This is the Filipino Grade 4 self-learning module for Ikatlong Markahan (Quarter 3), Modyul 3: “Opinyon, Katotohanan, at Katuwiran” (opinion, fact, and reasoning). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region V, first edition 2020, written by Rodrigo G. Embestro for learners studying at home. After the module, learners can answer questions about editorials, debates, and editorial cartoons, tell an opinion from a fact, and write their own argument or editorial.
On this page 8 sections
What learners will learn
The module states that, after working through it, the learner will be able to:
- Answer questions about an editorial, argument, debate, newspaper, or editorial cartoon that they have read or heard.
- Retell the important details of an editorial they listened to.
- Decide whether a statement is an opinion (opinyon) or a fact (katotohanan).
- Write an argument and an editorial.
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 1: “Opinyon, Katotohanan, at Katuwiran.” It starts with a short review of pang-uri (adjectives, which describe nouns and pronouns) and pang-abay (adverbs, which describe adjectives, verbs, and other adverbs). It then uses two editorials as reading texts: “Hinagpis ni Inang Kalikasan” (the grief of Mother Nature), about climate change, and “Magsiyasat muna Bago I-click” (check first before you click), about careful use of social media.
Key terms explained
The module defines five kinds of texts that learners must recognize:
- Editoryal or pangulong-tudling (editorial): a critical explanation of why a current event matters, written to inform, persuade, or entertain readers. It is called the “tinig ng pahayagan” (voice of the newspaper).
- Debate: a formal contest of opinions between two teams on opposite sides of an issue.
- Argumento or pakikipagtalo (argument): a way of insisting on the truth and persuading listeners or readers to act on your side, using reasoning based on facts or logic. The module adds that disagreement should be expressed calmly and politely.
- Pahayagan (newspaper): a kind of publication with news about events in society, plus information such as advertisements.
- Editorial cartoon: a form of political cartoon about a current issue, opinion, or event, usually using caricature to show a situation in a funny way.
Opinion or fact: how to tell them apart
An opinyon (opinion) may or may not be true, because it expresses a person’s feelings or beliefs. A katotohanan (fact) is something that really happened and has enough basis or proof. The module gives signal phrases for each:
| Opinion (opinyon) | Fact (katotohanan) |
|---|---|
| sa aking palagay (in my view) | batay sa (based on) |
| sa tingin ko (I think) | mula kay/sa (from) |
| sa nakikita ko (as I see it) | ayon sa/kay (according to) |
| sa pakiwari ko (I feel that) | |
| kung ako ang tatanungin (if you ask me) | |
| para sa akin (for me) |
For example, “Para sa akin, mainam na magpabakuna” (for me, it is good to get vaccinated) is an opinion, while “Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones…” introduces a fact with a named source. In the final test, “Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa probinsiya ng Albay sa Bikol” (Mayon Volcano is in Albay, Bicol) is a fact, while “Sa aking palagay, maraming turista ang pumupunta rito” is an opinion.
How to answer questions and write an editorial
When answering questions about a text, the module tells learners to begin with literal questions, whose answers are found in the text. Next come questions that need analysis and inference; these answers are not in the text, so learners must explain their thinking. Answering both kinds well helps learners retell the important details.
The model argument, “Hindi Dapat Dalhin ang Cellphone sa Paaralan” (cellphones should not be brought to school), shows how to give reasons in order: first, second, third. For writing an editorial, the module lists four tips:
- Choose a timely, interesting topic and present it clearly.
- Give your reasoning and judgment, backed by records or data.
- Present the topic without preaching or lecturing.
- Keep it short and direct, and discuss only one topic.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts: Alamin (objectives), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (reading activity), Suriin (discussion), Isaisip (key ideas to complete), Isagawa (application), Tayahin (final test), Karagdagang Gawain (extra activity), and Susi sa Pagwawasto (answer key).
- Learners: Take the pretest first to see what you already know. Write all answers on separate paper, not on the module, so others can use it. Be honest when you check your answers with the answer key, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and household members: Several activities ask you to read an editorial aloud while the child listens, to hear the child retell it, and to score the child’s written argument or editorial using the five-level rubric (5 Napakahusay to 1 Magsanay pa), which judges how clearly the child gives their own explanation or reaction.
- Teachers: Some answers, such as parts of Tuklasin and the written outputs, are marked “iwawasto ng guro” (to be checked by the teacher). The Isagawa task asks learners to read a real newspaper editorial, sort its details into opinion and fact, and write their own editorial.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Filipino Grade 4 (Baitang 4), Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 3. It was produced by DepEd Region V as a first edition in 2020.
What is the difference between opinyon and katotohanan?
An opinyon (opinion) expresses a person’s feelings or beliefs and may or may not be true; it often starts with phrases like sa aking palagay or para sa akin. A katotohanan (fact) is something that really happened and has proof, often introduced with ayon sa, batay sa, or mula sa.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and final test. Written arguments and editorials are scored with the module’s rubric.
What does editoryal mean?
An editoryal, also called pangulong-tudling, is a critical explanation of why a current event matters, written to inform, persuade, or entertain readers. The module calls it the voice of the newspaper.
Do learners write in the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use separate paper for all answers so that others can use it.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikatlong Markahan–Modyul 3: Opinyon, Katotohanan, at Katuwiran
[illustration: mga mag-aaral na nagbabasa at nag-aaral sa labas at sa loob ng bahay, may guro, at globo]
Filipino – Baitang 4 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Opinyon, Katotohanan, at Katuwiran Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rodrigo G. Embestro Editors: Ma. Theresa I. Cortez Tagasuri: Rechie O. Salcedo Tagaguhit: Tagalapat: Ma. Dianne Joy R. dela Fuente Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico Nora J. Laguda, Jerson V. Toralde Belen B. Pili, Rechie O. Salcedo
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 3: Opinyon, Katotohanan, at Katuwiran
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Isang mapagpala at magandang araw sa iyo.
Kumusta?
Mahilig ba kayong makipagkuwentuhan?
Minsan, sa pakikipag-usap at pakikipagkuwentuhan ay may mga hindi tayo napagkakasunduan, kung kaya’t nagkakaroon tayo ng debate, argumento at pagpapahayag ng ating saloobin at kuro-kuro tungkol sa isang isyu o paksa. Samantala, kailangan mong matukoy kung may katotohanan ba ang kanilang sinasabi o sariling pananaw/opinyon lamang.
Sa tulong ng modyul na ito, inaasahan na:
- Masasagot mo ang mga tanong sa nabasa o napakinggang editoryal, argumento, debate, pahayagan, at ipinapahayag ng isang editorial cartoon.
- Maisasalaysay mo ang mahahalagang detalye sa napakinggang editoryal.
- Masusuri mo kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag; at
- Makasusulat ka ng argumento at editoryal.
[illustration: babaeng nakaturo ang kamay, nagpapaliwanag]
Huwag kang mag-alala, sasamahan kitang maglakbay at tapusin ang mga aralin sa modyul na ito.
Subukin
Ano ang alam mo na tungkol sa editoryal, argumento, debate, pahayagan, at ipinapahayag sa isang editorial cartoon? Kaya mo na bang suriin ang isang pahayag kung ito ay opinyon o katotohanan?
Subukin muna natin kung hanggang saan na ang alam mo.
A. Panuto: Suriin ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat sa iyong papel kong ito ay opinyon o katotohanan.
_____1. “Sa palagay ko, kailangang isumbong sa mga kinauukulan ang anumang makitang pang-aabuso sa kagubatan para wala nang sumunod sa kapahamakan.”
_____2. “Panahon na para gumising ang mga tao. Sawayin ang mga taong sumisira sa ating kapaligiran”, pakiusap ng Alkalde sa kaniyang mga kababayan.
B. Panuto: Ipabasa ang editoryal sa kasamahan sa bahay at pakinggan ito nang mabuti o maaari mo ring itong basahin nang tahamik. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat lamang ang letra nang tamang sagot sa sagutang papel.
Magsiyasat muna Bago I-click
Umiikot ang buhay ng mga kabataan ngayon sa mundo ng digital era. Marami na ang aktibo sa paggamit ng social media tulad ng facebook, twitter, at instagram. Hindi pahuhuli sa anumang uso di ba? Hindi kumpleto ang araw kapag hindi makapag-internet. Nalulungkot kapag walang wifi.
Hindi naman ako tutol sa mabilis na pagbabago ng ating teknolohiya. Malaki ang maitutulong nito sa pang-ekonomiyang usapan ng ating bansa. Ngunit sa kabilang banda, nagiging negatibo ito, dahil sa maling paggamit nito. Post nang post na
hindi pinag-iisipan kaya nagdudulot ng gulo at kapahamakan sa buhay. Sana siyasatin muna nang mabuti ang anumang nababasa sa social media bago mag-post ng komento ukol sa isyu upang maiwasan natin ang makapanakit ng damdamin ng iba. Baka kasi sa isang click mo lang buhay mo’y mabago. Tandaan ang pagsisi ay laging nasa huli. Huwag nang hintaying ikaw ay magsisi. Gawin ang tama, igalang, at pahalagahan ang buhay ng bawat isa.
Bakit kailangang magsiyasat muna bago mag-post ng komento ukol sa isang isyu?
A. Upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin ng iba
B. Upang maging aktibo sa social media
C. Upang maraming likes
D. Upang maging sikatAno ang nais iparating ng editor tungkol sa paggamit ng social media?
A. Laging maging aktibo sa paggamit ng social media.
B. Masaya ang maraming account sa social media.
C. Gamitin nang tama ang social media sa pagbibigay ng opinyon o komento.
D. Wala sa nabanggitAno ang ibig sabihin ng manunulat na ang “pagsisi ay laging nasa huli. Huwag nang hintaying ikaw ay magsisi, gawin ang tama, igalang at pahalagahan ang buhay ng bawat isa“?
A. Kailangang isaalang-alang o pag-isipan nang mabuti ang anumang aksiyon na gagawin para hindi magsisi sa huli.
B. Kailangang gumamit ng iba’t ibang uri ng pakikipagtalastasan sa paggamit ng social media.
C. Naaayos ang gulo sa paggamit ng social media.
D. Kailangang mag-post nang mag-post sa social media.
C. Panuto: Isalaysay ang mahahalagang detalye sa napakinggan o binasang editoryal na nasa itaas. Sumulat ng sariling argumento o editoryal ukol dito. Gawin ito sa iyong papel. (6-10)
____________________________________________.
Gamitin mo ang rubrics sa ibaba para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.
Rubrik sa Pagsulat ng Agumento o Editoryal Ang rubrik na ito ang pagbabatayan upang matukoy ang marka ng iyong gawain.
| Marka | Pamantayan |
|---|---|
| 5 Napakahusay | Napakalinaw na ginamit ang sariling paliwanag o reaksiyon na makikita sa isinulat. |
| 4 Mahusay | Makikita sa isinulat ang sariling paliwanag o reaksiyon. |
| 3 Katamtaman | Bahagyang makikita sa isinulat ang sariling paliwanag o reaksiyon. |
| 2 Di-Gaanong Mahusay | Hindi gaanong malinaw ang isinulat na sariling paliwanag o reaksiyon. |
| 1 Magsanay pa | Hindi malinaw ang isinulat na sariling paliwanag o reaksiyon tungkol sa isyung pinag-uusapan. |
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Alamin natin sa pahina 23 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang? 8-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 5-7 tamang Sagot – MAGALING 1-4 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot – KAYA MO ‘YAN
[illustration: babaeng nakaturo ang kamay, nagpapaliwanag]
Aralin 1 Opinyon, Katotohanan, at Katuwiran
Balikan
Naalala mo pa ba kung paano ginamit ang pang-uri at pang-abay?
Kailan nagiging pang-uri ang isang salita?
Kailan nagiging pang-abay ang isang salita?
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng pangngalan at panghalip.
Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng pang-uri, pandiwa, at kapuwa pang-abay.
Sige nga, tingnan natin. Basahin at sagutin mo.
| Pangungusap | Salitang Naglalarawan | Salitang Inilalarawan | Pang-uri/ Pang-abay |
|---|---|---|---|
| 1. Magaling magsulat ng editoryal at argumento si Lito. | |||
| 2. Sa malinis na papel niya isinulat ang kaniyang tula. | |||
| 3. Magandang gumuhit ng editorial cartoon si Jemerson. |
Ayan, malinaw mo nang naaalala kung paano ginagamit ang pang-uri at pang-abay.
Halika, sagutin naman natin ang mga tanong sa babasahing editoryal.
Tuklasin
Ipabasa mo ang teksto sa iyong kasama sa bahay. Makinig ka nang mabuti at pakatapos sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.
Hinagpis ni Inang Kalikasan
Ang climate change ay pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Isa ito sa mga dahilan ng dinaranas na mga kalamidad sa buong mundo. Ang epekto nito ay nararamdaman din natin sa bansa.
Dahil sa pagbabago tungo sa kaunlaran at industriyalisasyon, nagbabago rin ang ating kapaligiran. Tuluyan nang nasisira ang ating Inang Kalikasan dulot ng maling gawain ng mga tao tulad ng pagpatag sa kabundukan, pagputol ng mga punongkahoy, at maging ng polusyon na dulot ng mga pabrika at ibang teknolohiya. Kaya’t unti-unti nang nawawala ang ganda at masaganang yaman na maipapamana pa sana natin sa mga susunod na henerasyon.
May matinding init o kaya naman ay labis na pagbuhos ng ulan na walang pinipiling oras o panahon. May malalakas ding buhawi, ipuipo, at bagyo, na kumitil sa buhay ng mga tao at hayop maging pagkasira ng mga pananim, pagguho ng lupa, at pagbaha. Tila ipinapadama na ni Inang Kalikasan ang hinaing at hinagpis na kaniyang nararamdaman sa mga tao. Baka dumating ang araw na tuluyan nang talikuran ni Inang Kalikasan ang tungkulin nitong panatilihin ang buhay sa mundo.
Kung ipagpapatuloy natin ang nakagawiang pagpapabaya at pagsasalaula sa lupa, tubig, at hangin, darating ang panahon na
wala na tayong mapagkukuhanan ng ating mga pangangailangan. Makakalbo na rin ang kagubatan at mawawalan ng tahanan ang maraming mga hayop.
Gising na, kaibigan! Tayo’y magkaisa at magbago upang suliranin sa climate change at tuluyang pagkasira ng mundo ay maagapan. Kung ang klima ay nagbabago, tayo rin ay may kakayahang magbago. Bigyan natin ng pagkakataon ang kalikasan na maghilom at bumalik sa dati. Igalang natin ang bawat bagay at bigyan ito ng tamang pagkalinga at pagpapahalaga. Huwag nang magdalawang isip sa panawagan. Tayo’y kumilos na para hindi mahuli ang lahat sa hinahangad na pagbabago. Dinggin ang hinagpis ni Inang Kalikasan para sa ating kaligtasan.
Sagutin mo:
- Ano ang dahilan ng pagbabago-bago ng panahon?
- Sino ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito sa ating mundo? Bakit?
- Paano ito maiiwasan at malulunasan?
- Bakit kaya nanganganib ang buhay ng mga tao at ano ang dapat nitong gawin?
- Bakit kailangang dinggin ang hinagpis ni Inang Kalikasan?
[illustration: cartoon boy gesturing, speaking]
Ang galing nasagot mo nang maayos ang mga tanong tungkol sa napakinggang editoryal.
Ang susunod nating gawain ay makatutulong na mas mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa kung paano sagutin ang mga tanong sa napakinggang editoryal.
Paano mo sinagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang editoryal sa tuklasin? Iyan ang ating sasagutin sa ating aralin.
Basahin at unawaing mabuti ang paliwanag tungkol dito.
Suriin
Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang editoryal, argumento, debate, pahayagan, at ipinapahayag sa isang editorial cartoon, kailangan mong magsimula sa mga literal na katanungan kung saan ang lahat na kasagutan ay makukuha lamang sa tekstong binasa mo.
Kasunod nito ang pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsusuri at paghihinuha. Ang mga sagot dito ay hindi matatagpuan sa teksto. Sa mga tanong na ito, kailangan mong ipaliwanag nang maayos ang iyong sagot o hinuha bilang tanda ng iyong lubusang pagkaunawa sa binasa mo.
Kapag nasagot mo nang maayos ang katanungan maisasalaysay mo ang mahahalagang detalye sa napakinggang editoryal.
[illustration: cartoon boy gesturing, speaking]
Tara, palawakin naman natin ang iyong kaalaman tungkol sa pagsusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
Panuto: Hulaan kung ano ang tinutukoy ng nagsasalita sa usapan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hulaan Mo! Ano Ito?
[illustration: four children talking, with speech bubbles]
- Ito ay tinatawag na tinig ng pahayagan. Ano ito?
- Ito ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan. Ano ito?
- Ito ay karaniwang gumagamit ng paraang caricature kung saan inilalagay na nakakatawa ang isang pangyayari. Ano ito?
- Ito ay paraan ng paggigiit ng katotohanan at panghihikayat na mapaniwala ang mambabasa na kumilos batay sa isang panig. Ano ito?
- Ito ay isang uri ng paglilimbag. Ano ito?
A. Editoryal B. Argumento C. Debate D. Pahayagan E. Editorial Cartoon
Nakikilala mo ba ang editoryal, argumento, debate, pahayagan, at ipinapahayag sa isang editorial cartoon? Kung gayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman sa susunod na gawain.
Lagi mong tatandaan…
[illustration: boy pointing sideways]
Ang editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.
Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
Ang debate ay isang masining na pagtatalo sa paraang pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawang koponan na magkasalungat ang panig hinggil sa isang isyu o paksa.
Ang argumento o pakikipagtalo ay paraan ng paggigiit ng katotohanan at panghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa inyong panig. Ito ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatuwiran batay sa katotohanan o lohika.
[illustration: girl raising a finger]
Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga pangyayari sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng impormasyon tulad ng mga patalastas.
Ang Editorial Cartoon ay isang anyo ng political cartoon na nakabatay sa isang isyu, isang opinyon o isang pangyayaring napapanahon. Ito ay karaniwang gumagamit ng paraang caricature kung saan inilalagay na nakakatawa ang isang pangyayari/ sitwasyon.
Ang opinyon o kuro-kuro ay maaaring totoo o hindi, sapagkat ito’y nagpapahayag ng saloobin o paniniwala ng isang tao batay sa mga totoong pangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga parirala tulad ng:
- sa aking palagay
- sa tingin ko
- sa nakikita ko
- sa pakiwari ko
- kung ako ang tatanungin
- para sa akin
Halimbawa:
Sa aking palagay, marami sa ating kababayan ang naghihirap ngayon dahil sa pandemya.
Dahil sa dumarami ang bilang ng mga taong nagkakasakit ng COVID 19, sa tingin ko matatagalan pa para bumalik sa normal ang ating pamumuhay.
Sa nakikita ko, gumagawa na nang paraan ang ating gobyerno para masolusyonan ang ating problemang pangkalusugan.
Pakiwari ko, mayroon na ding bakunang maibibigay sa atin.
Kung ako ang tatanungin, parang ayaw kong magpabakuna kasi nakakatakot.
Para sa akin, mainam na magpabakuna upang ligtas tayo sa sakit na COVID 19.
Samantala, ang katotohanan ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaring may sapat na batayan o patunay. Ito ay pangyayaring tunay na naganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng:
- batay sa
- mula kay/sa
- ayon sa/kay
Halimbawa:
- Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, patuloy ang pag-aaral ng mga bata gamit ang iba’t ibang modalities sa pagkatuto.
- Mula sa ulat ng Kagawaran ng Edukasyon, naghahanda na ang bawat pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
- Batay sa tala ng Kagawaran ng Edukasyon, unti-unti nang nababawasan ang mga out of school youth.
Argumento ang tawag sa paraan ng pagpapahayag ng hindi pagsang – ayon sa isang kaisipan o ideya. Maaaring magbigay ng argumento sa mahinahon at magalang na pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng hindi pagsang – ayon.
Halimbawa:
-Hindi Dapat Dalhin ang Cellphone sa Paaralan-
Para sa akin hindi dapat ipagbawal dalhin ang cellphone sa paaralan sapagkat malaking tulong ito sa mga mag-aaral. Una, maaaring gamitin sa oras ng emergency upang mabawasan ang pag-aalala na mararamdaman ng mga magulang. Ikalawa, madali
ang komunikasyon ng bawat isa lalo na kapag malakas ang ulan, hindi agad nasundo o may mahalagang programa sa paaralan na kailangan ang magulang. Ikatlo, tamang disiplina lamang ang kailangan sa paggamit ng cellphone sa paaralan. Bawal itong gamitin sa oras ng klase at kung maaari huwag itong ilabas kung hindi kinakailangan upang maiwasan ang gulo o pagkawala nito.
Editoryal naman ang tawag sa malikhaing pagsulat ng iyong opinyon o kaisipan tungkol sa isang paksa o pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.
Sa pagsulat ng editoryal kinakailangang tandaan ang mga sumusunod:
- Pumili ng napapanahon at kawili-wiling paksa at ilahad nang malinaw.
- Ibigay ang ang iyong katuwiran at pagpapasiya na may batayang tala o datos.
- Isipin kung paano ilalahad ang paksa na hindi nangangaral o nagsesermon.
- Gawing maikli at hindi maligoy ang paglalahad at tiyaking iisang paksa lamang ang tinatalakay.
Ikaw naman, subukin mong sumulat ng sariling editoryal tungkol sa napakinggang isyu na nasa Tuklasin. Pagkatapos, ibahagi mo ito sa iyong kasamahan sa bahay upang makahingi ng iba pang reaksiyon o opinyon tungkol sa isyu.
[illustration: cartoon boy gesturing, speaking]
Alam kong lubos mo nang nauunawaan ang ating talakayan. Kaya’t madali na sa iyo na malaman kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. Alamin naman natin kung paano sumulat ng isang editoryal.
Binabati kita at naunawaan mo ang tinalakay!
Isaisip
Isiping mabuti… Sa bahaging ito dugtungan mo ng isang pahayag o paliwanag bakit ito ay mahalagang matutuhan.
- Sa pagsasagot ng mga tanong sa binasa o pinakinggan editoryal, argumento, pahayag ng isang editorial cartoon ay mahalagang malaman ang _____.
- Nasusuri ang isang pahayag kung ito ay opinyon o katotohanan sa pamamagitan ng _____.
- Dapat isaalang-alang ang mga hakbang sa pagsulat ng isang editoryal o argumento sapagkat_____.
Isagawa
Upang lubos na mahasa ang iyong kaalaman, magbasa ng isang editoryal sa pahayagan. Pagkatapos, isalaysay mo ang mahahalagang detalye tungkol dito sa iyong mga magulang o kasama sa bahay. Suriing mabuti kung ang mga detalye ay nagpapahayag ng opinyon o katotohanan. Kunin mo na ang iyong papel, sumulat ng sariling editoryal tungkol sa nabasa.
Gamitin mo ang rubrics na nasa pahina 4 para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.
Tayahin
Nahasa na ba ang iyong isipan sa pagsagot sa mga pagsasanay sa modyul na ito? Hanggang saan na kaya ang natutuhan mo?
A. Panuto: Basahing mabuti ang editoryal tungkol sa COVID 19 at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Nakakatakot na Virus, Laganap sa Sanlibutan Rodrigo G. Embestro
Nagulo ang normal na pamumuhay ng mga tao sa sanlibutan nang umusbong ang isang nakatatakot na sakit na maaaring kumitil sa buhay ninuman. Maaari itong bata, matanda, babae, lalaki, mayaman o mahirap. Wala itong pinipiling estado sa buhay. Kaya’t naalarma nang husto ang mga tao at gumawa ng paraan ang gobyerno upang maiwasan ang pagdami nang maaapektuhan ng virus na ito na tinatawag na COVID-19.
Ang COVID-19 ay nabubuhay lamang sa isang tirahan o host. Sa mga pag-aaral, ito ay dating naninirahan sa mga hayop na paniki at pangolin. Ngunit ang tao’y lubhang naging mapanuklas at lubos na nakialam sa naturalisa ng kalikasan. Hinuhuli at pinapatay ang mga paniki at pangolin upang kanilang gawing alaga o kaya’y gawing pagkain. Kung kaya’t ang virus na ito ay nawalan ng tirahan at ang naging epekto nito sa kanila ay ang humanap ng bagong matitirhan. Hindi nito nais na kumitil o maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ito’y epekto lamang ng ating kagagawan. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay walang iba kundi tao. Binibigyan tayo ng masakit na halimbawa ng COVID-
19 at paalala na tayo’y may limitasyon sa bawat gawain at maunawaan nating ang mundo ay hindi lamang para atin.
Ngayon tayo’y nahaharap sa matinding pagsubok. Isiping mabuti ang kaligtasan ng bawat isa kaysa sa pansariling kapakanan. Ang mga pagsubok na ito ay maging gabay at aral sa ating pamumuhay. Sana, masilayan muli ang liwanag na inaasam-asam ng sanlibutan.
- Ano pinag-uusapan sa binasa?
A. Halaman
B. Kabuhayan
C. COVID-19
D. Kapaligiran
2.Sino ang tinutukoy sa editorial na dapat may limitasyon sa bawat gawain? A. pamahalaan B. paniki C. kalikasan D. tao
- Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng COVID-19?
A. Manatili sa loob ng bahay at umiwas sa mga pagtitipon.
B. Sisihin ang pamahalaan sa mga nangyayari.
C. Mag-post sa Facebook ng mga nararanasan.
D. Manghuli ng paniki at gawing pagkain.
B. Pag-aralan ang editorial cartoon.
- Ano ang paksang ipinahihiwatig nito?
A. halalan
B. rally
C. gutom
D. kapangyarihan
[illustration: editorial cartoon showing a large figure and a smaller figure with a vertical label reading “DINASTIYANG POLITIKAL” [?]]
Sino ang tinutukoy ng COMELEC na “Tama na!”?
A. mga makapangyarihan
B. dinastiyang politikal
C. mga mangangalakal
D. mga dayuhanSa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng editorial cartoon na ito?
A. Hayaan ng COMELEC ang lahat na bumoto.
B. Pigilan ang dinastiyang politikal.
C. May sapat na pundo ang COMELEC.
D. Bigyang ng kapangyarihan ang pulitiko.
C. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
_____7. Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa probinsiya ng Albay sa Bikol.
_____8. Sa aking palagay, maraming turista ang pumupunta rito tuwing bakasyon.
_____9. Tuwang-tuwa silang masilayan ang perpektong hugis nito.
_____10. Pinatutunayan na ang Bulkang Mayon ang pinakamagandang bulkan sa ating bansa.
D. Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o kasama sa bahay humingi ng isang pahayag maging ito ay opinyon o katotohanan tungkol sa editorial cartoon sa ibaba. Pagkatapos, kunin ang iyong sagutang papel upang sumulat ng isang editoryal o argumento tungkol dito. Gamitin ang rubriks na nasa pahina 4 para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa.
[illustration: editorial cartoon of a large figure with a speech balloon, with figures labeled ALKALDE, GOBERNADOR, VICE GOBERNADOR and COMELEC, and a balloon reading “TATAKBO KAMI!”; another balloon reads “KAYO NA KAYO” [?]]
_______________________________________________________.
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 23.
Ano ang naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap? Bilugan ang angkop ng mukha.
[illustration: three faces for the learner to circle: a sad face, a smiling face, and a neutral face]
Karagdagang Gawain
Upang tuluyan kang maging bihasa, sanayin mo pa ang iyong sarili sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa editorial cartoon sa ibaba.
Panuto: Pag-aralan ang isang editorial cartoon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
[illustration: editorial cartoon of a man with a cloche over a dish-like object, with a container labeled CHILD PROTECTION POLICY and labels CHILD TRAFFICKING, CRIME, HAZING, PASSMENT [?] and BULLYING]
“Sibol” Ang opisyal na pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Zeferino Arroyo., Hunyo – Octobre 2018.
- Ano ang paksa ng editorial cartoon?
- Ano ang tuntunin na sinusunod upang mapangalagaan ang mga bata sa karahasan?
- Naranasan mo na bang ma-bully? Kung oo, ano ang iyong ginawa?
- Bilang, mag-aaral, paano ka makatutulong sa kapuwa mag-aaral upang makaiwas sa anumang karahasan?
Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.
Ang husay mo, bata!
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the boxes below were read after rotating the page 180 degrees]
Subukin A
- Opinyon
- Katotohanan
- A
- C
- A
C. Tingnan ang rubriks sa pagwawasto.
Suriin
- A
- C
- E
- B
- D
Tuklasin
- Climate change
- tao
- Oo. (Maaaring tanggapin pa ang ibang kasagutan)
4-5 Iwawasto ng guro
Isaisip
- magsimula sa pagsagot sa mga literal na katanungan at lubos na mauunawaan ang teksto kong masasagot ang pagsusuri at paghihinuha upang maisalaysay mo nang wasto ang detalye na tekstong binasa.
- may sapat na kaalaman kung ano ang ibig sabihin ng opinyon o katotohanan upang masuri ng tama ang isang pahayag.
- makakabuo o makakasulat ng maayos at makahulugang editoryal o argumento.
(tanggapin ang iba pang sagot)
Isagawa
Gamitin ang rubriks sa pagwawasto na nasa pahina 4.
Tayahin A
- C
- D
- A
- A
- B
- B
- katotohanan
- opinyon
- opinyon
- katotohanan
D. Gamitin ang rubriks na nasa pahina 4 sa pagwawasto.
Pagyamanin
A. 1. A 2. D 3. A 4. A 5. A
B. 1. [illustration: smiley face] 2. [illustration: sad face] 3. [illustration: heart] 4. [illustration: smiley face] 5. [illustration: heart]
[transcriber’s note: the symbols in part B are small and were not fully legible; the choice of face or heart for each number is uncertain]
C. Iwawasto ng guro (Iwawasto gamit ang rubrics)
Balikan
| 1.magsalin [?] | magsulat | Pang-abay |
| 2. malinis | papel | Pang-uri |
| 3. maganda | gumihit | Pang-abay |
[transcriber’s note: the table is printed upside down and the first cell and the header row were not fully legible]
Karagdagang Gawain
- Pagpapahalaga sa kapakanan ng isang bata.
- Child Proteksyon Policy
- Sinabi sa guro ang nangyaring pambubully upang masabihan at maipaliwanag ang sila na mali at maaaring mangyari kung patuloy silang pambubully sa iba.
- Gagawa ako ng isang campaign tungkol sa Child Protection Policy upang malaman ang kahalagahan ng isang bata.
(tanggapin ang ibang sagot)
Sanggunian:
- Lalunio, L. P. at Gil, Francisca G. (2010). Hiyas ng Pagbasa 4 Binagong Edisyon. Quezon City: LG & M Corporations, pahina 30-36
- Lalunio, L., Ril, F. and Villafuerte, P., (2010). Hiyas Sa Pagbasa 5. 1st ed. Quezon City: SD Publications Inc., p.173.
- Taduran, Llagas, and Tuyay, (n.d.) Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino, Baitang 4 (Kwarter 3) RO V pp. 170-175, 187-191
- “Sibol” Ang opisyal na pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Zeferino Arroyo., Hunyo – Octobre 2018.
- Diego, J. (2012). Opinyon O Katotohanan. Hunyo 6, 2020, https://www.slideshare.net>.
- Teacherguro. (2014). Opinyon O Katutuhanan. Hunyo 6, 2020, https://teacherguro.weebly.com.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply