Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na makatutulong sa mag-aaral upang maunawaan ang mga paksa na nakapaloob sa “Mga Wastong Gawain at Pagkilos sa Tahanan at Paaralan sa Panahon ng Kalamidad”.
Inaasahan na maipamamalas ng mag-aaral ang mga sumusunod:
1. naisasagawa ang mga wastong gawain / pagkilos sa tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad;
2. nakatutulong sa paaralan at tahanan upang maging handa sa pagdating ng kalamidad;
3. nakapagpapakita ng mga angkop na tugon bago, tuwing at pagkatapos ng isang kalamidad;
4. naipaliliwanag ang epekto ng kalamidad sa anyong lupa, anyong tubig at sa tao;
5. maging responsableng mag-aaral at handa sa anumang kalamidad na maaaring maranasan sa hinaharap.