Arts 2 Quarter 1 Module 2: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining

Grade 2 Arts Quarter 1 Module 2 self-learning module on contrast in color and shape, with drawing activities, a pretest, and an answer key.

This is the Grade 2 Arts self-learning module for Quarter 1, Module 2: “Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining” (contrast in color and shape in an artwork). It is written in Filipino for learners studying at home, with help from a parent or guardian. After it, learners should be able to draw shapes and use colors that make their work different from their classmates’ work, and to value both their own work and the work of others.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states that learners are expected to:

  • make shapes and colors that are different from those of others
  • value their own work and the work of others
  • build their skill in drawing shapes and using color
  • strengthen their imagination so they can create a unique artwork

The competency code printed in the module is A2EL-lb.

What the module covers

The module has one lesson, Aralin 1: “Contrast sa Hugis at Kulay sa Isang Likhang Sining” (contrast in shape and color in an artwork). It builds on the previous lesson, where learners studied shapes, lines, and textures they can use to draw things around them. This lesson asks them to use their imagination to draw and color in ways that differ from their classmates.

Lines and shapes

The pretest reviews the basic lines and shapes learners need:

  • a straight vertical line (tuwid na linyang patayo)
  • a straight horizontal line (tuwid na linyang pahiga)
  • a wavy curved line (pakurbang linya na paalon-alon)
  • a circle, a line that goes around and meets the point where it started (linyang paikot)
  • a triangle, with three sides and three corners where the lines meet

The elements and tools of drawing

The module names line, shape, and texture (linya, hugis, at tekstura) as the elements of art needed to learn drawing and coloring. The basic tools are a pencil, crayons, and paper. Practicing different shapes and lines helps learners become skilled and improve their drawing.

The story and the main idea

In the short story “Si Pedro at ang Kanyang Kamag-Aral” (Pedro and his classmate), a MAPEH teacher, Bb. Matanghari, has her Grade 2 class sing “Bahay Kubo.” The class then draws the plants named in the song, such as eggplant (talong), in 15 minutes. The story shows that each learner can draw freely from the same idea.

The Isaisip (remember) part explains that drawings and designs matter in the history of our people because they show events in our country, beautiful scenery, and what is important in our lives. Lines, shapes, and textures bring to life what we imagine, and regular practice makes us skilled. Color makes an artwork pleasing to others, and patience (pagiging matiyaga) helps each learner develop.

Activities in the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Draw the shape described in each of five sentences, choosing from a box of shapes
Tuklasin (discover)Read the story and answer two questions about it
Suriin (analyze)Answer three multiple-choice questions about elements and tools of drawing
Pagyamanin (enrich)Fill in a paragraph using words from a box, such as linya, hugis, kulay, and imahinasyon
Isagawa (apply)Draw a design using a triangle, circle, square, rectangle, and heart
Tayahin (assess)Answer four reflection questions about the design they drew
Karagdagang Gawain (extra activity)Copy and color the shapes shown: a figure made of circles and rectangles, a heart, and a television with an antenna

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then follow the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it later. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, and contact your teacher if anything is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module asks an adult or older family member to guide children who cannot yet read well, especially for the story. Prepare a pencil, crayons, and paper for the drawing tasks.
  • Teachers: The answer key covers the pretest, Tuklasin, Suriin, and Pagyamanin. For the Tayahin reflection questions, the key notes that many positive answers are possible, so review these and the drawings individually.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 2 Arts, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, Tuklasin, Suriin, and Pagyamanin. For the Tayahin reflection questions, it says many positive answers are possible.

What are the elements of art taught in this module?

The module names line, shape, and texture (linya, hugis, at tekstura) as the elements needed to learn drawing and coloring.

What materials does my child need?

The module names a pencil, crayons, and paper as the tools for drawing and coloring. Answers should be written on a separate answer sheet, not on the module.

What is the competency code of this module?

The module prints the code A2EL-lb.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Arts Unang Markahan – Modyul 2: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining

2

Arts

Unang Markahan – Modyul 2: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining

[illustration: group of students reading and writing outdoors and at a desk, with a globe, a lamp, and a teacher]

CO_Q1_Arts 2_ Module 2

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annabelle I. Tala Editor: Nelson Oliva Tagasuri: Saturnino D. Dumlao, Engelbert Agunday Tagaguhit: Ivy P. Evangelista Tagalapat: Sweet Hazel E. Dordines Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Engelbert Agunday, Felegina Bugay, Jose C. Tala

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Region III

Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph

2

Arts

Unang Markahan – Modyul 2: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang malinang ang iyong kaalaman, kasanayan at likas na pagkamalikhain na inyong mga natutunan sa nakaraang aralin. Ito ay tumatalakay sa kaibahan sa pagitan ng mga hugis at kulay ng mga gawain at gawa ng Iba. Dito ay matututunan ninyo ang pagkakaiba at pahalagahan ang inyong gawa at gawa ng iba.

Sa Modyul na ito, inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod:

  • Gumawa ng Hugis at Kulay na kakaiba sa iba,
  • Pahalagahan ang sariling gawa at gawa ng iba,
  • Linangin ang kasanayan sa pag-gawa ng hugis at kulay; at
  • Pagtibayin ang imahinasyon upang makagawa ng kakaibang obra. (A2EL-lb)

Subukin

Panuto: Iguhit sa patlang ang hugis na inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang iyong sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Tuwid na linyang patayo.

_____2. Tuwid na linyang pahiga.

_____3. Pakurbang linya na paalon-alon.

_____4. Linyang paikot na nagtatagpo sa tuldok na pinagmulan.

_____5. May tatlong gilid at may tatlong sulok. Kung saan nagtatagpo ang mga linya.

[illustration: box of six shapes: a circle, a horizontal line, a triangle, a vertical line, a wavy line, and a rectangle]

Aralin 1 Contrast sa Hugis at Kulay sa Isang Likhang Sining

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang iba’t ibang hugis, linya at tekstura na magagamit sa pagguhit ng mga bagay na makikita mo sa iyong kapaligiran.

Ang susunod nating aralin ay tungkol sa mga kaibahan sa pagitan ng mga hugis at kulay sa mga gawain at gawa ng iba. Dito palalaguin natin ang inyong imahinasyon upang makaguhit ng kakaiba sa mga guhit at kulay ng inyong mga kamag-aral.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling sanaysay. (Sa mga batang hindi pa gaanong nakababasa, kailangan ang gabay ng magulang o kaya nang nakatatandang kasama sa tahanan).

Si Pedro at ang Kanyang Kamag-Aral

Magandang umaga ang bati ng mga mag-aaral sa kanilang guro sa MAPEH na si Bb. Matanghari. Masisigla ang mga mga-aaral sa Baitang 2, dahil sa oras na ito ay guguhit at kukulay sila nang ibat-ibang hugis. “Ma’am, ano po ba ang iguguhit natin ngayon?” Hindi sinagot ni Bb. Matanghari ang tanong ng isang mag-aaral, at sinabi lang niya na sila ay tumahimik at ihanda ang mga gagamitin sa gagawin ngayon.

Bago tayo magsimula ng gawain, tayo muna ay umawit ng isang awitin na magbibigay sa atin ng ideya sa ating gawain ngayon. “Pedro, ikaw ang manguna sa inyong kakantahin,” ang sabi ni Bb, Matanghari.

“Tayo ay tumayo at kantahin natin ang Bahay Kubo,” ang sabi ni Pedro.

Bahay Kubo, kahit munti ang halaman duon ay sari-sari. Singkamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw patani. Kundol, patola, upo’t kalabasa At saka meron pang labanos,mustasa Sibuyas, kamatis, bawang at luya Sa paligid-ligid ay puro linga.

“Magaling! Ano-ano ang nabanggit sa awitin na pwede nating iguhit?” ang tanong ni Bb. Matanghari. “Marta?” Tumayo si Marta at sinabi, “Mga halaman po Ma’am.” Magaling! Magbigay nga ng isang halimbawa ng halamang nabanggit sa awit?” Ma’am ako po!” ang sigaw ni Kardo.” Kardo magbigay nga.” Madam talong po.” Magaling! Marami pang mga halaman ang nabanggit sa awit. Kaya malaya kayong iguhit ito. Ilagay sa inyong “armchair” ang mga dalang gamit at umpisahan niyo nang gumuhit. Labing-limang minuto lang ang inyong oras upang tapusin ito.” Masaya at tahimik na gumuhit ang mga bata.

Sagutin ang mga tanong:
  1. Ano ang ipinaawit ni Bb. Matanghari sa mga mag-aaral?
  2. Ano-ano ang ipinaguhit ng guro sa mga mag-aaral?
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

  1. Ano-ano ang mga elemento ng sining na kinakailangan upang matutunan ang pagguhit at pagkulay.
    a. linya, hugis, at tekstura
    b. bilog, tatsulok, at parihaba
    c. lahat ng nabanggit


  2. Ano-ano ang mga kagamitan na kailangan sa pagguhit at pagkulay ng isang bagay.
    a. lamesa, upuan, at pisara
    b. lapis, krayola, at papel
    c. lahat ng nabanggit


  3. Bakit mahalaga ang pagsasanay sa pagguhit ng iba’t-ibang hugis at linya.
    a. upang matutunan ang mabilis na pagtakbo
    b. upang matutunan ang mahusay na pagawit.
    c. upang maging bihasa at mapaunlad ang kakayahan sa pagguhit.


Pagyamanin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa patlang. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Bagay | Hugis | Imahinasyon | Kulay Linya | Matiyaga | Pakurba | Tuwid

Ang mga _____ ay kailangan upang makaguhit ng mga _____ at makabuo ng magandang obra na kakaiba sa mga ginuhit ng kamag-aral. Ang mga linyang _____, at _____ ay mahalaga para makaguhit. Upang maging maganda naman ang obrang ginawa, kailangan gumamit ng _____ upang maging kaaya-aya ito sa paningin ng iba. Kailangan din maging _____ sa pagguhit upang malinang ang kakayahan ng bawat isa. Maari ding gamitin ang _____ upang makaguhit ng maganda. Ang kakayahang gumamit ng linya ay isang mahalagang pagkatuto sa pagguhit ng mga _____ na magbubuo sa mga gusto nating iguhit.

Isaisip

Ang mga guhit at disenyo ay isang mahalagang bagay sa kasaysayan ng ating lahi, dahil ipinakikita nito ang mga kaganapan sa ating bansa. Dito rin mailalarawan ang mga magagandang tanawin at kahalagahan sa ating buhay. Ang mga linya, hugis at tekstura ang nagbibigay buhay sa ating gustong iguhit sa ating imahinasyon. Kailangan nating sanayin ang ating kakayahan sa pagguhit upang maging bihasa tayo dito. Ang kasanayang ito ay mahalaga upang mayroon tayong matibay na sandata sa pagharap sa ating buhay.

Isagawa

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng isang disenyo gamit ang mga hugis tulad ng tatsulok [triangle], bilog [circle], parisukat [square], parihaba [rectangle], at puso [heart].

[transcriber’s note: the printed page has an empty bordered box for the drawing; no text is printed inside it]

Tayahin

Panuto: Isulat sa papel ang iyong sagot sa mga sumusunod na katanungan:

  1. Ano ang iyong naramdaman ng makaguhit ka ng isang disenyo?
  2. Ano-ano ang iyong natutunan sa iyong ginawa na pagguhit?
  3. Paano mo mapapaganda ang iyong disenyo para maging kaakit-akit ito sa paningin ng iba?
  4. Anong magandang maitutulong sa buhay ng tao ang iyong natutunan sa gawaing ito?

Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit at kulayan ang mga hugis na makikita sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: outlined figure made of a circle, rectangles, and small circles and rectangles; an outlined heart; and an outlined television set with an antenna]

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. [illustration: vertical bar]
  2. [illustration: horizontal bar]
  3. [illustration: wave line]
  4. [illustration: filled circle]
  5. [illustration: filled downward triangle]
Pagyamanin
  1. Linya
  2. Hugis
  3. Tuwid
  4. Pakurba
  5. Kulay
  6. Matiyaga
  7. Imahinasyon
  8. Bagay
Tayahin

1-4

Maraming posibleng positibong kasagutan.

Tuklasin
  1. Bahay Kubo
  2. Mga halaman mula sa “Bahay Kubo”
Suriin
  1. A
  2. B
  3. C

[transcriber’s note: this answer key page is printed rotated, so the text above was read after rotating it; the Tayahin answer reads “1-4” as printed]

Sanggunian

Rolando V. Ramilo, Fe P. Pabilonia, Kristel Iris E. Igot and Marco A. Catacutan Music, Arts, Physical Education and Health (Philippines: Rex Book Store, INC, 2013), 168-171.

Carmelita Orseo et al, Developing Mind nad Body Thorugh MAPEH 1 (Mind Builders Publishing House,2006)

LRMDS “Learning Resource Portal” DepEd Learning Portal. Last modified May 2016. http://lrmds.deped.gov.ph/

Krichelle A. Tungpalan, EdD, MAPEH for Filipinos 1 (St. Andrew Publishing House, Philippine Copyright 2016)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district