This is the Grade 2 Arts self-learning module for Quarter 1, Module 1, titled “Sining na kay Ganda” (how beautiful art is). It is written in Filipino and was prepared by DepEd Region III under the Alternative Delivery Mode, first edition 2020. In it, Grade 2 learners meet famous Filipino painters, see that each painter has his own style of drawing, and learn to take pride in Filipino art.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module’s introduction (Alamin) says learners will find out:
- who some of the famous Filipino painters are
- what each painter’s own style of drawing is
The teacher’s note adds that the module helps learners value these painters’ special talent and encourages them to develop their own talent in art.
Parts of the module
The module has one lesson, Aralin 1: Sining na kay Ganda, set out in the usual self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Marks five artworks with a star if made by a famous Filipino painter, or a moon if not |
| Balikan (review) | Names places in the community from pictures, such as the church, hospital, park, and school |
| Tuklasin (discover) | Reads the story “Ang Lakbay-Aral” (the field trip) and answers a question about it |
| Suriin (examine) | Compares two paintings and answers three questions |
| Pagyamanin (practice) | Marks names with a heart if the person is a famous Filipino painter, or a circle if not |
| Isaisip (remember) | Reads a short summary of the lesson |
| Isagawa (apply) | Fills in a Venn diagram comparing two painters |
| Tayahin (assessment) | Draws a happy or sad face to agree or disagree with five statements |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Draws and colors a favorite place they have visited |
The story: Ang Lakbay-Aral
The module explains that a lakbay-aral (study trip) means visiting different places, where every place has a lesson. In the story by Joann T. Del Rosario, Zia and her Grade 2 classmates go on a trip around Olongapo with their teacher, Gng. Diaz. They visit the city hall, pass the Ulo ng Apo landmark, and tour the Olongapo Museum, where they see lifelike statues, pictures of old Olongapo, and many paintings. The children notice that the paintings use different shapes, light and dark colors, and different styles of drawing. Their last stop is Marikit Park.
The story leads to the key question: do all painters draw in the same style? The module’s answer is no, because every painter has his own style of drawing or painting.
Key ideas: Filipino painters and their styles
A pintor (painter) is someone who paints. According to the module, painters have a special skill in drawing and painting because they need artistic talent, a sharp eye, and a steady hand to make art.
The module features two famous Filipino painters:
- Mauro Malang Santos, better known as Malang in his works, draws things from his imagination. The module shows his works “Woman Fruit Vendor,” “Untitled” (Fiesta), “Fiesta,” and “Mother and Child.”
- Fernando C. Amorsolo is known for what the module calls the “still life” concept: drawing real people, things, and scenery seen in the surroundings. The module shows his works “Palay Maiden,” “Tinikling sa Barrio,” “Planting Rice,” and “The Making of Philippine Flag.”
The Isaisip part sums it up:
- Some painters draw what they see around them, such as people, objects, and animals.
- Other painters draw from their imagination, things we cannot see around us.
- Whatever their style, their work shows their skill, and we should be proud of them because they bring honor to the country.
In the Isagawa Venn diagram, learners place “still life” under Amorsolo, “imahinasyon” (imagination) under Malang Santos, and “pintor” (painter) in the middle, since both are painters.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so other learners can use it. Ask your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is made for learning at home. Help your child read the story and look closely at the paintings. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end to check answers, and encourage honest use of it.
- Teachers: The pretest shows which learners may need extra help. The Suriin questions and the Karagdagang Gawain drawing have open answers, so check these by reading the learner’s own work.
Frequently asked questions
What grade and quarter is Sining na kay Ganda for?
It is the Grade 2 Arts module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1. It was prepared by DepEd Region III as a self-learning module.
Which Filipino painters are featured in this module?
The module features Mauro Malang Santos, who draws from his imagination, and Fernando C. Amorsolo, who draws real people, things, and scenery from his surroundings.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module has answers for the activities and tests. Some items, such as the Suriin questions and the drawing activity, ask for the learner’s own answer.
What is a lakbay-aral?
A lakbay-aral is a study trip, a visit to different places where each place teaches a lesson. The module’s story follows Grade 2 learners on a lakbay-aral around Olongapo.
What is the main lesson of the module?
Every painter has his own style of drawing. Some draw what they see around them and others draw from imagination, and we should be proud of Filipino painters.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Arts Unang Markahan – Modyul 1: Sining na kay Ganda
[transcriber’s note: large yellow “2” grade-level marker on the cover]
[illustration: children reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, a student with a globe, and a boy writing with a lantern]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_Arts 2_ Module 1
Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Sining na kay Ganda Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Joann T. Del Rosario Editor: Nelson Oliva Tagasuri: Saturnino D. Dumlao Tagaguhit: Danilo M. Dela Rosa Tagalapat: Marita S. Geronimo Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Engelbert Agunday, Felegina F. Bugay, Jose C. Tala
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _______________________
Department of Education – Region III
Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
3
Arts
Unang Markahan – Modyul 1: Sining na kay Ganda
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng malawak na imahinasyon, pagiging malikhain, talentado at mahusay sa iba’t ibang larangan tulad ng masining na paglikha. Patunay rito ang ilan sa mga tanyag na pintor na gumamit ng iba’t ibang pamamaraan na talaga namang maipagmamalaki ng ating bayan dahil ang bawat likhang sining ng mga taong ito ay sumasalamin sa makulay na kultura at kaugalian ng mga Pilipino.
Matututuhan mo sa modyul na ito kung sino-sino ang mga tanyag na Pilipinong pintor at ang kani-kanilang estilo sa pagguhit.
Subukin
Panuto: Pagkilala sa mga likhang sining. Lagyan ang mga sumusunod na likhang sining ng ☆ kung likha ng tanyag na Pilipinong pintor at ☾ kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- [illustration: landscape painting of horses and a mountain, in grayscale]
- [illustration: seaside scene with a palm tree and sun]
- [illustration: still life painting of figures, a vase, and fruit, in grayscale]
- [illustration: rural scene with houses and trees along a road]
- [illustration: street scene with people and a market, in grayscale]
Aralin 1: Sining na kay Ganda
Sa araw – araw nating paglabas ng ating tahanan, iba’t ibang sining ang ating masisilayan. Pagmasdan mo lamang ang iyong kapaligiran ay mapupuno na ang iyong mata ng samu’t saring ganda.
Maging likha man ito ng kalikasan o tao, ito’y karapat dapat na ipagmalaki at pagyamanin.
Balikan
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na lugar na makikita sa komunidad. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
- [illustration: building with columns and a pediment]
- [illustration: church with a cross and an arched door]
- [illustration: hospital building with a red cross sign]
- [illustration: government building with a flag and the sign “OLONGAPO CITY”]
- [illustration: park entrance sign reading “MARIKIT PARK”]
paaralan ospital bahay pamahalaan parke simbahan
Mga Tala para sa Guro
Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang makilala ang mga tanyag na Pilipinong pintor at mabigyang halaga ang kanilang natatanging talento sa sining. Naglalaman ito ng mga gawain upang mahikayat sila na linangin ang sariling talento sa sining.
Tuklasin
Naranasan mo na ba ang maglakbay-aral? Ang lakbay-aral ay ang pagpunta sa iba’t-ibang lugar. Isa itong istratehiya sa pag-aaral na kung saan bawat lugar ay may aral at sa bawat hakbang ay may natutunan.
Basahin natin ang kwento at alamin ang mga aral na natutunan ng mga bata.
Ang Lakbay-Aral
Kuwento ni Joann T. Del Rosario
Masayang gumising ang batang si Zia. Ngayon kasi ang kanilang lakbay-aral sa kanilang komunidad. Dali-dali siyang naghanda patungo sa kanilang paaralan
[illustration: Olongapo City Hall building with children and a bus in front, and a portrait of a man beside it]
Iginuhit ni: Danilo M. Dela Rosa
“Mga bata, handa na ba kayo sa ating lakbay-aral?”, tanong ni Gng. Diaz na kanilang guro sa ikalawang baitang.
“Opo Madam”, sabay-sabay na sagot ng mga bata. Una nilang pinuntahan ay ang munisipyo ng Olongapo.
“Wow! Ang laki at ang ganda pala ng ating munisipyo”, wika ng mga bata.
“Sino ang makikita natin sa lugar na ito?” tanong ng guro.
“Ma’am si Mayor Rolen Paulino Jr. po, ang ating punong lungsod”, malakas na sagot ni Zeyn.
“Magaling! Tama si Zeyn. Dito ang opisina ng ating punong lungsod”, paliwanag ni Gng. Diaz.
Sunod na pinuntahan ng mga bata ay ang Olongapo Museum. Habang binabagtas nila ang daan patungo sa museo ay may pumukaw sa paningin ni Lenzy.
“Ma’am iyon po ba ang Ulo ng Apo?”, tanong ni Lenzy.
“Tama ka Lenzy, iyan nga ang Ulo ng Apo na sumasagisag sa Olongapo,” paliwanag ng guro.
Narating nila nang maluwalhati ang museo. Maayos na pumila ang mga bata. Pagpasok sa loob ay napansin kaagad nila ang ibat-ibang estatwa ng mga tao. Ito ay
parang totoo at gumagalaw. Nakita rin nila ang hitsura ng Olongapo noon.
“Ganito pala ang Olongapo noon”, sabi ni Zia.
“Oo nga, wala pang matataas na gusali at hindi pa sementado ang mga daan”, sagot naman ni Zeyn.
Nakakita rin sila ng iba’t-ibang pinintang larawan na nagpamangha sa kanilang paningin.
” Ang ganda naman ng mga larawang ito! Buhay na buhay at parang totoo!” sabi ni Lenzy.
” Oo nga, maraming hugis at kitang-kita ang kapusyawan at kadiliman ng kulay na nagpaganda ng larawan”, sabat ni Zia.
” Tingnan ninyo mayroon pa doon! Ibang istilo naman ng pagguhit ang ginamit”, masayang sabi ni Zeyn.
Tama mga bata, ang mga pintor na gumawa ng mga iyan ay may iba’t-ibang istilo ng pagguhit”, nakangiting wika ng kanilang guro na kanina pa pala nakamasid sa kanila.
Huling pinuntahan ng mga bata ay ang Marikit Park. Dito ay nasilayan nila ang ganda ng parke na isa sa pinagmamalaki ng Olongapo. Mayroon ditong palaruan, maraming puno at mga bulaklak at mayroon din na mga upuan kung saan maaaring magpahinga.
Umuwi sila nang may ngiti sa labi dala-dala ang masayang karanasan at mga natutunan sa kanilang lakbay-aral.
Ayon sa kuwentong binasa mo, pare-pareho ba ang istilo ng mga pintor sa pagguhit? Bakit?
Suriin
Pagmasdan ang mga likhang sining ng dalawang tanyag na Pilipinong pintor. Sagutin ang mga tanong ukol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: painting “Woman Fruit Vendor” by Mauro Malang Santos] Mauro Malang Santos, “Woman Fruit Vendor”
[illustration: painting “Palay Maiden” by Fernando C. Amorsolo] Fernando C. Amorsolo, “Palay Maiden”
Ano ang napansin mo sa larawan?
Magkaiba ba ang likhang sining ng mga ito?
Paano ito nagkaiba?
Ang pintor ay isang tagapinta. Sila ay may pambihirang kakayahan sa pagguhit o pagpipinta dahil kailangan nila ng artistikong talino, matalas na mata at matatag na kamay upang makabuo ng isang sining.
Ilan sa mga kilala at tanyag na pintor sa ating bansa ay sina :
- Mauro Malang Santos – o mas kilala bilang si Malang sa kaniyang mga obra. Siya ay gumuguhit ng mga bagay mula sa kanyang imahinasyon.
[illustration: painting, Mauro Malang Santos, “Untitled” (Fiesta)] Mauro Malang Santos, “Untitled” (Fiesta)
[illustration: painting, Mauro Malang Santos, “Fiesta”] Mauro Malang Santos, “Fiesta”
[illustration: painting, Mauro Malang Santos, “Mother and Child”] Mauro Malang Santos, “Mother and Child”
- Fernando C. Amorsolo –Ay kilala sa paggamit ng konseptong “Still Life” o pagguhit ng mga totoong tao, bagay at tanawin na makikita sa kapaligiran.
[illustration: painting, Fernando C. Amorsolo, “Tinikling sa Barrio”] Fernando C. Amorsolo, “Tinikling sa Barrio”
[illustration: painting, Fernando C. Amorsolo, “Planting Rice”] Fernando C. Amorsolo, “Planting Rice”
[illustration: painting, Fernando C. Amorsolo, “The Making of Philippine Flag”] Fernando C. Amorsolo, “The Making of Philippine Flag”
Sa pamamagitan ng malikhaing pag-iisip ng mga pintor ay naipapahayag nila ang kanilang saloobin. May kanya – kanyang istilo ng pagguhit ang mga pintor.
Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng hugis puso [illustration: heart] kung ito ay tanyag na Pilipinong pintor at bilog naman [illustration: circle] kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Mauro Malang Santos _____2. Angel Locsin _____3. Fernando Amorsolo _____4. Manny Pacquiao _____5. Lea Salonga
Isaisip
Marami tayong mga tanyag na Pilipinong pintor. Sila ay may kanya-kanyang istilo sa pagguhit. May mga pintor na ang iginuguhit ay mga bagay na nakikita nila sa ating kapaligiran tulad ng mga tao, bagay, hayop at iba pa.
May mga pintor naman na ang ginuguhit ay mula sa kanilang imahinasyon. Ang mga ito ay hindi natin makikita sa ating paligid.
Ano man ang kanilang nais na istilo, nagpapakita pa rin ito ng kanilang husay at galing.
Dapat natin silang ipgmalaki dahil karangalan ito ng ating bansa.
Isagawa
Panuto: Kopyahin ang diagram sa sagutang papel at paghambingin ang katangian at estilo ng dalawang tanyag na Pilipinong pintor. Pumili ng salita mula sa kahon at isulat sa angkop na lugar sa diagram.
pintor | imahinasyon | still Life
[chart: Venn diagram; Isagawa (no answers filled in)]
- Left circle label: Fernando Amorsolo
- Right circle label: Mauro Malang Santos
- Blank areas: left only, overlap, right only
Tayahin
Panuto: Iguhit ang masayang mukha [illustration: smiling face] kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha [illustration: sad face] kung hindi. Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang bawat pintor ay may kanya-kanyang istilo sa pagguhit.
_____2. Dapat nating ipagmalaki ang mga Pilipinong pintor.
_____3. Magkaiba ang likhang sining ni Mauro Malang Santos kay Fernando Amorsolo.
_____4. Huwag nating tangkilikin ang gawa ng mga Pilipinong pintor.
_____5. Marami tayong mga tanyag na Pilipinong pintor.
Karagdagang Gawain
Panuto: Iguhit sa papel ang isang lugar na paborito mong napuntahan. Kulayan ito nang maayos.
[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed upright in its reading order]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- [illustration: star symbol]
- [illustration: crescent moon symbol]
- [illustration: star symbol]
- [illustration: crescent moon symbol]
- [illustration: star symbol]
[transcriber’s note: the symbols in items 1 to 5 are small and may not be exact; read as best possible]
Balikan
- bahay pamahalaan
- simbahan
- ospital
- parke
- paaralan
Tuklasin
Hindi, dahil ang bawat pintor ay may kaniya-kaniyang istilo sa pagguhit o pagpinta.
Suriin
- sariling sagot
- Opo
- sariling sagot
Pagyamanin
- [illustration: heart]
- [illustration: circle]
- [illustration: heart]
- [illustration: circle]
- [illustration: circle]
Isagawa
Word bank: imahinasyon, pintor, still life, Mauro Malang Santos, Fernando Amorsolo
[chart: Venn diagram; Isagawa, answer key]
- Left area: still life
- Overlap: pintor
- Right area: imahinasyon
- Circle labels: Fernando Amorsolo (left), Mauro Malang Santos (right)
Tayahin
- [illustration: sad face] [?]
- [illustration: sad face] [?]
- [illustration: sad face] [?]
- [illustration: smiling face] [?]
- [illustration: sad face] [?]
[transcriber’s note: the faces in items 1 to 5 are hard to distinguish at this resolution; the readings marked [?] are uncertain]
Karagdagang Gawain
Sariling sagot
Sanggunian
Curriculum Guide sa Music, Arts, Physical Education and Health – Ikalawang Baitang.p.16
Patnubay ng Guro sa Music, Arts, Physical Education and Health- Ikalawang Baitang.pp. 124- 125
Most Essential Learning Competencies (MELC)KG To Grade 12 S.Y. 2020-2021 sa Arts- Ikalawang Baitang. pp. 219 – 221
Amorsolo, Fernando.Rice Planting. 1951. Oil on canvas. 24 ¼ x 34in.Mutual Art. Accessed May 19, 2020. https://www.mutualart.com/Artwork/Rice-planting/428A59033E2BF452
Santos, Mauro Malang. The Fruit Vendors. 2017. Serigraph 20/50. 13 1/2in. x 13 1/2in.Leon Gallery, Makati City. Accessed May 19, 2020. https://leon-gallery.com/auctions/lot/Le%C3%B3n-Exchange-12th-Online-Auction-2019/29/36
Amorsolo, Fernando. Tinikling in Barrio.1951. Oil in canvas. A Small Collection of Fernando Amorsolo’s Paintings, Posted under Filipino Culture, Kauswagan articles, November 25, 2012. https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1372/a-smallcollection-of-fernando-amorsolos-paintings
Amorsolo, Fernando.The Palay Maiden. 1920. Oil on canvas. 60.3×85.5cm.Ayala Museum, Makati City. Accessed May 19, 2020. http://masterpieces.asemus.museum/masterpiece/detail.nhn?objectId=10429
Amorsolo,Fernando.The Making of Philippine Flag. AccessedJuly7,2021.https://paintinginspired.blogspot.com/2018/02/painting-philippine-art-history.html
Santos, Mauro Malang. Untitled.1997.Serigraph 20/50. 13 1/2 x 19 3/4 in.Salcedo Auctions, Makati City. Accessed May 19, 2020. https://www.salcedoauctions.com/item/6753
Santos, Mauro Malang. Fiesta.2002.Oil on canvas. 36 x 36in. Salcedo Auctions, Makati City. Accessed May 19, 2020. https://www.salcedoauctions.com/item/6619
Santos, Mauro Malang .Mother and Child.1986.Gouache. 61x46cm.(24×18.1in.)Accessed July 7,2021. http://www.artnet.com/artists/mauro-malang-santos/mother-and-child-tkiX_nAUawi18Md8Dbdp-
Juvida, Raf. Ang Kahalagahan ng Lakbay-Aral, Brainly.PH. Accessed May 16, 2020. https://brainly.ph/question/540175
Glosbe Dictionary, Meaning of the word “pintor”. Sentence No. 11GlosBe.com. Accessed May 16, 2020.https://glosbe.com/tl/en/pintor
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply