Health 5 Quarter 3 Module 2: Mga Produktong May Caffeine

Grade 5 Health Q3 Module 2 explains which products contain caffeine, where it comes from, safe daily amounts, its harmful effects, and how to use it wisely.

This is the Grade 5 Health self-learning module for the third quarter (Ikatlong Markahan), Module 2: “Mga Produktong May Caffeine” (products that contain caffeine). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home. After working through it, learners can name common caffeine products, explain where caffeine comes from, and use these products safely to avoid becoming addicted to them.

The module is written in Filipino. It is part of the Alternative Delivery Mode (ADM) series, first edition 2020, and was written by Ma. Theresa E. Quillo.

On this page 5 sections

What learners will learn

The module lists three objectives:

  • Identify products that contain caffeine (natutukoy ang mga produktong may caffeine).
  • Explain where the substance caffeine comes from (naipaliliwanag kung saan nagmula ang substansya ng caffeine).
  • Use caffeine products properly and correctly (nagagamit nang wasto at tama ang mga produktong may caffeine), competency code H5SU-IIIb-8.

Key ideas: what caffeine is

The lesson, Aralin 1: Mga Produktong May Caffeine, starts by calling caffeine an example of a gateway drug. People often use it because they believe it gives extra energy and helps them stay alert or awake for long hours. It can also give a feeling of enjoyment, which can become a serious problem if a person keeps abusing it. The answer key names caffeine, nicotine (nikotina), and alcohol (alkohol) as examples of gateway drugs.

The module then explains:

  • It is a stimulant. Caffeine excites the central nervous system and can help speed up or improve mental performance.
  • It comes from plants. Caffeine is bitter and comes from certain plants, so it goes through a long process to remove the bitter taste. Cacao is the plant example used in the quiz.
  • Where it is found. Coffee, cacao or chocolate, tea, and soft drinks, as well as pain relievers and medicines sold without a prescription. These are commonly sold in drugstores, sari-sari stores, groceries, and convenience stores.
  • How long it works. Caffeine does not stay in the body, but a person feels its effect for about six hours.
  • It is a diuretic. It makes a person urinate often.
  • It has no nutrition. Caffeine does not add to good health.
  • Addiction is hard to stop. A person addicted to caffeine products may find it hard to quit without going through rehabilitation.

How much is safe

WhoApproved amount per day
AdultsUp to 400 mg (about 4 cups of coffee, 10 cans of cola, or 2 energy drinks)
Children and teenagersUp to 100 mg only

Any amount above this can harm the body. The Isaisip (remember) part adds that experts consider two to four regular cups of coffee a day a proper amount, and four cups or more heavy use that causes unpleasant symptoms.

Caffeine in common products

The module gives a table of caffeine content. Some examples:

ProductServingCaffeine
Brewed coffee8 oz (237 ml)95 to 200 mg
Instant coffee8 oz (237 ml)27 to 173 mg
Decaffeinated coffee8 oz (237 ml)2 to 12 mg
Black tea, brewed8 oz (237 ml)14 to 70 mg
Green tea, brewed8 oz (237 ml)24 to 45 mg
Coca-Cola12 oz (355 ml)23 to 35 mg
Pepsi12 oz (355 ml)32 to 39 mg
Red Bull energy drink8.4 oz (248 ml)75 to 80 mg
Semi-sweet chocolate chips1 cup (168 g)104 mg
Chocolate-coated coffee beans28 pieces336 mg

Harmful effects of too much caffeine

The module lists these bad effects: bone fractures, headache, confusion, irritability, dizziness and vomiting, frequent urination, higher blood pressure, trembling, sweating, palpitations, fast breathing, trouble sleeping or migraine, and weakness or sluggishness.

The module also includes the poem “Kape” (coffee) by Chel Lee, about how much Filipinos love coffee, to help learners connect the lesson to daily life.

How to use this module

The module follows the usual DepEd SLM parts:

  1. Subukin (pretest): find and circle words such as tsaa, tsokolate, soda, and cola in a letter puzzle.
  2. Balikan (review): write examples of gateway drugs in a diagram.
  3. Tuklasin (discover): check the products you often drink or use, such as tea, cola, chocolate milk, and coffee.
  4. Suriin (analyze): look at pictures of caffeine products and share whether they are good for us, then read the lesson.
  5. Pagyamanin (practice): mark true or false statements about caffeine.
  6. Isaisip (remember): read the summary and the poem.
  7. Isagawa (apply): list other caffeine products around a star organizer.
  8. Tayahin (assessment): choose the correct term or amount from a box for eight descriptions.
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): label statements as fact (KATOTOHANAN) or opinion (OPINYON).

For learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Do not write on the module; use a separate answer sheet. Contact your teacher if any part is hard to understand.

For parents: The module asks you to guide your child at home. An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included; encourage your child to answer honestly before checking it.

For teachers: The answer key covers every activity except Isagawa, which the teacher checks since answers depend on the learner.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this caffeine module for?

It is for Grade 5 Health, third quarter (Ikatlong Markahan), Module 2.

What is the competency code of this module?

The module prints the code H5SU-IIIb-8 for using caffeine products properly and correctly.

How much caffeine is safe for children according to the module?

Children and teenagers should have only up to 100 mg of caffeine per day. Adults may have up to 400 mg per day, about four cups of coffee.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the activities and tests, while the Isagawa activity is checked by the teacher.

Why is caffeine called a gateway drug?

The module calls caffeine a gateway drug because people use it for energy and alertness and it can lead to abuse and addiction. It names caffeine, nicotine, and alcohol as examples.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Health Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Produktong May Caffeine

[illustration: group of students studying outdoors and at a desk, with a teacher, a globe, and a child reading by lamplight]

CO_Q3_Health5_Module2

Health – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Produktong May Caffeine Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Theresa E. Quillo Editor: Jenilyn B. Calicoy Tagasuri: Airene P. Baleña Tagaguhit: Norman L. Montes, Anne Hazel J. Arma Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan, Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma; Arnulfo M. Balane; Rosemarie M. Guino; Joy B. Bihag; Ryan R. Tiu; Nova P. Jorge; Carmelino P. Bernadas; Rey F. Bulawan; Nicolas G. Baylan; Neil G. Alas; Imelda E. Gayda; Abelardo G. Campani

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Health

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Produktong May Caffeine

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Karagdagang kaalaman tungkol sa mga produktong naglalaman ng caffeine. Mabibigyan din ng paalala ang mga mag-aaral kung papaano ang wastong paggamit ng mga ito upang maiwasan ang pagkaadik dito.

Layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod:

  • Natutukoy ang mga produktong may caffeine.
  • Naipaliliwanag kung saan nagmula ang substansya ng caffeine.
  • Nagagamit nang wasto at tama ang mga produktong may caffeine. (H5SU-IIIb-8).

Subukin

Panuto: Kopyahin ang letter puzzle sa iyong sagutang papel. Hanapin ang mga sumusunod na nakatalang salita sa loob ng letter puzzle. Bilugan ang mga salitang nahanap sa loob ng letter puzzle.

Tsaa, Vodka, Wine, Beer, Tobacco, Tsokolate, Coke, Tabako, Soda, Cola

[chart: letter puzzle; Subukin letter puzzle grid of 10 columns by 9 rows of letters, for finding the words listed above]

1 CO_Q3_Health 5_Module2

Aralin 1: Mga Produktong May Caffeine

Ang caffeine ay isang halimbawa ng gateway drugs. Ito ay madalas na gamitin ng mga tao dahil ito ay pinaniniwalaang nakapagbibigay ng karagdagang enerhiya at pansamantalang tulong sa pagiging alerto o gising sa mahabang oras. Kadalasan, ang mga taong gumagamit nito ay panggabi at maraming trabaho o gawain na dapat tapusin. Nagbibigay din ito sa kanila ng kasiyahan. Kasiyahang maaaring maging sanhi ng malaking problema kung patuloy ang pang-aabuso sa paggamit nito.

Balikan

Panuto: Kopyahin ang diagram sa sagutang papel. Isulat sa loob bilog ang mga halimbawa ng gateway drugs.

[chart: diagram; Balikan graphic organizer with a central circle labeled “Gateway Drugs” and three empty circles connected by arrows]

2 CO_Q3_Health 5_Module2

Tuklasin

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang sa mga produktong madalas mong gamitin o inumin. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: tsaa (tea) drink with a tea bag]; ____1. [illustration: Cola softdrink can]; ____2. [illustration: chocolate milk carton with a glass]; ____3. [illustration: cup of kape (coffee)]; ____4. [illustration: bottle of pills]; ____5.

Suriin

Pagmasdan ang mga larawan, sa inyong opinyon may mabuti bang naidudulot ang mga ito sa atin? Alin sa mga produktong ito ang gusto mo at bakit?

[illustration: coffee beans, cacao pod with beans, pills, a sachet, a cup labeled “Coffee”, a cup labeled “Energy drink”, and a bottle labeled “Soda”]

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay dinisenyo upang mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga importanteng detalye ng caffeine. Matutunan nila kung paano ang tamang paggamit ng mga produktong may caffeine upang maiwasan ang pagka adik dito.

3 CO_Q3_Health 5_Module2

CAFFEINE

Ang caffeine ay nakapagpapasigla ng central nervous system. Bukod sa pagiging stimulant, nakatutulong din ito para mapabilis o mapahusay ang mental performance. Ito ay mapait at nagmumula ito sa ilang mga halaman kaya’t dumadaan sa mahabang proseso upang mawala ang pait ng lasa nito. Karaniwang matatagpuan ito sa maraming inumin na tulad ng kape, cacao o tsokolate, tsaa, at softdrinks gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na nabibili ng walang reseta.

Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan pero nararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay tinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng madalas na pag-ihi ng kumukunsumo nito. Walang nutrisyon na makukuha sa caffeine at hindi nakadaragdag sa mabuting kalusugan. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari-sari stores, groceries at mga convenience stores. Hanggang 400mg kada araw ang aprubadong dami ng caffeine na maaaring tanggapin ng isang tao sa ganap na edad. Ito ay halos katumbas ng apat na tasa ng kape, 10 lata ng cola o dalawang inumin ng energy drink. Kapag ang tao ay na adik na sa kaiinom at kakakain ng mga produktong may caffeine ay mahirap na itong alisin kung hindi sila dadaan sa rehabilitation.

Iba din ang dami na maaaring tanggapin ng mga bata at kabataan na hanggang 100mg lamang kada araw. Ang anumang dami na hihigit dito ay maaaring makapagdulot ng masamang epekto sa katawan.

Narito ang mga produktong may caffeine.

[chart: table; Narito ang mga produktong may caffeine — caffeine content of products]

ProduktoSukatDami ng Caffeine
Coffee (brewed)8 oz. (237ml)95-200mg
Coffee (decaffeinated)8 oz. (237ml)2-12mg
Chocolate chips, semi-sweet1cup (168grams)104mg
Coffee (instant)8 oz. (237ml)27-173mg
Black tea (brewed)8 oz. (237ml)14-70mg
Green tea (brewed)8 oz. (237ml)24-45mg
Iced tea (instant)8 oz. (237ml)11-47mg
Ice tea (bottled)8 oz. (237ml)5-40mg
Coca-Cola12 oz. (355ml)23-35mg
Diet Coke12 oz. (355ml)23-47mg
Pepsi12oz. (355ml)32-39mg
Red Bull Energy drink8.4oz. (248ml)75-80mg
Chocolate coated Coffee beans28 pieces336mg

Source: K to 12 Grade 5 Learner’s Materials in Health Q3

4 CO_Q3_Health 5_Module2

Narito ang masamang dulot ng caffeine;

  1. Fractures sa buto
  2. Sakit ng ulo
  3. Confusion
  4. Iritable
  5. Hilo at pagsusuka
  6. Madalas ang pag-ihi
  7. Pagtaas ng blood pressure
  8. pangngatal
  9. pagpapawis
  10. palpitations
  11. mabilis na paghinga
  12. hindi makatulog o maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng migrane.
  13. panghihina o pananamlay.
Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung tama ang isinasaad sa pangungusap at ekis (X) naman kung hindi.

_____1. Nakabubuti sa katawan ang madalas na pag-inom ng kape dahil ito ay nakatatalino.

_____2. Mapait ang lasa ng caffeine kaya dumadaan ito sa mahabang proseso.

_____3. Huwag abusuhin ang paggamit ng gateway drugs dahil maaari kang maadik sa paggamit nito.

_____4. Ang caffeine ay nakatutulong sa pagiging alerto o gising ng isipan lalong-lalo sa oras na maraming kang trabaho.

_____5. Ang caffeine ay naiiwan sa katawan pero nararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras.

_____6. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari-sari stores, groceries at mga convenience stores.

_____7. Hanggang 600mg kada araw ang aprubadong dami ng caffeine na maaaring tanggapin ng isang tao sa ganap na edad.

_____8. Ang caffeine ay matatagpuan sa mga produktong nakakalasing gaya ng vodka.

Isaisip

Ang caffeine ay isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap ng iniinom na kape. Ayon sa mga dalubhasa ang konsumo ng kape ay dapat sapat o tama at ito ay dalawa hanggang apat na regular na sukat ng tasa upang hindi makaapekto sa kalusugan ng isang tao. Samantala, maituturing na malakas sa konsumo nito kung ito ay aabot sa apat na tasa pataas, at ito ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na mga sintomas.

Nasubukan mo na bang uminom ng kape? Kung oo, marahil ikaw ay makaka ugnay sa tulang isinulat ni Chel Lee. Basahin Mabuti ang tula.

KAPE

“Chel Lee”

Kay sarap inumin pag bagong gising

Bago simulan ang mga gawain

Isang tasa lang ang iyong kakailanganin

Habang mainit ito’y higup-higupin

Nagsimula sa payak, ngayon ay madami ng bago

Pero mas kilala sa tawag na barako

Meron pa ngayong cappuccino

Na binebenta ngayon sa merkado

Ang iba nama’y gusto ang tamang timpla

Kabaligtaran naman ito sa iba

Gusto nila ay wala ng asukal

Para lasang lasa daw ang tapang at linamnam

Ako’y nagtataka bakit iba’y pinapalamig

Hinihintay maalis ang taglay na init

Kaya’t ako’y nagtanong ng wari sa diwa

Ayun naman pala’y ayaw lang mapasa ang dila

Ang kape talaga’y paborito ng mga Pilipino

Kahit san man ikaw sa panig ng mundo

Umaga, tanghali kahit pa hapunan

Makikita’t makikita mo sa hapag-kainan

Source: https://steemit.com/literaturang-filipino/@racheleecious/filipino-poetry-kape

Isagawa

Panuto: Magtala ng iba pang mga produkto na naglalaman ng caffeine. Isulat ang kasagutan sa paligid ng star organizer.

[chart: star organizer; blank, with the center label “MGA PRODUKTONG MAY CAFFEINE”]

Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa isang sagutang papel.

Diuretictsokolate
100mgmapait
cacaocentral nervous system
400mg92-200mg

_____1. Isa sa mga epekto ng caffeine sa katawan ng tao ay ang madalas na pag-ihi.

_____2. Ang lasa ng caffeine.

_____3. Bahagi ng katawan na pinasisigla ng caffeine.

_____4. Halamang naglalaman ng caffeine.

_____5. Ang aprubadong dami ng caffeine na maaaring tanggapin ng isang tao sa ganap na edad.

_____6. Dami ng caffeine na makukuha sa coffee (Brewed).

_____7. Ang aprubadong dami ng caffeine na maaaring tanggapin ng katawan ng bata kada araw.

_____8. Produkto na naglalaman ng caffeine.

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang salitang KATOTOHANAN kung ang isinasaad na ideya ay totoo at OPINYON kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____________1. Ayon kay Leslie dahil sa madalas niyang pag-inom ng sleeping pills hindi na siya makatulog kung hindi umiinom nito.

_____________2. Ayon kay Mang Pedring na stroke ang kanyang kaibigan dahil sa palaging pag-inom ng kape.

_____________3. Kapag ang tao ay adik na sa kaiinom ng mga produktong may caffeine ay mahirap na itong alisin kung hindi dadaan sa rehabilitasyon.

_____________4. Isa sa mga masamang epekto ng caffeine sa ating katawan ay ang pagiging iritable.

_____________5. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan pero nararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay tinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng madalas na pag-ihi ng kumukunsumo nito.

Susi sa Pagwawasto

Balikan

[chart: diagram; labeled circles with arrows. Center circle: “GATEWAY DRUGS”. Arrows point outward from the center to the left circle “CAFFEINE” and to the right circle “NIKOTINA”. Top circle: “ALKOHOL”.]

Tuklasin
  1. A
  2. C
  3. N
  4. C
  5. A
Pagyamanin
  1. X
  2. /
  3. /
  4. /
  5. X
  6. /
  7. X
  8. X
Tayahin
  1. diuretic
  2. mapait
  3. central nervous system
  4. cacao
  5. 400mg
  6. 92-200mg
  7. 100mg
  8. tsokolate
Subukin

[chart: word search puzzle; letter grid with circled words. Circled words as readable in the key: NIKOTINA, ALKOHOL.]

transcriber’s note: the individual letters of the word-search grid are too small and rotated to transcribe reliably, so the grid is not reproduced.

Karagdagang Gawain
  1. OPINYON
  2. OPINYON
  3. KATOTOHANAN
  4. KATOTOHANAN
  5. KATOTOHANAN
Isagawa

Iwawasto ng guro at ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral.

Sanggunian

DepEd Region 8. 2016, Gabay sa Pagtuturo Health 5, Yunit 3- Aralin 2-3 Mga Produktong may Caffeine, Nikotina, Alcohol at kung saan ito nagmula, 5-10.

DepEd Region 8. 2016, Kagamitan ng Mag-aaral Health 5, Yunit 3-Aralin 2-3 Mga Produktong may Caffeine, Nikotina, Alcohol, 6-14.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district