Filipino sa Piling Larang (Isports) Grade 12 Q2 Module 3: Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo

This is Module 3 for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Filipino sa Piling Larang (Isports), a Grade 12 Senior High School subject, released by DepEd through the Alternative Delivery Mode (ADM). Its lesson, Aralin 3, “Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo at Banyaga” (a short study of the history of various native and foreign games), introduces ten traditional Filipino games. Learners then research a game from their grandparents’ childhood and write an essay about it.

What learners will learn

The module lists three competencies:

  • Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (writes a text using careful, correct, and fitting language) (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
  • Naitatala ang mga panuto (rules) sa programang pang-isports (records the rules of a sports program) (CS_FI11/12PD-0g-i-90)
  • Nakapagsasaliksik ng datos kaugnay ng isusulat na piniling anyo ng sulating pang-isports (researches data for a chosen form of sports writing) (CS_FI11/12EP-0m-o-44)

Laro ng Lahi: a short history

The module explains that Filipino traditional games are also called “Laro ng Lahi” (games of the race) because they stand for a culture Filipinos can be proud of. The games were first launched as an event on February 10, 1984 in Laoag, Ilocos Norte. The Ministry of Education, Culture, and Sports (now the Department of Education), the Office of the Provincial Governor, and the Office of the Municipal Mayor led it. The games were later included in Physical Education under the Bureau of Physical Education and School Sports.

The ten traditional games in the module

The main reading, “Sampung Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng mga Pinoy” (the ten most popular traditional Filipino games), describes each game, how it is played, and where it is popular.

GameHow it is playedWhere the module says it is popular
PatinteroTeams of at least 10 try to cross chalk lines without being tagged; a coin toss decides who goes firstBest known in Bulacan
Luksong LubidThree or more players jump over a rope or joined rubber bands that spins faster and faster; the Chinese Garter version raises the garter from ankle to above the headTondo, Manila
TaguanBased on Hide and Seek; the “taya” counts to 30 at a tree (home base) while others hide and try to reach base and shout “save”Pangasinan, Nueva Ecija, Pampanga
TrumpoA wooden top with a nail is spun using a long stringLanao del Sur, home of the biggest top, the Batige
SipaA tansan (bottle cap) with plastic strips is kicked upward; the game ends when it touches the groundPublic schools in Bulacan
Bahay-bahayanChildren act as father and mother of a house, with a doll as the babyAll over the Philippines
Jack-en-poyRock-Paper-Scissors, played with the song “Jack-en-poy, hali, hali hoy!”Manila
Luksong BakaOne player bends with hands on knees; others jump over using only their handsFarms of Pangasinan
SiyatoTwo players use a short stick and a long stick to hit the short one away from home baseVisayas, where it is called Pitiw
Palo SeboPlayers climb a greased bamboo pole to reach a prize at the topLuzon provinces, often at fiestas

Sipa as part of Filipino culture

The Pagyamanin part features an article on sipa from The Varsitarian (2002). It calls sipa one of the oldest games of Muslimlandia and a national traditional game. A team has eight members, the ball is made of rattan and is about the size of a baseball, and the court is smaller than a volleyball court, with a lower net and volleyball-style scoring. It also tells the story of Jesus de Jesus, national sipa champion from 1959 to 1962, who wondered why Filipinos did not support a game admired abroad.

Activities in the module

  • Subukin: a five-item multiple-choice pretest on the games.
  • Balikan: a review table on the parts of a reflective essay (introduction, body, conclusion).
  • Suriin: a table comparing games then and now by materials, place, way of playing, players, and benefits.
  • Pagyamanin: five questions on the sipa article.
  • Isaisip: three reflection questions on why the games of the race matter today.
  • Isagawa: interview your grandparents about a game from their youth, its materials, and how it is played, then write an essay. It is scored on topic, narration, sources, and language, with 5, 3, or 1 points each.
  • Tayahin: a five-item test matching descriptions to games.
  • Karagdagang Gawain: research the history of ten foreign sports in the Philippines, including basketball, football, badminton, boxing, volleyball, and taekwondo.

How to use this module

For learners: Answer the Subukin first, then work through each part in order and finish one activity before moving to the next. Write your answers on a separate sheet, not on the module. The Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end has the answers to the Subukin and Tayahin, so check your work honestly. Return the module to your teacher when you are done.

For parents: The Isagawa task asks learners to interview their grandparents or other elders about old games. You can help by sharing the games you played as a child.

For teachers: The notes for teachers ask you to make sure learners read all parts and instructions before they start, to remind them to be honest in answering and checking, and to track their progress.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 12 Senior High School learners taking Filipino sa Piling Larang (Isports), Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 3.

Which traditional games does the module discuss?

It covers ten games: patintero, luksong lubid, taguan, trumpo, sipa, bahay-bahayan, jack-en-poy, luksong baka, siyato, and palo sebo.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the Subukin pretest and the Tayahin test. The essay and open-ended questions are not covered by the key.

What is Laro ng Lahi?

It is another name for Filipino traditional games, showing a culture Filipinos can be proud of. The module says the games were first launched as an event on February 10, 1984 in Laoag, Ilocos Norte.

What is the main writing task?

Learners interview their grandparents about a game from their childhood, its materials, and how it is played. They then write an essay scored on topic, narration, sources, and language.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 3: Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo

Senior High School

[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a globe and a lantern]

Filipino sa Piling Larang (Isports)

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 3: Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo at Banyaga

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lynette V. Mandap

Editor: John Albert B. Colle

Tagasuri: Mariel Eugene L. Luna

Tagaguhit: Lynette V. Mandap

Tagalapat: May L. Borjal

Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Dr. Jennifer F. Vivas, Dennis M. Mendoza, Micah S. Pacheco, Madeline Ann L. Diaz, Dr. Gina U. Urquia, Mariel Eugene L. Luna

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – NCR

Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 02-929-0153

E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph

Filipino sa Piling Larang (Isports)

Ikalawang Markahan-Modyul 3: Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo at Banyaga

Senior High School

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo at Banyaga

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

[illustration: clipboard icon above a box]

Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral

Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo Banyaga

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

  • Alamin: Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
  • Subukin: Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
  • Balikan: Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
  • Tuklasin: Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
  • Suriin: Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
  • Pagyamanin: Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Para sa mag-aaral (ipagpatuloy)

Para sa mag-aaral (ipagpatuloy) – nasa pahina iv

  • Isaisip: Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
  • Isagawa: Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
  • Tayahin: Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
  • Karagdagang Gawain: Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
  • Susi sa Pagwawasto: Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

  • Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

  1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
  2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
  3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
  4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
  5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
  6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Tatalakayin sa aralin na ito ang maikling saliksik sa kasaysayan ng iba’t ibang larong katutubo.

Sa araling ito, matutuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang mga kasanayang ito:

  • Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
  • Naitatala ang mga panuto (rules) sa programang pang-isports (CS_FI11/12PD-0g-i-90)
  • Nakapagsasaliksik ng datos kaugnay ng isusulat na piniling anyo ng sulating pang-isports (CS_FI11/12EP-0m-o-44)

.

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.

  1. Ang larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat ang popularidad nito sa iba’t ibang lalawigan bagamat mas kilala ito sa Bulakan.

    • A. patintero
    • B. trumpo
    • C. luksong lubid
    • D. taguan
  2. Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag-akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadulas.

    • A. syato
    • B. palosebo
    • C. sipa
    • D. Jack-en-poy
  3. Sa larong ito, may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina sa isang bahay, partikular na ang nipa hut, at may kasamang beybi na manika.

    • A. patintero
    • B. luksong lubid
    • C. luksong baka
    • D. bahay-bahayan
  4. Tinatawag itong Tepak Sakraw sa Indonesia at Sepak Raga sa Malaysia, ang laro na ito ay madaling makita sa lansangan sapagkat mga punit-punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan.

    • A. palosebo
    • C. sipa
    • B. trumpo
    • D. syato
  5. Sa larong ito, ang isang manlalaro ay magbabaluktot ng likod nang bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kaniyang tuhod.

    • A. taguan
    • C. Jack-en-poy
    • B. luksong baka
    • D. luksong lubid

Aralin 3

Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo at Banyaga

Balikan

Itala ang mga dapat tandan sa pagsulat ng replektibong sanaysay gamit ang talahanayan sa ibaba.

Mga Bahagi ng Replektibong SanaysayMga Dapat Tandaan sa Pagsulat
1. Introduksyon
2. Katawan
3. Kongklusyon
Mga Tala para sa Guro

Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.

Tuklasin
Maikling Saliksik sa Kasaysayan ng Iba’t Ibang Larong Katutubo at Banyaga
Ang mga Pinakasikat na Larong Tradisyunal

Alamin mo ang iba’t ibang katutubong laro sa Pilipinas sa modyul na ito. Basahin ang “Sampung Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng mga Pinoy.”

Sampung Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng mga Pinoy

Ang mga tradisyunal na larong Pinoy ay sadyang nakaaakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing imahinasyon. Sa katunayan nga, kahit na magalit pa ang ina kapag umuwi ang bata dahil marumi, pawis, at amoy araw, o maski pa mapingot ang kanilang mga taynga ay hindi nila ito inaalintana makasama lamang sila sa paglalarong ito kasama ng mga kaibigan. Isang napakagandang bagay pa tungkol dito ay puwede itong laruin ng kahit na sino at kahit saan.

Umpisahan natin sa maikling kasaysayan ng larong Pilipino.

Kilala rin ang larong Pilipino sa bansag na “Laro ng Lahi” dahil sinasagisag nito ang kulturang tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino. Unang inilunsad ang palarong ito noong Pebrero 10, 1984 sa Laoag, Ilocos Norte sa pangunguna ng Ministry of Education, Culture, and Sports (ngayo’y Department of Education), Office of the Provincial Governor at Office of the Municipal Mayor. Di naglaon ay ibinilang na rin ito sa ilalim ng araling Physical Education ng Bureau of Physical Education and School Sports.

1. Patintero

Ang larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat ang popularidad nito sa iba’t ibang lalawigan bagamat mas kilala ito sa Bulacan. Bilis, liksi, at galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang-alang ng bawat manlalaro. Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban. Ang isang grupo ay kinabibilangan ng hindi bababa sa 10 miyembro. Maaaring maglaro ng patintero sa kahit anong lugar basta’t nasusulatan ang sahig ng yeso na nagsisilbing marka ng hangganan o kaya naman ay mga linyang dapat malampasan ng bawat manlalaro. Bilang pasimula ng laro, maghahagis ang isa ng barya upang malaman kung aling grupo ang mauunang maglaro at kung sinong grupo ang taya.

2. Luksong Lubid

Ang larong ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit pinagdugtong-dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pag-ikot nito ay papalit naman ang ibang manlalaro sa taya. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter. Sa larong ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.

3. Taguan

Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay maghahanap ng kani-kaniyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

4. Trumpo

Sa madaling pagsasaliksik ng larong trumpo, makikita mo muna ang sikat at hinahangaang palabas noong 90s. Ito ay pinamamagatang “Tropang Trumpo” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Michael V, Gellie De Belen at Carmina Villaroel. Ang nakatatawang palabas na ito ay hango sa larong trumpo. Sa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang Spinning Top sa Ingles, Spun Tsa Lin sa Intsik at Koma Asobi sa Hapon. Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako. Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot-ikot ito sa iba’t ibang direksyon. Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Sa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas; tinatawag itong Batige.

5. Sipa

Tinatawag na Tepak Sakraw sa Indonesia at Sepak Raga sa Malaysia, ang larong ito ay madaling makikita sa lansangan sapagkat mga punit-punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan. Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis at pagsipa pataas gamit ang paa, siko o iba pang parte ng katawan. Kapag sumayad na sa lupa ang tansan, ibig sabihin ay tapos na ang laro. Madalas kang makakakita ng mga batang naglalaro ng sipa sa mga pampublikong paaralan ng Bulacan, pagkatapos ng kanilang mga klase.

6. Bahay-bahayan

Katulad ng larong ito ang Titser Titseran (Umaarteng guro) at Doktor doktoran (umaarteng doktor). Sa larong ito ay may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina ng isang bahay, partikular na ang kubo o nipa hut, at may kasamang manika na nagsisilbing beybi. Ang karaniwang ginagawa ng ama dito ay pumapasok sa trabaho habang ang ina na nakasuot ng saya ay naghahanda ng makakain gamit ang mga putik na gawa sa plato at mga damo at bulaklak na nagsisilbing pagkain. Inaalagaan din ng umaarteng ina ang beybi na manika na kanilang anak. Kalat ang kasikatan ng larong ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sapagkat bawat bata ay mismong sa magulang nakakakuha ng ideya kung paano sila gagayahin.

7. Jack-en-poy

Sa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper-Scissors. Ang larong ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting. Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy, hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy! Kinahihiligan ito ng karamihan sa Maynila.

8. Luksong Baka

Sa larong ito, ang isang manlalaro ay yuyuko ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kaniyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.

9. Siyato

Kung tatanungin mo ang mga bata sa Visayas tungkol sa larong Pitiw (syato), ay kilalang kilala nila ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base. Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.

10. Palo Sebo

Hindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo. Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas. Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo. Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito.

Jack-en-poy, hali hali hoy! Sinong matalo siyang unggoy! Tara na at maglaro!

Ipamana natin ito sa kabataang Pilipino na isinilang sa ibang bansa, dahil ang mga larong ito ay tatak ng isang tunay na Pilipino.

Kinuha mula sa: https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/sampungpinakasikat-nalarong-tradisyunal-ng-mga-pinoy/(15 February 2012)

Suriin

Paghambingin ang mga laro noon at ngayon sa pamamagitan ng talahanayan sa ibaba.

Paghahambing ng mga Laro: Pokus ng PaghahambingNoonNgayon
1. Kagamitan
2. Lugar
3. Paraan ng Paglalaro
4. Manlalaro
5. Pakinabang
Pagyamanin

Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito pagkatapos.

Sipa: Isang sulyap sa Kulturang Pilipino

Marichelle O. Balay (The Varsitarian) | August 30, 2002

Isa sa pinakalumang laro ng Muslimlandia at kinikilalang pambansang tradisyonal na laro ang sipa. Patuloy itong kinikilala hanggang ngayon. Lahat ng klase ng tao ay maaring makapaglaro nito. Kinakailangan lamang ang malusog na pisikal na pangangatawan at ang dalawang binti kung kaya’t karamihan sa mga Pilipino ay nagustuhan ito. Naging bahagi na din ito ng makasaysayang kultura ng mga Pilipino na siya din namang nakakuha ng atensyon ng mga turista.

Binubuo ng walong miyembro ang sipa. Yari sa rattan at halos kasing laki ng bola ng baseball ang ginagamit sa larong ito. Mas maliit naman sa volleybal court ang ginagamit sa sipa at mas mababa ang net dito. Pareho din ng sa volleyball ang paraang ginagamit na scoring dito.

Kinikilalang pinakamatanda sa larong sipa si Jesus de Jesus noong dekada 70. Madalas na nag-eensayo si de Jesus sa Rizal Park sa pagnanais niyang lalong makilala ang larong ito. Dahil dito, naging tanyag na pambansang kampeon ng sipa 1959-1962 si de Jesus.

Nang wala ng torneo ng sipa na itinatanghal, napilitan si de Jesus na tumigil sa paglalaro. Ayon kay de Jesus, hindi niya maintindihan kung bakit hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang larong sipa habang lubos na hinahangaan ito ng mgq ibang tao sa ibang bansa dahil sa kagandahan at kasimplehan nito. Bukod sa natatangi ito, minimal din ang pagkakataon na masaktan sa larong sipa.

Subok na ng panahon ang sipa, kung kaya’t walang dahilan upang hindi ipagpatuloy ang pagtangkilik sa larong ito na tunay namang maipagmamalaki nating mga Pilipino.

  1. Ano-ano ang kailangan upang makapaglaro ng sipa?


  1. Paano nilalaro ang sipa?


  1. Bakit hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang larong sipa?



  1. Ano ang dahilan at may mga larong Pinoy gaya ng sipa na nananatili na lamang bahagi ng kasaysayan at kultura ng mga Pilipino?



  1. Ano sa palagay mo ang tungkulin ng mga Pilipinong manlalaro gaya mo sa pagtataguyod ng mga larong unti-unti nang kinikilala bilang bahagi na lamang ng kasaysayan?



Isaisip

Sagutin ang sumusunod na tanong:

  1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga laro ng lahi?





  1. Paano ninyo ipagmamalaki ang mga ganitong laro sa mga kapwa ninyo kabataan sa makabagong panahon?





  1. Bakit mahalagang maipagpatuloy ang paglalaro ng mga larong ito sa kabila ng pagiging modern ng mga laro sa kasalukuyan?





Isagawa

Magtanong-tanong at magpakuwento sa iyong mga lolo’t lola ng mga larong madalas nilang laruin noong kanilang kabataan, mga kasangkapang kailangan para dito, at kung paano ito nilalaro. Mula sa mga nakalap na datos, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa larong iyong nasaliksik. Gawing batayan ng bubuuing sanaysay ang Pamantayan sa Pagmamarka sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka531
PaksaMalinaw na naipaliwanag ang paksaMay banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang-diinHindi malinaw ang paksa
PagsasalaysayMahusay at malinaw na naipahatid gamit ang pagsasalaysayMaligoy at hindi malinaw ang punto ng pagsasalaysayMay kalabuan ang paraan ng pagsasalaysay
BatayanNakapagbigay ng sapat na mga datos mula sa mga taong nakapanayam at babasahing sinaliksikNagbibigay ng ilang datos mula sa naging panayamWalang batayan ang saliksik
WikaNaipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wikaNaipahahatid ang nais sabihin gamimt ang wastong wika.Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng larong tinutukoy sa bawat bilang.

a. Taguan b. Trumpo c. Jack-en-poy d. Luksong lubid e. Syato

  1. Ang larong ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro simple lamang na kahit pinagdugtong-dugtong na goma ay maaaari nang gamitin.
  2. Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na mayroong pakong nakabaon sa ulo ng kahoy at isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy.
  3. Ito ay hango sa salitang Ingles na “Hide and Seek”. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno, at matatas na halaman.
  4. Dalawang manlalaro ang maglalaban ditto. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito.
  5. Ang larong ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Sa Ingles, ang bansag dito ay “Rock-Paper-Scissors.
Karagdagang Gawain

Saliksikin ang kasaysayan ng mga nakatalang isports sa ibaba

Mga Banyagang Isports sa PilipinasMaikling Kasaysayan o Pinagmulan
1. Basketball
2. Football
3. Badminton
4. Speak-Takraw

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Mga Banyagang Isports sa PilipinasMaikling Kasaysayan o Pinagmulan
5. Boxing
6. Baseball
7. Billiards
8. Volleyball
9. Bowling
10. Taekwondo
Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key box is printed upside down; the text below is transcribed as it reads after rotation]

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1A, 2B, 3D,4C, 5B

Tayahin

1D, 2B, 3A,4E,5C

Mga Sanggunian

Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikaat Kulturang Pilipino.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio.

Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Santos, Corazon at Ma. Althea Enriquez. Filipino sa Piling Larang Isports – Kagamitan ng Mag-aaral.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *