This is the Araling Panlipunan Grade 2 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1: “Ang Aking Komunidad” (My Community). It was prepared by DepEd Region III for learning at home. After working through it, learners should be able to explain what a community is, name its elements, and describe how the institutions in a community help shape a person.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module says that when learners finish it, they are expected to:
- Understand the concept of a community (Nauunawaan ang Konsepto ng Komunidad).
- Name the elements of a community (Naiisa-isa ang mga elemento ng komunidad).
- Explain the part that community institutions play in shaping one’s character (Naipaliliwanag ang bahagi ng mga institusyon sa komunidad sa paghubog ng pagkatao).
Lessons in this module
The module is divided into three lessons:
- Leksyon 1 – Konsepto ng Komunidad (the concept of community): what a community is, starting with the learner’s own family and neighborhood.
- Leksyon 2 – Mga Elemento ng Komunidad (elements of a community): the three things that make a group of people a complete community.
- Leksyon 3 – Mga Institusyon sa Komunidad (institutions in the community): the five “pillars” that help people in a community live stable lives.
Key ideas in the module
What a community is
The module opens with a short reading in which a child says they are a member of their community, belong to a family that raises them, and live in unity with many kinds of people who understand each other through a shared language.
It then tells the story of Laya, a Grade 2 pupil. Her father is the Barangay Captain and her mother runs their sari-sari store. When COVID-19 closed the schools, Laya saw her father, together with the barangay kagawad and tanod, give out food to neighbors. She learned that in a crisis, people can count on each other, whether or not they are related.
The module defines a community (komunidad) as a group of people who live together in a specific location and share a way of life, culture, and interaction (citing R.E. Park).
The three elements of a community
Citing Inkeles (1965), the module says a community is complete when it has these elements:
| Element | What it means | Example from the module |
|---|---|---|
| Location (lugar o lokasyon) | Households live in one specific place | A family living in Tarlac City or in a barrio |
| Interaction and communication | People understand each other by talking in a shared language | “Kapampangan ang gamit namin sa pakikipag-usap.” |
| Unity and belonging | People live in unity and feel they belong to the community, beyond being related by blood | A relief operation where families receive relief goods |
The five institutions in the community
Citing Palispis (2007), the module names five institutions that serve as the pillars of a community:
- Pamilya o Sambahayan (family or household): Everyone is born into a family of parents and children. Filipino families often include grandparents, aunts, uncles, and cousins.
- Simbahan o Relihiyon (church or religion): Filipino communities have many religions, and Filipinos are free to choose one. Religion shapes people’s faith in God or the Creator.
- Edukasyon o Paaralan (education or school): Children go to school to learn many kinds of knowledge from their teachers.
- Pamahalaan o Otoridad (government or authority): It enforces laws and rules in the community and keeps peace and order.
- Sektor ng Hanapbuhay o Kalakalan (livelihood or trade): The economic sector. People work to earn money for their needs, for example by selling goods or driving a tricycle.
The module also links these institutions to everyday duties: respecting other religions, helping others during disasters, obeying the barangay curfew, listening to the teacher, returning extra change at the store, and following one’s parents.
Bayanihan in a time of crisis
A reading titled “Sa Panahon ng Krisis” (in a time of crisis) describes the COVID-19 pandemic and the Enhanced Community Quarantine. It explains how government officials gave out relief goods, how people who could afford it donated food, face masks, and alcohol, and how frontliners such as doctors, nurses, hospital janitors, police, soldiers, security guards, and grocery workers faced the crisis. The module calls this the heart of community bayanihan: everyone doing their share so the country can recover.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts, in this order:
- Subukin (pretest): Learners look at a drawing of a barangay street and write five things they notice.
- Balikan (review): Learners describe pictures of caring for the home, school, and community, recalling Grade 1 lessons.
- Tuklasin and Suriin (discover and analyze): Laya’s story and the explanation of community, its elements, and its institutions.
- Pagyamanin (practice): Activities A to H, including a word search, matching items to elements and institutions, a crossword puzzle, and drawing happy or sad faces for right and wrong actions.
- Isaisip (remember): A fill-in-the-blanks paragraph on the elements of a community.
- Isagawa (apply): Questions about the “Sa Panahon ng Krisis” reading.
- Tayahin (assessment): A five-item multiple-choice test.
- Karagdagang Gawain (additional activity): Learners ask their parents how their family helps the community and write down the answer.
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included at the end.
- For learners: Do not write on the module. Write all answers on a separate sheet of paper, and contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- For parents and guardians: Guide your child through each part in order, help with the interview in the additional activity, and use the answer key honestly to check work.
- For teachers: The pretest shows which learners may need extra help, and the Tayahin test at the end measures what they learned.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 2 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1.
What are the elements of a community in this module?
The module names three: households living in a specific location, people interacting and communicating in a shared language, and living in unity with a sense of belonging to the community beyond blood ties.
What institutions in the community does the module discuss?
It discusses five: the family or household, the church or religion, education or school, government or authority, and livelihood or trade.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Pagyamanin activities, Isaisip, Isagawa, and the Tayahin assessment.
Can learners write their answers in the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for all answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Aking Komunidad
[illustration: children studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a lamp]
Pag-aari ng Pamahalaan Hindi Ipinagbibili
CO_Q1_AP 2_ Module 1
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Aking Komunidad Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Role | Name |
|---|---|
| Manunulat: | Amor A. Galicia |
| Patnugot: | Rebecca K. Sotto, Helen G. Laus, Marie Ann C. Ligsay |
| Tagasuri: | Lily Beth B. Mallari, Angelica M. Burayag |
| Tagaguhit: | Christopher S. Carreon |
| Tagalapat: | Rachel S. Dela Cruz |
| Tagapamahala: | Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Robert E. Osongco, Lily Beth B. Mallari, Rebecca K. Sotto |
CO_Q1_AP 2_ Module 1
[illustration: cover page with the number 2, the title, and the DepEd logo]
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Aking Komunidad
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with arrow]
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 2.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
- Leksyon 1 – Konsepto ng Komunidad
- Leksyon 2 – Mga Elemento ng Komunidad
- Leksyon 3 – Mga Institusyon sa Komunidad
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- Nauunawaan ang Konsepto ng Komunidad;
- Naiisa-isa ang mga elemento ng komunidad; at
- Naipaliliwanag ang bahagi ng mga institusyon sa komunidad sa paghubog ng pagkatao.
CO_Q1_AP 2_ Module 1
Subukin
[illustration: pencil icon]
Ano-ano ang nakikita mo sa larawan? Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga napansin.
[illustration: black-and-white drawing of a barangay street scene with a church, a school, a barangay hall, a store, a tricycle, a bicycle, a cart vendor, people walking, and a tree]
CO_Q1_AP 2_ Module 1
Aralin 1
Ang Aking Komunidad
Ako ay isang mamamayan ng aking komunidad. Nabibilang ako sa isang pamilya na siyang nagpapalaki at nag-aalaga sa akin. Maraming iba’t ibang uri ng tao sa aming pamayanan.
Nagkakaintindihan kami dahil sa wikang aming ginagamit. Sama-sama kaming namumuhay na may pagkakaisa.
[illustration: school building with flag, town hall, store, church, and a family of four standing together]
CO_Q1_AP 2_ Module 1
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Noong nasa Unang Baitang ka, natutunan mo kung paano pangalagaan ang iyong kapaligiran, tahanan, paaralan at komunidad. Suriing mabuti ang mga larawan kung ano ang inilalarawan nito. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
[illustration: girl washing dishes at a table]
[illustration: person wiping a window with a cloth]
[illustration: child dropping an item into a box]
[illustration: child planting a seedling under a tree]
[illustration: girl reading a book at a desk]
CO_Q1_AP 2_ Module 1
Tuklasin
Ipinakikilala ko sa iyo si Laya. Tulad mo, isa siyang mag-aaral. Basahin at unawain ang kaniyang kwento.
Si Laya
[illustration: girl with a hair ribbon, smiling]
Ako si Laya. Nasa ikalawang baitang ako sa mababang paaralan ng baryo namin. Kapitan ng Barangay ang tatay ko at nagtitinda naman sa aming sari-sari store ang nanay ko. Masaya ang aming pamilya. Tuwing linggo, nagsisimba kami kasama ng lolo at lola ko.
Isang araw bigla na lang tumigil ang pagpasok namin sa paaralan. May epidemya raw sabi ni nanay. May kumakalat na sakit na CoViD 19 sabi ni tatay. Mula noon, hindi na lumalabas ng bahay ang lolo at lola ko, pati na rin ako, kasi mas madali raw mahawa ang matatanda at bata.
Naging abala ang tatay ko sa pagtulong sa mga kababaryo namin. May mga araw na namimigay siya ng pagkain, kasama ng mga kagawad at tanod sa Barangay. Noon ko nakita kung paano magtulungan ang mga tao sa paligid namin. Magkamag-anak man o hindi, sa gitna ng krisis maaasahan ang tulong ng kapwa.
Suriin
Ngayong alam mo na ang kwento ni Laya, tulad mo, ikaw rin ay may pamilya at komunidad na kinabibilangan.
Ang komunidad ay binubuo ng mga elemento, at ang mga ito ay nakatutulong sa paghubog ng iyong pagkatao. Upang lubos mong maunawaan ang konsepto ng komunidad, maaari mo ng ipagpatuloy ang iyong mas malalim na pag-aaral tungkol sa komunidad.
Ang Komunidad
Ito ay pangkat ng mga tao na namumuhay ng sama-sama sa isang tiyak na lokasyon at nakikibahagi sa uri ng pamumuhay, kultura, at interaksiyon (R.E. Park, 1929).
Mga Elemento ng Komunidad
Masasabing ganap ang isang komunidad kung ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na elemento (Inkeles, 1965):
- Ang mga sambahayan ay nakatira sa isang tiyak na lokasyon o lugar.
[illustration: crowd of people at a barangay hall, sign reads “BARANGAY UNO”]
- Ang mga mamamayan ay nagpapakita ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng interaksiyon at komunikasyon gamit ang partikular na wika.
[illustration: two children on a path, one running, the other calling out with the speech bubble “Bilisan mo baka mahuli tayo sa klase.”]
- Namumuhay na may pagkakaisa at pakiramdam na may kinabibilangang pamayanan bukod sa pagiging magkadugo.
[illustration: people receiving relief bags, sign reads “RELIEF OPERATION”]
Mga Institusyon sa Komunidad
Ang mga sumusunod ay mga institusyon sa komunidad na nagsisilbing haligi nito para sa mas matatag na pamumuhay ng mga mamamayan (Palispis, 2007):
1. Pamilya o Sambahayan
[illustration: a family of parents, children and a baby]
Bawat tao ay isinisilang sa isang pamilya. Ito ay binubuo ng mga magulang at mga anak. Sa mga pamilyang Pilipino, kabilang din ang iba pang kamag-anak tulad ng mga lolo at lola, tiyo at tiya, at mga pinsan. Ang mga komunidad ay binubuo ng mga taong magkakasama sa pamilya.
2. Simbahan o Relihiyon
[illustration: people praying at a church entrance]
Karamihan ng mga komunidad sa Pilipinas ay may iba’t ibang relihiyon at dahil maraming uri ng relihiyon, may kalayaan ang mga Pilipino na pumili ng relihiyon. Ito ang humuhubog sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos o sa Lumalang.
Dito nag-aaral ang mga bata upang matuto ng mga kaalaman. Dito sila tinuturuan ng kanilang mga guro ng iba’t ibang uri ng kaalaman.
3. Edukasyon o Paaralan
[illustration: students with backpacks walking toward a school building]
4. Pamahalaan o Otoridad
[illustration: an official and a woman in front of a building labeled “BRGY. HALL”]
Ito ang tagapagpatupad ng batas o mga tuntunin sa komunidad. Sila rin ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan o “peace and order”.
5. Sektor ng Hanapbuhay o Kalakalan
[illustration: market stall with vendors and customers]
Ito ang sektor ng ekonomiya ng komunidad. Kinakailangang mag-hanapbuhay o magtrabaho ng mga tao upang kumita at may ipambili ng mga pangangailangan. Halimbawa ay pagtitinda at pagmamaneho ng traysikel.
Pagyamanin
A. Hanap-Salita.
Panuto: Hanapin ang mga institusyon sa komunidad mula sa kahon ng mga letra. Isulat sa hiwalay papel ang mga salitang iyong mahahanap.
P A M A H A L A A N
A W T H P S E R Y S
M B C S J D R O A I
I P G A N A T A S M
L O M L M W Y H G B
Y T W U L I P M H A
A R A G P E A N L H
E D U K A S Y O N A
R K A L A K A L A N
[transcriber’s note: the letter grid is reproduced as printed; the letter count per row could not be confirmed with certainty, so check it against the page]
B. Panuto: Piliin ang mga elemento ng komunidad mula sa pagpipilian. Isulat ang letra sa sagutang papel.
A. lugar o lokasyon B. interaksiyon at komunikasyon ng mga tao C. pagkakaisa at pakiramdam na kasali sa pamayanan
_____1. Kapampangan ang gamit namin sa pakikipag-usap.
_____2. Nagsagawa ng relief operations si Mayor.
_____3. Nakatanggap ang pamilya namin ng relief goods.
_____4. Nakatira ang pamilya namin sa Tarlac City.
_____5. Matatagpuan ang tirahan namin sa baryo.
C. Panuto: Piliin ang mga institusyon ng komunidad mula sa pagpipilian na nakalagay sa kahon. Isulat ang letra sa papel.
A. simbahan D. edukasyon B. pamahalaan E. kalakalan C. pamilya
_____ 1. Ako ay anak ng aking mga magulang.
_____ 2. Nasa ikalawang baitang ako ngayon.
_____3. May kaibigan akong Muslim.
_____4. Si Tito Boy ay nagtitinda ng taho.
_____5. Ang tatay ko ay Kagawad sa Barangay.
D. Crossword Puzzle.
Panuto: Hanapin ang tamang lalagyan ng mga salitang may kinalaman sa mga Institusyon ng Komunidad. Isulat sa papel ang iyong sagot.
[illustration: blank crossword grid with clue numbers 1 to 5 placed in the squares]
Pahalang
- Ito ang tagapagpatupad ng batas o mga tuntunin sa komunidad.
- Ito ay binubuo ng mga magulang at mga anak.
Pababa
- Ito ang humuhubog sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos o sa Lumalang.
- Dito tinuturuan ng mga guro ang mga bata ng iba’t ibang kaalaman.
- Ito ang sektor ng ekonomiya ng komunidad.
E. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon bilang iyong tungkulin sa komunidad. Guhitan ng masayang mukha ang loob ng bilog kung tama at malungkot na mukha naman kung mali. Isulat sa papel ang iyong sagot.
- Iginagalang ko ang gawi ng ibang relihiyon. [illustration: empty circle to be shaded with a happy or sad face]
- Kailangang tumulong sa kapwa sa panahon ng kalamidad. [illustration: empty circle to be shaded with a happy or sad face]
- Nagkakalat ako ng basura sa paligid. [illustration: empty circle to be shaded with a happy or sad face]
- Iginagalang ko ang aking mga guro. [illustration: empty circle to be shaded with a happy or sad face]
- Hindi ako nagbabalik ng sobrang sukli. [illustration: empty circle to be shaded with a happy or sad face]
F. Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon tungkol sa mga tungkulin mo sa komunidad. Piliin mula sa kahon ang mga institusyon sa komunidad kung saan laan ang mga tungkulin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Simbahan B. Pamahalaan C. Pamilya D. Edukasyon E. Kalakalan
_____1. Nagdadasal ako bago kumain upang magpasalamat sa biyayang kaloob ng Diyos.
_____2. Nagbabalik ako ng hiniram kong bote sa tindahan.
_____3. Hindi ako nagdadabog kapag inuutusan ako ng nanay ko.
_____4. Nagbabasa ako ng libro kahit walang pagsusulit.
_____5. Ang tito ko ay Kapitan ng Barangay.
[transcriber’s note: the printed page numbers on these pages are 13 to 20; the markers below follow the requested numbering 17 to 24]
G. Panuto: Piliin ang angkop na tungkulin sa bawat institusyon ng komunidad. Isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.
[illustration: sari-sari store with a sign reading “SARI SARI STORE”]
[label: TINDAHAN]
A. Sumunod sa curfew B. Magdasal bago matulog C. Magbalik ng sobrang sukli D. Sumunod sa utos ni nanay
[illustration: barangay hall building]
[label: BARANGAY HALL]
A. Igalang si Kapitan B. Magsimba C. Sabihin nang maayos ang bibilhin D. Tumulong sa gawaing-bahay.
[illustration: church with a cross and a dome]
[label: SIMBAHAN]
A. Sumunod sa mga batas ng barangay B. Dumalo sa misa o mga pagsamba C. Huwag makipag-unahan sa mga bumibili D. Maghugas ng pinggan
[illustration: two-storey house on stilts]
[label: BAHAY]
A. Huwag batuhin ang barangay hall B. Manalangin ng pasasalamat C. Magbalik ng hiniram na bote D. Magligpit ng higaan
[illustration: school building with a flagpole]
[label: PAARALAN]
A. Makinig sa guro B. Tumahimik kapag may nagdadasal C. Magbayad ng tamang presyo ng binili D. Magligpit ng mga laruan.
H. Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang angkop na institusyon na humuhubog sa iyong pagkatao. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
A. simbahan B. pamahalaan C. pamilya D. edukasyon E. kalakalan
_____1. Napag-aaralan ko ang mga bagong kaalaman.
_____2. Tinuturuan akong magpasalamat sa mga biyaya ng Diyos sa aking buhay.
_____3. Natututo akong gumalang sa kapwa dahil turo ito ng aking mga magulang.
_____4. Kumikita ang nanay ko sa pagtitinda sa aming Sari-Sari Store. Dahil dito, natutustusan ang mga pangagailangan namin.
_____5. Marunong akong gumalang sa mga batas ng aming Barangay dahil ipinapaalala ito palagi ni Kapitan.
Isaisip
Gawain 1
Panuto: Punuan ng mga angkop na elemento ng komunidad ang sumusunod na talata. Isulat ang letra ng iyong sagot sa isang papel.
Mga Pagpipilian:
A. Lokasyon B. Interaksiyon C. Sambahayan D. Pamayanan E. Pagkakaisa
Ang komunidad ay binubuo ng mga _____________________ na nakatira sa isang tiyak na _________________ o lugar. Ang mga mamamayan ay nagpapakita ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng ___________________ at komunikasyon gamit ang partikular na wika. Ang mga tao ay namumuhay na may ___________________ at pakiramdam na may kinabibilangang _____________________ bukod sa pagiging magkadugo.
Isagawa
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang talata. Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong na sumusunod. Gumamit ng ibang papel na pagsusulatan ng iyong mga sagot.
Sa Panahon ng Krisis
Sabi sa isang patalastas sa TV, “Bukas paggising mo, bago na ang mundo”. Nagkatotoo ito dahil sa pagdating ng pandemiko – ang nakamamatay na sakit na CoViD19. Ipinag-utos ng Pangulo ng bansa ang Enhanced Community Quarantine o ECQ. Maraming tao ang nawalan ng trabaho. Maraming pamilya ang nagutom. Maraming mga nagtatrabaho sa mga ospital ang nagkasakit din at namatay.
Nguni’t sa gitna ng krisis, nabuhay ang Bayanihan sa puso ng mga Pilipino. Kumilos ang mga opisyal ng pamahalaan para tulungan ang mga tao. Halos linggo-linggo kung mag-abot sila ng relief goods sa mga mamamayan. Tumulong din ang mga taong may kakayanan. Nagbigay sila ng libreng pagkain, face mask at alcohol sa mga ospital at sa mga nangangailangan.
Pinaka-kahangahanga sa lahat ay ang malasakit ng mga Frontliners. Sila ang mga taong matapang na humaharap sa krisis. Sila yung nagtatrabaho sa mga ospital tulad ng mga doktor at nurse, para alagaan ang mga nagkasakit ng CoViD, mga janitors sa ospital, mga pulis at sundalo sa mga checkpoint, mga security guards at sales lady sa mga grocery, at marami pang iba.
Ito ang puso ng Bayanihan ng komunidad. Ang pakikibahagi sa tungkulin ng bawat isa para sa muling pagbangon ng bansa.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binasa mong talata.
Bakit biglang nagbago ang mundo?
A. Nagkaroon ng malakas na bagyo.
B. Pumutok ang bulkan.
C. Lumindol ng malakas.
D. Dumating ang CoViD19Ano ang tawag sa mga taong matapang na humaharap sa krisis?
A. frontliners C. nars
B. doktor D. pulisAno ang Bayanihan ayon sa talata?
A. Pakikibahagi sa tungkulin ng bawat isa para sa muling pagbangon ng bansa.
B. Pagtupad ng tungkulin dahil sa trabaho.
C. Pagbibigay ng ayuda ng gobyerno para sa mga mahihirap na pamilya.
D. Pamamahagi ng relief goods.Anong institusyon ang nagunguna sa pagsagot sa pangangailangan ng mga tao sa panahon ng krisis?
A. simbahan
B. pamilya
C. edukasyon
D. pamahalaanBakit kailangang sumunod sa pamahalaan sa panahon ng krisis?
A. Pagsunod sa Pangulo.
B. Upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.
C. Maraming sundalo at pulis sa paligid.
D. Para mabigyan ng relief goods at libreng pagkain.
Tayahin
Gawain 1
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Gumamit ng ibang papel na pagsusulatan ng iyong mga sagot.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga institusyon sa komunidad?
A. simbahan
B. paaralan
C. himpapawid
D. pamilyaAlin sa mga sumusunod ang pagsasagawa ng Bayanihan sa komunidad?
A. pagtawid sa tamang tawiran
B. pagtulong sa mga nasunugan
C. pagsunod sa curfew ng Barangay
D. pagpasok ng maaga sa paaralanPaano magkakaintindihan ang mga tao sa komunidad?
A. kumanta ng paboritong awit
B. isigaw kung ano ang ulam ninyo sa hapunan
C. mag-text kung may gustong sabihin sa iba
D. mag-usap gamit ang parehong wikaAlin sa mga sumusunod ang HINDI lokasyon ng komunidad?
A. ibang planeta C. lungsod
B. sitio o purok D. kabundukanAno ang institusyon kung saan unang nabibilang ang isang tao pagkapanganak niya?
A. pamahalaan
B. simbahan
C. pamilya
D. paaralan
Karagdagang Gawain
Kausapin mo ang iyong mga magulang. Tanungin mo kung paano nakatutulong ang inyong pamilya sa komunidad. Itala ang iyong sagot sa isang papel.
Susi sa Pagwawasto
Tayahin, Gawain 1
- C
- B
- D
- A
- C
Isagawa, Gawain 1
- D
- A
- A
- D
- B
Isaisip, Gawain 1
- C
- A
- B
- E
- D
Pagyamanin A
- PAMAHALAAN
- PAMILYA
- EDUKASYON
- SIMBAHAN
- KALAKALAN
Pagyamanin B
- B
- C
- C
- A
- A
Pagyamanin C
- C
- D
- A
- E
- B
Pagyamanin D
- PAMAHALAAN
- PAMILYA
- SIMBAHAN
- EDUKASYON
- KALAKALAN
Pagyamanin E
- [illustration: sad face]
- [illustration: sad face]
- [illustration: neutral face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
[transcriber’s note: the answers for Pagyamanin E are printed as face icons, not letters or words; the icons are not distinguishable enough to be certain of each one]
Pagyamanin F
- A
- E
- C
- D
- B
Pagyamanin G
- C
- A
- B
- D
- A
Pagyamanin H
- D
- A
- C
- E
- B
Sanggunian
Inkeles, Alex (1965) cited by Mondal, Puja. “Definitions of Community.” Community: Definitions, Bases and Changing Concept of Community. 2019. http://www.yourarticlelibrary.com/sociology/community-definitions-bases-and-changing-concept-of-community/35065.
Palispis, Epitacio, S. “The Human Society and Communities”. Introduction to Sociology and Anthropology. (Rex Book Store. Metro Manila. Philippines, 2007), 73.
Park, RE (1921) cited by Mondal, Puja. “Definitions of Community.” Community: Definitions, Bases and Changing Concept of Community. 2019. http://www.yourarticlelibrary.com/sociology/community-definitions-bases-and-changing-concept-of-community/35065.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply