This is Module 7 for Quarter 1 (Unang Markahan) of MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) for Grade 1 (Unang Baitang). Its title, “Paghubog sa Kahusayan sa Pagsagot sa mga Tanong Hango sa mga Kuwentong Maririnig at Mababasa,” means building skill in answering questions about stories that are heard and read. A parent or guardian reads the story “Malikot si Mingming” (Mingming the naughty kitten) aloud. The learner then answers questions about it, learns the parts of a storybook, and talks about their own experiences.
The module is a self-learning module for home study. It was written by Precentacion S. Juan and published by DepEd Region II (first edition, 2020).
On this page 7 sections
What learners will learn
The module states that after its activities, the learner is expected to:
- Build skill in answering questions about a story they heard and read.
- Give the meaning of words using real objects, pictures, and actions.
- Talk about themselves and their own experiences.
- Listen to a story and take part in the discussion afterward.
Parts of a storybook
The Tuklasin (explore) part uses the storybook “Ang Kamatis ni Peles” (Peles’s tomatoes) to show the four parts of a storybook:
| Part | What it shows |
|---|---|
| Pabalat (front cover) | The title of the story, the writer, and the illustrator |
| Pahina ng Pamagat (title page) | The title, writer, and illustrator again |
| Katawan ng “Story Book” (body) | The story itself, the most important part of the book |
| Pabalat-likod (back cover) | Often the good lessons that can be learned from the story |
The story: Malikot si Mingming
Mingming is the naughtiest of mother cat Muning’s four kittens. Muning often tells her, “Mingming, huwag kang masyadong malikot” (don’t be too naughty), so that Mang Berto and Aling Ana will not get angry.
Their son Alex keeps his toys neatly in an eskaparate (cabinet) while he is at school. One day Mingming jumps up on the cabinet and plays with the toys, and each one makes a sound:
- Airplane: “e-eeng-eeeeeng”
- Toy bell: “kleng-kleng”
- Telephone: “kriiiiing-ng-ng”
- Jeep horn: “bip-bip-bip”
- Train: “tsug-tsug-tsug”
While jumping around, Mingming bumps the cabinet and the toys fall to the floor. Mang Berto, Aling Ana, and Alex all get angry. Alex suggests giving the kitten away, but Mang Berto says no, because she would be separated from her mother.
Instead, Mang Berto hangs a can full of water from a tree branch with a string tied to it as a trap. Mingming swings on the string and gets soaked. Shivering, she says to herself that she would not have gotten wet if she had obeyed her mother.
Key ideas to remember
The Isaisip (remember) part teaches which question word asks for what:
- Ano (what) asks about a thing.
- Saan (where) asks about a place.
- Paano (how) asks about a way or method.
- Sino (who) asks about a person.
- Bakit (why) asks about a reason.
It also gives the story’s lesson: always follow your parents’ reminders, because this helps you avoid harm.
The activities also teach good behavior. Learners pick Mingming’s traits that should not be copied (malikot or naughty, and matigas ang ulo or stubborn). They also choose the right traits for a child like them (mabait or kind, and masunurin or obedient).
How to use this module
The module is divided into these parts, done in order:
- Alamin: read the learning goals.
- Subukin (pretest): draw your favorite toy and imitate the sounds of a cow, hen, pig, cat, and dog.
- Balikan (review): match words such as eskaparate, nagbabasa, bukod-tangi, and madadala to their meanings.
- Tuklasin: learn the parts of a storybook, then listen to the story.
- Suriin: answer 11 questions about the story, such as its title, setting, characters, and Alex’s toys.
- Pagyamanin: three activities on Alex’s toys and on good and bad behavior.
- Isaisip: remember the question words and the story’s lesson.
- Isagawa: draw the toy of Alex that you like.
- Tayahin (assessment): five multiple-choice questions on the story and a matching test on the parts of a storybook.
- Karagdagang Gawain (extra activity): draw your favorite toy from Alex’s cabinet.
- For learners: Write all answers in your notebook. Do not write on or mark the module, so that other learners can use it. Ask your teacher if you have trouble understanding a lesson.
- For parents: Read the story “Malikot si Mingming” aloud to your child, then talk about it together. Ask what you usually remind your child before school, as the module suggests.
- For teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) is at the end. Check it against the story before using it to grade. For example, the story says Alex’s toys are kept in the eskaparate, which is choice b in Tayahin item 3.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this MTB-MLE module for?
It is for Grade 1 (Unang Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 7.
What story is used in this module?
The module uses “Malikot si Mingming,” a story about a naughty kitten. She plays with Alex’s toys, knocks them over, and learns to obey her mother after falling into Mang Berto’s water trap.
What are the parts of a storybook taught in the module?
The module teaches four parts: the front cover (pabalat), the title page (pahina ng pamagat), the body of the story (katawan), and the back cover (pabalat-likod). The back cover often shows the lessons of the story.
Does the module have an answer key?
Yes, the Susi sa Pagwawasto is at the end of the module. Some section labels and answers in it do not match the activities, so teachers and parents should check it against the story.
What question words does the module teach?
It teaches Ano for things, Saan for places, Paano for ways or methods, Sino for people, and Bakit for reasons.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 7: Paghubog sa Kahusayan sa Pagsagot sa mga Tanong Hango sa mga Kuwentong Maririnig at Mababasa
[illustration: children reading outdoors under a tree, a boy and girl with a globe, a child reading by lamplight, and a teacher with students at a desk]
CO_Q1_MTB-MLE1_Module7
MTB – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Paghubog sa kahusayan sa pagsagot sa mga tanong hango sa mga kuwentong maririnig at mababasa Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Precentacion S. Juan Editor: Mercy Acupido-Pablo, Leodegaria Laud-Reyno, Anthony M. Navor, Ana A. Rubang Tagasuri: Maria Geraldine G. Lastra-Bermudez Tagalapat: Paolo Jericoh T. Baquiran Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Jessie L. Amin, Octavio V. Cabasag, Rizalino G. Caronan, James D. Pamittan, Romel B. Costales, Rodrigo V. Pascua, Marietess B. Baquiran, Maria Christina A. Acosta, Maria Geraldine G. Lastra-Bermudez
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region II
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1
MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 7: Paghubog sa Kahusayan sa Pagsagot sa mga Tanong Hango sa mga Kuwentong Maririnig at Mababasa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, Ikaw ay inaasahang:
- Mahuhubog ang kahusayan sa pagsagot sa mga tanong hango sa kuwentong narinig at nabasa.
- Maibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng tunay na bagay, larawan at aksyon.
- Makapagsasabi tungkol sa sarili at sariling karanasan.
- Makikinig at makikilahok sa talakayan pagkatapos marinig ang kuwento.
1
CO_Q1_MTB-MLE1_Module7
Subukin
Gawain 1
Sagutin ang tanong:
- Ano ang iyong paboritong laruan? Iguhit ito sa iyong kuwaderno.
[transcriber’s note: blank box for the learner’s drawing]
Ano ang mga huni ng mga sumusunod na hayop? Tularan ang mga ito.
[illustration: cow]
[illustration: hen]
[illustration: pig]
[illustration: cat]
[illustration: dog]
2
CO_Q1_MTB-MLE1_Module7
Balikan
Pagmasdan ang mga larawan/salita. Iugnay ang mga ito sa angkop na kahulugan nito. Isulat ang titik nang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
| Salita | Kahulugan |
|---|---|
| 1. Eskaparate [illustration: wooden cabinet] | a. Naiiba |
| 2. Nagbabasa [illustration: two children reading books] | b. aparador |
| 3. Bukod-tangi | c. matututo |
| 4. madadala | d. Nag-aaral |
3
CO_Q1_MTB-MLE1_Module7
Tuklasin
Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwentong pambata? Pagmasdan at kilalanin ang mga bahagi ng “Story Book”
Pabalat
[photo: front cover of the storybook “Ang Kamatis ni Peles,” showing red tomatoes and a green grasshopper]
Makikita sa pabalat ang pamagat ng kuwento, ang sumulat, at gumuhit nito.
Pahina ng Pamagat
[photo: title page of “Ang Kamatis ni Peles” with tomatoes]
Makikita pa rin dito ang pamagat ng kuwento, ang sumulat at gumuhit.
Katawan ng “Story Book”
[photo: inside spread of the storybook showing a green grasshopper beside tomatoes, with printed text above]
Dito mababasa ang nilalaman ng kuwento. Ang pinakamahalagang bahagi ng isang “Story Book.”
Pabalat- likod
[photo: back cover of the storybook with a short printed text, a barcode, and a small logo]
Dito madalas makikita ang mga magagandang aral na maaaring mapulot sa kuwento.
[transcriber’s note: the printed text on the back cover and inside spread is too small to read reliably in the page image and is not transcribed]
4
CO_Q1_MTB-MLE1_Module7
Humanda sa pagbabasa ng kuwento.
Bago ka pumasok sa paaralan, ano ang madalas sabihin o ibilin ng iyong nanay o tatay?
Ano ang laging sinasabi o ipinangangaral ni Muning kay Mingming?
Makinig kay nanay o tatay habang binabasa ang kuwentong Malikot si Mingming.
Pakinggan ang kuwento:
Malikot si MIngming
[illustration: kitten lying on its back]
Isang malikot na kuting si Mingming. Sa apat na anak ni Muning, siya ang pinakamalikot. Lahat ng bagay, nilikot ni Mingming. Walang nakaliligtas sa likot niya.
[illustration: two cats, one chasing the other]
“Mingming, huwag kang masyadong malikot,”madalas sabihin ni Muning sa anak. “Baka magalit sa atin sina Mang Berto at Aling Ana”.
[illustration: a boy with a toy, a ball, and a toy truck, and a cabinet of toys]
Si Alex, anak nina Mang Berto at Aling Ana, ay mahilig sa mga mamahaling laruan na may iba’t ibang
tunog. Itinatabi ni Alex nang maayos ang kanyang mga laruan sa isang eskaparate kapag siya ay nasa paaralan.
[illustration: cat lying beside a cabinet of toys]
Isang araw, pumasok sa paaralan si Alex. Naisipang tingnan ni Mingming ang mga laruan. “Naku,ang gaganda, ang sarap laruin!”ang sabi ni Mingming. “Pero ang taas ng eskaparate.”A, alam ko na, lulundag ako sa itaas,”ang sabi niya. At siya ay lumundag nang mataas sa ibabaw ng eskaparate.
[illustration: pink airplane with a cat as pilot]
Ang una niyang hinawakan ay ang eroplano.
Sinusian niya ito at biglang tumunog ng ” e-eeng- eeeeeng”.
[illustration: red bell]
Hinila niya ang pisi ng laruang kampana at narinig niya ang “kleng- kleng.”
Bumaba siya sa ikalawang bahagi ng eskaparate. Nakita niya ang telepono.Ginalaw niya ang pihitan at tumunog ng “kriiiiing-ng-ng”.
[illustration: telephone]
Pinindot naman niya ang busina ng jeep, “bip-bip- bip”ang tunog. “Tsug-tsug-tsug” naman ang tunog ng tren.
[illustration: jeepney and train, with the labels “pipiip! pipiip!”]
Tuwang-tuwang bumaba si Mingming. Lundag nang lundag siya. Sa kaiikot niya ay nabunggo niya ang eskaparate at nahulog ang mga laruan, sa sahig.
[illustration: cat among fallen toys, with a picture of an angry man, an angry woman, and a crying child]
Nagalit na si Mang Berto.”Talagang maligalig na kuting iyan!” Nagalit na rin si Aling Ana. “Nakakainis na ang kuting na’yan!” aniya. “Bukod-tangi ang likot niya!”
[illustration: angry boy in a green shirt, and a man holding a stick]
Pati si Alex na rin, “Itapon na kaya natin o ipamigay kaya?” ang sabi niya.
“Huwag, kawawa naman, mahihiwalay sa ina, ” ang sabi ni Mang Berto.”Hayaan mo, ako ang bahala.”
[illustration: cat in a garden with a pot hanging from a tree]
Isang umaga, nasa hardin si Mingming. Nakita niya ang isang latang bibitin-bitin sa sanga ng puno na may nakalawit na taling halos sayad sa lupa.
[illustration: cat in the garden, and a pot hanging from a tree]
Umandar na naman ang likot ni Mingming. Naisip niyang bumitin sa tali. Isasabit niya roon ang kanyang kuko at magpaugoy-ugoy.” Siguro mas malakas ang tunog nito kaysa roon sa maliit na kampana ni Alex,” naisip niya.
[illustration: cat hanging by its claw from a rope beneath the pot]
Ang hindi niya alam, patibong ni Mang Berto ang laruang tali. Puno iyon ng tubig. Pag nahatak ang pisi, bubukas ang ilalim at bubuhos ang tubig.Tiyak na mababasa ang hihila ng tali. Lumapit na siya sa tali. At sa isang talon ay naisabit niya roon ang kuko at nakita ang tali.
[illustration: pot spilling water onto the cat, with the sound effect “Whhoosshhh!”]
Napasigaw si Mingming nang bumuhos sa kanya ang tubig mula sa lata. Basang-basa siya.
Nanginginig siya sa ginaw na tumakbo sa kinaroroonan ni Muning at ng kanyang mga kapatid. “Hindi sana ako nabasa kung sinunod ko si Ina,” ang sabi ni Mingming sa sarili.
Suriin
Sagutin ang mga tanong na hinango sa kuwentong binasa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
- Ano ang pamagat ng kuwento?_____
- Saan ito nangyari?_____
- Kailan nangyari ang kuwento?_____
- Ano ang laging sinasabi o ipinangangaral ni Muning kay Mingming?_____
- Sino ang mga tauhan sa kuwento ?_____
- Sino sa mga tauhan ang naiinis kay Mingming?_____
- Ano ang mga laruan ni Alex?_____
- Gayahin ang tunog o ugong ng mga laruan ni Alex?_____
- Anong uri ng kuting si Mingming?_____
- Sa palagay mo ba ay may mga bata ring tulad ni Mingming? Dapat ba siyang tularan? Bakit?
- Kung ikaw si Mingming,ano ang iyong gagawin ? Bakit?_____
Pagyamanin
Gawain 1
Piliin ang mga laruan ni Alex na nasa eskaparate. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
A. [illustration: green airplane] B. [illustration: hand bell] C. [illustration: blue telephone] D. [illustration: brown puppy] E. [illustration: spinning top]
Gawain 2
Alin sa mga nasa kahon ang ugali ni Mingming na di dapat tularan? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
- mabait
- malikot
- matulungin
- Matigas ang ulo
- masunurin
Gawain 3
Alin sa mga nasa kahon ang nararapat na pag-uugali ng isang batang tulad mo? Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot at kulayan ng berde ang kahon nito.
- Tamad
- Mabait
- Sinungaling
- Masunurin
- Bastos
Isaisip
Tandaan na ang angkop na sagot sa iba’t ibang tanong ay ang mga sumusunod:
Ano – para sa bagay Saan – para sa lugar Paano – para sa pamamaraan Sino – para sa tao Bakit – para sa dahilan
Ugaliin ang pagsunod sa mga habilin ng magulang. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang kapamahakan.
Isagawa
Narito ang mga laruan ni Alex. Alin ang naibigan mo? Iguhit sa iyong kuwaderno.
[illustration: green paper airplane]
[illustration: toy train with blue, red, and light blue cars on a green background]
[illustration: hand bell]
[illustration: blue telephone]
[illustration: jeepney with the word PHILIPPINES on its roof]
Tayahin
A. Panuto: Basahin ang bawat tanong sa ibaba. Isulat ang letra nang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
Ano ang pamagat ng kuwento?
a. Mabait si Mingming
b. Maingay si Mingming
c. Malikot si Mingming
d. Masunurin si MingmingSino ang may-ari ng laruan? Si _____.
a. Alex
b. Berto
c. Cardo
d. ChitoSaan nakalagay ang mga laruan ni Alex? Sa _____.
a. basket
b. eskaparate
c. kahon
d. mesaBakit nagalit si Mang Berto kay Mingming?
a. Ikinalat ang mga laruan ni Alex.
b. Sinira ang mga laruan ni Alex.
c. Dinumihan ni Mingming ang mga laruan.
d. Kinuha ni Mingming ang mga laruan.Paano natuto si Mingming sa patibong ni Mang Berto?
a. Nadala siya sa patibong ginawa ni Mang Berto.
b. Natutuwa siya sa kanyang ginawa.
c. Nagalit siya kay Mang Berto
d. Nainis siya kay Mang Berto
B. Panuto lugnay ang ngalan ng bahagi ng aklat sa Hanay A sa larawan sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| _____1. Pabalat | A. [photo: back cover of a storybook with tomato illustrations and small print] |
| _____2. Pahina ng Pamagat | B. [photo: open book page with a green insect illustration] |
| _____3.Katawan ng “Story Book” | C. [photo: front cover of the book “Ang Kamatis ni Peles”] |
| _____4. Pabalat – Likod | [photo: cover of the book “Ang Kamatis ni Peles” with tomatoes] |
[transcriber’s note: the fourth picture in Hanay B has no letter printed beside it]
Karagdagang Gawain
Iguhit ang paborito mong laruang na nasa eskaparate ni Alex sa iyong kuwaderno.
[illustration: empty rectangular frame for the drawing]
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed after rotating it 180 degrees]
Balikan
- moo-moo-moo
- Putak-putak-putak
- oink-oink-oink
- meow-meow-meow
- aw-aw-aw
Tukoisin
- aparador
- bitag
- naliba
- matuto
Unawain
- Huwag malikot
- Mang Berto, Aling Ana, Alex
- eroplano,kampana,telepono,dyip,tren
- Eroplano-e-eng-eng
Kampana- dang-dang-dang
Telepono-kring-kring-kring
Dyip- bip-bip-bip
Tren- tsug-tsug-tsug - Isang malikot na kuting si Mingming.
- Oo may mga batang kagaya ni Mingming. Hindi siya dapat tularan dahil hindi magandang ugali ang pagiging malikot.
- Kung ako si Mingming hindi ako magiging malikot.
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed after rotating it 180 degrees, and the letter case of some answers is hard to confirm]
Pagyamanin
Gawain 1: Eroplano,kampana,telepono
Gawain 2: mafigas ang ulo at malikot
Gawain 3: mabait at masunurin
Tayahin
A.
- C
- a
- a
- a
- a
B.
- C
- D
- B
- A
Mga Sanggunian
Mother Tongue Based-Multilingual Education Learner’s Materials
Mother Tongue Based-Multilingual Education Teacher’s Guide
Department of Education. “K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes”. Pasig City: Department of Education Central Office, 2020
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply