MTB-MLE Grade 2 Quarter 1 Module 8: Kasarian ng Pangngalan (Gender of Nouns)

Grade 2 MTB-MLE Quarter 1 Module 8 teaches learners the four genders of nouns: panlalaki, pambabae, di-tiyak, and walang kasarian, with answer key.

This is the Grade 2 MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) self-learning module for Quarter 1, Module 8: “Kasarian ng Pangngalan” (gender of nouns). It was published by DepEd Region III for home learning, and its lessons and activities are in Tagalog. After working through it, learners should be able to tell the gender of a noun: male, female, either one, or none.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one learning goal in its Alamin (What to know) part:

  • Identify the gender of nouns (makatutukoy ng kasarian ng pangngalan). Competency code: MT2GA-Ic-2.1.2

The module says this skill matters because knowing a noun’s gender helps learners understand what a picture or a text is talking about.

The four genders of nouns

The module teaches that a noun (pangngalan) can name a person, thing, or animal. Every noun belongs to one of four genders (kasarian). The Isaisip (Remember) part defines them this way:

  • Panlalaki (masculine): a noun that names a male.
  • Pambabae (feminine): a noun that names a female.
  • Di-tiyak (common or uncertain gender): a noun that can refer to either a male or a female.
  • Walang kasarian (neuter, no gender): a noun for a thing that is neither female nor male.

The module gives these examples:

Pambabae (female)Panlalaki (male)Di-tiyak (either)Walang kasarian (none)
lolahardineropulisbato
Anatiyogurosilya
Beakuyapangulodamit
ateninongibontinapay
prinsesaparikalabawpapel

A few points from the examples and activities are worth noting:

  • Names of people, like Ana, Bea, and Nena, have a gender. Ana and Bea are female names.
  • Jobs such as pulis (police officer), guro (teacher), and nars (nurse) are di-tiyak, because a man or a woman can hold them.
  • Words like kaklase (classmate), kaibigan (friend), kapatid (sibling), kapit-bahay (neighbor), bata (child), and pinsan (cousin) are also di-tiyak.
  • Animals named in general, such as ibon (bird), kalabaw (carabao), and aso (dog), are treated as di-tiyak.
  • Objects such as kama (bed), baso (glass), suklay (comb), and radyo (radio) have no gender.

What is inside the module

The module follows the usual DepEd self-learning module parts:

  1. Subukin (pretest): learners write the gender of five pictured nouns, such as a basketball, a man, a woman, a bed, and a baby.
  2. Balikan (review): learners mark which words name a person, such as ate, abogado, and tatay.
  3. Tuklasin (discover): a short story, “Ang Aking Mga Laruan” (my toys), about a child’s dolls, toy cooking set, and puzzles.
  4. Suriin (examine): questions about the story, the table of the four genders, and a short task to find the gender of nouns from the story.
  5. Pagyamanin (enrichment): guided practice and checks (Pinatnubayang Pagsasanay and Pagtatasa), then independent practice and checks (Malayang Pagsasanay and Pagtatasa). These use pictures, true-or-false items, matching, and sorting words into a chart.
  6. Isaisip (remember): the definitions of the four genders.
  7. Isagawa (apply): learners name the gender of the italicized noun in sentences like “Matulungin ang aking ninang” (my godmother is helpful).
  8. Tayahin (assessment): a five-item final test using sentences with underlined nouns.
  9. Karagdagang Gawain (additional activity): learners pick out nouns from a short paragraph about a park and sort them by gender.

The last part of the module is the Susi sa Pagwawasto (answer key) for every activity.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper. The module asks learners not to write on or mark any page, so it can be used by others. Tell your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through the story and the activities, and use the answer key to check work after each activity. The module asks learners to use the key honestly. A low pretest score shows that your child may need extra help.
  • Teachers: The module is built for home learning. It comes with a teacher or facilitator guide that has reminders and strategies for parents. The Tayahin test at the end measures what learners have learned.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 2 MTB-MLE, Quarter 1. It is Module 8 of the quarter.

What are the four genders of nouns in this module?

Panlalaki (male), pambabae (female), di-tiyak (can be male or female), and walang kasarian (no gender, for things that are neither male nor female).

What does di-tiyak mean?

Di-tiyak is the gender of a noun that can refer to either a male or a female. The module’s examples include pulis, guro, pangulo, kaklase, and animals like ibon and kalabaw.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the pretest, every activity, and the final test.

What is the competency code of this module?

The module prints the code MT2GA-Ic-2.1.2 for the skill of identifying the gender of nouns.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 8: Kasarian ng Pangngalan

2

MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 8: Kasarian ng Pangngalan

[illustration: students reading and writing outdoors and at a desk, a teacher, a globe, and a child working by a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_MTB2_MODULE 8

MTB-MLE – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Kasarian ng Pangngalan Unang Edisyon 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng mga awtor at tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Wilma I. Matibag

Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay

Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor

Tagaguhit: Emily D. Madarang

Tagalapat: Cristina T. Fangon, Edeliza T. Manalaysay

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg, Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ______________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph

2

MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 8: Kasarian ng Pangngalan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makatutukoy ng kasarian ng pangngalan.

MT2GA-Ic-2.1.2

Subukin

Panuto: Isulat ang kasarian ng pangngalan batay sa mga sumusunod na larawan. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

L – panlalaki B – pambabae D – di-tiyak W – walang kasarian

_____1. [illustration: basketball]

_____2. [illustration: a man pointing, standing with arms outstretched]

_____3. [illustration: a woman with glasses and hair in a bun]

_____4. [illustration: a bed]

_____5. [illustration: a baby wrapped in a blanket]

Aralin 1: Kasarian ng Pangngalan

Mahalaga na malaman natin ang mga kasarian ng pangngalan upang malaman natin ang tinutukoy ng bawat larawan na ating nakikita o mga tekstong ating nababasa.

Balikan

Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang ☺ kung ang sumusunod na salita at tumutukoy sa tao at ☹ naman kung hindi.

______1. telepono ______2. panyo ______3. ate ______4. abogado ______5. tatay

Tuklasin

Sa araling ito matutuklasan mo ang iba’t ibang kasarian ng pangngalan na tumutukoy sa tao, bagay at mga hayop. Ngunit bago iyan ay basahin mo muna ang kuwento.

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

[illustration: puzzle with one piece highlighted]

Ang Aking Mga Laruan

Maria Wilma Matibag

Marami akong laruan. Ito ay bigay ng aking nanay, tita, lola at ng mga kapatid. Mayroon akong manika na iba-iba ang itsura, at mga luto-lutuan na may kasamang iba’t ibang hugis ng gulay at prutas. Mayroon din akong mga puzzle na gustong-gusto ko dahil tumatalas ang aking isipan. Pagkatapos kong laruin ang mga ito, inililigpit at ibinabalik ko sa kabinet.

[transcriber’s note: the printed folio numbers on these pages run from 3 to 10; the page markers below follow the PDF page numbers 9 to 16 as instructed]

Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa binasang kuwento. Piliin ang letra ng tamang sagot.

  1. Ano ang pamagat ng kuwento?
    A.Laruan
    B. Ang Aking Mga Laruan


  2. Ilan ang kanyang mga laruan?
    A.Marami
    B. Isa


  3. Sino-sino ang nagbigay ng kanyang mga laruan?
    A.kapit-bahay, kamag-aral at kaibigan
    B. nanay, tita, lola at mga kapatid


  4. Ano ang gustong-gusto niyang laruan na nagpapamalas ng kanyang isipan?
    A.manika
    B. puzzle


  5. Pagkatapos niyang laruin, ano ang kanyang ginagawa sa mga laruan?
    A.Inililigpit at ibinabalik sa kabinet.
    B. Iniiwanan na lamang.


May apat na kasarian ang pangngalan.

PambabaePanlalakiDi-tiyakWalang Kasarian
LolaHardineroPulisBato
AnaTiyoGuroSilya
BeaKuyaPanguloDamit
AteninongIbonTinapay
Prinsesaparikalabawpapel

Subukin mo ngang tukuyin ang kasarian ng mga pangngalang ginamit sa kuwento. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. kapatid
  2. laruan
  3. gulay
  4. lola
  5. cabinet
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan ng mga larawan na nasa ibaba. Isulat ang PL kung panlalaki, PB kung pambabae, DT kung di-tiyak at WK kung walang kasarian.

______ 1. [illustration: bag]

______ 2. [illustration: boy in a long robe]

______ 3. [illustration: dog]

______ 4. [illustration: cap]

______ 5. [illustration: pillow]

Pinatnubayang Pagtatasa 1

Panuto: Isulat ang T kung tama ang kasarian ng pangngalan at M naman kung mali.

________ 1. pinsan-panlalaki

________ 2. puno-walang kasarian

________ 3. ate-pambabae

________ 4. pulis-di-tiyak

________ 5. kama-walang kasarian

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Pagtapatin kung anong kasarian ang tinutukoy ng mga nasa larawan. Isulat lamang ang letra.

Hanay AHanay B
1. [illustration: pig]a. pambabae
2. [illustration: princess in a gown]b. panlalaki
3. [illustration: tree]c. di – tiyak
4. [illustration: king]d. Walang kasarian
5. [illustration: cat]
Pinatnubayang Pagtatasa 2

Panuto: Basahin at piliin ang tamang kasarian ng mga sumusunod na pangngalan.

PangngalanKasarian ng PangngalanKasarian ng Pangngalan
1. batapambabaedi-tiyak
2. nanaypanlalakipambabae
3. platowalang kasariandi-tiyak
4. ninongpambabaepanlalaki
5. titapambabaepanlalaki

[transcriber’s note: the printed table has one merged header cell, “Kasarian ng Pangngalan”, spanning two columns; it is repeated in both columns above]

Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang kasarian ng sumusunod na pangngalan. Kopyahin ang tsart at isulat sa wastong hanay ang iyong sagot.

  1. damit
  2. ninang
  3. lolo
  4. kaklase
  5. kapit-bahay
PanlalakiPambabaeDi-tiyakWalang kasarian
Malayang Pagtatasa 1

Panuto: Isulat ang PL kung panlalaki, PB kung Pambabae, DT kung di-tiyak at WK kung walang kasarian.

  1. paso


  2. ale


  3. kuya


  4. nars


  5. tabo


Malayang Pagsasanay 2

Panuto: Piliin ang angkop na kasarian ng pangngalan.

  1. pambabae ☐kaklase ☐ate ☐bumbero
  2. panlalaki ☐tatay ☐puno ☐kaibigan
  3. di-tiyak ☐baso ☐bola ☐kaklase
  4. walang kasarian ☐suklay ☐tita ☐tito
  5. pambabae ☐lola ☐lolo ☐kaibigan
Malayang Pagtatasa 2

Panuto: Isulat ang kasarian ng pangngalan ng mga nasa larawan kung panlalaki, pambabae, di-tiyak o walang kasarian.

  1. [illustration: drinking glass] ___________ 2. [illustration: girl in a dress] ___________


  2. [illustration: boy] ___________ 4. [illustration: plant] ___________


  3. [illustration: nun in habit] ___________


Isaisip

Ang pangngalan ay may apat na kasarian.

Panlalaki – pangngalang tumutukoy sa ngalan ng lalaki. Pambabae – pangngalang tumutukoy sa ngalan ng babae. Di-tiyak – pangngalang maaaring tumukoy sa lalaki o babae. Walang kasarian – pangngalang tumutukoy sa bagay na hindi babae at hindi rin lalaki.

Isagawa

Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalang nakahilig sa pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

a. pambabae b. panlalaki c. di-tiyak d. walang kasarian

_______1. Ang kalabaw ay kulay itim. _______2. Ang baso ay puno ng tubig. _______3. Matulungin ang aking ninang. _______4. Ang radyo ay bago. _______5. Ang ama ay masipag.

Tayahin

Panuto: Piliin sa ibaba ang wastong kasarian ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  • L – panlalaki
  • B – pambabae
  • D – di-tiyak
  • W – walang kasarian

______ 1. Ang kama ay malambot. ______ 2. Masipag ang aming guro. ______ 3. Siya ang tunay kong kaibigan. ______ 4. Ang aking kuya ay malakas. ______ 5. Ang lola ko ay mabait.

Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin ang mga pangngalan na ginamit sa talata at isulat ito batay sa hinihingi sa loob ng kahon.

Maraming tao sa parke tuwing hapon. Mga bata at matanda ang namamasyal na may kasama pang mga alagang aso. Si Nena at ang kanyang nanay ay madalas nagpupunta rito. Libang na libang siya dahil maraming mabibili rito tulad ng sorbetes, fishball at iba’t ibang kulay na lobo.

PanlalakiPambabae
Di-tiyakWalang Kasarian

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down and laid out as a grid of answer columns; it is transcribed below in activity order]

Subukin
  1. W
  2. L
  3. B
  4. W
  5. D
Balikan
  1. ☹
  2. ☹
  3. ☺
  4. ☺
  5. ☺
Suriin
  1. B
  2. A
  3. B
  4. B
  5. A
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
  1. WK
  2. PL
  3. DT
  4. WK
  5. WK
Pinatnubayang Pagtatasa 1
  1. M
  2. T
  3. T
  4. T
  5. T
Pinatnubayang Pagsasanay 2
  1. D
  2. A
  3. D
  4. B
  5. C
Pinatnubayang Pagtatasa 2
  1. Di-tiyak
  2. Pambabae
  3. Walang kasarian
  4. Panlalaki
  5. pambabae
Malayang Pagsasanay 1
  • Panlalaki-lolo
  • Pambabae-ninang
  • Di-tiyak-kaklase, kapitbahay
  • Walang kasarian-damit
Malayang Pagtatasa 1
  1. WK
  2. PB
  3. PL
  4. DT
  5. WK
Malayang Pagsasanay 2
  1. ate
  2. tatay
  3. kaklase
  4. suklay
  5. lola
Malayang Pagtatasa 2
  1. Walang kasarian
  2. Pambabae
  3. Panlalaki
  4. Walang kasarian
  5. Pambabae
Isagawa
  1. C
  2. D
  3. A
  4. D
  5. B
Tayahin
  1. W
  2. D
  3. D
  4. L
  5. B
Karagdagang Gawain
  • Panlalaki-
  • Pambabae=Nena, Nanay
  • Di-tiyak= tao, bata, matanda, aso
  • Walang kasarian= sorbetes, lobo, fishball

Sanggunian

Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.

Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district