Araling Panlipunan 1 Quarter 1 Module 6: Bata, Mangarap Ka

Grade 1 Araling Panlipunan Quarter 1 Module 6 helps young learners think about, draw, and take pride in their dreams, with activities and an answer key.

This is Module 6 of Araling Panlipunan (social studies) for Grade 1, Quarter 1 (Unang Markahan), titled “Bata, Mangarap Ka” (child, dare to dream). It is a self-learning module from DepEd Region II, First Edition 2020, made for young learners studying at home with a parent or guardian. In it, children think about what they want to become when they grow up and learn that having a dream, and working for it, matters.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module is about dreams and wishes for oneself (“mga pangarap at ninanais para sa sarili”). By the end of it, the learner is expected to:

  • Take pride in their own dream or wish through creative ways (“Naipagmamalaki ang sariling pangarap o ninanais sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan”).

Lesson in this module

The module has one lesson, “Pagbuo ng Pangarap” (forming a dream). It opens with a simple question: what do you want to achieve or make come true in your life? It then guides the child through drawing, coloring, and short exercises about their own dream.

Key ideas: why dreams matter

The module shows learners photos of well-known Filipinos and describes each one:

PersonWhat the module says
Dr. Jose P. RizalNational hero of the Philippines
Manny PacquiaoKnown around the world for boxing; described as a senator at the time of writing
Rodrigo R. DuterteDescribed as the president of the Philippines at the time of writing
Lea SalongaKnown for her singing; called “Ms. Saigon”
Robert JaworskiKnown for his skill in basketball in the Philippines

The lesson reminds children that these people were once kids too. Through patience and hard work, they reached their dreams.

The module explains that a dream serves as a guide to reaching what you want in life. It lists what a child can do now to work toward a dream:

  • Find out what you are good at while you are still young, and keep getting better at it.
  • Study well.
  • Work hard and be patient.
  • Stay strong when facing challenges and trials.

Activities in the module

The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

  • Subukin (pretest): Color the pictures of jobs you dream of, such as teacher, police officer, nurse, or doctor. If your dream is not shown, draw it in the box.
  • Balikan (review): Draw your family and complete sentences about how many members and brothers and sisters you have.
  • Tuklasin (discover): Close your eyes, imagine yourself at 20 years old, and draw what you see yourself doing.
  • Suriin (examine): Look at the photos of famous Filipinos and read about how they reached their dreams.
  • Pagyamanin A and B (enrichment): Color the activity you like most, then write your name in a circle, draw two things that stand for your dream, and draw what you must do to reach it.
  • Isaisip (remember): Fill in the blanks in sentences about having a dream.
  • Isagawa (apply): Unscramble letters to name jobs from clues, such as one who treats the sick or one who cares for our teeth.
  • Tayahin (assessment): Draw a smiling face if a statement is true and a frowning face if it is false.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): Write your dream for when you grow up and list two things you will do to reach it.

How to use this module

  • For learners: Start with Alamin and Subukin, then go through each part in order. Answer on a separate sheet of paper and do not write on the module, so other learners can use it too.
  • For parents and guardians: Most activities ask the child to draw or color, so sit with your child and talk about their answers. Read the instructions aloud if your child is still learning to read.
  • For teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives answers for Isagawa (doktor, guro, nars, pulis, dentista) and Tayahin (true, true, false, true, true). The drawing activities have varied answers (“magkakaibang kasagutan”), so check them for effort and for how well the child expresses their dream.

The module asks learners to use the answer key honestly and to contact their teacher right away if they have trouble understanding the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is the module Bata, Mangarap Ka for?

It is for Grade 1 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 6 of the quarter.

What is the lesson in this module about?

The lesson, Pagbuo ng Pangarap (forming a dream), helps children think about what they want to become and take pride in their dream. It also teaches that studying, hard work, and patience help a person reach their dream.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Isagawa and Tayahin activities. The drawing and coloring activities have varied answers, since each child’s dream is different.

Which famous Filipinos are featured in the module?

The Suriin part features Dr. Jose P. Rizal, Manny Pacquiao, Rodrigo R. Duterte, Lea Salonga, and Robert Jaworski as examples of people who reached their dreams through hard work.

Should my child write on the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for their answers.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6: Bata, Mangarap Ka

[illustration: children studying and reading outdoors and at a table, with a teacher, a globe, and a girl reading by a lamp]

CO_Q1_AP1_Module6

Araling Panlipunan – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Bata, Mangarap Ka Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hilda R. Mariano

Editor: Lolita V. Lorenzo, Editha C. Dimarucut, Amelia B. Bergonia, Leonora L.Tuason

Tagasuri: Elizabeth R Berdadero, Jenelyn B. Butac, Richard O. Ponhagban

Tagaguhit: Images Labelled for Reuse

Tagalapat: Jaylord Gallarde

Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Jessie L. Amin Octavio V. Cabasag Rizalino G. Caronan Romel B. Costales Janette V. Bautista Marivel G. Morales Robert T. Rustia

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: region2@deped.gov.ph

1

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6: Bata, Mangarap Ka

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow in the bullseye]

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga pangarap at ninanais para sa sarili.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

  • Naipagmamalaki ang sariling pangarap o ninanais sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan.

Subukin

[illustration: pencil icon]

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Kulayan ang mga larawang pinapangarap o ninanais mo? Kung wala sa mga ito ang nais mo paglaki, iguhit mo ito sa loob ng kahon.

[illustration: teacher standing beside a chalkboard]

[illustration: police officer in uniform]

[transcriber’s note: empty box for drawing a career not shown above]

[illustration: nurse holding a clipboard]

[illustration: doctor holding a stethoscope]

Modyul 6 Pagbuo ng Pangarap

Ano-ano ang mga nais mong makamit o matupad sa iyong buhay?

Mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap.

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon]

Panuto: Iguhit ang iyong pamilya sa kahon. Punan ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pangungusap na nagpapakilala sa iyong pamilya.

[transcriber’s note: empty box for drawing the family]

Ito ang aking pamilya. Ang aking pamilya ay binubuo ng _____ na miyembro. Ako ay may _____ na babaeng kapatid. Ako ay may _____ na lalaking kapatid. Mahal ko ang aking pamilya.

Tuklasin

[illustration: sprouting seedling icon]

Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw ay dalawampung (20) taong gulang na. Ano ang iyong nakikita na ginagawa mo?

Panuto: Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarili sa edad na dalawampung (20) taon.

[illustration: empty thought bubble above a boy resting his chin on his hand]

Suriin

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan ng mga tao sa ibaba.

[transcriber’s note: the table has no printed header row; its header cells are left empty]

[photo: portrait of Dr. Jose P. Rizal]DR. JOSE P. RIZAL
• Pambansang bayani ng Pilipinas
[photo: Manny Pacquiao in boxing gear]MANNY PACQUIAO
• Nakilala sa buong mundo sa kaniyang galing sa boksing.
• Isa sa mga senador sa kasalukuyan
[photo: Rodrigo R. Duterte]RODRIGO R. DUTERTE
• Ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas
[photo: Lea Salonga]LEA SALONGA
• Kilala sa kaniyang galing sa pag-awit.
• Tinaguriang Ms. Saigon
[photo: Robert Jaworski]ROBERT JAWORSKI
• Kilala sa kaniyang husay at galing sa basketbol dito sa Pilipinas.

Katulad mo, minsan din silang naging bata. Sa kanilang pagtitiyaga at pagsisikap, natupad nila ang kanilang mga pangarap.

Mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap. Ito ang magsisilbing gabay upang makamit mo ang iyong nais marating sa buhay.

May mga dapat kang gawin upang makamit ang iyong pangarap. Hangga’t bata ka pa ay alamin mo ang iyong kakayahan. Patuloy mo itong pagbutihin. Mag-aral kang mabuti. Magsumikap at magtiyaga ka. Maging matatag sa pagharap ng anumang hamon at pagsubok na dumating. Sa pamamagitan nito magtatagumpay ka tungo sa pagkamit ng iyong pangarap.

Pagyamanin

A. Panuto: Pagmasdan ang mga batang nasa larawan. Kulayan ang gawaing paborito mong gawin. Kung wala, iguhit mo ito sa blangkong kahon.

[illustration: outline drawing of a ballerina to color]

[illustration: outline drawing of a girl studying at a desk with a lamp and books]

B. Panuto: Isulat sa gitna ng bilog ang iyong pangalan. Sa palibot ng iyong pangalan, gumuhit ng dalawang (2) bagay na sumisimbolo ng iyong pangarap. Sa dalawang maliliit na kahon naman, iguhit ang mga dapat mong gawin upang matupad ang iyong pangarap.

[transcriber’s note: an empty box for drawing appears at the top of the page]

[illustration: outline drawing of a boy riding a bicycle]

[illustration: outline drawing of a boy kicking a soccer ball]

[transcriber’s note: an empty circle for writing the name appears below, with two short lines extending from its bottom]

[transcriber’s note: two empty rounded boxes appear at the top of the page]

Isaisip

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.

  • Bawat bata ay may sariling _____________.
  • Ang _____________ ay ang ninanais para sa sarili.
  • Mahalaga ang pagkakaroon ng _____________.
  • Dapat magsumikap upang makamit ang iyong _____________.
  • May kailangan kang gawin upang makamit ang iyong _____________
Isagawa

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga pangarap na tinutukoy. Isulat ito sa kahon.

t o k d o r 1. Gumagamot ng maysakit.

u g o r 2. Nagtuturo sa mga bata upang matutong bumasa at sumulat.

s a r n 3. Nag-aalaga ng maysakit.

l u s i p 4. Nangangalaga ng katahimikan at kaayusan ng bayan.

t e n s i t d a 5. Nangangalaga ng ating ngipin.

[transcriber’s note: each scrambled word has a row of empty answer boxes beneath it]

Tayahin

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang [illustration: smiling face] kung tama ang isinasaad ng pangungusap at [illustration: frowning face] kung mali.

[transcriber’s note: an empty answer box precedes each item]

  1. Mayroon kang ninanais para sa iyong sarili.


  2. Mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap.


  3. Ikahiya ang pangarap para sa sarili.


  4. May mga dapat kang gawin upang makamit ang iyong pangarap.


  5. Hangga’t bata ka pa ay tuklasin mo ang iyong mga kakayahan.


Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong pangarap paglaki. Magtala ng dalawang (2) gawain upang maabot ang mga pangarap para sa sarili.

[transcriber’s note: an empty box for writing appears below the instruction]



Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its text is transcribed in reading order as it appears when the page is turned]

Pagyamanin A at B

Magkakaibang kasagutan

Subukin

Magkakaibang kasagutan

Balikan

Magkakaibang kasagutan

Isagawa
  1. doktor
  2. guro
  3. nars
  4. pulis
  5. dentista
Tayahin
  1. [illustration: smiling face]
  2. [illustration: smiling face]
  3. [illustration: frowning face]
  4. [illustration: smiling face]
  5. [illustration: smiling face]
Karagdagang Gawain

Magkakaibang kasagutan

Sanggunian:

K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Batang 1-10. (2016)

Miranda, N.P. (2017) Araling Panlipunan-Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral. Geumcheongu, Seoul, Korea: Prinpia co., Ltd.

Images Labelled for Reuse

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district