Filipino 4 Quarter 3 Module 2: Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan

Grade 4 Filipino Quarter 3 Module 2 on using adverbs, adjectives, and verbs together to describe actions and characters, with activities and answer key.

This is the Grade 4 Filipino self-learning module for Quarter 3, Module 2: “Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan” (how adverbs, adjectives, and verbs work together in describing). It was prepared by DepEd Region V for learners studying at home. It builds on earlier lessons on pang-abay (adverbs), pang-uri (adjectives), and pandiwa (verbs). After it, learners can use these words together to describe actions and characters.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module lists four learning goals. Learners should be able to:

  • Tell the difference between pang-abay and pang-uri.
  • Use pang-abay to describe an action.
  • Use phrases that pair a pang-abay with a pandiwa, and a pang-abay with a pang-uri, when describing.
  • Describe a character based on what the character does, how the character behaves, what the character says, and how the character feels (ikinikilos, ginawi, sinabi, at naging damdamin).

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan.” It follows the usual self-learning module parts: Alamin (objectives), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (reading), Suriin (discussion), Pagyamanin (practice), Tandaan (summary), Isagawa (application), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (additional activities).

The main reading is a dialogue titled “May Bagyo!” (There’s a typhoon!). In it, four friends, Quinta, Rolly, Siony, and Ulysses, talk about how their families are preparing for a strong typhoon. They repair roofs, pack belongings in plastic, store food, charge phones and flashlights, and evacuate.

Pang-uri and pang-abay: the key difference

Both pang-uri and pang-abay describe, but they describe different kinds of words.

Word typeWhat it describesExample from the module
Pang-uri (adjective)Pangngalan (nouns) and panghalip (pronouns)Mapagmahal na kapatid si Maria.
Pang-abay (adverb)Pandiwa (verbs), pang-uri, and other pang-abayMalungkot na umaalis si tatay patungong Saudi.

The module uses phrases from “May Bagyo!” to show how the two work together:

  • Talagang malakas (really strong): “talagang” is the pang-abay, “malakas” is the pang-uri.
  • Sobrang nakatatakot (very frightening): pang-abay + pang-uri.
  • Talagang mabilis na kumilos si tatay (father really moved fast): pang-abay + pandiwa.
  • Maingat naming isinilid (we carefully packed): a pang-abay describing an action.

To describe a character, the module points to lines such as Ulysses’s “Kailangan naming magmadali para mag-evacuate” (we need to hurry to evacuate) and “hindi gaanong matibay” (not very sturdy), which show what he does, says, and feels.

Uri ng pang-abay (kinds of adverbs)

The Tandaan part explains four kinds of pang-abay, each with examples:

  1. Pang-abay na kataga o ingklitik (particles): short words that usually follow the first word of a sentence, such as man, daw/raw, din/rin, naman, sana, yata, na, nga, ba, muna, lamang/lang, pa, and pala. Example: Kumain daw ang bata ng tinapay.
  2. Pang-abay na panlunan (place): answers saan (where) the action happens. Example: Kumain ang bata sa karinderya.
  3. Pang-abay na pamanahon (time): answers kailan (when) the action happens. Example: Bumibili ako ng taho araw-araw.
  4. Pang-abay na pamaraan (manner): answers paano (how) the action happens. Example: Mabilis na naglakad ang bata.

Activities in the module

  • Subukin: identify underlined words as pang-uri or pang-abay, describe a dancing pair, and choose the right adverb phrase to complete sentences.
  • Balikan: put the steps for cooking sinigang na baboy in order.
  • Pagyamanin: complete a conversation about typhoon damage using adverbs from a box, then describe the speaker in a short paragraph about a storm.
  • Isagawa: write a paragraph about your experience with the new way of learning during the pandemic, using pang-abay, pang-uri, and pandiwa.
  • Tayahin: describe someone you live with based on their actions, behavior, words, and feelings.
  • Karagdagang Gawain: sort your adverbs and adjectives into a table, complete the opening of the fable “Ang Leon at ang Daga” (The Lion and the Mouse) with adverb phrases, and explain the difference between pang-uri and pang-abay.

The Isagawa and Tayahin tasks are scored with a 15-point rubric: content and description (5 points), use of adverbs and adverb phrases (5 points), and grammar (5 points).

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet; do not write on the module. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end and be honest in using it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Read the “May Bagyo!” dialogue with your child and help them notice describing words. The Tayahin task asks your child to describe family members at home, so you can support it with conversation.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. Use the rubric for the paragraph and description tasks, which the answer key does not cover.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 4 Filipino, Quarter 3. The cover and module code identify it as Module 2.

What is the difference between pang-uri and pang-abay?

Both describe. Pang-uri (adjective) describes nouns and pronouns, while pang-abay (adverb) describes verbs, adjectives, and other adverbs.

What kinds of pang-abay does the module teach?

It covers four: pang-abay na kataga o ingklitik (particles), panlunan (place), pamanahon (time), and pamaraan (manner).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, and part of Karagdagang Gawain. Writing tasks are scored with a 15-point rubric instead.

What story is used in the lesson?

The main reading is a dialogue called May Bagyo!, in which four friends talk about preparing for a strong typhoon. The extra activities also use the fable Ang Leon at ang Daga.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 2 Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan

[illustration: students reading and studying under a tree, with a teacher, a child writing by a lamp, and students with a globe]

CO_Q3_Filipino4_Modyul2

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino- Baitang 4 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan– Modyul 3: Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Criselda Tadeo-Taduran, Jessica Bardonado-Marmol Editor: Laila C. Namoro Tagasuri: Rechie O. Salcedo Tagaguhit: Emma N. Malapo, Mark Anthony O. Taduran Tagalapat: Rey Antoni S. Malate, John Francis O. Tañamor, Analyn J. Madera Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao, Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Nora J. Laguda, Jerson V. Toralde, Belen B. Pili

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

4

Filipino

Kwarter 3 – Modyul 2: Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na kaibigan?

Napag-aralan mo na sa mga nakaraang aralin ang tungkol sa pang-abay, pang-uri at pandiwa.

Alam mo bang marami pa tayong dapat malaman tungkol ugnayan nito sa paglalarawan?

[illustration: a girl handing a book to a boy in front of bookshelves]

Sa tulong ng aralin, inaasahan na:

  • ✓ Natutukoy mo ang kaibahan ng pang-abay at pang-uri.
  • ✓ Nagagamit mo ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
  • ✓ Nagagamit mo ang pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan.
  • ✓ Nailalarawan mo ang tauhan batay sa ikinikilos, ginawi, sinabi at naging damdamin.

Tara, simulan na natin!

1

CO_Q3_Filipino4_Modyul2

Subukin

Subukin ang gawin ang pagsasanay na ito.

A. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Tukuyin ang salitang nasalungguhitan kung pang-uri o pang-abay ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
  1. Masunurin sina Hency at Jacel.
  2. Magaling kumembot ang magkapareha.
  3. Gustong-gusto sila ng kanilang guro.
  4. Laging isinasama sila sa programa sa paaralan.
  5. Masaya ang magkapareha sa kanilang ginagawa.

[illustration: a girl and a boy dancing with arms raised]

B. Gawin at Sagutin Mo
  1. Ilarawan ang magkapareha na nasa itaas.

  1. Ano-anong damdamin ang naglalarawan sa magkapareha?

2

CO_Q3_Filipino4_Modyul2

C. Panuto: Buoin ang bawat pangungusap ayon sa inilalarawan nitong konteksto at sitwasyon sa pamamagitan ng pagpili sa angkop na pariralang pang-abay. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
  1. _______________ ang batang lalaki.
    a. Malakas na tumawa
    b. Matinis na tumawa
    c. Mataginting na tumawa
    d. Matipid na tumawa


  2. _______________ ang batang nahuli sa klase.
    a. Masayang nagpaliwanag
    b. Matapang na nagpaliwanag
    c. Malakas na nagpaliwanag
    d. Matiyagang nagpaliwanag


  3. _______________ ang bata sa ilalim ng mesa.
    a. Nakasimangot na gumapang
    b. Matapang gumapang
    c. Dahan-dahang gumapang
    d. Matiyagang gumapang


  4. _______________ ang dalagang si Jacell kaya lagi siyang nahuhuli.
    a. Maagang magbihis
    b. Nakangiting magbihis
    c. Matagal magbihis
    d. Masayang magbihis


  5. Dumating _________ ang kanyang ina mula sa ibang bansa.
    a. kaninang umaga
    b. sa susunod na araw
    c. bukas
    d. mamaya


Kumusta? Nasagot mo ba ang mga tanong sa pagsasanay sa bahaging subukin? Tingnan ang tamang sagot sa pahina 14 at maaari ka nang magpatuloy sa susunod na mga gawain at pagsasanay.

3

CO_Q3_Filipino4_Modyul2

Balikan

Halina’t balikan natin ang nakaraang aralin.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagluluto ng sinigang na baboy. Isulat ang una, ikalawa, ikatlo, ika-apat at panghuli sa nakalaang patlang na katabi ng bawat bilang.

_________1. Hugasan ang mga sangkap gaya ng baboy, kamatis, okra, sitaw, gabi at iba pang gulay na nais mong ihalo.

_________2. Pakuluan ang karne ng baboy. Ilagay ang hiniwang bawang, sibuyas, paminta at kamatis.

_________3. Kapag malambot na ang karne, ilagay ang gabi at ang mga gulay.

_________4. Lagyan ng asin at timplahan ito ng pampaasim ayon sa iyong panlasa.

_________5. Antaying lumambot ang mga gulay at maari mo na itong ihain.

Aralin 1: Ugnayang Pang-abay, Pang-uri, at Pandiwa sa Paglalarawan

4

CO_Q3_Filipino4_Modyul2

Ngayon, tiyak kong bihasa ka na sa pagsunod ng mga gawain.

Tuklasin

Magsimula ka rito.

Basahin mo ang diyalogong may pamagat na “May Bagyo!” at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

May Bagyo!

Quinta: Narinig ko sa balita na talagang malakas ang paparating na bagyo sa atin ngayong gabi. Sadyang maigting na paghahanda ang ginagawa ng karamihan sa aming lugar.

Rolly: Oo nga! Sobrang nakatatakot pa naman kapag may bagyo. Narinig mo ba ang malalakas na pagpukpok ng martilyo kanina? Sa bahay namin iyon. Talagang mabilis kumilos si tatay. Sinigurado kasi ni tatay na hindi kami matatanggalan ng bubong.

Siony: Kami rin ay naging abala. Maingat naming isinilid ang aming gamit sa plastik at sa mga malalaking megabox upang kahit mapasok kami ng ulan o baha ay walang mababasa.

Ulysses: Tama! Iyan rin ang aming ginawa sa bahay at bukod pa riyan nag-imbak kami ng maraming pagkain tulad ng de-lata, bigas at noodles. Nagcharge na rin kami ng aming mga cellphone at flashlight upang may magamit kaming pailaw kapag madilim, tiyak na mawawalan ng kuryente.

Quinta: Mabuti naman! O, Ulysses tinatawag ka nang nanay mo.

Ulysses: Ah Opo, paalam na muna. Kailangan naming magmadali para mag-evacuate, hindi gaanong matibay ang bahay namin gaya ng mga bahay ninyo. Mas mainam na lumipat kami bago dumating ang bagyo kasi mahirap kapag malakas na ang ulan at hangin.

Rolly: Oh, siya sige. Babalik na rin kami sa aming mga bahay, tiyak na hinahanap na kami ng aming mga magulang. Makulimlim na ang kalangitan at medyo lumalakas na rin ang hangin.

Siony: Sige, paalam! Mag-ingat tayong lahat. Taimtim tayong manalangin upang humina ang bagyo.

Mga Tanong
  1. Sino-sino ang mga tauhan na nag-uusap sa diyalogo?


  2. Ano-ano ang paghahandang dapat gawin tuwing may paparating na bagyo?


  3. Bakit kailangang maghanda kapag may paparating na bagyo?


  4. Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang ikinilos, ginawi, sinabi at nagging damdamin.


Pagkatapos sagutin ang mga tanong, ihambing ang iyong sagot sa mga Susi sa Pagwawasto.

[illustration: teacher character beside the speech bubble above]

Suriin

Basahing muli ang diyalogo na nasa itaas. Anong mga pang-abay at pang-uri ang ginamit dito?

Tama! Ilan lamang sa mga halimbawang ginamit na pang-abay at pang-uri sa inyong binasang diyalogo ay ang sumusunod:

  • talagang malakas.
  • Sadyang maigting ang paghahandang ginagawa ng karamihan
  • Sobrang nakatatakot
  • Talagang mabilis kumilos si tatay

Mga halimbawa ng pang-abay ang mga salitang nakahilig

Samantala, pang-uri naman ang sa mga salitang initiman.

Suriin naman natin ang mga pariralang nakahilig sa ibaba ayon sa:

  • Ginagamit ang paglalarawan sa isang kilos.
    Halimbawa: Maingat naming isinilid. (Pandiwa)
  • Ginamit ang pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan.
    Halimbawa: Talagang mabilis na kumilos si tatay.
    (Pang-abay) + (Pandiwa)
    Sobrang nakakatakot
    (Pang-abay) + Pang-uri

Ano naman ang mga salita sa diyalogo ang naglalarawan sa tauhan batay sa ikinikilos, ginawi, sinabi at naging damdamin.

Pansinin ang mga pariralang ito:

  • Kailangan naming magmadali para mag-evacuate.
  • hindi gaanong matibay
  • Mas mainam na lumipat

Tandaan

Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

Ang pang-uri at ang pang-abay ay parehong naglalarawan o nagbibigay-turing.

  • Pang-uri ay nagbibigay-turing sa pangangalan at panghalip.

Halimbawa:

–Mapagmahal na kapatid si Maria. Pang-uri Pangngalan

-Siya ay reponsableng ate. Panghalip Pang-uri

  • Pang-abay ay nagbibigay turing-sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Halimbawa:

–Malungkot na umaalis si tatay patungong Saudi. Pang-abay Pandiwa

Talagang mahirap mabuhay ng mag-isa. Pang-abay Pang-uri

–Totoong masarap tumulong sa mga mahal sa buhay. Pang-abay Pang-abay Pandiwa

[transcriber’s note: curved arrows above each example link a word to the word it describes; the arrows are not transcribed]

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik – tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. Tulad ng mga sumusunod: man, daw/raw, tuloy, kasi, din/rin, naman, sana, yata, na, nga, ba, muna, lamang/lang, pa, nang, kaya at pala.

Halimbawa: Kumain daw ang bata ng tinapay. Kumain din ang bata ng tinapay. Kumain na ang bata ng tinapay. Kumain muna ang bata ng tinapay.

  1. Pang-abay na Panlunan – sumasagot sa tanong na saan naganap, nagaganap at magaganap ang pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Kumain ang bata sa karinderya. Kumain ang bata sa karinderya ng kapitan. Kumain ang bata sa amin. Kumain ang bata doon.

  1. Pang-abay na Pamanahon – sumasagot sa tanong na kalian naganap, nagaganap, o magaganap ang pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Dumating ang mga bisita sa bahay kahapon. Bumibisita ang mga kamag-anak naming tuwing piyesta. Bumibili ako ng taho araw-araw. Noong Lunes, dumating ang mga bisita. Kumain ako ng sinigang na baboy noong Lunes ng tanghali. Dumating ang mga bisita kaninang madaling araw. Dumating ang mga bisita nang alas-7 ng umaga. Pagkaalis na pagkaalis ni Ben, dumating ang mga bisita. Naliligo ako nang dumating ang mga bisita.

4. Pang-abay na Pamaraan – sumasagot sa tanong na paano naganap, nagaganap at magaganap ang pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Naglakad nang mabilis ang bata.

  • Mabilis na naglakad ang bata.

Naglakad nang patagilid ang bata.

  • Patagilid na naglakad ang bata.

Naglakad nang nakapikit ang bata.

  • Nakapikit na naglalakad ang bata.

Napakagandang sumayaw ng bata.

  • Naglakad na nakapayong ang bata.

Tukuyin ng mga bata kung ano-anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap.

  1. Nakapayong na dumating ang bisita ni nanay sa amin nang alas-10 ng umaga habang nagluluto siya ng afritada sa kusina.


  2. Ikaw pala ang aming bisita na dumating bandang alas-9 ng umaga kahapon upang gumawa ng bagong batas sa aming barangay.


  3. Mabilis na naglakad ang bata pauwi sa kanilang bahay upang makilala daw niya ang kanilang bisita na dumating kaninang umaga.


Pagyamanin

A. Panuto: Kumpletuhin ang usapan sa ibaba. Punan ng tamang pang-abay o pariralang pang-abay ang bawat patlang. Piliin ang inyong sagot mula sa kahon.

Gaanong matibay · Matiyagang kinumpuni · maayos · kaagad · masira

[illustration: girl with long hair and a boy with glasses, each beside a speech bubble]

Girl (top left): Oh, Perry kumusta kayo? Nasira ba ang inyong bahay?

Boy (top right): Sa awa ng Diyos Terry, maayos naman ang aming bahay.

Girl (middle left): (1)_____ kasi ni tatay ang aming bubong. Nilagyan niya ng mga pabigat para hindi (2)_____liparin ng hangin.

Boy (middle right): Kami ay may ilang bahaging nasira. Lumipat kami sa ating paaralan. Hindi kasi (3)_____ ang aming bahay.

Girl (bottom left): Tama, ang ginawa ninyo para ligtas kayo sakaling (4)_____ ang inyong bahay.

Boy (bottom right): Nabasa ba ang mga modyul mo?

<!– transcriber’s note: the attached file contains 8 pages whose printed folios are 13 to 19, followed by one unnumbered contact page; they are numbered 17 to 24 here as instructed. –>

Mga Lumang Pahina sa Modyul

<!– transcriber’s note: the printed folio “13” and the footer “CO_Q3_Filipino4_Modyul2” are omitted as page furniture. –>

B. Panuto: Tukuyin ang naging gamit ng salitang nasalungguhitan at initiman sa talata. Isulat sa loob ng kahon ang kaibahan ng gamit nito ayon sa konteksto ng pangungusap.

[illustration: a girl and a boy speaking, with speech bubbles]

Sinigurado kong di mabasa. Binalot ko ng plastic. Ilinagay ko sa lugar na hindi ito mababasa.

Dapat nating pangalagaan nang (5) _____ ang mga kagamitan natin sa paaralan. Para sa atin ito.

<!– transcriber’s note: the answer box printed under the instruction is empty. –>

Mag-uumaga na! Bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay ang malakas na pag-ihip ng hangin. Maya-maya nakita ko ang pagbaha sa aming hardin. Ito na ang bagyong Rolly! Nakakatakot! Biglang dumilim ang paligid. Tila, muling babalik ang gabi dahil sa maitim na ulap. Nagbabadya ito ng malakas at marami pang ulang babagsak.Gusto ko nang matapos ito! Tama na! Patawad na po!

C. Panuto: Ilarawan ang tauhan sa nabasang talata sa itaas. Sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol sa sinabi, ginawi, o damdamin ng nagsasalita. Isulat ang mga ito sa loob ng puso.

[illustration: empty heart outline for writing]

Isagawa

Upang lubos kang masanay sa paggamit ng pang-abay, pang-uri, at pandiwa, gamitin ito sa pagsulat ng isang talata na tungkol sa naging karanasan mo sa bagong paraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKAPUNTOS
Kaangkupan ng nilalaman, nailarawan ang kilos, gawi, sinabi, at damdamin ng kasamahan sa bahay.5
Nagagamit ang pang-abay, pariralang pang-abay, at pandiwa, pariralang pang-abay, at pang-uri5
Gramatika5
Kabuoan15 puntos

Kapuri-puri! Matapos mong sagutin ang pagsasanay, tingnan kung ito ay tama o mali sa pahina 18.

Tayahin

Hanggang saan na ba ang iyong kahusayan sa ating aralin?

Panuto: Sa loob ng inyong bahay, alam kong nakikita ninyo ang pagkilos ng mga kasama ninyo sa bahay. Kung gayon, gawin ang sumusunod na panuto:

A. Ilarawan ang iyong kasama sa bahay batay sa kanilang ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin gamit ang pang-abay, pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri.

Gamiting batayan ang rubriks sa ibaba sa paglalarawan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKAPUNTOS
Kaangkupan ng nilalaman, nailarawan ang kilos, gawi, sinabi at damdamin ng kasamahan sa bahay.5
Nagagamit ang pang-abay, pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri5
Gramatika5
Kabuoan15 puntos

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Tukuyin ang ginamit mong mga pang-uri at pang-abay, at ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga ito ayon sa konteksto ng ginawa mong paglalarawan. Isulat ang mga ito sa tamang hanay sa ibaba.

PANG-ABAYPANG-URI

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat ng pagsasanay. Iwasto mo ang iyong kasagutan sa pahina 18.

Anong naramdaman mo matapos mong malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

[illustration: three faces, from left a sad face, a happy face, and a neutral face]

Para hindi mo makalimutan ang nakaraang paksa, ipagpatuloy ang pagsagot sa mga pagsasanay sa ibaba.

B. Panuto: Buoin ang unang pangyayari sa pabulang “Ang Leon at ang Daga”. Gamitan ito ng mga pariralang pang-abay. Piliin sa nakatalang mga pariralang pang-abay sa kahon ang angkop na sagot upang mabuo ang diwa ng unang pangyayari sa pabula.

Marahang naglalakad biglang dinampot

mahimbing na natutulog tanghaling tapat

_____(1)ng gutom na leon ang isang munting daga na _____ (2)sa harap niya isang _____(3). Akala ng daga ay _____ (4)ang leon. Nagpapahinga noon ang leon sa ilalim ng punongkahoy sa tabi ng kanyang kuweba. .”Kaibigang leon, huwag mo akong kainin!” pagmamakaawa ng daga. Binitawan ng leon ang maliit na daga.

<!– transcriber’s note: the letter “k” in “kuweba” is struck through in the original. –>

C. Panuto: Ilarawan ang gawi ng leon.


Ilarawan ang sinabi ng daga kay leon.


Ano ang damdamin mo sa mga tauhang nabanggit sa pabula.


D. Panuto: Isulat ang kaibahan ng pang-uri at pang-abay sa nakalaang espasyo sa ibaba.




[illustration: a teacher gesturing toward a speech box]

Malugod na pagbati! Napagtagumpayan mo ang mga gawain at pagsasanay sa modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.

<!– transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is given in reading order of the rotated content. –>

Susi sa Pagwawasto

Subukin

A.

  1. pang-uri
  2. pang-abay
  3. pang-uri
  4. pang-abay

B.

  1. Ang dalawang magkapareha ay magaling sumayaw at kumembot. Ang kanilang guro ay gusto silang – gustong-gustong sumasayaw.
  2. ANg magkapareha ay masaya sa kanilang ginagawa. – Ang guro ay tuwang tuwa kay Jacel at Hency.

C.

  1. A
  2. D
  3. C
  4. C
  5. a
Balikan
  1. una
  2. ikalawa
  3. ikatlo
  4. ikaapat
  5. panghuli
Tuklasin
  1. Ang mga tauhan ay sina Quinta, Rolly, Siony at Ulysses.
  2. Kumpunihin ang bubong upang hindi ikalipad ng hangin.
  3. Isilid ang gamit sa plastic lalo na anh mga mahahalagang gamit.
  4. Mag-imbak ng pagkain.
  5. Mag-charge ng flashlight, radio, cellphone at iba pa.
Pagyamanin
  1. matiyagang kinumpuni
  2. kaagad
  3. gaanong matibay
  4. masira
  5. maayos
Karagdagang Gawain
  1. biglang dinampot
  2. marahang naglalakad
  3. tanghaling tapat
  4. mahimbing na natutulog

Sanggunian:

Lalunio, L. & Ril, F., (2010). Hiyas sa Wika 4 Binagong Edisyon. Quezon City: LG & M Corporation

Liwanag, L., (2008). Landas sa Wika 6. Quezon City: Dane Publishing House, Inc.

Marasigan, E., & Dayag, A., (2007). Pluma 6 Wika at Pagbasa sa Batang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district