Ang modyul na ito ay may mga gawain na susukat at lilinang sa iyong kaalaman tungkol sa pagguhit ng mukha ng tao, gamit at iba’t ibang hugis, linya at tekstura.
Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan:
• Natutukoy ang iba’t ibang linya, hugis at textura sa pagguhit ng mukha ng tao.
• Nakagagamit ng iba’t ibang linya, hugis at textura sa pagguhit ng mukha ng tao.
• Nakaguguhit ng isang larawan ng dalawa o higit pang tao na nagpapakita ng mga pagkakaiba sa parte at hugis ng kanilang mga mukha.
• Napapahalagahan ang taglay na katangian ng mukha ng bawat indibidwal.