Grade 5 Health Q3 Module 6: Mga Patakaran at Batas hinggil sa Alcohol at Tobacco

This is the Grade 5 Health self-learning module for Quarter 3, Module 6: “Mga Patakaran at Batas hinggil sa Pagbenta at Paggamit ng Alcohol at Tobacco” (rules and laws on the sale and use of alcohol and tobacco). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for learners studying at home. After the module, learners should be able to name the school rules and national laws on alcohol and tobacco, explain why they matter, follow them, and write simple rules of their own.

What learners will learn

The module lists four objectives (competency code H5SU-IIIij-13). Learners should be able to:

  • identify school rules and national laws on the sale and use of alcohol and tobacco;
  • describe why these rules and laws are important;
  • follow the rules and laws on the sale and use of alcohol and tobacco; and
  • create their own rules on the sale and use of alcohol and tobacco.

The module has one lesson, which the teacher’s note says should be studied within one week.

Why these rules exist

The module explains that the government strictly controls alcohol and tobacco, especially for minors and students, because of their harmful effects on physical, mental or emotional, and social health. Smoking and drinking can lead to lung cancer, throat and airway diseases, liver disease, and high blood pressure.

To show how serious the problem is, the module cites a World Health Organization (WHO) report that about 6 million people worldwide have died from tobacco use and 2.5 million from drinking alcohol. It also gives an estimate of 713,000 tobacco-related deaths in the Philippines, and a report that 4,431 Filipinos died in 2016 from liver cirrhosis caused by alcohol.

Schools, under DepEd and CHED, work with the government by making and enforcing their own rules to keep students safe from alcohol and tobacco.

The two national laws in the module

RA 9211, the Tobacco Regulation Act of 2003

This law controls the packaging, use, sale, and advertising of tobacco. The module highlights these conditions:

  1. Tobacco may not be sold near schools; stores must be at least 100 meters away.
  2. Minors must not buy or use tobacco.
  3. No smoking in public places such as schools, churches, parks, malls, hospitals, medical, dental, and optical clinics, health centers, airports, terminals, gas stations, and laboratories.
  4. Tobacco companies must package and advertise their products with a health warning, written in Filipino or English (for example, “Cigarette smoking is dangerous to your health”).

Presidential Decree No. 1619

As the module describes it, this decree sets penalties for the use, possession, and unauthorized sale to minors of alcohol, to protect people from drunkenness and its effects. The penalties it lists include:

Violation (as described in the module)Penalty
Making or selling liquor that gives off toxic fumes from chemicals such as methanol, ethanol, or isopropanol4 years and 1 day to 8 years in prison, and a fine of 4,000 to 8,000 pesos
Habitual or excessive drinking4 years and 1 month to 8 years in prison, and a fine of 4,000 to 8,000 pesos
Selling or offering alcohol to minors without parent or guardian permission6 months and 1 day to 4 years in prison, and a fine of 400 to 4,000 pesos
Selling or offering drinks with 30% volume (60 proof) or more to minors6 months and 1 day to 4 years in prison, and a fine of 400 to 4,000 pesos

Parts of the module

  • Subukin (pretest): 10 TAMA or MALI (true or false) items on the laws.
  • Balikan (review): POSITIBO or NEGATIBO items on gateway drugs from the previous lesson.
  • Tuklasin and Suriin (discover and analyze): the statistics, RA 9211, and PD 1619.
  • Pagyamanin (practice): sorting rules as ALCOHOL or TOBACCO, then naming the law broken in short situations, such as a store selling cigarettes near a school.
  • Isaisip (reflect): questions on why the rules matter for young people’s health.
  • Isagawa (apply): learners write two rules each on alcohol and tobacco for their barangay, then draft their own barangay law with a title, two or three conditions, and penalties.
  • Tayahin (assessment): deciding whether a person should be arrested and under which law, and whether a situation follows the law.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): completing sentences with RA 9211 or PD No. 1619.
  • Susi sa Pagwawasto: the answer key.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the lesson in order. Write all answers on a separate sheet, not on the module, so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if anything is unclear.
  • Parents: Guide your child through the parts and talk about the Isaisip questions together. The Isagawa answers vary, so discuss the rules your child writes.
  • Teachers: Plan the single lesson for one week. The pretest shows who needs extra help, and the Tayahin and Karagdagang Gawain items can serve as checks of learning.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 5 Health, Quarter 3, Module 6. It has one lesson meant to be studied within one week.

What laws does the module discuss?

It discusses Republic Act 9211, the Tobacco Regulation Act of 2003, and Presidential Decree No. 1619, which the module describes as setting penalties related to alcohol use and its sale to minors.

How far must stores selling tobacco be from a school?

According to the module, RA 9211 requires stores selling tobacco to be at least 100 meters away from schools.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, practice, assessment, and extra activity. The Isagawa answers vary because learners write their own rules.

What is the competency code of this module?

The module prints the code H5SU-IIIij-13.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Health5_Module6

[photo: illustration of students studying outdoors and at a table with a teacher, a globe, and a child reading by a lamp]

Health

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Patakaran at Batas hinggil sa Pagbenta at Paggamit ng Alcohol at Tobacco

Alternative Delivery Mode

PAG-AARI NG PAMAHALAAN – HINDI IPINAGBIBILI

Health – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Patakaran at Batas hinggil sa Pagbenta at Paggamit ng Alcohol at Tobacco

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Teodmhar P. Magno Editor: Monica R. Delleva Tagasuri: Vilma P. Adao Tagaguhit: Teodmar P. Magno Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan, Teodmhar P. Magno, Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma · Carmelino P. Bernadas Arnulfo M. Balane · Rey F. Bulawan Rosemarie M. Guino · Nicolas G. Baylan Joy B. Bihag · Neil G. Alas Ryan R. Tiu · Imelda E. Gayda Nova P. Jorge · Abelardo G. Campani

Health

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Patakaran at Batas hinggil sa Pagbenta at Paggamit ng Alcohol at Tobacco

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Sa panahon ngayon, mas kailangang paigtingin pa ng pamahalaan at paaralan ang mga patakaran at batas tungkol sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco dahil sa lumalaking bilang ng mga kabataang nalululong dito. Ang pagkontrol sa mga ito ay dapat na isaalang-alang upang hind maging tuta o alipin ang mga mag-aaral ng impluwensiya ng mga ito.

Ang mga paaralan ay may mga patakarang ginawa alinsunod sa pamabansang batas hinggil sa pagkokontrol sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco. Ito ay ginawa para mabantayan at maging ligtas ang nakararami lalo na ang mga kabataan sa negatibong dulot nito.

Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod:

  1. natutukoy ang mga patakaran ng paaralan at pambansang batas hinggil sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco;
  2. nailalarawan ang kahalagahan ng mga patakaran at batas sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco;
  3. nakasusunod ng mga patakaran at batas hinggil sa pagbenta at paggmit ng alcohol at tobacco; at
  4. nakagagawa ng sariling patakaran sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco. H5SU-IIIij-13

Subukin

[illustration: pencil icon]

Panuto: Basahin nang maayos ang bawat pangungusap. Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ito ay nagsasaad ng wastong paglalarawan ng mga kaukulang patakaran o batas sa pagbenta at pagggamit ng alcohol o tobacco at MALI naman kung hindi.

  1. Maaring magbenta ang mga may ari ng tindahan ng alcohol o tabacco sa mga batang menor de edad.
  2. Ang pagbebenta ng tobacco malapit sa mga paaralan ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
  3. Ang RA 9211 ay siyang batas na ginawa ng mga lulong sa paggamit ng tobacco para sila maproteksyonan at patuloy na makagammit nito.
  4. Kinakailangan na ang naninigarilyo ay hindi nasa mga pampublikong lugar kagaya ng paaralan, simbahan o parke.
  5. Kontrolado ng pamahaalan ang pagbebenta at paggamit ng alcohol at tobacco sa pamamagitan ng batas na kanilang ipinapatupad ang Tobacco Regulation Act of 2003.
  6. Ang pag-inom ng alcohol ay nakapagpapalakas ng immune system para makaiwas sa sakit.
  7. Nararapat na ang mga guro at magulang ay magtulungan para mabantayan ang kabataan sa kanilang mga ginagawa para hindi sila maimpluwensyahan sa paggamit ng tobacco at pag-inom ng alak.
  8. May mga patakaran rin ang paaralan tungkol sa paninigarilyo at pag-inom ng alak na mahigpit na ipinapatupad para mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral.
  9. Bilang isang mag-aaral, pwede mo ring hikayatin ang iyong kapwa mag-aaral na hindi manigarilyo at uminom ng alak para hindi masira ang kanilang pangangatawan.
  10. Maari din ang mga kabataan makipag-ugnayan sa kanilang barangay lalo na sa mga kinatawan nila para imungkahi ang paggawa ng sariling patakaran na makatutulong sa pagkontrol ng paggamit at pagbenta ng alcohol at tobacco sa kanilang lugar.

Aralin 1

Mga Patakaran at Batas hinggil sa Pagbenta at Paggamit ng Alcohol at Tobacco

Ang pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco ay mahigpit na kinokontrol ng pamahaalan. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal lalo na sa mga menor de edad o grupo ng kabataan o mga mag-aaral dahil sa negatibong epekto nito sa kalusugan, mental or emosyonal at sosyal.

Sa araling ito matutunan ng mga mag-aaral ang mga polisiya ng paaralan at pambansang batas tungkol sa pagbenta st paggamit ng alcohol at tobacco.

Balikan

[illustration: puzzle piece icon]

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang POSITIBO kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng tamang salaysay tungkol sa gateway drugs at NEGATIBO kung ito ay mali sa inyong sagutang papel.

_______1. Ang paggamit ng marijuana ay nakatutulong upang mapalakas ang immune system ng isang tao. _______2. Hindi kailangan ng tao ang gateway drugs sapagkat ito ay nakasisira lamang ng katawan at kalusugan. _______3. Ang kabataan o mag-aaral ay dapat na hindi gumamit ng kahit na anong gateway drugs sapagkat ito ay nakapeperwisyo. _______4. Ang nikotina sa tobacco ay nakababara sa daluyan ng hangin sa respiratory system ng isang tao. _______5. Ang pag-inom ng alak ay nagsisilbing bitamina ng utak kaya kadalasan walang hiya ang taong nakainom.

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay dinisenyo na may isang aralin at dapat pag-aralan sa loob ng isang linggo.

Tuklasin

[illustration: plant sprout icon]

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), sa mga nagdaang mga taon umabot sa 6 milyong tao sa mundo ang namatay dahil sa paggamit ng tobacco at 2.5 milyong tao ang nasawi rin dahil sa pag-inom ng alak. Ang Pilipinas ay nakapagtaya ng 713,000 na mga bilang ng namatay dahil sa paggamit ng tobacco dahil sa sakit na nakuha mula rito kagaya ng kanser sa baga at iba pang sakit sa respiratory system. Ayon naman sa isang inilimbag na ulat ni Martha Jean Sanchez noong ika-8 ng Disyembre 2020 tungkol sa bilang ng namatay sa Pilipinas noong 2016, 4,431 ang nasawi dahil sa liver cirrhosis na isang sakit sa atay dahil sa alcohol.

Mula sa mga datos na ito, nakakatakot na madagdagan pa ang bilang ng masasawi dahil sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco kung hindi ito makokontrol. Ang pamahalaan kasama ang mga paaralan sa ilalaim ng pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Komisyon sa Mas Mataas ng Edukasyon (CHED) ay gumawa ng mga pambansang batas at mga patakaran para makontrol ito. Ang pambansang batas na ito ay ang tinatawag na RA 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003 at Presidential Decree no. 1619 na tungkol sa kaukulang parusa sa paggamit at pagbebeta ng alcohol sa mga menor de edad.

Ikaw ba bilang isang mag-aaral, dapat bang sundin natin ang mga batas at patakaran na itinalaga ng pamahalaan at paaralan hinggil sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco?

Suriin

[illustration: magnifying glass icon]

Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay sadyang nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao. Ang sangkap ng mga ito ang siyang naglalagay sa ating katawan sa alanganin at kapahamakan kagaya ng mga sakit na makukuha mula dito. Nariyan ang sakit sa baga o kanser sa baga, sakit sa lalamunan at daluyan ng hangin, sakit sa atay at altapresyon.

[illustration: pipe and cigarette]

[illustration: bottles of liquor, including a bottle labeled “WHISKY”, a glass, and a mug]

Ang Republic Act 9211 o ang tinatawag na Tobacco Regulation Act of 2003 ay isang pamabansang batas na nagkokontrol ng pagbalot, paggamit, pagbenta at pag-advertise (paghayag) ng tobacco at ng iba pang layon. Nakasaad dito ang mga patakaran na dapat sundin ng mga tao para maproteksyonan ang nakararami sa kanilang kalusugan mula sa masamang epekto nito.

Kabilang dito ang sumusunod na mga kondisyon:

  1. Ipinagbabawal ang pagbebenta nang malapit sa mga paaralan. Kailangan nasa 100 metrong distansya ang mga tindahan mula sa paaralan.
  2. Hindi dapat bumili o gumamit ang mga menor de edad.
  3. Hindi dapat manigarilyo sa mga pampublikong lugar kagaya ng paaralan, simbahan, parke, mall, ospital, medical, dental at optical clinics, mga sentrong pangkalusugan, mga paliparan, terminals, mga tindahan ng gas o gasolina at mga laboratoryo.
  4. Kailangan sundin ng mga kompanya nito ang nararapat na pagbalot at pag-aadvertise nito na may nakalagay na babala sa epekto nito sa kalusugan na maaring nakasulat sa Filipino o English.

Ipinapatupad din ng pamahalaan ang Presidential Decree No. 1619 na hinggil sa pagpataw ng kaukulang parusa sa paggamit, pagmamay-ari at hindi awtorisadong pagbenta sa mga menor de edad ng anumang uri ng alcohol. Ito ay naglalayong maproteksyonan ang nakararami sa pagkalasing at sa negatibong epekto nito sa kalusugan.

Kabilang sa kautusang ito ang mga kaparusahan sa paglabag dito kagaya ng:

  1. Pagkakulong ng apat na taon at isang araw hanggang walong taon na may multang apat na libo hanggang walong libong piso para sa mga gagawa, magbebenta o maglalako ng alak na may katangiang magpalabas ng nakalalasong singaw na mayroong isa o higit pang kemikal kagaya ng methanol, ethanol, isopropanol, ethyl acetate, n-propyl acetate at iba pa.
  2. Pagkakulong ng apat na taon at isang buwan hanggang walong taon na may multang apat na libo hanggang walong libong piso para sa mga palaging nasa inuman o magpapakalasing nang sobra.
  3. Pagkakakulong ng anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon na may multang apat na raan hanggang apat na libong piso para sa mga magbebenta o mag-aalok sa mga menor de edad na walang pahintulot mula sa mga magulang o guardian.
  4. Pagkakakulong ng anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon na may multang apat na raan hanggang apat na libong piso para sa magbebenta o mag-aalok ng nakalalasing na inumin na may taglay na 30% volume o 60% proof o higit pa sa mga menor de edad.

Ang mga ito ay maigting na ipinapatupad saan man sa Pilipinas para maiwasan ang mga masamang epekto sa kalusugan, mental o emosyonal, at sosyal ng mga nakararami lalong lalo na sa mga kabataan.

[illustration: left, a man smoking beside a person in a hospital bed with an oxygen mask and an IV drip; right, people drinking at a table while one man strikes another with a bottle]

Ang mga paaralan bilang kaakibat ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na ito ay mayroon ding mga patakarang ginawa at ipinapatupad para masigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral mula sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco.

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat ang salitang ALCOHOL kung ang pinag-uusapan sa bawat pangungusap ay mga patakaran tungkol sa pagbenta o paggamit ng alcohol at TOBACCO kung ito naman ay tumutukoy sa mga patakaran tungkol sa pagbenta at paggamit ng sigarilyo. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________1. Pagbabawal na magbenta o mag-alok sa mga menor de edad ng mga nakalalasing na likido na may sangkap na nakalalasong singaw.

_____________2. Pagbabawal magbenta na mga produktong nakasisira sa respiratory system ng tao gaya ng Marlboro, Winston at Mighty malapit sa mga paaralan.

_____________3. Pagkakakulong ng hanggang walong taon dahil sa pagbebenta at pag-aalok ng mga likidong nakalalasing sa mga menor de edad na walang pahintulot mula sa magulang.

_____________4. Hinuli ang mga grupo ng kabataan na nag-iinuman sa isang videokehan malapit sa paaralan.

_____________5. Dinala sa presento ang isang lalaking buga nang buga ng usok sa parke na may mga nakaistambay na mga grupo ng kabataan.

B. Panuto: Tukuyin kung anong batas ang nilabag sa bawat sitwasyon. Isulat ang RA 9211 kung ang nilabag ay ang mga patakaran tungkol sa pagbenta at paggamit ng tobacco at PD 1619 kung ang nilabag naman ay ang paggamit at pagbenta ng alcohol sa mga menor de edad

___________ 1. Gumawa sila Mang Jose ng tindahan malapit sa paaralan. Nagtinda sila dito ng sigarilyo.

___________ 2. Inutusan ni Kaloy ang kanyang nakababatang kapatid na bumili ng Marlboro sa tindahan ni Aling Nena.

___________ 3. Inalok ni Pedro ang bunsong kapatid ni Ben na uminom ng alak.

___________ 4. Ang pagawaan nila Mang Isko ng sigarilyo ay hindi sumunod ng nararapat na pagbalot. Walang nakasulat na government warning.

___________ 5. Nagbenta sila Melo ng alak kay Toto na isang menor de edad na walang pahintulot ng magulang.

Isaisip

Nararapat bang may mga patakaran at batas ang paaralan at pamahalaan tungkol sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco? Bakit?

Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakarang ito?

Malaki ba ang maitutulong ng mga patakarang ito sa kalusugan ng mga kabataan at nakararami? Bakit?

Isagawa

A. Panuto: Gumawa ng tigdalawang batas o patakaran para sa iyong barangay tungkol sa pagbenta at paggamit ng alcohol at tobacco. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Patakaran sa Pagbenta at Paggamit ng Alcohol:



Patakaran sa Pagbenta at Paggamit ng Tobacco:



B. Panuto: Gumawa ng isang batas para sa iyong barangay na siyang tutulong maging ligtas sa kapahamakan ang mga menor de edad. Gumawa ng sariling titulo at dalawa o tatlong mga kondisyon at kaukulang parusa dito kung malalabag.


Pamagat ng Batas

Mga Kondisyon at kaukulang parusa:




Tayahin

A. Panuto: Tukuyin kung dapat hulihin o hindi ang taong gumagawa ng sumusunod. Isulat ang salitang DAPAT sa sagutang papel kung karapatdapat siyang hulihin at isunod kung anong batas ang nilabag kung ito ba ay RA 9211 o PD No. 1619. Isulat naman ang salitang HINDI kung hindi dapat hulihin at sundan ito ng salitang WALA.

Halimbawa: DAPAT; PD. No. 1619 / HINDI; WALA

  1. Tahasang inaalok ni Bert na uminom ng beer ang kanyang bunsong kapatid na pitong taong gulang.


  2. Nagdesisiyong magtinda sina Aling Ester sa eskinita ng kanilang barangay. Ito ay malayo sa paaralan ng kaniyang anak.


  3. Maraming mga bumuli na whole seller sa kompanya nila Ginoong Malvar dahil lahat ng kanilang panindang sigarilyo ay may nakalagay na government warning.


  4. Bumili si Fred ng sigarilyo. Pupunta siya sa ospital dahil bibisitahin niya ang kanyang lolang may sakit. Noong nadoon na siya, nagsindi siya ng sigarilyo at bumuga-buga.


  5. Palagi nalang nag-iinuman sila Mang Kanor at matitindi kung maglasing. Walang pinipiling oras ginawa nang inuman ang kanilang bahay.


B. Panuto: Tukuyin kung nasunod ba ang batas o hindi. Ikahon ang bilang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagsunod sa batas at bilugan naman ang bilang kung hindi. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Halimbawa: [illustration: the number 1 in a square box, then “o”, then the number 1 in a circle]

  1. Sa pagbalot nila Mang Alvin ng kanilang mga pakete ng sigarilyo, nilagyan nila ito ng government warning na “Cigarette smoking is dangerous to your health.”
  2. Hindi nagpapigil si Kris na uminom ng alak kahit na menor de edad pa siya.
  3. Binigyan si Benjie ng sigarilyo sa plasa pero hindi niya ito sinindihan.
  4. Nag-inuman sila Mang Kiko kahit na pinagbabawal sa lugar na iyon.
  5. Pinabili ni Jomar si Kid ng beer na may 3% volume ng alcohol.

Karagdagang Gawain

Panuto: Buuin ang bawat pangungusap ng batas na nilabag sa bawat sitwasyon. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

[chart: word box; contents as printed]

Republic Act 9211

Presidential Decree No. 1619

  1. Si Lito ay hinuli dahil sa nagbenta ito ng alak kay Moses na isang menor de edad. Ang nilabag na batas ni Lito ay _______________________.


  2. Humithit ng sigarilyo sila Ted at Jim sa parke ng mga bata. Ang nilabag na batas nina Ted at Jim ay _______________________.


  3. Gumimik sila Lemuel sa Bayan. Pinayagan lang ng may-ari ng bar na bumili sila ng inuming may 40% volume ng alcohol na hindi pa nila edad. Ang nilabag na batas ng may-ari at ni Lemuel ay _______________________.


  4. Nang pumasok si Emil sa paaralan, nag-alok siyang manigarilyo sa kanyang mga kaklaseng lalaki sa labas ng silid-aralan. Ang nilabag na batas nina Emil at kanyang mga kaklase ay _______________________.


  5. Ang pamilya nila Renzo ay mayaman. Mayroon sariling pagawaan ng sigarilyo. Ngunit, ang mga produktong ito ay walang nakasulat na “Cigarette smoking is dangerous to your health.” Ang nilabag na batas ng pagawaan ng sigarilyo nila Renzo ay _______________________.


[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down; the text is transcribed in upright reading order]

Susi sa Pagwawasto

[illustration: decorative key icon]

Isagawa

A. Iba-iba ang sagot

B. Iba-iba ang sagot

Subukin
  1. MALI
  2. TAMA
  3. MALI
  4. TAMA
  5. TAMA
  6. MALI
  7. TAMA
  8. TAMA
  9. TAMA
  10. TAMA
Balikan
  1. NEGATIBO
  2. POSITIBO
  3. POSITIBO
  4. POSITIBO
  5. NEGATIBO
Karagdagang Gawain
  1. PD No. 1619
  2. RA 9211
  3. PD No. 1619
  4. RA 9211
  5. RA 9211
Pagyamanin

A. 1. ALCOHOL 2. TOBACCO 3. ALCOHOL 4. ALCOHOL 5. TOBACCO

B. 1. RA 9211 2. RA 9211 3. PD No. 1619 4. RA 9211 5. PD No. 1619

Tayahin

A. 1. DAPAT ; PD No. 1619 2. HINDI ; WALA 3. HINDI ; WALA 4. DAPAT ; RA 9211 5. DAPAT ; PD No. 1619

B. 1. [boxed] 2. [circled] 3. [boxed] 4. [circled] 5. [boxed]

[transcriber’s note: in the printed key, the Tayahin B answers are shown as a square or circle around each number, with boxed numbers 1, 3 and 5 and circled numbers 2 and 4]

Sanggunian

Department of Education. 2016, K to 12 Curriculum Guide in Health, p. 92

Cervantes, Filane Mikee. Philippines: Deaths due to smoking could be averted with tobacco taxation. SEATCA, January 29, 2019. https://seatca.org/philippines-deaths-due-to-smoking-could-be-averted-with-tobacco-taxation/.

“What Are Gateway Drugs: Portland OR Rehab: Crestview Recovery.” Crestview Recovery Addiction Treatment Center, May 30, 2019. https://www.crestviewrecovery.com/rehab-blog/what-are-gateway-drugs/.

“Presidential Decree No. 1619, s. 1979: GOVPH.” Official Gazette of the Republic of the Philippines. GOVPH, July 23, 1979. https://www.officialgazette.gov.ph/1979/07/23/presidential-decree-no-1619-s-1979/.

“TOBACCO REGULATION ACT OF 2003 .” Republic Act No. 9211. Accessed October 10, 2020. https://www.who.int/fctc/reporting/Philippines_annex3_packaging_and_advertising2003.pdf.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *