This is the Health 5 self-learning module for Quarter 3, Module 4: “Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drugs” (preventing and controlling the use and abuse of gateway drugs). It is written in Filipino for Grade 5 learners studying at home, with help from a parent or guardian. The module has one lesson, meant to be finished in one week. Learners see how saying no to caffeine, alcohol, and tobacco keeps them and their families healthy, and practice ways to avoid these substances.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module lists three objectives. After it, learners should be able to:
- Show a lively, healthy life by not using gateway drugs (H5SU-IIIh12)
- Value the well-being of the whole family
- Practice ways to avoid using gateway drugs
What gateway drugs are and why they matter
The module focuses on three gateway drugs that are sold legally and used every day: caffeine (as in strong coffee), alcohol, and tobacco (cigarettes, which contain nicotine). Its review activity reminds learners of the harm they cause:
- Smoking causes many illnesses.
- Too much coffee lowers the body’s resistance to disease.
- Alcohol damages the brain and the liver.
- Too much caffeine makes the heart beat fast.
The module points out that these products already carry warnings such as “drink moderately” and “cigarette smoking is dangerous to your health”, yet people keep buying them. Gateway drugs affect everyone: men and women, rich and poor, young and old.
The module stresses that using gateway drugs is a personal choice. Each day’s decision affects not only you but also the people around you. A family cannot stay lively and healthy if its members use caffeine, alcohol, and tobacco.
The story of Paulo and Mario
In the “Tuklasin” (discover) part, brothers Paulo and Mario sit in a non-smoking area while eating breakfast before basketball practice. On the drive to the gym, Mario keeps hearing a radio ad for a new cigarette brand and buys a pack. He then sees a government billboard saying thousands of Filipinos suffer from smoking-related diseases every year. At the gym, a sign reads “Bawal manigarilyo. Ang mga panalo hindi naninigarilyo” (no smoking; winners do not smoke). Mario decides to throw his cigarettes away. Learners judge which events in the story were good influences and which were not.
Seven ways to stay healthy without gateway drugs
The heart of the lesson is a list of life skills that keep the body and mind healthy:
- Make time for yourself. Stress makes people more likely to turn to gateway drugs. Rest and self-care help.
- Live a healthy, balanced life. Eat nutritious food, exercise regularly, and enjoy time with others without drinking or smoking.
- Face life’s problems in a healthy way. Some people use gateway drugs to forget their troubles. Instead, talk to someone close to you, write in a diary, or exercise.
- Stay away from people who smoke and drink. Choose friends and family members who give love, support, and a positive environment.
- Learn to resist pressure from others. Do not follow anyone who puts your health in danger. Be confident, trust yourself, and stand firm.
- Keep yourself informed. Knowing the health risks and consequences of gateway drugs gives you a strong reason to avoid them.
- Join meaningful activities. Meditation, going to the gym, and yoga help manage negative emotions, reduce stress, and improve health.
The “Isaisip” (remember) part sums it up: learn to make the right decisions without being swayed by friends or barkada, and keep talking with every family member so you know how each one is doing.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Mark 10 statements with a check if they help avoid gateway drug abuse, or an X if not |
| Balikan (review) | Write T (true) or M (false) for 5 statements about smoking, coffee, nicotine, and alcohol |
| Tuklasin (discover) | Read the Paulo and Mario story and color flags green (good influence) or red (bad influence) |
| Suriin (analyze) | Compare two family pictures and answer questions about healthy families |
| Pagyamanin (enrich) | Choose the right response in 5 situations, such as being offered a cigarette or a beer drinking contest |
| Isagawa (apply) | Write S (agree) or DS (disagree) for 5 pictures showing results of not using gateway drugs |
| Tayahin (assessment) | Draw a happy face for 10 actions that show a lively, healthy life and a sad face for those that do not |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Match 3 statements to the family, community, or school symbol |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers in your notebook or on separate paper, not on the module. Check your work with the answer key only after answering, and be honest. Contact your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: Sit with your child through the story and the situations in “Pagyamanin”. They are a good way to talk at home about coffee, alcohol, and cigarettes, and the module itself encourages open family communication.
- Teachers: The module has one lesson for one week. The answer key covers Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain. A separate teacher’s or facilitator’s guide is mentioned in the module’s introduction.
Frequently asked questions
Which grade and quarter is this Health module for?
It is for Grade 5 Health, Quarter 3, Module 4. It has one lesson meant to be studied in one week.
What gateway drugs does the module talk about?
It focuses on caffeine, alcohol, and tobacco. It explains how they harm the body and the family and how to avoid them.
What competency does this module cover?
The module prints the code H5SU-IIIh12 for its first objective: showing a lively, healthy life by not using gateway drugs.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the review, the story activity, the situations, the picture activity, the assessment, and the extra activity.
Is the module in English or Filipino?
The module is written in Filipino. This page explains its content in English.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Health
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drugs
CO_Q3_Health5_Module4
Health – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-aabuso ng Gateway Drugs
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jonalita A. Magno, Gaudencio B. Canales Jr.
Editor: Ryan E. Depalco
Tagasuri: Gregorio N. Cainto
Tagaguhit: Norman L. Montes, Rodolfo B. Magno
Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan, Theodmar P. Magno, Ma. Jayvee A. Garapan
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma / Carmelino P. Bernadas
Arnulfo M. Balane / Rey F. Bulawan
Rosemarie M. Guino / Nicolas G. Baylan
Joy B. Bihag / Neil G. Alas
Ryan R. Tiu / Imelda E. Gayda
Nova P. Jorge / Abelardo G. Campani
[transcriber’s note: a handwritten or stamp-like mark reading “a. B.Je P.M” appears at the lower right of the names box; it could not be read reliably]
[illegible]
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VIII
Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832 – 2997
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the cover title (“Health – Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drugs”) and the DepEd logo, already given on page 1]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang pagkakaroon ng malusog at masiglang mag-anak ay isa sa mga hinahangad ng bawat pamilyang Pilipino. Ngunit hindi natin maipagkakaila na may ilan sa mga pamilyang bigo na makamtan ito dahil sa pag-aabuso sa paggamit ng mga gateway drugs ng miyembro ng mag-anak. Nararapat lamang na maimulat sila sa masamang dulot ng mga gateway drugs upang maiwasan nila ang paggamit nito habang maaga pa.
Sa modyul na ito:
- Naipakikita ang kasiglahan ng buhay sa pamamagitan ng di paggamit ng gateway drugs. (H5SU-IIIh12)
- Napapahalagahan ang kapakanan ng buong pamilya.
- Nagagawa ang mga paraan upang makaiwas sa paggamit ng gateway drugs.
Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kahon kung ang pangungusap ay nakatutulong sa sarili upang maiwasan ang pag-abuso ng paggamit ng gateway drugs, at ekis ( X ) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kwaderno.
☐ 1. Iwanan at iwaksi na ang mga gawaing nakakasira ng kalusugan.
☐ 2. Nagiging malapit sa pamilya at mga kaibigan.
☐ 3. Sumasali sa mga gawaing pangkomunidad na nakatutulong sa kapwa kabataan.
☐ 4. Palaging malungkot at nawawalan ng pag-asa.
☐ 5. Gumaganap nang mabuti sa trabaho o paaralan.
☐ 6. Regular na nakalutang ang isip at lasing.
☐ 7. Makisali sa iba’t ibang mga gawain pang-espiritwal sa simbahan.
☐ 8. Nagiging depensibo o galit kapag sinita tungkol sa mga masasamang gawain.
☐ 9. Umiiwas na sumama sa mga manginginom at mga gumagamit ng droga.
☐ 10. Maging aktibo sa mga larong pang-isports para mapalayo sa mga barkadang may masasamang bisyo.
Health
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drugs
Aralin 1: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-aabuso ng Gateway Drugs
Ang paggamit ng gateway drugs ay pansariling kagustuhan lamang. Magpapasya ka ba ng tama para sa kapakanan ng iyong kalusugan o magpapadala ka sa maling sinasabi ng iba, kaibigan at kabarkada? Kung ano ang desisyon mo sa bawat araw ay may malaking epekto ito sa iyong sarili at sa ibang taong nakapaligid sa iyo.
Sa araling ito, matututunan mo kung paano maipakikita ang kasiglahan ng buhay sa pamamagitan ng di paggamit ng gateway drugs at kung paano makaiiwas sa paggamit nito.
Balikan
Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at M kung hindi wasto. Gawin ito sa inyong kwaderno.
- Ang paninigarilyo ay nakapagbibigay ng maraming sakit at karamdaman sa ating katawan.
- Ang sobrang pag-inom ng kape ay nakapagpapababa ng resistensya.
- Ang nikotina ay nakabubuti sa ating katawan.
- Ang alkohol ay nakakapinsala sa utak at atay ng isang tao.
- Ang sobrang paggamit ng caffeine ay nagiging sanhi ng mabilis na pagtibok ng puso.
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay dinisenyo na may isang aralin at dapat pag-aralan sa loob ng isang linggo.
Tuklasin
Panuto: Basahin nang mabuti ang maikling kwento. Kulayan ang watawat ng berde kung ang isinasaad na pangyayari sa tapat nito ay may mabuting impluwensya, at pula naman kung walang mabuting impluwensya. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Isang Sabado, si Paulo ay nag-ensayo ng basketbol. Bago magpunta sa gym, siya at ang kanyang kapatid na si Mario ay kumain ng agahan sa malapit na karinderya. Sa loob nito ay pinili nilang umupo sa lugar na may babala na “Non-Smoking Area“. Pagkatapos kumain ay bumalik sila sa kanilang sasakyan at ipinagpapatuloy ni Mario ang kanyang pagmamaneho. Upang maiwasan ang pagkainip sa trapik, binubuksan nila ang radyo ng sasakyan. Paulit-ulit na naririnig ng magkapatid ang anunsyo sa radyo tungkol sa bagong labas na sigarilyong “The Winners Choice.” Gustong matikman ni Mario ang sigarilyong ito kaya dahan-dahan niyang ihininto ang sasakyan sa isang malapit na tindahan at bumili siya ng isang kaha ng sigarilyo at kaunting kendi. Habang patuloy na nagbibiyahe sa daan, nakakita sila ng ad ng Gobyerno sa paskilan na nagsasabing “Taon-taon libu-libong Pilipino ang nagdurusa ng mga sakit kaugnay ng paninigarilyo”. Tumatak sa isipan ni Mario ang nakasulat sa ad ng Gobyerno tungkol sa paninigarilyo. Nang dumating sila sa Gym, nakita nila ang babalang nagsasabi “Bawal manigarilyo. Ang mga panalo hindi naninigarilyo”. Nagpasya si Mario na itapon ang dala niyang sigarilyo.
Suriin
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
[illustration: a mother, a father, and two children seated together on a sofa]
[illustration: a family of five seated around a dining table with food and drinks]
- Alin sa mga pamilya ang pinakagusto mo? Bakit?
- Sa iyong palagay, masaya ba ang dalawang pamilya? Bakit o bakit hindi?
- Magiging masigla at malusog ba ang isang mag-anak kung ang bawat miyembro ay gumagamit ng caffeine, alkohol at tabako?
- Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?
Ang mga nagtitinda ng mga produktong may caffeine, tabako, at alkohol ay naglalagay na ng mga babala sa kanilang produkto katulad ng “drink moderately” o “cigarette smoking is dangerous to your health” ngunit sa kabila nito ay tinatangkilik pa rin ito ng mga mamimili. Ang gateway drugs ay nakakaapekto sa iba’t-ibang tao ma lalaki man ito o babae, mayaman o mahirap, matanda o bata na patuloy na binabago ang buhay.
Ang kaalaman tungkol sa pag-aabuso ng gateway drugs ay naglalayon upang iyong mapagtanto na hindi sana mangyari pa ang mga problemang hinaharap ng ilan sa ating mga kabataan ngayon kung umiwas sila sa paggamit ng mga gateway drugs.
Ang sumusunod ay mga kasiglahan at kasanayan sa buhay na maaaring makatulong upang mapanatiling malusog ang katawan at isip sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng gateway drugs.
Maglaan ng oras sa iyong sarili. Ang modernong buhay ngayon ay puno ng stress, na nagdaragdag sa taong mapanganib na gumamit at abusuhin ang gateway drugs. Maiiwasan ang stress sa pamamagitan ng pagpahinga at pag-aalaga sa sarili.
Mamuhay ng malusog at balanseng buhay. Ang malusog na pamumuhay ay ang pagkain ng ng masustansya, regular na pag-ehersisyo at masayang makipaghalubilo na walang inuman at paninigarilyo. Ito rin ay nagbibigay kasiyahan at tumutulong mabawasan ang pagkatukso sa paggamit ng mga gateway drugs.
Matutong tanggapin nang malusog ang mga pagsubok sa buhay. May mga taong umaabuso sa paggamit ng gateway drugs upang malimutan ang kanilang mga problema. Ang pinakamabuting gawin ay harapin ito nang may maluwag sa kalooban. Kabilang dito ang pakikipag-usap sa taong malapit sayo, pagsulat ng talaarawan, pag-eehersisyo at iba pa. Sa pamamagitan ng tamang pagkaya ng isipan at damdamin, ang isang tao ay hindi matutukso sa paggamit ng mga gateway drugs.
Umiwas sa mga taong naninigarilyo at umiinom ng alak. Ang pakikipaghalubilo ay importanteng aspeto sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Sa pamamagitan ng pagpili ng mga kaibigan at kasapi ng pamilya na
nagbibigay ng pagmamahal, suporta at positibong kapaligiran, ang isang tao ay hindi mag-iisip na gumamit ng gateway drugs.
Matutong harapin ang panggigipit ng ibang tao. Huwag padadala sa sapilitang utos ng isang tao kung ikaw ay malalagay sa kapahamakan lalo na ang iyong kalusugan. Magkaroon ng kumpiyansa at positibong pananaw sa buhay. Magtiwala sa iyong sarili at manindigan. Ang taong may malakas na tiwala sa sarili ay hindi nakakaramdam ng pangangailangan na masiyahan ng sinuman lalo na kung ang kahihinatnan nito ay kaguluhan.
Panatilihin ang iyong sariling kaalaman sa mga bagong pangyayari. Ang kaalaman ay kapangyarihan. Ito ay totoo pagdating sa paggamit ng gateway drugs. Ang kaalaman tungkol sa banta sa kalusugan, mga kahihinatnan, at iba pang panganib ng gateway drugs ay magbibigay sa tao ng matinding dahilan upang iwasan ang paggamit nito.
Sumali sa mga makabuluhang gawain.Mga makabuluhang gawain katulad ng pagmumuni-muni (meditation), pagpunta sa gym at pag “yoga” ay nakakatulong upang pamahalaan ang mga negatibong emosyon, bawasan ang stress, mapabuti ang kalusugan at buong pagkatao.
Pagyamanin
Panuto: Kopyahin ang titik ng tamang sagot sa dapat mong gawin sa sumusunod na mga sitwasyon. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Nakakita ka ng de latang beer sa loob ng repridyeretor. Ang iyong nakababatang kapatid ay naging interesado na inumin ninyong dalawa ang laman nito.
a. Buksan mo ang isa at pagtulungan ninyong inumin.
b. Pagsabihan mo ang iyong kapatid na mayroon pang ibang inumin sa loob ng rep para sa mga bibong batang katulad niya.Ikaw at ang iyong kaibigan ay nasa isang “Coffee Shop”. Nauuhaw siya at gustong umorder ng isang malaking baso ng matapang na kape.
a. Sabihin mo sa kanya na umorder nalang ng nakakapreskong inuming walang caffeine.
b. Sabihin mo sa iyong kaibigan na umorder pa ng isa para sa iyo.Sinabihan ka ng iyong kaklase na kumuha ng isang pakete ng sigarilyo sa inyong pamilihang tindahan.
a. Kumuha ka ng ilang piraso lamang para hindi ka mahalata ng inyong mga magulang.
b. Sabihan mo ang iyong kaklase na ang sigarilyo ay bawal sa mga bata.Inalok ka ng iyong kapitbahay na sumubok ng isang stick ng sigarilyo. Sinabi niya na ang paggamit nito ay bahagi ng iyong paglaki.
a. Sabihin mo sa kaniya na karamihan sa mga tao ay hindi naninigarilyo.
b. Sabihin mo sa kanya na siya ay makasalanan dahil sa kaniyang paninigarilyo.Ang iyong pinsan ay gustong makipagpaligsahan sa iyo sa pag –iinuman ng beer. Ang may pinakamaraming bote ng beer na iinumin ay siyang panalo.
a. Sabihin mo sa iyong pinsan na masama sa ang sobrang pag-inom ng alak at ang hindi magandang epekto nito sa ating katawan.
b. Sabihin mo sa iyong pinsan na sasali ka sa paligsahan ng pag-inom ng beer dahil gusto mong manalo.
Isaisip
Kinakailangang matutong magdesisyon ng tama at di nagpapadala sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at kabarkada. Mahalaga rin na magkaroon palagi ng pakikipag- usap o komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya upang malaman ang kalagayan ng bawat isa.
Isagawa
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Isulat ang S kung sumasang-ayon ka na ito ang nagiging mabuting bunga nang hindi paggamit ng gateway drugs. Kung di-sang-ayon, isulat ang DS. Gawin ito sa iyong kwaderno.
____1. [illustration: a family and children at a picnic, a man lifting a ball]
____2. [illustration: a boy smoking beside a tree, with a person slumped at its base next to an IV stand]
____3. [illustration: two girls and a boy, one boy handing over a tray of food or drinks]
____4. [illustration: a family seated at a dining table, talking]
____5 [illustration: a person slumped over a table with bottles on it]
Tayahin
Panuto: Iguhit ang larawan ng masayang mukha (☺) kung nagpapakita ng kasiglahan ng buhay at (☹) malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa kwaderno.
- Pinaghuhusayan ang pag-aaral at pinapalakas ang positibong kagandahang asal.
- Gumagamit ng mga produktong may caffeine, alkohol at tabako.
- Sumasali sa mga gawain na inyong kinagigiliwan upang maiwasan ang pagkagumon sa mga gateway drugs.
- Nakikipagkaibigan sa mga kabataan na nakatutulong sa iyo sa mabuting paraan.
- Ginagawang huwaran ang mga taong naninigarilyo, umiinom ng alak, at gumagamit ng bawal na gamot.
- Nakikipag-inuman sa barkada kapag may problema.
- Itinutuon ang pansin sa ibang aktibidad gaya ng isports.
- Nakikiisa sa mga patakaran at pagpaplano ng mga magulang hinggil sa katanggap –tanggap na gawi sa pamumuhay.
- Nagnanakaw para makabili ng alak.
- Nagiging aktibo sa komunidad sa pagtulong na masugpo ang pag-aabuso ng gateway drugs.
Karagdagang Gawain
Panuto: Iguhit ang tamang simbolo ng sumusunod na institusyon sa tapat ng pangungusap upang maipakita mo ang iyong suporta sa kanilang pagsisikap na maiwasan ang pag-aabuso ng gateway drugs.
[illustration: three symbols in a row: a ring of people holding hands (community), a school building (school), and a family with a child (family)]
Magkaroon ng tamang komunikasyon sa pamilya,disiplina sa sarili, maging matatag at tumupad sa kanilang mga tuntunin.________
Maging aktibo sa komunidad upang tumulong sa pagsugpo sa suliranin ng pag-aabuso ng gateway drugs.__________
Makilahok sa mga talakayan at aktibidad sa sektor ng edukasyon na nakatuon sa kampanya laban sa pag-aabuso ng mga gateway drugs.________
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
- b
- a
- b
- a
- a
Isagawa
- S
- DS
- S
- S
- DS
Subukin
- ✓
- ✓
- ✓
- ×
- ✓
- ×
- ✓
- ×
- ✓
- ✓
Balikan
- T
- M
- M
- T
- T
Tuklasin
- [illustration: red flag]
- [illustration: red flag]
- [illustration: green flag]
- [illustration: green flag]
- [illustration: green flag]
Tayahin
transcriber’s note: the answer key is printed upside down, and the smiling and frowning face symbols beside items 1 to 10 of Tayahin could not be reliably read, so only the item numbers are transcribed. The fragment “ayahin T” printed beside the Tayahin label was not transcribed.
Karagdagang Gawain
- [illustration: hands holding a child, family symbol]
- [illustration: ring of people holding hands, community symbol]
- [illustration: school building symbol]
Sanggunian
DepEd MAPEH-MELCs (Health 5-Q3) : 461-462
DepEd R8.2016,Kagamitan ng Mag-aaral Health Yunit 3-Aralin 6 Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drug
DepEd R8.2016, Gabay sa Pagtuturo, Health 5 Yunit 3- Aralin 6 Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drug
Pascual, et. al.2017, Enjoying Life Through Music, Art, Physical Education and Health 5: 399-404
Ubalde, et. al.2018, Living with Music,Art, Physical Education , and Health 5: 421, 430-431
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply