This is the Senior High School self-learning module for Filipino sa Piling Larang (Isports), Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 2: “Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports” (reflective essay about a sports experience). It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module for Grade 12 learners, published by DepEd NCR (first edition, 2020). After working through it, learners should be able to explain what a reflective essay is, recognize its parts, and write their own reflective essay about a sports experience.
What learners will learn
The module, which covers Aralin 2 (Lesson 2), discusses two topics:
- The meaning of a reflective essay about a sports experience
- An example of a reflective essay about sports
It targets these competencies, as printed in the module:
- Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (explains the importance, nature, and process of the chosen form of sports writing) (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
- Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (writes using careful, correct, and appropriate language) (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
- Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports (considers ethics when writing about sports) (CS_FI11/12PU-0m-o-101)
What a reflective essay is
The module explains that a replektibong sanaysay (reflective essay) takes up common issues, events, or experiences that do not need long research. The points it discusses usually come from the writer’s own experience or from events the writer witnessed. Unlike a biography, which tells the story of a person’s life, a reflective essay aims to justify, explain, or analyze a particular account and bring out its value for a person’s life and for society.
Key ideas from the lesson:
- It is a narrative form of writing that focuses less on writing style and more on analyzing the account the writer presents.
- It can be seen as an academic way of building new knowledge about the self, society, and issues, because readers are also expected to judge the value and truth of what the writer shares.
- It is not easy to write. Writers sometimes want to keep personal stories to themselves, so reflective writing takes courage, careful word choice, and an objective way of telling.
Parts of a reflective essay
| Part | What it does |
|---|---|
| Panimula (introduction) | Introduces or explains the topic or activity, directly or indirectly, and should catch the reader’s interest. |
| Katawan (body) | Like a short story, it stresses the strong feelings tied to the event. It holds most of the narration, observations, realizations, and lessons learned, and what the writer wants to change. |
| Kongklusyon (conclusion) | Leaves a lasting impression, states the point and importance of the event, and shows how the essay contributes to better understanding for everyone. |
The sample reading
In the Suriin part, learners read a Philippine Information Agency feature by Imelda C. Rivero, “Sa sports nadedebelop ang karakter ng kabataan” (sports develop the character of the youth), about Cong. Monsour del Rosario’s speech at the closing of Palarong Pambansa 2018 in Ilocos Sur. Del Rosario, a former national taekwondo athlete and Olympian, says there are three kinds of education: in the family, in school, and in sports. He explains that sports teach young people how to lose, rise again, and win, and that desire, discipline, and determination matter for athletes and for life. Learners then answer three questions about the reading.
Activities in the module
- Balikan: compare Lathalain (feature article) and Sports Analysis by topic, writing style, readers, language, and purpose.
- Pagyamanin: write a reflective essay about your own experiences in a sport you enjoy.
- Isaisip: answer five questions on the purpose, language, and key elements of a reflective essay.
- Isagawa: research a Filipino medalist from the Tokyo Olympics 2020 and write a reflective essay about that athlete’s sports experience, plus a 10-item true-or-false test (T for tama, M for mali).
- Karagdagang Gawain: write one more reflective essay about your own experience as an athlete.
The essays are graded with this rubric (5, 3, or 1 point per criterion):
| Criterion | What earns 5 points |
|---|---|
| Paksa (topic) | The topic is clearly explained. |
| Pagsasalaysay (narration) | The story is told well and clearly. |
| Batayan (basis) | Supporting details come from careful analysis of the issue. |
| Wika (language) | The point is explained well through skillful use of language. |
How to use this module
- Learners: Answer the Subukin (pretest) first. If you get every item right, you may skip that part. Follow the parts in order, read each instruction carefully, and finish one activity before moving on. Write on separate paper, not on the module, and return the module to your teacher when done.
- Parents: You may help your child when an activity is hard, as the module encourages learners to ask family members for support.
- Teachers: As facilitator, show learners how to use the module, monitor and record their progress, and grade the essays using the rubric. The Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end covers the Subukin and the final true-or-false test.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Grade 12 (Baitang 12) learners taking Filipino sa Piling Larang (Isports), Quarter 2, Module 2.
What are the parts of a reflective essay according to the module?
The module names three parts: Panimula (introduction), Katawan (body), and Kongklusyon (conclusion). The body holds most of the narration, observations, and lessons learned.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest and the 10-item final true-or-false test. The essays are graded by the teacher using a rubric.
What essays will learners write?
Learners write a reflective essay about their own sports experiences, one about a Filipino medalist from the Tokyo Olympics 2020, and another about their own experience as an athlete.
How are the essays graded?
They are scored 5, 3, or 1 on four criteria: Paksa (topic), Pagsasalaysay (narration), Batayan (supporting basis), and Wika (language).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 2: Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports
[illustration: students and a teacher studying and reading outdoors and at a desk, with a globe and a lantern]
Senior High School
GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE
Copyright and Credits
Filipino sa Piling Larang (Isports) Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Role | Name |
|---|---|
| Manunulat: | Lynette V. Mandap |
| Editor: | John Albert B. Colle |
| Tagasuri: | Mariel Eugene L. Luna |
| Tagaguhit: | Lynette V. Mandap |
| Tagalapat: | May L. Borjal |
| Tagapamahala: | Malcolm S. Garma Dr. Jennifer F. Vivas Dennis M. Mendoza Micah S. Pacheco Madeline Ann L. Diaz Dr. Gina U. Urquia Mariel Eugene L. Luna |
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – NCR
Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Telefax: 02-929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 2: Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports
Senior High School
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
| Icon | Bahagi | Paliwanag |
|---|---|---|
| [illustration: hand pointing] | Alamin | Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. |
| [illustration: hand holding pencil] | Subukin | Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul. |
| [illustration: hand holding globe] | Balikan | Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. |
| [illustration: hand holding plant] | Tuklasin | Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. |
| [illustration: magnifying glass] | Suriin | Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. |
| [illustration: hand holding blocks] | Pagyamanin | Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. |
3
| Icon | Bahagi | Paliwanag |
|---|---|---|
| [illustration: lightbulb] | Isaisip | Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. |
| [illustration: hand with tools] | Isagawa | Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. |
| [illustration: hand with pen] | Tayahin | Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. |
| [illustration: gears] | Karagdagang Gawain | Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. |
| [illustration: key] | Susi sa Pagwawasto | Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. |
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
| Icon | Bahagi | Paliwanag |
|---|---|---|
| Sanggunian | Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. |
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
- Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
- Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
4
Alamin
Tatalakayin sa aralin na ito ang sumusunod:
- Kahulugan ng replektibong sanaysay ukol sa karanasang pang-isports
- Halimbawa ng replektibong sanaysay ukol sa isports
Sa araling ito, matutuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang mga kasanayang ito:
- Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
- Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
- Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports (CS_FI11/12PU-0m-o-101)
Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.
Ang terminong “Repleksyon” ay nangangahulugang ________________.
a. pagbabalik-tanaw
b. isang uri ng panitikan
c. naglalarawan
d. pangangatwiranAng Replektibong Sanaysay ay _______________.
a. pagbabalik-tanaw
b. isang uri ng panitikan
c. naglalarawan
d. pangangatwiran
5
Binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag.
a. Sanaysay
b. Replektibo
c. Sports
d. KuwentoNais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik.
a. Layunin
b. Konsiderasyon
c. Kahulugan
d. HalimbawaIsaisip ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin.
a. Layunin
b. Konsiderasyon
c. Kahulugan
d. Halimbawa
6
Aralin 2: Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports
Balikan
Ibigay ang pinagkaiba ng Lathalain at Sports Analysis
| Pokus | Lathalain | Sports Analysis |
|---|---|---|
| Paksa | ||
| Paraan ng Pagsulat | ||
| Katangian ng Mambabasa | ||
| Gamit ng wika | ||
| Layunin ng Pagsulat |
Tuklasin
Replektibong Sanaysay ukol sa Karanasang Pang-isports
Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kaniyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor-Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang tahas na katangian ng karaniwang sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.
Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa. Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito ay sa kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat, at katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.
Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng replektibong sanaysay o ang mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat at indibidwal, may mga pagkakataong nais mo na lamang itago sa iyong kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin ang mga ito sa iyong panulat (University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging obhetibo sa pagsasalaysay. Sa kabila ng lahat, ang mga manunulat naman ay narito upang tumulong sa pagpapahusay at pagpapabuti ng sangkatauhan.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
- Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
- Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga angmaigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
- Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kaniyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.
Suriin
Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga tanong.
“Feature: Sa sports nadedebelop ang karakter ng kabataan – Cong. Monsour Del Rosario” ni Imelda C. Rivero
BANTAY, Ilocos Sur, April 24 (PIA) — Ang sports education kung minsan nalilimutan pero ito ay importante dahil dito nadedebelop ang karakter ng kabataan, ani Manuel Monsour del Rosario, ang representante ng unang distrito ng Lungsod ng Makati, sa mga atleta sa pangwakas na seremoniya ng Palarong Pambansa 2018 sa Pres. Elpidio Quirino stadium sa bayang ito noong Abril 21.
Sinabi niya ito dahil naniniwala siya na may tatlong klase ng edukasyon: una ang edukasyon sa pamilya na nakukuha sa mga magulang, sa bahay, sa mga kapatid dahil dito nag-uumpisa ang edukasyon ng isang tao; pangalawa ay edukasyon sa paaralan mula grade school, high school at kolehiyo upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa maraming bagay sa buhay. At ang ikatlo ay edukasyon sa isports.
Sa isports natututunan ng mga bata na hindi araw-araw na nakikipagkompetisyon ay parating mananalo. Dito mararanasan ang pagkatalo, ang pagkapanalo. Dito matutunan kung paano huhugutin ang sarili para makabangon sa pagkatalo. Dito natututunan kung paano magiging kampeon, sabi ni del Rosario, na nagging isa ring atleta sa athletics, pero hindi nananalo sa mga kompetisyong sinalihan.
Ang isports ay parang buhay,” ani del Rosario,” na kung saan natatalo at nananalo tayo.” Iginiit niya na sa isport natutunan ng isang atleta ang tungkol sa kaniyang sarili, manalo man ito o matalo.
Parte si del Rosario ng Philippine National Taekwondo Team noong 1982 hanggang 1989 at naging kapitan ng grupo sa huling apat na taon. Bago ito nakuha niya ang Korean 8th Dan taekwondo black belt noong kabataan niya na naging estudyante siya ni Hong Sung-Chon.
Nakamit niya ang unang puwesto sa Pilipinas sa lightweight division noong nasa national team siya. At nagkampeon ng ikawalong beses sa National Lightweight Championship.
Ibinahagi niya ang palagi niyang sinasabi sa mga atleta ng taekwondo na sumasabak sa internasyonal na competition, noong siya ay coach ng national team. “Pag nakaapak ka na sa ring, gawin mong apoy ang iyong takot. At kung makipaglaban ka, makipaglaban ka ng may paghahangad.”
Ito daw ang kaniyang sinasabi dahil naniniwala siya na may tatlong importanteng bagay para maging isang matagumpay na atleta: paghahangad, disiplina, at determinasyon. Hindi lang sa isang atleta importante ang mga ito kundi para sa lahat, sa buhay.
Iginiit din ni del Rosario ang pagpapasalamat sa Diyos ng mga atleta dahil nakatikim sila ng ganitong palaro. Pati na rin ang mga nananalo na dapat maging mapagpakumbaba at magpatuloy sa pagprogreso ng laro. Ang pagsusumikap na lalo pang pag-ibayuhin ang pagsasanay ang magbibigay ng pagkakataon upang ang isang atleta ay makasali sa national team na naglalaro para sa bansa sa mga internasyonal na kompetisyon tulad ng Asian Games, world games o sa Olympics na pinakamataas na lebel ng isang atleta.
Ang pakikilahok ng isang atleta sa internasyonal na mga kompetisyon ay magiging panghabangbuhay na bahagi ng kaniyang mga magagandang alaala, sabi pa ni del Rosario. At ang karanasan dito ay magagamit sa buhay.
Mula 1982 hanggang 1989 nakipaglaban si del Rosario sa 1988 Seoul Olympics, Southeast Asian Games, Asian Games, World Games, World Taekwondo Champioships, at Asian Taekwondo Championships. Nanalo siya ng ginto sa ika-14 at ika-15 Southeast Asian Games, bronze sa ika-10 Asian Games, at nakarating sa quarter final sa 1988 Seoul Olympic Games.
Muli pinayuhan niya ang mga atleta ng palaro: “Ang mga natatalo ay dapat magsumikap na makilaban muli. At ang mga nananalo ay dapat maging palakaibigan sa mga tinalo dahil sa susunod na laban sila ang maaaring manalo. Dito naipapakita na ang isports ay tungkol sa pagkakaisa, pagkakapatid, kapayapaan, pagkakaibigan.”
Ipinarating din ni del Rosario ang kaniyang tuwa sa palaro sa probinsiya, at kay Gobernador Ryan Luis V Singson ng Ilocos Sur dahil binibigyan niya ang kabataan sa probinsiya ng mga aktibidades na puwede nilang gawin. Ang mga magagandang komento tungkol sa palaro sa probinsiya at dahil dito nasabi niyang mahihirapan ang mga susunod na host ng palaro upang magawang kasinghusay ang palaro sa Ilocos Sur.
Sa pagtatapos niya, kinausap niya ang mga taga-Western Visayas dahil taga- Bacolod siya. Masaya siyang nasa pangunahing tatlong posisyon ang rehiyon na may 46 na ginto, 45 silver at 55 bronze sa palarong ito.
Sa palarong ito nangunguna pa rin ang National Capital Region na may 100 gold, 70 silver at 50 bronze; pangalawa ang Calabarzon na may 55 gold, 70 silver at 73 bronze. (ajc/ICR/PIA1 Ilocos Sur)
Kinuha mula sa: Rivero, Imelda C. (24 April 2018). “Feature: Sa sports nadedevelop ang karakter ng kabataan – Cong Monsour Del Rosario” Philippine Information Agency.https://pia.gov.ph/news/articles/1007071
Mga Tanong:
- Ano-ano ang tatlong klase ng edukasyon na pinaniniwalaan ni Manuel Monsour del Rosario?
- Bakit mahalagang maranasan ng mga bata o manlalaro ang manalo at matalo?
- Paano nagkakatulad ang isports at ang buhay ng tao?
Pagyamanin
Balikan ang mga naging karanasan mo sa isports na iyong kinahihiligan, ang kaisipan at damdaming nanaig sa iyo sa mga karanasang iyon. Pagkatapos, sumulat ka ng replektibong sanaysay kaugnay ng mga karanasang ito. Bigyang-pansin ang Pamantayan sa Pagmamarka na gagamitin ng iyong guro upang markahan ang iyong magiging sulatin.
Pamantayan sa Pagmamarka
| 5 | 3 | 1 | |
|---|---|---|---|
| Paksa | Malnaw na naipaliwanag ang paksa | May banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang-diin | Hindi malinaw ang paksa |
| Pagsasalaysay | Mahusay at malinaw na naipahatid gamit ang pagsasalaysay | Maligoy at hindi malinaw ang punto ng pagsasalaysay | May kalabuan ang paraan ng pagsasalaysay |
| Batayan | Nagbibigay ng mga suportang detalye na batay sa matamang pagsusuri sa isyu | Nagbibigay ng suporta sa argumento ngunit hindi ganoon kalinaw ang ugnnayan | Walang batayan ang opinyon |
| Wika | Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika | Naipahahatid ang nais sabihin gamimt ang wastong wika. | Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag |
Isaisip
Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa replektibong sanaysay:
- Ano ang mahalagang layuning nililinang sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
- Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
- Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
- Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
- Ano ang mahahalagang sangkap na dapat taglayin sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?
Isagawa
Bilang pagkikilala sa mga Pilipinong atletang nakasungkit ng medalya sa nakaraang Tokyo Olympics 2020, pumili ng isa sa kanila at saliksikin ang mga karanasan at pinagdaanan bago niya nakamit ang tagumpay. Sumulat ng replektibong sanaysay tungkol sa kanyang karanasang pang-isports. Maaari mo itong isulat sa panibagong papel. Bibigyan ito ng marka batay sa mga pamantayang ginamit din sa “Pagyamanin”.
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang T kung tama at letrang M kung mali ang sumusunod na pahayag.
_____1. Hind naglalahad ng interpretasyon ang replektibong sanaysay.
_____2. Nais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik.
_____3. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailanganggamitin sa pagsulat ng sanaysay.
_____4. Ang terminong repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik-tanaw.
_____5. Higit na binibigyan ng pansin ang pagpapaganda ng panimulang bahagi ng sanaysay.
_____6. Ang palakasan o isports ay binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag.
_____7. Tumatalakay ng iba’t ibang aspekto ng karanasan ang sanaysay.
_____8. Naglalayon din itong maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan
_____9. Ang kongklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay.
_____10. Ang malinaw at direktang punto de vista ay mabisa upang makuha agad ng mambabasa.
Tayahin
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang T kung tama at letrang M kung mali ang sumusunod na pahayag.
_____1. Hind naglalahad ng interpretasyon ang replektibong sanaysay.
(Note: this item repeats the instruction block above as printed.)
Karagdagang Gawain
Tiyak na ikaw mismo ay may mga karanasan din bilang isang atleta sa iyong piniling isport. Sa panibagong papel, sumulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa iyong karanasang pang-isports.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer box below is printed upside down on the page; it has been read after rotation]
Susi sa Pagwawasto Subukin 1C, 2A, 3C, 4D, 5B Pangwakas na Pagtataya 1M, 2T, 3T, 4T, 5M, 6T, 7T, 8T, 9T, 10T
Mga Sanggunian
Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio.
Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply