This is the Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Quarter 3, Module 4: “Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki” (the quality of my work, I can be proud of it). It was prepared by DepEd Region VI for home learning and is written in Filipino. After this module, learners should be able to take pride in work they finish when it follows standards and shows quality.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Take pride in any finished task that meets standards and quality (EsP6-PPP-IIIg-38)
To reach this goal, learners study what work ethics means, the personal traits that raise the quality of work, and the standards that guide quality products and services.
Key ideas: work ethics and quality
The module opens with one main message: work ethics is an investment for getting ahead in life. Any product or service should be done with patience, creativity, love, self-discipline, and a desire to follow instructions and standards. Work done this way is something you can proudly show anyone.
The Suriin (analyze) section explains these terms:
- Quality control: a practice that makes sure a task or product has a high level of quality.
- Etika sa paggawa (work ethics): the right view of work, together with good traits and skills. Following performance standards leads to quality work and helps avoid bad work habits.
Traits that raise the quality of work
- Maging natatangi (be outstanding): everyone has God-given talents. Do your work well and keep improving your skills.
- Maging maagap (be prompt): finish a task early without setting aside its quality.
- Maging magaling (be excellent): follow work standards, set your own standard, and try to reach or go beyond it.
- Maging orihinal (be original): original work shows creativity and is better than work that is no different from what already exists.
Standards for quality products and services
| Standard | What it means |
|---|---|
| Panahon (time) | Consider how long the work will take; be quick but careful. |
| Takdang Oras (deadline) | Set a time for yourself and keep to it. |
| Kumpleto (complete) | Do not hand over an incomplete product or service. |
| Hindi Pabago-bago (consistent) | Keep your word; avoid changing schedules again and again. |
| Tiyak (accurate) | Make sure the product or service is correct. |
| May Kakayahang Tumugon (responsive) | Keep an open mind so unexpected problems are solved quickly. |
| Nakasusunod sa Tamang Instruksiyon (follows instructions) | Read and understand the rules so you avoid redoing work. |
| Nalilikha o Nagagawa ang Inaasahan (meets expectations) | Following standards can even go beyond the expected result. |
| Pagiging Mapagpasalamat (gratitude) | Thank the people who helped you so they will gladly help again. |
Examples from the module
The story “Si Mang Boy” tells of a skilled chair maker who always followed quality standards and finished orders on time. Because of his reputation, the city mayor ordered a thousand chairs for schools. His brand, “Tatag,” became well known, his business gave jobs to people in his community, and he sent all five of his children through school. The lesson: your work reflects your dignity, and its quality speaks for itself.
The module also presents Filipinos who brought honor to the country through quality work: film director Brillante “Dante” Mendoza, who won Best Director at the 62nd Cannes International Film Festival for “Kinatay”; fashion designer Michael Cinco, born in Catbalogan, Samar, and based in Dubai; and painter Carlos “Botong” V. Francisco, known for his murals across the country.
Parts of the module
- Alamin: the goal of the module.
- Subukin: a 10-item pretest; mark each statement with a check (/) if it shows work ethics or an x if it does not.
- Balikan: a review asking for three ways to care for natural resources.
- Tuklasin: a five-item agree (T) or disagree (M) exercise, then the story of Mang Boy with five questions.
- Suriin: the lesson on work ethics, traits, and standards.
- Pagyamanin: Gawain 1, five multiple-choice situations, and Gawain 2, gathering evidence of Filipino excellence from books, newspapers, or magazines.
- Isaisip: a concept map of the standards for quality products and services, with two guide questions.
- Isagawa: choose 10 of 15 everyday tasks, such as sweeping the house or reporting in class, and rate whether you follow standards and whether the quality is high or low, with a scoring guide.
- Tayahin: a 10-item final test based on the story of Isabel, a painter who won a school contest.
- Karagdagang Gawain: complete sentences about a current school project and how you will follow standards in it.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
How to use this module
- Learners: Take the Subukin first and check it with the answer key, then go through the parts in order. Write your answers on a separate sheet or in your notebook, not on the module, so others can use it. Be honest when checking your work, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Guide your child through the activities, especially the Isagawa chart, which uses tasks done at home.
- Teachers: Compare Subukin and Tayahin scores to see who needs more help. The Gawain 2 summary, the Isagawa chart, and the Karagdagang Gawain can serve as written outputs.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 4. It was printed by DepEd Region VI as a first edition in 2020.
What competency does the module cover?
It covers EsP6-PPP-IIIg-38: taking pride in any finished task that meets standards and quality.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin, Tuklasin, Pagyamanin Gawain 1, Tayahin, and the Isaisip concept map.
What does etika sa paggawa mean?
The module defines etika sa paggawa (work ethics) as the right view of work together with having good traits and skills. Following it raises the quality of work and helps avoid bad work habits.
What traits help improve the quality of work according to the module?
The module lists four: being outstanding (natatangi), prompt (maagap), excellent (magaling), and original (orihinal).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 4 Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher at a desk with a student, and a boy with a lamp writing on paper, with a globe in the foreground]
PAG-ARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q3_EsP 6_ Modyul 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Nilda T. Gordevilla |
| Editors: | Ida Flor C. Ferraris |
| Tagasuri: | Lani A. Palma, Annamor M. Eleccion Miriam T. Lima |
| Tagaguhit: | Anthony M. Cordilla |
| Tagalapat: | Japeth N. Pagonzaga, Llaine Grace B. Coronel Vergel Junior C. Eusebio |
| Tagapamahala: | Ma. Gemma M. Ledesma Josilyn S. Solana Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Miriam T. Lima Renato T. Ballesteros Regie B. Sama Ronie T. Tababa Annamor M. Eleccion Lani A. Palma |
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4 Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ano ang inaasahang maipamamalas mo? Ano ang mga gawain na kaya mong ipagmalaki?
Ang etiko sa paggawa ay isang puhunan sa pag-angat sa buhay. Sa lahat ng iyong mga gawain sa anumang produkto o serbisyo, kailangan isagawa natin ang mga ito nang may tiyaga, pagkamalikhain, pagmamahal, disiplina sa sarili, at higit sa lahat may hangaring makasunod sa mga panuto o pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng produkto o serbisyo. Sa ganitong paraan maaari mong maipagmalaki kahit kanino ang anumang natapos na gawain na naaayon sa mataas na kalidad.
Ang lahat na mga gawain, serbisyo, o produkto ay maaari mong maipagmalaki kahit kanino. Upang lubos na maipagmalaki ang mga ito napakarami mong dapat maunawaan tungkol dito.
a. Sa modyul na ito, inaasahang maipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at kalidad. (EsP6-PPP-IIIg-38)
Subukin
Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga konseptong iyong matutunan sa araling ito. Mahalaga ang bahaging ito upang mataya ang iyong kaalaman at kasanayan sa konseptong pag-aaralan.
Panuto: Suriin ang mga pangungusap, tukuyin kung ang bawat pahayag ay nagpapakita ng pagsunod sa etiko sa paggawa. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagpapakita ng pagsunod at ekis (x) naman kung hindi.
_____1. Pagpasa ng proyekto sa guro sa takdang oras.
_____2. Pagpapabuti ng ginagawa upang maipagmalaki ito.
_____3. Ang sapat na paggugol ng oras sa paggawa ng proyekto upang maging maganda at maayos ito.
_____4. Pagsunod sa pamantayan sa paggawa upang lumabas ang kalidad ng ginagawa.
_____5. Pagtatanong sa mga nakaaalam sa halip na pagpapabilis nang paggawa kahit wala itong kalidad.
_____6. Buong husay na pagpapakita ng kakayahan kung may ipinagagawa sa iyo.
_____7. Ibigay ng may paggalang ang pagpasa ng proyekto sa guro.
_____8. Pagpapakita na hindi ka seryoso sa mga bagay na ipinagagawa sa iyo.
_____9. Pagwawalang bahala sa mga gawain habang may oras pa.
_____10. Palaging pagpapasalamat sa mga produkto o serbisyo natapos.
Gamit ang susi sa pagwawasto na matatagpuan sa talaan ng nilalaman, alamin kung tama ang iyong mga naging sagot. Nasiyahan ka ba sa iyong naging iskor? Ipagpatuloy mo ang susunod na mga gawain.
Iskor: ________
Aralin 1 Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki
Balikan
Ano-ano ang mga paraan o dapat gawin upang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman? Magbigay ng tatlong gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga likas na yaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tuklasin
Tingnan ang mga kagamitan sa inyong bahay. Alin sa mga ito ang tumagal at nagagamit pa rin ninyo hanggang ngayon? Bukod sa maingat na paggamit, ang mga produktong iyong natukoy ay maituturing na ginawa ng may mataas na kalidad.
A. Kumusta ang pamantayan mo sa paggawa?
Panuto: Subuking sagutin ang sumusunod. Kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap, isulat ang T sa iyong kuwaderno at M naman kung hindi.
_____ 1. Ipasa ang iyong proyekto sa guro kahit mayroon pang kulang dito para hindi mahuli.
_____ 2. Dapat pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
_____ 3. Okey lang na maubos ang oras sa paggawa ng proyekto basta maging maganda at maayos ito.
_____ 4. Dapat sumunod sa pamantayan ng paggawa upang lumabas na de-kalidad ang ginawa.
_____ 5. Mas mabuting magtanong sa mga nakaaalam, kaysa bilisan ang paggawa, subalit wala naman itong kalidad.
B. Panuto: Basahin ang kuwento. Alamin at suriin nang mabuti kung nagpapakita ba ng de-kalidad na pagganap sa bawat gawain ang pangunahing tauhan sa kuwento.
Si Mang Boy
(Nilda T. Gordevilla)
Isang mahusay na karpentero ng mga upuan si Mang Boy. Ito ang kaniyang pinagkakakitaan para sa ikabubuhay ng kaniyang pamilya at sa pag-aaral ng kaniyang limang anak. Sa bawat oras na ginugugol niya sa paggawa ng upuan para ibenta, lagi niyang pinagbubuti ang kaniyang paggawa. Tinitiyak din ni Mang Boy na sang-ayon sa mga pamantayan sa paggawa at mataas ang kalidad ng kaniyang produkto upang lalo itong magustuhan ng mamimili. Ayon sa kaniya, ano man ang iyong ginagawa, dapat na tiyaking sumusunod ito sa mga
pamantayan ng de-kalidad na gawa, mahusay ang pagkakagawa at maipagmamalaki.
[illustration: Mang Boy, an older man in an orange shirt and black pants, kneeling and hammering a wooden chair]
Marami ang nagpapagawa sa kaniya dahil maliban sa mahusay siyang gumawa, tinatapos niya ito sa takdang oras. Nakilala si Mang Boy sa mga katangiang ito. Isang araw, lubos ang kaniyang pagpapasalamat na ang Alkalde ng Lungsod ay bumisita sa kanilang tahanan upang magpagawa sa kaniya ng isang libong upuan na ipamimigay sa iba’t ibang paaralan. Tuwang-tuwa si Mang Boy. Nagbunga ang lahat ng kaniyang pagsisikap at katapatan sa paggawa. Ang malaking proyektong ito ang nagbukas ng mas marami pang pagkakataon para mapaunlad ang kaniyang negosyo.
Ngayon ay tanyag na ang mga upuan ni Mang Boy na kilala sa brand na “Tatag”. Dahil sa kaniyang kasipagan, umunlad ang buong pamayanan. Sa paglaki ng kaniyang negosyo ay marami siyang nabigyan ng hanap-buhay sa kanilang pamayanan. Naitaguyod at napagtapos niya sa pag-aaral ang lahat ng kaniyang mga anak. Tunay ngang may hatid na tagumpay ang dedikasyon, tiyaga, at katapatan. Anoman ang iyong ginagawa, isipin mong ito ay salamin ng iyong dangal o pagkatao. Hindi mo kailangang ipamanhik o ipakilala ang iyong produkto. Ang kalidad nito ay siyang mangungusap sa mga bumili nito.
Kaya kung tayo ay inatasan na gumawa ng isang proyekto o maglingkod, gawin natin ito nang buong puso. Pagbuhusan natin ito ng talino at panahon. Disiplinahin natin ang ating sarili upang matapos ito sa takdang panahon. Kapag sinunod natin ito, tiyak na mainam at mahusay ang ating magagawa.
May kagalingan ang pagkakayari ng isang produkto o gawain kapag ito ay bunga ng pagmamahal at ginawa nang buong husay.
Suriin at tukuyin ang mga paraang nagpapakita ng etiko sa paggawa sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan at kalidad ng gawain.
- Ano ang pamagat ng kuwento?
- Ano – ano ang mga pamantayan ni Mang Boy na maari niyang maipagmalaki sa paggawa ng upuan?
- Bakit naging matagumpay at de-kalidad ang produktong upuan ni Mang Boy?
- Ipagpalagay mo na ikaw si Mang Boy, dapat mo bang tularan ang kaniyang ginawa? Bakit?
- Sa pagbibigay ng anomang serbisyo o paglilingkod, ano-ano ang mga dapat gawin o ipakita para matiyak na mataas ang kalidad nito at maipagmamalaki?
Suriin
Ang quality control ay ipinatutupad upang masiguro ang kalidad ng isang gawain o produkto. Sa pamamagitan nito, nasisiguro ang mataas na antas na kalidad ng paggawa o produkto.
Ang etika sa paggawa ay ang tamang pagtingin sa paggawa at pagkakaroon ng mabubuting katangian at kakayahan. Ang tamang pananaw sa paggawa ay may
kakayahang himukin ang sinuman na gawin nang buong husay at galing at bawat gawain. Mahalaga ang pagpapatupad ng etika sa paggawa upang mapalakas ang manggawa at mapataas ang kalidad ng kanilang paggawa. Ang pagsunod sa pamantayan sa pagganap ay magbubunga ng de-kalikad na gawain at produkto. Maiiwasan din ang mga maling gawi sa paggawa. Narito ang ilan sa katangian na makakatulong upang maitaas ang kalidad ng isang gawain at produkto:
Maging natatangi. Bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Diyos ng iba’t ibang kahusayan o katangian na katangi-tangi. Paghusayan lamang ang iyong ginagawa at paunlarin ang iyong kakayahan.
Maging maagap. Ang kahusayan sa paggawa ay maari ring ipakita sa pagiging maagap. Maging una sa pagtapos ng isang gawain o produkto na hindi isinasantabi ang kalidad nito.
Maging magaling. Sumunod sa etika o pamantayan sa paggawa at bigyang husay ang paggawa. Laging isaisip na nagiging maganda, de-kalidad, at katangi-tangi ang isang produkto kung ito ay pinaghuhusayan, pinagbubutihan, pinagbubuhusan ng kakayahan. Subukin ang sarili sa pamamagitan ng pagtatalaga ng sariling pamantayan at pagsikapang abutin ito o lampasan.
Maging orihinal ka. Sikaping maging orihinal sa paggawa ng isang produkto dahil ito ay nagpapakita ng pagiging malikhain. Higit na mahusay ang isang orihinal na gawa kaysa sa ipinapasang walang ipinagkaiba sa nagawa na.
Ang pamantayan ang nagisilbing gabay upang makapagbigay o makabuo ng de-kalidad na produkto o serbisyo. Narito ang ilang pamantayan upang maiangat ang kalidad ng produkto o serbisyo:
1. Panahon
Isaalang-alang ang haba ng panahon na gugugulin sa pagbuo ng produkto o pagbibigay ng serbisyo. Maging mabilis ngunit maingat sa paggawa ng produkto o pagbibigay ng serbisyo.
2. Takdang Oras
Palagiang magtakda sa sarili ng oras sa pagbuo ng produkto o serbisyo at tumupad sa itinakdang oras ng pagbibigay ng produkto o serbisyo.
3. Kumpleto
Tiyakin na kumpleto ang produkto o serbisyong ibibigay. Iwasan ang pagbibigay ng kulang na produkto o serbisyo.
4. Hindi Pabago-bago
Magkaroon ng isang salita sa pagbibigay ng produkto o serbisyo. Iwasan ang pabago-bagong pagtatakda ng pagbibigay serbisyo o produkto.
5. Tiyak
Laging isaalang-alang na wasto o hindi mali ang produkto o serbisyong ibibigay. Kung nakakasiguro sa serbisyo tiyak ang kalidad nito.
6. May Kakayahang Tumugon
Magkaroon ng bukas na isip upang ang hindi inaasahang problema ay agad mabigyan ng solusyon. Panatilihing maging handa sa pagbibigay ng kinakailangang tulong.
7. Nakasusunod sa Tamang Instruksiyon
Basahin at unawain ang mga pamantayan at alituntunin sa paggawa upang makasunod dito. Sa pag-unawa sa mga instruksiyon maiiwasan ang paulit-ulit na paggawa.
[transcriber’s note: the printed list skips from item 7 to item 9; no item 8 is printed]
9. Nalilikha o Nagagawa ang Inaasahan
Laging isaisip na dapat sumunod sa pamantayan upang maging de-kalidad ang serbisyo o produkto. Kung nasusunod ang pamantayan maari pang mas mahigitan ang inaasahang resulta ng produkto o serbisyo.
10. Pagiging Mapagpasalamat
Ang pagiging mapagpasalamat sa mga taong tumulong sa pagbuo ng mga produkto o serbisyo. Sa ganoon ay hindi sila magsasawang tulungan ka sa mga pagkakataong kailangan mo sila.
Basahin ang ilan sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa at naging matagumpay sa buhay dahil sa pagsunod sa mga pamantayan ng de-kalidad na gawain.
1. Si Brillante “Dante” Mendoza
Si Brillante “Dante” Mendoza ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng parangal sa Pilipinas bilang tanyag at mahusay na Pilipinong direktor ng Indie Film. Kabilang dito ang kaniyang full length na pelikulang “Kinatay” kung saan siya ay nanalo ng Best Direktor Award sa 62nd Cannes International Film Festival.
2. Michael Cinco
Si Michael Cinco ay kilala sa larangan ng paggawa ng kasuotan ng mga modelo. Isinilang sa Catbalogan, Samar at nag-aral sa UP at naging Dubai-based designer dahil sa kaniyang kakayahan at kaalaman sa fashion. Sina Marian Rivera, Lady Gaga at iba pa ang ilan sa mga nagmomodelo ng kaniyang ginawa.
3. Carlos (Botong) V. Francisco
Isa siya sa mga modernalistang pintor sa Pilipinas. Siya ay kakaiba kay Amorsolo dahil sa angkin niyang paglikha sa sariwang imahen, sagisag, at
idyoma sa pagpipinta. Marami rin siyang nilikha na mural na ginawa sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Tinanghal siya na pambansang alagad noong 1973 dahil sa kangyang tiyaga at pagsisikap.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Si Maria ay nag-aaral sa ika-anim na baitang. Hinahangaan siya ng kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang kasipagan sa mga gawain sa loob ng silid-aralan tulad ng pagpunas ng mesa. Ano ang tama niyang gagawin?
A. Maghanap nang dahilan para hindi mautusan.
B. Ipagawa na lang ito sa iba kasi pagod pa.
C. Tapusin ang paglinis sa mabilisang pamamaraan.
D. Gawin nang mahusay ang pagpupunas ng mesa.
Bagamat mahirap, nakapagtapos ng abogasya si Ben sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Bakit kaya naaabot ni Ben ang tugatog ng tagumpay?
A. Pinagbutihan niya ang kaniyang pag-aaral.
B. May malaking suwerte si Ben.
C. Mahal siya ng kaniyang mga kaklase.
D. Maraming pera si Ben.
Dahil sa pagtitipid, sipag, tiyaga, at dedikasyon, si Ricardo ay naging may-ari ng malaking mall sa lungsod. Ang magandang katangian ni Ricardo ay _____.
A. Dapat tularan
B. Di ko kayang tularan
C. Mahirap tularan
D. Hindi dapat tularan
Ano ang matalinong hakbang upang matapos ang mga gawain sa loob ng itinakdang oras?
A. Gawin lamang ito kung gusto mo
B. Unahin ang pinakamadaling gawain para matapos agad
C. Iskedyul ang gawain, galingan, at husayan ang paggawa.
D. Huwag gawin ang mga gawain.
Inatasan ni Bb. Flores ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na tapusin ang proyekto bago sumapit ang takdang oras ng pagpapasa nito. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang matiyak na de-kalidad at maipagmamalaki ang kanilang proyekto?
A. Pag-aralan at planuhing mabuti ang mga paraan sa pagbuo ng proyekto.
B. Kopyahin ang disenyo ng proyekto ng iba.
C. Madaliin ang paggawa upang maipasa ang proyekto nang maaga.
D. Gawing ang proyekto na kasalungat sa panuto at tagubilin ng guro.
Gawain 2
Magkalap ng mga patunay o ebidensiya mula sa aklat, pahayagagan, o magasin tungkol sa kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa. Isulat ang buod ng iyong nakalap na patunay sa iyong kuwaderno. Ilagay din ang pinagbatayan ng patunay.
Isaisip
[illustration: light bulb]
Tingnan ang concept map.
Isulat sa bawat kahon ang mga dapat sundin o gabay upang makabuo ng de-kalidad na produkto o serbisyo. Gawin ito sa sagutang papel.
[chart: concept map; no number or title printed]
Center circle: Mga pamantayan na nagsilbing gabay upang makabuo ng may kalidad na produkto o serbisyo
[transcriber’s note: the ten outer circles are empty and are printed with no text]
Bilang gabay sa pagbuo ng kaisipan narito ang mga sumusunod na tanong:
Ano ang kailangang layunin sa pagbibigay ng anomang de-kalidad na produkto o serbisyo?
Ano ang maidudulot ng paggawa na naaayon sa pamantayan upang maiangat ang kalidad ng produkto o serbisyo?
Sa pagbibigay ng anomang serbisyo, ito ay kinakailangang pumasa sa pamantayan para masabi na de-kalidad ang gawa o serbisyo. Ang paggawa na naaayon sa pamantayan sa kalidad ng produkto at serbisyo ay mahalaga upang matiyak na de-kalidad ang mga ito at maari nating maipagmamalaki.
Isagawa
Panuto: Pumili ng sampung (10) gawain sa mga nakasulat sa ibaba at itala sa iyong kuwaderno gamit ang tsart. Isulat sa unang kolum ang mga bagay na palagian mong ginagawa o iniuutos sa iyo. Sa ikalawang kolum, lagyan ng tsek (√) kung nakasusunod ka sa pamantayan o hindi. Sa ikatlong kolum, lagyan ng [illustration: smiling face] kung mataas ang uri ng kalidad at [illustration: frowning face] kung mababa ang uri ng kalidad.
- magwalis ng bahay
- mag-alaga ng nakababatang kapatid
- kumanta sa simbahan
- magbasa ng tula
- mag-ulat sa harap ng klase
- maghugas ng pinggan
- magtalumpati sa isang pagtitipon
- magbasa ng balita sa diyaryo
- tumulong sa pagpipintura ng bakod sa bahay
- maglinis ng silid aralan
- tumulong magkumpuni ng mga sirang gamit sa bahay
- magbigay ng mga lumang gamit sa mga nasunugan
- gumalang sa nakatatanda
- tumulong sa paggawa ng takdang-aralin ng iyong kapatid
- tumulong mamili sa palengke.
| Mga Gawain (Kolum 1) | Nakasusunod sa Pamantayan (Kolum 2): OO | Nakasusunod sa Pamantayan (Kolum 2): Hindi | Uri ng Kalidad (Kolum 3): Mababa | Uri ng Kalidad (Kolum 3): Mataas |
|---|---|---|---|---|
| 1. | ||||
| 2. | ||||
| 3. | ||||
| 4. | ||||
| 5. | ||||
| 6. | ||||
| 7. | ||||
| 8. | ||||
| 9. | ||||
| 10 |
Katumbas na Iskor:
| ISKOR | PAMANTAYAN | KALIDAD |
|---|---|---|
| 10 | Pinakamahusay | Pinakamagaling |
| 7-9 | Mahusay, sapat, at tumugon sa inaasahan | Magaling |
| 4-6 | May kakulangan sa kahusayan | Pagbutihin pa |
| 1-3 | Hindi pa nakamit ang inaasahan. Pagbutihin. | Hindi pa nakamit ang inaasahan. |
Tayahin
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Suriin at tukuyin ang mga gawain na nagpapakita ng etiko sa paggawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan at kalidad ng gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Si Isabel ang pinakamagaling magpinta sa kanilang klase. Nang inanunsyo ng punongguro na magkakaroon ng paligsahan sa pagpipinta sa buong paaralan ay hindi siya nag-atubiling magdesisyong sumali. Araw-araw siyang nag-eensayo upang paghandaan ang patimpalak.
Dumating ang araw ng paligsahan at labis ang nadarama niyang kaba dahil magagaling din ang kaniyang mga katunggali. Hindi siya nagpadaig sa nararamdaman; bagkus ay buong husay niyang ipinamalas ang kaniyang angking galing sa pagpipinta. Humanga ang lahat pati na ang mga hurado sa kaniyang ginawa. Itinanghal siyang kampiyon ng mga hurado dahil sa mataas na kalidad ng kaniyang ginawa.
Anong pamantayan ang nakatulong kay Isabel sa kaniyang pagkapanalo sa paligsahan sa pagpipinta?
a. paghanda sa patimpalak
b. pabago-bago na pagpinta
c. lakas ng loob at de-kalidad na pagpinta
d. paggaya na gawa ng ibaAno ang maaring maipagmamalaki ni Isabel kaya siya nanalo?
a. pagsunod sa tamang pamantayan
b. sariling kakayanan lamang
c. hindi naabot ang inaasahan
d. bilis ng kamay sa pagpintaAno ang dapat mong gawin kung gusto mong manalo sa paligsahan?
a. Manggaya sa iba lalo na sa may marami nang napalunan.
b. Pag-isipan ang tamang paggawa sa oras ng patimpalak.
c. Gamitin ang kakayahan na makapagpinta batay sa tamang pamantayan.
d. Humingi ng tulong sa upang mapabilis ang paggawa.Ang mga sumusunod ay mga kasanayan upang mapahusay ang paggawa maliban sa ________.
a. Magpokus at ituon ang pansin sa gawain.
b. Kapag nagkamali ay agad gumawa ng paraan para maitama ito.
c. Humanap ng shortcut kapag hindi pa alam ang gagawin.
d. Humingi ng mungkahi upang mas mapahusay ang paggawa.Ang etika sa paggawa ay ang tamang pagtingin sa paggawa at pagkakaroon ng mabubuting katangian at kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Isabel upang maisabuhay ang etika sa paggawa?
A. Pagpapanatili ng de-kalidad na trabaho
B. Pagpapaliban sa pagtapos ng gawain
C. Pagsuko kapag nahihirapan sa gawain
D. Pagkopya sa gawa ng ibaAlin sa mga gawain ang nagpapakita ng de-kalidad na pagganap?
a. Gawin kaagad ang mga bagay na ipinagawa sa iyo at ipasa sa takdang oras.
b. Sumunod sa tamang pamantayan sa paggawa.
c. Pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
d. Tama ang lahat ng sagot.Sino sa kanila ang sumusunod sa pamantayan sa paggawa at malamang na maging matagumpay balang araw?
a. Si Leo na masipag maglaro sa araw at gabi.
b. Si Pedro na gumagawa kung nakatingin ang amo.
c. Si Jose na tinatapos ang trabaho sa tamang oras.
d. Si Juan na gumagawa nang dahil sa sahod.Kahit nahihirapan si Ana, pinag – aaralan niya nang mabuti ang pananahi, gamit ang makina. Pagdating ng tamang panahon, hindi na siya mahihirapang humanap ng trabaho. Ano ang masasabi mo sa kaniyang ginawa?
a. Pinalawak at pinabuti niya ang kaniyang kakayahan bilang paghahanda.
b. Siya’y nagkulang ng tiwala sa kaniyang sarili.
c. Si Ana ay hindi makapaghintay ng tamang panahon.
d. Nawala ang dati niyang gana sa pananahi.Sino ang dapat tularan?
a. Si Rojohn na gumagawa ng lumang basahan sa maghapon.
b. Si Allen na hindi maayos ang mga gawa pero marami at mabilis.
c. Si Joffrie na pinipili ang mga tela at kulay na gagamitin upang gumanda at de-kalidad ang maging yari ng basahan.
d. Si Rey na ipinasa ang proyektong basahan kahit hindi pa tapos.Kailan dapat tapusin ang isang gawain na iniatas sa iyo?
a. sa itinakdang oras o sa susunod na araw
b. kahit kailan mo ito gustong tapusin
c. sa itinakdang oras o mas maaga pa
d. kapag paulit-ulit nang ipinapapasa ang gawain
Karagdagang Gawain
Kumpletuhin ang mga pangungusap na ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Sa kasalukuyan, mayroon akong proyekto sa paaralan tulad ng _____
Paghuhusayin kong gawin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan upang maiangat ang kalidad ng aking gawa tulad ng mga sumusunod: _____
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answers below are transcribed as they appear]
Tayahin
- C
- A
- C
- C
- A
- D
- C
- A
- C
- C
Pagyamanin
Gawain 1
- D
- A
- A
- C
- A
Tuklasin
- M
- T
- T
- T
- T
Subukin
- /
- /
- /
- /
- /
- /
- /
- X
- X
- /
Isaisip
[chart: concept map; Isaisip]
Center: Mga pamantayan na nagsisilbing gabay upang makabuo ng may kalidad na produkto o serbisyo
Surrounding labels (clockwise from top, as printed):
- Tiyak
- Panahon
- May pagpaplano
- May kakayahang tumugon
- Pagiging maaasahan [?]
- Naiiwasan o nagagawa ang inaasahan [?]
- Nakasunod sa tamang instruksyon
- Kumpleto
- Takdang oras
- Hindi pabago-bago
Sanggunian
Hernandez, Vivian Lobaton. 1999. Pamana – Ikalimang Baitang Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika. Cubao, Quezon City: Christian Publishing.
Ylarde, Zenaida R and Peralta, Gloria A. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Edited by Gloria A. Peralta. Quezon City, Metro Manila: Vibal Group Inc.
Mga Likhang Sining Ng Pilipino. (n.d.). Mga Likhang Sining ng Pilipino. https://luterokath02.blogspot.com/2018/02/mga-likhang-sining-ng-pilipino.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply