Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga pagpapatuloy at pagbabago sa buhay ng isang bata.
Ang mga katulad mong bata ay may iba’t ibang karanasan na maibabahagi sa iba na maaaring mapulutan ng aral at makapagpaunlad sa sarili.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
- Naihahambing ang sariling kuwento o karanasan sa bύhay sa kuwento at karanasan ng mga kamag-aral bilang miyembro ng pamilya gaya ng kapatid, mga magulang (noong sila ay nasa parehong edad), mga pinsan, at iba pa; o mga kapitbahay.