This is the Grade 4 Sining (Arts) self-learning module for Quarter 3, Module 3: “Relief Printing.” It was prepared by DepEd Region V for home study under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020). In this module, learners explore ethnic motif designs and make their own relief prints, ending with a hand-stamped gift wrapper.
On this page 7 sections
What learners will learn
After this module, learners are expected to:
- Show the ways of making relief prints, and how to make them more meaningful and interesting
- Show their skill in making relief prints
The module focuses on ethnic motif designs. These are the patterns often seen as decoration on jars (banga), cloth, clothing, sarong, malong, handkerchiefs (panyo), and cards.
Ethnic motif designs
Designs with an ethnic motif make everyday objects more beautiful. They also carry important meanings for the ethnic groups that create them:
- Some groups who believe in anito (spirits) use shapes of animals, people, plants, mountains, the sun, and other things to show their culture.
- Other groups give each object they make its own purpose. They match each work to the occasion or celebration where it will be used.
- Ethnic designs are made of colorful lines and shapes. Line is the main element of art in the designs shown in the module.
The review part looks back at the elements of art. A line (linya) starts from a dot that is stretched in different directions. A shape (hugis) is formed when the two ends of a line meet. Learners also tell lines that show movement from lines that do not. They study motifs from groups such as the Bontok, Bukidnon, Agta, and Ifugao. They also look at the colorful woven clothing of the Kalinga of northern Luzon as an example of creativity (pagkamalikhain).
What relief printing is
A relief print is a kind of stamping or printing made from the raised parts of a carved block or linoleum block. The artist makes a relief master, or mold, that can be used to transfer and repeat a design. This is useful for designs that repeat colors, lines, or shapes. It is also useful for letter prints, slogans, or logos on paper, cloth, tarpaulin, and other materials, so you do not have to draw or paint the same thing again and again.
Steps in relief printing
- Draw the picture you want to print directly on a block or linoleum block using a pencil.
- Carve away the parts you do not need with a chisel (pait) or lino cutter. The parts you keep stay raised and form the lines of the print. The parts you remove sit lower.
- Roll ink or paint over the block with a rubber roller. The ink sticks only to the raised parts.
- Cover the inked block with paper.
- Lift off the paper. This is your relief print. The picture comes out reversed, like a mirror image.
- Gently move the paper to a place where it can dry.
The main activity: a relief-print gift wrapper
In the Isagawa (apply) part, learners make a gift wrapper with an ethnic motif design.
Materials: banana stalk or other vegetables with stalks, brush, acrylic paint or watercolor, cartolina or cardboard, scissors, and a container.
- Draw a model of an ethnic design on a sheet of paper.
- Using your model, cut something you can use as a stamp, such as a banana stalk or another object with a stalk. Be careful with sharp tools.
- Cut half a sheet of cartolina.
- Brush paint on the end of the stalk and stamp the design onto the cartolina.
- Arrange the stamps on the cartolina in the design you like.
- Let the cartolina dry, then use it to wrap a gift.
Learners then rate their own work with a rubric. They mark a star under one of four levels, from “Buong Husay” (excellent) to “Nangangailangan ng tulong o suporta” (needs help or support). The rubric asks whether they followed the relief printing steps, based their design on ethnic motifs, made the print on their own, and shared their skill with others.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts. These are Alamin (objectives), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (lesson discussion), Pagyamanin (practice), Isaisip and Tandaan (key points), Isagawa (apply), Tayahin (self-assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity).
- Learners: Start with the pretest, which asks you to put the steps of making a relief print design in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can still use it. Check your answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the back.
- Parents and guardians: Help with the stamp-cutting step, since it uses sharp tools. Prepare the materials for the gift wrapper ahead of time.
- Teachers: The module says a teacher’s or facilitator’s guide comes with it. The extra activity asks learners to collect pictures of ethnic designs, paste them in an album they make, and label which ethnic group made each one.
The module asks learners to contact their teacher right away if they have trouble understanding the lessons.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this relief printing module for?
It is for Grade 4 Sining (Arts), Quarter 3, Module 3. It was prepared by DepEd Region V as a first edition in 2020.
What is a relief print?
A relief print is made by stamping or printing from the raised parts of a carved block or linoleum block. The carved block works as a mold that lets you repeat the same design many times.
Why does a relief print come out reversed?
The paper is pressed face-down on the inked block. Because of this, the printed picture comes out as a mirror image of the carving.
What materials are needed for the gift wrapper activity?
You need a banana stalk or other vegetables with stalks, a brush, acrylic paint or watercolor, cartolina or cardboard, scissors, and a container.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the back has answers for the pretest, the review, the Pagyamanin practice, and the true-or-false Isaisip test.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Sining Ikatlong Markahan – Modyul 3: Relief Printing
[illustration: group of students and a teacher reading, writing, and studying outdoors and at a table, with a globe and a lamp]
CO_Q3_Arts 4_ Module 3
Sining – Grade 4 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Relief Printing Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mary Ann M. Corporal Editor: Francis Durante Tagasuri: Cynthia T. Montanez Tagaguhit: Emma S. Malapo Tagalapat: Mary Ann M. Corporal Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad Francisco B. Bulalacao, Jr. Grace U. Rabelas Ma. Leilane R. Lorico Jerson V. Toralde Belen B. Pili Randy Bona
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
4 Sining Ikatlong Markahan – Modyul 3: Relief Printing
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: teacher holding a book and pointing]
Magandang araw 😊 Halina’t tumuklas ng bagong kasanayan upang mapalawak ang mundo ng imahinasyon at mapaunlad ang pagiging malikhain!
Sa modyul na ito makatutuklas at makabubuo ng relief prints ng ethnic motif design na karaniwang makikitang dekorasyon sa banga, tela, damit, sarong, malong, panyo, cards at iba pa.
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahan ang mag-aaral ay magagawa ang sumusunod na layunin:
A. Naipapakita ang mga paraan ng paggawa ng relief prints at kung paano ito magagawang mas makabuluhan at kawiliwili. B. Naipamamalas ang kakayahan sa paggawa ng relief prints.
CO_Q3_Arts 4_ Module 3
Subukin
[illustration: teacher pointing and asking a question]
Ano ano ang mga hakbang sa pagbuo ng relief prints designs?
Panuto: Ayusin ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng relief prints design. Lagyan ng bilang 1-5 ang kahon sa unahan ng pangungusap.
_____ Gumupit ng cartolina o cardboard na kasinlaki ng greeting cards (1/4 bond paper).
_____ Kumuha ng isang papel at gumuhit ng modelo ng disenyong etniko na nagpapakita ng pag-uulit, pagsasalitsalit, paikot o radial na ayos.
_____ Mula sa nabuong modelo sa papel, gumupit ng anumang bagay na maaaring gawing pantatak (stamp) tulad ng sanga ng puno ng saging (banana stalk) at iba pang bagay na may stalks. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis na bagay.
_____ Patuyuin ang card at ipakita sa kaklase bago ipasa sa guro.
_____ Pahiran ng pinta ang dulo ng stalks upang mailipat ang disenyo sa gagawing card gamit ang brush.
CO_Q3_Arts 4_ Module 3
Balikan
[illustration: teacher pointing and smiling]
MAGALING! 😊 Ilan ang nakuha mo? Nasiyahan ka ba habang sinasagutan ang mga katanungan? Magaling kung nakuha mo lahat ng tamang sagot. Ayos lang din kung hindi mo nakuha lahat dahil mas lalo pa natin ito lilinangin.
I. Panuto: Tingnan ang ethnic design. Suriin at sabihin ang katangian ng disenyo.
[photo: ethnic design textile band with red, yellow, and black geometric motifs]
Source: https://wallpapersafari.com/w/4eEVUL
CO_Q3_Arts 4_ Module 3
II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
- Pagmasdang mabuti ang mga disenyong-etniko. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw?
a. [illustration: Rice Paddies Motif (Bontok), wavy lines with diagonal strokes] b. [illustration: Bukidnon motif, four small squares arranged in a diamond] c. [illustration: River Motif (Agta), wavy parallel lines] d. [illustration: Bagobo, Bikidnon, Ifugao motif, zigzag lines]
- Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay at may disenyong mga damit tulad ng mga larawan sa ibaba.
[photo: red textile with white, yellow, and black zigzag patterns] https://stock.adobe.com/search/images?k=kalinga&asset_id=349856324
[photo: brown and red diamond-patterned textile] https://ph.asiatatler.com/life/weaving-the-threads-of-filipino-heritage
[photo: person wearing a woven Kalinga costume with patterned panels] http://theclamorofkalinga.blogspot.com/2015/06/kalinga-ethniccostumes-igorotcostumes.html
Anong katangian ang ipinapakita nila?
a. Pagkamalinis b. Pagkamalikhain c. Pagkamasipag d. Pagkamasinop
- Alin sa sumusunod ang linyang gumagalaw?
[illustration: four line patterns labeled A to D]
A B C D
Anong elemento ng sining ang nagmumula sa isang tuldok na pinahaba patungo sa iba’t ibang direksiyon?
a. Espasyo
b. Hugis
c. Kulay
d. LinyaA. Espasyo
B. Hugis
C. Kulay
D. LinyaIto ay elemento ng sining na pinagtagpo ang dalawang dulo.
A. Espasyo
B. Hugis
C. Kulay
D. Linya
Tuklasin
Handa ka na bang matuto ng bagong aralin sa upang mahubog ang iyong kakayahan?
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.
[illustration: nine colorful designs of spirals inside ovals and rectangles, each with a different border pattern]
Anong uri ng disenyo ang mga nasa larawan?
Ano-anong mga uri ng linya ang ginamit sa mga disenyo?
Paano ginamit ang mga hugis sa nabuong disenyo?
Suriin
Ang mga disenyong may etnikong motif ay makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, damit, sarong, malong, panyo, cards, at iba pa. Lalo nitong napagaganda ang mga kagamitan.
Ngunit, ang hindi alam ng karamihan, ang mga ethnic designs ay may mahahalagang kahulugan sa mga pangkat-etniko. Ang ibang pangkat na naniniwala sa mga anito ay gumagamit ng mga hugis ng hayop, tao, halaman, bundok, araw, at iba pa upang ipakita ang kanilang kultura. Mayroon namang pangkat na may kani-kaniyang silbi ang bawat bagay na nilikha nila. Inaayon nila ang bawat obra sa okasyon o pagdiriwang kung saan ito ay ginagamit.
Ang mga Ethnic designs ay binubuo ng makukulay na iba’t ibang linya at hugis. Makikita sa mga larawan ang Ethnic designs ng iba’t ibang pangkat etniko.
[photo: colorful ethnic pattern with bands of arches, triangles, and scallops]
https://thumbs.dreamstime.com/z/ethnic-pattern-bright-seamless-indian-henna-style-30428378.jpg
[photo: red, orange, and black ethnic pattern of repeating diamonds and zigzags]
Sa paggawa ng mga desenyong inuulit ang mga elemento ng sining tulad ng kulay, linya o hugis maari nating gamitin ang relief prints. Ang relief prints ay isang uri ng pagtatatak o pag pi-print na mula sa mataas o nakaangat na bahagi ng inukit na bloke o linoleum block. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang relief master o molde na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo. Ito ay maaring gamitin sa paggawa ng letter print, slogan o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at sa iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta.
Paano ginagawa ang relief printing? Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng relief printing.
[illustration: a girl with glasses pointing and speaking]
- Gamit ang lapis, direktang iguhit sa isang bloke o linoleum block ang larawan na nais itatak.
- Ukitin o tanggalin ang mga bahagi ng bloke na hindi kailangan gamit ang pait (chisel) o lino cutter. Ang bahagi ng bloke na kailangan ay maiiwang nakaangat, ito ang magbubuo ng mga linya para sa larawang itatatak, at ang mga bahagi ng bloke na tinanggal ay nakalubog.
- Lagyan ng tinta (ink) o pintura ang ibabaw ng bloke gamit ang rubber roller. Ang tinta (ink) o pintura ay didikit lamang sa mga nakaangat na bahagi ng bloke.
- Pagkatapos lagyan ng tinta (ink) o pintura, tatakpan ito ng papel. Kapag natakpan na ito ng papel.
- Tanggalin ang papel na itinakip. Ito na ang tinatawag na relief printing. Ang larawan sa papel ay magiging baligtad (mirror).
- Dahan-dahang ilipat ang papel sa lalagyan kung saan ito papatuyuin.
Pagyamanin
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Sa bawat gawaing sining, napakahalaga na ipakita ang pagiging malikhain. Ano ang katangian ng isang batang malikhain?
A. Nagpapaguhit sa iba.
B. Nangongopya sa aklat
C. Nangongopya ng ginawa ng iba
D. Nag-iisip at gumuguhit ng sariling disenyo.Anong elemento ng sining ang pokus ng nasa ethnic motif design?
A. Hugis
B. Kulay
C. Linya
D. Tekstura[illustration: grayscale ethnic pattern of vertical bands with zigzag and diamond motifs]
Ano ang dapat mong gawin kapag pinuna ang iyong natapos na gawaing sining?
A. Magalit
B. Huwag pansinin ang puna.
C. Punahin ang gawa ng nagbigay ng puna.
D. Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang puna.Ito ang tawag sa mga disenyo, letter print, slogan o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at sa iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta.
A. Ethnic design
B. Mold
C. Relief Print
D. TextureBakit may kani-kaniyang motif design ang mga pangkat etniko sa ating bansa?
A. Dahil noon pa man ay mahilig na sila sa sining.
B. Dahil sa may kani-kaniyang istilo ang mga pangkat-etniko.
C. Dahil ang kanilang disenyo ay nagpapakita ng kanilang kultura at kapaligiran.
D. Dahil ang kanilang mga ninuno ay may kinagisnan nang uri ng disenyo para sa kanilang pangkat.
Isaisip
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.
_____1. Ang mga disenyong may etnikong motif ay makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, damit, sarong, malong, panyo, cards, at iba pa.
_____2. Ang disenyong etniko ay nakapagpapaganda ng mga kagamitan.
_____3. Ang mga ethnic designs ay may mahahalagang kahulugan sa mga pangkat-etniko.
_____4. Ang ibang pangkat na naniniwala sa mga anito ay gumagamit ng mga hugis ng hayop, tao, halaman, bundok, araw, at iba pa upang ipakita ang kanilang kultura.
_____5. Isinasaalang-alang ang gusto ng gumagawa kahit saang okasyon o pagdiriwang ito gagamitin.
TANDAAN
Relief prints ang tawag sa isang uri ng pagtatatak o pag pi-print na mula sa mataas/ nakaangat na bahagi ng inukit na bloke o linoleum block. Ito ay maaring gamitin sa paggawa ng letter print, slogan o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at sa iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang relief master o molde na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.
Isagawa
Relief Print ng Disenyong may Etnikong Motif sa Paggawa ng Gift Wrapper
Kagamitan: banana stalk at iba pang gulay na may stalk, brush, acrylic paint o water color, cartolina o cardboard, gunting at container
Mga Hakbang Sa Paggawa:
- Kumuha ng isang papel at gumuhit ng modelo ng disenyong etniko.
- Mula sa nabuong modelo sa papel, gumupit ng anumang bagay na maaaring gawing pantatak (stamp) tulad ng sanga ng puno ng saging (banana stalk) at iba pang bagay na may stalks. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis na bagay.
- Gumupit ng cartolina (1/2 cartolina).
- Pahiran ng pinta ang dulo ng stalks upang mailipat ang disenyo sa gagawing gift wrapper gamit ang brush.
- Sa pagbuo ng disenyo sa kalahating cartolina, iayos ito nang naayon sa gusto mong disenyo.
- Patuyuin ang cartolina at gamitin itong pambalot ng regalo.
Tayahin
Panuto: Iguhit ang ☆ sa kahon na katumbas ng iyong antas sa mga kasanayang nasa unang hanay.
Gamit ang rubrik, suriin ang iyong ginawang likhang-sining batay sa sumusunod na batayan:
| KASANAYAN | Buong Husay | Naaayon sa inaasahan | May kaunting kahinaan o pagkukulang | Nangangailangan ng tulong o suporta |
|---|---|---|---|---|
| 1. Nasunod ko nang buong husay ang pamaraan sa paggawa ng relief prints. | ||||
| 2. Hango sa mga ethnic motif designs ng mga pangkat etniko ang nagawa kong disenyo sa relief prints. | ||||
| 3. Nagawa ko ng Malaya at maayos ang relief prints ng mag-isa. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| KASANAYAN | Buong Husay | Naaayon sa inaasahan | May kaunting kahinaan o pagkukulang | Nangangailangan ng tulong o suporta |
|---|---|---|---|---|
| 4. Naibahagi at naipakita ko ang aking kakayahan sa paggawa ng relief print na may ethnic design. |
Karagdagang Gawain
Panuto: Kumalap ng mga larawan ng disenyong etniko. Idikit ito sa isang album na iyong ginawa at isulat kung anong pangkat etniko ang gumawa nito.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the content is transcribed in upright reading order]
SUBUKIN
3 1 2 5 4
BALIKAN
I. Ang sagot ng bata ay maaaring magkaiba-iba ayon sa kanilang opinyon.
II.
- B
- B
- C
- D
- B
PAGYAMANIN
- D
- C
- D
- C
- C
ISAISIP
- T
- T
- T
- T
- M
Sanggunian
Digo, M.E. et.al. (2015). Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral. Book Media Press Inc.
Digo, M.E. et.al. (2015). Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro. Book Media Press Inc.
http://theclamorofkalinga.blogspot.com/2015/06/kalinga-ethnic-costumes-igorot-costumes.html
https://thumbs.dreamstime.com/z/ethnic-pattern-bright-seamless-indian-henna-style-30428378.jpg
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply