Filipino sa Piling Larang (Isports) Modyul: Kritika ukol sa Isang Bagong Likhang Laro

Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Ang araling ito ay magpapakita ng mga kaalaman at kaugnayan sa pananaliksik sa isang pangyayari sa isports. Tatalakayin sa modyul na ito ang pagsulat ng kritika ukol sa isang bagong likhang laro.

Sa araling ito, matutuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang mga kasanayang ito:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ngsulating pang-isports.

2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika.

3. Nakapagsasaliksik ng datos kaugnay ng isusulat na piniling anyo ng sulating pang- isports.

4. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports .

Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan Modyul: Kritika ukol sa Isang Bagong Likhang Laro

Filipino-sa-Piling-Larang-Isports_Module-4-1

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment