Health 4 Quarter 3 Module 2: Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot

Grade 4 Health Quarter 3 Module 2 teaches learners the wrong uses of medicine, safe rules for taking it, and the dangers of medicine abuse.

This is the Edukasyong Pangkalusugan (Health) self-learning module for Grade 4, Quarter 3, Module 2: “Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot” (dangers of the wrong use of medicine). It was prepared by DepEd Region V for learners studying at home through the Alternative Delivery Mode. After the module, learners should be able to describe the wrong use and abuse of medicine, and the dangers that can result from it.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module states two skills that learners should gain:

  1. Describe the wrong ways of using and abusing medicine (“Nailalarawan ang mga maling paggamit at pag-abuso sa gamot”).
  2. Describe the possible dangers of the wrong use and abuse of medicine (“Nailalarawan ang maaring maging panganib sa maling paggamit at pag-abuso sa gamot”).

Lessons in this module

  • Aralin 1: Mga Maling Paggamit at Pag-abuso sa Gamot (wrong use and abuse of medicine). Learners read a story about a boy named Norman, learn the rules for taking medicine safely, and spot common mistakes such as self-medication and overdosage.
  • Aralin 2: Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot (dangers of the wrong use of medicine). Learners study the harmful effects that misuse and abuse of medicine can have on the body.

Key ideas: taking medicine safely

The module starts from a simple point: taking medicine is not bad, but taking it without a doctor’s proper guidance can put a person in danger.

Norman’s story

In “Anong Nangyari kay Norman?” (What happened to Norman?), Norman walks home in the rain without a raincoat. He gets a headache, sneezes, and has a stuffy nose. He takes a medicine from the medicine cabinet without reading the label. An hour later he feels worse, with chills, fever, and itchy rashes, and his mother brings him to the hospital. The doctor explains that:

  • Cough and colds are caused by a virus, not by getting soaked in the rain.
  • Expired medicine does not cause allergies; it only becomes less effective.
  • The rashes may have come from something he ate or from allergens.
  • He should never again take medicine without reading the label or treat himself.

Rules to remember when taking medicine

The module lists seven reminders (“Mga Dapat Tandaan sa Pag-inom ng Gamot”):

  1. Use medicine with the guidance of a responsible adult.
  2. Read and check the medicine label carefully.
  3. Consult a doctor before taking medicine.
  4. Follow the instructions on the medical prescription.
  5. Check the expiration date.
  6. Label medicine containers and store them in the proper place.
  7. Buy medicine from a trusted drugstore.

Common wrong uses of medicine

  • Paggamot sa sarili (self-medication)
  • Taking more than the needed dose (overdosage)
  • Taking different kinds of medicine for the same illness
  • Taking medicine past its expiration date
  • Taking the wrong medicine for an illness
  • Taking medicine prescribed to another person

The review activity also recalls types of medicine from the previous module: analgesic, antibiotic, antacid, antihistamine, antitussive, antidiarrheal, and anti-inflammatory.

Key ideas: dangers of misuse and abuse

Lesson 2 lists what can happen to the body when medicine is abused or used wrongly:

  • A weaker immune system
  • Effects on normal thinking
  • Drug dependency (relying too much on medicine)
  • Dizziness, vomiting, and blurred vision that can lead to blindness
  • Deafness
  • Poisoning and allergic reactions
  • Loss of balance in the body
  • The medicine no longer working after long use
  • Loss of appetite and weight loss

How to use this module

The module follows the usual SLM parts: Alamin (objectives), Subukin (pretest), then for each lesson Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, and Isagawa, followed by Tayahin (assessment), Karagdagang Gawain (additional activity), and the Susi sa Pagwawasto (answer key).

  • Learners: Start with the five-item pretest and check your score. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Be honest when checking your work with the answer key. The final activity asks you to make a poster, slogan, or poem on the effects of medicine abuse and misuse. Contact your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through the story and activities, and use the lesson as a chance to talk about keeping medicine labeled and stored safely at home.
  • Teachers: The module comes with a teacher or facilitator guide in its preface. Check the answer key before releasing it to learners, as some parts of the printed key may need review.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Health module for?

It is for Grade 4 Edukasyong Pangkalusugan (Health), Quarter 3, Module 2.

What lessons does the module cover?

It has two lessons: Aralin 1 on the wrong use and abuse of medicine, and Aralin 2 on the dangers of the wrong use of medicine.

What are examples of wrong use of medicine in the module?

Examples include self-medication, overdosage, taking different medicines for the same illness, taking expired medicine, taking the wrong medicine, and taking medicine prescribed to someone else.

What dangers of medicine abuse does the module list?

It lists a weaker immune system, affected thinking, drug dependency, dizziness and vomiting, blurred vision that can lead to blindness, deafness, poisoning and allergies, loss of body balance, the medicine losing its effect, and loss of appetite.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and the lesson activities.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Health 4_ Module 2

Edukasyong Pangkalusugan

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot

[illustration: students studying under a tree, a teacher with a student at a desk, a child working by lamp light, and two students with a globe]

CO_Q3_Health 4_ Module 2

Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glicybel N. Taduran Editor: Renato B. Gallenito Tagasuri: Cynthia T. Montañez Tagaguhit: Emma N. Malapo Tagalapat: Anthony C. Vista, Jefferson D. Uy Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad Francisco B. Bulalacao, Jr. Grace U. Rabelas Ma. Leilani R. Lorico Jerson V. Toralde Belen B. Pili Randy A. Bona

Edukasyong Pangkalusugan

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang pagsunod sa alituntunin sa paggamit o pag-inom ng gamot ay dapat gawin. Maaaring makasama sa katawan at magdulot ng panganib kung hindi ito magagawa.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng dalawang aralin, at ito ang sumusunod:

  • Aralin 1 – Mga Maling Paggamit at Pag-abuso sa Gamot
  • Aralin 2 – Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot

Inaaasahan na matatamo mo ang sumusunod na kasanayan matapos mong pag-aralan at gawin ang mga gawain sa modyul na ito:

  1. Nailalarawan ang mga maling paggamit at pag-abuso sa gamot; at
  2. Nailalarawan ang maaring maging panganib sa maling paggamit at pag-abuso sa gamot.

1 CO_Q3_Health 4_ Module 2

Subukin

Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod ang maling hakbang sa pag-inom ng gamot?
    a. bumili ng gamot sa pinagkakatiwalaang botika
    b. ilagay ang gamot sa lalagyan pagkatapos gamitin
    c. gamitin ang gamot na may gabay at patnubay ng magulang
    d. inumin ang gamot kahit walang reseta ng doktor


  2. Hindi na makatiis si Arnold sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Kumuha siya ng gamot mula sa kanyang medicine cabinet. Ininom niya ang gamot na katulad ng ibinigay ng nanay niya minsang sumakit ang kaniyang ulo. Alin ang maling gawi sa pag-inom ni Arnold ng gamot?
    a. paggamot sa sarili
    b. pagiging matipid sa gamot
    c. pagiging marunong sa pag-inom
    d. pag-inom ng gamot na may reseta


  3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng maling paraan ng paggamit ng gamot?
    a. uminom ng gamot na nireseta ng doktor
    b. uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat
    c. uminom ng gamot na nireseta sa ibang tao
    d. basahin ang etiketa o label ng gamot bago ito inumin


  4. Ang sumusunod ay mga sitwasyong nagpapakita ng maling paggamit ng gamot MALIBAN sa isa.
    a. paggamot sa sarili (self-medication)
    b. paggamit nang labis sa sukat (over dosage) na kailangan na gamot
    c. pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot sa parehong sakit
    d. pag-inom ng gamot ayon sa reseta ng doktor


2 CO_Q3_Health 4_ Module 2

  1. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin sinunod ang mga alituntunin na dapat sundin sa pag-inom ng gamot?
    a. malulunasan ang ating sakit
    b. lalakas ang ating immune system
    c. magiging masayahin
    d. patuloy na lalala ang karamdaman

Tingnan ang tamang sagot sa pahina 20. Ilan ang nakuha mo?

Magaling kung nakuha mo lahat ng tamang sagot. Ayos lang kung hindi mo nakuha lahat dahil mas lilinangin pa natin ang iyong kaalaman sa pagpapatuloy mo sa modyul na ito.

[illustration: smiling boy with glasses]

3 CO_Q3_Health 4_ Module 2

Aralin 1

Mga Maling Paggamit at Pag-abuso sa Gamot

Hindi masama ang pag-inom ng gamot, ngunit kapag ito ay ginamit ng walang tamang gabay ng doktor, maaaring malagay sa panganib ang taong iinom nito.

Balikan

Sa nakaraang modyul, pinag-aralan natin ang iba’t ibang uri at gamit ng mga gamot. Subukin natin kung naaalala mo pa ang ilan sa mga konsepto na ating napag-aralan.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang tamang gamot na dapat inumin o maaaring ireseta ng doktor para sa sakit o karamdamang nabanggit? Piliin ang sagot sa mga pagpipilian sa sa kahon at isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

AnalgesicAntibioticAntacid
AntihistamineAntitussiveAntidiarrheal
Anti-inflammatory
  1. Nangati ang balat ni Maricel matapos kumain ng pagkaing may tsokolate. Siya ay may allergy sa pagkaing ito? Anong uri ng gamot ang maaari niyang inumin ayon sa doktor?


  2. Dahil sa sobrang init, nahilo at sumakit ang ulo ni Aira. Anong uri ng gamot ang maaari niyang inumin ayon sa doktor?


4 CO_Q3_Health 4_ Module 2

  1. Namamaga ang lalamunan ni Sandro dahil sa bacteria. Ilang araw na niya itong nararamdaman. Ano kayang uri ng gamot ang maaaring ireseta sa kanya ng doktor?


  2. Tuyo at walang plema ang ubo ni Max. Anong gamot ang maari niyang inumin ayon sa doktor?


  3. Masakit at namamaga ang kalamanan ni Alex dahil sa sobrang dami ng mabibigat na bagahe na kanyang binuhat. Anong gamot ang maaari niyang inumin ayon sa doktor?


Tuklasin

Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong.

Anong Nangyari kay Norman?

[illustration: a child lying in bed under a blanket, with a pillow and a hanging light fixture above]

Uwian na. Umulan nang malakas. Hindi nakapagdala ng kapote si Norman. Nagpaulan siya paumuwi ng bahay. Ilang sandali lang pagdating niya ay biglang sumakit ang ulo niya, nagsimulang bumahing at nahirapang huminga dahil sa baradong

ilong. Agad niyang kinuha sa kanilang medicine cabinet ang isang gamot at ininom niya ito agad nang hindi binabasa ang label.

Pagkalipas nang isang oras, lumala ang nararamdaman ni Norman. Nanginginig at nilalagnat na siya. Lumitaw rin ang mga maliliit na pantal sa kanyang katawan na may kasamang pangangati. Nabahala ang nanay ni Norman nang makita ang kalagayan ng anak pagdating nito. Nagpasiya ang nanay ni Norman na dalhin siya sa ospital.

Pagkatapos matingnan ng doctor si Norman, binigyan sya ng reseta. Itinama rin ng doctor ang paniniwalang magkakasakit ang tao kapag naulanan. Ang ubo at sipon ay sanhi ng virus at hindi ang pagka babad sa ulan. Bukod dito, ipinaalala ng doctor na hindi nakakapag dulot ng allergy and expired na gamot bagkus ay bumababa lang ang bisa nito. Ang dahilan ng pangangati nya at pagkakaroon ng pantal ay maaaring dulot ng kinain nya o mga allergens na nag pasimula ng pantal at pangangati nya. Pinaalala rin niya na huwag ng uliting uminom ng gamot na hindi binabasa ang label o magsariling maggamot.

Mga tanong:

  1. Ano ang nangyari kay Norman?
  2. Ano ang ginawa niya nang makaramdam siya ng kakaiba?
  3. Ano ang mali sa ginawa ni Norman?
  4. Ano ang maling kaisipan na iniwasto ng doctor?
  5. pa ang natutunan ni Norman at ng kanyang ina sa Doktor?
Suriin
Mga Dapat Tandaan sa Pag-inom ng Gamot
  1. Gamitin ang gamot na may gabay ng responsableng nakatatanda.
  2. Basahin at suriing mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot (medicine label).
  3. Kumunsulta sa doktor bago uminom ng gamot.
  4. Sundin ang mga panutong nakasaad sa preskripsiyong pangmediko o medical prescription.
  5. Tingnan at suriin kung kailan mawawalan ng bisa ang gamot (expiration date).
  6. Lagyan ng leybel o pangalan ang sisidlan ng gamot at itago sa tamang lugar (label and proper storage).
  7. Bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika.

Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong papel.

[illustration: a woman sitting at a table with a plate of food and a medicine bottle beside it]

[illustration: a child lying in bed under a blanket]

[illustration: a child sleeping in bed beside a clock showing 2:00]

[illustration: a girl with a sad expression, hands at her sides]

a. _______________________ b. _______________________ c. _______________________ d. _______________________

Tukuyin ang maaaring mangyari kapag hindi sinunod ang mga alituntunin sa pag-inom ng gamot. Isulat ang sagot sa inyong papael.?

Pagyamanin
Gawain 1. Ano ang mali?

Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng hindi pagsunod sa tamang alituntunin sa pag-inom ng gamot. Pagtambalin ang larawan sa Hanay A at ang wastong sinasabi ukol dito sa Hanay B. Isulat sa iyong papel kung bakit mali ang ipinapakita nito.

AB
1. [illustration: a boy drinking from a glass while holding a spoon, with a cough syrup bottle and a glass beside him]A. Paggamot sa Sarili
2. [illustration: a child holding a glass of water and raising a hand]B. Paggamit ng labis sa sukat (overdosage) na kailangan ng gamot
3. [illustration: a child taking medicine from a spoon while holding a bottle]C. Pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot sa parehong sakit
4. [illustration: a child reaching toward a medicine bottle on a shelf labeled “LOPERAMIDE Anti-Diarrheal” and “COUGH SYRUP”]D. Pag-inom ng gamot na lagpas na sa Expiration Date
E. Pag-inom ng maling gamot sa karamdaman
Gawain 2

Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na nagsasabi ng mga dapat tandaan sa pag-inom ng gamot at ekis (X) naman sa mga hindi.

_____ 1. Uminom ng gamut na hindi nireseta ng doktor. _____ 2. Uminom ng gamut ayon sa dami at tamang sukat nito. _____ 3. Basahin ang label ng gamot bago ito inumin. _____ 4. Uminom ng tamang gamut para tamang uri ng sakit. _____ 5. Uminom ng gamut na nireseta sa ibang tao.

Isaisip

Punan ang patlang ng mga ankop na salita upang makabuo ng makabuluhang pangungusap.

Dapat nating sundin ang mga _____ paraan ng paggamit ng _____ upang maiwasan ang ibat ibang problemang _____.

Isagawa

Ano-ano ang maling paraan ng paggamit ng gamot? Kopyahin sa sagutang papel at punan ng tamang sagot ang sumunod na graphic organizer.

[chart: graphic organizer; Isagawa (no numbered title printed)]

  • Center circle: Maling Paggamit ng Gamot
  • Four surrounding blank circles: _____ (top), _____ (left), _____ (right), _____ (bottom)

Aralin 2 – Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot

Sa tuwing tayo ay nagkakasakit, nais lamang natin ay agarang paggaling. Ang pag konsulta sa doktor ay mahalaga upang matuloy kaagad ang karamdaman. Sa pag inom ng gamut dapat sundin ang nakasaad sa reseta Kapag ordinaryong sakit Ngunit may mga bagay na dapat isaalang-alang tamangpaggamit ng gamotupangmakaiwassapanganibnamaaringmaidulot nito.

Balikan

Sa unang aralin, pinag-aralan natin ang ang mga maling paggamit at pag-abuso sa gamut. Subukin muli natin ang iyong kaalaman bago tayo mag simula ng bagong aralin.

Iguhit ang masayang mukha ☺ na nagsasabi ng mga dapat tandaan sa pag-inom ng gamot at malungkot na mukha ☹ sa hindi.

_____ 1. Uminom ng gamot na hindi nireseta ng doktor. _____ 2. Uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat nito. _____ 3. Basahin ang label ng gamut bago ito inumin. _____ 4. Uminom ng tamang gamut para uri ng sakit. _____ 5. Uminom ng gamot na nireseta sa ibang tao.

Tuklasin

Tingnan ang tamang sagot sa pahina 10. Ilan ang nakuha mo? Magaling kung nakuha mo lahat ng tamang sagot. Maari ka nang magpatuloy. Kung hindi mo nakuha, maaari mong balikan ang mga konseptong hindi mo nakuha sa nakaraang modyul.

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

[illustration: four-panel drawing of a child taking cough syrup from a spoon, a child pouring from a bottle labeled “COUGH SYRUP” with a date printed on it, a child holding a glass of water, and a child with a cloth near a shelf holding a bottle labeled “LOPERAMIDE Anti-Diarrheal” and “COUGH SYRUP”]

  1. Ano-ano ang ginagawa ng bata? Mabuti ba ito?
  2. Paano nila ginagamit ang mga gamot?
  3. Ano-ano ang maaring panganib na maibubunga nito?
Suriin
Mga Panganib sa Pag-abuso at Maling Paggamit ng Gamot

Ang pag-abuso at maling paggamit ng gamot ay magdulot ng panganib sa katawan. Ilan sa maaaring mangyari ay ang sumusunod:

  • Paghina ng immune system
  • Naapektuhan ang normal na pag-iisip
  • Drug dependency o ang sobrang pagdepende o pagsandig sa gamot
  • Pagkahilo, pagsusuka at pagkakaroon ng malabong paningin na maaring mauwi o magdulot sa pagkabulag
  • Pagkabingi
  • Pagkalason at nagiging sanhi ng allergy
  • Pagkasira ng balanse sa katawan
  • Pagka wala ng bisa ng ininum na gamot dahil sa tagal ng paggamit
  • Pagkawala ng gana sa pagkain at pangangayayat
Pagyamanin

Gawain 1. Lagyan ng tsek (/) sa loob ng kahon ang mga larawan na nagpapakita ng masamang epekto ng pag abuso ng gamot.

☐ [illustration: sick person wrapped in a scarf]

☐ [illustration: person holding head, with dizzy stars above]

☐ [illustration: person crouching on a platform]

☐ [illustration: person with shattered, fragmented head]

☐ [illustration: boy flexing both arms]

☐ [illustration: figure bent over, vomiting]

Pagyamanin

Gawain 2. Lagyan ng [illustration: prohibition sign] ang bilang ngpangngusap nagsasabi ng panganib na maaaring maidulot ng pag-abuso o maling paggamit ng gamot.

_____1. Malakas na immune system

_____2. Pagkahilo at pagsusuka

_____3. Drug dependency o ang sobrang pagdepende o pagsandig sa gamot

_____4. Normal na pag-iisip

_____5. Pagkabingi

_____6. Pagkalason

_____7. Balanseng katawan

_____8. Malabong paningin na maaring magresulta sa pagkabulag

_____9. Maganang kumain

_____10. Allergic reaction

Isaisip

Ano-ano ang epekto ng pag-abuso o maling paggamit ng gamot? Isulat ang sagot sa loob ng graphic organizer sa ibaba.

[chart: graphic organizer; Isaisip]

  • Center: Mga Epekto ng Pag-abuso at Maling Paggamit ng Gamot
  • Outer hexagons (six blanks): ______________ / ______________ / ______________ / ______________ / ______________ / ______________
Isagawa

Paano mo maiiwasan ang maling paggamit at pag-abuso sa mga gamot? Sumulat ng isang talata tungkol dito. Gawin ito sa inyong sagutang papel.





Tayahin

Tukuyin kung tama o mali ang nilalaman ng mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang nilalaman ng pangungusap at MALI kung hindi ito wasto.

______ 1. Isang pisikal na epekto ng maling paggamit ng gamot ang pagkabingi.

______ 2. Isang mabuting paraan ang pag-inom ng gamot na nireseta ng doktor sa ibang tao na kahalintulad ng iyong karamdaman.

______ 3. Nagpapahina sa immune system ang maling paggamit ng gamot.

_____ 4. Ang malusog na pangagatawan ay maaaring maging bunga ng sobrang paggamit ng gamot.

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang poster, islogan o tula na nagpapakita ng epekto ng pag-abuso at maling paggamit ng gamot.

[transcriber’s note: the printed answer box for this activity is empty]

Susi sa Pagwawasto

Balikan
  1. [transcriber’s note: the symbols beside items 1 to 5 are smiley faces, printed upside down; they could not be reliably distinguished]
  2. [illegible]
  3. [illegible]
  4. [illegible]
  5. [illegible]
Tuklasin
  1. Ang mga bata ay umiinom ng gamot
  2. Iniinom nila ito ayon sa reseta ng doctor
  3. Maaring ikamatay nila kapag naabuso nila ang pag-inom ng gamot
Pagyamanin: Gawain 1

[illustration: five pictures with checkboxes; some boxes marked with a slash, printed upside down]

[transcriber’s note: the marked boxes could not be enumerated reliably from the rotated page]

Pagyamanin: Gawain 2
  1. ⊘
  2. ⊘
  3. ⊘
  4. ⊘
  5. ⊘
  6. ⊘
Isaisip

Tamang/wastong, gamot, pangkalusugan

Isagawa
  1. Pagkahilo
  2. Pagsusuka
  3. Pagtatae
  4. Pagkakaroon ng lagnat
  5. Pagkawala sa iisip – tamang pag-iisip
  6. Pagkamatay
Tayahin
  1. TAMA ●
  2. MALI ●
  3. TAMA ●
  4. TAMA ●
  5. MALI ●

Aralin 2

Isagawa
Gawain 1
  • Paggamot sa Sarili
  • Paggamit ng labis sa sukat (overdosage) na kailangan ng gamot
  • Pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot sa parehong sakit
  • Pag-inom ng gamot na lagpas na sa Expiration Date
  • Pag-inom ng maling gamot sa karamdaman
Gawain 2
  • Paghina ng immune system
  • Naapektuhan ang normal na pag-iisip
  • Drug dependency o ang sobrang pagdepende o pagsandig sa gamot
  • Pagkahilo, pagsusuka at pagkakaroon ng malabong paningin na maaring magresulta sa pagkabulag
  • Pagkabingi
  • Pagkalason at reaksiyon o nagiging sanhi ng allergy
  • Pagkasira ng balanse sa katawan
  • Hindi na tatablan kapag tumagal pa ang paggamit
  • Pagkawala ng gana sa pagkain at pangangayayat

Aralin 1

Subukin
  1. D
  2. A
  3. C
  4. D
  5. D
Balikan
  1. Antihistamine
  2. Analgesic
  3. Antibiotic
  4. Antitussive
  5. Anti-inflammatory
Tuklasin
  1. Si Norman ay nilagnat matapos magpaulan pauwi ng bahay.
  2. Agad niyang kinuha sa kanilang medicine cabinet ang isang gamot at ininom niya ito agad nang hindi binabasa ang label.
  3. Lumala ang nararamdaman ni Norman. Nanginginig at nilalagnat na siya. Lumitaw rin ang mga maliliit na pantal sa kanyang katawan na may kasamang pangangati.
  4. Paggamot sa sarili at pag-inom ng gamot na hindi binabasa ang label nito.
  5. Dapat munang magpakonsulta sa doktor bago uminom ng gamot.
Pagyamanin
Gawain 1
  1. C
  2. B
  3. D
  4. E
Gawain 2
  1. X
  2. /
  3. /
  4. /
  5. X
Isaisip

Tamang/wastong, gamot, pangkalusugan

Aralin 1

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Patnubay ng Guro, Book Media Press Inc.,2015

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral, Book Media Press Inc., 2015

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district