This is the Grade 5 Health self-learning module for the Third Quarter, Module 5: “Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs” (healthy living by not using gateway drugs). It was prepared by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) for learners studying at home, with guidance from parents or teachers. After the module, learners should be able to show how a lively, healthy life comes from not using gateway drugs such as caffeine, nicotine, and alcohol.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Naipakikita ang kasiglahan ng buhay sa pamamagitan ng di paggamit ng gateway drugs (shows the vitality of life by not using gateway drugs). (H5SU-IIIh-12)
Lessons in this module
The module has one lesson, meant to be studied within one week:
- Aralin 1: Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs. Learners find out how avoiding gateway drugs keeps the body safe and strong, and they practice making the right choice in everyday situations at home, in school, and with friends.
What gateway drugs are
The module explains that many people use gateway drugs often without minding their bad effects. Continued use can lead to addiction without the user noticing. The module’s review puzzle (Balikan) gives these key terms:
- Gateway drugs: the first step toward using prohibited drugs. The module names caffeine, nicotine, and alcohol as examples.
- Caffeine: a common substance found in many drinks and foods such as coffee, tea, soft drinks or soda, cacao or chocolate, cola, and nuts. Products like these are called stimulants.
- Nicotine: an alkaloid found in nightshade plants, especially the tobacco plant, also called Nicotiana.
- The module also points out that gateway drugs prepare the body for using stronger drugs.
Healthy habits that help avoid gateway drugs
The Suriin part lists eight habits that help learners avoid using and abusing gateway drugs and keep a healthy, active body:
- Love yourself by having proper discipline.
- Check the food you buy and the food served at the table.
- Avoid products with caffeine, nicotine, and alcohol.
- Make good decisions and do not let friends or barkada (peer group) pressure you.
- Talk regularly with every member of the family.
- Listen to the advice of parents, teachers, and elders.
- Be open to suggestions and advice from elders.
- Be cheerful and active in sports.
The Isaisip (key takeaway) part sums it up: avoiding and controlling the use of gateway drugs shows the vitality of life, values the welfare of the family, and keeps the body safe, healthy, active, and alert, so young people can take the right path toward a good future.
Situations learners practice
The Isagawa activity asks learners what they would do in real-life cases, for example:
- An older brother invites them to try an alcoholic drink from the refrigerator.
- There are soft drinks at home, but an older sister has made lemon juice for recess.
- A friend urges them to drink alcohol.
- A neighbor offers a cigarette and says trying it is normal when growing up.
- They are invited to join school sports to stay away from friends with bad habits.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Alamin: read what the lesson is about and the competency.
- Subukin: take the pretest (sorting pictures and answering TAMA or MALI) to see what you already know.
- Balikan: solve the crossword puzzle on gateway drug terms.
- Tuklasin: mark pictures with a check or an X.
- Suriin: read the discussion and the eight healthy habits.
- Pagyamanin: answer Korek or Ekis (correct or wrong).
- Isaisip: review the key takeaway.
- Isagawa: choose the right action in each situation.
- Tayahin: take the 10-item final test.
- Karagdagang Gawain: answer the extra TAMA or MALI activity.
For learners: Write your answers on a separate sheet of paper or notebook, not on the module, so others can use it later. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you do. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
For parents: Guide your child through each part in order and talk openly about drinks, cigarettes, and peer pressure, since the module itself stresses regular family communication.
For teachers: Plan the single lesson for one week. Review the answer key before sharing it, since a few keyed answers may need discussion with learners.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Health module for?
It is for Grade 5 Health, Third Quarter, Module 5. It was produced by DepEd Region VIII as a self-learning module, First Edition, 2020.
What are gateway drugs according to the module?
The module describes gateway drugs as the first step toward using prohibited drugs and names caffeine, nicotine, and alcohol as examples. Continued use can lead to addiction without the user noticing.
How many lessons does the module have and how long should it take?
It has one lesson, Aralin 1: Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs. The notes for teachers say it should be studied within one week.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain.
What is the learning competency code of this module?
The module’s Alamin part prints the competency code H5SU-IIIh-12.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Health: Ikatlong Markahan – Modyul 5: Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs
[illustration: students studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a lantern]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q3_Health5_Module5
Copyright
Health – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Eugenia H. Esplago, Arielyn Mae A. Gudisan
Editor: Ryan E. Depalco
Tagasuri: Vilma P. Adao
Tagaguhit: Norman L. Montes, Anne Hazel J. Arma
Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan, Ma. Jayvee A. Garapan
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Carmelino P. Bernadas
Arnulfo M. Balane, Rey F. Bulawan
Rosemarie M. Guino, Nicolas G. Baylan
Joy B. Bihag, Neil G. Alas
Ryan R. Tiu, Imelda E. Gayda
Nova P. Jorge, Abelardo G. Campani
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________
Department of Education – Region VIII
Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832 – 2997
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Health: Ikatlong Markahan – Modyul 5: Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs
5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with an arrow, decorative icon beside the heading]
Ang gateway drugs ay isa sa mga kinahihiligan ng mga tao na madalas gamitin. Hindi nila alintana ang masamang epekto nito. Sa patuloy na paggamit ng gateway drugs maaaring maging sanhi ito ng pagka-adik na hindi namamalayan ng gumagamit nito. Kaya mabisang malaman natin ang malalim na pag-aaral at pag-unawa ukol sa gateway drugs upang mas mapangalagaan natin ang ating katawan maging ang mga taong nasa paligid natin at kasa-kasama araw-araw.
Iwasan at iwaksi na ang mga gawaing nakasanayang gawin kung ito naman ay nakakasira sa ating katawan. Magkaroon ng disiplina sa sarili at suriin ang mga pagkaing dapat ihain sa hapagkainan. Iwasan gumamit ng mga produktong may caffeine, alkohol at tobako sapagkat nalalaman na natin ang masasamang epekto nito sa ating kalusugan. Kinakailangang matutong magdesisyon ng tama at di nagpapadala sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan, kabarkada. Mahalaga din na magkaroon palagi ng pakikipagusap (kumunikasyon) sa bawat miyembro ng pamilya upang malaman ang kalagayan ng bawat isa.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:
Naipakikita ang kasiglahan ng buhay sa pamamagitan ng di paggamit ng gateway drugs. (H5SU-IIIh-12)
Subukin
[illustration: pencil icon, decorative, beside the heading]
A. Panuto
Tingnan ang nasa larawan. Tukuyin kung ito ay nagpapakita ng HINDI paggamit ng gateway drugs at kung ito ay nagpapakita ng pag-abuso sa paggamit ng gateway drugs. Isulat sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot.
A. [illustration: four young people standing side by side with arms around each other]
B. [illustration: a family of four sitting and playing together on a mat outdoors]
C. [illustration: a group of children dancing and cheering to music]
D. [illustration: a father and two children sitting on a sofa watching television]
E. [illustration: several people sharing a meal at a table]
| Hindi Paggamit ng Gateway Drugs | Pag -abuso sa Paggamit ng Gateway Drugs |
|---|---|
B. Panuto
Basahin ang bawat pangungusap, isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng wastong gawain at MALI kung ito ay hindi.
_____1. Makisama sa mga batang mahilig uminom ng energy drinks.
_____2. Suriin ang mga pagkaing binibili sa canteen.
_____3. Iwasang gumamit ng mga produktong may caffeine, nikotina at alkohol.
_____4. Huwag mag padala o paimpluwensiya sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at kabarkada.
_____5. Magkaroon ng regular na pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya.
Aralin 1: Malusog na Pamumuhay sa Hindi Paggamit ng Gateway Drugs
Ang hindi paggamit ng gateway drugs ay may naidudulot na kagandahan sa ating kalusugan na mapapanatiling ligtas at matibay ang ating pangangatawan. Sa araling ito matutunan natin ang mga kabutihang naidudulot sa hindi paggamit ng gateway drugs.
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon, decorative, beside the heading]
Panuto: Buuin ang puzzle. Isulat sa mga kahon ang letra ng mga salitang tinutukoy.
[chart: crossword puzzle grid; Balikan]
[transcriber’s note: the grid’s numbered squares are 1 to 5 as printed; the letters to be written in the boxes are not part of the printed text]
Pahalang:
Ito ay ang unang hakbang sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng caffeine, nikotina, at alkohol.
Ito ay isang alkaloid na matatagpuan sa night shade plants partikular sa tobacco plant na tinatawag ding Nicotiana.
Pababa:
Ito ay isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap na matatagpuan sa maraming inumin gaya ng kape, tsaa, softdrinks o soda, cacao, o tsokolate, cola, nuts at ilang pang mga produkto na kung tawagin ay stimulants.
Ang parte ng katawan na inihahanda ng gateway drugs upang gumamit pa ng malalakas na droga.
Ito ay isang alkaloid na matatagpuan sa night shade plants partikular sa tobacco plant na tinatawag ding Nicotiana.
Tuklasin
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang larawan ay nagpapakita ng kasiglahan sa buhay sa pamamagitan ng di paggamit ng gateway drugs at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa kwaderno.
____1. [illustration: three women dancing side by side]
____2. [illustration: three men seated at a table with cups and food]
___3. [illustration: boy dribbling a basketball toward a hoop]
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay dinisenyo na may isang aralin at dapat pag-aralan sa loob ng isang linggo.
_____4. [illustration: boy with a chocolate or wafer bar in his mouth]
_____5. [illustration: boy eating from a plate of food beside a glass of water]
Suriin
[illustration: glass of water, pumpkin, pears, bananas, apples, oranges, eggplant, and broccoli]
[illustration: family of four smiling and sitting together on a sofa]
[illustration: family of three eating together at a dining table]
[illustration: policeman riding a bicycle]
Ang bawat buhay ng tao ay mahalaga kaya dapat natin itong pangalagaan at huwag abusuhin. Ugaliin natin sa ating mga sarili ang ilang mga kasanayang sumusunod upang magawa nating makaiwas sa paggamit at pag-abuso ng gateway drugs at magkaroon ng maganda at masiglang pangangatawan:
Mahalin ang sarili sa pagkakaroon ng tamang disiplina.
Suriin ang mga pagkaing binibili at dapat na ihain sa hapag-kainan.
Iwasang gumamit ng mga produktong may caffeine, nikotina at alkohol.
Magdesisyon ng tama at ayon sa kabutihan at hindi nagpapadala o nagpapa impluwensiya sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at kabarkada.
Magkaroon ng regular na pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya.
Makinig sa mga pangaral ng magulang, guro at lahat ng nakatatanda.
Maging bukas sa pagtanggap ng mga suhestiyon at pangaral ng mga nakatatanda.
Maging masayahin at aktibo sa isports.
Pagyamanin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Korek kung tama ang pahayag at Ekis naman kung mali.
________1. Hindi makikinig sa mga magulang kapag pinupuna ang pakikihalubilo sa mga kaibigan na umiinom at naninigarilyo.
________2. Bumili ng pagkaing masustansiya at walang caffeine.
________3. Iwasan ang mga mga kaibigang nagbibigay ng masamang impluwensiya.
________4. Sumangguni sa magulang kung may mga taong humihikayat sa iyo na sumali sa paninigarilyo at pag iinuman.
________5. Tanggapin ang mga pangaral ng mga nakatatanda.
Isaisip
Ang pag-iwas at pagkontrol sa paggamit at pag abuso ng gateway drug ay nakapagpapakita ng kasiglahan ng buhay. Napahahalagahan ang kapakanan ng pamilya. Manatiling ligtas, malusog, aktibo at alerto ang ating katawan. Matatahak ng bawat kabataan ang tamang landas para sa magandang bukas na hinaharap.
Isagawa
Panuto: Basahin ang bawat pangugusap. Pag-aralan kung ano ang tamang gagawin sa bawat sitwasyon at isulat ang titik ng tamang sagot.
May nakita kang malamig na inumin na nakakalasing sa inyong refrigerator. Sinabihan ka ng iyong kuya na subukan niyo itong inumin.
a. Inumin agad
b. Hindi susundin ang sinabi ni Kuya
c. Mapag-inuman sa kuya
d. Wala sa nabanggit ang tamang sagot.Maraming softdrinks sa bahay ninyo pero ipinagtimpla ka ng ate mo ng lemon juice para inumin mo sa recess.
a. Baunin ang lemon juice na gawa ng ate.
b. Kumuha ng softdrink para baunin.
c. Hindi tatanggapin ang lemon juice na gawa ni ate.
d. Lahat ay tama.Hinihikayat ka ng kaibigan mong uminom ng alak.
a. Hindi sasama sa kaibigan para mag-inuman.
b. Susunod sa nais ng kaibigan.
c. Awayin ang kaibigan.
d. Tatawanan ang kaibigan.Ang iyong kapitbahay ay nag-aalok sa iyo ng isang piraso ng sigarilyo. Sinabi niya na subukan mo itong gamitin at normal lang ito sa inyong paglaki.
a. Tatanggapin ang sigarilyo.
b. Tumalon sa tuwa dahil sa wakas ay matitikman na paninigarilyo.
c. Dedmahin ang sinasabi ng kaibigan.
d. Huwag tanggapin ang sigarilyo.Pinasasali ka sa mga larong pang- isport sa paaralan para di ka makasama sa mga kaibigan mong may masasamang bisyo.
a. Sumali sa mga larong isport.
b. Awayin ang kaibigang naghihimok.
c. Hindi sasali sa mga larong pang-isport sa paaralan.
d. Lahat ng sagot ay tama.
Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung tama ang ipinahahayag na kasanayan at M kung mali.
____1. Palaging ugaliing suriin muna ang mga nilalaman o sangkap ng ating mga binibiling pagkain o inumin bago ito pagpasyahang bilhin.
____2. Ang bawat tao ay dapat magkaroon ng disiplina sa ating mga kinakain at iniinom upang mapanatili nating malusog at masigla ang ating katawan.
____3. Ang matatanda ay maaaring uminom ng alak o manigarilyo kapag may okasyon o selebrasyon lamang.
____4. Lalakas ang resistensiya ng katawan kung iiwasan ang anumang gateway drugs.
____5. Mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon sa pamilya lalo na sa mga usaping pangkalusugan.
____6. Makihalubilo sa mga taong mahilig sa isport kaysa mga taong mahilig uminom at manigarilyo.
____7. Pinatitikim kang manigarilyo ng iyong kapitbahay pero tinutulan mo.
____8. Sumali ka sa mga kaibigan mong nag iinuman at hindi sinabi sa iyong mga magulang.
____9. Sumama kang makipagzumba kaysa makipag- inuman.
___10. Sinabi mo sa guro na hinihimok kang tumikim ng sigarilyo ng mga kaklase mo.
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahing maigi ang bawat pangungusap at sagutin ito ng TAMA kung nagsasabi ito nang nakabubuti sa ating sarili at MALI naman kung hindi sa sagutang papel.
_____1. Ang pagkahumaling sa isports ay mabuting pang-aliw para maiwasan ang paggamit ng gateway drugs.
_____2. Ang pag-eehersisyo ay gawaing may mabuting naidudulot sa ating katawan.
_____3. Ang paggamit at pag-abuso ng gateway drugs ay nakasisira sa ating katawan.
_____4. Ang caffeine ay isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap ng iniinom na kape at energy drink na nakatutulong sa ating kalusugan.
_____5. Ang gateway drugs ay maaari ring makuha sa ibang inumin gaya ng kape, tsaa, tsokolate, cola o softdrinks, at mga energy drink.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
A
| Hindi Paggamit ng Gateway Drugs | Pag -abuso sa Paggamit ng Gateway Drugs |
|---|---|
| A, B, D, E | C |
B
- MALI
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- TAMA
Tuklasin
- /
- X
- /
- X
- /
Balikan
[chart: crossword puzzle; Balikan]
transcriber’s note: The clues and clue numbers are not printed, and the printed grid is rotated 180 degrees. The only entry read with confidence is the horizontal word, which reads GATEWAY_DRUGS. The remaining letters of the grid are not transcribed.
Isagawa
- b
- a
- a
- d
- a
Tayahin
- T
- T
- T
- T
- T
- T
- T
- M
- T
- T
Pagyamanin
- EKIS
- KOREK
- KOREK
- KOREK
- KOREK
Karagdagang Gawain
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- TAMA
Sanggunian
Bobo, JK., and Husten C. Sociocultural influences on smoking and drinking. Alcohol Research and Health 24 (4): 225-232, 2000
Deped R8.2017, Gabay sa Pagtuturo Health 5, Yunit 3- Aralin 6: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-Abuso ng Gateway Drug, 4-5
Deped R8.2017, Kagamitan ng Mag-aaral Health 5, Yunit 3- Aralin 6: Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-Abuso ng Gateway Drug, 24-25
Gavilan, Jodesz. “The Importance of a Healthy ‘Baon’.” Rappler. Rappler, June 13, 2015. https://www.rappler.com/moveph/importance-healthy-baon-food.
Most Essential Learning Competency Health 5, H5SU-IIh-12
Pietrangelo, Ann. “The Effects of Caffeine on Your Body.” Healthline. Healthline Media, September 29, 2018. https://www.healthline.com/health/caffeine-effects-on-body.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply