This is the Alternative Delivery Mode (ADM) self-learning module for Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal, a Senior High School subject, for Quarter 1, Week 8 (Unang Markahan, Ikawalong Linggo). It has one lesson, Aralin 8, “Sulating Teknikal-Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers” (technical-vocational writing: steps in making flyers). After the module, learners should be able to explain what a flyer is, follow the steps in making one, and create their own flyer.
The module is a first edition (2020), printed by SDO-Caloocan, DepEd National Capital Region, and written by Rubycell S. Dela Pena.
What learners will learn
The module’s main competency is: Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (lists the steps in making the sample technical-vocational writing that was read), CS-FFV11/12PB-0g-i-106.
By the end of the lesson, learners should be able to:
- Tell how flyers differ from other kinds of technical writing.
- Recognize the background of writing flyers.
- List the contents of a meaningful flyer.
- Arrange the steps in making a flyer in the correct order.
- Create a flyer by following the steps in order.
What a flyer is
The module defines a flyer as a technical piece of writing used to spread information about a personal activity or a business. It is usually a promotional material. Flyers are also called a circular handbill or leaflet. They are handed out, posted on streets, or sent by e-mail. A good flyer is simple but still gives the detailed information the sender wants readers to know.
Key points from the lesson:
- Uses: flyers can be made for an individual, a business, a concert or musical, a product, and many other purposes.
- Related materials: flyers are grouped with postcards, pamphlets, and small posters, which can be made quickly and cheaply.
- Software: the module suggests Microsoft Publisher or Adobe Photoshop, which already have layout guides. The writer still needs to choose the content carefully.
- Layout matters: the design must be effective because the flyer carries important information.
Common flyer sizes
| Size | Compared to |
|---|---|
| A4 | About the size of a letterhead |
| A5 | About half a letterhead |
| DL | The size of a compliments slip |
| A6 | The size of a postcard |
Flyer or leaflet?
People often mix up flyers and leaflets. The module says a leaflet usually has a better design than a flyer: it is printed, colorful, and of higher quality. A leaflet aims to promote a product, service, or organization; to be placed in newspapers; to be handed out in crowded places; and to catch attention and deliver a message.
Steps in making a flyer
The module gives these steps, taken from Francisco et al. (2017):
- Sumulat ng pamagat (write the title). Keep it simple and big: no more than five words, fitting on one line, and centered. The title lettering should be bigger than the rest of the text so people can see it from far away. Use all caps and a sans serif font such as Arial. Formal fonts such as Times New Roman and Book Antiqua have serifs. The title may also be colored.
- Gawing simple ang mensahe (keep the message simple). Readers should understand the flyer right away without reading all of it.
- Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon (add a picture or graphic). People remember a message better with images, but avoid too many pictures so the flyer does not look crowded and messy.
- Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan (add a description under the picture). Keep it short but detailed, two to three lines, using persuasive words.
- Ilagay ang numerong tatawagan (add a contact number) for people who want to respond or are interested.
- Isapubliko ang impormasyon (publicize the information). The module calls this the most important part of making a flyer. Hand out copies in public or crowded places.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions on flyer titles, descriptions, sizes, and steps.
- Balikan (review): 5 items linking back to earlier lessons on manuals, brochures, and formal language in technical writing.
- Tuklasin: compare a sample flyer and a sample brochure using a Venn diagram.
- Pagyamanin: Gawain 1 asks learners to label the parts of a sample flyer; Gawain 2 asks them to arrange the steps of making a flyer in order; Gawain 3 compares two flyers in a graphic organizer, scored out of 20 points (content and unity).
- Isaisip: five short-answer questions, such as the meaning of flyers and how flyers differ from leaflets.
- Isagawa: create a flyer on one topic: a student service of your school, a service you could earn from, a school organization, a business you want to start, or a product you want to sell. It is scored out of 40 points for complete information, language use, creativity and visuals, and neatness.
- Tayahin (post-test): 15 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain: two fishbone diagrams on the importance of flyers and the steps in making them, with a short summary.
How to use this module
For learners: Answer the Subukin first. If you get all items right, you may skip ahead, as the module allows. Then go through the parts in order, read each instruction carefully, and write your answers on a separate sheet of paper, not on the module. Check your practice answers honestly using the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and return the module to your teacher when you finish.
For parents: The module encourages learners to ask their parents or older family members for help. You can help your child find a real flyer for Gawain 1 and give feedback on the flyer they make for Isagawa.
For teachers: The module asks the facilitator to explain how to use it, monitor and record learners’ progress, and guide them through the activities. Use the rubrics in Gawain 3 and Isagawa to score the flyer tasks. Review the answer key before releasing it, since a few answers do not match the lesson’s discussion.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal module for?
It is a Senior High School module for Quarter 1, Week 8. Its competency code, CS-FFV11/12PB-0g-i-106, covers Grades 11 and 12.
What is a flyer according to the module?
A flyer is a technical piece of writing used to spread information about a personal activity or a business, usually as a promotional material. It is also called a circular handbill or leaflet.
What are the steps in making a flyer?
Write a simple, big title; keep the message simple; add a picture or graphic; put a short description under the picture; include a contact number; and publicize the flyer in crowded places. The module says publicizing is the most important step.
What is the difference between a flyer and a leaflet?
The module says a leaflet usually has a better design than a flyer. It is printed, colorful, and of higher quality.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin, Balikan, Pagyamanin, and Tayahin parts.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal
[illustration: colorful flat graphic of a book with gear and wrench, an open green book with a magnifying glass, a handshake over a peso-marked document, an orange document with a pen, and two hands typing on a keyboard]
GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE
Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal
Filipino sa Piling Larang- Teknikal-Bokasyunal Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Ikawalong Linggo: SulatingTeknikal-Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Filipino sa Piling Larang: Teknikal- Bokasyunal
Manunulat: Rubycell S. Dela Pena Editor: Tommy R. Rico Tagasuri: Sheila C. Molina, Allan G. Salom, Amaflor C. Alde Tagaguhit: Ferdinand B. Jara Tagalapat: Jovanni L. Cornelia Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Jennifer Vivas, Dennis M. Mendoza, Micah S. Pacheco, Jocelyn M. Aliñab, Tommy R. Rico
Inilimbag sa Pilipinas ng SDO-Caloocan Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR)
Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang Teknikal- Bokasyunal
Unang Markahan – Ikawalong Linggo Sulating Teknikal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers
Ang kagamitang pampagtuturo na ito ay kolaboratibong binuo at sinuri ng mga lupon ng mga edukador sa pampublikong paaralan. Hinihikayat na ang mga guro mag-aaral, at mga magulang na magbigay ng puna at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Lubos po naming pahahalagahan ang inyong puna at rekomendasyon.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: Teknikal-Bokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Sulating Teknikal- Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
[illustration: note icon]
Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: Teknikal-Bokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Sulating Teknikal- Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
[illustration: icon of a hand pressing a button] Alamin – Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
[illustration: icon of a hand holding a pencil] Subukin – Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
[illustration: icon of two hands] Balikan – Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
[illustration: icon of hands holding a leaf] Tuklasin – Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
[illustration: icon of a magnifying glass] Suriin – Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
[illustration: icon of hands stacking blocks] Pagyamanin – Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Para sa mag-aaral (patuloy)
[illustration: icon of a light bulb] Isaisip – Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
[illustration: icon of hands holding a gear] Isagawa – Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
[illustration: icon of a hand holding a pen] Tayahin – Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
[illustration: icon of gears] Karagdagang Gawain – Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
[illustration: icon of a key] Susi sa Pagwawasto – Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian – Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
- Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
- Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
[illustration: icon of a hand pressing a button]
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.
Ang modyul ay may isang aralin:
- Aralin 8- Sulating Teknikal-Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Flyers
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (CS-FFV11/12PB-0g-i-106)
- Nababatid ang pagkakaiba ng flyers sa ibang uri ng sulating teknikal
- Nakikilala ang kaligiran sa pagsulat ng flyers
- Naiisa-isa ang mga nilalaman ng makahulugang flyers
- Naisasaayos batay sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang flyers
- Nakalilikha ng flyers batay sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin.
Subukin
[illustration: icon of a hand holding a pencil]
Basahin ang mga tanong sa bawat aytem at piliin ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ano ang mainam na katangian ng isang pamagat ng flyer?
- A. Nasusulat sa dalawang linya.
- B. Nakatipa ng simple at malaki.
- C. Ginamitan ng maliit na letra
- D. Binubuo ng higit sa limang salita
_____ 2. Paano nilalapatan ng deskripsyon ang produkto sa flyers?
- A. Ginagamitan ng payak na salita.
- B. Karaniwang nakasulat sa isang linya lamang.
- C. Hindi kailangang i-highlight ang susing-salita.
- D. Maikli lamang ngunit detalyadong nababasa sa ilalim ng larawan.
_____ 3. Mahalaga ba ang larawan o grapikong presentasyon sa isang flyer?
- A. Hindi, ang flyer ay ginagawa sa pamamagitan ng mga teksto lamang.
- B. Hindi, nagpapagulo lamang ang mga larawan sa isang flyer.
- C. Oo, higit na natatandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahe.
- D. Oo, lalo kung marami at makulay ang larawan upang maging kahali-halina sa mga mamimili.
_____ 4. Ito ay sulating teknikal na ginagamit para sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo. Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na materyal.
- A. Manwal.
- B. Brochure
- C. Flyers
- D. Liham Pangnegosyo
_____ 5. Ano ang ginagamit na aplikasyon sa mahusay na pagbuo ng isang flyer?
- A. MS Word
- B. File Explorer
- C. Microsoft Publisher
- D. Powerpoint Presentation
_____ 6. Alin ang HINDI kabilang sa hakbangin sa pagsulat ng pamagat sa flyer?
- A. Marapat na simple at maikli lamang ang pamagat.
- B. Gumamit ng malalaking letra (all caps) sa pagsulat ng pamagat.
- C. Dapat mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat.
- D. Hindi ito hihigit sa sampung salita, kasya sa isang linya sa pahina.
_____ 7. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng hakbangin sa pagbuo ng flyers?
[transcriber’s note: the answer choices for item 7 are not on this page; they continue on the next page]
I. Pagsulat ng Pamagat
II. Pagdaragdag ng larawan
III. Paggawa ng mensahe
IV. Deskripsyon sa ibaba ng larawan
V. Numero/Impormasyon ng taong tatawagan
VI. Pagsasapubliko ng impormasyon
A. I-III-II-IV-V-VI C. IV-III-V-I-VI-II
B. I- II-III-IV-V-VI D. IV-III-I-VI-V-II
_____ 8. Ano ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyers?
A. Pamagat C. Pagpapaskil
B. Paglalarawan D. Pagsasapubliko
_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa halimbawa ng flyers?
A. pahayagan C. post card
B. pamphlet D. poster
_____ 10. Ano ang pagkakaibang katangian ng leaflets sa flyers?
A. mensahe B. malaman C. makulay D. mahaba
_____ 11. Alin ang HINDI kabilang sa sukat na mayroon ang isang flyers
A. A4 C. DL
B. B5 D. A6
_____ 12. Anong uri ng promosyonal na materyales ang higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman?
A. flyers B. brochure C. leaflets D. pamplet
_____ 13. Ano ang ginagamit sa paglulunsad ng isang produkto o serbisyo at ipinakikilala rin ng bahagya ang kumpanyang naglunsad nito?
A. pamplet C. flyers
B. leaflets D. brochure
_____ 14. Ano ang katangian na nararapat na taglayin ng pamagat at nilalaman ng flyers upang madaling maunawaan ng mga mambabasa?
A. makulay C. simple
B. magarbo D. mahaba
_____ 15. Alin sa mga nabanggit ang HINDI kabilang sa dahilan ng paggamit ng flyers?
A. Konsiyerto C. Pagdiriwang
B. Produkto D. Pangyayari
Aralin 8 Teknikal Bokasyunal: Hakbang at Pagsasagawa ng Flyers
Ang pagtalakay sa sulating teknikal ay higit na magagamit kung batid ang layunin sa pagsusulat gayundin kung saan ito magagamit. Maraming paraan upang mas mabigyang halaga ang pagsasapubliko ng mga bagay. Nararapat na mabigyang tuon ang mga pangangailangan, katuturan, at ang mga hakbangin sa paggawa ng isang promotional material. Mapapansin mo ang kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya na aakma sa gagamitin mong panghihikayat sa maraming tao. Ngunit gaano ka man kahusay sa paggamit ng makabagong teknolohiya ay nararapat na batid mo ang kasagutan sa mga ganitong katanungan: Sino ang magbabasa? Sino ang gagamit ng iyong produkto? Ano- ano ang mga hakbangin sa pagsasagawa nito? Ano ang kahalagahan nito sa mag-aaral na tulad mo? Atin itong tuklasin at pag-aralan sa araling ito.
Balikan
Piliin sa talaan ang gamit ng wika na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
- A. Pambungad
- D. Pampanitikan
- B. Brochure
- E. Manwal
- C. Pormal
- F. Talaan ng Nilalaman
_____ 1. Nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa sa inisyal na pagtingin sa kabuoang nilalaman ng isang manwal.
_____ 2. Babasahin na naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at iba pang gabay o detalye hinggil sa isang produkto.
_____ 3. Listahan ng mga nilalaman o mga paksang tatalakayin sa manwal.
_____ 4. Ang wikang ginagamit sa teknikal na sulatin.
_____ 5. Babasahin na kinapapalooban ng alintuntunin at proseso ng isang produkto.
Tuklasin
Suriin ang dalawang larawan na iyong nakikita at tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho nito sa tulong ng Venn Diagram.
[photo: (A) flyer titled “Fabulous Filipino Food!” presented by Mariscilo Tasting Bar, Friday, March 27th, 2020]
[photo: (B) tri-fold brochure on Tagbilaran, Bohol, with names of group members]
(A) (B)
Ang mga larawan ay mula sa sumusunod:
[chart: Venn diagram; Tuklasin]
- Pagkakapareho (overlap of the two circles, top)
- Pagkakaiba (left circle)
- Pagkakaiba (right circle)
- Larawan A at Larawan B (center overlap)
Suriin
Isa sa layunin ng sulating teknikal na makabuo ng isang maayos, detalyado at organisadong pagbibigay ng impormasyon. Isa na rito ang pagbubuo ng isang flyers. Ang flyers ay sulating teknikal na ginagamit para sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo. Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na materyal.
Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o makatulong kaugnay sa paggawa ng isang flyer. Nararapat din na isaalang-alang ang mga detalye na isusulat sa loob o nilalaman ng isang flyers. Mahalagang maging mabisa ang layout o pagdidisenyo sa flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahalagang impormasyong nais ipabatid.
Maaaring gumamit ng aplikasyong Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo nito. Doon ay mayroon ng mga gabay sa bubuoing layout. Kailangan na lamang maging maingat at matalino sa isusulat sa nilalaman.
Ang flyers ay tinatawag ding circular handbill o leaflet. Ito ay isang uri ng papel na kung saan ipakakalat o ipinapaskil sa lansangan upang makapagbigay alam o impormasyon sa isang bagay o sa negosyo. Karaniwan na ito ay ipinamimigay o ipinamamahagi o ipinadadala sa e-mail na sa paraang simple lamang ngunit nagpapahayag ng detalyadong impormasyon na nais ipabatid sa mga makakatanggap o magbabasa.
Ang flyers ay maaaring gamitin o buoin sa iba’t ibang dahilan maaaring ito ay para sa iisang tao o indibidwal, pangangalakal, konsiyerto o musical, para sa pagpapabatid ng mga produkto at marami pang iba.
Maihahanay ito sa mga postcard, pamphlet o mga maliliit na poster na maaari kang makabuo ng mabilis at sa murang halaga lamang. May iba’t ibang anyo ng flyer. Ang mga halimbawa ay ang sumusunod:
- A4 (humigit-kumulang sinlaki ng letter head)
- A5 (humigit-kumulang kalahati ng laki ng letter head)
- DL (kasinlaki ng compliments slip)
- A6 (kasinlaki ng postcard)
Madalas na nalilito ang karamihan sa flyers at leaflet. Ang leaflet ay madalas na mas maganda ang disenyo kaysa flyer. Ito ay printed, makulay, at higit na may mabuting kalidad. Ang mga layunin ng leaflet ay ang sumusunod:
- Mag-promote ng produkto, serbisyo o organisasyon
- Mailagay sa pahayagan
- Maipamigay sa mataong lugar
- Makatawag ng pansin at makapahayag ng ibig na mensahe
Hakbang sa Paggawa ng Flyer (Francisco et al., 2017)
Sumulat ng pamagat. Marapat na simple at malaki ang pamagat. Hindi dapat ito hihigit sa limang salita, kasya dapat sa isang linya sa pahina, at nakagitna. Dapat mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat upang makita ito ng
mga tao mula sa malayo. Gumamit ng malalaking titik (all caps) at sans serif font tulad ng Arial. May serif ang mga pormal na font tulad ng Times New Roman at Book Antiqua. Maaari rin namang lagyan ng kulay ang pamagat.
Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindi na kailangang basahin ng mambabasa ang kabuoan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ito ng babasa.
Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen, iwasan ang sobrang daming larawan upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer.
Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang ito, ngunit detalyado. Maaari itong dalawa hanggang tatlong linya. Gumamit ng mapanghikayat na mga salita.
Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer.
Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer. Mamigay ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong lugar.
Pagyamanin
Gawain 1 Isa-isahin mo!
Maghanap ng halimbawa ng isang flyer at isa-isahin ang mga nilalaman ng bawat bahagi. Kung walang makukuhang flyers, maaaring sumangguni sa halimbawang makikita sa link na nasa ibaba.
Tukuyin ang mga bahagi ng flyers at isulat sa loob ng kahon.
[illustration: Anihan Technical School flyer, Senior High School (Grades 11-12) with Technical-Vocational Livelihood Track, with four empty boxes around it, connected by arrows to parts of the flyer]
[transcriber’s note: the four boxes are empty in the original; their positions are at upper left, upper right, middle right, and lower left of the flyer]
Gawain 2 Isagawa mo!
Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng hakbang ng pagsasagawa ng isang sulating teknikal. Lagyan ng letra ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito at isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
Paggawa ng Flyers (a-j)
_____ 1. Ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer
_____ 2. Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan.
_____ 3. Alamin ang iyong paksa.
_____ 4. Gawing simple ang mensahe.
_____ 5. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon.
_____ 6. Proofread at i-edit
_____ 7. Pumili ng pamagat
_____ 8. Gumamit ng mga salitang mapanghikayat. Maaari itong dalawa hanggang tatlong linya
_____ 9. Pagkatapos, tiyakin na ang lahat ng bahagi ay nakasaad sa nilalaman ng flyers
_____ 10. Isapubliko at ikalat ang impormasyon
Gawain 3 Paghahambing
Tukuyin at suriin ang dalawang halimbawa ng flyers na nasa ibaba sa tulong ng Graphic Organizer. Alin sa palagay mo ang higit na mahusay batay sa mga katangian at hakbangin na tinalakay. Ipaliwanag nang mabuti kung bakit mo ito napili. Isulat sa malinis na papel ang iyong sagot kung kulang ang espasyong inilaan.
[photo: (A) poster “Come and Join the Filipino Darts Club”, “Kalayaan”, “The 111th Philippine Independence Day”, “2009 Independence Day Dart Tournament”, “May 27, 2009”]
[photo: (B) “Kung trabaho’y regular”, “PILIPINAS Kay Ganda!”, “PALEA FTLU PM”]
A. B.
[chart: graphic organizer; Gawain 3 Paghahambing]
| A. (Katangian) | B. (Katangian) |
|---|---|
(Higit na mahusay? Ipaliwanag mabuti)
[transcriber’s note: the organizer’s boxes and arrows are empty in the original; the layout above shows the columns only]
Pamantayan sa Pagmamarka:
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Nilalaman Kumpleto ang mga bahagi sa pagbuo ng flyers. | 10 puntos |
| Kaisahan at Kaugnayan Malinaw na tinatalakay ang nilalaman o hinahanap sa isang promotional materials at kaugnay lang sa tiyak na produkto. | 10 puntos |
| Kabuoan | 20 puntos |
[transcriber’s note: the original table has no header row; the header above is supplied to match the table layout on the next page]
Isaisip
Basahin at sagutin ang mga tanong.
Ano ang kahulugan ng flyers?_____
Ano ang kadalasang aplikasyon ang ginagamit sa pagbuo o paggawa ng isang flyers?_____
Ano ang pagkakaiba ng flyers sa leaflet? Ipaliwanag nang mabuti ang sagot._____
Bakit naiiba ang flyers sa ibang sulating teknikal sa pagbibigay ng impormasyon? _____
Alin sa mga hakbang sa pagbuo ng flyers, ang higit na mahalaga upang makapagbigay ng impormasyon? Bakit mo ito nasabi?_____
Isagawa
Lumikha ng isang flyer tungkol sa mga paksang ibinigay. Maaaring balikan ang tinalakay na hakbang upang masundan ang wastong pagsasagawa ng flyer. Maaaring pumili ng alinman sa mga sumusunod:
a. Serbisyong pang-mag-aaral na ibinibigay ng iyong paaralan
b. Serbisyong maaaring ibigay at pagkakitaan
c. Organisasyong pampaaralan
d. Negosyong nais pasukin
e. Produktong nais ibenta
Tiyaking sapat ang impormasyong ilalagay sa flyer sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga awtoridad na may alam sa napiling paksa o magsaliksik sa mga aklat o search engines. Gawing malikhain at malinaw ang mensaheng nais iparating.
Pamantayan sa Pagmamarka:
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Kompleto at malinaw ang impormasyong inilahad | 10 |
| Mahusay ang paggamit ng wika | 10 |
| Malikhain at gumamit ng mga biswal na elemento | 10 |
| Malinis at maayos ang kabuoang gawa | 10 |
| Kabuoan | 40 |
*Hango sa #ABKD (Ako Bibo Kase Dapat) Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino ni Voltaire M. Villanueva
Tayahin
Basahin ang mga tanong sa bawat aytem at piliin ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaepektibong anyo ng font na maaaring gamitin sa pamagat ng flyers?
A. San serif font gaya ng Arial B. San serif font gaya ng Courier New C. San serif font tulad ng Comic Sans D. San serif font gaya ng Times New Roman
_____ 2. Bakit mahalagang simple lamang ang mensahe sa flyer?
A. makatitipid sa espasyo B. tumatak sa mga mamimili C. huwag maging magastos sa imprenta D. maunawaan agad ng titingin o babasa ang mensahe
_____ 3. Ano ang dapat tandaan sa paglalapat ng grapikong presentasyon o larawan?
A. Bigyan ng konsiderasyon ang kulay ng mga larawan at teksto. B. Marami at makulay ang larawan upang maging kahali-halina sa mga mamimili.
C. Hindi kailangan ang larawan sa flyer dahil ginagawa lamang ito sa pamamagitan ng mga teksto.
D. Higit na natatandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen, ngunit iwasan ang sobrang daming larawan.
_____ 4. Babasahin na naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at iba pang gabay o detalye hinggil sa isang produkto?
- A. flyer
- B. brochure
- C. Manwal
- D. Poster
_____ 5. Ano ang pangunahing layunin ng promo material?
- A. magmulat
- B. mag-anyaya
- C. magpabatid
- D. manghikayat
_____ 6. Ano ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyers?
- A. pamagat
- B. paglalarawan
- C. pamamahagi
- D. pagsasapubliko
_____ 7. Ano ang ginagamit na aplikasyon sa mahusay na pagbuo ng isang flyer?
- A. MS Word
- B. File Explorer
- C. Microsoft Publisher
- D. Powerpoint Presentation
_____ 8. Ilang espasyo ang dapat na inilalaan sa pagsulat ng pamagat sa isang flyer?
- A. isa
- B. dalawa
- C. hindi tataas sa tatlo
- D. hindi bababa sa dalawa
_____ 9. Anong bahagi ng flyers ang pinaglalaanan ng oras para magpaskil sa mga matataong lugar?
- A. pamagat
- B. paglalarawan
- C. pamamahagi
- D. pagsasapubliko
_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa halimbawa ng flyers??
- A. poster
- B. pamphlet
- C. pahayagan
- D. postcard
_____ 11. Anong uri ng papel ang ipinapakalat o ipinapaskil sa lansangan upang makapagbigay alam o impormasyon sa isang bagay o sa isang negosyo. Ito ay tinatawag ding circular handbill o leaflet.
- A. flyers
- B. pamplet
- C. leaflets
- D. brochure
_____ 12. Ano ang mainam na katangian ng isang pamagat ng flyer?
- A. Nasusulat sa dalawang linya.
- B. Nakatipa ng simple at malaki.
- C. Ginamitan ng maliit na letra
- D. Binubuo ng higit sa limang salita
_____ 13. Alin sa mga nabanggit ang HINDI kabilang sa lugar sa pagsasapubliko ng flyers?
- A. Matataong lugar
- B. Posibleng kalahok
- C. May Pagdiriwang
- D. May Konsiyerto
_____ 14. Paano nilalapatan ng deskripsyon ang produkto sa flyers?
- A. Ginagamitan ng payak na salita.
- B. Karaniwang nakasulat sa isang linya lamang.
- C. Hindi kailangang i-highlight ang susing-salita.
- D. Maikli lamang ngunit detalyadong nababasa sa ilalim ng larawan
_____ 15. Ano ang pangunahing isinasaalang-alang sa pagbuo o paggawa ng flyers?
- A. kulay
- B. haba
- C. layout
- D. presyo
Karagdagang Gawain
Isa-isahin ang mga kaugnay na konsepto sa tulong ng ibinigay na organizer. Gumawa ng angkop na lagom sa nabuong kasagutan. Gawing gabay ang mga susing salita sa ulo at buntot ng isda.
[chart: fishbone diagram; Karagdagang Gawain. Isa-isahin ang mga kaugnay na konsepto sa tulong ng ibinigay na organizer.] Head labels: “Teknikal na Pagsulat” (left) and “Kahalagahan ng FLYERS” (right). Fishbone branch lines are blank for writing.
[chart: fishbone diagram; Karagdagang Gawain (continued)] Head label: “Teknikal na Pagsulat” (left) and “Hakbang sa paggawa ng FLYERS” (right). Fishbone branch lines are blank for writing.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed upside down; the four blocks are transcribed as tables]
Subukin
| Bilang | Sagot |
|---|---|
| 1 | B |
| 2 | A |
| 3 | C |
| 4 | C |
| 5 | C |
| 6 | D |
| 7 | A |
| 8 | D |
| 9 | A |
| 10 | C |
| 11 | B |
| 12 | C |
| 13 | C |
| 14 | C |
| 15 | D |
Balikan
| Bilang | Sagot |
|---|---|
| 1 | A |
| 2 | B |
| 3 | F |
| 4 | C |
| 5 | E |
Pagyamanin
| Bilang | Sagot |
|---|---|
| 1 | G |
| 2 | D |
| 3 | A |
| 4 | E |
| 5 | C |
| 6 | H |
| 7 | B |
| 8 | F |
| 9 | I |
| 10 | J |
Tayahin
| Bilang | Sagot |
|---|---|
| 1 | A |
| 2 | D |
| 3 | D |
| 4 | C |
| 5 | C |
| 6 | D |
| 7 | C |
| 8 | A |
| 9 | D |
| 10 | C |
| 11 | A |
| 12 | B |
| 13 | B |
| 14 | B |
| 15 | C |
Sanggunian
Bandril at Villanueva. 2016. Filipino sa Piling Larangan Isports at Teknikal-Bokasyunal. Vibal, Interactive E-Book Format
Santos, Corazon L, PhD, et, al. 2016. Filipino sa Piling Larang-Tech Voc. Bureau of Curriculum Development. Department of Education
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply