This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Self-Learning Module for Grade 5 (Ikalimang Baitang), Quarter 3, Module 3: “Mabuting Pakikilahok” (good participation). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module, First Edition 2020, for learners studying at home. After this module, learners should be able to explain how taking part in community activities shows good Filipino values, and write about their own experience of joining such activities.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module states three objectives. In English, learners will:
- Keep being a good Filipino citizen through participation (pakikilahok).
- Describe ways of taking part in community activities that show good Filipino behavior.
- Write about their own experience of joining community activities.
The module opens with this idea: joining community activities and projects shows unity with the group you belong to. It also shows civic awareness (kamalayang pansibiko) and good treatment of others.
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1: Mabuting Pakikilahok (good participation). It uses a short story, a discussion, and several activities to show how even a child can take part in the life of the community.
Key ideas of the lesson
Why participation matters
The module explains that pakikiisa (unity, joining together) and mabuting pakikitungo sa kapwa (treating others well) are two good traits many Filipinos are proud of. They connect to other Filipino values such as discipline, hard work, critical thinking, and charity.
One key to a country’s progress is that its citizens work together. Taking part in community activities, projects, and campaigns is a duty we should fulfill. Forgetting this duty leads to a loss of unity, peace, and order in the community. The module ends its discussion with a call to unite and practice bayanihan (community cooperation), and it reminds learners that they can do this even while they are young.
The story “Sumunod sa Protocol”
The lesson uses a story by Jeremiah G. Miralles, “Sumunod sa Protocol” (follow the protocol). The Reyes family hears a radio report about COVID-19 that reminds everyone to wear face masks and face shields, keep social distancing, wash hands or use alcohol, and keep children and older people at home. When the child’s friend invites him to go out biking, the child says no. He tells his friend that children are not allowed outside, that he should wear a face mask if he really needs to go out, and that everyone should take part in activities that are good for the community.
Ways a child can take part during the pandemic
The module lists simple ways a learner can participate:
- Follow health protocols and rules, such as wearing a face mask and shield when going out is necessary.
- Keep social distancing when outside.
- Stay at home when needed to help stop the spread of the virus.
- Help keep surroundings clean, especially your own yard, and throw garbage properly.
- Follow reminders and rules at home and in the community.
- Join school activities when there is a chance.
Other examples used in the activities include cleaning canals, sharing help during disasters, planting, joining clean-up drives and fun runs, saving water, and donating to a classmate whose house burned down.
Parts of the module
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Writes Wasto (correct) or Di-Wasto (not correct) for five situations |
| Balikan (review) | Marks pictures with a check or an X depending on whether they show discipline and civic participation |
| Tuklasin (discover) | Reads the story “Sumunod sa Protocol” and answers five questions |
| Suriin (analyze) | Reads the discussion on participation |
| Pagyamanin (enrich) | Gawain A: writes how a young person can join five community activities; Gawain B: writes about their own part in keeping the community clean |
| Isaisip (remember) | Answers questions about the story and about participation |
| Isagawa (apply) | Decides what to do in two situations: a leaking water tap and a classmate whose house burned |
| Tayahin (assessment) | Answers five multiple-choice items and five check-or-X items about the story |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Makes a collage of different programs in the community |
How to use this module
The module asks learners to take care of it so others can use it too. Do not write on any part of it; use a separate sheet of paper for all answers.
- Learners: Start with the Subukin pretest, then work through the parts in order. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you use it. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module says a Teacher’s/Facilitator’s Guide comes with it, with tips you can use to guide your child at home. Many items, such as the written reflection and the collage, have no single correct answer, so talk with your child about real activities in your barangay.
- Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra help. The answer key covers Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin; open-ended tasks are marked as having answers that may vary.
Frequently asked questions
What grade and quarter is the Mabuting Pakikilahok module for?
It is the Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao module for Quarter 3, Module 3. It was prepared by DepEd Region VIII, First Edition 2020.
What does Mabuting Pakikilahok mean?
It means good participation. The module teaches that joining community activities and projects shows unity with your group, civic awareness, and good treatment of others.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, story questions, Pagyamanin, and the final assessment. Open-ended tasks are marked as having answers that may vary.
What story is used in the module?
The module uses “Sumunod sa Protocol” by Jeremiah G. Miralles, about the Reyes family following COVID-19 health protocols. The child in the story refuses to go out and reminds his friend about the rules.
Can learners write their answers on the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for their answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mabuting Pakikilahok
[illustration: children and adults in a school and community setting, with a globe, a tree, and a lamp]
CO_Q3_ESP 5_ Module 3
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mabuting Pakikilahok Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rhoda S. Bordallo, Maria Fe P. Alas Editor: Caridad P. Bagino, Ma. Shiela C. Adona Tagasuri: David C. Alcober, Lita V. Jongco, Edna C. Malasaga Tagaguhit: Crisanto L. Lopera, Lemuel P. Valle Jr. Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr., Ana Lisa M. Mesina Tagapamahala:
| Ma. Gemma M. Ledesma | Mariza S. Magan | |
| Arnulfo M. Balane | Edgar Y. Tenasas | |
| Rosemarie M. Guino | Mark Chester Anthony G. Tamayo | |
| Joy B. Bihag | Gretel Laura M. Cadiong | |
| Ryan R. Tiu | Ranulfo L. Baay | |
| Amenia C. Aspa | Julieta L. Lim |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mabuting Pakikilahok
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang pakikilahok at pagsali sa mga gawain at proyektong pampamayanan ay pagpapakita ng pakikiisa sa pangkat na kinabibilangan. Pagpapakita ito ng kamalayang pansibiko at mabuting pakikitungo sa ating kapwa.
Ang sumusunod na mga layunin ay ang tatalakayin sa modyul na ito:
- Napananatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok;
- Nailalahad ang mga paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan na nagpapakita ng mabuting pag-uugali ng mga Pilipino; at
- Nakasusulat ng sariling karanasan tungkol sa pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan.
Subukin
Gawain: Isulat ang Wasto kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang pagganap at pakikiisa sa mga programang pampamayanan at Di-Wasto kung hindi.
______1. Sumasali ako sa Cultural Dance Contest para sa darating na pista. ______2. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay. ______3. Hindi sumasali sa mga patimpalak dahil nahihiya na humarap sa maraming tao. ______4. Buong pamilya nina Mang Carlos ay nagtanim ng mga puno bilang pakikilahok sa proyekto ng kanilang barangay. ______5. Tumutulong sa paglilinis ng paligid tuwing may clean up drive ang barangay.
1 CO_Q3_ESP 5_ Module 3
Aralin 1: Mabuting Pakikilahok
Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang larawan ay nagpapakita ng disiplina at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at ekis (X) naman kung hindi.
| Pagtatapon ng basura sa ilog [illustration: child dumping bottles into a river] | Pagsali sa fun run [illustration: children running a race] |
| 1. ________________________ | 2. _________________________ |
| Hindi nag-aaksaya ng tubig [illustration: girl turning off a water tap beside a bucket] | Umiihi kung saan-saan [illustration: man urinating against a wall, with a thought bubble] |
| 3. _________________________ | 4. __________________________ |
| Pagsusulat sa pampublikong lugar [illustration: graffiti on a brick wall, with a child writing] | Nakikipagkaibigan [illustration: four children standing together with arms around each other] |
| 5. _________________________ | 6. _________________________ |
2 CO_Q3_ESP 5_ Module 3
Tuklasin
Basahin ang kwento. Tignan kung paano nakikilahok ang pamilya Reyes sa mga gawaing pampamayanan.
Sumunod sa Protocol Jeremiah G. Miralles
Isang umaga habang nag-aalmusal ang mag anak na Reyes ay nakikinig sila ng balita sa radyo. “Magandang umaga Pilipinas, narito ang mahalagang balita sa oras na ito. Parami ng parami ang namamatay sa COVID-19 sa loob at labas ng ating bansa. Hanggang sa ngayon wala pa ring tiyak na lunas para sa nakamamatay na sakit na ito.
Pinapaalahanan ang lahat na sumunod sa mga protocols: magsuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng social distancing, palagiang paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng alkohol. Para sa mga kabataan at matatanda, kinakailangan silang manatili sa loob ng bahay. Delikado ang sakit na ito at hindi nakikita ang kalaban. Sundin ang mga paalala upang hindi mabiktima. Tandaan, prevention is better than cure.
Nanay: “Sana matapos na ang pandemyang ito.”
Tatay: “Kaya sumunod tayo sa mga gabay at paalala ng mga kinauukulan. Kung hindi susunod ang mga tao sa mga inuutos sa pamayanan lalong lalala ang sitwasyon.”
Anak: “Tay tumawag po sa akin ang aking kaibigan. Maglalaro daw kami sa labas. Magbibisekleta daw po kami at dadalawin ang aming mga kaibigan. Ilang buwan na din po kasi na hindi kami nagkikita.”
Tatay: “Anak narinig mo ba ang balita ngayon sa radyo?”
Anak: “Opo tay, sinabihan ko po ang kaibigan na bawal po lumabas lalo sa sa mga katulad naming mga kabataan upang hindi po kami mahawa at makapagdala ng sakit. Pinayuhan ko din po ang aking kaibigan na dapat magsuot ng face mask kung sakaling lalabas kung kinakailangan. Sinabi ko din po na dapat makilahok po tayo sa mga gawaing nakapagdudulot ng kabutihan sa ating pamayanan.
Nanay: “Tama iyan anak. Ang pakikilahok sa mga gawain sa pamayanan ang tanging paraan natin upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito.”
3 CO_Q3_ESP 5_ Module 3
4 CO_Q3_ESP 5_ Module 3
Batay sa iyong nabasang teksto, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
- Ano ang narinig ng pamilyang Reyes?
- Ano ang layunin ng paalaala sa radyo?
- Ano ang ipinakita ng anak sa kaniyang kaibigan?
- Katulad ng anak sa kwento, mahalaga bang nauunawaan natin ang iba’t ibang paalala sa pamayanan lalo na ngayong panahon ng pandemya?
- Mahalaga bang sumusunod tayo at nakikiisa sa mga ganitong paalala? Bakit?
Suriin
Ang pakikiisa at mabuting pakikitungo sa kapwa ay dalawang mabubuting pag-uugali na taglay ng maraming Pilipino. Dalawang ugaling ipinagmamalaki nating lahat. Bukod pa rito, ang pakikilahok at mabuting pakikitungo sa kapwa ay maaaring maiugnay din sa ilan pang mabubuting ugaling Pilipino tulad ng disiplina, kasipagan, mapanuring pag-iisip, pagkakawanggawa, at iba pa.
Isa sa mga susi sa pag-unlad ng bayan ay ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan nito. Ang pakikilahok sa pamayanan sa pamamagitan ng mga gawain, proyekto, at mga kampanya ay isang tungkulin na dapat nating tuparin. Bilang bata, maaari tayong makatulong at makibahagi sa mabuting pakikilahok sa pamamagitan ng mga simpleng paraan.
Sa panahon ng pandemya, maaari kang makilahok sa iba’t ibang gawain sa pamayanan sa pamamagitan ng:
- Pagsunod sa mga protocols at alituntunin na ipinapatupad tulad ng pagsusuot ng face mask at shield kung kinakailangang lumabas.
- Pagpapanatili ng social distancing kung nasa labas.
- Pananatili sa loob ng bahay kung kinakailangan upang makatulong sa pagpapatigil ng pagkalat ng virus.
- Pagtulong sa pananatili kalinisan sa kapaligiran lalo na ng sariling bakuran at maayos na pagtatapon ng basura.
- Pagsunod sa mga paalala at alintuntunin sa tahanan at pamayanan.
Pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan kung may pagkakataon.
Sa kabilang dako, ang paglimot naman sa ating tungkulin ay magdudulot ng kawalan ng pagkakaisa, kapayapaan, at kaayusan sa pamayanan. Samakatuwid, tayong lahat ay dapat magkaisa, magbayanihan, at magtulong-tulong tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng mabuting pakikilahok. Maaari ka ring makilahok rito kahit ikaw ay bata pa.
Pagyamanin
Gawain A: Tukuyin kung paano makikilahok ang kabataang tulad mo sa mga gawaing pampamayanan. Isulat ang mga paraang iyong gagawin sa ikalawang hanay.
| Gawaing Pampamayanan | Paraan ng Pakikilahok |
|---|---|
| 1. Paglilinis ng kanal at estero | |
| 2. Pagbabahagi ng tulong sa panahon ng sakuna | |
| 3. Sumunod sa kautusan ng pamayanan sa pagsuot ng face mask o face shield. | |
| 4. Pagtatanim ng mga halaman | |
| 5. Pagsunod sa kautusang bawal magpunta sa pampubliko at matataong lugar ang mga kabataang nasa elementarya ngayong may COVID-19. |
Gawain B: Sumulat ng sariling karanasan tungkol sa iyong pakikilahok sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong pamayanan.
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
Anong kaugalian ng isang Pilipino ang ipinakita sa kwentong “Sumunod sa Protocol”?
Ano ang maidudulot ng pakikilahok sa pamayanan?
Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing nakikilahok sa pamayanan?
Paano ka makatutulong sa mga gawainsa pamayanan? Magbigay ng isang halimbawa ng programa sa inyong pamayanan na maari mong lahukan bilang isang batang Pilipino.
Isagawa
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan?
Nakita mong nasasayang ang tubig sa inyong gripo. Natatapon lang ito sa kalsada sa harapan ng inyong bahay habang hindi pa dumarating ang mga tauhan na magkukumpuni nito.
Nasunog ang bahay ng iyong kamag-aral at nabalitaan mo na magbibigay ng kahit anong donasyon ang mga kaklase mo.
Tayahin
A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang nararapat na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. May inihandang programa ang inyong kapitan sa inyong barangay sa pamamagitang ng media o gadget. Ano ang pinakamabuting gagawin bilang isang bata?
- A. Manggulo sa programa
- B. Huwag sumali sa programa
- C. Magkalat ng maling balita sa media o gadget
- D. Sabihan ang iba tungkol sa programa sa pamamagitan ng media o gadget
_____2. Bakit kailangang makiisa sa programa ng pamahalaan?
- A. Para mapaunlad ang bayan
- B. Para mapasaya ang mga namumuno
- C. Para magbigay ng problema sa pamahalaan
- D. Para maging sikat ang mga nagbibigay ng programa
_____3. Nagkaroon ang inyong barangay ng mga alituntunin na bawal lumabas ang mga bata at meron kang mga kaibigan na gustong pumunta sa iyo, ano ang iyong gagawin?
- A. Ako nalang ang lalabas ng bahay
- B. Magpanggap na hindi nabatid ang anunsiyo
- C. Hayaan ang mga kaibigan na pumunta sa inyo
- D. Pagsasabihan ang mga kaibigan sa alituntunin na bawal lumabas ang mga bata
_____4. Narinig mo ang anunsyo tungkol sa pagsusuot ng mask sa inyong lugar. Bilang isang batang residente, ano ang nararapat mong gawin?
- A. Pagsabihan ang mga magulang tungkol sa narinig na anunsyo.
- B. Huwag ipaalam sa mga magulang ang narinig na anunsyo.
- C. Babaliwalain ang narinig dahil paulit-ulit lang ito.
- D. Lahat ng nabanggit.
_____5. Inatasan ang lahat ng mag-aaral na magsagot ng modyul, may iniutos pa ang iyong nanay sa iyo, ano ang iyong nararapat gawin?
- A. Ipagbigay-alam sa iyong nanay na may pinasasagutan na modyul at magpaalam nang maayos.
- B. Pagalitan ang iyong nanay dahil importante ang ginagawa.
- C. Umalis nang hindi nagpapaalam sa nanay.
- D. Wala sa nabanggit.
B. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X) kung hindi.
_______ 1. Sumusunod sa programa ng pamayanan ang Pamilyang Reyes.
_______ 2. Umiiwas sa mga gawaing pambayan ang Pamilyang Reyes.
_______ 3. Naibabahagi ang impormasyong narinig sa radyo sa kaligtasan ng pamayanan.
_______ 4. Hindi naniniwala ang Pamilyang Reyes sa pagsunod sa protocol ay nakadudulot nang kabutihan sa bayan.
_______ 5. Ang anak ng Pamilyang Reyes ay handang tumulong upang mahikayat ang iba pang kabataan sa pagsunod sa paalala ng pamayanan.
Karagdagang Gawain
Gumawa ng collage ng iba’t ibang programa sa inyong pamayanan.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the answer boxes are transcribed below in upright reading order]
Pagyamanin
A.
- sumali sa pintakasi
- magbigay ng donasyon
- tumulong sa paglagay nga basura sa tamang lalagyan
- Pagdidilig at pag-aayos ng mga halaman
- Sumunod sa mga kautusan ng pamayanan
B. Maaring magkaiba-iba ang sagot
Isagawa
Maaring magkaiba-iba ang sagot
Tayahin
A.1.D 2.A 3.D 4.A 5.A
B. a. ✓ b. x c. ✓ d. x e. ✓
Karagdagang Gawain
Maaring magkaiba-iba ang sagot
Tuklasin
- Balita tungkol sa COVID-19
- Sumunod sa protocol
- Magandang halimbawa ng pagsunod sa kautusan ng pamayanan
- Masaya
- Maaring magkaiba-iba ang sagot
Balikan
- X
- ✓
- ✓
- X
- X
- ✓
Subukin
- Wasto
- Wasto
- Di-wasto
- Wasto
- Wasto
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Quezon : Vibal Group. Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply