EsP 10 Quarter 3 Module 6: Pagmamahal sa Bayan (Love of Country)

Grade 10 EsP Quarter 3 Module 6 on Pagmamahal sa Bayan: values from the 1987 Constitution, simple patriotic acts, activities, tests, and answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, Values Education) Grade 10 self-learning module for the Third Quarter, Module 6: “Pagmamahal sa Bayan” (love of country). It is an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) from DepEd’s Cordillera Administrative Region, written by Jacqueline P. Puyao. It helps learners understand patriotism, explain why love of country matters, and show it through everyday actions.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module’s introduction (Alamin) says it aims to help learners fully understand love of country, or patriotism (Patriotismo). The teacher’s note adds that learners will study how to reason about love of country and how to show it. After working through the module, learners should be able to:

  • Name the values that Filipinos should develop to live out love of country, which the module links to the 1987 Philippine Constitution
  • Identify suitable actions that show patriotism in daily life
  • Explain their stand on common statements about love of country
  • Write their own ways of showing love of country, including during the pandemic

No competency code is printed in the module.

What the module covers

The module has one lesson, Aralin 1: Pagmamahal sa Bayan. It opens with a short review (Balikan) that asks learners to describe something people did during the pandemic that went against love of country. A true-or-false activity (Tuklasin) then checks ideas such as “patriotism means buying imported rather than local products” (false) and “living out love of country is everyone’s responsibility” (true).

Values for living out love of country

The Suriin section lists the values that every Filipino should develop, which the module says are found in the 1987 Constitution:

ValuePlain English meaning
Pagpapahalaga sa buhayRespect for life, which comes from God
KatotohananTruth, honesty, and sincerity
Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwaLove and care for others, helping without expecting anything back
PananampalatayaFaith and trust in God
PaggalangRespect, which helps people get along
KatarunganJustice, keeping what is right without bias
KapayapaanPeace and calm
KaayusanOrder and discipline
Pagkalinga sa pamilya at salinlahiCare for the family and future generations; the family first teaches culture and tradition
KasipaganHard work, using one’s talents for the good of many
Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiranCaring for nature and the environment
PagkakaisaUnity and working together for one good goal
KabayanihanThe bayanihan spirit: doing what you can for the country instead of waiting for what it can do for you
KalayaanFreedom to do good and act within the law
Pagsunod sa batasObeying the law, a key to progress
Pagsusulong ng kabutihang panlahatWorking for the common good, not just for oneself or one’s family

Simple patriotic acts

The module shares a list of simple acts of patriotism from Alex Lacson, described as an author of patriotic books, lawyer, and civic leader:

  • Study well
  • Do not be arrogant or do wrong to others
  • Line up properly
  • Sing the national anthem with respect and dignity
  • Be honest; do not cheat or let others copy from you
  • Save water, plant trees, and do not litter
  • Avoid activities that do not help
  • Buy local products, not fake or smuggled goods
  • When you are old enough, vote properly
  • Care for and respect the elderly
  • Pray for the country and your fellow citizens
  • Have good behavior and think critically

The tests use real-life situations to apply these ideas, such as Jana, a new voter whose parents ask her to sell her vote, and Julio, who offers his friend Julia an imported item in exchange for letting him copy during exams.

Activities in the module

  1. Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions.
  2. Balikan and Tuklasin: a review question and a 10-item true-or-false activity with processing questions.
  3. Suriin: the reading on values and patriotic acts.
  4. Pagyamanin: Gawain 2, a word search for 10 values; Gawain 3, writing an action for each value found; and Gawain 4, explaining your stand on statements such as not buying local products, not singing Lupang Hinirang properly, and not voting or working abroad, scored with a rubric.
  5. Isaisip: fill-in-the-blank sentences on human dignity and the common good.
  6. Isagawa: an essay, poem, or song explaining why a person’s identity is rooted in love of country, scored on content and organization.
  7. Tayahin: a 15-item multiple-choice post-test.
  8. Karagdagang Gawain: list 10 ways to show love of country during the pandemic on a decorated bond paper for your portfolio.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if you have trouble.
  • Parents and guardians: The module says a teacher’s or facilitator’s guide comes with it, with tips for those guiding learners at home. Help your child read the situations and talk about real examples of patriotism at home and in the community.
  • Teachers: The answer key covers Tuklasin, Subukin, and Tayahin. The open-ended tasks in Gawain 4, Isagawa, and Karagdagang Gawain come with printed scoring rubrics, and the final output goes into the learner’s portfolio.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, Third Quarter, Module 6 (Pagmamahal sa Bayan).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Tuklasin true-or-false activity, the Subukin pretest, and the Tayahin post-test.

Where does the module say the values for love of country come from?

The module says the values Filipinos should develop to live out love of country are found in the 1987 Philippine Constitution. Examples include respect for life, truth, justice, unity, and care for the environment.

What are some simple ways to show love of country according to the module?

Citing Alex Lacson, the module lists acts such as studying well, not cheating, lining up properly, singing the national anthem with respect, buying local products, voting properly, and not littering.

What is the final task in the module?

In the Karagdagang Gawain, learners write 10 ways to show love of country during the pandemic on a decorated bond paper and add it to their portfolio.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 6 Pagmamahal sa Bayan

10

CO_Q3_EsP10_Module6

[illustration: a group of students reading and studying outdoors and indoors, with a teacher, a globe, and a child writing by a lantern]

Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan-Modyul 6: Pagmamahal sa Bayan First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jacqueline P. Puyao Editor: Annie Rose B. Cayasen Tagalapat: Reggy C. Asupre Tagapamahala: Estela L. Cariño, Benilda M. Daytaca, Carmel F. Meris, Rosita C. Agnasi, Edgar H. Madlaing, Rizalyn A. Guznian, Sonia D. Dupagan, Erlinda C. Quinuan, Vicenta C. Danigos

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Office Address: Stockfarm, Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074) – 422 – 4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ikatlong Markahan – Modyul 6 Pagmamahal sa Bayan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang tungkol sa pagmamahal sa bayan (Patriotismo). Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga sitwasyong maaaring harapin ng mag-aaral kinabukasan. Kinikilala sa bawat sitwasyong ginamit ang iba’t-ibang kultura ng bawat mag-aaral na gagamit nito. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging paraan sa pagkatuto ng bata. Subalit ang mga aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos nito sa gamit na sangguniang aklat.

Subukin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlangg bago ang bawat numero.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang kailangan linangin ng mga Pilipino sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? A. Pagtangkilik ng mga imported na produkto. B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. C. Pagtulong sa kapwa sa harap ng kamera. D. Pagnanais na kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas sa kahit anong paraan.

_____ 2. Sa anong dimensiyon ng tao nabibilang ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa? A. Moral B. Ispiritwal C. Pangkatawan D. Pangkaisipan

Isa si Jana sa mga kabataang pwede nang bumoto. Agad siyang nagparehistro para sa paparating na halalan. Nang dumating ang araw ng kampanya, kinausap siya ng kanyang mga magulang na ibenta niya ang kanyang boto upang magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Dahil dito nalilito si Jana kung ano ang kanyang gagawin.

_____ 3. Kung ikaw si Jana, ano ang iyong gagawin? A. Huwag nalang bumoto. B. Sundin ang utos ng magulang. C. Ibenta ang boto sa magkabilang panig. D. Huwag ibenta ang boto at isagawa ito nang tama.

_____ 4. Ang pagbenta ba ng boto ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan? Bakit? A. Oo, upang magkaroon ng pera ang pamilya. B. Oo, dahil hindi naman malalaman ng taong bayan. C. Hindi, ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa nang tama. D. Hindi, dahil ito ay para sa sarili lamang at hindi para sa lahat ng taong bayan.

_____ 5. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”? A. Kaugaliang pagpasok nang eksaktong minuto sa nakatakdang oras ng okasyon B. Kaugaliang pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras ng okasyon. C. Kaugaliang pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras ng okasyon. D. Kaugaliang pagpasok ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon bago pumunta.

_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang sumasagot sa tanong na “Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapwa ko?” A. Tumulong sa kaayusan ng komunidad at sa kapwa B. Makisama sa mga barkada C. Pakikiisa sa mga nananawagan ng reporma sa kalye. D. Paglinis sa dumi sa labas ng bahay

Matalik na magkaiibigan sina Juio at Julia. Naawa si Julia kay Julio dahil palagi siyang bumabagsak sa kanilang pagsusulit. Isang araw, kinausap ni Julio si Julia na pakopyahin siya nito sa kanilang mga pagsusulit kapalit ang gusto niyang gamit galing ibang bansa.

_____ 7. Kung ikaw si Julia, ano ang iyong gagawin? A. Hindi ako magpapakopya ng anuman kay Julio dahil mali ito. B. Pagbibigyan ko ang kahilingan ni Julio dahil kaibigan ko siya. C. Gagawin ko ang sinabi ni Julio ngunit hindi tatanggapin ang kapalit nito. D. Magagalit ako kay Julio kahit gustong-gusto ko ang kapalit ng pagpapakopya.

_____ 8. Mali ang pagpapakopya na kahilingan ni Julio, ano pa ang kilos na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan? A. Pagpilit kay Julia na gawin ang isang bagay. B. Paghingi ng tulong kay Julia na may kapalit. C. Pananamantala ng pagkakaibigan nila ni Julia. D. Pagtangkilik ni Julia sa mga gamit galing sa ibang bansa.

_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda? A. Pagtulong at pagsunod sa kanilang tagubilin B. Pag-iwan sa mga magulang kapag may sarili nang pamilya. C. Pagtulong sa mga nakatatanda kapag may nakakakita. D. Paghingi ng payo mula sa mga nakatatanda kapag kinakailangan.

_____ 10. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagmamahal mo sa bayan? A. Mag-aral nang mabuti B. Sundin lahat ng utos ng magulang C. Tumulong sa kapwa kapag kiailangan D. Gawin lahat ng pinapagawa ng guro

_____ 11. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan? A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon. B. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya. D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa kapwa at umaaasang may kapalit.

_____ 12. Ang kaisipang “Tayong lahat ay magkakasama sa pag-unlad bilang isa.” ay tanda ng ano? A. Pagiging makasariling mamamayan B. Pagiging mabuting mamamayan C. Paggawa ng isang bagay kapag kinakailangan D. Pagtulong sa iba para sa sariling kapakanan

_____ 13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamaya ay may pagmamahal sa bayan? A. Patuloy na paglakad habang inaawit ang Pambansang awit B. Pagpasok sa paaralan kapag kinakailangan C. Pagnakaw sa kaban ng bayan D. Naglilingkod sa bayan at sa kapwa

_____ 14. “Ang taong may pinag-aralan ay hindi kailanman gagawa ng anumang paglabag sa batas na ipinapatupad ng lipunang kinabibilangan.” Ang pangungusap na ito ay A. Tama, dahil natutuhan niya sa paaralan kung paano gawan ng paraan upang mahanap ang solusyon sa bawat problema. B. Tama, dahil gaya ng sinasabi ng karamihan, “ignorance of the law excuses no one” C. Mali, dahil hindi lahat ng taong may pinag-aralan ay alam ang gagawin upang hanapin ang solusyon sa problemang kinakaharap. D. Mali, dahil ang batas ay batas at walang sinuman ang may karapatan upang suwayin ang mga ito.

_____ 15. Saan nakapaloob ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng mga Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan? A. 1988 Konstitusyon ng Pilipinas B. 2010 Konstitusyon ng Pilipinas C. 1987 Konstitusyon ng Pilipinas D. 1897 Konstitusyon ng Pilipinas

Aralin 1: Pagmamahal sa Bayan

[illustration: hands holding a puzzle piece]

Balikan

Bago natin iwan ang module 5, balikan muna natin ang konsepto na natalakay.

Sagutin mo

Ngayong panahon ng pandemya, mayroon ka bang napansin na ginagawa ng mamamayan patungkol sa mga paglabag sa pagmamahal sa bayan. Magbigay ng isa at ipaliwanag bakit mo sinabi na ito ay paglabag sa pagmamahal sa bayan.

[illustration: hand holding a seedling]

Tuklasin

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang numero kung ito ay TAMA at ekis (X) kung ang isinasaad ay MALI.

_____ 1. Ang pagmamahal sa bayan ay daan sa pagkamit ng layuning makapagaangat sa bansa

_____ 2. Ang pagmamahal sa bayan ay kailangan upang magkaisa ang mga tao sa lipunan.

_____ 3. Ang patriyotismo ay pagtangkilik ng mga produktong imported at hindi ang mga lokal na bilihin.

_____ 4. Ang kutura, paniniwala at pagkakakakilanlan ay napahahalagahan sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan.

_____ 5. Isa sa mga paraan upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan ay ang pagsasabuhay ng pagkamamamayan.

_____ 6. Kapag nananalangin, hindi nararapat na isali ang hangarin mabuti para sa bansa at mga kapwa mamamayan.

_____ 7. Maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paglilingkod sa komunidad na walang inaasahang kapalit.

_____ 8. Ang pagmamahal na natutunan sa pamilya, pinapalawak sa paaralan at pinapaunlad ng pakikisalamuha sa kapwa sa lipunang kinabibilangan.

_____9. Ang paninigarilyo at pag-inom ay makatutulong upang mapalakas ang pagkunsumo ng mga imported at lokal na produkto sa bansa. _____10. Responsibilidad ng bawat isa ang pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

Pamprosesong tanong:

  1. Ano ang naramdaman mo habang sinasagot mo ang Gawain? Bakit?

  1. Ano ang sumagi sa isip mo habang sinasagot mo ang Gawain? Ginagawa o nagawa mo na ba ang mga ito?

  1. Naipagmamalaki mo ba ang mga gawain nagpapakita ng pagmamahal sa bansa? Bakit?

Tala Mula sa Guro

Sa module na ito mapag-aaralan mo ang pangangatuwiran at pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan.

Suriin

Mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan na nakapaloob sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

[transcriber’s note: the table below has no printed header row; its header cells are left empty]

➢ Pagapahalaga sa buhayBawat tao ay obligasyon sa Diyos ang paggalang sa buhay dahil ang buhay ay galing sa Kanya kaya’t walang sinoman ang maaaring kumuha ng sariling buhay o buhay ng iba maliban sa Kanya.
➢ katotohananKaugnay ng prinsipyo ng katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtian at mabuting paniniwala.
➢ Pagmamahal sa pagmamalasakit sa kapwaMaipapakita ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong na walng inaasahang kapalit.
➢ PananampalatayaMahalaga ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na lahat ay makakaya at possible
➢ PaggalangMahalaga ang paggalang sa mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.
➢ KatarunganAng pagpapanatili ng kung ano ang tama sa paraang walang kinikilingan. May paggalang sa karapatan ng kapwa mamamayan
➢ KapayapaanPagkakaroon ng katahimikan o walang kaguluhan at kapanatagan
➢ KaayusanPagiging organisado at disiplinado sa lahat ng pagkakataon
➢ Pagkalinga sa pamilya at salinlahiPamilya ang pangunahing institusyon ng lipunan. Dito unang tinuturuan ang mga bata tungkol sa kultura at tradisyon ng bansa.
➢ KasipaganGinagamit ang talent at kahusayan sa anumang pamamaraan upang makatulong sa ikabubuti ng mas nakararami. Ginagawa ang gawain nang matiyaga at may pagmamahal.
➢ Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiranLahat ng tao ay may responsibilidad na alagaan ang kalikasan at lahat ng nilikha ng Diyos sa pagkasira nito.
➢ PagkakaisaAng pakikipagtulungan ng bawat tao na mapag-isa ang ninanais at saloobin para sa iisa a maayos na layunin.
➢ KabayanihanIsa sa mga ipinagmamalaking ugali ng mga Pilipino ay ang tinatawag na “bayanihan”. Hindi hinihintay kung ano ang magagawa ng bayan sa tao sa halip ginagawa ng tao ang magagawa para sa bayan.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

➢ KalayaanAng pagiging malaya na gawin ang mabuti, kumilos ayon sa batas na ipinapatupad ng bansa at paggawa ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
➢ Pagsunod sa batasAng pagkilala, paghikayat at pakikibahagi sapagsasabuhay sa mga batas ng lipunan. Isa ito sa mga susi sa pag-unlad ng lipunan.
➢ Pagsusulong ng kabutihang panlahatAng pagtutulungan ng bawat isa at paghikayat sa iba upang makilahok sa pagtutulongan ay para sa ikabubuti hindi sa sarili at pamilya kundi para sa lahat.
Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

Ayon kay Alex Lacson (isang tanyag na may akda ng mga makabayang aklat, manunula, abogado, mangangalakal, at pinuno sa lipunan) Ang mga sumusunod ay mga simpleng gawaing patriotismo na maaring isabuhay para makatulong sa bansa.

  • ✓ Mag-aral nang mabuti
  • ✓ Huwag maging palalo o gumawa ng masama sa kapwa
  • ✓ Pumila nang maayos
  • ✓ Awitin ang Pambansang awit nang may paggalang at dignidad
  • ✓ Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya
  • ✓ Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura kahit saan
  • ✓ Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
  • ✓ Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled
  • ✓ Kung pwede nang bumoto, isagawa ito nang tama
  • ✓ Alagaan at igalang ang nakatatanda
  • ✓ Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan
  • ✓ Pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip
Pagyamanin
Gawain 2. Hanap Salita

PANUTO: Hanapin sa kahon ang sampu (10) na mga pagpapahalagang katangian dapat linangin ng bawat Pilipino.

KABAYANIHANORSP
AKABTWSAPODTREA
LABBAKITBAAKKAK
APPAGKAKAISAAMI
YAANAANAHSAPSIK
AKGGSSAAAANASNI
AAHGAIDYYKAYNGA
NNJFAPAUKASAAAL
KAQANAWSUNIPNNA
ANIDKGDABGNAAGM
HKAEAAANPGAAHES
AODBBNSAAABNOLA
NAIFAHTYGTIATEB
TKATARUNGANTOYA
PODAKANUAAIITEY
SLATIKATLGYNAAA
EANANDYAAEAAKSN
WNTYYATGNQRNAII
HGAAANOEGDSGAGY
PANANAMPALATAYA
Gawain 3: Pagtataguyod sa kilos

PANUTO: Mula sa Gawain 2, Isulat sa hanay A ang mga salitang nahanap at sa hanay B naman ay sumulat ng isang angkop na kilos kung paano mo ito maisasabuhay upang maipakita ang iyong pagmamahal sa bayan.

HANAY A Nahanap na Pagpapahalagang dapat linangin na salitaHANAY B Angkop na Kilos na kilos paano mo isasabuhay ang nahanap na salita
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Gawain 4: Pangatwiranan

PANUTO: Pangatwiranan ang mga pahayag na karaniwang naririnig patungkol sa pagmamahal sa bayan. Basahin at suriin mo ang pamantayan sa pagbibigay ng iskor upang malaman mo kung paano ipapaliwanag ang mga pahayag. Sagutin sa sagutang papel.

PamantayanNapakahusay (10)Mahusay (8)Nalilinang (6)Nagsisimula (4)
Kalidad ng Pagpapaliwanag (70%)Napakahusay at napakalinaw ang kabuuan ng pagpapaliwanag. Nagpapakita ng lubos na pagmamahal sa bayan at may kaakibat na responsibi-lidadMahusay at malinaw ang kabuuan ng pagpapaliwanag. Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at may kaakibat na responsibilidadMay katamtamang husay at linaw ang kabuuan ng pagpapaliwanag. Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at may kaakibat na responsibilidadMalaki ang kakulagan sa kaalaman ang kabuuan ng pagpapaliwanag. Hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at responsibilidad
Kalinisan ng gawain (30%)Nakikita ang kalinisan sa kabuuan ng gawain.May isadalawang bahagi ng gawain na hindi malinisMay tatlo-apat na bahagi ng output ang hindi nakita ang kalinisanHindi nakita ang kalinisan sa kabuuang ng gawain

Naniniwala ka ba na ang lahat na naibigay na pahayag ay nagpapakita ng walang pagmamahal sa bayan? Oo o hindi, Ipaliwanag.

  • Ang hindi pagtangkilik, pagbili at paggamit ng sariling produkto ng bansa
  • Hindi paglalagay sa kamay sa dibdib at hindi pag-awit ng Lupang Hinirang
  • Hindi pagboto, pangingibang bansa para magtrabaho

Isaisip

PANUTO: Basahing maigi ang pangungusap sa ibaba. Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa kahon.

lipunang taong pag-uugali makabubuti paraan dignidad kabutihang karapatan makapag-ambag pakikilahok

  1. Ayon kay San Juan Pablo XXIII (1818-1963), “Ang _____ ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang _____ na maging bahagi sa aktibong _____ sa lipunan upang _____ sa _____ panlahat.


  2. Ang _____ may tamang _____ ay gagawa ng _____ at gagawin ang _____ upang may maitulong sa _____ kinabibilangan.


Isagawa

PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng sanaysay, tula o awit.

Bakit sinabing “Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan”? Pangatwiranan ang sagot.


Mga pamantayan sa Gawain

Pamantayan532
NilalamanAng mensahe ay malinaw/Naipaliwanag nang maayos ang sagotHindi masyadong malinaw ang mensahe/ pagpapaliwanag ng sagotWalang mensahe ang sagot/ walang kaugnayan sa paksa.
PagbuoLohikal at koherent mula simula hanggang wakasLohikal at koherent ang katamtamang bahagiHindi lohikal at koherent

[transcriber’s note: a large empty rounded box for the learner’s written output follows; it has no printed text]

Tayahin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda? A. Paghingi ng tulong sa mga nakatatanda B. Pagmamano at pagsabi ng po at opo C. Pagtulong sa mga nakatatanda kapag kinakailangan D. Pag-iwan sa mga nakatatanda kapag may sariling pamilya

______ 2. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”? A. Pagpasok limang minuto bago ang nakatakdang oras. B. Pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras. C. Pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras. D. Kaugalian ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon bago pumunta.

_____ 3. Ang mga sumusunod ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan maliban sa A. Awitin ang pambansang awit nang may paggalang B. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong C. Bumili ng mga imported na produkto at hindi pagpansin sa mga lokal na bilihin D. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan

_____ 4. Saan nakapaloob ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng mga Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan? A. 1879 konstitusyon ng Pilipinas B. 1789 konstitusyon ng Pilipinas C. 1978 konstitusyon ng Pilipinas D. 1987 konstitusyon ng Pilipinas

_____ 5. Ang kaisipang “tayong lahat ay magkakasama sa pag-unlad bilang isa” ay tanda ng ano? A. Pagiging mabuting mamamayan B. Pagiging masamang mamamayan C. Pagiging responsableng mamamayan D. Pagiging malayang mamamayan ng bansa

_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamayan ay may pagmamahal sa bayan? A. Tinatangkilik ang produkto ng ibang bansa B. Naglilingkod sa bayan at sa kapwa na walang kapalit C. Tumutulong sa kapwa kapag may nakakakita D. Umaasa sa gagawin ng bansa para sa kanya

_____ 7. Ang taong may pinag-aralan ay hindi kailanman gagawa ng anumang paglabag sa batas ng lipunang kinabibilangan. Ang pangungusap ay

A. Tama, dahil natutuhan niya sa paaralan kung paano gawan ng paraan upang mahanapan ng solusyon ang bawat problemang kinakaharap. A. Tama, dahil lahat ng mga taong may pinag-aralan ay inaasahang igagalang ng mga tao at gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng mamamayan. B. Hindi, dahil hindi lahat ng taong may pinag-aralan ay gumagawa ng paraan upang mabgyan ng solusyon ang problemang kinakaharap ng bayan. C. Hindi, dahil ilan lang sa mga may pinag-aralan ay ginagawa ang responsibilidad para sa bayan.

_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang sumasagot sa tanong na “Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapwa ko”? A. Kalayaan B. Kaayusan C. Kabayanihan D. Pagkakaisa

_____ 9. Sa anong dimensiyon ng tao nabibilang ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa? A. Moral B. Ispiritwal C. Pangkatawan D. Pangkaisipan

_____ 10. Bakit sinabing ang pagbebentan ng boto ay hindi paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan? A. Dahil ito ay para sa sarili lamang B. Dahil ito ay ipinagbabawal ng batas C. Dahil mali ito sa mata ng ating Diyos D. Dahil ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa ng tama

_____11. Isa si Jana sa mga kabataang pwede nang bumoto. Agad siyang nagparehistro para sa paparating na halalan. Nang dumating ang araw ng kampanya, kinausap siya ng kanyang mga magulang na ibenta niya ang kanyang boto upang magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Dahil dito nalilito si Jana kung ano ang kanyang gagawin. Kung ikaw si Jana, ano ang gagawin? A. Hindi ko ibebenta ang aking boto dahil mali ito B. Susundin ko ang utos ng aking mga magulang C. Ibebenta ko ang aking boto para sa pera D. Hindi nalang ako boboto para sa aking kaligtasan

_____ 12. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang kailangang linangin ng mga Pilipino sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? A. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa B. Pagpanggap na may dugongbanyaga C. Pagtulong sa kapwa kapag may inaasahang kapalit D. Paggamit sa mga kagamitang galling sa ibang bansa

_____ 13. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang magagawa mo upang maipakita ang pagmamahal sa bayan? A. Mag-aral nang mabuti B. Tulungan ang kapwa at humingi ng kapalit C. Sundin lahat ng mga utos ng mga nakatatanda D. Gawin lahat ng mga pinapagawa ng guro sa paaralan

Matalik na magkaibigan sina Julio at Julia. Naawa si Julia kay Julio dahil palagi siyang bumabagsak sa kanilang pagsusulit. Isang araw, kinausap ni Julio si Julia na pakopyahin siya nito sa kanilang mga pagsusulit kapalit ay ang pagbibigay ni Julio ng gamit na galing ibang bansa.

______14. Kung ikaw si Julia, ano ang iyong gagawin? A. Hindi ako magpapakopya ng kahit ano kay Julio dahil mali ito. B. Pagbibigyan ko ang kahilingan ni Julio dahil kaibigan ko siya. C. Gagawin ko ang sinabi ni Julio ngunit hindi o tatanggapin ang kapalit nito. D. Magagalit ako kay Julio kahit gusting-gusto ko ang kapalit ng pagpapakopya.

______ 15. Maliban sa pagpapakopya na mali sa kahilingan ni Julio, ano pa ang kilos na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan? A. Pagpilit kay Julia na gawin ang isang bagay. B. Paghingi ng tulong kay Julia na may kapalit. C. Pananamantala ng pagkakaibigan nila ni Julia. D. Pagtangkilik ni Julia sa mgagamit galing sa ibang bansa

Karagdagang Gawain

PANUTO: Bilang isang mag-aaral, sumulat ng 10 pamamaraan kung paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan ngayong panahon ng pandemic. Isulat ito sa isang buong bond paper at lagyan ng desenyo. Idagdag ito sa iyong portfolio

✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________ ✓ _____________________________________________________________________

Pamantayan ng pagbibigay ng iskor

10 napakahusay7 mahusay5 Hindi mahusay
Ang lahat ng sagot sa kabuuan ay nagpapakita nang lubos na pagmamahal ng bayan.Ang sagot sa kabuuan ay naglalaman ng isa na hindi pagpapakita nang lubos na pagmamahal sa bayan.Ang sagot sa kabuuan ay naglalaman ng dalawa o higit na hindi nagpapakita nang lubos na pagmamahal sa bayan.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key table is printed rotated 90 degrees; its columns are read in the order printed, left to right]

TuklasinTayahinSubukin
1. /
2. /
3. X
4. /
5. /
6. X
7. /
8. /
9. X
10. /
1. B
2. D
3. C
4. D
5. A
6. B
7. A
8. C
9. A
10. D
11. A
12. A
13. A
14. A
15. A
1. D
2. A
3. D
4. C
5. D
6. A
7. A
8. D
9. C
10. A
11. D
12. B
13. D
14. A
15. C

Sanggunian

Departamento ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mga mag-aaral; Modyul; Layunin ng Lipunan: Kabutihang panlahat

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa mga mag-aaral; Modyul 10: Pagmamahal sa Bayan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district