpapahayag ng paglalarawan sa lugar na pinangyarihan ng kuwento, gaya ng sumusunod:

  • maraming gusali, kalye at tulay ang nasira;
  • kalunos-lunos at nakatatakot ang pangyayari sa lugar na ito;
  • maraming tao ang nawalan ng bahay;
  • nagkalat sila sa daan at namamalimos.

Alam mo ba na bahagi ng pag-unawa sa kuwento ang pagsusuri sa pinangyarihan ng kuwento o tagpuan.

Paano ito masusuri? Masusuri ang pinangyarihan o tagpuan ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan. Mailalarawan mo ang tagpuan sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Pagbabasa nang mabuti sa kuwento;
  • Pagtatala ng mahahalagang detalye tungkol sa tagpuan;
  • Pagtingin sa mga pahiwatig o clue at palatandaan na tumutukoy sa pinangyarihan ng kuwento;
  • Batay sa mga nakalap na detalye maaari ng bumuo ng paglalarawan sa tagpuan. Maaaring kunin nang tuwiran ang sinabi sa kuwentong binasa o bumuo ng sariling paglalarawan batay sa sariling pagsusuri.

Ngayong naunawaan mo na ang tungkol sa paglalarawan ng tagpuan. Pag-aralan naman natin kung paano ang paglalarawan sa tauhan sa kuwento.

Sa binasa mong kuwento ang pangunahing tauhan ay sina Brent at Alvin. Paano mo sila inilarawan?

Tumpak! Inilarawan mo sila sa pamamagitan ng kanilang pananalita, kilos o galaw, at damdamin.

Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng tauhan sa kuwento? Ang tauhan ay isang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa mga tao na gumaganap o kumikilos sa bawat mahahalagang pangyayari sa kuwento. Mahalagang malaman ang mga tauhan upang higit na maunawaan ang kuwento, ang mensahe nito at nais iparating sa mambabasa.

Ang tauhan sa kuwento ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng kanilang pananalita, kilos o galaw, at damdamin. Mahalagang matutuhan ang paglalarawan sa mga tauhan upang makilala sila bilang tao na gumaganap sa kuwento. Kailangang suriin at unawain ang kanilang pananalita, kilos o galaw at damdamin upang matukoy ang kanilang mga katangian.

Halimbawa:

Sa pahayag ni Alvin na, “Kuya, palimos po ng pambili ng pagkain,” sa kaniyang kilos at pananalita, mailalarawan siya na mahirap at ang kaniyang damdamin ay nagnanais na kaawaan siya.

Sa pahayag naman ni Brent na “Ngayong ikaw ay may hanapbuhay na, hindi ka na mamalimos. Magpatuloy ka sa pagsisikap para makatulong sa mga magulang mo at makaahon kayo sa hirap,” mailalarawan siya bilang taong may mabuting puso, ang kaniyang damdamin ay nais magbigay ng pag-asa.

Dahil natiyak kong naunawaan mo na ang paglalarawan sa tagpuan at tauhan sa kuwento. Magsanay na tayo!

Pagyamanin

Gawain 1

Basahin ang kuwento at isagawa ang mga gawain sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang Piknik ng Mag-anak

Sariling katha ni: Ma. Teresa G. Mate

[illustration: a family on a beach picnic; a woman and a man sitting on a mat, two children playing with a fishing net and shells, palm trees and the sea in the background]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde

Napakasaya ng pamilya Villa. Papunta sila ngayon sa tabing-dagat upang magpiknik. Ito kasi ang unang pagkakataon na lumabas sila. Tuwing Linggo pagkatapos magsimba ay lagi na lang sa mall ang punta nila pero ngayon ay iba na.

Sa loob ng sasakyan ay tuwang-tuwa na pinagmamasdan ng magkapatid ang paligid. Maya-maya pa’y huminto na ang sasakyan sa tapat ng dalampasigan. Sabik na bumaba ang magkapatid, bitbit ang basket ng mga inumin at pagkain. Dinala rin nila ang kani-kanilang gamit: cellphone, tablet, music player at iba pa.

“Bawal muna ang gadgets sa piknik. Itabi muna ang mga ‘yan at mag-disconnect sa internet,” utos ng kanilang nanay. “Mga anak, ito ang panahon upang tayo’y magsaya at damahin ang kalikasan,” paliwanag ng kanilang tatay. Lumaylay ang balikat ng magkapatid sa panghihinayang ngunit sumunod din sila sa kanilang mga magulang.

Ilang saglit pa’y narating na nila ang tabing-dagat. Napahanga sila sa kagandahan nito. Kinuha ni Nico ang pamingwit, habang si Mica ay nawiwili sa pamumulot ng iba’t ibang uri ng kabibe. Samantalang masiglang naglatag ng sapin ang tatay. Habang ang nanay ay magiliw na naghanda ng baon nilang pagkain.

Kay saya ng pamilya Villa pakiwari nila sila at ang dagat ay magkakaugnay. Kung minsan, masarap ding mag-disconnect sa internet upang maiwasan ang pagtatampo ng inang kalikasan.

Panuto: Tukuyin kung saan ang tagpuan ng kuwento at ilarawan ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[chart: flowchart; untitled, fill-in graphic]

TAGPUAN NG KUWENTO:


[illustration: the same beach picnic scene as above]

Paglalarawan 1 Paglalarawan 2 Paglalarawan 3

Panuto: Ilarawan ang damdamin ng tauhan sa kuwento batay sa kanilang kilos at pananalita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga TauhanKilos at Pananalita ng TauhanPaglalarawan sa Damdamin ng Tauhan sa Kuwento
Tatay“Mga anak, ito ang panahon upang tayo’y magsaya at damahin ang kalikasan.”
Nanay“Bawal muna ang gadgets sa piknik. Itabi muna ang mga ‘yan at mag-disconnect sa internet”
Magkapatid na Nico at Mica…tuwang-tuwa na pinagmpamasdan ang paligid…Sabik na bumaba… Kinuha ni Nico ang pamingwit, habang si Mica ay nawiwili sa pamumulot ng iba’t ibang uri ng kabibe.
Isaisip

Magaling! Marami ka ng mga gawaing naisagawa at nagampanan mo ito nang mahusay.

Panuto: Ngayon naman, kompletuhin ang sumusunod upang maipahayag mo ang iyong mga natutuhan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. Ang tagpuan sa kuwento ay _____________________________.
    Mailalarawan ang tagpuan sa kuwento sa pamamagitan ng _____________
    _____________________________.
  2. Ang tauhan sa kuwento ay tumutukoy sa _____________________________.
    Mailalarawan ang mga tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng __________
    _____________________________.
Isagawa

Panuto: Ilarawan ang tagpuan at tauhan sa kuwentong binasa. Gawin sa iyong sagutang papel.

Pagbabago

Sariling katha ni: Marijo N. Panuncio

Titay halika nga rito! “Huwag kang pabagal-bagal,” galit na sigaw ni Ronelyn sa kanilang katulong. “Maglampaso ka nga rito,” bulyaw sa kasambahay. Iyan si Ronelyn ang batang mapagmataas at mapang-alipusta.

Palibhasa nag-iisang anak ng mag-asawang Valdez kaya’t nasusunod ang lahat ng gugustuhin niya.

Madasalin si Gng. Gina Valdez, miyembro siya ng mga kababaihang sumusuporta sa mga gawaing pansimbahan ng kanilang lugar. Humahanga siya sa mga taong

nagbibigay ng donasyon at naglilingkod sa Panginoon. Doktor ang ama ni Ronelyn kilala ito na mababa kung sumingil at karamihan ay inililibre niya ang mga gamot. May malaking klinika ito sa kanilang lugar. Takang-taka ang mga nakakikilala sa kanila kung bakit iba ang ugali ni Ronelyn.

[illustration: a girl being scolded by a woman at the doorway of a house, with other people looking on; a girl sitting at the side]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde

Isang araw may matandang babaing lumapit kay Ronelyn pinagsabihan siya na kailangan niyang magbago at matutong maging mabuti at mapagkumbaba. Dahil kung hindi siya magbabago at hindi siya kasisiyahan at walang gugusto na siya ay maging kaibigan. Pinag-isipang mabuti ni Ronelyn ang pangaral ng matanda.

Araw ng Sabado, may dalang cake si Ronelyn umaawit ng maligayang kaarawan, niyakap ang ina at napahagulhol habang humihingi ng patawad sa kaniyang hindi magandang ugali. Pagkatapos noon, siya ay naging mabuting bata na.

Panuto: Ilarawan ang tagpuan at tauhan sa kuwentong binasa. Gawin sa iyong sagutang papel.

TAGPUAN Tahanan ng Pamilya ValdezTAUHANG SI RONELYN
PAGLALARAWAN



PAGLALARAWAN



[transcriber’s note: these pages are the printed pages 13 to 17 and the back cover of the module; the module title is not printed on them]

Tayahin

Panuto: Basahin ang kuwento. Ilarawan ang mga tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang kuwento. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Magkakaibigan

Sariling katha ni Ma. Teresa G. Mateo

[illustration: four children on a path; one boy crouches and holds his knee, another boy stands crying, a dog stands behind them, and a boy runs away on the right]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde

Masayang naglalakad pauwi mula sa paaralan ang magkakaibigan. Sila ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Habang nasa daan may napansin silang isang asong nakatingin sa kanila. Napahinto si Xian nanginginig siya sa takot samantalang ang kaniyang mga kaibigan ay mabilis na nagsipagtakbuhan. “Aray!” “Anong nangyari sa iyo Loyd? Nakagat ka ba ng aso?” May pag-alalang tanong ni Vince. “Hindi! umiiyak na sagot ni Loyd, nasugatan ang tuhod ko, nadapa ako. Kung hindi sana ako tumakbo ay hindi ako nadapa,” pagsisisi ni Loyd.

“Huwag kang umiyak Loyd kaya mo iyan maliit na sugat lamang iyan,” pinalakas nito ang loob ng kaibigan. Tinulungan nila ito at sinamahang pauwi. “Inay narito na po ako.” “Naku! ano ang nangyari sa iyo anak?” Nabigla ang ina sa nakitang dugo sa tuhod nito. Alalang-alala ang nanay ni Loyd sa nangyari. Ginamot ang anak at pinagsabihang huwag na muling tumakbo para hindi mapahamak.

Panuto: Ilarawan ang tagpuan at tauhan sa kuwentong binasa. Gawin sa iyong sagutang papel.

TAGPUAN sa daan habang pauwi ang magkakaibiganTAUHANG SI LOYD
PAGLALARAWAN



PAGLALARAWAN



Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Sorpresa

Sariling katha ni: Ma. Teresa G. Mateo

[illustration: a family in a decorated room with a “HAPPY Birthday” banner and balloons; a boy and a girl stand beside a table of food while a woman stands at an open door]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Jonard Villarde

Isang araw maagang gumising si Inay. Nagluto ng agahan para sa mag-anak. Nagsangag ng kanin. Nagluto ng itlog at isda. Pagkatapos magluto ay mabilis siyang umalis papuntang palengke.

Nagising si Itay. “Gising na kayo mga anak, kaarawan ngayon ni Inay. Bigyan natin siya ng sorpresa.” Pinag-usapan nila ang sorpresa para sa kaarawan nito.

Maya-maya ay dumating na si Inay. Laking gulat niya nang buksan ang pinto. Wow! Ang linis ng bahay! Ang gaganda ng bulaklak na rosas! Nakita rin niya ang nakahandang pagkain sa mesa. May cake at pansit. Mayroon ding pritong manok at adobong karne.

Tuwang-tuwa si Inay. Naluha siya sa kagalakan. “Maligayang kaarawan Inay!” sabay halik ni Itay, Lea at Ed. “Maraming salamat sa inyo. Pinaligaya ninyo ako sa aking kaarawan.”

Masasagot Mo Ba?
  1. Saan naganap ang kasayahan? Ilarawan.
  2. Ano ang balak ng mag-ama para kay nanay?
  3. Bakit sinorpresa nina Itay, Lea at Ed si Inay?
  4. Ano ang naramdaman ni Inay ng araw na iyon?
  5. Anong damdamin ang ipinakita ng mag-anak?

**Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang araw – araw na pamumuhay. Muli tayong magkita sa Modyul 8: Pagsasabi ng Paksa/Mahalagang Pangyayari sa Binasa/Napakinggang Sanaysay at Teksto.

Sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy. Paalam!

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down; the entries below are given in their logical reading order]

Subukin
  1. Tungkol sa isang ulirang anak
  2. Rowena – maalalahanin, masipag, malambing
    Tatay Ambo – masayahin
    Nanay – madasalin
  3. Si Rowena, dahil siya ay maalalahanin, malambing, at masayahin.
  4. Sa maayos na bahay
  5. Maalalahanin, malambing, masayahin.
  6. Upang matuwa ang mga magulang sa anak.
Balikan
  1. A
  2. B
  3. C
  4. D
  5. A
  6. B
  7. B
  8. A
  9. C
  10. B
Tuklasin
  1. Pagtulong at Pagsisikap
  2. Sa Marawi, maraming gusali, kalye at tulay ang nasira.
  3. Maraming tao ang nawalan ng bahay.
  4. Sina Brent at Alvin
  5. Binilhan niya ng panlinis ng sapatos at pinahiram ng pera.
  6. Pagkamaalalahanin, pagkamatulungin.
  7. Pagkamahiyain, pagkamasayahin at pagkatuwa.
  8. Dahil sa tulong ni Brent nagsumikap si Alvin.
  9. Nakadepende ang sagot sa bata.
Pagyamanin

*Sariling sagot ng mag-aaral.

Isaisip

(Sariling sagot ng mag-aaral)

Posibleng sagot:

  1. Pinangyarihan ng kuwento.
    • masusing pagsusuri sa bawat pangyayari at detalye sa kuwento
  2. Mga tao na gumaganap o kumikilos sa bawat mahahalagang pangyayari sa kuwento.
    • pananalita, kilos o galaw, at damdamin
Isagawa

*Sariling sagot ng mag-aaral.

Tayahin

*Sariling sagot ng mag-aaral.

Karagdagang Gawain
  1. pagsosorpresa
  2. Sa bahay na malinis at may nakahandang pagkain.
  3. Kaarawan ni nanay
  4. Pagkatuwa, pagkagalak, pagkaligaya
  5. pagkamasayahin

Sa gawain sa Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, at Tayahin, inaasahang bubuo ang guro ng rubrik na magiging pamantayan sa pagmamarka sa sariling sagot ng mag-aaral.

Sanggunian:

Filipino 6, 2020 Most Essential Learning Competencies (MELCs), Department of Education, F6RC-1Ia-4, p. 222.

K12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6, Department of Education, F6RC-1Ia-4, p. 121.

Mga Sariling Kathang Akda

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district