Arts 4 Quarter 3 Module 6: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

Grade 4 Arts (Sining) Q3 Module 6: make relief prints from clay and candle designs using repeated and alternating rhythm, with activities and answer key.

This is the Grade 4 Arts (Sining) self-learning module for Quarter 3, Module 6, titled “Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural” (indigenous designs: printmaking in cultural communities). It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module for learners studying at home. Learners make relief prints from a design shaped in clay, and they print it using repeated and alternating rhythm.

On this page 6 sections

What learners will learn

After working through the module, learners are expected to:

  • Create a simple and unique relief from a clay design (Nakalilikha ng isang simple at kakaibang relief mula sa disenyong gawa sa luwad)
  • Print a relief using rhythm that repeats and alternates (ritmong paulit-ulit at pasalit-salit)

Key ideas in this module

Clay as an art material

The module explains that clay (luwad) can be found in every province. Many simple and unique things can be made from it. Before shaping it, you roll or press the clay on a table so it becomes soft. Clay is used to make pots and flower pots, which are important products and a main livelihood in some places in the country. Clay is also used to preserve and dry food.

Rhythm in design

Rhythm (ritmo) is a principle of art that gives the illusion of movement in a design and stirs feelings. It is created by repeating and alternating shapes and colors:

  • Paulit-ulit (repeated): the same shape or color is used again and again.
  • Pasalit-salit (alternating): different shapes or colors take turns in a pattern.

The module also reminds learners that designs with repeated and alternating rhythm are part of the heritage passed down by the country’s ethnic groups (pangkat-etniko). These designs brighten their artworks, are known across the Philippines and abroad, and show how naturally creative these groups are.

What a relief master is

A relief master is the carved or shaped block you press into paint and then onto paper or cloth. In this module, learners make one by carving the bottom of a candle and another by shaping clay. The surface that touches the paper must be even so the print comes out clearly.

Activities in the module

PartWhat learners do
Subukin (pre-activity)“Kandilimbag”: draw a design, glue it under a candle, carve it with a toothpick, dip it in acrylic paint, and print it on bond paper, repeating and alternating colors
Balikan (review)Identify five pictured designs by the arrangement of their shapes
Tuklasin (discover)Draw shapes in boxes following a repeated pattern (triangle and heart) and an alternating pattern (circle, star, and square)
Suriin (explain)Read about clay, rhythm, and indigenous designs
Pagyamanin (practice)Activity 1: mark five statements true or false. Activity 2: make two more reliefs and print them on a paper folder that will hold your work
Isaisip (remember)Answer four questions about making a relief master, softening clay, coloring, and making designs unique
Isagawa (apply)Shape a clay relief, let it dry, paint it, and print it repeatedly and alternately on an old white shirt
Tayahin (assess)Rate your own work with a rubric from 1 to 3 on four criteria
Karagdagang Gawain (extra)Make a postcard with your relief master and give it to a loved one

Materials named in the activities include a candle, acrylic paint, pencil, bond paper, scissors, glue, toothpicks, old newspapers, plastic clay, a paper folder, and an old white shirt.

How to use this module

  • Learners: Start with the Kandilimbag activity and follow the parts in order. Cover your table with old newspaper before painting. Write your answers on a separate sheet, not on the module. After each artwork, draw a happy face at the lower right if you liked your work or a sad face if you did not.
  • Parents and guardians: Help prepare the materials and supervise the carving and painting. After the shirt printing, the module asks learners to give the artwork a title, post it in an art corner, and take a photo of it.
  • Teachers: The self-rating rubric in Tayahin checks whether the learner made a simple and unique design, printed with repeated and alternating rhythm, used an ethnic design as a basis, and worked independently. The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the design-identification items and Pagyamanin Activity 1.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 4 Arts (Sining), Quarter 3, Module 6. It was prepared by DepEd Region V as a first edition in 2020.

What is the difference between paulit-ulit and pasalit-salit?

Paulit-ulit means repeated, where the same shape or color is used again and again. Pasalit-salit means alternating, where different shapes or colors take turns in a pattern.

What is rhythm in art according to the module?

Rhythm is a principle of art that shows the illusion of movement in a design and stirs feelings. It is created by repeating and alternating shapes and colors.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the design-identification items (radial, repeated, or alternating) and the true-or-false items in Pagyamanin Activity 1.

What materials are needed for the activities?

The activities use a candle, acrylic paint, pencil, bond paper, scissors, glue, toothpicks, old newspapers, plastic clay, a paper folder, and an old white shirt.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Arts 4_ Module 6

![logo](#)

4

Sining

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

[illustration: learners studying outdoors under a tree, a teacher with a child at a desk, a learner holding a globe, and a child with a lamp writing numbers]

CO_Q3_Arts 4_ Module 6

Sining – Baitang 4

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
TungkulinPangalan
Manunulat:Francis C. Agapito
Editor:Francis Durante
Tagasuri:Cynthia T. Montanez
Tagaguhit:Emma S. Malapo
Tagalapat:Francis C. Agapito, Jogene Alilly C. San Juan
Tagapamahala:Gilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao, Jr.
Grace U. Rabelas
Ma. Leilane R. Lorico
Jerson V. Toralde
Belen B. Pili
Randy Bona

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4

Sining

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Katutubong Disenyo: Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Maganda at makabuluhang araw sa iyo kaibigan!

Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay hindi lamang naipapamalas ng kanilang kasuotan kundi sa alinmang bagay, katulad ng palamuti sa katawan at bahay. Ang sining din ay naipapamalas sa paraang paglilimbag.

Ang modyul na ito ay naglalaman at tumatalakay sa pagbuo ng Relief Prints mula sa Disenyong Gawa sa Luwad.

Matapos mong pag-aralan at gawin ang iba’t ibang pagsasanay sa modyul na ito ay inaaasahan na matatamo mo ang mga kasanayang ito:

  1. Nakalilikha ng isang simple at kakaibang relief mula sa disenyong gawa sa luwad; at
  2. Nakapaglilimbag ng isang relief na ginamitan ng ritmong paulit-ulit at pasalit-salit.

1 CO_Q3_Arts 4_ Module 6

Subukin

[illustration: cartoon boy gesturing toward the activity]

KAYA MO BA? KAYANG KAYA!
Kandilimbag

Kagamitan: kandila, acrylic paint, lapis, bond paper, gunting, glue, toothpick, at lumang dyaryo.

Mga Hakbang sa Paggawa:

  1. Takpan ng lumang dyaryo ang ibabaw ng mesa o lugar na gawaan upang hindi ito marumihan.
  2. Iguhit sa isang papel ang nais mong disenyo at gupitin ito. Idikit ito gamit ang glue sa ilalim ng kandila.
  3. Gamit ang toothpick, ukitan ang ilalim ng kandila nang nagawa mong disenyo.
  4. Pumili ng gustong kulay ng acrylic paint at ilapat ang ilalim ng kandilang inukitan sa acrylic paint.
  5. Ilimbag ito sa inyong bond paper. Gawin ito ng paulit-ulit at pasalit-salit ang kulay hanggang sa magustuhan ang disenyong nagawa.
  6. Patuyuin ang natapos na likha.

Kung nasiyahan ka sa iyong ginawa lagyan ng masayang mukha ([smiley symbol]), kung hindi ka naman nasiyahan sa iyong ginawa, lagyan mo ng malungkot na mukha ([frowning symbol]) sa kanang ibaba ng bond paper.

Nagawa mo ba nang maayos at malinis? Madali lang ba ang gawain? Nagandahan ka ba sa iyong disenyo?

2 CO_Q3_Arts 4_ Module 6

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon beside the activity title]

Panuto: Tukuyin ang larawan ayon pagkakaayos o gamit ng hugis ng disenyo. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: 1. circular mandala design with yellow teardrops, blue dots, and red petals around a white center]

[illustration: 2. repeating red, green, and teal diamond-shaped motifs in a grid]

[illustration: 3. repeating blue and green leaf-like motifs around brown trunk shapes on a white background]

[illustration: 4. horizontal bands of repeating motifs in purple, green, black, yellow, and blue inside a rectangular frame]

[illustration: 5. green spiral inside a yellow star-shaped border within a circle]

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro, pahina 274

3 CO_Q3_Arts 4_ Module 6

Tuklasin

[illustration: sprouting leaf icon beside the activity title]

Iguhit sa loob ng kahon ng mga sumusunod na hugis ayon sa pagkakaayos. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.

Paulit-ulit

[illustration: yellow triangle and red heart]

[blank box for drawing]

Pasalit-salit

[illustration: blue circle, yellow star, and green square]

[blank box for drawing]

Magaling! Binabati kita. Nagawa mo ang pagsasanay. Sa pagpatuloy ng modyul na ito, mas lalo mo pang malilinang ang iyong kaalaman.

4 CO_Q3_Arts 4_ Module 6

Suriin

Saan mang lalawigan ay maraming luwad (clay). Maraming bagay ang maaari nating likhain na simple at kakaiba mula sa luwad. Sa paggamit ng luwad kailangang pagulungin o diinan ito upang lumambot. Makakagawa tayo ng mga palayok at mga paso na mahalagang produkto at magsisilbing pangunahing negosyo ng ilang mga lugar sa bansa. Ang luwad ay ginagamit din na pagpapatagal o pagpreserve at pagpapatuyo ng pagkain.

Ang ritmo ay isang prinsipyo ng sining na nagpapakita ng ilusyon ng paggalaw ng disenyo. Nakapukaw ito ng damdamin. Ito ay malilikha sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasalit ng mga hugis at kulay.

Bahagi ng kulturang ipinamana sa atin ang mga obra ng mga pangkat-etniko ang mga disenyong may ritmong inuulit at salit-salit. Ito ay nagbibigay tingkad sa kanilang mga likhang-sining at naging tanyag sa lahat ng dako ng Pilipinas maging sa ibang bansa. Nagpapatunay lamang na sila ay tunay at likas na malikhain. Ang mga larawan sa ibaba ay halimbawa ng mga disenyong may ritmo.

[illustration: three rectangular textile designs with repeated geometric and floral motifs]

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro p.281-182 Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 224

Payamanin

Gawain 1:

Lagyan ng tsek (✓) ang mga pangugusap na nagsasaad ng katotohanan at ekis (X) naman kung hindi.

_____ 1. Ang ritmo ay isang prinsipyo ng sining na nagpapakita ng ilusyon ng paggalaw ng mga disenyo.

_____ 2. Ang paggamit ng luwad ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng Pilipino.

_____ 3. Ang luwad ay mahirap na gamitin sa paglikha ng sining.

_____ 4. Ang pangkat-etniko ay gumamit ng disenyong ritmong inuulit at salit-salit.

_____ 5. Maaaring gamitin ang luwad sa paggawa ng anumang likhang sining.

Gawain 2:

Gamit ang iyong relief master sa nakaraang gawain, dagdagan ito ng dalawa pang relief. Gawin ang proseso sa gawain “Kandilimbag”. Ilimbag ang mga ito sa isang paper folder na magsisilbing lalagyang ng inyong mga gawain.

Kung nasiyahan ka sa iyong ginawa lagyan ng masayang mukha (☺), sa kanang ibaba ng paper folder, kung hindi ka naman nasiyahan sa iyong ginawa, lagyan mo ng malungkot na mukha (☹) sa kanang ibaba ng paper folder.

Isaisip

Sagutan ang sumusunod na tanong.

  1. Ano ang ginagamit natin sa paggawa ng relief master?
  2. Bakit kailangan na pagulungin muna ang luwad?
  3. Upang magkaroon ng magandang likhang-sining, ano ang maaari nating gawin sa pagkukulay?
  4. Paano nagiging kakaiba ang disenyong ginagawa natin?
TANDAAN

Ang ritmo ay isang prinsipyo ng sining na nagpapakita ng ilusyon ng paggalaw ng disenyo. Nakapupukaw ito ng damdamin. Ito ay nalilikha sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasalit ng mga disenyo.

Isagawa

Paggawa ng mga relief prints sa kamiseta

Kagamitan: luwad (plastic clay), acrylic paint, lumang puting kamiseta, at lumang diyaryo.

Mga Hakbang Sa Paggawa:
Gawain A
  1. Takpan ng lumang diyaryo ang mesang gawaan.
  2. Ilabas ang dalang luwad.
  3. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot.
  4. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.
  5. Siguraduhin na pantay ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglagyan ng disenyo.
  6. Patuyuin ito para magamit sa relief printing.
Gawain B
  1. Kulayan/pintahan ang nabuong disenyong relief ng matitingkad na kulay. Maaari ring gumamit ng mga ibang kulay at isalit-salit sa mga matitingkad, maputlang/malabnaw na kulay sa pagbuo ng relief prints.
  2. Kunin ang dalang puting kamiseta.
  3. Ilimbag ang disenyo sa relief. Ang disenyo ay ilimbag nang paulit-ulit at salit-salit upang lumabas ang magandang likhang-sining.
  4. Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo.
  5. Patuyuin ang natapos na likhang-sining, lagyan ito ng pamagat at ipaskil sa iyong art corner. Kunan ng ito ng larawan.

Source: Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 224-225

Binabati kita! Natapos mong maisagawa ang gawain. Nagustuhan mo ba ang iyong ginawang sining?

Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang hanay ayon sa antas ng iyong naisagawa.

PamantayanNaisagawa ang obra nang mahusay at higit pa sa inaasahan (3)Naisagawa ang obra nang mahusay (2)Naisagawa ang obra na may katamtamang kahusayan (1)
1. Nakagawa ako ng isang simple at kakaibang disenyo.
2. Nakapaglimbag ako ng relief na may ritmong inuulit at salit-salit
3. Gumamit ako ng disenyong etniko bilang batayan ng sariling disenyo
4. Nakagawa ako nang nag-iisa

Source: Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 226

Karagdagang Gawain

Gumawa ng postcard gamit ang relief master o mold na may disenyong iyong ginawa sa nakaraang gawain. Gamitin ang paraan na paulit-ulit at pasalit-salit. Ibigay ang mga ito sa iyong mahal sa buhay

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answers below are read from the rotated image]

Subukin
  1. Radyal
  2. Paulit-ulit
  3. Paulit-ulit
  4. Pasalit-salit
  5. Radyal
Pagyamanin
Gawain 1
  1. ✓
  2. ✓
  3. X
  4. ✓
  5. ✓

Sanggunian

Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral; Cynthia Montañez, Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval; Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano

Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro; Cynthia Montañez, Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval; Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district